tl_udb/32-JON.usfm

152 lines
10 KiB
Plaintext

\id JON
\ide UTF-8
\h Jonas
\toc1 Jonas
\toc2 Jonas
\toc3 jon
\mt Jonas
\s5
\c 1
\p
\v 1 Isang araw sinabi ni Yahweh kay propeta Jonas na anak ni Amitai,
\p
\v 2 "Nakita ko kung gaano kasama ang mga taong nakatira sa malaking siyudad ng Ninive. Kaya pumunta ka doon at balaan ang mga tao na binabalak kong sirain ang kanilang lungsod dahil sa kanilang mga kasalanan."
\p
\v 3 Ngunit sa halip na pumunta sa Ninive, nagtungo si Jonas sa dako ng lungsod ng Tarsis, upang mapalayo mula kay Yahweh. Bumaba siya sa lungsod ng Joppa. Nagbayad siya doon ng pera para maglakbay sa barko na papunta sa lungsod ng Tarsis, at sumakay siya rito.
\s5
\p
\v 4 Pagkatapos bumaba siya sa mas mababang palapag, humiga, at mahimbing na natulog. Ngunit dinulot ni Yahweh ang napakalakas na hanging humampas, at mayroong ganoon napakalakas na bagyo na ang mga mandaragat ay nag-iisip na masisira na ang barko.
\p
\v 5 Lubhang natakot ang mga mandaragat. Dahil doon, ang bawat isa sa kanila ay nagsimulang magdasal sa kanilang mga diyos upang iligtas sila. Pagkatapos itinapon nila ang kargamento sa dagat upang mapagaan ang barko para hindi ito lumubog agad.
\s5
\p
\v 6 Pagkatapos bumaba ang kapitan sa lugar na kung saan natutulog ng mahimbing si Jonas. Ginising siya at sinabi sa kanya, "Paano ka nakakatulog habang ganito ang bagyo? Bumangon ka at magdasal sa iyong diyos! Marahil maaawa siya sa atin at ililigtas tayo, upang hindi tayo malulunod!"
\q1
\v 7 Pagkatapos sinabi ng mga mandaragat sa bawat isa, "Kailangang magpalabunutan tayo, kailangan malaman natin kung sino ang dahilan ng lahat ng kaguluhang ito!" Kaya ginawa nila iyon, at itinuro ng palabunutan si Jonas.
\s5
\p
\v 8 Kaya nagtanong sa kanya ang marami sa kanila, "Sino ang isang tao na nagdulot sa atin ng lahat ng kaguluhang ito?" "Anong gawain ang ginagawa mo?" "Saan ka nanggaling?" "Anong bansa at sa anong mga tao ka nabibilang?"
\p
\v 9 Tumugon si Jonas, "Ako'y isang Hebreo. Sinasamba ko si Yahweh na Diyos, na nanahan sa langit. Siya ang siyang gumawa ng langit at ng lupa.
\p
\v 10 Tumatakbo ako palayo mula kay Yahweh, siya ang tumawag sa akin para maging isang propeta." Pagkatapos marinig ng mga mandaragat iyon, sila ay natakot. Kaya sinabi nila sa kanya, "Napagtanto mo ba kung ano ang kaguluhang dinulot mo?"
\s5
\p
\v 11 Patuloy ang bagyo sa pagiging malubha at patuloy sa pagiging mas malaki ang mga alon. Kaya nagtanong ang isa sa mga mandaragat kay Jonas, "Ano ang dapat naming gawin sa iyo upang humupa ang dagat para sa atin?"
\q1
\v 12 Sumagot siya, "Buhatin ninyo ako at itapon ako sa dagat. Kung gagawin ninyo iyon, huhupa ito para sa inyo. Alam ko na nangyari itong nakakatakot na bagyo dahil hindi ko ginawa kung ano ang sinabi sa akin ni Yahweh na gawin."
\q1
\v 13 Ngunit hindi gustong gawin ng mga mandaragat iyon. Sa halip, sinikap nilang magsagwan upang makabalik ang barko sa lupa. Ngunit hindi nila iyon nagawa, dahil nagpatuloy na naging malubha ang bagyo.
\s5
\p
\v 14 Kaya nagdasal sila kay Yahweh, at isa sa kanila ang nagdasal, "O Yahweh, pakiusap huwag mong sabihin na kami ang may kasalanan kung mamamatay ang taong ito; pakiusap huwag mo kaming patayin. O Yahweh, nagawa mo kung ano ang gusto mong gawin."
\p
\v 15 Kaya binuhat nila si Jonas at itinapon siya sa dagat. Pagkatapos humupa ang dagat.
\p
\v 16 Nang nangyari iyon, lubhang namangha sa kapangyarihan ni Yahweh ang mga mandaragat. Kaya naghandog sila ng isang alay kay Yahweh, at mariing ipinangako nila na gagawin nila ang mga bagay na ikakagalak niya.
\s5
\p
\v 17 Habang ginagawa nila iyon, nagpadala si Yahweh ng isang pagkalaki-laking isda na naglulon kay Jonas. Kaya nandoon si Jonas sa loob ng isda ng tatlong araw at tatlong gabi.
\s5
\c 2
\p
\v 1 Habang nasa loob siya ng isang pagkalaki-laking isda, nanalangin si Jonas kay Yahweh na Diyos, na kaniyang sinamba.
\p
\v 2 Sinabi ni Jonas, "Yahweh, nang labis akong namimighati dito, nanalangin ako sa iyo, at narinig mo kung ano ang aking dalangin. Nang pababa na ako sa lugar kung saan tumutungo ang mga patay na mga tao, narinig mo ako nang tumawag ako sa iyo para ako'y tulungan.
\s5
\q
\v 3 Itinapon mo ako sa malalim na tubig, sa kailaliman ng dagat. Nakapalibot sa akin ang ginawa mong malakas na mga alon sa dagat, at bumagsak sa akin ang mga malalaking alon.
\p
\v 4 Kaya naisip ko, 'Pinalayas mo ako, at hindi na ako kailanman maaaring muling makapasok sa iyong presensya. Hindi ko na kailanman muling makikita ang iyong banal na templo sa Jerusalem!'
\s5
\p
\v 5 Nakapalibot sa akin ang tubig, at halos lunurin ako. Nakabalot ang damong-dagat palibot sa aking ulo.
\p
\v 6 Nalunod ako kung saan nagsimulang tumataas ang mga bundok mula sa kailaliman ng dagat. Inisip ko na magpakailanman na tila nakakulong ang aking katawan sa loob ng lupa na nasa ilalim ko. Ngunit ikaw, Yahweh na Diyos, na aking sinasamba, nagligtas sa akin sa pagbaba papunta sa lugar ng mga patay!
\s5
\q
\v 7 Nang malapit na akong mamatay, Yahweh, naiisip kita. Narinig mo ang aking dalangin, sa taas kung nasaan ka, sa iyong banal na templo.
\p
\v 8 Tinatanggihan ka ng lahat ng sinumang sumasamba sa walang kabuluhang mga diyus-diyosan, ang siyang maaaring maging matapat sa kanila.
\s5
\q
\v 9 Ngunit aawitan kita ng pasasalamat, at maghahandog ako ng isang alay sa iyo. Walang alinlangan kong gagawin kung ano ang mataimtim kong ipinangakong gawin. Yahweh, ikaw ang nag-iisang makakapagligtas sa amin."
\p
\v 10 Kaya inutusan ni Yahweh ang pagkalaki-laking isda na isuka si Jonas, at isinuka ng isda si Jonas sa dalampasigan.
\s5
\c 3
\p
\v 1 Pagkatapos sinabi muli ni Yahweh kay Jonas,
\p
\v 2 "Pumunta ka sa malaking lungsod ng Ninive, at sabihin sa kanila ang mensahe na ibinigay ko sa iyo dati."
\p
\v 3 Kaya sa pagkakataong ito sinunod ni Jonas si Yahweh, at pumunta siya sa Ninive. Napakalaki ng lungsod na iyon. Kailangang maglakad ng tatlong araw ang isang tao upang ganap na mapuntahan ito.
\s5
\p
\v 4 Nang dumating na si Jonas, nagsimula siyang maglakad sa lungsod sa loob ng isang araw. Pagkatapos nagsimula siyang magpahayag sa mga tao, "Apatnapung mga araw mula ngayon, wawasakin ang Ninive!"
\p
\v 5 Naniwala sa mensahe ng Diyos ang mga tao sa Ninive. Nagpasya silang lahat na dapat magsimulang mag-ayuno ang bawat isa. Kaya ginawa ito ng lahat, kabilang ang lahat ng mahahalagang mga tao at lahat ng hindi mahalagang mga tao. Isinuot din nila ang magaspang na tela, upang ipakita na nagsisisi sila sa kanilang pagkakasala.
\s5
\p
\v 6 Narinig ng hari ng Ninive ang tungkol sa mensahe ni Jonas. Kaya hinubad niya ang kaniyang maharlikang kasuotan, at isinuot din niya ang magaspang na tela. Umalis siya sa kaniyang trono at umupo kung saan mayroong malamig na mga abo, upang ipakita na nagsisisi rin siya sa kaniyang pagkakasala.
\p
\v 7 Pagkatapos nagpadala siya ng mga mensahero upang ipahayag sa mga tao sa Ninive: "Ako at ang aking mga tagapayo ay nag-atas na walang sinuman ang maaaring kumain o uminom ng kahit anumang bagay. Huwag din ninyong hayaan na kumain at uminom ang inyong mga hayop.
\s5
\p
\v 8 Sa halip, dapat magsuot ang bawat tao ng magaspang na tela. Soutan din ninyo ng magaspang na tela ang inyong mga hayop. Pagkatapos dapat magdasal ng mataimtim ang bawat isa sa Diyos. At dapat huminto sa paggawa ng mga masasamang gawain ang bawat isa, at huminto sa marahas na pagkilos sa iba.
\p
\v 9 Marahil, kung gagawin iyon ng bawat isa, maaaring baguhin ng Diyos ang kanyang isip at maawa sa atin, at ihinto ang kanyang galit sa atin, na ang kinalabasan ay hindi na tayo mamamatay."
\s5
\p
\v 10 Nang ginawa nilang lahat iyon, nakita ng Diyos kung ano ang kanilang ginagawa, at nakita niya na huminto na sila sa kanilang masasamang mga gawain. Kaya naawa siya sa kanila, at hindi na niya sila pinuksa gaya ng binanta niyang gawin.
\s5
\c 4
\p
\v 1 Ngunit pakiramdam ni Jonas masyadong masama na hindi winasak ng Diyos ang Ninive. Siya ay galit na galit.
\p
\v 2 Nanalangin siya kay Yahweh, "O, Yahweh, sadyang inisip ko na gagawin mo kung ano ang iyong ginawa kahit na bago pa ako umalis sa bahay. Ang dahilan na tumakas ako para pumunta sa Tarsis ay upang pigilan ang mga bagay na ito na mangyari, dahil alam ko na napakabait mo at mahabagin ukol sa lahat ng mga tao. Hindi ka madaling magalit sa mga taong gumagawa ng kasamaan. Labis mong mahal ang mga tao, at nag-iba ang iyong isip tungkol sa pagpaparusa sa mga taong nagkasala.
\p
\v 3 Kaya ngayon, O Yahweh, sapagka't hindi mo winasak ang Ninive kagaya ng iyong sinabi, pakiusap hayaan mo akong mamatay, dahil ngayon mas mabuti pang mamatay ako kaysa patuloy na mabuhay."
\s5
\p
\v 4 Sumagot si Yahweh, "Tama ba para sa iyo na magalit na hindi ko winasak ang lungsod?"
\p
\v 5 Hindi sumagot si Jonas. Lumabas siya ng lungsod sa silangang bahagi nito. Gumawa siya ng maliit na masisilungan upang makaupo siya sa ilalim nito, at maging pananggalang mula sa araw. Umupo siya sa ilalim ng silungan at naghintay upang tingnan kung ano ang mangyayari sa lungsod.
\s5
\p
\v 6 Pagkatapos dinulot ng Diyos na si Yahweh na tumubo agad ang halaman upang maging lilim sa ulo ni Jonas laban sa araw at para iligtas siya mula sa kanyang pagkabalisa. Labis na ikinasaya ni Jonas ang pagkakaroon ng halaman sa ibabaw ng kanyang ulo.
\p
\v 7 Ngunit bago ang madaling araw ng sumunod na araw, nagpadala ang Diyos ng isang uod na kumain ng halaman, kaya nalanta ang halaman.
\s5
\p
\v 8 Kaya, nang sumikat na ang araw sa langit, nagpadala ang Diyos ng napakainit na hangin mula sa silangan, at matinding tumama ang sikat ng araw sa ulo ni Jonas, na naging dahilan na nakaramdam siya ng pagkahilo. Gusto niyang mamatay, at sinabi niya, "Mas mabuti para sa akin ang mamatay kaysa patuloy akong mabuhay!"
\p
\v 9 Ngunit tinanong ng Diyos si Jonas, "Tama bang magalit ka tungkol sa nangyari sa halaman?" Sumagot si Jonas, "Oo, ito ay tama! Ngayon galit ako at sapat nang mamatay!"
\s5
\p
\v 10 Ngunit sinabi ni Yahweh sa kanya, "Nag-aalala ka tungkol sa halaman na dinulot kong malanta, kahit hindi mo ito inalagaan, at hindi mo ito pinatubo. Tumubo ito ng isang gabi at tuluyan itong nalanta sa katapusan ng susunod na gabi.
\p
\v 11 Ngunit mayroong mahigit na 120, 000 na mga tao sa Ninive, ang malaking lungsod na iyon, na hindi makapagsabi ng tama mula sa mali, at marami ding mga baka. Kaya hindi ba tama mag-alala ako tungkol sa mga taong iyon, at hindi naisin na wasakin sila?"