tl_udb/31-OBA.usfm

71 lines
4.8 KiB
Plaintext

\id OBA
\ide UTF-8
\h Obadias
\toc1 Obadias
\toc2 Obadias
\toc3 oba
\mt Obadias
\s5
\c 1
\p
\v 1 Ito ang mensaheng ibinigay ni Yahweh na ating Diyos sa akin na si Obadias, tungkol sa mga tao sa Edom. Si Yahweh na ating Diyos ang nagsabi sa akin tungkol sa mga tao sa Edom: "Ako si Yahweh, ang nagpadala ng mensahero sa iba't ibang mga bansa, na magsasabi sa kanilang humanda sa pagpunta at sasalakay sa Edom.
\p
\v 2 At sinabi ito ni Yahweh sa mga tao ng Edom: "Hindi magtatagal malapit ko na kayong gawing pinakamahina at pinakahamak sa lahat ng bansa dito sa lupa.
\s5
\p
\v 3 Nasa itaas ng mabatong talampas ang inyong kabisera, at labis kayong mapagmalaki. Iniisip ninyong ligtas na kayo dahil walang hukbo ang sumasalakay sa inyo, subalit dinaya ninyo ang inyong sarili.
\p
\v 4 At sinasabi ko sa inyo, kahit na mayroon kayong mga pakpak at may kakayahang makalipad ng mas mataas kaysa sa paglipad ng mga agila, at kung makagawa man kayo ng inyong mga tahanan sa mga bituin, kayo ay ibabagsak ko pababa mula doon.
\s5
\p
\v 5 Kapag pumapasok ang magnanakaw sa bahay ng sinuman sa gabi tiyak na nanakawin lamang niya ang mga bagay na nanaisin nila. At ang mga taong umaani ng ubas laging nagtitira ng ilang mga bunga sa mga baging ng ubas. Ngunit lubusang mawawasak ang inyong bansa!
\p
\v 6 Lahat ng mga mahahalagang bagay ay makukuha. Mahahanap ng inyong mga kaaway at kukunin lahat kahit pa ang mga mahahalagang bagay na inyong itinago.
\s5
\q1
\v 7 Tatalikuran ka ng lahat ng iyong mga kapanig, at pipilitin ka nilang umalis sa iyong sariling bansa. Lilinlangin ka at tatalunin ng mga taong kasundo mo ngayon. Binabalak ng mga nakakasama mong kumain ngayon na bitagin ka, at sasabihin nila sa iyo, 'Hindi ka matalino na gaya ng iyong iniisip!'
\p
\v 8 Ako si Yahweh, ang nagpapahayag sa panahon na aking wawasakin ang Edom, parurusahan ko ang mga kalalakihan na nakatira sa mga talampas na nag-aakalang matatalino sila.
\p
\v 9 Masisindak ang mga kawal na mula sa bayan ng Teman; malilipol kayong lahat na mga tao na kaapu-apuhan ni Esau."
\s5
\p
\v 10 Naging malupit ka sa iyong mga kamag-anak na mga kaapu-apuhan ni Jacob, ang kakambal ng iyong ninunong si Esau. Kaya ngayon ikaw ay mapapahiya at magiging wasak kailanman.
\p
\v 11 Pumasok ang mga dayuhan sa tarangkahan ng Jerusalem at nagsapalaran upang makuha ang mga mahahalagang mga bagay na kanilang makita; at paghahatihatian nila para sa kanilang sarili, ngunit naging masama kayo tulad ng mga dayuhang iyon dahil tumayo lamang kayo doon at hindi tinulungan ang mga Israelita.
\s5
\q1
\v 12 Hindi ka dapat natutuwa sa mga sakuna na nararanasan ng mga Israelita. Hindi ka dapat nagsasaya kung nawasak ang kanilang mga bayan. Hindi mo sila dapat pinagtatawanan kapag dumaranas sila ng paghihirap.
\q1
\v 13 Sila ay aking mga tao, kaya huwag kang pumasok sa kanilang tarangkahan ng kanilang mga lungsod nang maranasan nila ang mga sakuna at huwag ninyo silang pagtawanan at huwag kunin ang kanilang mga mahahalagang mga ari-arian.
\p
\v 14 Hindi ka dapat tumayo sa mga sangang-daan upang hulihin ang mga nagnanais na makatakas. Hindi mo sila dapat bihagin at ilagay sila sa kamay ng kanilang mga kaaway habang dinaranas nila ang mga sakunang iyon."
\s5
\p
\v 15 Darating ang panahon na Ako, si Yahweh, ang hahatol at magpaparusa sa lahat ng bansa. At kayo na mga tao sa Edom, mararanasan ninyo ang parehong sakuna na inyong ipinaranas sa iba. Ang parehong masasamang bagay na iyong ginawa sa iba na mangyayari din sa iyo.
\p
\v 16 Para kang uminom ng napakapait na likido sa Zion, ang aking banal na bundok. Ngunit parurusahan ko ang lahat ng iba pang mga bansa nang mahigpit at maging dahilan upang tuluyan silang mawala.
\s5
\p
\v 17 Datapwa't tatakas ang ilan sa mga tao sa Jerusalem, at maging banal na lugar ang Jerusalem. Pagkatapos ang mga kaapu-apuhan ni Jacob ay muling lulupigin at angkining muli ang lupain na totoong sa kanila.
\p
\v 18 Ang mga kaapu-apuhan ni Jacob at ang kaniyang anak na si Jose ay maging katulad ng isang apoy, at ang mga tao sa Edom ay magiging katulad ng pinaggapasan na madaling matupok ng apoy. Wala ni isa man na tao ang mananatiling buhay. Tiyak na mangyayari ito dahil Ako, si Yahweh ang nagsabi nito."
\s5
\p
\v 19 Ang mga Israelita na naninirahan sa dakong timog sa ilang ang bibihag sa Edom. At bibihagin ng mga naninirahan sa kanluranin ng mababang burol na rehiyon ng Fenicia at sa lugar ng Efraim at Samaria. At lulupigin ng mga tao sa tribu ni Benjamin ang rehiyon ng Galaad.
\s5
\p
\v 20 Babalik sa kanilang lupain ang mga ipinatapon sa Babilonia at bibihagin nila ang rehiyon ng Fenicia sa malayong hilaga ng Zarefat sa bahaging malapit sa dagat ng Medeteranian. Bibihagin ng mga tao sa Jerusalem na binihag at kinuha sa Sardis ang kabisera ng siyudad sa rehiyon ng Lydia, ang mga bayan sa dakong timog ng ilang ng Judea.
\p
\v 21 Lulusubin at sasakupin ng hukbo ng Jerusalem ang Edom, at si Yahweh ang kanilang hari.