tl_udb/24-JER.usfm

3891 lines
320 KiB
Plaintext
Raw Permalink Blame History

This file contains invisible Unicode characters

This file contains invisible Unicode characters that are indistinguishable to humans but may be processed differently by a computer. If you think that this is intentional, you can safely ignore this warning. Use the Escape button to reveal them.

\id JER
\ide UTF-8
\h Jeremias
\toc1 Jeremias
\toc2 Jeremias
\toc3 jer
\mt Jeremias
\s5
\c 1
\p
\v 1 Ito ang mensahe na isinulat ni Jeremias na anak ni Hilkias. Isa siyang pari mula sa bayan ng Anatot sa lugar kung saan naninirahan ang tribo ni Benjamin.
\p
\v 2 Sinimulang ibigay ni Yahweh ang mga mensaheng ito nang namumuno si Josias sa Juda ng halos labintatlong taon.
\p
\v 3 Nagpatuloy si Yahweh sa pagbibigay ng mensahe kay Jeremias nang ang anak ni Josias na si Jehoiakim ang hari at patuloy niya itong ginawa hanggang sa naging hari ng Juda si Zedekias ng halos labing-isang taon. Nasa ikalimang buwan ito ng taong iyon nang ipatapon ang mga taga-Jerusalem sa Babilonia.
\s5
\p
\v 4 Isang araw, ibinigay sa akin ni Yahweh ang mensaheng ito,
\p
\v 5 "Kilala kita bago ko pa matapos ang pagbuo sa iyo sa sinapupunan ng iyong ina. Inilaan kita para sa aking karangalan bago ka ipanganak at itinalaga kitang maging aking propeta sa lahat ng bansa."
\p
\v 6 Tumugon ako, "O, Yahweh na aking Diyos, hindi mo ba nakikita na wala akong kakayahang magsalita para sa iyo? Napakabata ko pa!"
\s5
\q1
\v 7 Tumugon si Yahweh, "Huwag mong sabihin na napakabata mo pa dahil dapat kang pumunta sa mga taong sasabihin ko sa iyo at dapat mong sabihin sa kanila ang lahat ng aking sasabihin.
\p
\v 8 At huwag kang matakot sa mga tao na iyong pagsasabihan dahil iingatan kita sa kanilang pamiminsala. Tiyak na mangyayari ito dahil ako si Yahweh ang nagsabi nito!"
\s5
\p
\v 9 At parang hinawakan ni Yahweh ang aking bibig at sinabi, "Makinig ka sa akin! Inilagay ko ang aking mensahe sa iyong bibig.
\p
\v 10 Ngayon, itinatalaga kita upang balaan ang mga bansa at mga kaharian. Sasabihin mo sa kanila na ganap kong lilipulin at palalayasin ang ilan sa kanila at itatatag ko ang iba at pauunlarin sila."
\s5
\p
\v 11 Pagkatapos, may ipinakita sa akin si Yahweh at sinabi, "Jeremias, ano ang iyong nakikita? Sumagot ako, "Nakikita ko ang isang sanga ng almendras."
\q1
\v 12 Sinabi ni Yahweh, "Iyan ay tama dahil ang salita para sa 'almendras' ay katulad ng salitang 'nagbabantay', na nangangahulugang binabantayan ko ang mangyayari at titiyakin ko na mangyayari ang mga sinabi ko sa iyo tungkol sa pagkawasak ng mga bansa."
\s5
\q1
\v 13 At muling nagsalita sa akin si Yahweh at sinabi, "Ano ang iyong nakikita ngayon?" Tumugon ako, "Nakikita ko ang isang palayok na puno ng kumukulong tubig. Nasa hilaga ito na nakatagilid sa akin."
\p
\v 14 Tumugon si Yahweh, "Tama! Nangangahulugan ito na mula sa hilaga ang matinding kaguluhan na kakalat sa buong lupaing ito tulad ng kumukulong tubig na ibinubuhos mula sa palayok.
\s5
\p
\v 15 Makinig ka sa aking sasabihin: Ipinapatawag ko ang mga hukbo ng mga kaharian na nasa hilaga ng Juda upang pumunta sa Jerusalem. Ihahanda ng kanilang mga hari ang kanilang mga trono sa mga tarangkahan ng lungsod na ito upang ipakita na sila na ngayon ang mga hari ng Juda. Sasalakayin at pababagsakin ng kanilang mga hukbo ang mga pader ng lungsod na ito at gagawin din nila ito sa ibang mga bayan sa Juda.
\p
\v 16 Parurusahan ko ang aking mga tao dahil sa lahat ng kasamaang bagay na kanilang ginawa. Tinalikuran nila ako at naghandog sila ng mga alay ng pagsamba sa mga huwad na diyos. Sumasamba sila sa mga diyus-diyosan na gawa ng sarili nilang mga kamay!
\s5
\p
\v 17 Kaya bumangon ka at isuot mo ang iyong mga kasuotan upang humanda sa iyong gagawin! Pagkatapos, pumunta ka at sabihin mo sa mga taga-Juda ang lahat ng aking sasabihin. Huwag kang matakot sa kanila dahil kung matatakot ka sa kanila, parurusahan kita sa kanilang harapan bilang isang halimbawa!
\p
\v 18 Ngunit makinig ka! Gagawin kitang malakas tulad ng isang lungsod na pinalilibutan ng matitibay na mga pader. Magiging kasintibay ka ng haliging bakal o ng tansong pader. Maging ang mga maharlikang mga opisyal o mga pari ni ang mga pangkalahatang tao ang may kakayahang tumalo sa iyo.
\p
\v 19 Kakalabanin ka nila ngunit hindi ka nila matatalo dahil sasamahan at iingatan kita. Tiyak na mangyayari to dahil ako, si Yahweh ang nagsabi nito!"
\s5
\c 2
\p
\v 1 Binigyan ako ni Yahweh ng isa pang mensahe
\p
\v 2 upang ipahayag sa lahat ng nasa Jerusalem. Sinabi niya na dapat ko itong sabihin, "Ako si Yahweh, inaalala ko na para sa inyong ikabubuti kaya ninyo ako sinunod at pinagkatiwalaan sa ating kasunduan noon. Sinubukan ninyo akong paluguran tulad ng isang babaing ikakasal na sinusubukang paluguran ang kaniyang asawa. Inibig at sinundan ninyo ako sa disyerto.
\q
\v 3 Sa panahong iyon, inalaan kayong mga Israelita para sa akin, kabilang kayo sa akin tulad ng unang bahagi ng mga ani na nakalaan sa akin. Ipinangako kong parurusahan ko ang lahat ng nanakit sa inyo, aking mga tao at magpapadala ako ng mga sakuna sa kanila. Ito ang mangyayari sapagkat ako si Yahweh ang nagsabing mangyayari ang mga ito."
\s5
\p
\v 4 Makinig kayo sa sinasabi ni Yahweh, mga kaapu-apuhan ni Jacob, kayong mga Israelita. Dapat kayong makinig sa sinasabi ni Yahweh.
\p
\v 5 Sinasabi niya, "Anong kasalanan ang aking nagawa sa inyong mga ninuno na naging dahilan upang talikuran nila ako? Sinamba nila ang mga walang kabuluhang diyus-diyosan at sila mismo ay naging walang kabuluhan.
\p
\v 6 Hindi na nila kailangan pang sabihin, 'Hindi na tayo tutulungan ni Yahweh kahit na siya ang nagpalaya sa atin ng ligtas mula sa Egipto at nanguna sa atin sa disyerto kung saan mayroong maraming mga hukay. Si Yahweh ang nanguna sa atin sa walang tubig at sa napakamapanganib na lupain na walang sinuman ang naninirahan o naglalakbay. Ngunit ngayon, wala nang silbi si Yahweh sa atin.'
\s5
\q
\v 7 Ngunit nang ako si Yahweh ang nagdala sa inyo sa napakamasaganang lupain upang inyong matamasa ang lahat ng bunga at ibang mga magagandang bagay na inyong aanihin, ginawa ninyong hindi kapaki-pakinabang at kasuklam-suklam sa akin ang lupain na ipinangako kong ibibigay sa inyo.
\p
\v 8 Hindi rin itinanong ng inyong mga pari kung kasama pa nila ako. Hindi naging tapat sa akin ang mga taong nagtuturo ng mga kautusan ng Diyos! At nanghimagsik ang inyong mga pinuno sa akin. Binigyan kayo ng inyong mga propeta ng mga mensaheng mula sa kanilang diyos na Baal at sumamba sila sa mga walang kabuluhang diyus-diyosan.
\s5
\q
\v 9 Kaya, ako si Yahweh ang magpaparatang sa inyo sa hukuman. Sa susunod na mga taon, dadalhin ko rin sa paglilitis ang inyong mga anak at mga apo! Mangyayari iyan sapagkat ako si Yahweh, ang nagsasabi na mangyayari ito.
\p
\v 10 Kung pupunta kayo sa kanluran sa isla ng Cyprus o sa silangang lupain ng Cedar at kung tatanungin ninyo ang mga tao sa mga lugar na iyon, sasabihin nila sa inyo na walang tao sa kanilang bansa ang gumawa ng mga masasamang bagay na gaya ng inyong mga ginawa!
\p
\v 11 Walang tao sa anumang bansa ang tumalikod sa kanilang mga diyos na inaakala nilang maluwalhati at nagsimula silang sumamba sa mga diyos na hindi tunay ngunit tinalikuran ninyo ako, ang inyong maluwalhating Diyos at sumasamba kayo sa mga walang silbing diyus-diyosan.
\s5
\p
\v 12 Parang nalungkot ang lahat ng nasa kalangitan dahil sa inyong ginawa. Parang nanginginig sila at labis na natatakot. Ako, si Yahweh, ang nakakita at nagpahayag nito sa inyo.
\p
\v 13 Kayo na aking mga tao, nakagawa kayo ng dalawang masasamang bagay. Tinanggihan ninyo ako, ako na tulad ng isang balon na maaari ninyong pagkuhanan ng sariwang tubig at sumamba kayo sa mga diyus-diyosan na tulad ng mga hukay sa bitak na lupa at walang kakayahang magbigay ng anumang tubig.
\s5
\p
\v 14 Kayong mga Israelita, tunay na hindi kayo mga alipin nang isinilang kayo, kaya bakit kayo binihag ng inyong mga kaaway?
\p
\v 15 Umaatungal ang inyong mga kaaway na tulad ng mga leon at sinira nila ang inyong lupain. Ngayon, nasunog ang inyong mga bayan at wala nang naninirahan sa mga ito.
\p
\v 16 Tinalo kayo ng mga kawal mula sa Memfis at Tafnes, mga lungsod sa Egipto at inahitan nila ang inyong mga ulo upang ipakitang mga alipin nila kayo.
\p
\v 17 Ito ay dahil tinalikuran ninyo ako, si Yahweh na inyong Diyos kaya nangyari ang mga sakunang ito sa inyo yamang pinangungunahan ko kayo para sa inyong kaligtasan.
\s5
\p
\v 18 Kaya bakit ninyo sinusubukang makipagkasundo sa mga namamahala sa Egipto na naninirahan malapit sa Sikor? Bakit ninyo sinusubukang makipagkasundo sa mga namamahala sa Asiria na naninirahan malapit sa Ilog ng Eufrates?
\p
\v 19 Parurusahan ko kayo dahil labis kayong naging masama at isusumpa ko kayo dahil tumalikod kayo sa akin. Kapag ginawa ko iyan, mapagtatanto ninyo na mangyayari ang mga mapapait at masasamang bagay sa inyo dahil iniwanan ninyo ako si Yahweh na inyong Diyos at wala na kayong kahanga-hangang panggalang sa akin. Tiyak na mangyayari iyan dahil ako si Yahweh, ang Panginoon na Pinuno ng mga hukbo ng mga anghel sa langit ang nagsabi nito.
\s5
\q
\v 20 Matagal na ang nakalipas nang tumigil kayo sa pagsunod sa akin at hindi ninyo ako pinayagang pangunahan kayo. Tinanggihan ninyo akong sambahin kahit na iniligtas ko kayo sa pagiging mga alipin. Sa halip, sinamba ninyo ang mga diyus-diyosan na nasa ilalim ng mga puno sa tuktok ng bawat burol. Sa halip na ako, inibig at sinamba ninyo ang mga diyus-diyosan na tulad ng isang lalaking taksil na iniibig ang nagbebenta ng aliw kaysa sa kaniyang asawa.
\p
\v 21 Para kayong isang halaman ng ubas na aking itinanim na pinutol sa napakagandang puno ng ubas. Kaya ngayon, nakakahiya na naging tulad kayo ng isang bulok at walang halagang puno ng ubas.
\p
\v 22 Ang inyong mga kasalanan ay katulad ng napakaduming mantsa sa tela at hindi ninyo maaalis ang mga mantsang iyon kahit pa sa pamamagitan ng paggamit ng matapang na sabon. Totoo ito dahil ako si Yahweh ang nagsabi nito.
\s5
\p
\v 23 Sinabi ninyong hindi kayo nagkasala. Inaangkin ninyong katanggap-tanggap kayo sa Diyos at hindi ninyo sinamba ang mga imahen ng Baal. Ngunit isipin ninyo ang mga kasuklam-suklam na bagay na kinasabikan ninyong gawin sa Lambak ng Hinnom sa labas ng Jerusalem. Tulad kayo ng babaing kamelyo na masidhi ang pagnanasa na tumatakbo paroo't parito upang maghanap ng lalaking kamelyo na makakasiping.
\p
\v 24 Tulad kayo ng mailap na mga babaing asno sa disyerto. Inaamoy nila ang hangin upang hanapin kung nasaan ang mga lalaking asno at walang makakapigil sa kanila. Hindi na mapapagod sa paghahanap ang mga lalaking asno na nagnanais sa kanila dahil sa panahon ng pagsisiping, madali nila itong nahahanap.
\p
\v 25 Patuloy kayo sa pagtakbo paroo't parito upang maghanap ng mga diyus-diyosan na sasambahin, na nagdulot sa pagkasira ng inyong mga sandalyas at pagkatuyo ng inyong mga lalamunan. Sinabi ko sa inyong tigilan na ninyo ang paggawa niyan ngunit sinabi ninyong hindi ninyo kayang itigil at sinabi ninyong iniibig ninyo ang mga hindi kilalang diyus-diyosan at kailangan ninyo silang sambahin!
\s5
\p
\v 26 Napapahiya ang magnanakaw kapag siya ay nahuli. At kayong lahat, kabilang ang inyong mga hari, mga pari at mga propeta ay ganoon din napahiya.
\p
\v 27 Tinatawag ninyo na inyong 'ama' ang isang piraso ng kahoy na inukit upang maging banal na diyus-diyosan, at tinatawag ninyo na inyong 'ina' ang isang bato na inyong itinayo. Tinanggihan ninyo ako ngunit kapag nakararanas kayo ng mga kaguluhan, tumatawag kayo sa akin upang sagipin kayo!
\p
\v 28 Bakit hindi kayo sumigaw sa mga diyos na inyong ginawa? Bakit hindi kayo magmakaawa sa kanila na sagipin kayo kapag nakararanas kayo ng mga sakuna? Sapagkat mayroon kayong mga diyos na kasingdami ng inyong mga lungsod at bayan sa Juda!
\s5
\p
\v 29 Sinasabi ninyong mali para sa akin na hindi kayo iligtas ngunit nanghimagsik kayong lahat sa akin, si Yahweh ang nagsasalita sa inyo ngayon.
\p
\v 30 Pinarusahan ko ang ilan sa inyo ngunit wala kayong natutunan na anuman sa aking paggawa niyan. Sa halip, pinatay ninyo ang karamihan sa mga propeta na aking ipinadala sa inyo tulad ng mga mababangis na leon na pumapatay ng ibang hayop.
\p
\v 31 Kayong mga Israelita, bigyang pansin ang aking sinasabi. Natitiyak kong hindi ko kayo kailanman pinabayaan sa disyerto. Hindi ko kayo kailanman iniwanan sa napakadilim na lupain. Kaya, bakit ninyo sinasabi na malaya kayo sa aking pamamahala at hindi na kayo manunumbalik pa na sumamba sa akin?
\s5
\p
\v 32 Tiyak na hindi malilimutan kailanman ng batang babae na isuot ang kaniyang alahas at hindi rin malilimutan kailanman ng babaing ikakasal na isuot ang kaniyang damit pangkasal ngunit kinalimutan ninyo ako ng napakahabang panahon.
\p
\v 33 Alam ninyo kung paano kaagad makahahanap ng mga diyos sa ibang mga bansa na maaari ninyong ibigin. Mas madali ninyo silang mahahanap kaysa sa babaing nagbebenta ng aliw na makahanap ng lalaking makakasiping. Maaari ninyo siyang turuan ng pagtataksil!
\p
\v 34 Kahit na nasa inyong mga damit ang dugo ng mga mahihirap na tao na inyong pinatay, mga taong walang kasalanan! Hindi ninyo sila nahuling nagnanakaw sa inyo ngunit pinili ninyong pakitunguhan siya ng masama.
\s5
\q
\v 35 Ngunit sinasabi ninyo, 'Wala kaming ginawang mali! Natitiyak naming hindi magagalit sa amin si Yahweh ng mahabang panahon.' Ngunit parurusahan ko kayo ng matindi dahil sa pagsasabing hindi kayo nagkasala.
\p
\v 36 Noong nakaraan, hiniling ninyo sa hukbo ng mga Asiria na tulungan kayo ngunit hinid nila kayo matutulungan. Ngayon, hinihiling ninyo sa hukbo ng Egipto na tulungan kayo ngunit hindi din nila kayo matutulungan.
\p
\v 37 Dadakpin nila kayo at magiging mga bilanggo nila kayo na dadalhin sa Egipto na hiyang-hiya na nakapatong ang inyong mga kamay sa inyong mga ulo. Mangyayari iyan dahil tinanggihan ni Yahweh ang mga bansang iyon na inyong inaasahan at hindi nila kayo matutulungan.
\s5
\c 3
\p
\v 1 Ako si Yahweh, ang nag-utos kay Moises upang isulat na kung hiniwalayan ng isang lalaki ang kaniyang asawa at nagpakasal ang babae sa ibang lalaki, hindi na siya maaaring balikan pa ng kaniyang unang asawa upang muli niyang maging asawa, dahil iyan ang tiyak na magdudulot sa buong bansa upang maging hindi katanggap-tanggap sa akin. Ngunit mas marami kang mga diyus-diyosan kaysa sa mga lalaking nakasiping ng mga babaing nagbebenta ng aliw! Kaya bakit kita tatanggapin kapag bumalik ka sa akin?", ang sinabi ni Yahweh.
\p
\v 2 "Tumingin ka sa tuktok ng mga tigang na burol. Sa bawat tuktok ng burol ay mayroong mga diyus-diyosan na iyong sinamba. Para bang silang lahat ay mangingibig na nakasiping mo. Para bang nakaupo ka sa gilid ng mga daan tulad ng isang Arabo na naghihintay na lumusob at magnakaw ng mga bagay mula sa mga nagdaraan. Dahil sa iyong pagsamba sa mga diyus-diyosan at sa lahat ng masasamang bagay na iyong ginawa, ikaw ang nagdulot sa buong kalupaan upang maging hindi katanggap-tanggap sa akin.
\s5
\p
\v 3 Ito ang dahilan kaya hindi ako nagpadala sa iyo ng anumang ulan sa mga panahong kinakailangan mo ito. Ngunit katulad ka ng mga babaing nagbebenta ng aliw na hindi nahihiya sa kanilang ginawa.
\p
\v 4 Ngayon, sinasabi sa akin ng bawat isa sa inyo, 'Ikaw ang aking ama! Inibig mo ako simula pa noong aking kabataan!
\p
\v 5 Kaya tiyak na hindi ka magagalit sa akin kailanman!' Ngunit hindi ka titigil sa pagkakasala!'"
\s5
\p
\v 6 Isang araw, nang si Josias ang hari ng Juda, sinabi ni Yahweh sa akin, "Nakita mo ba kung ano ang ginawa ng mga Israelita? Tumalikod sila sa akin, katulad ng isang babae na iniwan ang kaniyang asawa at nakisama sa ibang lalaki. Pumupunta sila sa bawat tuktok ng burol at sa ilalim ng bawat malalaking punong kahoy at sumasamba sa mga diyus-diyosan doon.
\p
\v 7 Inakala ko na babalik sila sa akin, kaya sinabi ko sa kanila, 'Bumalik kayo sa akin!' Ngunit tumanggi sila. Pinanonood ng mga taga-Juda ang lahat ng ito.
\s5
\p
\v 8 Kaya ipinadala ko ang mga Israelita sa ibang mga bansa, katulad ng isang lalaking nagsulat ng kasulatan na nagsasabing hihiwalayan na niya ang kaniyang asawa at palalayasin niya ang kaniyang asawa dahil nangalunya siya. Nakita ng mga taga-Juda kung ano ang ginawa ko sa kanila ngunit katulad din sila ng mga Israelita. Hindi sila natatakot sa kung ano ang gagawin ko sa kanila. Tumalikod din sila sa akin at sumasamba sa mga diyus-diyosan tulad ng mga babaing iniwan ang kanilang mga asawa at sumama sa ibang mga lalaki.
\p
\v 9 Hindi mahalaga sa kanila na nakakasakit sa akin ang pagsamba nila sa mga diyus-diyosan, kaya ginawa nilang hindi katanggap-tanggap sa akin ang buong lupain sa pamamagitan ng pagsamba sa mga diyus-diyosang gawa sa kahoy at bato.
\p
\v 10 Nagkunwaring bumalik sa akin ang mga taga-Juda, ngunit hindi nila totoong ginawa iyon. Totoo ito dahil ako si Yahweh, ang nagsabi nito."
\s5
\p
\v 11 At sinabi sa akin ni Yahweh, Jeremias, "Tumalikod sa akin ang mga Israelita, ngunit mas masama ang ginawa ng mga taga-Juda.
\p
\v 12 Kaya humayo ka at sabihin mo ito sa mga Israelita, 'Sinasabi ito ni Yahweh sa inyong mga Israelita na tumalikod sa kaniya. Mahabagin ako. Hindi ako patuloy na magagalit sa inyo magpakailanman, kaya bumalik kayo sa akin.
\s5
\p
\v 13 Ngunit dapat ninyong aminin na nagkasala kayo at naghimagsik laban sa akin, si Yahweh na inyong Diyos, na sumamba kayo sa mga diyus-diyosan sa ilalim ng mga malalaking punong kahoy sa lahat ng dako at hindi kayo sumunod sa akin. Tumalikod kayo sa akin.
\p
\v 14 Ngunit kabilang kayo sa akin, kaya bumalik kayo sa akin, aking mga anak! Kung gagawin ninyo ito, kukunin ko kayo, isa sa bawat lungsod, dalawa sa bawat angkan at ibabalik ko kayo sa Jerusalem.
\q
\v 15 Kung gagawin ninyo iyan, magtatalaga ako para sa inyo ng mga pinuno na kinalulugdan ko na siyang gagabay sa inyo ng maayos dahil malalaman at mauunawaan nila kung ano ang kinalulugdan ko.
\s5
\p
\v 16 At kapag napakarami na ninyo sa inyong lupain, hindi na ninyo kailangang pag-usapan ang tungkol sa Banal na Kaban na naglalaman ng Sampung Utos. Hindi na ninyo ito iisipin at hindi ninyo nanaisin na gumawa ng bago.'
\s5
\p
\v 17 Sa panahong iyon, sasabihin ng mga tao na ang aking trono ay nasa Jerusalem. Pupunta doon ang mga tao mula sa lahat ng bansa upang sambahin ako at hindi na sila magmamatigas na gawin ang masasamang mga bagay na nais ng kanilang panloob na pagkatao.
\q
\v 18 Sa panahong iyan babalik kayong mga taga-Israel at taga-Juda sa pagiging bihag sa mga lupain sa hilaga. Babalik kayo sa lupain na ibinigay ko sa inyong mga ninuno upang mapasakanila magpakailanman.
\s5
\q
\v 19 Kayong mga Israelita, nais ko kayong tanggapin upang maging mga anak ko. Nais kong ibigay sa inyo ang kaaya-ayang lupain na ito. Kanais-nais ang lupaing ito kaysa sa lupain ng anumang bansa! Nais kong tawagin ninyo ako na inyong ama at nais kong huwag kayong tumalikod sa akin kailanman.
\p
\v 20 Ngunit iniwan ninyo ako gaya ng mga babaing iniwan ang kanilang mga asawa. "Iyan ang sinabi ni Yahweh at sinabi ko ito sa mga Israelita.
\s5
\p
\v 21 At sinabi ng Diyos, "Maririnig ng mga tao ang ingay sa tigang na tuktok ng mga burol. Ito ay ingay ng mga taong umiiyak at nagsusumamo sa Diyos upang mahabag sa kanila. Aaminin nila na nakalimutan nila si Yahweh na kanilang Diyos at tumalikod sila sa pagsunod sa nais ng Diyos sa kanila.
\p
\v 22 Kayong mga Israelita, bumalik kayo sa akin! Kung gagawin ninyo iyan, hindi ko na kayo hahayaang tumalikod muli sa akin." Tutugon ang mga tao, "Bumabalik kami sa iyo dahil ikaw si Yahweh na aming Diyos.
\s5
\p
\v 23 Wala kamingng natanggap na tulong mula sa mga diyus-diyosan na aming sinamba sa tuktok ng mga burol, wala kaming natanggap na tulong sa paggawa ng mga ingay doon. Kinikilala na namin ngayon na si Yahweh na aming Diyos lamang ang tanging paraan upang maligtas ang Israel!
\p
\v 24 Mula sa panahon ng aming kabataan, kinuha ng kahiya-hiyang diyos na si Baal ang lahat ng pinaghirapang makuha ng aming mga ninuno. Kinuha niya ang kanilang mga kawan ng tupa at baka at ang kanilang mga anak.
\q
\v 25 Kaya ngayon, nararapat na mahiga kaming nararamdaman ang labis na kahihiyan, dahil nagkasala kami at ang aming mga ninuno kay Yahweh na aming Diyos at hindi namin siya kailanman sinunod."
\s5
\c 4
\p
\v 1 Sinasabi ni Yahweh, "Kayong mga Israelita, kung mayroon man kayong babalikan, dapat sa akin. Kung iiwasan ninyo ang mga kasuklam-suklam na diyus-diyosan, kung hindi na kayo muling lalayo sa akin
\p
\v 2 at kung ipapahayag ninyo, 'Habang tiyak na nabubuhay si Yahweh, totoo at makatarungan ang kaniyang sinasabi at itinuturo niya ang tuwid na pamumuhay', hihilingin sa akin ng mga tao sa ibang mga bansa na pagpalain ko sila gaya ng pagpapala ko sa inyo, lalapit silang lahat at pararangalan ako."
\p
\v 3 Ito ang sinabi ni Yahweh sa mga taga-Jerusalem at sa ibang mga lungsod sa Juda, "Pahintulutan ninyo ang inyong panloob na pagkatao na maging handa sa pagtanggap sa aking mga mensahe tulad ng mga magsasaka na nagbubungkal ng matitigas na lupa upang matamnan nila ito ng butil. Gaya ng mga magsasaka na hindi nagsasayang ng magagandang butil sa pamamagitan ng paghahasik ng mga butil sa mga matitinik na halaman, ayaw kong sayangin ang aking oras sa pagsasabi sa inyo ng mga mensaheng hindi pa ninyo handang tanggapin.
\s5
\p
\v 4 Ipakita ninyo na tapat sa akin ang inyong panloob na pagkatao at isipan. Kung hindi ninyo gagawin iyan, magiging tulad ng apoy na mahirap apulahin ang aking galit sa inyo dahil sa mga kasalanang nagawa ninyo.
\p
\v 5 Ipahayag ninyo ito sa lahat ng taga-Jerusalem at sa mga natitira sa Juda, hipan ninyo ang mga trumpeta sa lahat ng dako sa lupain upang balaan ang mga tao. Sabihin ninyo sa kanila na dapat silang tumakas papunta sa mga lungsod na napapalibutan ng matataas na mga pader.
\p
\v 6 Isigaw ninyo sa mga taga-Jerusalem at umalis na kayo ngayon. Huwag ninyong ipagpaliban, dahil magpapadala na ako ng katakot-takot na sakuna sa inyo na magmumula sa hilaga.
\s5
\p
\v 7 Ang isang hukbo na sumira ng maraming bansa ang sasalakay sa inyo gaya ng isang leon na lalabas galing sa kaniyang lungga upang salakayin ang ibang mga hayop. Ang mga kawal ng hukbong iyan ay lumalakad na patungo sa inyong lupain. Wawasakin nila ang inyong mga lungsod at iiwanan na walang sinumang tao ang maninirahan dito.
\p
\v 8 Kaya magsuot kayo ng magagaspang na mga damit, umiyak at kabugin ang inyong mga dibdib upang ipakita na labis ninyong pinagsisisihan ang mga nagawa ninyo, dahil matindi pa rin ang galit ni Yahweh sa atin.
\s5
\p
\v 9 Ipinahayag ni Yahweh na kapag sa panahon na parurusahan kayo ni Yahweh, ang hari ng Juda at ang lahat ng kaniyang opisyal ay labis na matatakot. Masisindak ang mga pari at mga propeta."
\p
\v 10 At tumugon ako, "Yahweh na aking Diyos, nilinlang mo ng lubusan ang mga tao sa pamamagitan ng pagsasabi sa kanila na magkakaroon ng kapayapaan sa Jerusalem, ngunit ngayon, handa na ang aming mga kaaway na patayin kami sa pamamagitan ng kanilang mga espada!"
\s5
\p
\v 11 Sinabi sa akin ni Yahweh na kapag nangyari iyon, sasabihin ng ilan sa mga taga-Jerusalem, "Isang malaking hukbo ang darating upang salakayin kayo. Hindi sila magiging tulad ng banayad na hangin na naghihiwalay sa trigo mula sa ipa. Magiging tulad sila ng napaka-init na hangin na umiihip mula sa disyerto.
\p
\v 12 Magiging tulad sila ng malakas na pagsabog na aking ipadadala. Ngayon, ipinapahayag ko na paparusahan ko kayo."
\s5
\p
\v 13 At sasabihin ng mga taga-Jerusalem, "Nagmamadali na ang aming mga kaaway papunta sa amin, gaya ng mga ipu-ipo ang kanilang mga karwahe. Mas mabilis pa ang kanilang mga kabayo kaysa sa mga agila. Magiging kakila-kilabot ito para sa amin!
\p
\v 14 Kayong mga taga-Jerusalem, linisin ninyo ang inyong mga panloob na pagkatao upang sagipin kayo ni Yahweh. Gaano katagal ninyong ipagpapatuloy ang pag-iisip tungkol sa paggawa ng masasamang gawain?
\p
\v 15 Mula sa lungsod ng Dan sa hilaga hanggang sa kaburulan ng Efraim ilang milya sa hilaga ng Jerusalem, inihahayag ng mga mensahero na paparating ang mga sakuna."
\s5
\p
\v 16 Kaya sinabi ko ito sa mga tao sa ibang mga bansa at inihayag din ito sa Jerusalem, "Sinabi ni Yahweh na isang hukbo mula sa malayo ang paparating sa Jerusalem, isisigaw nila ang pakikipaglaban sa mga lungsod ng Juda.
\p
\v 17 Magtatayo sila ng mga tolda sa paligid ng Jerusalem gaya ng mga taong nagtatayo ng pansamantalang mga silungan sa paligid ng bukid sa panahon ng anihan. Mangyayari iyan dahil naghimagsik sa akin ang mga taga-Juda.
\p
\v 18 Mapaparusahan kayo nang napakatindi na para bang sinaksak ng espada ang inyong mga puso. Ngunit kayo ang nagiging dahilan upang mangyari ang mga bagay na iyon sa inyo dahil sa mga masasamang bagay na inyong ginawa."
\s5
\p
\v 19 At sinabi ko sa aking sarili, "Labis akong nagdadalamhati, napakatindi ng sakit sa aking panloob na pagkatao. Napakatindi ng pagpintig ng aking puso! Ngunit hindi ako mananatiling tahimik dahil narinig ko ang aming mga kaaway na pinapatunog ang kanilang mga trumpeta upang ihayag na magsisimula kaagad ang labanan laban sa Juda!
\p
\v 20 Magaganap ang sunod-sunod na sakuna hanggang sa mawasak ang buong lupain. Biglang mawawasak ang lahat ng aming mga tolda, kahit ang mga tabing sa loob ng tolda ay masisira.
\s5
\p
\v 21 Gaano katagal magpapatuloy ang labanang ito? Gaano ko katagal makikita ang mga bandila ng kaaway at maririnig na hinihihipan ang kanilang mga trumpeta?
\p
\v 22 Sinabi ni Yahweh, napakahangal ng aking mga tao! Wala silang kaugnayan sa akin. Katulad sila ng mga hangal na anak na walang anumang nauunawaan. Napakagaling nila sa paggawa ng mali ngunit hindi nila alam kung paano gumawa ng mabuti.
\s5
\p
\v 23 Binigyan ako ng Diyos ng pangitain kung saan nakita ko ang mundo na tigang at walang hugis. Tiningnan ko ang langit at walang liwanag doon.
\q
\v 24 Tiningnan ko ang mga kabundukan at kaburulan, nayanig sila at lumipat mula sa isang dako patungo sa kabila.
\p
\v 25 Tumingin ako at nakita ko ang lahat na wala nang tao at umalis ang lahat ng ibon.
\p
\v 26 Tumingin ako at nakita ko na naging disyerto ang mga bukirin na dating masagana. Nawasak ang lahat ng lungsod, winasak ni Yahweh ang lahat ng ito dahil labis siyang nagalit."
\s5
\p
\v 27 Ito ang sinasabi ni Yahweh, "mawawasak ang buong lupain ng Juda, ngunit hindi ko ito lubusang wawasakin.
\v 28 Gagawin ko sa aking mga tao ang sinabi kong gagawin ko at hindi ko babaguhin ang aking isip. Kaya kapag nangyari iyan, para bang ang mundo ay magluluksa at magiging napakadilim ng kalangitan.
\p
\v 29 Kapag narinig ng mga tao ang ingay ng mga paparating na kaaway na mangangabayo at mamamana, labis silang matatakot habang tumatakas mula sa kanilang mga lungsod. Makakahanap ang ilan ng lugar na mapagtataguan sa mga palumpong at tatakbo ang ilan patungo sa mga batuhan upang matakasan ang pagpatay sa kanila ng kanilang mga kaaway. Mapapabayaan ang lahat ng lungsod sa Juda at walang kahit isa mang tao ang matitira sa mga ito.
\s5
\p
\v 30 Kaya kayong mga tiyak na mawawasak, ano ang gagawin ninyo ngayon? Kahit na nakasuot kayo ng magagandang mga damit, alahas at may pintang pampaganda ang palibot ng inyong mga mata, hindi kayo matutulungan ng mga ito dahil hahamakin kayo ng mga tao sa ibang mga bansa na iniisip ninyong umiibig sa inyo at susubukan nila kayong patayin.
\p
\v 31 Para bang naririnig ko na ang napakalakas na pag-iyak ng mga tao sa Jerusalem gaya ng pagdaing ng babaing nagsisilang ng kaniyang panganay na anak, hinihingal siya, humihingi ng tulong at sumisigaw, 'Kakila-kilabot ang nangyayari sa akin, papatayin na nila ako!"
\s5
\c 5
\p
\v 1 Sinabi ni Yahweh sa mga taga-Jerusalem, "Pumaroo't pumarito kayo sa bawat lansangan. Maghanap kayo sa mga pamilihan upang makatagpo kayo ng mga tao na gumagawa ng makatarungan, ang siyang sinusubukan na maging tapat sa akin. Kung makakahanap kayo ng kahit na isang tao na katulad nito, patatawarin ko ang mga taga-Jerusalem at hindi ko wawasakin ang kanilang lungsod.
\p
\v 2 Ngunit kapag sumumpa ang mga tao doon sa pamamagitan ng buhay ni Yahweh, nagsisinungaling sila."
\q
\v 3 Kaya ipinanalangin ko, "Yahweh, tunay nga na naghahanap ka ng mga taong tapat sa iyo. Pinarusahan mo ang iyong mga tao ngunit hindi nila binigyan ng pansin. Dinurog mo sila ngunit ipinagsawalang-bahala nila ang sinasabi mong gawin nila. Napakatigas ng kanilang ulo at tumangging bumalik sa iyo."
\s5
\q
\v 4 At naisip ko, "Hindi natin maaasahan ang mga taong ito na kumilos ng matuwid dahil mahirap sila at wala silang anumang pang-unawa. Hindi nila alam ang paraan na nais ni Yahweh na gawin nila sa kanilang mga buhay, hindi nila alam kung ano ang hinihingi ng Diyos na gawin nila.
\p
\v 5 Kaya pupunta ako at kakausapin ang kanilang mga pinuno dahil tiyak na alam nila kung ano ang nais ng Diyos na gawin nila sa kanilang mga buhay." Ngunit tumigil din sila sa pagsunod kay Yahweh at hindi sila papayag na pangunahan niya sila.
\p
\v 6 Dahil diyan, lalabas ang mga leon mula sa kagubatan at papatayin sila, sasalakayin sila ng mga lobo mula sa disyerto, lalapain ng mga leopardo na nagkukubli sa labas ng mga lungsod ang sinumang lalabas ng mga lungsod. Mangyayari ang lahat ng bagay na iyon dahil lubos na nagkasala ang mga tao sa Diyos at madalas silang tumalikod sa kaniya.
\s5
\p
\v 7 Sinabi ni Yahweh, "Hindi ko mapapatawad ang mga taong ito, iniwan din ako maging ng kanilang mga anak. Kapag taimtim nilang ipinapahayag ang isang bagay, hinihiling nila sa kanilang mga diyos na ipakita na totoo ang kanilang sinabi. Ibinigay ko sa aking mga tao ang lahat ng kanilang kinakailangan, ngunit madalas silang pumupunta sa dambana ng kanilang mga diyus-diyosan at doon nangangalunya.
\p
\v 8 Katulad ng mga humahalinghing na lalaking kabayo na pinapakain ng mabuti na nagnanais makipagtalik sa mga babaing kabayo, ninanais ng bawat kalalakihan na sumiping sa asawa ng kanilang kapwa.
\p
\v 9 Hindi ko ba sila paparusahan dahil dito? Tiyak na maghihiganti ako sa bansang ito na ang mga tao nito ay kumikilos ng ganyan!
\s5
\p
\v 10 Katulad ng isang ubasan ang mga taga-Juda at Israel. Pumunta kayo sa kanilang mga ubasan at paalisin ninyo ang maraming tao, ngunit huwag silang patayin lahat. Hindi kabilang sa akin ang mga taong ito, kaya paalisin sila gaya ng hardinero na pinuputol ang mga sanga mula sa puno ng ubas.
\p
\v 11 Lubusang tumalikod sa akin ang mga taga-Israel at Juda.
\p
\v 12 Nagsinungaling sila tungkol sa akin at sinabi, 'Hindi siya totoo! Hindi niya tayo paparusahan! Hindi siya magdadala ng mga sakuna sa atin! Hindi natin mararanasan ang mga digmaan o taggutom!
\p
\v 13 Ang mga sinabi ng mga propeta ng Diyos ay walang halaga kundi hangin! Wala sa kanila ang mga mensahe ng Diyos! At dahil hindi nila ako pinaniwalaan, mangyayari sa kanila ang lahat ng bagay na ito!'"
\s5
\p
\v 14 Kaya, ito ang sinabi sa akin ni Yahweh, ang pinuno ng mga hukbo ng mga anghel sa langit, "Dahil sinasabi ng aking mga tao ang mga bagay na iyon, bibigyan kita ng mensahe upang sabihin sa kanila na magiging tulad ng isang apoy at magiging tulad ng kahoy ang mga taong ito na ganap na susunugin ng apoy!
\p
\v 15 Makinig sa pahayag ni Yahweh, kayong mga taga-Israel. Magpapadala ako ng hukbo mula sa malayong bansa upang salakayin kayo. Isa itong napakamakapangyarihang bansa na umiral ng mahabang panahon. Nagsasalita sila ng mga wikang hindi ninyo nalalaman at hindi ninyo maiintindihan.
\s5
\p
\v 16 Napakalakas lahat ng kanilang kawal at dadalhin ng kanilang mga palaso sa libingan ang maraming mga kalalakihan ng Juda.
\p
\v 17 Kakainin nila ang mga pagkain na inyong inani sa inyong mga bukirin, kahit na ang inyong mga sariling anak ang dapat na kumain ng inyong tinapay. Papatayin nila ang inyong mga kawan ng tupa at baka. Kakainin nila ang inyong mga ubas at igos. Sisirain din nila ang inyong mga lungsod na napapalibutan ng matataas na pader at papatayin ang mga tao sa pamamagitan ng kanilang mga espada.
\s5
\p
\v 18 Ngunit kahit na mangyari ang lahat ng bagay na iyon, hindi ko kayo paalisin lahat.
\p
\v 19 At kapag nagtanong ang mga tao, 'Bakit ito ginagawa sa atin ni Yahweh?' Sasabihin mo sa kanila, 'Itinakwil ninyo siya at sumamba kayo sa mga dayuhang diyos sa inyong sariling lupain, kaya ngayon, magiging mga alipin kayo ng mga dayuhan sa isang lupain na hindi ninyo lupain."
\s5
\p
\v 20 Inutusan ako ni Yahweh na ipahayag ang mensaheng ito sa mga taga-Israel at Juda,
\p
\v 21 "Pakinggan ninyo ito, kayong mga hangal na tao at walang anumang pang-unawa. May mga mata kayo, ngunit para bang hindi kayo nakakakita. May mga tainga kayo, ngunit para bang hindi kayo nakakarinig.
\p
\v 22 Bakit wala kayong anumang kahanga-hangang paggalang sa akin? Dapat kayong manginig kapag nasa harapan ko kayo! Ako si Yahweh ang naglagay ng mga hangganan sa mga dalampasigan upang hindi ito matawid ng tubig-dagat at bahain ang lupain. Tumataas at dumadagundong ang mga alon ngunit hindi pa rin nila malagpasan ang hangganan na iyon.
\s5
\p
\v 23 Ngunit kayong mga tao, hindi kayo tulad ng mga alon na sumusunod sa akin. Napakatigas ng inyong mga ulo, mapanghimagsik at patuloy ninyo akong tinalikuran.
\q
\v 24 Hindi ninyo sinabi sa inyong mga sarili, 'Magkaroon tayo ng kahanga-hangang paggalang kay Yahweh na ating Diyos, ang siyang nagbibigay ng ulan sa panahong kailangan natin ito, ang siyang dahilan kaya nahihinog ang mga trigo sa panahon ng anihan.'
\p
\v 25 Dahil ito sa mga maling bagay na inyong ginawa kaya hindi nangyari ang mabuting mga bagay na iyon. Dahil ito sa mga kasalanan na inyong ginawa kaya pinigilan kayo sa pagtanggap ng mga pagpapalang iyon.
\s5
\q
\v 26 Kabilang sa aking mga tao ang mga masasamang tao na nagkukubli sa mga tabing-daan upang tambangan ang mga tao gaya ng mga lalaking nanghuhuli ng mga ibon na naglalagay ng mga lambat upang mahuli sila.
\q
\v 27 Gaya ng manghuhuli na may hawla na punung-puno ng mga ibon na kaniyang nahuli, punung-puno rin ang kanilang mga tahanan ng mga bagay na kanilang nakuha sa pamamagitan ng panlilinlang sa iba. Kaya ngayon, mayaman sila at makapangyarihan.
\p
\v 28 Malalaki sila at matataba dahil kumakain sila ng mga masusustansyang pagkain at walang hangganan ang mga masasamang gawa na kanilang ginawa. Sa hukuman, hindi nila tinutulungan ang mga karaniwang tao na makakuha ng mga hukom upang magpasya ng makatarungan para sa kanila at hindi nila sinubukang ipagtanggol ang mga ulila. Ayaw din nilang pakinggan ang mga ito sa hukuman.
\p
\v 29 Kaya tiyak na paparusahan ko sila sa paggawa ng mga bagay na iyon. Ako si Yahweh ang nagpahayag na tiyak na maghihiganti ako sa kanilang bansa.
\s5
\q
\v 30 Kakila-kilabot na mga bagay ang nangyayari sa bansang ito.
\q
\v 31 Kasinungalingan lamang ang sinasabi ng mga propeta at namuno ang mga pari sa pamamagitan ng sarili nilang kapangyarihan, gayon pa man, iyan ang ginusto ninyong mga tao! Ngunit kapag nagsimula kayong makaranas ng mga sakuna, ano ang gagawin ninyo?
\s5
\c 6
\p
\v 1 Kayong mga tao sa Jerusalem na nagmula sa tribo ni Benjamin, tumakas kayo mula sa lungsod na ito! Hipan ninyo ang mga trumpeta sa lungsod ng Tekoa sa timog ng Jerusalem! Magbigay kayo ng hudyat na usok sa lungsod ng Beth-Hakerem upang balaan ang mga tao sa paparating na kapahamakan! Darating mula sa hilaga ang isang makapangyarihang hukbo laban sa inyo at magdudulot sila ng matinding pagkawasak.
\p
\v 2 Ang Jerusalem ay katulad ng isang magandang babae ngunit malapit na itong mawasak.
\p
\v 3 Darating kasama ng kanilang mga hukbo ang kaaway na mga hari, ang mga pastol ng mga dayuhang pangkat ng mga tao at itatayo nila ang kanilang mga tolda sa palibot ng lungsod. At pipili ang bawat hari ng isang bahagi ng lungsod upang wasakin ng kaniyang mga kawal tulad ng paghahati-hati ng mga pastol sa kanilang mga pastulan para sa kanilang mga kawan ng tupa.
\s5
\p
\v 4 Sasabihin ng mga hari sa kanilang mga hukbo, 'Gumawa kayo ng mga handog na kinakailangan upang maging handa sa labanan. Dapat natin silang salakayin bago magtanghali ngunit kahit hapon na tayo makarating doon,
\p
\v 5 sasalakayin natin sila sa gabi at pababagsakin ang kanilang mga matitibay na tanggulan.'"
\s5
\p
\v 6 Ito ang sinabi ni Yahweh na pinuno ng mga hukbo ng mga anghel sa langit, "Uutusan ko ang mga kawal na iyon na putulin ang mga puno sa labas ng Jerusalem at magtayo ng tuntungan hanggang sa itaas ng mga pader ng lungsod! Nararapat na parusahan ang lungsod na ito dahil patuloy na nang-aapi ng iba ang lahat ng mga tao doon.
\p
\v 7 Patuloy na gumagawa ng kasamaan ang mga tao nito gaya ng isang balon na patuloy sa pagbibigay ng tubig. Naririnig sa lahat ng dako ang ingay ng mga taong gumagawa ng karahasan at ng mga mapaminsalang kilos. Patuloy kong nakikita ang mga taong nagdurusa at sugatan.
\p
\v 8 Makinig sa aking babala sa inyo, kayong mga tao ng Jerusalem dahil kung hindi kayo makikinig, itatakwil ko kayo at pababayaan ko ang inyong lupain, isang lupain na walang sinuman ang maninirahan."
\s5
\p
\v 9 Ito ang sinabi ni Yahweh na pinuno ng mga hukbo ng anghel "Gagawin ng inyong mga kaaway ang inyong bansa na kasingpanglaw ng ubasan kung saan ganap na matatanggal ang lahat ng mga ubas mula sa mga sanga. Sasamsamin ng mga kawal ang mga ari-arian ng mga nananatili sa Israel matapos na maipatapon ang iba gaya ng mga tagapagtanim na muling pumupunta sa ubasan upang pitasin ang mga natitirang ubas.
\p
\v 10 Kapag inutusan kita, Jeremias na magsalita sa mga Israelita upang balaan sila, sino ang makikinig sa akin? Para bang may takip ang kanilang mga tainga at dahil dito, hindi sila makarinig. Hinamak nila ang aking mga mensahe, hindi talaga nila nais na pakinggan ang mga ito!"
\s5
\p
\v 11 Labis akong nagalit matapos kong marinig ang mga ito, gaya ng galit ni Yahweh, hindi ko na kayang pigilin pa ang aking sarili. Kaya sinabi sa akin ni Yahweh, "Sabihin mo sa mga bata sa mga lansangan at sa mga kabataang lalaki na nagtitipun-tipon. Sabihin mo sa mga kalalakihan at sa kanilang mga asawa at sabihin mo rin sa mga taong napakatanda na.
\p
\v 12 Sabihin mo sa mga kalalakihan na ibibigay ko sa kanilang mga kaaway ang kanilang mga tahanan at ibibigay ko rin sa kanilang mga kaaway ang kanilang mga ari-arian at ang kanilang mga asawa kapag pinarusahan ko ang mga taong naninirahan sa lupaing ito!
\s5
\p
\v 13 Sinusubukan ng lahat na makakuha ng pera sa pamamagitan ng panlilinlang sa iba, mula sa mga pinakakilala hanggang sa pinakahamak na tao. Kahit ang mga propeta at ang mga pari ay inusubukan ding linlangin ang mga tao upang makakuha ng pera.
\p
\v 14 Kumikilos sila na para bang tulad lamang ng maliliit na sugat na madali nilang gamutin ang mga kasalanan ng aking mga tao. Patuloy nilang inaaliw ang mga tao sa pamamagitan ng pagsabi, 'Umaasa ako na magiging mabuti ang mga bagay para sa inyo,' kapag hindi naging mabuti ang mga bagay.
\p
\v 15 Dapat silang mahiya tungkol sa mga kasuklam-suklam na bagay na ginagawa nila ngunit hindi talaga sila nahihiya. Hindi man lamang nila alam kung paano mamula sa kahihiyan. Kaya, mapapabilang sila sa mga papatayin. Mawawasak sila kapag pinarusahan ko sila."
\s5
\p
\v 16 Ito rin ang sinabi ni Yahweh sa mga Israelita, "Tumayo kayo sa mga panulukang-daan at tingnan ninyo ang mga taong dumaraan. Itanong ninyo sa kanila kung ano ang mabuting ugali na mayroon ang kanilang mga ninuno noong unang panahon. At kapag sinabi nila sa inyo, kumilos kayo sa ganoong paraan. Kapag ginawa ninyo iyon, magkakaroon kayo ng kapayapaan sa inyong mga sarili. Ngunit sinabi ninyo na ayaw ninyong gawin iyon!
\p
\v 17 Ipinadala ko ang aking mga propeta na gaya ng mga tagapagbantay. Sinabi nila sa inyo na makinig nang mabuti kapag hinipan ang mga trumpeta upang balaan kayo na paparating na ang inyong mga kaaway ngunit ayaw ninyong makinig.
\p
\v 18 Kaya, kayong mga tao sa ibang mga bansa, pakinggan ninyo ito: Bigyan ninyo ng pansin kung ano ang mangyayari sa mga Israelita.
\p
\v 19 Makinig kayong lahat! Hahayaan kong mangyari ang mga sakuna sa mga Israelita. Iyan ang mangyayari sa kanila dahil tumanggi silang makinig sa mga sinabi ko sa kanila. Tumanggi silang sumunod sa aking mga kautusan.
\s5
\p
\v 20 Kayong mga Israelita, kapag sinunog ninyo ang kamanyang na nagmula sa Sheba at kapag nag-alay kayo sa akin ng langis na may mabangong samyo na nagmula pa sa malayo, hindi ako malulugod sa inyong mga handog. Hindi ko tatanggapin ang mga handog na ganap na sinunog sa mga alltar, hindi ako nalugod sa alinman sa inyong mga handog.
\p
\v 21 Kaya, maglalagay ako ng mga hadlang sa mga lansangan kung saan maglalakbay ang aking mga tao. Ang mga kalalakihan, ang kanilang mga anak, ang kanilang mga kapwa at mga kaibigan ay matitisod at madadapa sa mga hadlang na iyon at mamamatay ang lahat.
\p
\v 22 Sinabi rin ito ni Yahweh, "Makikita ninyo ang napakalaking hukbo na dumarating patungo sa inyo mula sa hilaga. Naghahanda ang hukbo ng isang dakilang bansa na napakalayo upang salakayin kayo.
\s5
\p
\v 23 Mayroon silang mga pana, mga palaso at mga sibat. Napakalupit nila at hindi naaawa sa sinuman. Kapag sumasakay sila sa kanilang mga kabayo, tulad ng dagundong ng mga alon sa karagatan ang tunog ng paa ng mga kabayo, nakasakay sila na nakahanay pandigma upang salakayin kayong mga taga-Jerusalem.
\p
\v 24 Sinabi ng mga taga-Jerusalem sa isa't-isa, "Nakarinig kami ng mga balita tungkol sa mga kaaway kaya labis kaming natakot at nanghina. Labis kaming natakot at nag-alala gaya ng mga babaing malapit ng magsilang ng mga sanggol.
\s5
\p
\v 25 Kaya huwag kayong pumunta sa mga bukirin! Huwag kayong pumunta sa mga lansangan dahil may mga espada ang mga kaaway na kawal at nasa lahat ng dako sila, nagmumula sila sa lahat ng dako at labis tayong matatakot."
\p
\v 26 Kaya akong si Jeremias ang nagsasabi sa inyo, 'Minamahal kong mga kababayan, magsuot kayo ng mga magagaspang na damit at umupo sa mga abo upang ipakita na nagsisisi kayo sa inyong mga kasalanan. Magluksa kayo at umiyak nang labis gaya ng pag-iyak ng isang babae kapag namatay ang kaniyang kaisa-isang anak. Sapagkat napakalapit na ng inyong mga kaaway at wawasakin nila ang lahat ng bagay. Maghanda kayo para sa inyong sariling paglilibing.
\s5
\p
\v 27 At sinabi sa akin ni Yahweh, "Jeremias, hinayaan kitang maging tulad ng isang taong pinaiinitan ang metal nang matinding init upang ganap na masunog ang mga karumihan. Sisiyasatin mo ang pag-uugali ng aking mga tao.
\p
\v 28 Malalaman mo na napakatigas ng ulo ng mga suwail na taong ito. Palagi nilang sinisiraang-puri ang iba. Kasingtigas ng tanso o bakal ang kanilang kalooban. Patuloy silang nanlilinlang sa iba.
\p
\v 29 Ang isang tao na gumagawa ng mga metal ay pinapalakas ang pang-ihip sa pagbuga ng apoy upang lalong uminit ang apoy at ganap na masunog ang mga karumihan. Ngunit gaya ng apoy na hindi natatanggal ang lahat ng mga karumihan, hindi rin maaaring mahiwalay ang mga tao sa kanilang masasamang gawa.
\p
\v 30 Akong si Yahweh ang nagtakwil sa kanila. Sinasabi ko na gaya sila ng pilak na walang halaga."
\s5
\c 7
\p
\v 1 Binigyan ako ni Yahweh ng isa pang mensahe. Sinabi niya sa akin,
\p
\v 2 "Pumunta ka sa pasukan ng aking tahanan at ibigay mo sa mga tao ang mensaheng ito: Kayong mga taga-Juda na sumasamba dito, makinig kayo sa mensaheng ito mula kay Yahweh.
\s5
\p
\v 3 Sinasabi ito sa inyo ni Yahweh na Pinuno ng mga hukbo ng anghel, 'Kung aayusin ninyo ang inyong mga kaparaanan at sisimulan ninyong gawin kung ano ang tama, pahihintulutan ko kayong manatiling naninirahan sa inyong lupain.
\p
\v 4 Ngunit paulit-ulit na sinasabi sa inyo ng ibang tao, 'Narito ang templo ni Yahweh kaya magiging ligtas tayo. Hindi niya pahihintulutang mawasak tayo at ang templo. Ngunit huwag ninyong bigyang pansin ang kanilang sinasabi dahil nililinlang nila kayo.
\s5
\p
\v 5 Kahahabagan ko kayo kung babaguhin lamang ninyo ang inyong pag-uugali at titigil kayo sa paggawa ng kasamaan at kung magsisimula kayong maging makatarungan para sa iba
\p
\v 6 at kung titigil kayo sa pang-aapi sa mga dayuhan na nakatira sa inyong bansa, sa mga ulila at sa mga balo at kung titigil kayo sa pagpatay sa mga tao at sa pagsamba sa mga dayuhang diyus-diyosan.
\p
\v 7 Kung gagawin ninyo ang sinabi ko sa inyo, pahihintulutan ko kayong manatili sa lupaing ito na ipinangako ko sa inyong mga ninuno noong una pa na magiging pag-aari nila at ng kanilang mga kaapu-apuhan magpakailanman.
\s5
\p
\v 8 Paulit-ulit na sinasabi sa inyo ng mga tao, 'Narito ang templo kaya ligtas tayo,' at nagtitiwala kayo na totoo ang kanilang sinasabi. Ngunit nililinlang kayo ng mga taong iyon, walang kabuluhan ang kanilang sinasabi.
\p
\v 9 Nag-iisip kayo na makakapagnakaw kayo ng mga bagay, papatay ng mga tao, mangangalunya at magsasabi ng kasinungalingan sa hukuman at sasambahin si Baal at ang lahat ng iba pang mga diyus-diyosan na hindi ninyo kilala noon.
\p
\v 10 Pagkatapos, iniisip ninyo na makakapunta kayo dito at tatayo sa harapan ng templong ito na aking templo at sasabihin ninyo, 'Walang mangyayari na anumang masama sa atin!', habang patuloy ninyong ginagawa ang lahat ng mga kasuklam-suklam na bagay na iyon.
\p
\v 11 Marahil hindi ninyo alam na ginawa ninyo ang templong ito na aking templo na maging tulad ng isang kuweba kung saan nagtatago ang mga magnanakaw. Ngunit akong si Yahweh ang nagsasabi sa inyo na nakita ko na ang lahat ng mga bagay na ito!
\s5
\p
\v 12 Noong una pa, inilagay ko sa distrito ng Shilo ang aking sagradong tolda upang maging isang lugar kung saan sasambahin ako ng mga tao. Isipin ninyo kung paano ko ito winasak dahil gumawa doon ng kasamaan ang aking mga tao, ang mga Israelita.
\p
\v 13 At habang patuloy ninyong gingawa ang mga kasamaang iyon, maraming beses ko nang sinabi ito sa inyo ngunit tumanggi kayong pakinggan. Tinawag ko kayo ngunit hindi kayo sumagot sa akin.
\p
\v 14 Samakatwid gaya ng pagwasak ko sa Shilo, wawasakin ko ngayon ang templong ito na ipinatayo para sa mga tao upang sambahin ako, ang templong ito na inyong pinagkakatiwalaan, sa lugar na ito na ibinigay ko sa inyo at sa inyong mga ninuno.
\p
\v 15 At palalayasin ko kayo mula sa lupain na ito at ipadadala ko kayo sa ibang mga bansang malayo sa akin, gaya ng ginawa ko sa inyong mga kamag-anak na mga Isarelita.
\s5
\p
\v 16 Sinabi sa akin ni Yahweh, ' Jeremias, huwag ka nang manalangin para sa mga taong ito. Huwag kang tumawag sa akin para sa kanila o makiusap na tulungan sila dahil hindi kita bibigyan ng pansin.
\p
\v 17 Nakikita mo ba ang mga masasamang bagay na kanilang ginagawa sa mga lansangan ng Jerusalem at sa iba pang mga bayan sa Juda?
\p
\v 18 Nag-iipon ng mga panggatong ang mga anak at nagpapaapoy ang kanilang mga ama sa mga altar upang sunugin ang mga handog. Nagmamasa ng harina ang mga kababaihan upang gumawa ng mga tinapay na ihahandog sa kanilang diyosa na si Ashera na tinatawag na Reyna ng Langit. At ibinubuhos nila sa kanilang mga altar ang mga handog na alak sa iba pa nilang mga diyus-diyosan. Nagdudulot sa akin ng matinding galit ang lahat ng mga bagay na iyon!
\s5
\p
\v 19 Ngunit hindi ako ang kanilang sinasaktan, ang kanilang mga sarili ang talagang sinasaktan nila sa paggawa ng mga bagay na ito na dapat nilang labis na ikahiya!
\p
\v 20 Kaya sinabi ito ni Yahweh na ating Panginoon, "Dahil galit na galit ako sa nangyari sa lugar na ito, parurusahan ko nang labis ang mga taong ito, magiging katulad ng isang apoy na hindi mapapatay ang aking matinding galit at wawasakin ko ang mga tao, ang kanilang mga hayop, ang kanilang mga punongkahoy at ang kanilang mga pananim."
\s5
\q
\v 21 Kaya, ito ang sinabi ni Yahweh na Pinuno ng mga hukbo ng mga anghel, ang Diyos ng Israel, "Tanggalin ang mga alay na dinala ninyo upang ganap na sunugin sa inyong mga altar at ang iba pa ninyong mga handog, huwag ninyong ibigay ang mga iyon sa akin, kayo mismo ang kumain ng mga iyon!
\p
\v 22 Nang pangunahan ko ang inyong mga ninuno palabas ng Egipto, hindi ang mga alay na ganap na sinusunog sa mga altar o ang iba pang mga handog ang nais ko mula sa kanila.
\p
\v 23 Ang sinabi ko sa kanila, 'Sundin ninyo ako, kung gagawin ninyo iyon magiging Diyos ninyo ako at magiging mga tao ko kayo. Kung gagawin ninyo ang mga bagay na nais kong gawin ninyo, magiging mabuti ang lahat ng mga bagay para sa inyo.'
\s5
\p
\v 24 Ngunit, hindi nakinig sa akin ang inyong mga ninuno. Patuloy silang gumawa ng mga masasamang bagay na nais nilang gawin, lahat ng mga kasamaan ng kanilang likas na pagkatao na nais nilang gawin. Sa halip na lumalapit sa akin, lalo pa silang lumalayo sa akin.
\p
\v 25 Mula sa araw na iniwan ng inyong mga ninuno ang Egipto hanggang sa ngayon, paulit-ulit kong ipinadadala sa inyo ang aking mga propeta.
\p
\v 26 Ngunit kayo na aking mga tao, hindi kayo nakinig sa akin o binigyang pansin ang aking sinabi, naging napakatigas ng inyong mga ulo at mas marami kayong ginawang kasalanan kaysa sa ginawa ng inyong mga ninuno."
\s5
\p
\v 27 At sinabi sa akin ni Yahweh, "Kapag sinabi mo ang lahat ng ito sa aking mga tao, hindi ka nila pakikinggan. Kapag tinawag mo sila, hindi sila sasagot.
\p
\v 28 Sabihin mo sa kanila, 'Kayong mga taga-Juda, hindi ninyo sinunod si Yahweh na inyong Diyos. Hindi ninyo ito tinanggap nang sinubukan niya kayong itama. Wala ni isa man sa inyo ang tapat, wala kayong anumang sinabi na totoo, nagsasabi lamang kayo ng mga kasinungalingan.'
\s5
\q
\v 29 Kaya sabihin mo sa kanila na gupitin ang kanilang buhok upang ipakita na nagluluksa sila. Sabihin mo sa kanila na umakyat sila sa mga tigang na burol at umawit ng malungkot na awiting panlibing dahil ganap kong itinakwil ang salinlahi ng mga taong ito na naging dahilan kaya ako nagalit."
\p
\v 30 Sinabi ito ni Yahweh, "Ginawa ng mga taga-Juda ang lahat ng bagay na sinabi kong masama. Itinayo nila ang kanilang mga kasuklam-suklam na diyus-diyosan sa aking templo na naging dahilan upang hindi ito maging katanggap-tanggap na lugar para sambahin ako.
\s5
\p
\v 31 Nagtayo sila ng mga altar sa Tofet sa Lambak ng Himnon sa labas ng Jerusalem at inialay nila ang kanilang mga anak sa mga altar na iyon. Hindi ko sila inutusan kailanman na gawin iyon, hindi ko rin naisip ang mga ito!
\p
\v 32 Kaya dapat silang mag-ingat! Darating ang panahon na hindi na tatawaging Tofet o Lambak ng Himnon ang lugar na iyon. Sa halip, tatawagin itong Lambak ng Pagpatay. Magkakaroon ng napakaraming bilang ng mga taong ililibing doon na magiging dahilan kaya wala nang lugar na mapaglilibingan ng mas marami pang mga bangkay.
\s5
\p
\v 33 Ang mga bangkay ng aking mga tao na hindi inilibing at iniwan sa lupa ay kakainin ng mga buwitre at ng mga mababangis na hayop at walang sinumang makapagtataboy sa mga ito.
\p
\v 34 Wala nang sinumang aawit at tatawa sa mga lansangan ng Jerusalem, wala na ang masasayang tinig ng mga ikinakasal sa Juda dahil ganap na mawawasak ang lupain."
\s5
\c 8
\p
\v 1 Sinabi ni Yahweh, "Matapos kayong wasakin ng inyong mga kaaway, bubuksan nila ang mga libingan ng inyong mga hari at ng iba pa ninyong mga opisyal na nanirahan sa Juda, ang libingan ng inyong mga pari at mga propeta, at ng iba pang mga tao na nanirahan doon.
\p
\v 2 Ilalabas nila ang mga kalansay ng mga patay mula sa kanilang mga libingan at lalapastanganin nila ang mga ito sa pamamagitan ng pagkakalat sa mga ito sa lupain sa ilalim ng araw at ng buwan at ng mga bituin, iyon ang mga diyus-diyosan na iniibig, pinaglilingkuran at sinasamba ng aking mga tao. Walang sinumang magtitipon ng kanilang mga kalansay at muling maglilibing ng mga ito. Mananatili silang nakakalat sa lupa gaya ng mga dumi.
\p
\v 3 At ang lahat ng mga tao sa masamang bansang ito na buhay pa at ipinatapon sa ibang bansa ay magsasabi, 'Mas nanaisin pa naming mamatay kaysa patuloy na manatiling buhay dito sa mga bansang ito.' Totoo ito dahil akong si Yahweh, ang nagsabi nito.
\s5
\p
\v 4 Sinabi sa akin ni Yahweh, "Jeremias, sabihin mo ito sa mga tao na ako si Yahweh ang nagsasabi nito sa kanila. 'Kapag nadapa ang mga tao, hindi ba sila muling babangon? Kapag naglalakad ang mga tao sa daan at nalaman nilang naglalakad sila sa maling daan, hindi ba sila bumabalik at hinahap ang tamang daan?
\p
\v 5 Oo, ginagawa nila iyon, kaya bakit patuloy na nagtitiwala ang mga taga-Juda sa mga diyus-diyosan na iyon na nanlinlang sa kanila? Patuloy sila sa pagtalikod sa akin at sa pagtataksil sa aking kasunduan bagaman binalaan ko sila kung ano ang mangyayari.
\s5
\p
\v 6 Pinakinggan kong mabuti ang kanilang sinabi ngunit hindi nila sinabi ang dapat nilang sabihin. Walang sinuman sa kanila ang nagsisi sa pagkakasala. Walang sinuman ang nagsabi, "Nakagawa ako ng kasamaan." Gumagawa sila ng kasalanan at ginagawa nila ang kanilang nais. Nagpapatuloy sila sa kanilang masasamang pag-uugali gaya ng pananabik ng isang kabayo na tumatakbo patungo sa labanan.
\p
\v 7 Ang lahat ng mga ibon na lumilipad patungo sa timog dahil sa tag-lamig ay alam ang panahon na kinakailangan nilang lumipad patungo sa timog at bumabalik silang lahat sa tamang panahon sa susunod na taon. Ngunit hindi katulad ng mga ibon na iyon ang aking mga tao! Hindi nila alam kung ano ang nais kong si Yahweh na gawin nila.
\s5
\p
\v 8 Ang inyong mga kalalakihan na nagtuturo sa inyo ng mga kautusan na isinulat ni Moises ay nagsasabi ng mga kasinungalingan tungkol sa mga kautusang iyon. Kaya bakit patuloy nilang sinasabi, "Napakatalino natin dahil nasa atin ang kautusan ni Yahweh?"
\p
\v 9 Ang mga tagapagturong iyon na nag-iisip na matatalino sila ay mahihiya at matatakot kapag dinala sila ng kanilang mga kaaway sa ibang mga bansa dahil nagkasala sila sa pamamagitan ng pagtanggi sa mga sinabi ko sa kanila. Tunay ngang hindi sila ganun katalino upang gawin iyon!
\p
\v 10 Kaya ibibigay ko ang kanilang mga asawa sa ibang kalalakihan. Ibibigay ko ang kanilang mga bukirin sa kanilang mga kaaway na kawal na sumakop sa kanila. Ang lahat ng mga tao, kabilang ang mga kilalang tao at ang mga hindi kilalang tao, at maging ang aking mga propeta at mga pari, nililinlang nila ang iba upang makuha ang kanilang mga ari-arian.
\s5
\p
\v 11 Kumikilos sila na para bang hindi mabigat ang mga kasalanan ng aking mga tao, gaya ng sugat na hindi na kailangang linisin at balutan ng tela. Sinasabi nila sa mga tao na magiging mabuti ang mga bagay para sa kanila ngunit hindi totoo iyon, hindi magiging mabuti ang mga bagay para sa kanila.
\p
\v 12 Dapat silang mahiya kapag gumawa sila ng kasuklam-suklam na mga bagay. Ngunit hindi man lamang nila alam kung paano nila ipapakita na nahihiya sila sa kanilang mga kasalanan. Kaya papatayin sila at ang kanilang mga bangkay ay ilalatag kasama ng mga bangkay ng iba pang mga pinatay ng kanilang mga kaaway. Mamamatay sila kapag pinarusahan ko sila.
\p
\v 13 Hahayaan kong kunin ng kanilang mga kaaway ang mga igos at ang mga ubas na inani ng mga tao sa kanilang mga bukirin. Malalanta ang lahat ng kanilang mga punongkahoy. Hindi nila matatanggap ang mga pagpapalang inihanda ko para sa kanila. Tiyak na mangyayari ito dahil akong si Yahweh ang nagsabi nito."
\s5
\p
\v 14 At sasabihin ng mga tao, "Bakit kailangan nating maghintay dito sa mga maliliit na bayang ito. Dapat tayong pumunta sa mga lungsod na may mga matataas na pader sa palibot ngunit kahit gawin natin iyon, papatayin tayo doon dahil nagpasya si Yahweh na ating Diyos na dapat tayong mamatay na para bang binigyan niya tayo ng isang tasa ng lason upang inumin dahil nagkasala tayo laban sa kaniya. Umasa tayo na magiging mabuti ang mga bagay para sa atin ngunit hindi naging mabuti.
\p
\v 15 Umasa tayo na manunumbalik ang ating sigla at muli tayong magiging malakas ngunit ang mga bagay lamang na nagdudulot sa atin ng takot ang mga nangyayari sa atin.
\s5
\p
\v 16 Narinig na ng mga tao sa hilaga ng Israelitang lungsod ng Dan ang pagsinghal ng mga kabayo ng mga taong naghahanda upang salakayin tayo. Para bang nayayanig ang buong lupain habang paparating ang kanilang mga hukbo, dumarating sila upang wasakin ang ating lupain at ang lahat ng mga narito, ang mga tao at ang mga lungsod."
\p
\v 17 Sinabi ni Yahweh, "Ipadadala ko sa Juda ang mga kaaway na kawal at magiging tulad sila ng mga makamandag na ahas. Walang sinuman ang makapipigil sa kanila sa pagsalakay sa inyo, sasalakayin nila kayo tulad ng ginagawa ng mga ahas at papatayin nila kayo."
\s5
\p
\v 18 Natalo ng aking labis na kalungkutan ang anumang kasiyahan para sa mga tao ng Juda. Napakalungkot ng aking kalooban.
\p
\v 19 Nagtanong ang mga tao sa ating buong lupain, "Pinabayaan ba ni Yahweh ang Jerusalem? Siya ba na hari ng ating lungsod ay wala na doon?" Sumagot si Yahweh, "Kung nais nila na nasa Jerusalem ako bakit sumasamba ang mga tao sa mga diyus-diyosan at sa mga dayuhang diyus-diyosan?"
\s5
\p
\v 20 Sinabi ng mga tao, "Tapos na ang anihan, tapos na ang tag-init ngunit hindi pa rin tayo iniligtas ni Yahweh mula sa ating mga kaaway."
\p
\v 21 Umiiyak ako dahil nadurog ang aking mga tao. Nagluksa ako at ganap akong nalungkot.
\q
\v 22 Sinabi ko, "Tiyak na may gamot na pampahid sa rehiyon ng Gilead! Tiyak na may mga manggagamot doon!" Ngunit nagkaroon ang aking mga tao ng matinding sugat sa kanilang espiritu at walang makapagpagaling sa kanila.
\s5
\c 9
\p
\v 1 Nais ko na makapagpalabas ng mas marami pang mga luha ang aking ulo gaya ng tubig sa isang bukal at maging tulad ng isang balon ng mga luha ang aking mata, yamang umiiyak ako araw at gabi para sa aking mga kababayan na pinatay ng kanilang mga kaaway.
\q
\v 2 Nais ko na talikuran ang aking bayan at kalimutan sila at pumunta upang manirahan sa isang kubo sa ilang, dahil hindi sila nanatiling tapat kay Yahweh, mga pangkat sila ng mga taong nanlilinlang ng iba.
\p
\v 3 Ginagamit nila ang kanilang mga dila upang magsabi ng kasinungalingan tulad ng mga taong pumapana gamit ang mga palaso. Hindi sila makapangyarihan dahil tapat sila, ngunit patuloy silang gumagawa ng mga masasamang bagay. "Hindi nila ako kilala," sinabi ni Yahweh.
\s5
\p
\v 4 Huwag kayong magtiwala sa inyong mga kapwa at maging sa inyong mga kapatid na lalaki! Mapanlinlang silang lahat tulad ni Jacob. Nagsisiraan ng puri sa isa't isa at nagsasabi ng kasinungalingan tungkol sa isa't isa.
\p
\v 5 Nililinlang nila ang kanilang mga kaibigan at hindi kailanman nagsasabi ng katotohanan. Patuloy silang nagsisinungaling at dahil doon, naging dalubhasa sila sa pagsisinungaling at paulit-ulit silang gumagawa ng pang-aapi hanggang sa mapagod sila mula sa labis na pagkakasala.
\q
\v 6 Lagi silang nagsisinungaling at nililinlang ang isa't isa, at walang sinuman ang kumikilala na ako ay Diyos.
\s5
\p
\v 7 Kaya akong si Yahweh, na Pinuno ng mga hukbo ng anghel ang nagsasabi nito: Makinig nang mabuti sa aking sasabihin: Susubukin ko ang aking mga tao gaya ng paglagay ng manggagawa ng bakal sa mainit na apoy upang ganap na masunog ang mga bahagi na marumi. Dahil sa lahat ng mga masasamang bagay na ginawa ng aking mga tao, talagang wala na akong magagawa.
\p
\v 8 Nakakasakit sa mga tao ang mga sinasabi nila gaya ng nagagawa ng palaso na may lason. Sinasabi nila sa kanilang mga kapwa, 'Umaasa ako na magiging maayos ang mga bagay para sa iyo,' habang binabalak nilang patayin sila.
\p
\v 9 Hindi ko ba sila parurusahan sa paggawa ng ganoon? Oo, dapat kong tiyakin na makapaghiganti sa mga tao ng isang bansa na gumawa ng mga ganoong mga bagay!"
\s5
\p
\v 10 Kaya, iiyak ako at tatangis para sa mga taong naninirahan sa mga kabundukan at sa mga pastulan, dahil mapapabayaan ang mga lugar na iyon at walang sinuman ang maninirahan doon. Wala ng mga baka doon ang tatawag sa isa't isa at pupunta sa ibang lugar ang lahat ng mga ibon at mga maiilap na hayop.
\p
\v 11 Sinasabi rin ni Yahweh, "Gagawin kong tambakan ng pagkawasak ang Jerusalem at mga asong-gubat lamang ang maninirahan doon. Wawasakin ko ang mga bayan ng Juda at ganap silang mapapabayaan at walang tao ang maninirahan doon."
\p
\v 12 Sinabi ko, "Ang mga napakatalinong tao lamang ang makakaunawa sa mga bagay na ito. Sila lamang na tinuruan ni Yahweh ang makakapagpaliwanag ng mga bagay na ito sa iba. Ang mga matatalinong tao lamang ang makakapagpaliwanag kung bakit ganap na mawawasak ang lupain at ang kinahinatnan nito ay matatakot ang lahat na maglalakbay dito.
\s5
\p
\v 13 Sumagot si Yahweh, "Mangyayari ang mga bagay na ito dahil tinanggihan ng aking mga tao ang mga kautusan na ibinigay ko sa kanila at hindi nila ako sinunod o maging ang aking mga tagubilin.
\p
\v 14 Sa halip, ginawa nila ng may katigasan ng ulo ang mga bagay na ninais nilang gawin sa kanilang likas na pagkatao. Sumamba sila sa mga diyus-diyosan na kumakatawan sa diyos na si Baal na ginawa rin ng kanilang mga ninuno.
\s5
\p
\v 15 Kaya ngayon, makinig ka sa akin, akong si Yahweh, na Pinuno ng mga hukbo ng anghel, ang Diyos ng mga Israelita, ang nagsasabi: Ang gagawin ko ay tulad ng pagbibigay ko sa mga taong ito ng mga mapapait na mga bagay upang kainin at nakalalasong inumin.
\p
\v 16 Ikakalat ko sila sa maraming bansa na hindi nila alam maging ng kanilang mga ninuno. Hahayaan kong saktan sila ng kanilang mga kaaway sa pamamagitan ng mga espada hanggang sa mawasak ko sila."
\s5
\p
\v 17 Ito ang sinasabi ni Yahweh, na Pinuno ng mga hukbo ng anghel, "Isiping mabuti kung ano ang nangyayari at ipatawag ang mga kababaihang nagluluksa kapag mayroong namatay.
\p
\v 18 Sabihin sa kanila na lumapit agad at umpisahan na ang pagtangis upang dumaloy ang mga luha mula sa kanilang mga mata.
\s5
\q
\v 19 Makinig sa isinisigaw ng mga taga-Jerusalem na sinasabi, 'Nawasak na kami! Nakaranas kami ng isang nakakakilabot na sakuna! Ngayon, labis kaming napahiya, dahil winasak ng mga kaaway ang aming mga tahanan at sapilitan kaming pinaalis sa aming lupain.'
\p
\v 20 Kayong mga kababaihan, makinig sa mga sinasabi ni Yahweh, bigyang pansin ang kaniyang mga salita. Turuan ang inyong mga anak na babae na tumangis. Turuan ang bawat isa kung paano umawit ng mga panlibing na awitin,
\s5
\p
\v 21 dahil mamamatay ang mga tao sa inyong mga bahay at sa mga palasyo. Wala nang mga bata ang maglalaro sa mga lansangan, wala ng mga kabataan ang magtitipon sa mga pamilihang bayan.
\p
\v 22 Magkakaroon ng mga bangkay na nagkalat sa ibayo ng mga bukid gaya ng dumi. Hahandusay ang kanilang mga bangkay gaya ng butil na inani ng mga nag-aani at walang sinuman ang matitirang buhay na maglilibing sa kanila.
\s5
\p
\v 23 Sinasabi ito ni Yahweh: "Hindi dapat ipagyabang ng mga matatalinong tao ang kanilang pagiging matalino, hindi dapat ipagyabang ng mga malalakas na tao ang kanilang pagiging malakas at huwag dapat ipagyabang ng mga mayayamang tao ang kanilang pagiging mayaman.
\p
\v 24 Sa halip, ang mga nais magyabang ay dapat magyabang tungkol sa pagkakakilala nila sa akin at tungkol sa pagkakaunawa na ako ay si Yahweh, na ako ay mabait, makatarungan at matuwid, na matapat kong minahal ang mga tao at nalulugod ako sa mga tao na kumikilos sa ganoong paraan.
\s5
\p
\v 25-26 Darating ang panahon na parurusahan ko silang lahat na nagbago ng kanilang katawan sa pamamagitan ng pagtutuli sa kanila ngunit hindi nagbago ang kanilang likas na pagkatao. Ang mga taga-Egipto, Moab, ng Edom at mga pangkat ng Ammon at lahat ng mga naninirahan sa mga lugar na malapit sa disyerto na malayo sa Juda. Parurusahan ko rin maging ang mga Israelita dahil tuli lamang sila sa panlabas at sa pisikal, ngunit hindi sa kanilang panloob at likas na pagkatao."
\s5
\c 10
\p
\v 1 Kayong mga taga-Israel, makinig kayo sa sinasabi ni Yahweh,
\p
\v 2 "Huwag kayong kumilos tulad ng pagkilos ng mga tao sa ibang mga bansa at huwag kayong masindak sa kakaibang mga bagay na nakikita ninyo sa kalangitan, kahit na ang mga ito ang nagdudulot sa mga tao sa ibang mga bansa upang masindak.
\s5
\p
\v 3 Walang kabuluhan ang mga kaugalian ng mga tao sa ibang mga bansa. Halimbawa, nagputol sila ng isang puno sa kagubatan. Pagkatapos, pinutol ng dalubhasang manggagawa ang isang bahagi nito at ginamit ang kaniyang pait upang umukit ng isang diyus-diyosan mula sa bahaging iyon.
\p
\v 4 At pinalamutian ng mga tao ang diyus-diyosan ng pilak at ginto. Pagkatapos, pinatibay nila ito ng mabuti gamit ang mga pako upang hindi ito matumba.
\p
\v 5 At tumayo doon ang diyus-diyosan tulad ng isang panakot ng mga ibon sa taniman ng mga pipino. Hindi ito makapagsalita at kailangang buhatin ito ng mga tao dahil hindi ito makalakad. Huwag kayong matakot sa mga diyus-diyosan dahil hindi sila makakapanakit ng sinuman at hindi sila maaaring gumawa ng mabuti upang tulungan ang sinuman."
\s5
\p
\v 6 Walang sinuman ang katulad mo Yahweh. Dakila ka at lubhang makapangyarihan.
\p
\v 7 Ikaw ang hari ng lahat ng mga bansa! Dapat kang igalang ng lahat dahil iyon ang nararapat sa iyo. Sa lahat ng matatalinong tao dito sa daigdig at sa lahat ng mga kaharian na kung saan sila naninirahan, wala kang katulad.
\s5
\p
\v 8 Mga walang alam at mga hangal iyong mga taong nag-iisip na sila ay napakatalino. Gawa lamang sa mga kahoy ang mga diyus-diyosan na kanilang sinasamba! Tiyak na hindi sila maaaring turuan ng anuman ng mga diyus-diyosang iyon.
\p
\v 9 Pinanday ng mga tao ang pilak na nagmula sa Tarsis at ang mga pantakip na ginto mula sa Upaz at ibinigay nila ang mga pantakip na pilak at ginto sa dalubhasang mga manggagawa upang takpan ang mga diyus-diyosan. Pagkatapos, inilagay nila sa mga diyus-diyosan na iyon ang mga mamahaling kasuotang kulay lila na ginawa ng mga dalubhasang manggagawa.
\p
\v 10 Ngunit si Yahweh lamang ang nag-iisang tunay na Diyos at siya ang pinakamakapangyarihang Diyos, ang hari na mamumuno magpakailanman. Nayayanig ang buong mundo kapag siya ay nagagalit at hindi kayang tiisin ng mga tao sa mga bansa ang kaniyang ginagawa kapag siya ay nagagalit sa kanila.
\s5
\p
\v 11 Kayong mga Israelita, sabihin ninyo ito sa mga taong iyon: "Hindi nilikha ng mga diyus-diyos na iyon ang kalangitan at ang daigdig, at maglalaho sila mula sa daigdig."
\p
\v 12 Ngunit nilikha ni Yahweh ang daigdig sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan, ginawa niya sa pamamagitan ng kaniyang karunungan ang matatag na lupain upang maging tuntungan at inilatag ang kalangitan sa pamamagitan ng kaniyang pang-unawa.
\p
\v 13 Kapag nagsasalita siya ng malakas, naroon ang kulog sa kalangitan at siya ang nagdudulot upang magka-anyo ang mga ulap sa iba't ibang bahagi ng daigdig. Nagpapadala siya ng kidlat na may kasamang ulan at nagpapakawala ng mga hangin mula sa kaniyang mga bahay-imbakan.
\s5
\p
\v 14 Manhid ang mga tao tulad ng mga hayop at walang nalalaman tungkol sa mga ninanais ng Diyos! Palaging nabibigo ang mga gumagawa ng mga diyus-diyosan dahil wala itong magawa para sa kanila. Hindi tunay na mga diyos ang mga imahe na kanilang ginawa at wala silang buhay.
\p
\v 15 Walang kabuluhan ang mga diyus-diyosan at kinukutya lamang ng mga bagay na ito ang tunay na Diyos at darating ang panahon na mawawasak silang lahat.
\p
\v 16 Ngunit hindi gaya ng mga diyus-diyosan na iyon ang Diyos na sinasamba nating mga Israelita. Siya ang lumikha ng lahat ng mayroon. Tayong mga tribo ng Israel, kabilang tayo sa kaniya at siya ang Pinuno ng mga hukbo ng anghel.
\s5
\p
\v 17 Ito ang sinasabi ni Yahweh sa mga taga-Jerusalem: "Pinalibutan ang inyong lungsod ng hukbo ng inyong mga kaaway, kaya tipunin ninyo ang inyong mga ari-arian at maghanda sa pag-alis sa lungsod.
\p
\v 18 Malapit ko na kayong palayasin sa lupaing ito at ipaparanas sa inyo ang matitinding kaguluhan at dahil dito magsisimula kayong muli na alalahanin ako."
\s5
\p
\v 19 Sasagot ang mga tao, "Para bang lubha kaming nasugatan at labis kaming nagdadalamhati. Para bang mayroon kaming malubhang karamdaman at dapat naming tiisin ang sakit.
\p
\v 20 Para bang nawasak ang aming dakilang tolda, na naputol ang mga tali na humahawak dito at lumayo sa amin ang aming mga anak at hindi na babalik. Wala ng natirang tao upang muling itayo ang aming dakilang tolda.
\s5
\p
\v 21 Naging katulad ng mga hayop ang aming mga pinuno at hindi na sila humingi ng patnubay kay Yahweh kaya hindi na sila sasagana at ikakalat ang lahat ng kanilang pinamumunuan.
\p
\v 22 Makinig kayo! Gumagawa ng matinding ingay ang mga hukbo ng ating mga kaaway na nasa hilaga habang patungo sila sa atin. Mawawasak ang mga bayan sa Juda at magiging isang lugar sila na kung saan maninirahan ang mga asong-gubat."
\s5
\p
\v 23 Yahweh, alam ko na walang tao ang makakapigil sa mangyayari sa kaniya at walang sinuman ang kayang pangunahan ang mga pangyayari na kaniyang mararanasan.
\p
\v 24 Kaya itama mo kami, ngunit gawin mo ito ng mahinahon. Huwag mo kaming ituwid kapag nagagalit ka dahil mamamatay kami kung gagawin mo iyon.
\p
\v 25 Parusahan mo ang lahat ng bansa na hindi kinikilala ng kanilang mga tao na ikaw ang Diyos at parusahan ang lahat ng bansa na hindi sumasamba sa iyo ang kanilang mga tao dahil ganap nilang winawasak tayong mga taga-Israel at sila ang nagdudulot sa ating lupain upang sa madaling panahon magiging isang disyerto na lamang.
\s5
\c 11
\p
\v 1 Ito ay isa pang mensahe na sinabi sa akin ni Yahweh:
\p
\v 2 "Makinig kayo sa kasunduan na ginawa ko kasama ang mga ninuno ng mga taga-Jerusalem at ang ibang mga lungsod sa Juda. At sabihing muli sa kanila ang kasunduang iyon.
\s5
\p
\v 3 At sabihin sa kanila na akong si Yahweh, ang Diyos na sinasamba ng mga Israelita, ang nagsasabi na susumpain ko ang sinumang hindi sumunod sa mga nakasulat sa kasunduang ginawa ko kasama nila.
\p
\v 4 Magkaparehong kasunduan ito na ginawa ko kasama ng kanilang mga ninuno noong inilabas ko sila sa Egipto. Nakaka-kilabot ang nangyari sa kanila sa Egipto, para bang naninirahan sila sa isang mainit na pugon. Nang inilabas ko sila sa Egipto, sinabi ko na sumunod sila sa akin at gawin nila ang lahat ng aking inuutos`. Sinabi ko rin sa kanila na kapag sinunod ako, magiging tao ko sila at ako ang magiging Diyos nila.
\p
\v 5 Ngayon, sabihin sa mga taong ito na kapag sumunod sila sa akin, gagawin ko kung ano ang mga ipinangako kong gagawin para sa kanilang mga ninuno. Bibigyan ko sila ng kakayahang magpatuloy na manirahan sa masaganang lupain kung saan sila naninirahan ngayon. Sumagot ako, "Yahweh, nagtitiwala ako sa iyo na mangyayari iyong mga sinabi."
\s5
\p
\v 6 At sinabi ni Yahweh sa akin, "Pumunta ka sa mga lansangan ng Jerusalem at sa ibang mga lungsod sa Juda. Ipahayag sa mga tao ang mensahe ko. Sabihin mo sa kanila na makinig sila sa kasunduan na ginawa ko kasama ng kanilang mga ninuno at upang sundin ito.
\p
\v 7 Nang inilabas ko sa Egipto ang kanilang mga ninuno, taimtim akong nakiusap sa kanila ng maraming ulit na sumunod sa akin at patuloy pa rin akong nakiki-usap sa kanila ngayon.
\p
\v 8 Ngunit hindi nila ako sinunod o kahit na bigyan ako ng anumang pansin. Nagpatuloy ang lahat na maging matigas ang ulo at ginawa ang mga masasamang bagay na nais nilang gawin. Inutusan ko sila na gawin ang mga nakasulat sa kasunduan ngunit tumanggi sila. Kaya pinarusahan ko sila sa lahat ng kaparaanan na ipinangako ko na gagawin."
\s5
\p
\v 9 At sinabi ni Yahweh sa akin, "Naghihimagsik laban sa akin ang mga taga-Jerusalem at ang ibang mga lungsod sa Juda.
\p
\v 10 Tinanggihan ng kanilang mga ninuno na gawin ang sinabi ko na gawin nila at ngayon, bumalik ang mga taong ito sa paggawa ng mga kasalanan na ginawa ng kanilang mga ninuno. Sumasamba sila sa ibang mga diyos. Sinuway ng mga taga-Israel ang kasunduan na ginawa ko kasama ng kanilang mga ninuno at ngayon, ginagawa ng mga taga-Juda ang ganoon ding bagay.
\s5
\q
\v 11 Kaya ngayon, akong si Yahweh, ang nagbabala sa kanila na magpapadala ako ng sakuna sa kanila at hindi sila makakatakas. At kapag tumawag sila sa akin upang tulungan sila, hindi ko sila bibigyan ng pansin.
\p
\v 12 Kapag nangyari iyon, mag-aalay ng mga handog at magsusunog ng insenso ang mga taga-Jerusalem at ibang mga lungsod ng Juda sa kanilang mga diyos at hihingi sila ng tulong, ngunit hindi sila kayang iligtas ng mga diyos na iyon kapag dumating ang mga sakunang iyon sa kanila.
\p
\v 13 Kasingdami na ngayon ng mga diyos sa Juda ang mga bayan sa Juda. Nagpatayo ng kasingdaming altar ang mga taga-Jerusalem gaya ng mga lansangan na mayroon sa Jerusalem upang magsunog ng mga insenso sa mga diyos.
\s5
\p
\v 14 Jeremias, huwag mong ipanalangin ang mga taong ito at huwag kang maki-usap sa akin na iligtas sila. Kung makiki-usap ka sa akin, hindi kita bibigyan ng pansin at kapag tumawag sila sa akin upang humingi ng tulong kapag matindi ang kanilang kalungkutan, hindi ko sila pakikinggan."
\p
\v 15 At sinabi ni Yahweh, "Tiyak na wala nang karapatang pumunta sa aking templo ang mga minamahal kong taga-Juda dahil patuloy silang gumagawa ng mga masasamang bagay. Iniisip nila na ang patuloy na pag-aalay nila ng karne sa akin ang tiyak na magtatanggol sa kanila mula sa mga sakuna ng sa gayon ay maaari na silang magsaya.
\p
\v 16 Dati ko nang sinabi na katulad sila ng puno ng olibo na may malagong mga dahon na mayroong maraming bunga ng olibo na naroon, ngunit ngayon, ipadadala ko ang kanilang mga kaaway upang salakayin sila nang nagngangalit. Parang ito ang pagputol ko sa kanilang mga sanga at mawawasak ang kanilang mga lungsod sa pamamagitan ng apoy.
\s5
\p
\v 17 Tila nga isang magandang puno ng olibo ang mga taga-Juda at ang Israel, na akong si Yahweh, na Pinuno ng mga hukbo ng anghel ang nagtanim. Ngunit ngayon sa pamamagitan ng pagsusunog nila ng insenso sa kanilang diyos na si Baal, nagdulot sila sa akin ng matinding galit. Kaya ngayon, napagpasyahan ko na wasakin sila."
\s5
\p
\v 18 Inihayag ni Yahweh sa akin na binabalak ng aking mga kaaway na patayin ako.
\p
\v 19 Bago niya gawin iyon, tulad ako ng isang tupa na dinadala upang katayin, hindi ko alam ang binabalak nilang gawin. Hindi ko alam na sinasabi nila, "Putulin natin ang punong ito at ang mga bunga nito," kaya hindi ko alam na hinahangad nila akong patayin, nang sa gayon ay wala ng sinuman ang makaalala sa akin.
\p
\v 20 Pagkatapos, nanalangin ako, "Yahweh, na Pinuno ng mga hukbo ng anghel, makatarungan mong hinahatulan ang mga tao at sinusuri mo ang lahat ng bagay na aming iniisip. Hayaan mong panoorin ko ang iyong paghihiganti sa mga tao na nais pumatay sa akin, dahil nagtitiwala ako na gagawin mo kung ano ang tama para sa akin."
\s5
\p
\v 21 Ito ang mga kalalakihan sa sarili kong bayan sa Anatot, na nais na pumatay sa akin at sinabi nila sa akin na papatayin nila ako kung hindi ako titigil sa pagpapahayag ng mga sinabi ni Yahweh na aking sasabihin.
\p
\v 22 Kaya nagsabi ng tungkol sa kanila si Yahweh, na Pinuno ng mga hukbo ng anghel, "Parurusahan ko sila. Mamamatay sa mga digmaan ang kanilang mga kabataang lalaki at mamamatay ang kanilang mga anak dahil wala silang pagkain.
\p
\v 23 Nagtakda ako ng panahon kung kailan ako magbibigay ng mga sakuna sa mga taga-Anatot at kapag nangyari ito, walang sinuman sa kanila ang mananatiling buhay."
\s5
\c 12
\p
\v 1 Yahweh, sa tuwing sinasabi ko sa iyo na hindi ako masaya tungkol sa mga nangyayari sa akin, laging makatarungan ang iyong pagkilos. Kaya ngayon, hayaan mo akong magtanong tungkol sa isa pang bagay na hindi ko maintindihan: Bakit madalas napaka-masagana ng mga masasamang tao? Bakit napakadali ng mga bagay para sa mga taong hindi tapat?
\p
\v 2 Hinayaan mo silang sumagana tulad ng mga puno na lumalaki at nagkakaroon ng maraming bunga. Lagi silang nagsasabi ng mga magagandang bagay tungkol sa iyo, ngunit sa kanilang panloob na pagkatao, talagang malayo sila sa iyo.
\s5
\q
\v 3 Ngunit ako, kilala mo ako Yahweh, alam mo kung ano ang panloob kong pagkatao. Nakikita mo ang aking mga ginagawa at kaya mong malaman kung ano ang iniisip ko. Kaya, kaladkarin mo ang mga masasamang taong iyon, tulad ng pagkaladkad ng mga tao sa tupa na kanilang kakatayin. Ibukod mo sila tulad ng mga tupang kakatayin!
\p
\v 4 Natutuyo na ng labis ang lupaing ito at nalalanta maging ang mga damo. Namatay na lahat ang mga maiilap na hayop at ang mga ibon dahil labis ang kasamaan ng mga tao. Nangyari ang lahat ng ito dahil sinabi ng mga tao, "Hindi alam ni Yahweh ang ating mga ginagawa!"
\s5
\p
\v 5 At upang ipakita sa akin na kailangan kong maghanda upang matiis ang mas matitinding pang mga paghihirap, sinabi sa akin ni Yahweh, "Para bang pagod na pagod ka sa pakikipagkarera laban sa mga kalalakihan, kaya paano mo kakayanin ang makipagkarera sa mga kabayo? Kung naghanda ka lamang na makipagtakbo sa malawak na kapatagan, ano ang mangyayari sa iyo kapag tumatakbo ka sa makapal na damuhan sa tabi ng Ilog-Jordan?
\p
\v 6 Tinututulan ka na rin ng iyong mga kapatid na lalaki at iba pang miyembro ng iyong sariling pamilya. Masama ang balak nila laban sa iyo at nagsasabi sila ng mga masasamang bagay tungkol sa iyo. Kaya, kahit magaganda ang mga sinasabi nila tungkol sa iyo, huwag kang magtiwala sa kanila!
\s5
\q
\v 7 Pinabayaan ko ang aking mga taong Israelita, ang mga tao na aking pinili upang mapabilang sa akin. Hinayaan ko ang kanilang mga kaaway upang sakupin ang mga tao na aking iniibig.
\q
\v 8 Naging katulad ng isang leon sa kagubatan ang aking mga tao. Para bang umaatungal sila sa akin tulad ng isang leon, kaya ngayon kinamumuhian ko sila.
\p
\v 9 Naging katulad ng mga lawin ang mga taong aking pinili na pinalilibutan ng mga buwitre na naghihintay upang kainin ang kanilang mga laman pagkatapos nilang mamatay. Sabihin sa lahat ng mga mababangis na hayop na lumapit at kainin ang laman ng kanilang mga bangkay.
\s5
\p
\v 10 Maraming pinuno mula sa ibang mga bansa ang dumating kasama ang kanilang mga hukbo at ganap na winasak ang aking mga tao na aking pinakaiingatan na tulad ng pag-iingat ng isang magsasaka sa kaniyang ubasan. Sila ang dahilan upang maging isang tigang na disyerto ang aking magandang lupain kung saan walang sinuman ang naninirahan.
\p
\v 11 Sila ang dahilan upang maging ganap itong mawalan ng kabuluhan. Kaya ngayon, para akong nagluluksa sa kamatayan ng isang minamahal na tao. Pinabayaan ang buong lupain at walang sinuman ang nag-aalala tungkol dito.
\s5
\p
\v 12 Naglakad patungo sa lahat ng tigang na kabundukan ang mga kawal ng aming mga kaaway. Ngunit, Ako si Yahweh, ginagamit ko ang mga hukbong iyon upang parusahan ang inyong lupain mula dulo patungo sa iba pa at walang sinuman ang makatatakas.
\p
\v 13 Para bang nagtanim ng trigo ang aking mga tao, ngunit ngayon inaani nila ang mga tinik. Magiging labis silang pagod dahil sa labis na pagpapakahirap sa pagtatrabaho, ngunit wala silang napakinabangan sa lahat ng mga trabahong iyon. Labis silang mabibigo dahil magiging napakaliit lamang ng kanilang aanihin at mangyayari iyon dahil ako, si Yahweh, na labis na napopoot sa kanila."
\s5
\p
\v 14 Sinabi rin ito sa akin ni Yahweh: "Parurusahan ko ang mga masasamang kalapit na mga bansang sinusubukang angkinin ang lupain na ipinagkaloob ko sa aking mga taong Israelita. Pipilitin ko sila upang umalis sila sa kanilang mga sariling lupain. Ngunit palalayasin ko rin ang mga taga-Juda sa kanilang mga lupain.
\p
\v 15 Ngunit sa madaling panahon, muli kong kahahabagan ang mga bansang iyon at muli ko silang ibabalik sa kanilang mga sariling lupain. Babalik ang bawat angkan sa kani-kanilang mga sariling lupain.
\s5
\p
\v 16 At kung matututunan ng mga tao ng ibang mga bansa na sumakop sa Israel ang kaugaliang panrelihiyon ng aking mga tao, at kung matutunan nila na nakikinig ako kapag buong puso silang nangako na gagawin nila ang isang bagay, tulad ng itinuro nila sa aking mga tao na maniwala na nakikinig ang kanilang diyos na si Baal kapag buong puso silang nangako, hahayaan ko silang sumagana at magiging mga tao ko rin sila.
\p
\v 17 Ngunit palalayasin ko ang anumang bansang tatangging sumunod sa akin at wawasakin ko ang bansang iyon at ang mga tao nito. Tiyak na mangyayari iyon dahil ako si Yahweh, ang nagsabi nito."
\s5
\c 13
\p
\v 1 Isang araw sinabi sa akin ni Yahweh, "Pumunta ka at bumili ng isang lino na pamigkis. Isuot mo ito, ngunit huwag mo itong lalabhan."
\p
\v 2 Kaya, bumili ako ng isang napakagandang pamigkis na sinabi sa akin ni Yaweh na gawin ko at isinuot ko ito.
\p
\v 3 At hindi nagtagal, binigyan ako ni Yahweh ng isa pang mensahe.
\p
\v 4 Sinabi niya, "Pumunta ka sa Ilog ng Eufrates at itago ang iyong pamigkis sa isang siwang ng mga bato."
\s5
\p
\v 5 Kaya pumunta ako sa ilog at ginawa ang sinabi sa akin ni Yahweh na gawin ko.
\p
\v 6 Makalipas ang mahabang panahon, sinabi sa akin ni Yahweh, "Bumalik ka sa ilog at kunin ang pamigkis na sinabi ko sa iyo na itago mo roon."
\p
\v 7 Kaya, pumunta ako sa Ilog ng Eufrates at hinukay ang pamigkis mula sa siwang kung saan ko ito itinago. Ngunit sira na ito at wala ng silbi.
\s5
\p
\v 8 Pagkatapos, ibinigay ni Yahweh ang mensaheng ito sa akin:
\p
\v 9 "Ipinapakita ng nangyari sa iyong pamigkis na wawasakin ko ang mga bagay na labis na ipinagmamayabang ng mga tao ng Jerusalem at ng ibang mga lugar sa Juda.
\p
\v 10 Tumangging makinig ang mga masasamang taong iyon sa aking mga sinasabi. Sa katigasan ng kanilang mga ulo, ginagawa lamang nila ang mga nais nilang gawin, sinasamba nila ang ibang mga diyos. Kaya, lubusan silang magiging walang silbi, katulad ng iyong pamigkis.
\p
\v 11 Katulad ng isang pamigkis na kumakapit sa baywang ng isang tao, nais kong kumapit ng mabuti sa akin ang mga tao sa Israel at Juda. Nais ko sila na maging mga tao ko, mga taong pupurihin ako at pararangalan ako. Ngunit hindi sila makikinig sa akin.
\s5
\p
\v 12 Kaya, sabihin mo ito sa kanila: 'Si Yahweh na Diyos na sinasamba ninyong mga Israelita, ang nagsasabi na dapat punuin ng alak ang bawat katad na sisidlang-balat.' At kung sasabihin mo iyon sa kanila, tutugon sila, 'Oo, alam namin na dapat punuin ng alak ang lahat ng mga sisidlang-balat!'
\p
\v 13 At pagkatapos dapat mong sabihin sa kanila, 'Hindi, hindi iyan ang ibig sabihin ni Yahweh. Ang ibig niyang sabihin, pupunuin niya ng mga taong lasing ang lupaing ito. At kasama kayong lahat, ang hari na nakaupo sa dating trono ni Haring David, ang mga pari at ang mga propeta at kahit ang mga pangkaraniwang tao ng Jerusalem.'
\p
\v 14 Sinasabi niya, 'Hahayaan ko kayong awayin ng isang taong lasing. Maging ang mga magulang makikipag-away sa kanilang mga anak. Hindi ako maaawa o mahahabag sa inyong lahat, hindi ang pagkahabag ko sa inyo ang hahadlang sa akin mula pagpaparusa ko sa inyo.' "
\s5
\p
\v 15 Kayong mga taga-Juda, makinig kayong mabuti. Huwag maging mayabang dahil sinabi ito sa inyo ni Yahweh.
\p
\v 16 Para bang nakahanda siyang maghatid ng kadiliman sa inyo at magdulot ng sa inyo upang madapa at bumagsak habang naglalakad kayo sa mga burol kapag dumilim na ito. Kaya, purihin si Yahweh na inyong Diyos bago pa ito mangyari. Kung hindi ninyo ginawa iyon, hahanapin ninyo ang liwanag, ngunit kadiliman at lagim lamang ang makikita ninyo.
\p
\v 17 At kapag tumanggi pa rin kayong intindihin ang kaniyang mga sinasabi, anuman ang mangyari sa inyo, dahil ito sa inyong kayabangan na magdudulot sa aking pag-iyak kapag nag-iisa ako. Mapupuno ng mga luha ang aking mga mata dahil sa inyong mga tao ni Yahweh, na kaniyang iniingatan tulad ng pag-iingat ng isang pastol sa kaniyang mga kawan na bibihagin lahat ng inyong mga kaaway at dadalhin sa ibang mga bansa.
\s5
\p
\v 18 Kayong mga taga-Juda, sabihin sa hari at sa kaniyang ina, "Bumaba kayo mula sa pagkakaupo sa inyong trono at buong kapakumbabaang umupo sa dumi dahil hindi magtatagal aagawin ng inyong mga kaaway mula sa inyong mga ulo ang maluwalhati ninyong mga korona."
\p
\v 19 Palilibutan ng inyong mga kaaway ang mga bayan sa timog na bahagi ng ilang ng mga taga-Juda at walang sinuman ang makakapasok sa kanilang mga hanay upang iligtas ang mga tao sa mga bayan na iyon. Bibihagin at dadalhin kayong mga taga-Juda at sapilitan kayong lahat na ililikas.
\s5
\p
\v 20 Kayong mga pinuno ng Jerusalem, buksan ang inyong mga mata at tumingin: Nakahanda ang mga hukbo ng mga kaaaway na maglakad pababa mula sa hilaga. Kapag nangyari iyon, ano ang mangyayari sa mga tao ng Juda na tulad ng isang magandang kawan ng tupa, mga taong ibinigay niya sa inyo upang pangalagaan?
\p
\v 21 Ano ang sasabihin ninyo kapag itinalaga ni Yahweh ang mga tao sa ibang mga bansa upang pamunuan kayo, mga taong inaakala ninyong mga kaibigan ninyo? Mararanasan ninyo ang napakatinding pasakit, katulad ng isang babaeng malapit nang magsilang ng isang sanggol.
\s5
\p
\v 22 Tatanungin ninyo ang inyong mga sarili, "Bakit nangyayari ito sa amin?" Sasagutin ko iyan, dahil ito sa napakarami ninyong kasalanan. Kaya ito ang magiging dahilan na itataas ang mga palda ng inyong mga kababaihan at pagsasamantalahan sila ng mga kawal ng mga mapanghimasok na hukbo.
\p
\v 23 Tiyak na hindi maaaring baguhin ng isang tao mula sa Etiopia ang itim na kulay ng kaniyang balat at tiyak na hindi maaaring baguhin ng isang leopardo ang mga batik nito. Katulad nito, hindi ka makapagsimulang gumawa ng kabutihan dahil kasamaan ang lagi mong ginagawa.
\p
\v 24 Sinasabi ni Yahweh, "Ikakalat ko kayo tulad ng mga ipa na tinatangay ng hangin mula sa disyerto.
\s5
\p
\v 25 Iyan ang mga tiyak na mangyayari sa inyo, ang mga bagay na ipinasya ko na mangyayari sa inyo dahil kinalimutan ninyo ako at nagtitiwala kayo sa mga hindi totoong diyos.
\p
\v 26 Para bang ako mismo ang hihila ng inyong mga palda pataas sa inyong mga mukha at magdudulot sa inyo ng labis na kahihiyan dahil makikita ng lahat ang mga maseselang bahagi ng inyong katawan.
\q
\v 27 Nakikita ko na kumikilos kayo katulad ng mga lalaking sabik sa pangangalunya, katulad kayo ng mga lalaking kabayo na humahalinghing kapag nais nilang sumiping sa isang babaing kabayo. Nakikita ko na sumasamba kayo sa mga kasuklam-kasuklam na mga diyus-diyosan sa mga parang at sa mga burol. Kayong mga tao ng Jerusalem, mangyayari sa inyo ang mga kakila-kilabot na mga bagay dahil hindi kayo magiging masunurin at hindi mamumuhay nang maayos! Gaano ito magtatagal hanggang sa maging karapat-dapat kayo upang muli kong tanggapin?"
\s5
\c 14
\p
\v 1 Matapos ang mahabang panahon na walang ulan sa Juda, ibinigay ni Yahweh kay Jeremias ang mensaheng ito:
\q
\v 2 Labis na nababahala ang mga taga-Juda, umuupo sila sa lupa at nagdadalamhati, umiiyak ng malakas ang mga tao sa buong Jerusalem.
\p
\v 3 Ipinadadala ng mga mayayamang tao ang kanilang mga lingkod upang kumuha ng tubig sa mga balon, ngunit tuyo ang lahat ng balon. Bumabalik ang mga lingkod na walang lamang tubig ang kanilang mga lalagyan. Tinatakpan nila ang kanilang mga ulo dahil sa kahihiyan at napapahiya sila.
\s5
\p
\v 4 Labis na natuyo ang lupa at nagkabitak-bitak dahil walang ulan. Nahihiya ang mga magsasaka na hindi sila makakapagpatubo ng pananim, kaya tinatakpan din nila ang kanilang mga ulo.
\p
\v 5 Pinababayaan din ng mga babaing usa ang kanilang mga bagong silang na anak dahil wala nang damo sa mga parang upang kainin nila.
\p
\v 6 Tumatayo sa tigang na mga burol ang maiilap na mga asno, humihingal na tulad ng mga uhaw na asong gubat. Nagiging bulag sila dahil walang damo upang kainin.
\s5
\q
\v 7 Sinabi ng mga tao, "Yahweh, kung tumalikod man kami sa iyo at maraming beses na nagkasala sa iyo, alam namin na pinarurusahan mo kami ngayon dahil sa aming mga kasalanan! Pakiusap, tulungan mo kami upang makita ng lahat na napakadakila mo at tinutupad mo ang iyong mga pangako.
\p
\v 8 Ikaw lamang ang inaasahan naming mga Israelita na gagawa ng kabutihan para sa amin kapag marami kaming mga kaguluhan. Kaya, bakit hindi mo kami tulungan? Kumukilos ka na tila ba isang dayuhan sa aming lupain, tulad ng isang tao na nananatili lamang dito ng isang gabi.
\p
\v 9 Nagugulat ka rin ba tungkol sa mga kakila-kilabot na bagay na nangyayari sa amin? Bakit ka kumikilos na tila ba hindi mo kayang iligtas ang sinuman, kahit pa isa kang malakas na mandirigma? Yahweh, naririto ka sa aming kalagitnaan at alam ng ibang tao na mga tao mo kami, kaya huwag mo kaming pabayaan!"
\s5
\p
\v 10 At ito ang sinasabi ni Yahweh sa mga taong iyon: "Inibig ninyong lumihis palayo sa akin, tumakbo kayo mula sa isang diyus-diyosan patungo sa iba. Kaya ngayon, hindi ko na kayo tatanggapin at parurusahan ko kayo dahil sa inyong mga kasalanan."
\p
\v 11 At sinabi sa akin ni Yahweh, "Huwag ka ng manalangin kailanman para sa mga taong ito.
\p
\v 12 Kapag nag-ayuno sila, hindi ko sila bibigyan ng anumang kaukulang pansin. Kapag nagdala sila sa akin ng kanilang mga alay na hayop na ganap na susunugin sa altar at mga handog nilang harina, hindi ko tatanggapin ang mga ito. Sa halip, lilipulin ko sila sa pamamagitan ng mga digmaan, taggutom at mga karamdaman."
\s5
\p
\v 13 At sumagot ako sa kaniya, "Yahweh na aking Diyos, sinasabi ng kanilang mga propeta sa mga tao na hindi sila makakaranas ng mga digmaan o taggutom. Sinasabi nila sa mga tao na tiyak na hahayaan mo kaming magkaroon ng kapayapaan ng maraming taon sa aming lupain."
\q
\v 14 Sumagot sa akin si Yahweh, "Sinasabi ng mga propetang iyon na nagsasalita sila kung ano ang sinabi kong sasabihin nila, ngunit nagsasabi sila ng mga kasinungalingan. Hindi ko sila isinugo, kaya kasinungalingan ang kanilang mga sinasabi. Sinabi nila na nakatanggap sila ng mga pangitain mula sa akin at sinasabi nila ang mga bagay na inihayag ko sa kanila, ngunit hindi totoo iyon. Nagsasabi sila ng kahangalang mga bagay na iniisip lamang nila sa kanilang mga sarili.
\s5
\p
\v 15 Kaya ito ang sasabihin ko tungkol sa mga propetang iyon na hinuhulaan kung ano ang mga mangyayari at nagsasabi na sinabi ko sa kanila ang mga bagay na iyon: Sinasabi nila na hindi mamamatay ang mga Israelita mula sa mga digmaan o taggutom, ngunit hindi ko isinugo ang mga propetang iyon. At kahit sila mamamatay din mismo mula sa digmaan o taggutom.
\p
\v 16 At ang mga taong sinabihan nila ng ganitong mga hula, mamamatay din sila mula sa digmaan at taggutom. Sila at ang kanilang mga asawang babae at ang kanilang mga anak. Itatapon sa mga lansangan ng Jerusalem ang kanilang mga bangkay at walang sinuman ang maglilibing sa kanila. Parurusahan ko sila tulad ng parusang nararapat sa kanila.
\s5
\p
\v 17 Kaya, Jeremias, ito ang sabihin mo sa kanila tungkol sa iyong sarili: 'Puno ng mga luha ang aking mga mata sa araw at gabi. Hindi ko mapigilan ang umiyak. Umiiyak ako para sa aking mga kababayan na napakahalaga sa akin na parang mga anak ko. Umiiyak ako para sa kanila dahil lubha silang nasugatan at hindi na sila gagaling o malulunasan mula sa matinding sugat na ito.
\p
\v 18 Kung lalabas ako sa mga parang, nakikita ko ang mga bangkay ng mga tao na pinatay ng aming mga kaaway. Kung maglalakad ako sa tabi ng mga lansangan ng lungsod, nakikita ko ang mga bangkay ng mga taong namatay dahil sa gutom. Naglilibot ang mga propeta at mga pari sa buong lupain na nangangaral sa mga tao, ngunit hindi nila alam kung ano ang kanilang mga ginagawa.' "
\s5
\p
\v 19 At ipinanalangin ko ito: "Yahweh, tuluyan mo na bang itinakwil ang mga taga-Juda? Talaga bang kinasusuklaman mo ang mga tao sa Jerusalem? Bakit mo kami sinugatan nang lubha na nagdulot sa amin ng hindi paggaling kainlanman? Hinangad namin na magkakaroon ng kapayapaan ngunit walang kapayapaan. Hinangad namin na magkakaroon ng panahon para sa aming paggaling, ngunit katatakutan lamang ang aming natanggap.
\q
\v 20 Yahweh, inaamin namin na masama kaming mga tao at gumawa rin ng masasamang mga bagay ang aming mga ninuno. Nagkasala kaming lahat sa iyo.
\s5
\p
\v 21 Ngunit Yahweh, upang maparangalan ka namin, huwag mo kaming kamuhian. Huwag mong ilagay sa kahihiyan ang lungsod kung saan naroon ang iyong maluwalhating trono. Pakiusap, huwag mo kaming kalimutan at huwag mong sirain ang iyong kasunduan sa amin.
\p
\v 22 Tiyak na hindi makapagbibigay ng ulan sa amin ang mga diyus-diyosang iyon na dinala mula sa ibang mga bansa at tiyak na hindi makapagdudulot ng ulan mula sa kalangitan. Yahweh na aming Panginoon, ikaw lamang ang tanging makakagawa ng mga bagay na iyon. Kaya, lubos kaming umaasa sa iyo na tutulungan mo kami."
\s5
\c 15
\p
\v 1 At sinabi ito sa akin ni Yahweh: "Kahit bumalik pa mula sa kanilang mga libingan sina Moises at Samuel at tumayo sa aking harapan at magmakaawa sa akin para sa mga Israelitang ito, hindi pa rin ako magkakaroon ng habag sa mga taong ito. Maaari kong sabihin sa inyo na palayasin sila sa aking harapan. Sabihin ninyo sa kanila na iwanan ako!
\p
\v 2 At kung tatanungin nila kayo, "Saan kami dapat pumunta?', sabihin ninyo sa kanila, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh: Mamamatay ang mga tao na sinabi kong dapat mamatay: Mamamatay sa mga digmaan ang mga taong sinabi kong dapat mamatay sa digmaan. Mamatay sa pakagutom ang mga taong sinabi kong dapat mamatay sa gutom. Dapat mabihag at madala sa ibang mga bansa ang mga tao na sinabi kong dapat mabihag at madala sa ibang mga bansa.
\s5
\q
\v 3 Magpapadala ako ng apat na bagay na lilipol sa kanila. Magpapadala ako ng mga kawal ng kaaway na gumagamit ng mga espada upang patayin sila. Magpapadala ako ng mga mababangis na aso upang kaladkarin palayo ang kanilang mga bangkay. At magpapadala ako ng mga buwitre upang kainin ang kanilang mga bangkay. At magpapadala ako ng iba pang mababangis na hayop upang kainin kung ano ang mga natira sa kanilang mga bangkay.
\q
\v 4 Dahil sa mga masasamang bagay na ginawa ni Haring Manases sa Jerusalem, magdudulot ako sa mga tao sa lahat ng kaharian dito sa daigdig upang manginig sa takot tungkol sa mangyayari sa aking mga tao sa Juda.
\s5
\q
\v 5 Kayong mga taga-Jerusalem, walang sinuman ang makakaramdam ng habag sa inyo. Walang sinuman ang iiyak para sa inyo. Walang sinuman ang maghahangad na hindi kayo masaktan.
\q
\v 6 Tinalikuran ninyo ako kayong mga tao. Nagpatuloy kayong lumayo sa akin. Kaya, itataas ko ang aking kamao upang durugin kayo. Pagod na akong magpakita ng habag sa inyo.
\q
\v 7 Ikakalat ko kayo sa tarangkahan ng inyong mga lungsod katulad pagpapakalat ng isang magsasaka ng mga butil sa kaniyang bukirin habang itinatahip ang mga ipa. Kayong aking mga tao, tumanggi kayong talikuran ang masasama ninyong pag-uugali. Kaya, lilipulin ko kayo at kahit ang inyong mga anak ako rin ang magdudulot upang patayin sila.
\s5
\q
\v 8 Hahayaan kong dumami ang mga balo sa Juda kaysa sa mga buhangin sa dalampasigan. Magpapadala ako sa inyo ng hukbo ng kaaway na papatay sa inyong mga kabataang anak na lalaki at magdudulot sa kanilang mga ina upang magdalamhati. Magdudulot ako sa inyo upang biglaang makaranas ng mga matinding paghihirap at matakot ng lubusan.
\q
\v 9 Mahihimatay ang isang babaing mayroong pitong anak at kakapusin siya sa paghinga. At tila ba magdidilim ang kaniyang maliwanag na araw dahil mamamatay ang halos lahat ng kaniyang anak at malalagay siya sa kahihiyan at hahamakin siya. At ang kaniyang mga anak na nananatiling buhay, bibigyan ko ng kakayahan ang inyong mga kaaway upang patayin sila. Tiyak na mangyayari iyon, dahil ako si Yahweh, ang nagsabi nito.' "
\s5
\q
\v 10 Sinabi ko sa aking ina, "Labis akong nalulungkot, hangad ko na hindi mo na lamang sana ako isinilang pa, tinutulan ako at inaaway ako ng lahat ng tao sa lupaing ito. Wala akong sinumang naging kagalit dahil sa pag-utang o paghiram ng pera at pagkatapos makikipag-away tungkol dito, ngunit isinusumpa pa rin ako ng lahat."
\q
\v 11 Ngunit sumagot sa akin si Yahweh, "Jeremias, iingatan kita. At sa mga panahong magkakaroon ka ng mga matinding kaguluhan, darating ako para sa iyo at ipagtatanggol kita mula sa iyong mga kaaway.
\p
\v 12 Ngunit sasalakay ang mga kaaway ng Juda mula sa hilaga na kasinglakas ng bakal o tanso at walang sinuman ang makakapigil sa kanila.
\s5
\q
\v 13 Ibibigay ko ang lahat ng mga mahahalagang ari-arian ng iyong mga kababayan sa kanilang mga kaaway at hindi nila babayaran ang mga ito. Mawawala ang lahat na mahahalagang bagay sa iyong mga kababayan dahil sa lahat ng kasalanang ginawa nila sa buong bansa.
\q
\v 14 Sasabihin ko sa kanilang mga kaaway na sapilitan silang gawing mga bilanggo upang dalhin sila sa ibang mga lupain na hindi pa nila nararating at sapipilitan silang gagawing mga alipin. Mangyayari iyon dahil labis akong napopoot sa iyong mga kababayan, katulad ng isang apoy na nagliliyab ang aking poot."
\s5
\q
\v 15 At sinabi ko, "Yahweh, alam mo ang nangyayari sa akin. Pakiusap, halika at tulungan mo ako. Parusahan mo ang mga taong umuusig sa akin. Pakiusap, huwag mong ipagpatuloy ang pagiging matiyaga sa kanila at huwag mong hayaang mamatay ako ngayon. Para ito sa iyong kapakanan kaya ako nagdurusa.
\q
\v 16 Yahweh na aking Diyos, ikaw ang Pinuno ng mga hukbo ng anghel. Nang makipag-usap ka sa akin, labis akong natuwa sa iyong mensahe, nagdulot ito sa akin ng kagalakan at nasasabik akong tinanggap ang iyong mga sinabi dahil kabilang ako sa iyo.
\s5
\q
\v 17 Kapag sama-samang naglalasing ang mga tao, hindi ako sumasama sa kanila kailanman. Mag-isa akong umuupo dahil ikaw ang nangunguna sa aking mga ginagawa. Labis akong napopoot sa mga taong iyon dahil sa kanilang mga kasalanan.
\q
\v 18 Kaya, bakit patuloy mo akong hinahayaang magdusa? Tila ba hindi na gagaling ang aking mga sugat. Minsan tinutulungan mo ako at minsan hindi mo ako tinutulungan. Tila ba hindi ka maaasahang tulad ng isang batis na nagkakaroon lamang ng tubig sa tiyak na panahon, tulad ka ng isang bukal ng tubig na natuyo."
\s5
\p
\v 19 At tumugon sa akin si Yahweh na sinasabi ito: Kung magsisimula kang muli na magtiwalang sa akin, palalakasin kita, nang sa gayon maaari kang magpatuloy sa paglilingkod sa akin. Kung ipahahayag mo ang mga mabubuting mensahe at hindi ang mga walang kabuluhan, magpapatuloy kang tagapagsalita ng lahat ng sasabihin ko sa iyo. Ikaw ang dapat magdulot sa mga tao upang bigyang pansin ang iyong mga sinasabi at dapat hindi ikaw makinig sa kanilang mga sinasabi.
\p
\v 20 Makikipaglaban sila sa iyo ngunit iingatan kita, katulad ng mga taong iniingatan sa pamamagitan ng isang tansong pader mula sa kanilang mga kaaway. Hindi ka nila matatalo dahil kasama mo ako, iingatan kita at ililigtas kita.
\p
\v 21 Tunay nga na pananatilihin kitang ligtas mula sa mga masasamang taong iyon, ililigtas kita kapag sinunggaban ka ng mga malulupit na tao. Mangyayari iyon dahil ako si Yahweh, ang nagsabi nito."
\s5
\c 16
\p
\v 1 Binigyan ako ni Yahweh ng isa pang mensahe. Sinabi niya sa akin,
\q
\v 2 "Huwag kang mag-asawa at magkaroon ng anak sa lupaing ito,
\q
\v 3 Dahil akong si Yahweh ang nagsasabi nito tungkol sa mga anak na ipinanganak sa lungsod na ito, at tungkol sa kanilang mga ina at mga ama:
\p
\v 4 Marami sa kanila ang mamatay sa nakakikilabot na mga sakit. At wala isa mang magluluksa sa kanila. At walang sinumang maglilibing ng kanilang mga bangkay; na nakakalat sa lupa, na nakakalat gaya ng pataba. Mamatay ang iba sa mga digmaan o sa gutom, at pagkatapos magiging pagkain ng mga buwitre at mga ligaw na hayop ang kanilang mga bangkay."
\s5
\p
\v 5 Sinabi rin ito sa akin ni Yahweh: "Huwag kang pumunta sa mga paglilibing upang magluksa o upang ipakita sa mga kamag-anak ng mga namatayan na nakikidalamhati ka sa kanila, dahil itinigil ko na ang pangangalaga sa kanila, at ginawa ko ang mga bagay na hindi magiging mabuti sa kanila. Itinigil ko na ang matapat na pagmamahal ko sa kanila at mga gawang kaawaan.
\p
\v 6 Napakaraming tao ang mamatay sa lupaing ito, kasama ang mga mahalaga at mga hindi mahalaga. At walang magluluksa sa kanila, o maglilibing man lamang ng kanilang mga bangkay. Walang magsusugat sa kaniyang sarili o mag-aahit sa kaniyang ulo upang ipakitang labis siyang nalulungkot.
\s5
\p
\v 7 Walang magdadala ng pagkain upang aliwin ang mga nagluluksa, kahit na sa kanilang ama o ina na nagluluksa. Walang magbibigay sa kanila ng isang basong alak upang mapasaya sila.
\p
\v 8 At huwag kang pumunta sa mga tahanan ng mga tao kung saan may nagdiriwang. Huwag kang kumain o uminom ng anuman na kasama nila.
\p
\v 9 Nais kong gawin mo ito sapagkat ako, si Yahweh, ang Pinuno ng hukbo ng mga anghel, ang nagsasabi: 'Habang nabubuhay ka pa at nakikita itong nangyayari, patitigil ko ang pag-aawitan at pag-tatawanan sa lugar na ito. Wala nang masasayang mga tinig ng mga lalaki at mga babaing ikakasal.'
\s5
\p
\v 10 Kapag sasabihin mo ang mga bagay na ito sa mga tao, magtatanong sila, ' Bakit ipinahayag ni Yahweh ang mga kakilakilabot na bagay na mangyayari sa amin? Ano ang ginawa namin upang maging karapat dapat sa parusang gaya nito? Ano ang ginawa naming kasalanan laban kay Yahweh na aming Diyos?
\p
\v 11 Kung gayon, ito ang dapat mong sabihin na tugon ko sa kanila: Ito ang dahilan, tinalikuran ng inyong mga ninuno si Yahweh. Sumamba sila at naglingkod sa ibang mga diyos. Iniwan nila ako at hindi sumunod sa aking mga kautusan.
\s5
\q
\v 12 Ngunit kayo na nabubuhay ngayon, ginawa ninyo ang mas higit na masamang bagay kaysa sa ginawa ng inyong mga ninuno! Nagmatigas ang bawat isa sa inyo na gawin ang masasamang bagay na kaniyang naisin at tinanggihan ninyo na magbigay pansin sa aking sinasabi.
\p
\v 13 Kaya itatapon ko kayo sa labas ng lupaing ito, at ipadadala ko kayo sa lupaing hindi ninyo kilala at nang inyong mga ninuno. Sasamba kayo doon sa ibang diyos araw at gabi. At hindi ko kayo kaawaan.'
\s5
\p
\v 14 Ngunit may panahon na kapag taimtim na nangako ang mga tao na gawin ang mga bagay na hindi na sasabihing, 'Gagawin ko ito, bilang patunay na buhay si Yahweh—na siyang nagdala sa mga Israelita rito mula sa Egipto.'
\p
\v 15 Sa halip, sasabihin nilang 'Gagawin ko ito, bilang patunay na buhay si Yahweh—na siyang nagdala sa ating mga Israelita pabalik sa sarili nating lupain, mula sa lupain ng hilaga at mula sa lahat ng ibang lupain na siyang bumihag sa atin.' May kakayahan silang sabihin na darating ang araw na ibabalik ko ang inyong mga kaapu-apuhan sa lupaing aking ibinigay sa inyong mga ninuno.
\s5
\q
\v 16 Ngunit ngayon, tinawag ko ang inyong mga kaaway na sasakop sa kanila gaya ng mangingisda na nanghuhuli ng isda. Tinawag ko ang mga maghahanap sa kanila sa mga bundok at burol, at sa bawat kuweba, gaya ng pagahahanap ng mga mangangaso na naghahanap ng mga hayop upang patayin. Maingat ko silang tinitingnan.
\p
\v 17 Binabantayan ko silang mabuti. Nakikita ko ang bawat kasalanang kanilang ginagawa. Hindi sila maaaring makapagtago sa akin.
\p
\v 18 Dahil sa lahat ng bagay na masasama na kanilang ginagawa, parurusahan ko sila nang dalawang beses ng higit sa pagpaparusa ko kaysa sa ibang mga tao. Gagagawin ko iyan dahil sa ginawa nila sa aking lupain na ginawa nilang hindi katanggap-tanggap sa akin dahil sa kanilang pagsamba sa mga walang buhay na imahen ng mga kasuklam-suklam na mga diyos, at dahil pinuno rin nila ang aking lupain ng iba pang masasamang bagay na kanilang ginawa."
\s5
\q
\v 19 At, nanalangin ako, na sinasabing, "Yahweh, ikaw ang nagpapalakas sa akin at nag-iingat; ikaw ang aking pinupuntahan kapag ako ay may bagabag. Balang araw, lalapit sa iyo ang mga tao mula sa mga bansa sa buong mundo at sasabihing, 'Nag-iwan lamang sa amin ang aming mga ninuno ng isang bagay na mali; sumamba sila sa mga diyus-diyosan na walang kabuluhan.
\p
\v 20 Walang sinuman ang makagagawa ng sarili nilang diyos ang ginawa nilang mga diyos ay mga diyus-diyosan lamang hindi sila tunay na mga diyos.'
\p
\v 21 "At sinabi ni Yahweh, "Ipakikita ko ngayon ang akin kapangyarihan sa mga tao ng Juda; ipakikita ko sa kanila na ako ang tunay na pinaka makapangyarihan. Pagkatapos, sa huli, malalaman nila na Ako, si Yahweh, ang tunay na Diyos."
\s5
\c 17
\p
\v 1 Sinabi ni Yahweh, "Gayunman, naitala ang nagawang mga kasalanan ng mga tao ng Juda na parang inukit sa pamamagitan ng isang pait na bakal o inukit gamit ang matulis na napakatigas na uri ng bato, sa mga altar kung saan nila sinasamba ang mga diyus-diyosan, at parang naitala ang inukit na ito sa kanilang kalob-looban!
\p
\v 2 Kahit ang kanillang mga anak ay magiliw na inaalala ang pagpunta nila sa mga altar ng kanilang mga diyos, at sa mga haliging kumakatawan kay Ashera kung saan sumasamba ang mga magulang nila, sa mga dambana na nasa ilalim ng malalaking puno at sa lahat ng mga matataas na burol.
\s5
\q
\v 3 Naaalala ng kanilang mga anak ang mga lugar na ito sa mga burol. Kaya pinahintulutan kong sakupin ng inyong mga kaaway ang mga bundok na inyong pinagsasambahan at mga lugar sa paligid nito, at lahat ng inyong yaman at mga kayamanan. Magiging gaya ito ng mga ninakaw sa digmaan para sa kanila dahil sa mga kasalanang nagawa ng inyong mga tao sa buong lupain, at papatayin nila kayo.
\q
\v 4 Ang mga kahangahangang lupain na ibinigay ko sa inyo ay hindi na ninyo magiging pag-aari. Sasabihin ko sa inyong mga kaaway na dalhin kayo sa lupaing hindi ninyo alam, at magiging mga alipin nila kayo. Gagawin ko iyan dahil sa aking labis na galit sa inyo; ang aking galit ay tulad ng isang apoy na nagliliyab magpakailanman."
\s5
\p
\v 5 Ito rin ang sinasabi ni Yahweh: "Ang mga nagtitiwala sa mga tao upang tulungan sila ay isinumpa, ang mga umaasa sa kanilang sariling lakas at tinatalikuran nila ako kasama ang kanilang kaloob-looban.
\q
\v 6 Gaya sila ng mga tuyong halaman sa disyerto, sila ang mga taong hindi makakaranas ng anumang magagandang bagay. Sila ang mga tao na nabuhay sa disyerto sa maalat na lugar, na kung saan walang lugar na maaaring manatiling ligtas.
\s5
\p
\v 7 Ngunit nalugod si Yahweh sa mga nagtitiwala sa kaniya, at sa umaasa sa kaniya na iingatan sila.
\p
\v 8 Ang mga taong iyon ay magiging tulad ng mga namumungang puno na naitanim sa tabi ng ilog, na ang mga ugat ay patungo sa basang lupa sa tabi ng tubig. Sila ang mga punong nanatiling luntian ang mga dahon kapag tag-init, mga punong patuloy na nagbubunga kahit sa maraming buwan na walang ulan.
\s5
\p
\v 9 Labis na masama ang mga kaisipan ng tao, at hindi na natin mababago iyan. Hindi rin maaring maunawaan iyan ng sinuman.
\p
\v 10 Ngunit ako, si Yahweh, nakakasaliksik ng kaloob-looban ng bawat isa, at sinusuri ko ang kanilang iniisip. Ibibigay ko sa lahat ng mga tao ang gantimpala o kaparusahan, kung ano ang karapat dapat sa kanilang mga ginawa."
\q
\v 11 Kilala ko ang ilang mga tao kung paano sila yumaman sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagay na hindi matuwid. Tulad sila ng mga ibon na namimisa sa mga itlog na hindi sila ang nangitlog. Kaya, kapag ang mga taong nabuhay ng kalahati lamang ng taon na inaasahang mabubuhay pa, maglalaho sila. At maiiisip ng ibang mga tao na naging mangmang ang mga taong iyon.
\s5
\p
\v 12 Yahweh, ang iyong templo ay tulad ng maluwalhating trono na nasa mataas na burol mula ng ito ay itinayo.
\q
\v 13 Ikaw ang inaasahan naming mga Israelita ng may pagtitiwala na magpapala sa amin, at ang lahat ng tumalikod sa iyo ay mapapahiya at maramdaman nila kung paano ang mawalay sa iyo, dahil iniwan ka nila, ikaw na tulad sa isang bukal kung saan ang mga tao ay nakakakuha ng tubig.
\p
\v 14 Yahweh, pakiusap pagalingin mo ako, dahil kung ikaw ang magpapagaling sa akin, ako ay totoong gagaling. Kung Ililigtas mo ako, ako ay totoong maliligtas, dahil ikaw lamang ang aking pupurihin.
\s5
\p
\v 15 Madalas akong kutyain ng mga tao at sinasabi, "Sinabi mo sa amin ang mga mensahe na sinasabi mong galing kay Yahweh, Ngunit bakit hindi nangyari ang mga bagay na iyong hinulaan?
\p
\v 16 Yahweh, itinalaga mo ako upang ingatan ang iyong mga tao tulad ng isang pastol na nangangalaga sa kaniyang mga tupa hindi ko iniwan ang trabahong iyan, at alam mo sa mga nagdaang panahon na hindi ko ninais ang panahon ng sakuna na darating sa mga tao na nanlilibak sa akin. At alam mo ang lahat ng bagay na aking sinabi sa iyong mga tao.
\s5
\p
\v 17 Huwag sana akong matakot! Kapag dumating ang mga sakuna, ikaw ang aking pupuntahan upang maging ligtas.
\p
\v 18 Kaya nawa, mapapahiya at masisiraan ng loob ang mga nanguusig sa akin, at huwag nawang hindi mangyari ang mga bagay na ito sa akin, na mapahiya at masiraan ng loob. Takutin mo sila! Gawin mo sa kanila ang maraming bagay na lubos na wawasak sa kanila!
\s5
\p
\v 19 Ito ang sinabi ni Yahweh sa akin: "Pumunta ka sa mga tarangkahan ng lungsod sa Jerusalem. Una mong puntahan ang tarangkahan kung saan pumapasok at lumalabas ang mga hari ng Juda sa lungsod, at pagkatapos pumunta ka sa bawat isang mga tarangkahan.
\q
\v 20 Sabihin mo sa mga tao sa bawat tarangkahan, 'kayong mga hari ng Juda at bawat isa na naninirahan sa Jerusalem at sa lahat ng mga tao ng Juda na pumapasok at lumalabas sa mga tarangkahang ito, makinig kayo sa mga mensaheng ito mula kay Yahweh!
\s5
\p
\v 21 Sinasabi niya, "Pakinggan ninyong mabuti ang babalang ito kung nais ninyong mabuhay! Tumigil kayo sa paggawa sa Araw ng Pamamahinga! Tumigil kayo sa pagbubuhat ng mga dalahin sa mga tarangkanghan ito sa mga araw na iyon!
\p
\v 22 Huwag kayong magbubuhat ng dalahin palabas ng inyong mga tahanan o gawin ang anumang gawain sa Araw ng Pamamahinga! Sa halip, gawing banal ang Araw ng Pamamahinga. Iniutos ko sa inyong mga ninuno upang gawin iyan,
\q
\v 23 ngunit hindi sila nakinig o sumunod sa akin. Nang gumawa ako ng mga bagay para maituwid sila, nagmatigas silang tumanggi na bigyang pansin ang aking sinasabi o tanggapin ito.
\s5
\p
\v 24 Ngunit sinasabi ko sa inyo na kung susundin ninyo ako, at kung hindi kayo magbubuhat ng mga dalahin sa mga tarangkahang ito sa mga Araw ng Pamamahinga o gawin ang anumang gawain sa Araw ng pamamahinga, at kung ilalaan ninyo ang mga Araw ng pamamahinga sa akin,
\q
\v 25 magpapatuloy na lalabas at papasok ang mga hari ng Juda at ang kanilang mga opisyal sa mga tarangkahang ito. Magkakaroon lagi ng isa sa mga kaapu-apuhan ni Haring David na mamumuno rito sa Jerusalem. Papasok at lalabas sa mga tarangkahang ito ang mga hari at ang kanilang mga opisyal, na nakasakay sa mga karwahe at sa mga kabayo, at magkakaroon ng mga taong maninirahan sa lungsod na ito magpakailanman.
\s5
\q
\v 26 At ang mga taong pupunta sa Jerusalem at magdadala ng mga handog upang susunugin sa altar at ang iba pa mga handog. Dadalhin nila sa templo ang mga butil na handog at kamanyang at mga handog upang magpasalamat sa akin. Magdadala ang mga tao ng mga handog na ito mula sa mga bayan ng Juda at sa mga nayong malapit sa Jerusalem at mula sa lupain kung saan naninirahan ang tribo ng Benjamin at mula sa paanan ng mga burol sa kanluran at mula sa timog ng ilang ng Judea.
\p
\v 27 Ngunit kung hindi ninyo bibigyang pansin ang aking sinasabi, at kung inyong tatanggihang ilaan ang Araw ng Pamamahinga sa akin, at kung patuloy kayong magbubuhat sa mga tarangkahan ng lungsod na ito sa Araw ng Pamamahinga, ganap kong susunugin ang mga tarangkahang ito. Kakalat ang apoy sa mga palasyo, at walang sinuman ang may kakayanang makakaapula sa apoy na iyon." ' "
\s5
\c 18
\p
\v 1 Nagbigay si Yahweh ng isa pang mensahe sa akin. Sinabi niya,
\q
\v 2 "Pumunta ka sa pagawaan ng isang lalaki na gumagawa ng palayok na putik. Magbibigay ako sa iyo ng mensahe doon."
\p
\v 3 Kaya pumunta ako sa pagawaan na iyon at nakita ko ang lalaking gumagawa ng mga palayok. Gumagawa siya sa may gawaan na ginagamit niya upang bumuo ng mga palayok.
\p
\v 4 Ngunit nang matapos siyang makagawa ng isang banga, hindi ito maayos gaya ng kaniyang inaasahan. Kaya, kumuha siya ng malagkit na putik at hinulma niya ito sa isa pang banga at inihuhugis niya ito sa nais niya.
\s5
\p
\v 5 Pagkatapos ibinigay sa akin ni Yahweh ang mensaheng ito:
\p
\v 6 "Marahil iniisip ng mga mamamayan ng Israel na hindi ko kayang gawin sa kanila ang tulad ng ginawa ng taong ito na gumagawa ng mga palayok. Ngunit mali ang kanilang iniisip. Kaya kong baguhin kung ano ang mangyayari sa kanila tulad ng taong ito na nagbabago sa kung ano ang kaniyang gagawin sa malagkit na putik sa kaniyang mga kamay.
\p
\v 7 Maaaring may panahon nang ipahayag ko na aking paaalisin ang isang bansa o kaharian, tulad ng pagbunot ng isang tao sa isang halaman kasama ang mga ugat nito, durugin at wasakin ito.
\p
\v 8 Ngunit kung magsisisi ang mga tao ng bansang iyon sa paggawa ng mga masasamang bagay, hindi ko ipapadala sa kanila ang mga sakunang aking binalak na ipadala.
\s5
\p
\v 9 At maaaring may panahon na kapag akiing ipahayag na ako ay magtatag ng isang bansa o kaharian at gagawin itong matatag.
\p
\v 10 Ngunit kung magsisimulang gumawa ng mga masasamang bagay ang mga tao sa bansang iyon at tumangging sumunod sa akin, kung gayon hindi ko sila pagpapalain gaya ng aking sinabi na aking gagawin.
\s5
\p
\v 11 Kaya, Jeremias, pumunta ka at balaan mo ang lahat ng tao sa Jerusalem at sa iba pang mga lugar sa Juda. Sabihin mo sa kanila, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh: Nagbabalak ako ng isang sakuna na ipapadala ko sa inyo. Kaya, ang bawat isa sa inyo ay dapat tumalikod mula sa inyong masamang pag-uugali at magsimulang gawin kung ano ang tama, nang sa gayon ay mabubuting mga bagay ang dumating sa inyo!'
\p
\v 12 Ngunit ang isasagot sa iyo ng mga tao, 'Walang saysay para sa iyo upang sabihin ang mga bagay ng ito sa amin. Magpapatuloy kaming maging matigas ang ulo at kumilos ng napakasama ayon sa aming kagustuhan.'"
\s5
\p
\v 13 Kaya bilang tugon, ito ang sinabi ni Yahweh: "Tanungin mo ang mga taong naninirahan sa ibang mga bansa kung may narinig silang ganoong mga bagay. Aking mga mamamayang Israelita, na naging dalisay tulad ng mga birhen, ay nakagawa ng isang kakilakilabot na bagay!
\p
\v 14 Tiyak na hindi kailanman ganap na mawawala ang mga niyebe mula sa mabatong libis ng mga kabundukan sa Lebanon. Ang malamig na batis na umaagos pababa mula sa mga malayong bundok na hindi humihinto sa pag-agos.
\s5
\p
\v 15 Ngunit ang aking mga tao ay hindi maaasahan gaya ng mga batis na iyon: Pinabayaan nila ako. Nagsunog sila ng insenso upang parangalan ang mga walang kabuluhang diyus-diyusan. Ito ay parang natisod sila habang naglalakad sila sa kilala at maaasahang mga daan at ngayon, sa halip, naglalakad sila sa maduming daanan.
\p
\v 16 Samakatwid, magiging disyerto ang kanilang mga lupain, at ang mga taong makakakita nito ay papalatak upang kutyain ito mula ngayon. Mangingilabot ang lahat ng mga taong daraan. Iiling nila ang kanilang mga ulo upang ipakita na nabigla sila.
\p
\v 17 Papaghiwa-hiwalayin ko ang mga tao kapag lumusob ang kanilang mga kaaway sa kanila tulad ng alikabok na naghiwa-hiwalay sa pamamagitan ng hangin ng silangan. At kapag naranasan nila ang lahat ng mga sakunang ito, tatalikuran ko sila at tatanggihang tulungan sila."
\s5
\q
\v 18 Pagkatapos sinabi ng mga tao, "Halikayo, kinakailangan natin na pagbalakang lusubin si Jeremias. Marami tayong mga pari na nagtuturo sa atin ng mga kautusan ng Diyos, mga matatalinong kalalakihan na nagbibigay sa atin ng mabuting mga payo at mga propeta na nagsasabi sa atin kung ano ang mangyayari. Hindi natin kailangan si Jeremias! Kaya dapat natin siyang siraan at huwag magbigay pansin sa anumang sinasabi niya."
\p
\v 19 Pagkatapos nanalangin ako, "Yahweh, pakiusap makinig sa akin! At makinig kung ano ang sinasabi ng aking mga kaaway tungkol sa akin.
\p
\v 20 Gumagawa ako ng mga bagay na mabuti, kaya nakakasuklam na binabalikan nila ako sa paggawa ng mga masamang bagay sa akin. Ito ay tila naghukay sila ng malalim na hukay para sa akin upang mahulog ako dito at mamatay. Huwag mong kalimutan na may isang pagkakataon na tumayo ako sa iyong harapan at nagmakaawa sa iyo na tulungan sila, at sinubukan kong pigilan ka sa pagpaparusa sa kanila kahit na labis ang galit mo sa kanila.
\s5
\p
\v 21 Kaya ngayon, hayaan mong mamatay ang kanilang mga anak mula sa pagkagutom! O hayaan mong mapatay sila sa pamamagitan ng espada ng kanilang mga kaaway! Hayaan mong maging balo ang kanilang mga asawang babae, na patay ang lahat ng kanilang mga anak! Hayaan mamatay ang kanilang mga asawang lalake sa mga labanan!
\p
\v 22 Hayaan mong humiyaw ang mga tao sa kanilang mga tahanan kapag biglang dumating ang kanilang mga kaaway na kawal sa kanilang mga tahanan! Hayaan mong mangyari ang lahat ng mga bagay na ito sa kanila sapagkat nais nilang patayin ako. Ito ay bagaman mayroon silang hinukay na malalim na hukay para sa akin upang mahulog dito, at may itinago silang bitag sa aking daraanan.
\p
\v 23 Yahweh, alam mo ang lahat ng mga bagay na pinagbabalakan nilang gawin upang patayin ako. Huwag mo silang patawarin sa kanilang mga kasalanan o alisin sa talaan ang kanilang mga kasalanan. Hayaaan mo silang mawasak; parusahan mo sila sapagkat ikaw ay galit sa kanila!"
\s5
\c 19
\p
\v 1 Ito ang isa pang mensaheng ibinigay ni Yahweh sa akin: "Pumunta ka at bumili ng isang banga mula sa taong gumagawa ng mga ito. At isama mo ang ilan sa mga nakatatandang mga tao at mga pinuno ng mga pari.
\q
\v 2 Lumabas kayo sa lungsod at lampasan ang Tarangkahan ng Basag na mga palayok, sa lugar kung saan natatanaw ang tambakan para sa basag na mga palayok sa Lambak ng Hinom. At bigyan sila ng mensahe.
\q
\v 3 Sabihin sa kanila, 'Ang mensaheng ito ay para sa inyong mga hari ng Juda at iba pang tao sa Jerusalem. Makinig sa sinasabi ni Yahweh! Ang Diyos ng Israel, si Yahweh, Pinuno ng mga hukbo ng anghel, sinasabi na magdadala siya ng kakila-kilabot na sakuna sa Jerusalem. Mangingilabot ang mga makakarinig nito.
\s5
\p
\v 4 Mangyayari iyon dahil kayong mga Israelita ay tumigil sa pagsamba sa akin, at ginawa ninyong lugar na sambahan ng inyong mga dayuhang diyos ang lugar na ito. Nagsusunog kayo ng mga handog sa mga diyus-diyosan na kahit kayo maging ang inyong mga ninuno at kahit ang mga hari ng Juda ay hindi kailanman narinig ang tungkol dito. At pinuno ninyo ang lugar na ito ng dugo ng mga walang kasalanang taong inyong pinatay.
\p
\v 5 Nagtayo kayo ng mga dambana upang parangalan ang inyong diyos na si Baal at sa mga dambanang iyon, pinatay ninyo ang inyong sariling mga anak at inialay sila para maging handog kay Baal. Kailanman hindi ko iniutos na gawin ninyo iyan, kailanman hindi ako nagsalita tungkol sa paggawa ng mga bagay na iyan, at kailanman hinding-hindi ko pahihintulutan iyan!
\s5
\p
\v 6 Kaya, mag-ingat, dahil Ako, si Yahweh, nagsasabing darating ang panahon na ang tambakan ng basurang ito ay hindi na ito tatawaging Tofet o Lambak ng Hinom; tatawagin itong Lambak ng Patayan.
\p
\v 7 Sa lugar na ito, sisirain ko ang balak ninyong mga taong naninirahan sa Jerusalem at sa iba pang mga lugar sa Juda. Pahihintulutan ko ang inyong mga kaaway na gustong pumatay sa inyo upang patayin ang marami sa inyo sa pamamagitan ng kanilang mga espada. At hahayaan kong manatili sa lupa ang inyong mga bangkay upang maging pagkain ng mga buwitre at mababangis na mga hayop.
\p
\v 8 Lubos kong wawasakin ang Jerusalem upang maging isang bunton ng pagkasira na kamumuhian ng mga tao. Mangingilabot ang lahat ng taong daraan dito, at magugulat sila kapag makikita nilang nawasak na ang lungsod.
\p
\v 9 Pahihintulutan ko ang inyong mga kaaway na nais pumatay sa inyo na palibutan ang inyong lungsod sa matagal na panahon. At mawawala ang lahat ng pagkain at kayong mga tao ay labis na magugutom at dahil dito, kakainin ninyo ang laman ng inyong mga anak at maging ang mga anak ng inyong mga kapitbahay.
\s5
\p
\v 10 Jeremias, pagkatapos mong sabihin sa kanila, habang nanonood ang mga taong kasama mo, basagin mo ang banga na dala mo.
\p
\v 11 At sabihin mo sa kanila, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh, na Pinuno ng mga hukbo ng anghel: Gaya nitong banga na nabasag at hindi na maaayos, babasagin ko itong lungsod ng Jerusalem at iba pang lugar sa Juda. Ililibing ninyo ang ilan sa inyong bangkay dito sa tambakang ito hanggang sa wala ng lugar upang ilibing ang marami pang mga bangkay.
\s5
\p
\v 12 Iyan ang aking gagawin sa lungsod na ito at sa inyong mga taong naninirahan dito. Gagawin ko kayong hindi karapat-dapat na sumamba sa akin at magiging katulad ninyo ang lungsod na ito, tulad ng Tofet.
\p
\v 13 Magiging hindi karapat-dapat ang mga bahay sa Jerusalem at mga palasyo ng mga hari sa Juda, gaya ng lugar na ito. Lahat ng bahay kung saan kayo nagsunog ng insenso sa bubungan upang parangalan ang mga bituin na inyong sinamba, at kung saan ninyo ibinuhos ang alak upang maging alay sa inyong mga diyos, ay magiging hindi karapat-dapat tirhan para sa sinumang sumasamba sa akin."'
\s5
\p
\v 14 At bumalik ako sa tambakan ng basura kung saan ako isinugo ni Yahweh upang sabihin ang mensaheng iyon, at tumayo ako sa patyo ng templo ni Yahweh at sinabi ito sa lahat ng mga taong naroon:
\p
\v 15 "Ito ang sinasabi ni Yahweh na Pinuno ng mga hukbo ng anghel: 'Magdadala ako ng sakuna sa lungsod na ito at sa mga nayong nakapaligid dito gaya ng aking ipinangako, dahil kayong mga tao ay nagmatigas na tumangging bigyang pansin ang aking mga sinabi sa inyo.'"
\s5
\c 20
\p
\v 1 Si Pashur na lalaking anak ni Imer ay pari na nangangasiwa sa mga bantay ng templo. Narinig niya ang mga bagay na ito na aking ipinahayag.
\p
\v 2 Kaya dinakip niya ako. Pagkatapos, inutusan niya ang mga bantay na paluin ako at ikadena ang aking mga paa sa pangawan sa Tarangkahan ni Benjamin sa templo ni Yahweh.
\s5
\p
\v 3 Sa sumunod na araw, nang palayain ako ni Pashur, sinabi ko sa kaniya, "Pashur, binibigyan ka ni Yahweh ng bagong pangalan. Mula ngayon, ang pangalan mo ay magiging 'Napalibutan ng Katakut-takot,'
\p
\v 4 dahil sinasabi ito ni Yahweh sa iyo: Gagawin kitang dahilan na kakikilabutan mo mismo maging ang iyong mga minamahal. Panonoorin mo silang namamatay sa pamamagitan ng mga espada ng iyong mga kaaway. Bibigyan ko ng kakayahan ang hukbo ng hari ng Babilonia upang bihagin ang mga tao ng Juda. Dadalhin ng mga kawal ang ilan sa mga taong iyon sa Babilonia at papatayin nila ang iba ng kanilang mga espada.
\s5
\p
\v 5 Hahayaan ko rin ang kanilang mga kawal na kunin ang ibang mga bagay sa Jerusalem: lahat ng iyong kayamanan at ang bunga ng iyong hirap sa trabaho. Dadalhin nila sa Babilonia ang lahat ng mga mahahalagang mga bagay na pag-aari ng mga hari.
\p
\v 6 At maging ikaw Pashur, dadalhin ka nila at ang iyong buong pamilya sa Babilonia. Ikaw, ang iyong pamilya at lahat ng iyong kaibigang nagpropesiya ng mga bagay na kasinungalingan ay mamamatay roon at saka ililibing doon.'"
\s5
\p
\v 7 Isang araw sinabi ko ito kay Yahweh: "Yahweh, nang piliin mo ako upang maging isang propeta, hinikayat mo akong gawin ito at hinayaan kitang hikayatin ako. Pinilit mo akong maging propeta dahil mas malakas ka kaysa sa akin. Ngunit ngayon kinukutya ako ng lahat.
\p
\v 8 Pinagtatawanan nila ako sa buong araw. Kapag sinasabi ko sa mga tao ang iyong mga mensahe, pasigaw kong sinasabi, 'ipaparanas ni Yahweh sa inyo ang karahasan at pagkawasak!' Dahil sinasabi ko sa kanila ang mga mensahe na iyon galing sa iyo, nilalait at hinahamak nila ako sa buong araw.
\p
\v 9 Ngunit kung sasabihin ko, 'Hindi ko kailanman babanggitin si Yahweh o magsasabi ng anumang bagay tungkol sa kaniya, ' para bang isang apoy ang iyong mensahe na sumusunog sa aking panloob na katauhan; para itong apoy sa aking mga buto. Minsan sinusubukan kong manatiling tahimik at hindi ipahayag ang iyong mga mensahe, ngunit hindi ko kayang gawin ito.
\s5
\p
\v 10 Naririnig ko ang maraming taong nagbubulungan tungkol sa akin, sinasabing 'Siya ang taong nagpapahayag na magkakaroon ng mga bagay na magdudulot sa atin ng pagkasindak sa lahat ng dako. Dapat nating sabihin sa mga may kapangyarihan ang kaniyang sinasabi! Dapat natin siyang isumbong!' Naghihintay rin ang aking mga matatalik na kaibigan na makapagsabi ako ng mali. Sinasabi nila, 'Marahil maaari tayong maging dahilan upang makapagsabi siya ng mali, at kung mangyayari iyon, makakaya natin siyang talunin.'
\p
\v 11 Ngunit ikaw, Yahweh, ang tumutulong sa akin na katulad ng isang malakas na mandirigma, na para bang pababagsakin niya ang mga taong umuusig sa akin, at hindi nila ako matatalo. Labis silang mapapahiya dahil hindi nila nakamit ang kanilang hangarin sa akin, at hindi kailanman malilimutan ng ibang mga tao na napahiya sila.
\s5
\p
\v 12 Yahweh, Pinuno ng mga hukbo ng anghel, sinusuri mo ang mga taong matuwid, alam mo ang lahat ng panloob nilang katauhan at kung ano ang iniisip nila. Hayaan mo akong makita na ipinaghihiganti mo ako sa mga taong nais manakit sa akin, dahil lumapit ako sa iyo upang humiling sa kung ano ang tama."
\p
\v 13 Awitan si Yahweh! Purihin si Yahweh! Inililigtas niya ang mga mahihirap at mga taong nangangailangan mula sa mga masasamang tao.
\s5
\p
\v 14 Ngunit umaasa akong maisumpa ang araw na aking kapanganakan. Hindi ko gustong ipagdiwang ng sinuman ang araw na isinilang ako ng aking ina.
\p
\v 15 At gaya ng lalaking naghatid ng balita sa aking ama, at naging dahilan upang labis siyang masiyahan, sa pamamagitan ng pagsasabing "Nagsilang ang iyong asawa ng isang lalaking sanggol para sa iyo," umaasa akong na maisumpa rin siya.
\s5
\p
\v 16 Hayaan siyang mawasak tulad ng mga lungsod na winasak ni Yahweh nang walang awa, matagal na ang nakalipas. Hayaan ang lalaking iyon namarinig ang mga taong tumataghoy sa umaga at marinig ang mga sigaw sa labanan ng mga kawal na kaaway sa tanghali.
\p
\v 17 Nais kong mangyari iyon sa kaniya dahil hindi niya ako pinatay noong ipinanganak ako. Hangad kong namatay sana ako sa sinapupunan ng aking ina at ang katawan ng aking ina ang aking naging libingan.
\p
\v 18 Patuloy kong dinanas ang matindinding kaguluhan at kalungkutan, mamamatay na ako ngayon sa kahihiyan; bakit pa ako kailangang ipanganak?
\s5
\c 21
\p
\v 1 Binigyan ako ni Yahweh ng iba pang mensahe nang ipadala ni Haring Zedekias na taga-Juda ang isang lalaking nagngangalang Pashur na anak na lalaki ni Malkias, at ang isang paring nagngangalang Zefanias na anak na lalaki ni Maaseias upang makipag-usap sa akin. Nakiusap sila sa akin na nagsasabi,
\p
\v 2 "Nilulusob ang Juda ng mga hukbo ng Haring si Nebucadnezar na taga-Babilonia. Pakiusap, kausapin mo si Yahweh para sa amin. Tanungin mo siya kung tutulungan niya kami. Marahil pipilitin niya ang mga hukbo ni Nebucadnezar upang lumisan sa pamamagitan ng paggawa ng himala para sa amin, tulad ng mga himalang ginawa niya noong una pa."
\s5
\q
\v 3 Sumagot ako sa kanila, "Bumalik kayo kay Haring Zedekias. Sabihin ninyo sa kaniya,
\p
\v 4 Ito ang sinasabi ni Yahweh na Diyos na sinasamba naming mga Israelita: "Gagawin kong walang silbi ang inyong mga sandata sa pakikipaglaban sa hari ng Babilonia at ang kaniyang hukbong nasa labas ng mga pader ng Jerusalem na sumasalakay. Hahayaan ko sila upang makapasok sa gitna ng lungsod na ito.
\p
\v 5 Ako mismo ang lalaban sa mga hukbo ninyo sa pamamagitan ng aking dakilang kapangyarihan dahil labis akong nagagalit sa inyo.
\s5
\p
\v 6 Magpapadala ako ng labis na kakila-kilabot na salot sa mga tao ng lungsod na ito at sa kanilang mga maaamong hayop at marami sa kanila ang mamamatay."
\p
\v 7 At sinasabi ni Yahweh na maraming tao sa lungsod na ito ang nais pumatay sa iyo. Kaya, hahayaan niya ang mga hukbo ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia at iba pang mga tao sa lungsod na ito na bihagin kayo, si Haring Zedekias, ang mga opisyal at ang lahat ng iba pang mga tao na hindi namatay sa salot. Papatayin ng kaniyang mga hukbo ang iyong mga kawal, hindi nila kayo kaaawaan o kahahabagan man lang.'
\s5
\p
\v 8 At sabihin mo ito sa lahat ng mga tao: 'Sinasabi ni Yahweh na kailangan ninyong magpasiya kung nais ninyong mamatay o manatiling buhay.
\p
\v 9 Mamamatay ang lahat ng mga natitira sa Jerusalem. Mamamatay sila sa mga labanan o mamamatay sa pagkagutom o sa pamamagitan ng mga karamdaman. Ngunit mananatiling buhay ang mga susuko sa mga hukbo ng Babilonia na nakapalibot sa inyong lungsod. Mamamatay sila sa pagtakas.
\p
\v 10 Mangyayari ito, dahil akong si Yahweh ay nagpasiya na hayaan ang lungsod na ito na makaranas ng mga sakuna at hindi makaras ng mga bagay na maganda. Ang mga hukbo ng hari ng Babilonia ay bibihagin ang lungsod na ito at ganap niya itong wawasakin sa pamamagitan ng apoy."'
\s5
\p
\v 11 Sinabi rin sa akin ni Yahweh na sabihin ko ito sa mga pamilya ng hari ng Juda: "'Makinig kayo sa mensaheng ito na nagmula kay Yahweh!
\p
\v 12 Ito ang sinasabi niya sa inyong mga kaapu-apuhan ni David: 'Bawat araw, gumawa kayo ng makatarungang pagpapasya para sa mga taong hinahatulan ninyo. Tulungan ninyo ang mga ninakawan. Iligtas sila mula sa mga magnanakaw at sa mga mapagsamantala. Kung hindi ninyo gagawin iyon, magagalit ako at parurusahan kayo nang apoy na imposibleng maapula dahil sa lahat ng mga kasalanang ginawa ninyo.
\s5
\p
\v 13 Lalabanan ko kayong mga taga-Jerusalem, kayong mga nakatira sa tuktok ng mabatong burol sa itaas ng lambak. Lalabanan ko kayong mga taong nagyayabang na nagsasabing, "Walang sinuman ang maaaring lumusob sa amin at makakasira ng aming mga pananggalang."
\q
\v 14 Parurusahan ko kayo dahil sa inyong mga masasamang gawain gaya nang karapat-dapat kayong parusahan; parang magsisindi ako ng apoy sa inyong mga kagubatan na susunog sa lahat ng nakapaligid sa inyo."'
\s5
\c 22
\p
\v 1 Ito ang iba pang mensahe na ibinigay ni Yahweh sa akin: "Bumaba ka sa palasyo ng hari ng Juda at sabihin mo ito sa kaniya:
\p
\v 2 Ikaw ang hari ng Juda. Ikaw ang namumuno, na gaya ni Haring David. Kailangang makinig ka, at ang iyong mga opisyal at ang iyong mga tao
\p
\v 3 sa sasabihin ni Yahweh: "Ang gawa ninyo ay patas at makatarungan. Gawin ninyo kung ano ang tama. Tulungan ninyo ang mga taong ninakawan. Iligtas ninyo ang mga tao mula sa mga umaapi sa kanila. Itigil ninyo ang paggawa ng mga masasamang gawain. Huwag ninyong tratuhin ng masama ang mga pumupunta dito galing sa ibang mga bansa, at huwag tratuhin ng masama ang mga ulila at mga balo. Itigil ninyo ang pagpatay dito sa Jerusalem.
\s5
\p
\v 4 Kapag maingat ninyong susundin ang mga utos na ito, ilan sa mga kaapu-apuhan ni Haring David ang palaging mamumuno dito sa Jerusalem. Papasok sa mga tarangkahang ng lungsod na ito ang hari at kaniyang mga opisyal at iba pang mga tao na nakasakay sa karwahe at sa mga kabayo.
\p
\v 5 Ngunit kung tatanggihan ninyong pakinggan ang mga utos na ito, ako, si Yahweh, taimtim kong ipinapahayag na ang palasyong ito ay magiging isang tumpok ng mga durog na bato.'"'
\s5
\p
\v 6 At ito ang sinasabi ni Yahweh tungkol sa palasyo ng hari: "Gusto ko ang palasyong ito, tulad ng pagkagusto ko sa mga bundok ng rehiyon ng Gilead at ang mga bundok sa Lebanon. Ngunit gagawin kong disyerto ang palasyong ito, isang lugar na walang sinuman ang maninirahan.
\p
\v 7 Pipili ako ng mga hukbo na sisira sa palasyong ito. Gagamitin ng bawat kawal ang kaniyang sariling mga sandata upang tibagin ang gusali. Pagpuputol-putulin nila ng pira-piraso ang magaganda at malalaking mga haligi na sedar at itatapon nila ang mga ito sa apoy."
\s5
\p
\v 8 Maraming mga tao na galing sa ibat-ibang bansa ang daraan sa nawasak na lungsod na ito at sasabihin nila sa isa't-isa, "Bakit winasak ni Yahweh ang dakilang lungsod na ito?"
\p
\v 9 At sumagot ang ibang tao, "Ginawa niya ito dahil huminto sa pagsunod ang kaniyang mga tao sa kasunduan na ginawa nila kasama si Yahweh na kanilang Diyos. Sa halip sumamba sila ng ibang mga diyos."
\s5
\p
\v 10 Sinabi din ni Yahweh, "Huwag ninyong ipagluksa si Haring Josias; huwag kayong iiyak dahil siya ay namatay. Sa halip, ipagluksa ninyo si Haring Jehoahaz, na anak niya, dahil bibihagin siya at dadalhin sa ibang bansa, at hindi na siya kailaman makakabalik upang makitang muli ang Juda na kanyang bansa."
\s5
\p
\v 11 Si Jehoahaz ang naging hari na pumalit sa kaniyang ama, na si Haring Josias, noong namatay siya, ngunit nabihag si Jehoahaz at dinala sa Babilonia. At ito ang sinasabi ni Yahweh tungkol sa kanya. "Hindi rin siya makakabalik kailanman sa Judah.
\p
\v 12 Doon siya mamamatay sa bansang pinagdalhan sa kaniya bilang bihag at hindi na siya makakabalik sa sarili niyang bansa upang makitang muli."
\s5
\p
\v 13 At sinabi ni Yahweh sa akin, "Nakilakilabot ang mangyayari sa kapatid na lalaki ni Haring Jehoahaz, na si Haring Jehoiakim. Hindi makatarungan ang pagpipilit niya sa mga kalalakihan na itayo ang kanyang palasyo. Ang mga silid sa itaas ay pinagawa sa mga kalalakihan na pinilit ng walang katarungan na pinagawa ang trabaho sa kanila; at pinilit niya ang kaniyang mga kapitbahay na magtrabaho ng wala; hindi niya sila binayaran ng kahit ano.
\p
\v 14 Sinabi niya, "Pipilitin ko ang aking mga manggagawa na gumawa ng napakalaki at napakagandang palasyo na may malalaking silid at maraming mga bintana. At tatakpan nila ang mga pader ng mababangong tablang cedar at pipinturahan nila ng matitingkad na pula.'"
\s5
\p
\v 15 Ngunit hindi ang pagpapagawa ng magandang palasyo na gawa sa cedar ang talagang nagpapadakila sa isang hari! Si Josias, na ama ni Jehoiakim, napakarami rin niyang mga bagay na kakainin at iinumin. Ngunit laging tama at matuwid ang lahat ng mga bagay na ginawa ni Josias, kaya pinagpala siya ng Diyos.
\p
\v 16 Makatarungan ang mga ginawa ni Josias at tinulungan niya ang mga mahihirap at ang mga taong nangangailangan, kaya maganda ang palakad niya sa lahat ng bagay. Sinabi ni Yahweh, "Ganyan dapat ang paraan ng isang tao na nakakilala sa akin.
\s5
\p
\v 17 Ngunit ikaw Jehoaiakim, napakasakim mo at nais mo lamang makakuha ang mga bagay sa pamamagitan ng pandaraya. Pinapatay mo ang mga tao na walang kasalanan, inaapi mo ang mga taong mahihirap, marahas at malupit ang pakikitungo mo sa mga tao."
\p
\v 18 Kaya, ito ang sinabi ni Yahweh tungkol kay Jehoiakim na anak ng Haring Josias. "Kapag namatay siya, hindi siya ipagluluksa ng mga tao. Hindi nila sabihin sa isat isa ng, Napakalungkot; nagdaramdam tayo!' Ang mga tao na kanyang pinamunuan ay hindi siya ipagluluksa, ni sasabihin, nalulungkot kami at namatay ang aming hari; nagdaramdam kami at natapos na lahat ang magagandang bagay na nangyari sa kaniya noong hari pa siya.'
\p
\v 19 Kapag siya ay namatay, ang gagawin ng mga tao sa kaniyang bangkay ay gaya ng gagawin nila sa isang patay na asno; hihilahin nila ang kaniyang bangkay palabas ng Jerusalem at itatapon sa labas ng mga tarangkahan!
\s5
\p
\v 20 Kayong mga tao sa Juda, pumunta kayo sa bundok ng Lebanon at tumangis, sumigaw kayo doon sa mga bundok sa rehiyon ng Bashan, ipagsigawan ninyo ang inyong pagluluksa sa bundok ng Moab, dahil nalipol na ang inyong mga kaibigan sa lugar na iyon.
\p
\v 21 Noong kayo ay masagana, binalaan ko kayo, ngunit sumagot kayo, 'Hindi kami makikinig sa inyong mga sasabihin.' Ganyan ang asal ninyo mula pa sa inyong pagkabata; kailanman hindi kayo sumunod sa akin.
\s5
\p
\v 22 Kaya, paparusahan ko ngayon ang lahat ng inyong mga pinuno; ito ay gaya ng pagtangay ng hangin sa malayo. Bibihagin sila ng inyong mga kaaway at dadalhin sa ibang bansa. Kapag nangyari iyon, tiyak na mapapahiya kayo at maibaba ang inyong pagkatao dahil sa mga masasamang bagay na ginawa ninyo.
\p
\v 23 Ngayon, ang inyong hari ay nagpapakasaya na tumira sa mga sedar na silid doon sa kaniyang palasyo, ngunit hindi magtatagal siya ay paparusahan, at saka siya dadaing gaya ng pagdaing ng isang babae na ipanganganak niya ang sanggol."
\s5
\p
\v 24 Ito ang sinasabi ni Yahweh, "Jehoiachim na anak ni Jehoiakim na hari ng Juda, tunay na ako ay buhay, paparusahan kita. Kahit ikaw ang singsing sa aking darili na nagpapakilala na ako ay hari, huhugutin kita.
\p
\v 25 Ikaw ay takot kay Haring Nebukadnezar ng Babilonia at sa kanyang napakaraming kawal, dahil nais ka nilang patayin. Bibigyan ko sila ng kakayahan upang mahuli ka.
\p
\v 26 Ako ang magpapaalis sa inyo at sa iyong ina mula sa lupaing ito, at dadalhin kayo sa ibang bansa. kung saan hindi kayo doon ipinanganak, ngunit doon kayo mamamatay.
\s5
\q
\v 27 Hindi kayo makakabalik sa lupaing ito na labis ninyong kinasasabikang balikan."
\p
\v 28 May isang nagsabi, "Maihahantulad si Jehoiachin sa isang basag na palayok na itinakwil at wala ni isa na magkakagusto. Siya at ang kaniyang mga anak ay bibihagin at dadalhin sa dayuhang lupain.
\s5
\q
\v 29 Gusto kong makinig na mabuti ang mga tao sa lupaing ito sa mensahe na mula kay Yahweh.
\p
\v 30 Ito ang sinabi ni Yahweh: "Sa mga talaan tungkol sa hari ng Juda, isulat mo na katulad ng taong ito si Jehoiachin na magiging gaya ng walang mga anak, at hindi siya nagtagumpay sa panahon na siya ay nabubuhay, dahil wala sa kanyang mga anak ang magiging hari upang mamahala sa mga tao sa Juda."
\s5
\c 23
\p
\v 1 Ipinapahayag ni Yahweh, "mangyayari ang kakila-kilabot na mga bagay sa mga pinuno ng aking mga tao—tulad sa mga pastol ng aking mga tao na tulad sa aking mga tupa—dahil pinagwatak-watak nila ang aking mga tao at pinadala sila sa malayo, at hindi sila iningatan.
\p
\v 2 Kaya, ako, si Yahweh, ang Diyos na sinasamba ng mga Israelita, nagsasabi sa mga pinunong iyon: 'Sa halip na alagaan ang aking mga tao at dalhin sila sa lugar kung saan sila ligtas tulad ng ginagawa ng pastol sa kaniyang mga tupa, pinagwatak-watak ninyo sila. Kaya parurusahan ko kayo para sa masasamang bagay na inyong ginawa.
\s5
\p
\v 3 Ngunit hindi magtatagal, titipunin ko ang mga nananatiling buhay, mula sa mga bansa kung saan ko sila sapilitang pinapunta. Ibabalik ko sila sa kanilang sariling bansa, kung saan magkakaroon sila ng maraming mga anak, at dadami ang kanilang bilang.
\p
\v 4 Pagkatapos, magtatalaga ako ng ibang pinuno para sa aking mga tao, mga pinunong mangangalaga sa kanila. At hindi na muling matatakot kailanman ang aking mga tao sa anumang bagay, at wala sa kanila ang magiging tulad sa isang nawawalang tupa na itinaboy ng pastol na ito."
\s5
\q
\v 5 Sinabi rin ni Yahweh, "Balang araw magtatalaga ako para sa inyo ng isang matuwid na lalaking galing sa kaapu-apuhan ni Haring David. Magiging isang hari siya na matagumpay at magdadala ng kasaganaan. Gagawin niya kung ano ang matuwid at tama sa buong kalupaan.
\p
\v 6 Sa panahong iyon, maliligtas ang lahat ng mga Israelita mula sa kanilang mga kaaway, at magiging ligtas sila. At Yahweh ang kaniyang pangalan, ang nag-iisang gumagawa ng tama para sa atin."'
\s5
\p
\v 7 Sinabi rin ni Yahweh na sa panahong iyon, ang taong mataimtim na nangangako upang gawin ang isang bagay ay hindi na sasabihing, "Tiyak na gagawin ko ito sapagkat buhay si Yahweh, na nagligtas sa mga Israelita mula sa Egipto."
\q
\v 8 Sa halip, sasabihin nilang, "Tiyak na gagawin ko ito sapagkat buhay si Yahweh, na siyang nagdala sa ating mga Israelita pabalik sa ating sariling lupain, mula sa lupain patungo sa hilagang silangan at mula sa lahat ng ibang bansa na siyang bumihag sa atin." At maninirahan silang muli sa kanilang sariling lupain.
\s5
\p
\v 9 Labis na kalungkutan ang nadarama ko sa aking kalooban dahil sa sagradong mensahe na sinabi ni Yahweh tungkol sa mangyayari sa mga bulaang mga propeta; gaya ito ng panginginig ng aking mga buto. Susuray-suray ako tulad sa isang lalaking lasing pagkatapos makainom ng maraming alak.
\p
\v 10 Puno ng mga taong nagkakasala ng pangangalunya ang lupain; at isinumpa ni Yahweh ang lupain, Matutuyo ang lahat kahit ang mga pastulan sa disyerto, dahil ginawa ng mga tao kung ano ang masama, at ginagamit ng mga bulaang propeta ang kanilang kapangyarihan upang gawin ang mga bagay na hindi matuwid.
\s5
\p
\v 11 Sinasabi ni Yahweh, "Maging ang mga pari at mga propeta ay hindi makadiyos; gumagawa sila ng mga masasamang bagay kahit sa kaniyang templo.
\p
\v 12 Samakatuwid, magiging gaya ito ng mga daanan na madulas nilang aapakan. Magiging gaya ito sa paghabol sa kanila sa kadiliman, at babagsak sila doon, dahil ipaparanas ko sa kanila ang mga sakuna sa panahon na parurusaan ko sila. Tiyak na mangyayari iyan dahil Ako, si Yahweh, ang nagsabi nito."
\s5
\p
\v 13 Noon, nakita ko na gumagawa ng mga maling bagay ang mga propeta sa Samaria; nagpapahayag sila, sinasabi nilang ibinigay sa kanila ni Baal ang mga mensahe na kanilang ipinapahayag, at kanilang nililinlang ang aking mga tao.
\p
\v 14 At ngayon nakita ko ang mga propeta sa Jerusalem na gumagawa ng mga nakakakilabot na mga bagay. Nagkakasala sila ng pangangalunya at ugali na nila ang pagsasabi ng kasinungalingan. Hinihimok nila ang mga masasamang tao upang patuloy na gawin ang mga bagay na masasama, na ang kinalabasan hindi tumitigil sa pagkakasala ang mga tao. Masama ang mga propetang iyon tulad ng mga tao sa Sodoma at Gomorra.
\p
\v 15 Kaya, ito ang sinabi ni Yahweh, ang pinuno ng mga hukbo ng anghel tungkol sa mga bulaang propeta: "Bibigyan ko ang mga propetang iyon ng mapait na mga bagay upang kainin at lason upang inumin dahil sila ang sanhi kung bakit ang lupain na ito ay napuno ng mga taong gumagawa ng masamang mga gawain."
\s5
\p
\v 16 Ito ang sinabi ni Yahhweh, na Pinuno ng mga hukbo ng mga anghel: "Huwag pansinin ang anumang mga sinasabi ng mga bulaang propeta sa inyo, dahil niloloko lamang nila kayo. Nagsasabi sila sa inyo ng tungkol sa mga pangitain na naisip lamang nila sa kanilang mga kaisipan, hindi tungkol sa mga pangitain na ibinigay ko sa kanila.
\p
\v 17 Palagi nilang sinasabi sa mga namumuhi sa akin, 'Sinabi ni Yahweh na magkakaroon kayo ng kapayapaan.' At kanilang sinabi doon sa mga matitigas ang ulo na gawin ang nais nilang gawin, 'Walang mangyayaring masama sa inyo dahil sa pagkakagawa ninyo sa mga bagay na iyon.'
\p
\v 18 Ngunit walang kahit isa sa kanila ang nasa konseho ng pagpupulong sa langit upang makapakinig ng isang mensahe mula sa akin. Walang sinuman sa kanila ang nagbibigay ng pansin sa lahat ng sinabi ni Yahweh.
\s5
\q
\v 19 Kaya, parurusahan sila ni Yahweh; magiging tulad ito ng isang matinding bagyo; bababa ito tulad ng isang ipu-ipo, iikot-ikot palibot sa ulo ng mga masasamang tao.
\p
\v 20 Hindi huhupa ang galit ni Yahweh hanggang lubos na matapos ang lahat ng kaniyang mga binalak. Sa hinaharap, mauunawaan ninyo ang mga ito ng malinaw."
\s5
\q
\v 21 Sinabi rin ni Yahweh, "Hindi ko itinalaga ang mga propetang iyon, ngunit tatakbo silang paikot at sasabihin ang kanilang mga mensahe sa tao. Hindi ako nagsalita sa kanila, ngunit patuloy sila sa pagpapahayag.
\p
\v 22 Kung noroon sila sa konseho ng aking mga pagpupulong, makakapagsalita sila ng mga mensahe mula sa akin, at sila ang magiging sanhi upang tumalikod ang mga tao mula sa paggawa ng mga masamang gawain."
\s5
\p
\v 23 Sinasabi rin ni Yahweh, Ako ba ay isang Diyos sa malapit lamang? Hindi, Diyos din ako sa malayo.
\q
\v 24 Kaya, walang sinuman ang makapagtatago sa akin sa ilang lihim na lugar na hindi ko siya makikita. Ako ay nasa lahat ng dako, sa langit at sa lupa! Ako si Yahweh ang nagsabi nito!
\s5
\p
\v 25 Narinig ko na pagpapahayag ang mga propetang iyon ng mga kasinungalingan, nagsasabi na ang mga mensaheng sinasabi nila sa mga tao ay mula sa akin. Sinabi nila, 'Makinig kayo sa akin at sasabihin ko ang panaginip na aking natanggap mula sa Diyos kagabi! Totoong nagkaroon ako ng ganitong panaginip!'
\p
\v 26 Gaano katagal nila ipagpapatuloy na gawin ito? Gaano katagal ang pagpapahayag ng mga sinungaling na propetang iyon ng mga bagay na galing lamang sa kanilang sariling mga kaisipan?
\p
\v 27 Iniisip nila na dahil sa mga panaginip na kanilang sinasabi sa isat-isa, kalilimutan ako ng mga tao, tulad ng ginawa ng kanilang mga ninuno na kinalimutan ako nang sinimulan nilang sambahin si Baal.
\s5
\p
\v 28 Pahintulutan ang mga bulaang propeta upang sabihin ang kanilang mga panaginip, ngunit sa mga may mga mensahe na talagang galing sa akin ay dapat ipahayag ang mga mensahe ng may katapatan. Ako, si Yahweh, na nagsabi na tulad ng dayami at butil na tiyak na malaki ang pagkakaiba, ang aking mga mensahe at ang mensahe ng mga bulaang mga propeta ay tiyak na malaki ang pagkakaiba.
\p
\v 29 Bagaman ang aking mga mensahe ay sumusunog tulad ng isang apoy at tulad ng isang maso na dinudurog ang mga bato sa pira-piraso kapag tumagos ito sa puso ng sinuman.
\p
\v 30 Samakatuwid, ako, si Yahweh ang nagsabi nito, tutol ako doon sa mga propetang nagnanakaw ng mga mensahe mula sa bawat isa at inaangkin na ang mga mensaheng iyon ay galing sa akin.
\s5
\p
\v 31 Tutol ako sa mga propetang nagsasalita ng kanilang sariling mga mensahe ngunit inaangkin na ang mensaheng iyon ay galing sa akin.
\p
\v 32 Tutol ako sa mga propetang nagsasabi ng kasinungalingan na nagsabi ako sa kanila ng ilang bagay sa isang pangitain, ngunit mga kasinungalingan lamang ang kanilang sinsabi na naging sanhi ng pagkakasala ng aking mga tao. Hindi ko isinugo ang mga propetang iyon. Ni hindi ko sila itinalaga na maging mga propeta. At walang naging pakinabang ang kanilang mga mensahe sa aking mga tao kailanman. Akong si Yahweh. Iyan ang aking ipinapahayag.
\s5
\p
\v 33 Sinabi sa akin ni Yahweh, "Kung isa sa mga propeta o mga pari o isa sa ibang tao ang magtatanong sa inyo, 'Anong problema ang sinabi sa inyo ni Yahweh tungkol sa ngayon?', dapat kang tumugon, 'Wala siyang ibinigay sa akin na kahit na ano upang sabihin sa inyo!' Sa halip, sinasabi ni Yahweh na tatalikuran niya kayo!'
\p
\v 34 At kung sinumang propeta o pari o sinuman sa lahat ang magsasabi ng kasinungalingan, 'Mayroon akong pahayag mula kay Yahweh,' Parurusahan ko ang taong iyon at ang kaniyang pamilya.
\s5
\p
\v 35 Ano ang dapat ninyong itinatanong lagi sa bawat isa, 'Kapag nakipag-usap kayo kay Yahweh, ano ang sagot niya? Ano ang sinasabi niya sa atin'?
\p
\v 36 Ngunit sa halip, nag-uukol lamang kayo sa inyong mga sariling palagay at pagbabago ng totoong mensahe mula sa tunay na Diyos, si Yahweh, na Pinuno ng hukbo ng mga anghel, na aming sinasamba.
\s5
\p
\v 37 Ito ang dapat ninyong tanungin sa bawat propeta: 'Ano ang isinagot ni Yahweh nang nakipag-usap kayo sa kaniya? Ano ang sinasabi niya sa atin?
\p
\v 38 Kung tutugon siya, 'Ang pahayag na sinabi ko sa inyo ay mula kay Yahweh' pagkatapos, ipapaalam mo na parurusahan ko siya, dahil sinabi ko sa aking mga totoong propeta na hindi magpapahayag ng mga mensahe sa mga taong ito sa ngayon.
\p
\v 39 Kaya ako, si Yahweh, ang lulupig sa inyong mga bulaang mga propeta. Palalayasin ko kayo mula sa aking presensiya. At lulupigin ko ang lungsod na ito na aking ibinigay sa inyo at sa inyong mga ninuno.
\q
\v 40 Gagawin ko kayong katuwaan ng mga tao magpakailanman. Hindi kailanman makakalimutan ng mga tao na kahiya-hiya kayo."
\s5
\c 24
\p
\v 1 Binihag ng hukbo ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia si Jeconias, ang anak ni Jehoiakim, ang hari ng Juda, at ang kaniyang mga opisyal, at ang lahat ng kaniyang mahuhusay na mga manggagawa at dinala sila sa Babilonia. Pagkatapos ng pangyayaring iyon, nagbigay sa akin si Yahweh ng isang pangitain. Sa pangitain, nakita ko ang dalawang basket ng igos na nakalagay sa harapan ng templo. Puno ang isang basket ng mabuting igos, tulad ng unang nahinog.
\q
\v 2 Puno rin ng igos ang ibang basket ng hindi maganda, na ang kinalabasan ay hindi maaaring kainin ang mga ito.
\q
\v 3 Pagkatapos sinabi sa akin ni Yahweh, "Jeremias, ano ang nakita mo?" Sumagot ako, "Nakita ko ang ilang mga igos. Napakabuti ang ilan, ngunit napakasama ang ilan, na ang kalalabasan, walang sinuman ang maaaring makakain sa mga ito."
\s5
\q
\v 4 Pagkatapos, ibinigay ni Yahweh ang mensaheng ito sa akin:
\p
\v 5 "Ito ang sinabi ko, si Yahweh, ang Diyos na sinabi ng mga Israelita na kanilang sinasamba: Ang mabuting igos ay kumakatawan sa mga tao ng Juda na aking ipinatapon sa Babilonia. Ipinadala ko sila doon para sa kanilang ikabubuti.
\q
\v 6 At hindi ko na sila ipapatapong bihag muli, sa halip ibabalik ko sila sa lupaing ito at muli silang magpapatayo ng mga bahay at mga lungsod. Tulad sila ng mga halaman na lumago at smaganan at kailanman ay hindi mapuputol.
\q
\v 7 Bibigyan ko sila ng kakayahang maghangad upang alamin sa kanilang mga puso na ako si Yahweh. Magiging tao ko sila, at magiging Diyos nila ako, dahil babalik silang tapat sa akin.
\s5
\q
\v 8 Ngunit ako, si Yahweh, na nagsabi rin, kumakatawan ang masamang igos kay Zedekias, ang hari ng Juda, at ng kaniyang mga opisyal, at lahat ng taong nanatili sa Jerusalem, at sa mga pumunta sa Egipto. Gagawin ko sa kanila ang tulad ng ginagawa ng mga tao sa mga nabubulok na igos.
\p
\v 9 Ipaparanas ko sa kanila ang mga kapahamakan, na ang kalalabasan, matatakot ang mga tao sa sa lahat ng bansa, at kamumuhian sila dahil masasamang tao sila. Kahit saan pagwawatak-watakin ko sila, pagkakatuwaan sila ng mga tao, at sasabihing kahiya-hiya sila, kukutyain at susumpain sila.
\p
\v 10 At ipaparanas ko sa kanila ang mga digmaan at mga kagutuman at mga sakit, hanggang sa maglaho sila mula sa Israel, sa lupaing ito na ibinigay ko sa kanila at sa kanilang mga ninuno."
\s5
\c 25
\p
\v 1 Pagkatapos ng pamumuno ni Jehoiakim sa Juda nang halos apat na taon, ibinigay ni Yahweh sa akin ang mensaheng ito para sa lahat ng mga tao sa Juda. nang magsimulang maghari si Haring Nebucadnezar sa Babilonia ng taong iyon.
\p
\v 2 Sinabi ni Jeremias ang mensaheng ito sa lahat ng mga tao sa Jerusalem at sa iba pang mga lugar sa Juda:
\s5
\p
\v 3 Nagbibigay sa akin si Yahweh ng mga mensahe sa loob ng dalawampu't tatlong taon. Nagsimula siyang magbigay sa akin ng mga mensahe nang si Josias na anak ni Ammon ay namumuno sa Juda ng halos labintatlong taon. At naging matapat ako na sabihin sa inyo ang mga mensaheng iyon, ngunit hindi kayo nagbigay ng pansin sa mga ito.
\p
\v 4 Maraming pagkakataon na nagpadala si Yahweh sa inyo ng mga propeta na naglingkod sa kaniya, ngunit hindi kayo nakinig sa kanila o nagbigay ng anumang pansin sa kung ano ang sinabi nila.
\s5
\p
\v 5 Sa bawat panahon, ito ang kanilang mensahe: 'Talikuran ninyo ang lahat ng mga masasama ninyong pag-uugali, mula sa lahat ng masamang mga bagay na inyong patuloy na ginagawa. Kung inyong gagawin iyon, mananatili kayo sa lupaing ito na ibinigay ni Yahweh sa inyo at sa inyong mga ninuno, na magiging sa inyo magpakailanman.
\p
\v 6 Huwag ninyong hayaang magalit si Yahweh sa pamamagitan ng paglilingkod at pagsamba sa mga diyus-diyosan na ginawa ng inyong mga kamay. Kung hindi ninyo siya gagalitin, hindi niya kayo parurusahan.'
\s5
\q
\v 7 At sinasabi ni Yahweh, 'Ngunit hindi ninyo pinapansin ang mga mensahe na aking ibinigay sa mga propetang iyon. Nagalit ako ng labis sa inyo dahil sa inyong pagsamba sa mga diyus-diyosan na ginawa ng inyong mga kamay. Na dahilan ng pagpaparusa ko sa inyo.
\p
\v 8 Kaya ngayon, ako si Yahweh, Pinuno ng mga hukbo ng mga anghel, nagsabi na sapagkat hindi kayo nagbigay pansin sa ang aking sinasabi,
\p
\v 9 titipunin ko ang lahat ng mga hukbo ng mga bansa na magmumula sa hilagang-silangan. Itinalaga ko si Haring Nebucadnezar ng Babilonia upang pangunahan sila. Itinalaga ko siya upang gawin ang gawain para sa akin. Dadalhin ko ang mga hukbong iyon upang lusubin ang lupaing ito, at maging ang mga malapit na mga bansa. Lubusan ko silang wawasakin, at magiging dahilan sila upang ilagay ang mga taong iyon sa kakilakilabot na kalagayan, at lilibakin ang mga taong iyon, wawasakin ang mga lugar magpakailanman.
\s5
\p
\v 10 Patitigilin ko ang mga masayang awitan at tawanan sa inyong lupain. Hindi na magkakaroon pa ng mga ikakasal na babae o ikakasal na lalake na mag-uusap ng may kagalakan. HIndi na magkakaroon ng tunog ng mga taong naggigiling ng mga butil sa gilingang bato. Hindi na magkakaroon ng mga ilawan na iilaw sa inyong mga tahanan.
\p
\v 11 Magiging disyerto ang lahat ng lupaing ito na kung saan walang sinumang mabubuhay. At ang mga tao ng Israel at ang mga malapit na mga bansa ay dadalhing bihag sa Babilonia at gagawa para sa mga hari ng Babilonia ng pitumpung taon.
\s5
\p
\v 12 At, pagkatapos nang sila ay nasa Babilonia ng pitumpung taon, Paparusahan ko ang hari ng Babilonia at ang kaniyang mga mamamayan dahil sa ginawa nilang kasalanan. Gagawin kong walang halaga ang Babilonia magpakailanman.
\p
\v 13 Ipaparanas ko sa kanila ang lahat ng mga kakilakilabot na mga bagay tungkol sa mga isinulat ni Jeremias—Ang lahat ng kaparusahan na kaniyang hinulaan na magyayari sa lahat ng mga bansang iyon.
\p
\v 14 Ang mga pinuno ng maraming mga bansa ang naging dahilan upang maging alipin nila ang mga mamamayan ng Babilonia, tulad ng mga mamamayan ng Babilonia ang naging dahilan upang ang aking mga tao ay maging mga alipin. Parurusahan ko sila gaya ng karapat-dapat sa kanila dahil sila ang dahilan ng paghihirap ng aking mga tao.'"
\s5
\q
\v 15 Pagkatapos, si Yahweh, ang Diyos ng Israel, ay nagbigay sa akin ng isang pangitain. Sa pangitain hawak niya ang isang saro ng alak. Sinabi niya, 'Kunin mo mula sa akin ang sarong ito na puno ng alak na kumakatawan sa kaparusahan. Ako ang magiging dahilan ng lahat ng mga pinuno ng mga bansa na kung saan kita isusugo upang inumin ang alak na nasa sarong ito.
\p
\v 16 Kapag ininom na nila ang alak, susuray-suray sila at kikilos na parang mga taong baliw, sapagkat mapagtatanto nila na aking ipapapatay sa espada ang karamihan ng kanilang mga tao."
\s5
\p
\v 17 Kaya, sa pangitain, kinuha ko ang saro na puno ng alak mula kay Yahweh, at kinuha ko ito para sa lahat ng mga bansa na kung saan isinugo niya ako, at naging dahilan upang painumin ng kaunting alak ang lahat ng mga pinuno ng bansang iyon.
\p
\v 18 Pumunta ako sa Jerusalem at sa ibang bayan ng Juda, at ang hari at ang ibang mga pinuno ay uminum ng kaunting alak mula sa sarong iyon. At, simula ng araw na iyon, inalis silang lahat mula sa pamumuno, at kinutya sila ng ibang mga tao, mga hinamak, at isinumpa.
\s5
\p
\v 19 Sa pangitain iinumin ng Egipto ang alak, kasama ang hari at ang kaniyang mga pinuno at marami sa kaniyang mga tao,
\p
\v 20 at mga dayuhan na naninirahan doon. Sa pangitain ang lupain ng Uz at ang mga lungsod at mga hari ng Ascalon, Gaza, Ekron, at Asdod na uminom ng kaunting alak.
\q
\v 21 Pagkatapos sa pangitain uminom ng kaunting alak ang mga hari ng Edom, Moab, at Ammon,
\s5
\p
\v 22 At ang mga hari ng mga lungsod ng Tiro at Sidon hanggang sa ibayo ng dagat ng Mediterano.
\p
\v 23 Sa pangitain uminom ng kaunting alak ang mga relihiyosong pinuno ng mga lungsod ng Dedan, Tema, at Buz, na kung saan ang mga lungsod sa Arabia, at ng iba pang malalayong mga lugar.
\s5
\p
\v 24 Sa pangitain, ang ibang mga lugar sa Arabia at ang mga hari ng mga tribo sa disyerto
\p
\v 25 at ang mga hari ng mga grupo ng mga tao ng Zimri, Elam, at Media,
\q
\v 26 at ang mga hari sa mga bansa sa hilaga na malapit sa Israel at sa mga bansang malalayo sa Israel, pagkatapos ng isa pa - ang lahat ng mga kaharian sa mundo ay uminom ng kaunting alak, at sa huli ang hari ng Babilonia.
\s5
\p
\v 27 Pagkatapos, sinabi sa akin ni Yahweh sa pangitain, "Sabihin mo sa kanila na ito ang sinasabi ni Yahweh, ang Pinuno ng mga hukbo ng mga anghel, ang Diyos ng Israel: 'Uminom kayo mula sa sarong ito ng kaunting alak na kumakatawan sa kaparusahang ibibigay ko sa inyo. Uminom kayo ng marami nito at magpakalasing hanggang magsuka. Matutumba kayo at hindi na muling makakabangon dahil mamamatay kayo sa mga digmaang ipapadala ko sa inyo.
\q
\v 28 Kung sinuman sa kanila ang tatanggi sa bibigyan mo ng alak upang inumin ito, sabihin mo sa kanila na si Yahweh, ang Pinuno ng mga hukbo ng mga anghel na nagsasabi na dapat nila itong inumin.
\p
\v 29 Uunahin kong magdulot ng sakuna sa aking sariling mga tao. Hindi sila makakaligtas mula sa kaparusahan, dahil magpapadala ako ng mga digmaan sa lahat ng mga bansa sa mundo. Tiyak itong mangyayari dahil ako, si Yahweh, ang Pinuno ng mga hukbo ng mga anghel, ang nagsabi nito.'
\s5
\p
\v 30 Ngayon, sabihin mo sa kanila ang lahat ng mga bagay na iyon na sinabi ko at sabihin mo rin ito sa kanila: "Sisigawan sila ni Yahweh mula sa kaniyang banal na tahanan sa langit at tutunog ito katulad ng isang atungal ng leon. Sisigaw siya tulad ng sigaw ng mga tao sa tuwing sila ay tumatapak sa mga ubas upang makakuha ng katas mula rito at gawing alak. Sisigawan niya ang lahat ng tao sa mundo.
\p
\v 31 Kahit ang mga taong nasa mga tagong lugar sa buong mundo ay maririnig siyang sumisigaw, dahil sasabihin niya kung bakit hahatulan at paparusahan ang lahat ng mga bansa. Siya ang dahilan upang mapatay ang masasamang tao sa mga espada. Tiyak iyong mangyayari dahil sinabi iyon ni Yahweh.'
\s5
\p
\v 32 Pagkatapos, sabihin ninyo sa kanila na ito ang sinasabi ni Yahweh, ang Pinuno ng mga hukbo ng mga anghel: 'Pakinggan ninyo ito! Mangyayari ang mga sakuna sa magkakasunod na mga bansa. Lilitaw ang kaparusahang mula sa akin gaya ng isang malakas na bagyo mula sa pinakamalayong mga lugar sa mundo.
\q
\v 33 Kapag nangyari iyon, ang mga bangkay nila na aking pinahintulutang mapatay ay magpupuno sa mundo mula sa silangan hanggang sa kanluran. At walang sinuman ang magluluksa para sa kanila, at walang sinuman ang magtitipon ng kanilang mga bangkay upang ilibing ang mga ito. Kakalat sila sa lupa tulad ng mga dumi ng hayop.
\s5
\q
\v 34 Kayong mga masasamang pinuno, tumangis kayo at dumaing! Kayo na nag-aakalang pinakamalakas sa aking mga tao, dumapa kayo at gumulong sa abo. Oras na para mamatay kayo. Mahuhulog kayo at mababasag tulad ng isang babasaging plorera na mababasag kapag nahulog sa lupa.
\p
\v 35 Hindi kayo makakahanap ng lugar na mapagtataguan, walang magiging lugar kung saan maaari kayong makatakas.
\p
\v 36 Ang inyong mga pinuno at ang mga taong nag-aakalang malakas sila— makikinig sa kanilang pag-iyak ang mga tao kapag ako, si Yahweh, ang magwawasak sa inyong bansa.
\s5
\q
\v 37 Ang inyong mga payapang pastulan ay magiging kaparangan dahil malubhang pinarusahan ito ni Yahweh.
\q
\v 38 Iiwan ni Yahweh ang kaniyang tahanan tulad ng pag-alis ng isang leon sa yungib nito upang salakayin ang ibang mga hayop, at gagawin niyang mapanglaw ang inyong lupain. Labis ang galit niya sa inyo at ipahihintulot niyang mapatay kayo ng inyong mga kaaway ng kanilang mga espada.' "
\s5
\c 26
\p
\v 1 Hindi nagtagal, nang si Jehoiakim na anak ni Josias ang naging hari ng Juda, ibinigay sa akin ni Yahweh ang mensaheng ito:
\p
\v 2 "Akong si Yahweh, ang nagsasabi nito sa iyo: Tumayo ka sa patyo sa harapan ng aking templo at magsalita ka sa lahat ng mga tao mula sa iba't ibang bayan sa Juda na pumunta roon upang sumamba sa akin. Sabihin mo sa kanila ang lahat ng sinabi ko sa iyo, huwag mong babawasan ang kahit na anuman.
\p
\v 3 Kung sasabihin mo sa kanila ang lahat, marahil makikinig sila at tatalikuran ng bawat isa ang kanilang mga masasamang pag-uugali. At magbabago ang aking isip at hindi ko na ipadadala sa kanila ang sakuna na aking binabalak na ipadala sa kanila dahil sa mga masasamang bagay na kanilang ginawa.
\s5
\p
\v 4-5 Sabihin mo sa kanila, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh: Ipinadala ko sa inyo ang mga propeta na naglilingkod sa akin, upang sabihin sa inyo ang dapat ninyong gawin. Maraming beses ko na silang ipinadala sa inyo ngunit hindi kayo nakinig sa kanilang sinabi. Kung hindi kayo makikinig sa aking sinasabi at hindi susunod sa mensahe na ibinigay ko sa inyo at kung hindi kayo makikinig sa sinasabi ng mga propeta,
\p
\v 6 wawasakin ko ang templong ito gaya ng pagwasak ko sa Shilo, ang lugar na kung saan inilagay ang sagradong tolda. At gagawin ko ang Jerusalem na isang lugar na ang pangalan ay babanggitin ng mga tao sa bawat bansa sa daigdig kapag isinusumpa nila ang isang tao."
\s5
\p
\v 7 Ginawa ni Jeremias kung ano ang sinabi ni Yahweh na kaniyang gagawin. Nakinig sa kaniya ang mga pari, mga bulaang propeta at marami pang ibang mga tao habang sinasabi niya sa kanila ang mensaheng ito sa labas ng templo.
\q
\v 8 Ngunit nang matapos sabihin sa kanila ni Jeremias ang lahat ng pinasasabi sa kaniya ni Yahweh, hinuli siya ng lahat ng mga tao at sinabi, "Dapat kang patayin!
\p
\v 9 Bakit mo ipinapahayag na ang templong ito ay mawawasak na tulad ng pagwasak sa Shilo? Bakit mo sinasabi na mawawasak ang lungsod na ito at wala ng sinuman ang maninirahan dito? At pinalibutan ng lahat ng mga tao si Jeremias habang nakatayo siya sa harapan ng templo.
\s5
\p
\v 10 Nang marinig ng mga opisyal ng Juda ang tungkol sa lahat ng nangyayaring ito, nagmadali sila mula sa palasyo at umupo sa tarangkahan ng templo na tinatawag na Ang Bagong Tarangkahan upang hatulan ang usapin ni Jeremias.
\q
\v 11 Sinabi ng mga pari at ng mga propeta sa mga opisyal at sa iba pang mga tao na naroon, "Dapat na patayin ang taong ito dahil nagpahayag siya na ang lungsod na ito ay mawawasak at kayo mismo ang nakarinig na sinabi niya iyon!"
\p
\v 12 At sumagot si Jeremias sa mga opisyal at sa iba pang mga tao. Sinabi niya sa kanila, "Isinugo ako ni Yahweh upang ipahayag sa inyo ang lahat ng mga bagay na inyong narinig na sinabi ko tungkol sa mangyayari sa templo at sa lungsod na ito.
\s5
\p
\v 13 Ngunit kung babaguhin ninyo ang inyong mga pag-uugali at titigil sa paggawa ng kasalanan at magsimulang sumunod kay Yahweh na ating Diyos, magbabago ang kaniyang isip at hindi na niya ipadadala sa inyo ang mga sakunang sinabi niyang ipadadala niya.
\p
\v 14 Kung ako, hindi ko kayang palayain ang aking sarili mula sa mahigpit ninyong pagkakahawak. Kaya magagawa ninyo sa akin ang anumang nais ninyong gawin.
\p
\v 15 Ngunit dapat ninyong malaman na kung papatayin ninyo ako, papatay kayo ng isang taong walang sala. Kayo at ang lahat ng tao sa lungsod na ito ay magkakasala dahil ang totoo, si Yahweh ang nagpadala sa akin upang sabihin sa inyo ang bawat salitang inyong narinig na sinabi ko."
\s5
\p
\v 16 At sinabi ng mga opisyal at ng iba pang mga tao sa mga pari at sa mga bulaang propeta, "Hindi nararapat na patayin ang taong ito dahil sinabi niya sa atin ang mensahe na ibinigay sa kaniya ni Yahweh!"
\p
\v 17 At tumayo ang ilan sa mga nakatatanda at nagsalita sa lahat ng mga taong nagkatipon doon.
\s5
\p
\v 18 Sinabi nila, "Alalahanin ninyo ang ipinahayag ni Mikas, ang propeta na mula sa Moreset sa panahon na si Hezekia, ang hari ng Juda. Ganito ang sinabi niya sa mga tao ng Judah: 'Ito ang sinabi ni Yahweh, ang pinuno ng mga hukbong anghel: Balang araw, bubungkalin ang Bundok ng Zion gaya ng pagbubungkal sa mga parang at magiging isang bunton ng pagkawasak ang Jerusalem. Magkakaroon ng malalaking kumpol ng mga puno sa tuktok ng burol kung saan naroon ngayon ang templo.'
\p
\v 19 Ngunit pinatay ba ni Hezekias o ng sinuman sa Juda si Mikas dahil sa sinabi niyang iyon? Hindi! Sa halip, iginalang niya si Yahweh at nagmakaawa siya upang kahabagan sila. Kaya, nagbago ang isip ni Yahweh tungkol sa ipadadala niya sa kanila na katakot-takot na sakuna na sinabi niyang ipadadala niya. At ngayon, kung papatayin natin si Jeremias, magdadala tayo nang mas matindi pang sakuna sa ating mga sarili.
\s5
\p
\v 20 Sa panahong iyon, nagpahayag din mula kay Yahweh si Urias na anak ni Semaya mula sa lungsod ng Kiriat-Jearim. Ipinahayag niya na ang lungsod at ang natitirang bahagi ng lupain ay makararanas ng parehong mga sakuna na ipinahayag ni Jeremias.
\p
\v 21 Nang marinig ni Haring Jehoiakim at ng mga opisyal ng kaniyang hukbo ang mga sinasabi ni Urias, nagpadala ang hari ng mga tao upang patayin si Urias. Ngunit narinig ni Urias ang tungkol dito at labis siyang natakot kaya tumakas siya patungong Egipto.
\s5
\p
\v 22 Pagkatapos, ipinadala ni Haring Jehoiakim si Elnathan na anak ni Acbor kasama ang iba pang mga kalalakihan sa Egipto.
\p
\v 23 Dinakip nila si Urias at kinuha siya pabalik sa Jerusalem kay Haring Jehoiakim. Iniutos ng hari sa isang kawal na patayin si Urias sa pamamagitan ng espada. At inilibing nila ang kaniyang bangkay sa lugar kung saan inililibing ang mga taong mahihirap.
\p
\v 24 Gayunman, ipinagtanggol ako ni Ahikam na anak ni Safan at hinikayat ang mga opisyal na huwag pahintulutang patayin si Jeremias ng mga nagkakagulong tao.
\s5
\c 27
\p
\v 1 Hindi nagtagal, nang si Jehoiakim na anak ni Josias ang naging hari ng Juda, nagbigay ng mensahe sa akin si Yahweh.
\p
\v 2 Ito ang sinabi ni Yahweh sa akin: "Gumawa ka ng isang pamatok at mga panggapos at ilagay mo ang mga ito sa palibot ng iyong leeg.
\q
\v 3 At magpadala ka ng mga mensahe sa mga hari ng Edom, Moab, Ammon, Tiro at Sidon, sa pamamagitan ng pagsabi ng mga mensaheng iyon sa mga sugo mula sa mga bansang iyon na pumunta sa Jerusalem upang makipag-usap kay Haring Zedekias.
\p
\v 4 Sabihin mo sa kanila na ibigay ang mensaheng ito sa kanilang mga hari: Ito ang sinasabi ni Yahweh, ang Pinuno ng mga hukbong anghel, ang sinasamba ng Israel:
\s5
\p
\v 5 "Sa pamamagitan ng aking napakadakilang kapangyarihan, nilikha ko ang lupa at ang mga tao at ang mga hayop na nasa lupa. At kaya kong ibigay ang mga bagay na ito sa sinumang naisin ko.
\p
\v 6 At ngayon, bibigyan ko ng kakayahan si Haring Nebucadnezar ng Babilonia, na ginagawa ang nais kong ipagawa sa kaniya upang pamahalaan ang inyong mga bansa. Pahihintulutan ko siyang pamahalaan ang lahat, maging ng mga mababangis na mga hayop.
\p
\v 7 Paglilingkuran siya ng mga tao ng lahat ng mga bansa at sa susunod ay ang kaniyang anak at sa kaniyang apo hanggang sa dumating ang panahon na matapos ang kanilang pamamahala. At sasakupin ang Babilonia ng mga hukbo ng maraming dakilang mga hari mula sa maraming bansa.
\s5
\p
\v 8 Ngunit sasabihin ko sa inyo ngayon na dapat ninyong gawin ang nais ipagawa sa inyo ng hari ng Babilonia, gaya ng isang baka na may pamatok sa leeg nito na dapat gawin ang gustong ipagawa ng kaniyang panginoon. Parurusahan ko ang sinumang bansa na tatangi sa paggawa nito. Ipararanas ko ang digmaan, taggutom at mga sakit hanggang sa masakop ng mga hukbo ng Babilonia ang bansang iyon.
\s5
\p
\v 9 Kaya, huwag kayong makinig sa inyong mga bulaang propeta at sa mga manghuhula at sa mga taong nagpapahayag kung ano ang mangyayari sa pamamagitan ng paggawa ng salamangka o sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga espiritu ng mga patay. Sasabihin ng mga taong iyon na huwag kayong maglingkod sa kaniya dahil hindi sasakupin ng hari ng Babilonia ang inyong bansa.
\p
\v 10 Sinungaling ang mga taong iyon. Kung paniniwalaan ninyo ang kanilang sinasabi, magiging dahilan ito ng inyong pagkatapon mula sa inyong lupain. Dahil dito, kukunin kayo mula sa inyong lupain at mamamatay kayo sa malayo.
\p
\v 11 Ngunit ang mga tao sa alinmang bansa na gumagawa ng ipinagagawa ng hari ng Babilonia ay mananatili sa kanilang sariling bansa at makapagtatanim sila ng kanilang mga pananim na gaya ng kanilang karaniwang ginagawa. Tiyak na mangyayari iyon dahil akong si Yahweh ang nagsabi nito."
\s5
\p
\v 12 Pagkatapos kong ibigay ang mensaheng iyon sa mga sugo, ibinigay ko ang parehong mensahe kay Haring Zedekias ng Juda. Sinabi ko sa kaniya, "Kung gusto mong manatiling buhay, gawin mo kung ano ang ipinagagawa sa iyo ng hari ng Babilonia at ng kaniyang mga opisyal.
\p
\v 13 Kahangalan ito para sa iyo na hindi gawin iyon, dahil mamamatay ka at ang iyong mga tao sa pamamagitan ng mga espada ng iyong mga kaaway o ng taggutom o ng mga mga sakit na ipaparanas ni Yahweh sa anumang bansa na tumangging pahintulutan ang hari ng Babilonia na pamunuan sila.
\s5
\p
\v 14 Huwag kayong makinig sa mga propetang sinasabi sa inyo na, 'Huwag kayong sumunod sa hari ng Babilonia yamang hindi niya sasakupin ang inyong bansa.' Mga sinungaling sila.
\p
\v 15 Ito ang sinasabi ni Yahweh: 'Hindi ko hinirang ang mga propetang iyon. Sinasabi nila na nagbigay ako ng mga mensahe sa kanila ngunit nagsisinungaling sila. Kaya, kung paniniwalaan ninyo sila, palalayasin ko kayo mula sa lupaing ito. At mamamatay kayo at ang mga propetang iyon sa Babilonia!""
\s5
\p
\v 16 At nagsalita ako sa mga pari at sa iba pang mga tao at aking sinabi, "Ito ang sinasabi ni Yahweh: 'Huwag kayong maniwala sa sinasabi ng inyong mga propeta sa inyo na ang lahat ng mga gintong kagamitang kinuha mula sa aking templo sa pamamagitan ng mga kawal mula sa Babilonia ay malapit nang ibalik mula sa Babilonia, dahil isang kasinungalingan ang kanilang ipinapahayag.
\p
\v 17 Huwag ninyong pakikinggan ang kanilang sinasabi. Magpasakop kayo sa hari ng Babilonia. Kung gagawin ninyo iyan, mananatili kayong buhay. Kung hindi ninyo gagawin iyan, mawawasak ang buong lungsod na ito.
\p
\v 18 Kung tunay silang mga propeta na nagsasalita ng mga mensahe mula sa akin, sabihin mo sa kanila na magmakaawa sa akin, kay Yahweh, ang Pinuno ng mga hukbong anghel, na hindi na pahihintulutan ang mga kawal mula sa Babilonia na kunin ang mga mahahalagang kagamitan sa Babilonia na nananatili pa rin sa templo at sa palasyo ng hari at sa iba pang mga palasyo sa Jerusalem.
\s5
\p
\v 19 Sinasabi ko ito dahil ang mga malalaking haliging nasa harapan ng templo at ang malaking imbakan ng tubig at ang sampung lalagyan ng tubig at ang lahat ng iba pang mga bagay na ginagamit para sa pag-aalay ng mga handog ay naroon pa rin sa lungsod na ito.
\p
\v 20 Iniwan dito ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia ang mga bagay na iyon noong ipinatapon niya sa Babilonia si Jeconias na anak ni Jehoiakim, ang hari ng Juda, kasama ang lahat ng iba pang mga pinuno ng Jerusalem at mga pinuno ng iba pang mga lugar sa Juda.
\s5
\p
\v 21 Si Yahweh, ang Pinuno ng mga hukbong anghel ang nagsabi nito tungkol sa lahat ng mga mahahalagang kagamitang naroon pa rin sa labas ng templo at sa palasyo ng hari ng Juda:
\p
\v 22 Dadalhin nila ang lahat ng mga ito sa Babilonia. At mananatili ang mga ito roon hanggang sa sasabihin ko na kailangan na nila itong ibalik sa Jerusalem. Pagkatapos, ibabalik nila ang mga ito dito. Akong si Yahweh ang nagsabi nito."
\s5
\c 28
\p
\v 1 Naganap ang mga bagay na ito nang magsimula sa kaniyang pamumuno si Zedekias bilang hari ng Juda. Nangyari ito sa ika-apat na taon at sa ika-limang buwan ng kaniyang pamumuno, na si Ananias na anak ni Azur, isang propetang mula sa lungsod ng Gibeon ay nagsalita kay Jeremias sa patyo ng templo, habang nakikinig ang lahat ng mga pari at ang ibang mga tao. Sinabi niya, "
\q
\v 2 Ito ang sinasabi ni Yahweh, na Pinuno ng mga hukbo ng anghel, na sinasamba ng mga Israelita, "Pahihintuin ko sa pamumuno sa inyo ang hari ng Babilonia.
\s5
\p
\v 3 Sa loob ng dalawang taon, ibabalik ko sa templong ito ang lahat ng mga mahahalagang bagay na kinuha ng mga kawal ni Haring Nebucadnezar mula sa templong ito at dinala sa Babilonia.
\q
\v 4 At ibabalik ko rin sa lugar na ito si Jeconias, na anak ni Jehoiakim, na hari ng Juda at ang lahat ng ibang tao na binihag at dinala sa Babilonia. Pinilit kayo ng hari ng Babilonia na gawin ang nais niya, katulad ng paglalagay ng pamatok sa leeg ng isang baka upang pilitin itong gawin ang nais niyang ipagawa rito. Ngunit ako ang magwawakas nito. Mangyayari ito dahil, Akong si Yahweh ang nagsabi nito."'
\s5
\p
\v 5 Sumagot si Jeremias kay Ananias sa harapan ng lahat ng mga pari at lahat ng mga tao na nakatayo sa labas ng templo.
\p
\v 6 Sinabi niya, "Gusto kong maging totoo iyon! Ninanais ko na mangyayari ang iyong inihula gaya ng iyong sinabi! Umaasa ako na ipababalik niya sa mga tao mula sa Babilonia ang lahat ng mga mahahalagang bagay na nasa templong ito at ang lahat ng taong dinala sa Babilonia.
\p
\v 7 Ngunit ngayon makinig ka sa sasabihin ko sa iyo habang nakikinig ang lahat ng taong ito.
\s5
\p
\v 8 Maraming taon na ang nakalipas, bago tayo naging propeta, nagsalita ng mga mensahe ang mga naunang propeta tungkol sa maraming mga bansa at dakilang mga kaharian. Inihula nila na mangyayari sa maraming bansang iyon ang mga digmaan, mga sakuna at mga salot.
\p
\v 9 Kaya ngayon, ikaw o sinumang propeta ang manghuhula na magiging maayos ang mga bagay para sa atin, dapat mong ipakita na tama ang iyong mensahe. Kung talagang mangyayari lamang ang iyong mga hinula, malalaman natin na tunay na ikaw ay hinirang ni Yahweh."
\s5
\p
\v 10 Pagkatapos, tinanggal ni Ananias ang pamatok sa aking leeg at sinira ito.
\p
\v 11 At ito ang sinabi niya sa lahat ng mga taong naroon, "Ito ang sinasabi ni Yahweh, 'katulad ng pagsira ni Ananias sa pamatok na ito, sa loob ng dalawang taon, ipahihinto ko ang pagpilit ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia sa mga tao upang gawin ang nais niya, na katulad ng isang mabigat na pamatok na nakalagay sa leeg nilang lahat." Pagkatapos sabihin iyon ni Ananias, umalis si Jeremias sa templo.
\s5
\q
\v 12 Hindi nagtagal pagkatapos sirain ni Ananias ang pamatok sa leeg ni Jeremias, ibinigay ni Yahweh sa akin ang mensaheng ito,
\q
\v 13 "Pumunta ka at sabihin ito kay Ananias, 'Si Yahweh na Pinuno ng mga hukbong anghel, na sinasamba ng mga Israelita, sinabi niyang sinira mo ang pamatok na kahoy, ngunit papalitan niya ito ng isang pamatok na bakal.
\q
\v 14 Pinilit ko ang mga tao ng lahat ng bansang ito upang maging mga alipin ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia. Katulad ito ng isang pamatok na bakal sa kanilang mga leeg. Inilagay ko ang lahat, maging ang mababangis na mga hayop, sa ilalim ng kaniyang pamamahala.
\s5
\p
\v 15 At pumunta si Jeremias kay Ananias at sinabi sa kaniya, "Ananias, pakinggan mo ito, hindi si Yahweh ang nagtalaga sa iyo, sa halip, nagsabi ka ng kasinungalingan sa mga tao at naniwala sila sa iyong mga kasinungalingan.
\p
\v 16 Kaya, ito ang sinasabi ni Yahweh. 'Malapit ka nang mamatay. Bago matapos ang taong ito, ikaw ay mamamatay, dahil hinimok mo ang mga taong kumilos laban kay Yahweh."
\q
\v 17 Namatay si Ananias makalipas ang dalawang buwan.
\s5
\c 29
\p
\v 1-2 Pagkatapos sapilitang idinala sa Babilonia sina Haring Jeconias, ang kaniyang ina, ang kaniyang mga opisyal sa palasyo, ang ibang mga opisyal sa Juda at Jerusalem at ang lahat ng iba't ibang uri ng mga manggagawa, sumulat ng isang liham si Jeremias sa mga nakatatanda, sa mga pari, sa mga propeta at sa lahat ng ibang tao na kinuha ng mga kawal ni Nebucadnezar sa Jerusalem patungong Babilonia.
\q
\v 3 Ibinigay niya ang liham kay Elasa na lalaking anak ni Safan at kay Gemarias na lalaking anak ni Hilkias, nang papunta na sila sa Babilonia upang maging mga kinatawan ni Haring Zedekias kay Haring Nebucadnezar. Ito ang isinulat ni Jeremias sa liham.
\s5
\q
\v 4 Ito ang sinabi ni Yahweh, na Pinuno ng mga hukbong anghel, ang Diyos na sinasamba ng mga Israelita, sinasabi sa lahat ng taong binihag dito sa Jerusalem at dinala sa Babilonia.
\q
\v 5 "Magtayo kayo ng mga tahanan doon at magplanong manatili roon ng maraming mga taon. Magtanim kayo at kainin ang bunga na mula sa inyong mga hardin.
\s5
\p
\v 6 Mag-asawa kayo at magkaroon ng mga anak. At kapag malaki na sila, pumili kayo ng mapapangasawa para sa inyong mga anak na lalaki at asawang lalaki para sa inyong anak na babae upang magkaroon din sila ng mga anak. Sa ganitong pamamaraan, madaragdagan ang bilang ng inyong mga tao, hindi mababawasan.
\p
\v 7 Gumawa rin kayo ng mga bagay upang pagyamanin ang mga bagay para sa ibang mga tao sa lungsod kung saan ko kayo ipinadala. Manalangin kayo na maging maayos ang mga bagay para sa mga tao sa lungsod na iyon, dahil kung magiging maayos ang mga bagay para sa kanila, magiging maayos din para sa inyo ang mga bagay."
\s5
\q
\v 8 Ito ang sinasabi ni Yahweh, na Pinuno ng mga hukbong anghel, ang Diyos na sinasamba ng mga Israelita, "May mga bulaang propeta at mga manghuhula sa inyo. Huwag ninyo silang hayaan na linlangin kayo. Huwag ninyo silang pansinin kapag sinabi nila sa inyo ang kanilang mga panaginip,
\q
\v 9 dahil kasinungalingan ang sinasabi nila sa inyo, sasabihin nilang ako ang nagbigay ng mensahe na sinasabi nila sa inyo. Ngunit hindi ako ang humirang sa kanila."
\s5
\p
\v 10 Sinasabi rin ni Yahweh ito, "Pagkaraan ng pitumpung taon na pananatili ninyo at ang inyong mga anak sa Babilonia, tutulungan ko kayo at gagawin ko para sa inyo ang mga bagay na ipinangako ko at pahihintulutan kong makabalik kayo rito sa Jerusalem.
\q
\v 11 Akong, si Yahweh, ang nakakaalam kung ano ang binalak ko para sa inyo. Binabalak ko na maging maayos ang mga bagay para sa iyo, hindi upang iparanas sa inyo ang mga sakuna. Binabalak ko na ibigay sa inyo ang maraming bagay na inaasahan ninyo nang may pagtitiwala na matatanggap ninyo sa hinaharap upang makita na maliligtas ang inyong mga tao.
\s5
\p
\v 12 Sa panahong iyon, kapag pumunta kayo upang sumamba sa akin at tumawag sa aking pangalan sa inyong panalangin, pakikinggan ko ang inyong panalangin.
\p
\v 13 Kung buong puso ang inyong pagnanais sa akin upang pagpalain kayo, makikita ninyong na sasagutin ko kayo.
\p
\v 14 Tutulungan ko kayo. Hindi ko na kayo hahayaang maging mga alipin sa Babilonia. Titipunin ko kayo mula sa lahat ng mga bansa kung saan ko kayo ipinadala nang sapilitan at ibabalik ko kayo rito sa inyong sariling lupain, sa lugar kung saan kayo kinuha."
\s5
\p
\v 15 Sinasabi ng ilan sa inyo na humirang si Yahweh ng mga propeta para sa inyo doon sa Babilonia.
\p
\v 16 Ngunit ito ang sinasabi ni Yahweh tungkol sa hari na namumuno dito sa Jerusalem at tungkol sa lahat ng ibang tao na naninirahan pa rin dito, ang inyong mga kamag-anak na hindi dinala sa Babilonia na kasama ninyo.
\p
\v 17 Si Yahweh na Pinuno ng mga hukbo ng anghel, ang nagsabi nito. "Ipararanas ko sa kanila ang mga digmaan, mga taggutom at mga sakit. Hahayaan ko silang maging katulad ng mga sirang igos na napaka-baho, na ang kinahinatnan ay walang sinuman ang maaaring kumain sa mga ito.
\s5
\q
\v 18 Hindi ako titigil na iparanas sa kanila ang mga digmaan, mga taggutom at mga sakit. At ikakalat ko sila sa buong mundo. Sa bawat bansa kung saan ko sila sapilitang ipinadala, Hahayaan ko silang maging mga taong isinusumpa ng iba, nanginginig sa takot at kinukutya.
\p
\v 19 Mangyayari iyon dahil tumanggi silang makinig sa aking mga mensahe, mga mensahe na ibinigay ko sa mga propetang isinugo ko sa kanila. At kahit kayo na sapilitanng dinala sa Babilonia ay hindi rin nakinig sa kanila." Ito ang sinasabi ni Yahweh.
\s5
\p
\v 20 Samakatwid, kayong mga tao na sapilitang dinala mula sa Jerusalem hanggang Babilonia, makinig kayo sa mensaheng ito na mula kay Yahweh.
\p
\v 21 Ito ang sinasabi ni Yahweh, na Pinuno ng mga hukbong anghel, ang Diyos na sinasamba ng mga Israelita, sinasabi tungkol kay Ahab na lalaking anak ni Kolaias at tungkol kay Zedekias na lalaking anak ni Maasias, na nagsasabi ng mga kasinungalingan sa inyo, sinasabing nagbibigay sila ng mga mensahe mula sa kaniya, "Dadakipin sila at dadalhin kay Haring Nebucadnezar na hahatol sa kanila habang kayo ay nanonood.
\s5
\p
\v 22 Dahil sa mangyayari sa kanila, kayong lahat na mga taong dinala sa Babilonia mula sa Juda ay magsasabi nito kapag may isinusumpa sila. "Umaasa ako na gagawin din ni Yahweh sa inyo ang ginawa niya kay Zedekias at Ahab, na ipinapatay ng Hari ng Babilonia sa pamamagitan ng pagsunog sa apoy.'
\p
\v 23 Gumawa sila ng kakila-kilabot na bagay sa mga tao kong Israelita. Sila ay nangalunya sa asawa ng kanilang kapwa at nagsalita sila ng mga kasinungalingan, sinabing mula sa akin ang kanilang mga mensahe. Nagsalita sila ng mga bagay na hindi ko sinabing sabihin nila, at akong, si Yahweh, ang nakarinig sa kanila nang sabihin nila ang mga bagay iyon"
\s5
\q
\v 24 Sinabi sa akin ni Yahweh na ipadala ang mensaheng ito kay Semaias, isang lalaki na mula sa Nehelam na naninirahan sa Babilonia.
\p
\v 25 "Ito ang sinasabi ni Yahweh, Pinuno ng mga hukbong anghel, ang Diyos na sinasamba ng mga Israelita, "Sumulat ka ng isang liham na walang nagsabing magsulat ka. Ipinadala mo ito kay Zefanias, ang pari na anak ni Maasias, at nagpadala ka ng mga kopya sa ibang pari at sa lahat ng ibang tao rito sa Jerusalem. Ito ang isinulat mo sa kaniya,
\p
\v 26 'Zefanias, hinirang ka ni Yahweh upang maging pari sa halip na si Joiada, upang pangasiwaan ang mga nagtatrabaho sa templo. Sinuman ang kumilos na katulad ng isang baliw at magsabing isa siyang propeta, dapat ninyong ilagay ang kaniyang mga braso, mga paa at ulo sa mga pangawan.
\s5
\q
\v 27 Kaya bakit wala kang ginawa upang pigilan si Jeremias, ang lalaki mula sa Anatot, na nagkunwaring isa siyang propeta na kasama ninyo?
\v 28 Nagpadala siya ng liham sa amin na narito sa Babilonia, nagsasabing mananatili kami rito sa mahabang panahon. Kaya sinabi niya na dapat tayong magtayo ng mga tahanan at magplano na manatili rito, magtanim ng halaman at kainin ang bunga na nagmula sa halamanan."
\p
\v 29 Ngunit nang matanggap ni Zefanias na pari ang liham mula sa iyo, dinala niya ito sa akin at binasa ito sa akin.
\s5
\v 30 Pagkatapos, ibinigay ni Yahweh ang mensaheng ito sa akin.
\p
\v 31 "Ipadala mo ang mensaheng ito sa lahat ng tao mula sa Juda na nariyan sa Babilonia. Sabihin mo na ito ang sinasabi ni Yahweh tungkol kay Semaias, ang lalaki mula sa Nehelam. "Hindi ko siya hinirang, ngunit nilinlang niya kayo at pinaniwala sa kasinungalingan na kaniyang ipinahayag.
\p
\v 32 Kaya, parurusahan ko siya at ang kaniyang pamilya. Inudyukan niya kayo na maghimagsik laban sa akin. Dahil dito, lahat ng kaniyang mga kaapu-apuhan ay malapit nang mamatay. Gagawa ako ng maraming magagandang bagay para sa inyo, aking mga tao ngunit hindi niya makikita at ng kaniyang mga kaapu-apuhan ang mga bagay na iyon, dahil mamamatay sila. Tiyak na mangyayari iyon dahil akong si Yahweh ang nagsabi nito!"
\s5
\c 30
\p
\v 1 Nagbigay si Yahweh ng isa pang mensahe kay Jeremias. Sinabi niya,
\q
\v 2 "Akong si Yahweh, ang Diyos ng Israel ang nagsasabi na iyong isulat ang lahat ng aking sasabihin sa iyo.
\q
\v 3 Gusto kung malaman mo na balang araw palalayain ko mula sa pagkaalipin sa Babilonia ang aking mga tao, ang mga taga-Israel at Juda. Ibabalik ko sila dito sa lupain na ibinigay ko sa kanilang mga ninuno at muli nilang magiging pag-aari ang lupain na ito. Tiyak na mangyayari iyon dahil akong si Yahweh ang nagsabi nito."
\s5
\q
\v 4 Nagbigay si Yahweh ng isa pang mensahe tungkol sa mga taga-Israel at Juda.
\q
\v 5 Ito ang kaniyang sinabi: "Narinig ko ang mga tao na humihiyaw dahil natatakot sila, dahil walang kapayapaan sa lupain.
\s5
\q
\v 6 Ngunit pag-isipan ninyo ito: Tiyak na hindi manganganak ng mga sanggol ang mga lalaki. Samakatuwid, bakit nakatayo doon ang mga malalakas na lalaki na namumutla ang kanilang mga mukha at dinidiinan ng kanilang mga kamay ang kanilang tiyan katulad ng mga babae na malapit ng manganak ng mga sanggol.
\p
\v 7 Malapit nang mangyari ang mga kakila-kilabot na mga bagay. Magiging kakila-kilabot ang araw na iyon! Wala pang naging ganitong panahon. Ito ay isang panahon na magdadanas ng matinding kaguluhan ang aking mga taong Israelita, ngunit sa huli sila ay maliligatas mula sa kanilang mga paghihirap."
\s5
\q
\v 8 Ito ang sinasabi ni Yahweh na pinuno ng mga hukbong anghel, "Sa panahong iyon, parang katulad ito ng pagputol ko ng mga tali na nakapalibot sa aking mga tao at palalayain ko sila mula sa pagka-alipin. Hindi na sila kailanman aalipinin ng mga tao sa ibang bansa.
\p
\v 9 Muli akong paglilingkuran ng aking mga tao, si Yahweh na kanilang Diyos at maglilingkod sila sa isang hari na kaapu-apuhan ni Haring David at itatalaga ko ang haring ito para sa kanila.
\s5
\p
\v 10 Kaya, kayong mga Israelita na naglilingkod sa akin, huwag na kayong panghinaan ng loob ngayon, dahil balang araw ibabalik ko kayo mula sa malalayong mga lugar, ibabalik ko ang inyong mga kaapu-apuhan sa lupain kung saan sila ipinatapon. Pagkatapos, kayong mga Israelita ay muling mamumuhay na payapa at ligtas at wala ng anumang bansa ang mananakot sa inyo.
\p
\v 11 Akong si Yahweh ang nagsasabi na kasama ninyo ako at ililigtas ko kayo. Ganap kong wawasakin ang mga bansa na pinagkalatan ko sa inyo. Ngunit hindi ko kayo ganap na wawasakin. Parurusahan ko kayo dahil sa inyong maraming kasalanan, ngunit parurusahan ko lamang kayo sa kung ano ang nararapat. Gumagawa ako ng pagkakamali kung hindi ko kayo kailanman paparusahan.
\s5
\q
\v 12 Sinasabi rin ito ni Yahweh, "Labis kayong naghirap, na parang mayroon kayong isang kakila-kilabot na sugat na hindi na magamot.
\p
\v 13 Walang sinuman ang tutulong sa inyo, walang sinumang maglalagay ng benda sa inyong sugat. Walang gamot na makapagpapagaling sa inyo.
\s5
\p
\v 14 Iniwanan na kayo ng lahat ng inyong mga kakampi at ayaw na nila kayong tulungan pa. Totoong pinarusahan kita nang labis gaya ng pagsugat sa inyo ng inyong mga kaaway dahil nakagawa kayo ng napakaraming mga kasalanan at labis kayong nagkasala.
\p
\v 15 Dahil totoo ito, bakit ninyo tinututulan ang tungkol sa pagpaparusa ko sa inyo, na parang sinugatan ko kayo na hindi na malulunasan? Kailangan na parusahan ko kayo, dahil nakagawa kayo ng maraming kasalanan at labis kayong nagkasala.
\s5
\p
\v 16 Ngunit balang araw ay mawawasak ang lahat ng sumusubok na wasakin kayo, maipapatapon sa ibang mga bansa ang lahat ng inyong mga kalaban. Lahat ng nagnakaw ng mga bagay mula sa inyo ay nanakawin ang kanilang mga mahahalagang pag-aari at sasalakayin ang lahat ng sumalakay sa inyo.
\p
\v 17 Sinasabi ng bawat isa na itinaboy kayo at tumitira kayo sa Jerusalem, isang lungsod na walang nag-aalaga." Ngunit sinasabi ni Yahweh, "Pagagalingin ko ang inyong mga pinsala at kayo ay magiging malusog muli."
\s5
\q
\v 18 Ito ang mga sinasabi ni Yahweh, "Dadalhin ko ang mga Israelita pabalik sa lupain kung saan sila kinuha at bibigyan sila ng kakayahan upang ariin muli ang kanilang lupain at ang kanilang mga bahay. Kapag nangyari iyon, muling itatayo ang Jerusalem sa tuktok ng mga pagkawasak nito at muling maitatayo ang palasyo ng hari bilang lugar ng katarungan.
\q
\v 19 Muling aawit ng may kagalakan ang mga tao upang pasalamatan ako at pararamihin ko ang mga tao sa Jerusalem, hindi pakukuntiin. Ako ang magiging dahilan upang sila ay maparangalan at hindi kamuhian.
\s5
\q
\v 20 Sasagana ang kanilang mga anak gaya ng ginawa nila noon. Gagawin ko silang isang pangkat ng mga tao na sasamba sa akin at parurusahan ko ang anumang bansa na magpapahirap sa kanila.
\p
\v 21 Isa sa sarili nilang kababayan ang kanilang magiging hari at aanyayahan ko siyang lumapit sa akin upang sambahin ako, dahil walang maglalakas-loob upang lumapit sa akin kung hindi ko siya aanyayahan.
\p
\v 22 Magiging mga tao ko kayong mga Israelita at ako ang magiging Diyos ninyo."
\s5
\p
\v 23 Parurusahan ni Yahweh ang inyong mga kalaban. Kagaya ito ng isang bagyo, bababa ito gaya ng isang ipu-ipo, na umiikot sa palibot ng ulo ng mga masasamang tao.
\q
\v 24 Hindi siya hihinto sa kaniyang galit hanggang ganap niyang matapos ang lahat ng kaniyang pinagpasyahan. Balang araw, malinaw ninyong maunawaan ang lahat ng ito.
\s5
\c 31
\p
\v 1 Sinasabi ni Yahweh na sa panahong iyon, siya ang magiging Diyos na sinasamba ng lahat ng mga angkan sa Israel at sila ang magiging kaniyang mga tao.
\p
\v 2 Ito ang sinasabi ni Yahweh. "Pinagpala ko ang mga taong nanatiling buhay at hindi napatay sa pamamagitan ng espada ng kanilang kaaway kahit sa disyerto, kung saan sila nakaligtas.
\q
\v 3 Noong unang panahon, ako, si Yahweh, ang nagsabi sa inyong mga ninunong mga Israelita, 'Minahal ko kayo at patuloy ko kayong mamahalin magpakailanman. Sa pamamagitan ng tapat na pagmamahal ko sa inyo, inilapit ko kayo mismo sa aking sarili.'
\s5
\q
\v 4 At ngayon sinasabi ko sa inyo, aking mga taong Israelita na aking iisipin na katulad ng isang malinis na babae, na muli kitang gagawing isang bansa. Sasayaw kayo ng may kagalakan habang tinutugtog ninyo ang inyong tamburin.
\q
\v 5 Muli ninyong tataniman ang inyong mga ubasan sa mga burol ng Samaria at kakainin ninyo ang mga ubas na tumubo roon.
\q
\v 6 Darating ang panahon na tatawag ang tagapagbantay mula sa mga burol ng Samaria, 'Halikayo, umakyat tayo sa Jerusalem upang sambahin si Yahweh na ating Diyos!"'
\s5
\p
\v 7 At ngayon ito ang sinasabi ni Yahweh: "Umawit kayo ng may kagalakan tungkol sa ginawa ko para sa mga Israelita! Isigaw ang tungkol sa inyong bansa, ang pinakadakilang bansa! Sumigaw kayo ng may kagalakan, na nagpupuri sa akin at sabihing, 'Iniligtas ni Yahweh ang kaniyang mga tao, ang mga taong nananatiling buhay!'
\s5
\q
\v 8 Gawin ninyo ito dahil ibabalik ko sila mula sa hilagang silangan, mula sa mga pinakamalalayong lugar sa mundo. Kabilang sa kanila ang mga pilay, mga bulag, mga babaeng nagdadalang tao at mga babaeng nagpapasakit sa panganganak. Magiging malaki silang pangkat ng mga tao!
\p
\v 9 Umiiyak sila habang sila ay pabalik at nananalangin sila sa akin. Gagabayan ko sila sa tabi ng mga batis ng tubig, sa mga patag na daan kung saan hindi sila matitisod. Gagawin ko ito dahil tulad ako ng isang ama sa mga Israelita; na parang ang Israel ay ang panganay kong anak na lalaki."
\s5
\q
\v 10 Kayong mga tao sa mga bansa ng mundo, makinig kayo sa mensaheng ito mula kay Yahweh. At ipahayag ito sa mga tao na nanirahan sa mga malayong baybayin. Ikinalat ni Yahweh ang kaniyang mga tao ngunit muli niya silang titipunin at aalagaan sila gaya ng pag-aalaga ng isang pastol sa kaniyang mga tupa.
\p
\v 11 Tutubusin ni Yahweh ang mga Israelita pabalik sa mga sumakop sa kanila dahil mas makapangyarihan sila kaysa sa kaniyang mga tao.
\s5
\p
\v 12 Babalik sa Jerusalem ang mga mamamayan ni Yahweh at sisigaw ng may kagalakan sa mga libis sa Burol ng Zion. Magagalak sila sa mga bagay na masaganang ibinigay ni Yahweh sa kanila. Mga butil, bagong alak, langis ng olibo at batang tupa at baka. Magiging katulad sila mismo ng isang taniman na sagana sa tubig at hindi na sila kailanman makararamdam ng kapaguran.
\s5
\p
\v 13 Sasayaw ng may kagalakan ang mga kabataang babae at sasali sa kanila ang lahat ng mga kalalakihan, mga bata at mga matatanda. Bibigyan ko sila ng dahilan upang magalak sa halip na magluksa; Aaliwin ko sila at bibigyan ko ng dahilan upang maging masaya sa halip na maging malungkot.
\p
\v 14 Magkakaroon ng maraming makakain na pagkain at inumin, ang mga pari at lahat ng aking tao ay mapupuno ng mga mabubuting bagay na ibinigay sa kanila. Tiyak na mangyayari ito dahil ako si Yahweh ang nagsabi nito.
\s5
\q
\v 15 Sinasabi rin ito ni Yahweh, "Ang mga babae sa Rama ay umiiyak, sa hangganan sa pagitan ng Israel at Juda. Nagdadalamhati sila at umiiyak ng napaka-lakas. Ang mga babaeng kaapu-apuhan ni Efraim at Manases, ang dalawang lalaking apo ni Raquel na asawa ni Jacob ay umiiyak tungkol sa kanilang mga anak at walang sinuman ang makapag-aaliw sa kanila dahil namatay ang lahat ng kanilang mga anak.
\s5
\q
\v 16 Ngunit ngayon, ito ang sinasabi ni Yahweh: 'Huwag na kayong umiyak, dahil gagantimpalaan ko kayo sa mga mabubuting bagay na ginawa ninyo para sa inyong mga anak. Babalik ang inyong mga anak mula sa lupain kung saan sila kinuha ng kanilang mga kalaban.
\p
\v 17 Akong si Yahweh ang nagsasabi sa inyo na may mga bagay na tiyak kayong aasahan na aking gagawin para sa inyo sa hinaharap. Babalik ang inyong mga anak sa kanilang sariling lupain.'
\s5
\p
\v 18 Narinig ko ang mga Israelita na lubos na nagdadalamhati at sinasabi sa akin, "Pinarusahan mo kami nang malupit, na parang mga baka na pinapalo ng may-ari upang sanayin sila sa paghila ng araro. Kaya ibalik mo kami upang muling sumunod sa iyo, dahil handa na kaming bumalik sa iyo, dahil ikaw lamang Yahweh ang aming Diyos.
\q
\v 19 Lumayo kami mula sa iyo ngunit nagsisi na kami; pagkatapos mong ipaunawa sa amin na nagkasala kami. Ipapalo namin sa aming mga hita ang aming mga kamay upang ipakita na labis kaming nahihiya sa mga kasalanang ginawa namin noong mga bata pa kami.
\p
\v 20 Ngunit akong si Yahweh ang nagsasabi nito. Tiyak na minamahal ko pa rin ang mga Israelita na aking anak. Madalas na kinakailangan ito para sa akin na pagbantaang parusahan sila, subalit mahal ko pa rin sila. Iyan ang dahilan kung bakit hindi ko sila nakalimutan at tiyak na patuloy akong kikilos ng may habag sa kanila.
\s5
\p
\v 21 Kayong mga Israelita, maglagay kayo ng mga palatandaan sa daan. Maglagay kayo ng mga poste sa tabi ng mga daan upang markahan ang daan kung saan kayo dumaan noong kayo ay dalhin mula sa Jerusalem. Mga minamahal kong mga Israelita, bumalik kayo dito sa inyong sariling mga bayan.
\p
\v 22 Kayong mga tao na katulad ng isang anak na babae na tinalikdan ang kanilang mga magulang, hanggang kailan kayo lilihis sa akin? Ako si Yahweh na gagawa ng bagong pangyayari sa mundo. Pangangalagaan ng mga babaeng Israel ang kanilang mga asawa lalake habang sila ay naglalakbay pabalik dito!"
\s5
\q
\v 23 Ito ang sinasabi ni Yahweh na Pinuno ng mga hukbong anghel, ang Diyos na sinasamba ng Israel; "Kapag ibinalik ko na sila sa kanilang bansa mula sa kanilang pagkakatapon, muling sasabihin ng lahat ng mga tao sa mga bayan ng Juda, 'Inaasahan kong pagpapalain ni Yahweh ang aming sariling bayang ito, ang banal na lugar kung saan maninirahan ang mga taong matuwid!'
\p
\v 24 Ang mga tao ng Juda na nakatira sa mga bayan, kabilang na ang mga magsasaka at mga pastol ay sama-samang maninirahan nang payapa.
\p
\v 25 Pahihintulutan ko ang mga taong nauuhaw upang uminom ng tubig at pahihintulutan ko ang mga mahihina na maging malakas muli".
\q
\v 26 Akong si Jeremias ay nagising matapos mapanaginipan ang mga bagay na ito at tiningnan ko ang aking paligid. Nakatulog ako nang mahimbing!
\s5
\q
\v 27 Pagkatapos sinabi sa akin ni Yahweh, "Darating ang panahon na lubos kong pararamihin ang bilang ng mga tao at bilang ng mga alagang hayop dito sa Israel at sa Juda.
\q
\v 28 Sa mga nakaraan, pinahintulutan ko ang mga kaaway nila na alisin ang mga tao mula sa kanilang lupain at wasakin ang kanilang lupain at magdala dito ng maraming sakuna. Ngunit sa hinaharap, pahihintulutan ko sila na magtayo muli ng mga tahanan at magtanim ng mga pananim dito sa Israel. Tiyak na mangyayari iyan dahil akong si Yahweh ang nagsabi nito.
\s5
\q
\v 29 Sa mga nakaraan, madalas na sinasabi ng mga tao, 'Kumakain ng maasim na mga ubas ang mga magulang, ngunit ang ngipin ng mga anak ang sumasakit.' Ibig nilang sabihin na hindi patas para sa kanila na parusahan sila dahil sa mga kasalanan ng kanilang mga ninuno. Ngunit kapag ibinalik ko sila sa kanilang lupain, hindi na nila kailanman sasabihin iyon.
\p
\v 30 Ngunit ngayon, mamamatay ang lahat ng mga tao dahil sa mga kasalanan na sila mismo ang gumawa. "Magiging tulad ito ng "Ang taong kumakain ng mga maaasim na ubas ay magkakaroon ng sariling pananakit ng ngipin.'
\s5
\q
\v 31 Akong si Yahweh ang nagsasabi nito: 'Darating ang panahon na gagawa ako ng isang bagong kasunduan sa mga Israelita at para sa mga tao sa Juda.
\p
\v 32 Ang bagong kasunduang ito ay hindi gaya sa ginawa ko sa inyong mga ninuno noong kinuha ko sila sa pamamagitan ng kanilang mga kamay at inilabas sila sa Egipto. Hindi nila sinunod ang kasunduang iyon, kahit na minahal ko sila gaya ng pagmamahal ng mga lalaki sa kanilang mga asawang babae.
\s5
\p
\v 33 Akong si Yahweh ang nagsasabi nito: 'Ito ang bagong kasunduan na gagawin ko sa mga Israelita balang araw: Ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang mga isipan at isusulat ko sa kanilang kalooban. Ako ang kanilang magiging Diyos at sila ang magiging aking mga tao.
\q
\v 34 At hindi na nila kailangang turuan ang kanilang mga kapwa o ang kanilang mga kamag-anak at sabihing, "Kailangan ninyong makilala si Yahweh," dahil kilala na ako ng bawat tao kabilang ang mga hindi mahalaga at mga napakahalagang tao. At patatawarin ko sila sa pagiging masama at hindi ko na muling iisipin ang tungkol sa mga kasalanan na kanilang ginawa."
\s5
\q
\v 35 Si Yahweh ang nagdudulot ng dahilan sa araw upang magbigay ng liwanag sa umaga at nagdudulot ng dahilan sa buwan at bituin upang magbigay liwanag sa gabi. Siya ang nagpapagalaw sa mga dagat na ang resulta ay dumadagundong ang alon. Yahweh ang kaniyang pangalan, ang Pinuno ng mga hukbong anghel at ito ang kaniyang sinabi:
\p
\v 36 Hindi habang buhay itatakwil ko ang aking mga taong Israelita nang higit sa pag-aalis ko ng mga batas na namamahala sa daigdig.
\s5
\q
\v 37 At ito ang aking sinabi, 'Walang sinuman ang makakasukat sa kalangitan at walang makakatuklas kung ano ang humahawak sa mundo. Gayon din naman, hindi ko maitatakwil ang mga kaapu-apuhan ni Jacob dahil sa lahat ng kasamaang ginawa nila. Tiyak ito, dahil akong si Yahweh ang nagsabi nito!
\s5
\p
\v 38 Ako si Yahweh, ang nagsasabi rin na darating ang panahon na ang lahat ng bagay sa Jerusalem ay muling itatayo para sa akin, mula sa tore ni Hananel na nasa sulok ng hilagang-silangan, pakanluran sa bahagi ng tarangkahan na tinatawag na Sulok ng Tarangkahan.
\p
\v 39 Babatakin ng mga manggagawa ang panukat na pang-linya sa Burol ng Gareb hanggang sa dulo ng timog-silangan patungong Goa.
\p
\v 40 At ang buong lugar kasama na ang lugar ng pinagtatapunan ng mga bangkay at mga abo sa Lambak ng Kidron at maibubukod para sa akin ang lahat ng parang sa silangan hanggang sa Tarangkahan ng mga Kabayo. At hindi na muling mabibihag o mawawasak ang lungsod ng Jerusalem."
\s5
\c 32
\p
\v 1 Pagkatapos ng halos sampung taon na paghahari ni Zedekias sa Juda, binigyan ako ni Yahweh ng isa pang mensahe sa panahon ng paghahari ni Nebucadnezar sa Babilonia ng halos labinwalong taon.
\q
\v 2 Pinalibutan ng kaniyang hukbo ang Jerusalem at si Jeremias ay nasa isang kulungan sa patyo kung saan namamalagi ang mga bantay ng hari sa palasyo.
\s5
\p
\v 3 Inilagay ako ni haring Zedekias doon. Ipinagpatuloy ko ang pagpapahayag doon tungkol sa mangyayari. Ipinagpatuloy ko ang pagsasabi, "Sinasabi ni Yahweh na pahihintulutan niya ang hukbo ng hari ng Babilonia upang sakupin ang lungsod na ito.
\q
\v 4 At ang mga kawal ng Babilonia ay tiyak na bibihagin si Haring Zedekias at dadalhin siya sa hari ng Babilonia para sa isang harapang pagtatagpo.
\q
\v 5 At dadalhin ng kaniyang mga kawal si Zedekias sa Babilonia at mananatili siya roon hanggang maihanda ko siya upang parusahan. At hindi siya magtatagumpay kung susubukan niyang labanan ang mga kawal ng Babilonia." Tinanong ni Haring Zedekias si Jeremias kung bakit niya patuloy na sinasabi iyon, ngunit sinabi ni Yahweh na talagang mangyayari ito.
\s5
\p
\v 6 Sa panahong iyon, muling nagbigay si Yahweh ng isa pang mensahe kay Jeremias. Sinabi niya,
\p
\v 7 "Pupunta sa iyo ang iyong pinsan na si Hanamel na lalaking anak ng iyong tiyuhin na si Salum. Sasabihin niya sa iyo, 'Bilhin mo ang aking bukid sa Anatot na iyong bayang sinilangan. Dahil ikaw ang pinakamalapit kong kamag-anak, nakasulat ito sa ating mga batas na ikaw ang may karapatan na bumili nito bago ako magtanong sa iba kung mayroon pang gustong bumili nito.'"
\s5
\q
\v 8 Gaya ng sinabi ni Yahweh, pumunta ang aking pinsan na si Hanamel upang tingnan ako sa patyo ng palasyo. Sinabi niya, "Pakiusap bilhin mo ang aking bukid sa Anatot sa lugar kung saan naninirahan ang mga kaapu-apuhan ni Benjamin. Nakasulat ito sa ating mga batas na ikaw ang may karapatan na bumili nito bago ako magtanong sa iba kung mayroon pang gustong bumili nito." Nang sinabi niya iyon, alam kong tunay na galing kay Yahweh ang mensahe na aking natanggap.
\q
\v 9 Kaya, binili ko ang bukid sa Anatot. Nagbayad ako kay Hanamel ng labing-pitong piraso ng pilak para dito.
\s5
\q
\v 10 Nilagdaan ko ang papel kung saan nakasulat na binibili ko ito, habang nanonood ang iba. At tinimbang ko ang pilak at ibinigay ko sa kaniya.
\q
\v 11 At kinuha ko ang dalawang kopya ng papel. Naselyuhan ang isa at ang isa naman ay hindi naselyuhan. Nakasulat sa mga ito ang halaga at ang mga kondisyon ng pagbili. Kinuha ko ang dalawang kopya
\q
\v 12 at ibinigay ko ang mga ito kay Baruc na lalaking anak ni Nerias at apo naman ni Maaseias. Ginawa ko ito habang nanonood ang pinsan kong si Hanamel, ang iba pang saksi na lumagda sa papel at ang mga taga-Juda na naroon sa patyo.
\s5
\p
\v 13 At habang silang lahat ay nakikinig, sinabi ko kay Baruc,
\q
\v 14 "Ito ang sinasabi ni Yahweh, ang Pinuno ng mga hukbong anghel, ang Diyos na sinasamba ng Israel, 'Kunin mo ang dalawang kopya ng papel na ito at ilagay mo ang mga ito sa isang banga, upang mapanatili ang mga ito sa mahabang panahon.
\p
\v 15 Gawin mo ito dahil Ako si Yahweh, ang Pinuno ng mga hukbong anghel, ang Diyos na sinasamba ng Israel ang nagsasabi: Balang araw muling magmamay-ari ang mga tao ng ari-arian sa lupaing ito, at sila ay bibili at magbebenta ng mga tahanan, mga ubasan at mga bukirin.'"
\s5
\p
\v 16 Pagkatapos kong ibigay ang mga papel kay Baruc, nanalangin ako kay Yahweh, ito ang aking sinabi,
\q
\v 17 "Yahweh, ikaw ang aking Panginoon! Nilikha mo ang langit at ang lupa sa pamamagitan ng iyong napakadakilang kapangyarihan. Walang bagay na mahirap gawin para sa iyo.
\q
\v 18 Ipinakita mo sa libu-libong tao na ikaw ay laging matapat sa iyong kasunduan sa kanila, ngunit nagdurusa ang mga tao sa kabayaran ng mga kasalanan na ginawa ng kanilang mga magulang. Ikaw ang dakila at makapangyarihang Diyos. Ikaw ay si Yahweh, ang Pinuno ng mga hukbong anghel.
\s5
\p
\v 19 Gumawa ka ng mga matatalinong pagpapasiya at makapangyarihang mga gawa. Nakita mo kung paano umasal ang lahat ng tao at ginagawa mo kung ano ang nararapat sa kanila.
\p
\v 20 Gumawa ka ng maraming himala sa Egipto at ipinagpatuloy mo ang paggawa ng mga himala dito sa Israel at saan man sa mundo. Dahil dito, ikaw ay naging napakatanyag.
\p
\v 21 Inilabas mo sa Egipto ang aming mga ninunong Israelita sa pamamagitan ng paggawa ng maraming dakilang himala, gamit ang iyong dakilang kapangyarihan, upang takutin ang aming mga kaaway.
\s5
\p
\v 22 Ibinigay mo sa aming mga Israelita ang lupaing ito na mataimtim mong ipinangako na ibibigay mo sa aming mga ninuno, isang lupaing napakasagana.
\q
\v 23 Pumarito ang aming mga ninuno at sinakop ang lupaing ito at nagsimulang mamuhay rito, ngunit tumanggi silang sumunod sa iyo o gawin ang iyong iniutos na gawin nila. Dahil dito, ipinaranas mo sa kanila ang lahat ng mga sakunang ito.
\s5
\q
\v 24 At ngayon, ang hukbo ng Babilonia ay nagtayo ng mga bunton laban sa aming mga pader upang salakayin ang aming lungsod. Dahil sa mga espada ng aming mga kaaway at dahil sa mga taggutom at mga sakit ay madali nila itong masakop. Nangyayari na ang mga bagay na sinabi mong mangyayari.
\p
\v 25 At patunay ito na sasakupin ng hukbo ng Babilonia ang lungsod na ito sa madaling panahon. Kaya ngayon, hindi ko maunawaan kung bakit mo sinabi sa akin na bilhin ko ang bukid na ito sa pamamagitan ng aking pilak habang nanonood ang iba. "Parang sinasayang ko lamang ang aking pera sa paggawa nito!"
\s5
\q
\v 26 At ibinigay sa akin ni Yahweh ang mensaheng ito,
\q
\v 27 "Ako si Yahweh, Ang Diyos na namamahala sa bawat bagay na nabubuhay sa mundo. Tunay na walang mahirap para sa akin na gawin.
\p
\v 28 Kaya ito ang sinasabi ko: Totoo na ipapasakop ko ang lungsod na ito sa hukbo ng Babilonia at kay Haring Nebucadnezar.
\s5
\q
\v 29 Papasok ang mga kawal ng Babilonia na ngayon ay nasa labas ng mga pader sa palibot ng lungsod at susunugin ang lungsod na ito. Susunugin nila ang lahat ng mga tahanan kung saan nakatira ang mga taong nagpagalit sa akin sa pamamagitan ng pagsusunog ng insenso sa ibabaw ng kanilang mga bubungan upang parangalan si Baal at sa pamamagitan ng pagbuhos ng handog na alak sa ibang diyos.
\p
\v 30 Ang mga tao sa Israel at Juda ay nagpatuloy sa paggawa lamang ng masasamang bagay mula sa panahong sila ay naging isang bansa. Ginalit nila ako nang labis sa pamamagitan ng lahat ng kanilang mga masasamang gawa.
\s5
\q
\v 31 Mula sa panahon na naitayo ang lungsod na ito hanggang sa ngayon, mga bagay lamang na lubos kong ikagagalit ang ginawa ng mga tao sa lungsod na ito. Kaya ngayon ay wawasakin ko ito.
\q
\v 32 Ang mga tao sa Israel at Juda, kasama na ang kanilang mga hari, kanilang mga opisyal, ang mga pari, ang mga bulaang propeta, at lahat ng mga taga-Jerusalem na nakagawa ng maraming kasalanan na naging dahilan upang magalit ako.
\s5
\p
\v 33 Tinalikuran ako ng aking mga tao at tumanggi silang bumalik sa akin. Kahit na maraming beses ko silang tinuruan ng mga bagay, hindi pa rin nila binigyang-pansin ang itinuro ko sa kanila at hindi nila ako sinunod.
\q
\v 34 Itinayo nila ang kanilang mga kasuklam-suklam na mga diyus-diyosan kahit sa aking sariling templo at dinungisan ito.
\q
\v 35 Nagtayo sila ng mga dambana upang parangalan si Baal sa lambak ng Ben-hinom sa labas ng Jerusalem at doon nila inialay ang kanilang mga anak na lalaki at babae kay Molec na kanilang diyos. Hindi ko kailanman iniutos sa kanila na gawin ang ganitong kasuklam-suklam na mga gawa. Hindi ko kailanman itinuring na utos ang ganitong kakila-kilabot na bagay. At sa paggawa nito, silang lahat ay naging dahilan upang magkasala ang mga taga-Juda."
\s5
\q
\v 36 "Ngunit ngayon, may sasabihin pa akong mga bagay tungkol sa lungsod na ito. Sinasabi ninyong mga taga-Jerusalem, 'Sasakupin ito ng hukbo ng hari ng Babilonia sa pamamagitan ng kanilang espada man o dahil sa taggutom o mga sakit.' Ngunit ito ang sinasabi ko, ang Diyos ng Israel,
\q
\v 37 'Tiyak na ibabalik kong muli rito ang aking mga tao, mula sa lahat ng bansa kung saan sapilitan ko silang pinapunta dahil sa aking labis na galit sa kanila. Ibabalik ko sila sa lungsod na ito at pahihintulutan ko silang mumuhay dito ng ligtas.
\s5
\q
\v 38 Magiging tao ko sila at ako ang magiging Diyos nila.
\q
\v 39 Bibigyan ko sila ng isang paraan ng pag-iisip at pag-uugali, upang igalang nila ako para sa kanilang kabutihan at sa kabutihan ng kanilang mga kaapu-apuhan.
\q
\v 40 Gagawa ako ng isang kasunduan sa kanila na mananatili magpakailanman. Hindi ako titigil sa paggawa ng kabutihan sa kanila at sa wakas ay igagalang nila ako at hindi na sila kailanman tatalikod sa akin.
\s5
\q
\v 41 Magiging masaya ako sa paggawa ng kabutihan sa kanila at tiyak na tutulungan ko silang makabalik sa lupaing ito at manatili rito. Aking gagawin ito nang buong kaluluwa at buong lakas.'
\q
\v 42 At ito rin ang sinasabi ko, akong si Yahweh, 'Ipararanas ko sa kanila lahat ng mga sakunang ito. Gayon din, gagawin ko sa kanila balang araw ang lahat ng mabubuting bagay na aking ipinangako.
\s5
\q
\v 43 Sa pamamagitan ng pagbili mo ng lupa, iyong pinahayag Jeremias na balang araw ay bibili ang mga tao at magbebenta ng mga bukid sa lupaing ito na inyong sinasabi ngayon, kayong mga taga-Jerusalem, "Sinira ito ng mga kawal ng taga-Babilonia. Ito ngayon ay mapanglaw. Isa itong lupaing walang mga tao o mga hayop."
\p
\v 44 Ngunit balang araw, muling bibili ang mga tao at magbebentahan ng mga bukid dito. Lalagda ang mga tao ng mga katibayan tungkol sa pagbili sa mga bukid na ito at sasaksihan sila ng mga tao sa paggawa nito. Mangyayari ito sa lupain kung saan naninirahan ang mga kaapu-apuhan ni Benjamin at dito sa mga nayon na malapit sa Jerusalem, sa ibang bayan sa Juda, sa maburol na bansa at sa paanan ng mga burol hanggang sa kanluran at sa dakong timog ng ilang ng Judea. Balang araw pasasaganahin ko silang muli. Tiyak na mangyayari iyon dahil Akong si Yahweh ang nagsabi nito."
\s5
\c 33
\p
\v 1 Habang si Jeremias ay kasalukuyan pang binabantayan sa patyo ng palasyo, ibinigay sa kaniya ni Yahweh itong pangalawang mensahe,
\q
\v 2 "Ako ito na siyang gumawa ng mundo, ang naghugis nito at naglagay sa mga lugar nito, sabihin mo sa mga taga-Jerusalem, 'Yahweh ang aking pangalan.
\q
\v 3 Tumawag kayo sa akin at sasabihin ko sa inyo ang mga dakila at kahanga-hangang mga bagay na hindi pa ninyo nalalaman.'
\s5
\q
\v 4 Ako si Yahweh, ang Diyos ng Israel, ang nagsasabi nito, "Giniba ng mga tao sa lungsod na ito ang ilan sa kanilang mga tahanan at kahit pa ang ibang bahagi ng palasyo ng hari upang kumuha ng mga kagamitan para sa pagpapatibay ng mga pader na nasa paligid ng lungsod, upang sa gayon ay hindi makapasok ang mga kawal ng Babilonia matapos nilang akyatin ang mga bunton na kanilang itinayo laban sa mga pader at patayin ang mga nakatira dito gamit ang kanilang mga espada.
\p
\v 5 Umaasa kayong makipaglaban sa hukbo mula sa Babilonia, ngunit ang mangyayari ay mapupuno ang mga tahanan sa lungsod na ito ng mga bangkay ng mga taong nakatira sa dito na pahihintulutan kong mapatay dahil sa matinding galit ko sa kanila. Pinabayaan ko sila dahil sa lahat ng masasamang bagay na nagawa nila.
\s5
\q
\v 6 Gayon pa man, darating ang panahon na muli kong gagawing malusog at malakas ang mga tao sa lungsod na ito. Pasasaganain ko sila at magkakaroon sila ng kapayapaan.
\p
\v 7 Ibabalik ko ang mga taga-Juda at taga-Israel mula sa mga lupain kung saan sila sapilitang dinala. Tutulungan ko sila upang itayong muli ang kanilang mga bayan.
\p
\v 8 Lilinisin ko sila sa lahat ng kasalanang kanilang ginawa laban sa akin at patatawarin ko sila sa kanilang paghihimagsik laban sa akin.
\q
\v 9 Kapag nangyari iyon, magagalak ang lahat ng bansa sa daigdig, pupurihin at pararangalan nila ako. Maririnig nila ang tungkol sa lahat ng mabubuting bagay na aking ginawa sa lungsod na ito. At dahil dito, igagalang nila ako at sila ay manginginig dahil hinayaan ko ang mga tao sa lungsod na ito na magkaroon ng kapayapaan at maging masagana.'
\s5
\q
\v 10 At Akong si Yahweh ang nagsasabi rin nito, 'Sinasabi ninyong mga tao na isa itong lupain na walang mga tao o mga hayop. Ngunit sa mga lansangan ng Jerusalem na ngayon ay walang nakatira at sa ibang mga bayan ng Juda,
\q
\v 11 balang araw muling magiging masaya ang mga tao at tatawa. Muling aawit nang may kagalakan ang mga babae at mga lalaking ikakasal. At marami pang ibang tao ang aawit din nang may kagalakan habang dinadala ang kanilang mga handog sa akin upang magpasalamat sa akin sa mga nagawa ko sa kanila. Aawitin nila ang awitin na ito, "Pinasasalamatan ka namin Yahweh, Pinuno ng mga hukbo ng anghel dahil napakabuti mo sa amin. Matapat mong tinupad ang iyong tipan sa amin magpakailanman." Aawitin nila iyon dahil gagawin kong masagana ang mga tao sa lupaing ito gaya ng dati.'
\s5
\p
\v 12 Ngayon napabayaan ang lupaing ito. Walang mga tao o mga hayop na naninirahan dito. Ngunit Akong si Yahweh, ang Pinuno ng mga hukbo ng anghel, ang nagsasabi nito, 'Magkakaroon muli ng mga pastulan sa lupaing ito kung saan aakayin ng mga pastol ang kanilang tupa.
\p
\v 13 Muling bibilangin ng mga pastol ang kanilang tupa habang naglalakad ang tupa, sa labas ng mga bayan sa maburol na bansa, sa mga paanan ng burol sa dakong kanluran, sa dakong timog sa ilang ng Juda, sa lupain kung saan nakatira ang mga kaapu-apuhan ni Benjamin, sa palibot ng Jerusalem at sa labas ng lahat ng ibang bayan sa Juda.' Tiyak na mangyayari iyon dahil Akong si Yahweh ang nagsabi nito.
\s5
\q
\v 14 Pakinggan ninyo ito! Akong si Yahweh ang nagsasabing darating ang panahon na gagawin ko para sa mga taga-Israel at taga-Juda ang lahat ng mabubuting bagay na ipinangako kong gagawin para sa kanila.
\q
\v 15 Sa panahong iyon hihirang ako ng isang matuwid na lalaki na manggagaling sa kaapu-apuhan ni Haring David. Gagawin niya ang matuwid at tama sa buong lupain.
\q
\v 16 Sa panahong iyon, ang mga taga-Juda ay sasagipin mula sa kanilang mga kaaway at magiging ligtas ang mga tao sa Jerusalem. At sasabihin ng mga tao na ang pangalan ng lungsod ay 'Si Yahweh ang siyang nag-iisang gumawa ng matuwid para sa atin.'
\s5
\p
\v 17 At Akong si Yahweh rin ang nagsasabi nito, 'Magkakaroon ng mga kaapu-apuhan si Haring David na maghahari sa Israel magpakailanman.
\p
\v 18 At magkakaroon palagi ng mga pari sa mga kaapu-apuhan ni Levi na tatayo sa aking harapan at maghahandog ng mga alay na ganap na susunugin sa altar at magsusunog ng mga handog na pagkain at ibang pang mga handog."
\s5
\q
\v 19 Pagkatapos ay ibinigay ni Yahweh kay Jeremias ang mensaheng ito,
\p
\v 20 "Akong si Yahweh ang nagsasabi nito, 'Tiyak na hindi ninyo mapapawalang-bisa ang aking pangako na magkakaroon ng gabi upang sundan ang umaga bawat araw.
\q
\v 21 Gayon din, hindi ninyo mapapawalang-bisa ang aking pangako kay Haring David na naglingkod sa akin nang mabuti, palaging magkakaroon ng mga kaapu-apuhan niyang maghahari sa Juda. Gayon din, totoo ang aking kasunduan sa mga pari na kaapu-apuhan ni Levi na gagawa ng gawain para sa akin.
\p
\v 22 Walang sinuman ang makabibilang sa mga bituin sa langit at maging ang mga buhangin sa dalampasigan. Pararamihin ko rin ang mga kaapu-apuhan ni David at kaapu-apuhan ni Levi na maglilingkod para sa akin.'"
\s5
\p
\v 23 Binigyan pa ako ni Yahweh ng isa pang mensahe. Sinabi niya,
\p
\v 24 "Tiyak na alam ninyo na sinasabi ng ilang tao, 'Pumili si Yahweh ng dalawang grupo, ang mga taga-Juda at ang mga taga-Israel at hindi nagtagal ay itinakwil sila.' Hinahamak ng mga taong nagsasabi nito ang aking mga tao. Sinasabi nila na ang Israel ay hindi na karapat-dapat ituring na isang bansa.
\s5
\q
\v 25 Ngunit ito ang sinasabi ko, 'Hindi ko kailanman tatanggihan ang aking mga tao nang higit na mabilis kaysa sa pagbabago ko sa aking mga utos na pumipigil sa araw at sa gabi, sa langit at sa lupa.
\q
\v 26 Gayon din, hindi ko kailanman itatakwil ang mga kaapu-apuhan ni David o ang iba pang mga kaapu-apuhan ni Jacob at palagi kong pahihintulutan ang mga kaapu-apuhan ni David na maghari sa mga kaapu-apuhan ni Abraham, Isaac at Jacob. Ibabalik ko sila sa kanilang lupain at kahahabagan ko sila.'"
\s5
\c 34
\p
\v 1 Dumating si haring Nebucadnezar kasama ang mga hukbo at ang lahat ng mga kaharian na kaniyang pinamumunuan at nakipaglaban sila sa Jerusalem at sa iba pang bayan ng Juda. Sa panahong iyon, ibinigay sa akin ni Yahweh ang mensaheng ito:
\q
\v 2 "Pumunta ka kay Zedekias na hari ng Juda at sabihin sa kaniya, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel; "Bibigyan ko ng kakayahan(kakayahan-kapangyarihan) ang hukbo ng Babilonia upang sakupin ang lungsod na ito at susunugin nila ito.
\p
\v 3 Hindi ka makakatakas mula sa kanila; at sasakupin nila kayo at dadalhin kayo sa hari ng Babilonia. Makikita ninyo siya at makakausap ng harapan; at dadalhin nila kayo sa Babilonia."
\s5
\q
\v 4 Ngunit makinig ka sa pangako ni Yahweh Haring Zedekias: "Hindi ka mamamatay sa labanan;
\q
\v 5 mamamatay kang mapayapa. Magsusunog ang mga tao ng insenso upang parangalan ka gaya ng ginawa nila sa iyong mga ninuno na mga hari, bago ka naging hari. Tatangis sila para sa iyo, sumisigaw, 'labis kaming nalungkot na patay ang aming hari', Ako si Yahweh, nangangako na mangyayari ito.'""
\s5
\p
\v 6 Kaya dinala ko ang mensaheng iyon kay Haring Zedekias.
\p
\v 7 Sa panahong iyon pinalibutan ng hukbo ng Babilonia ang Jerusalem, Lachish at Azekah. Ang tatlong lungsod lamang na iyon ang tanging tatlong lungsod na may matataas na pader sa paligid nito na hindi pa nasasakop.
\s5
\p
\v 8 Iniutos ni haring Zedekias na dapat palayain ng mga tao ang kanilang mga alipin.
\p
\v 9 Iniutos niya na dapat palayain ng mga tao ng kanilang mga aliping Hebreo, mga aliping lalaki at babae. Wala ni isa ang papahintulutan na pilitin ang isang kapanalig na Judio upang magpatuloy sa pagiging alipin.
\s5
\p
\v 10 Sinunod ng mga opisyal at ang mga tao kung ano ang inutos ng hari,
\q
\v 11 ngunit hindi nagtagal nagbago ang kanilang mga isip. Pinilit nila ang mga lalaki at babae na kanilang pinalaya upang maging alipin muli.
\s5
\q
\v 12 Kaya, ibinigay ni Yahweh ang mensaheng ito sa akin upang sabihin sa kanila:
\p
\v 13 "Ako si Yahweh, ang Diyos ng Israel, na gumawa ng isang kasunduan sa inyong mga ninuno sa matagal nang panahon na iniligtas ko sila mula sa pagka-alipin sa Egipto.
\p
\v 14 Sinabihan ko sila na dapat palayain ang lahat ng kanilang aliping Hebreo pagkatapos magtrabaho ang mga alipin para sa kanila ng anim na taon. Ngunit hindi binigyan ng anumang pansin ng inyong mga ninuno ang aking sinabi.
\s5
\q
\v 15 Kamakailan lamang], sinunod ninyo ang aking utos at tumigil sa paggawa ng mali at ginawa ninyo kung ano ang tama. Gumawa kayo ng taimtim na kasunduan sa aking templo na palalayain ninyo ang inyong mga alipin at pinalaya ninyo sila.
\p
\v 16 Ngunit ngayon binalewala ninyo ang inyong taimtim na pangako at ipinakita ang inyong pagsaway sa aking sinabi sa pamamagitan ng pagkuha sa mga babae at lalaki na inyong pinalaya at sinabi, maaari silang mamuhay kung anuman ang kanilang gusto. Ngayon pinilit ninyo sila na maging alipin muli.
\s5
\q
\v 17 Kaya nga, Ako si Yahweh na nagsasabi: 'Dahil hindi kayo sumunod sa akin sa pamamagitan ng pagpapalaya sa inyong mga kapanalig na Israelita, palalayain ko kayo upang mawasak sa pamamagitan ng espada ng inyong mga kaaway, sa gutom at sa mga sakit. Manginginig sa takot ang lahat ng mga bayan dahil sa nangyari sa inyo.
\p
\v 18-19 Dahil binalewala ninyo ang aking sinabi sa aking kasuduan sa inyo. Gagawin ko ito sa inyo katulad sa kung ano ang ginawa ninyo sa mga guya na inyong hinati, upang inyong ipakita na ginawa ninyo talaga kung ano ang inyong taimtim na pangako na inyong ginawa. Bibigyan ko ng kakayahan ang inyong mga kaaway upang hatiin kayo ng pira-piraso, kayong mga opisyal ng Juda at Jerusalem, kayong mga opisyal ng palasyo, kayong mga pari at kayong lahat na mga karaniwang tao. Gagawin ko iyon dahil hindi ninyo pinansin ang katotohanan na inyong taimtim na pangako na palalayain ang inyong mga alipin.
\s5
\q1
\v 20 Bibigyan ko ng kakayahan ang inyong mga kaaaway upang sakupin kayo at papatayin nila kayo. At magiging pagkain ang inyong mga katawan para sa masiba at mga mababangis na hayop.
\p
\v 21 Bibigyan ko ng kakayahan ang hukbo ng hari ng Babilonia upang hulihin si haring Zedekias at ang kaniyang mga opisyal. Bagaman iniwan ng hari ng Babilonia at ang kaniyang hukbo ang Jerusalem ng sandaling panahon,
\q1
\v 22 ipapatawag ko silang muli. Sa panahong ito, lalabanan nila ang lungsod na ito, sasakupin at susunugin ito. Sisiguraduhin ko na mawawasak ang lahat ng mga bayan ng Juda, na ang resulta ay wala nang maninirahan doon kahit kailan."
\s5
\c 35
\p
\v 1 Ilang mga taon ang [dumating], nang si Johoiakim na anak ni Josias ang hari ng Juda, ibinigay ni Yahweh ang mensaheng ito:
\q
\v 2 "Pumunta ka sa lugar kung saan nakatira ang mga pamilya ng angkan ni Recab. Anyayahan sila sa aking templo. Kapag dumating sila, dalhin mo sila sa loob ng mga silid at alukin sila ng ilang alak."
\s5
\q
\v 3 Kaya umalis ako upang makita si Jaazanias, ang kaniyang mga kapatid at ang mga lalaking anak na kumakatawan sa angkan ni Recab. Si Jaazanias na anak rin ng isa pang taong nagngangalang Jeremias at sa apo ni Habasinias.
\p
\v 4 Dinala ko sila sa templo at pumasok kami sa silid kung saan natutulog ang mga anak na lalaki ni Igdalias na anak ni Heman na isang propeta. Ang silid na ito ay karatig na silid na ginamit ng mga kalalakihan na namamahala sa pasukan ng templo. Nasa itaas ito ng silid na pag-aari ni Maaseias na tagabantay ng tarangkahan at ang lalaking anak ni Sallum.
\s5
\q
\v 5 Naghanda ako ng mga galong may alak at ilang mga kopa sa harapan nila at hinikayat sila upang uminom ng kaunti,
\q
\v 6 ngunit tumanggi sila. Sinabi nila, "Hindi kami iinom ng alak, dahil inutusan kami ng aming ninuno na si Jonadab na anak ni Recab, na nagsasabi, 'Kayo at ang inyong mga kaapu-apuhan na huwag dapat iinom ng alak.
\p
\v 7 At dapat huwag kayong magtayo ng mga bahay o magtanim ng mga ubasan o iba pang mga pananim. Sa halip, dapat manirahan kayo sa mga tolda. Kung susundin ninyo ang mga utos na iyon, mabubuhay kayong lahat ng maraming taon sa lupaing ito.'
\s5
\q
\v 8 Kaya sinunod namin siya sa lahat ng mga bagay. Hindi kami uminom ng alak kailanman. Hindi rin kailamnan iinom ng alak ng aming asawang babae, sa aming mga anak na lalaki at babae.
\p
\v 9 Hindi kami magtatayo ng mga bahay, magtatanim ng mga ubasan o iba pang mga pananim o magtratrabaho sa mga bukirin.
\p
\v 10 Maninirahan kami sa mga tolda. Sinunod namin ang lahat ng mga utos na ibinigay sa amin ng aming ninuno na si Jonadab.
\q
\v 11 Ngunit nang nilusob ng hukbo ni Haring Nebucadnezar ang bansang ito, sinabi namin, 'Dapat tayong pumunta sa Jerusalem upang makatakas sa mga hukbo ng Babilonia at Aram.' Kaya, pumunta tayo sa Jerusalem at iwanan natin ito."
\s5
\q
\v 12 At ibinigay ni Yahweh ang mensaheng ito sa akin. Sinabi ito ni Yahweh na pinuno ng mga hukbo ng anghel ang Diyos na sinasamba ng Israel:
\q
\v 13 'Pumunta ka at sabihin ito sa mga tao at sa ibang mga lugar ng Juda: "Bakit hindi kayo nakinig sa akin o pag-aralan ang kung paano ako susundin?
\q
\v 14 Nanatiling hindi umiinom ng alakang ang angkan ni Recab, dahil sinabihan sila ng kanilang ninuno na si Jonadab na huwag gagawin iyon. Sa katunayan, nagsalita ako ng maraming beses, ngunit hindi ninyo ako pinansin at tumangging sumunod sa akin.
\s5
\q
\v 15 Maraming beses na akong nagpadala sa inyo ng mga propeta. Sinabi nila sa inyo, 'Tumalikod kayo sa inyong mga masamang pag-uugali at gawin ang mga bagay na dapat ninyong gawin. Tumigil sa pagsamba sa ibang mga diyos, upang mamuhay kayo ng payapa sa lupaing ito na ibinigay ko sa inyo at sa inyong mga ninuno.' Ngunit hindi ninyo binigyan ng pansin sa aking sinabi o sinunod ako.
\p
\v 16 Sinunod ng mga kaapu-apuhan ni Jonadab ang kanilang ninuno, ngunit hindi ninyo binigyan ng pansin ang sinabi ko sa inyo.
\s5
\q
\v 17 Kaya nga, ito ang aking sinasabi, ako na si Yahweh, ang Diyos na pinuno ng mga hukbo ng anghel, 'Ang Diyos na sinasamba ng mga Israelita: 'Tumanggi kayong makinig sa akin at hindi sumagot nang tumawag ako sa inyo. Kaya nga, ipaparanas ko sa mga tao sa Jerusalem ang lahat ng mga sakuna na sinabi ko na mangyayari."""
\s5
\q
\v 18 Pagkatapos, bumalik si Jeremias sa angkan ni Recab at sinabi, "Sinasabi ito ni Yahweh, ang pinuno ng mga hukbo ng anghel, ang Diyos na sinasamba ng mga Israel: 'Sinunod ninyo ang sinabi ng inyong ninuno na si Jonadab. Sinunod ninyo ang lahat ng mga tagubilin.
\q
\v 19 Kaya nga, ito ang sinasabi ni Yahweh: "Mayroon laging maglilingkod sa akin sa mga kaapu-apuhan ni Jonadab."""
\s5
\c 36
\p
\v 1 Nang si Jehoiakim na anak ni Josias ang naging hari ng Juda sa halos apat na taon, ibinigay ni Yahweh sa akin ang mensaheng ito:
\p
\v 2 "Kumuha ka ng isang balumbon at isulat dito ang mga mensahe na aking ibinigay sa iyo patungkol sa Israel, sa Juda at iba pang mga bansa. Isulat mo ang lahat ng mga mensahe mula sa panahon na ibinigay ko sa iyo ang unang mensahe, nang si Josias pa ang hari, hanggang ngayon.
\q
\v 3 Nang marinig muli ng mga tao ng Juda ang tungkol sa lahat ng mga sakuna na binabalak kong mangyaring maranasan nila, marahil magsisisi ang bawat isa sa kanila. Kung gagawin nila iyon, maaari ko silang patawarin sa mga maling bagay na kanilang ginawa."
\s5
\q
\v 4 Kaya ipinatawag ni Jeremias si Baruc na anak ni Nereias. Pagkatapos, isinalaysay ni Jeremias sa kaniya ang lahat ng mga mensahe na sinabi sa kaniya ni Yahweh, isinulat niya ang mga ito sa isang balumbon.
\p
\v 5 At sinabi ni Jeremias sa kaniya, "Hindi ako pinahintulutang umalis dito at pumunta sa templo.
\q
\v 6 Kaya, ikaw ang pumunta sa templo sa susunod na araw kapag mag-aayuno ang mga tao at babasahin sa kanila ang mga mensahe ni Yahweh na iyong isinulat habang isinasalaysay ko ang mga ito sa iyo. Basahin ang mga ito ng malakas sa mga taong naroon, kasama ang mga tao sa Juda na pupunta roon mula sa kanilang mga lungsod.
\s5
\q
\v 7 Marahil tatalikod sila mula sa kanilang masamang pag-uugali at hihilingin kay Yahweh na kahabagan sila. Kailangan nilang gagawin iyon, dahil labis ang galit ni Yahweh sa kanila at binantaan na parusahan sila ng lubha."
\p
\v 8 Ginawa ni Baruc ang sinabi ni Jeremias na gawin niya. Pumunta siya sa templo at binasa sa mga tao ang lahat ng mga mensaheng iyon mula kay Yahweh.
\s5
\p
\v 9 Ginawa niya ito sa ika-siyam na buwan, sa isang araw na ipinahayag ng mga pinuno na dapat mag ayuno ang lahat ng mga tao sa Jerusalem at mga tao na pumunta roon mula sa ibang mga bayan upang malugod si Yahweh. Nangyari ito nang si Jehoiakim ang naghari ng halos limang taon.
\p
\v 10 Binasa ni Baruc ang mga mensaheng kaniyang isinulat sa kasulatang binalumbon sa lahat ng mga tao. Binasa niya ang mga ito habang siya ay nasa templo, sa silid kung saan namalagi si Gemarias. Siya ang anak na lalaki ni Safan, na dating kalihim ng hari. Malapit ang silid na iyon sa patyo sa itaas ng templo, malapit sa pasukan ng templo na tinatawag na ang Bagong Tarangkahan.
\s5
\p
\v 11 Nang marinig ni Micaias na anak na lalaki ni Gemarias at apo ni Safan ang mga mensaheng ito mula kay Yahweh,
\p
\v 12 bumaba siya sa silid ng kalihim ng palasyo, kung saan nagpupulong ang lahat ng mga opisyal ng hari. Naroon si Elisama na kalihim ng hari. Si Delaias na anak na lalaki ni Semanias, si Elnatan na anak na lalaki ni Acbor, si Gemarias, si Sedekias na anak na lalaki ni Hananias at lahat ng iba pang mga opisyal ng hari ay nandoon din.
\s5
\p
\v 13 Nang sabihin ni Micaias ang tungkol sa mga mensahe na binasa ni Baruc sa mga tao,
\p
\v 14 pinapunta ng mga opisyal si Jehudi na anak ni Netanias at apo ni Selamias at apo sa tuhod ni Cusi, upang sabihin kay Baruc na pumunta at basahin din ang mga mensahe sa kanila. Kaya kinuha ni Baruc ang kasulatang binalumbon at pumunta sa kanila.
\p
\v 15 Sinabi nila sa kaniya, "Paki-usap maupo ka at basahin mo ito sa amin." Kaya ginawa ni Baruc ang kanilang hiniling.
\s5
\q
\v 16 Pagkatapos nilang marinig ang lahat ng mga mensahe, natakot sila. Nagtinginan sila sa isa't isa at pagkatapos sinabi nila, "Kailangan nating sabihin ang mga mensaheng ito sa hari!"
\p
\v 17 At tinanong nila si Baruc, "Paano mo nakuha itong kasulatang binalumbon? Isinalaysay ba ni Jeremias sa iyo ang lahat ng mga mensaheng ito na nasa kasulatang binalumbon?"
\p
\v 18 Sumagot si Baruc, "Oo, isinalaysay ni Jeremias ang mga ito sa akin, at isinulat ko ang mga ito gamit ang tinta sa kasulatang binalumbon."
\q
\v 19 At sinabi ng mga opisyal kay Baruc, "Ikaw at si Jeremias ay kailangang magtago. Huwag ninyong sasabihin sa kaninuman kong nasaan kayo!"
\s5
\p
\v 20 Inilagay nila ang kasulatang binalumbon sa silid ni Elisama na kalihim ng hari. At pumunta sila sa hari, na naroon sa patyo at ibinalita sa kaniya ang lahat ng binasa ni Baruc sa kanila.
\q
\v 21 At ipinadala ng hari si Jehudi upang kunin ang kasulatang binalumbon. Dinala ni Jehudi ito mula sa silid ni Elisama at binasa ito sa hari, habang nakatayo ang lahat mga opisyal ng hari roon.
\p
\v 22 Taglamig ang panahon na iyon at nasa isang bahagi ng palasyo ang hari kung saan siya namamalagi tuwing malamig. Nakaupo siya sa harap ng apoy upang siya ay mainitan.
\s5
\p
\v 23 Sa bawat pagkakataong matapos basahin ni Jehudi ang tatlo o apat na mga hanay, pinuputol ng hari ang bahaging iyon ng kasulatang binalumbon gamit ang kutsilyo at itinatapon sa apoy. Ginawa niya iyon ng baha-bahagi, hanggang masunog ang buong kasulatang binalumbon.
\p
\v 24 Maging ang hari man ni ang kaniyang mga opisyal ay nagpakita ng takot na baka parurusahan sila ng Diyos. Hindi nila pinunit ang kanilang mga kasuotan upang ipakita na nagsisisi sila sa kanilang nagawa.
\s5
\p
\v 25 Nagsusumamo si Elnatan, si Delaias at si Gemarias sa hari na huwag sunugin ang kasulatang binalumbon, ngunit hindi niya ito binigyan ng anumang pansin.
\p
\v 26 At inutusan ng hari ang kaniyang anak na si Jerameel, si Seraias na anak ni Azriel at Selemias na anak na lalaki ni Abdeel na hulihin si Baruc at ako. Ngunit hindi nila nagawa iyon sapagkat itinago kami ni Yahweh.
\s5
\p
\v 27 Pagkatapos sunugin ng hari ang kasulatang binalumbon kung saan naisulat ang mga mensaheng aking isinalaysay kay Baruc, sinabi ni Yahweh sa akin ito,
\p
\v 28 "Kumuha ka ng ibang balumbon at sabihin kay Baruc na isulat muli ang lahat, katulad ng mga mensaheng kaniyang isinulat sa kasulatang binalumbon na sinunog ni Haring Jehoiakim.
\p
\v 29 Pagkatapos, pumunta ka sa hari at sabihin sa kaniya, 'sinasabi ito ni Yahweh, Sinunog mo ang kasulatang binalumbon sapagkat hindi mo nagustuhan ang nakasulat doon na tiyak na darating ang hari ng Babilonia kasama ang kaniyang mga hukbo at wawasakin ang lupaing ito at paaalisin ang lahat ng mga tao at ang mga hayop.
\s5
\q
\v 30 Ngayon ito ang nais kong sabihin tungkol sa iyo Jehoiakim, ako si Yahweh, Wala sa iyong mga kaapu-apuhan ang mamumuno sa kahariang ito. Itatapon ang iyong bangkay sa lupa at hindi ililibing, nasa ilalim ito sa init ng araw tuwing umaga at hahampasin ng hamog na nagyeyelo tuwing gabi.
\p
\v 31 Parurusahan kita ang iyong pamilya at iyong mga opisyal para sa kanilang mga kasalanan. Ipaparanas ko sa mga tao sa Jerusalem at mga tao sa ibang mga bayan ng Juda ang lahat ng mga sakuna na aking ipinangako, sapagkat lahat kayo ay hindi nakikinig sa aking sinasabi!" ' "
\s5
\p
\v 32 Kaya kumuha ng isa pang balumbon si Jeremias at muli niyang isinalaysay ang mga mensahe kay Baruc. Isinulat niya ang lahat nang naisulat sa ibang kasulatang binalumbon na sinunog sa apoy ni Haring Jehoiakim. Ngunit sa pagkakataong ito, dinagdagan ng marami ni Jeremias ang mga mensahe.
\s5
\c 37
\p
\v 1 Pagkatapos mamatay ni Jehoiakim, si Jehoiakin na kaniyang anak na lalaki ang naging hari sa loob lamang ng tatlong buwan, pagkatapos si Haring Josias na anak na lalaki ni Zedekias ang naging hari sa Juda. Itinalaga siya na maging bagong hari ni haring Nebucadnezar ng Babilonia.
\p
\v 2 Ngunit hindi binigyang pansin ni Haring Zedekias at ang mga opisyal ng kaniyang palasyo at iba pang mga tao sa lupain ang mga mensahe ni Yahweh na ibinigay sa akin.
\s5
\q
\v 3 Gayunpaman, isang araw ay ipinadala sa akin ni Haring Zedekias si Jehucal na anak na lalaki ni Selemias at ang paring si Zefanias na anak lalaki ni Maasias. Hiniling nila akong manalangin kay Yahweh na ating Diyos para sa ating bansa.
\q
\v 4 Sa panahon na iyon hindi pa nakabilanggo si Jeremias, upang makapunta siya at makalapit saanman at kailanman niya naising gawin nang hindi hinahadlangan.
\p
\v 5 Sa panahong iyon dumating sa katimugang hangganan ng Juda ang hukbo ni Hofra, ang hari ng Egipto. Nang marinig ng hukbo ng Babilonia ang tungkol doon, huminto silasa pagpapalibot sa Jerusalem at umalis doon upang makipalaban sa hukbo na mula sa Egipto.
\s5
\q
\v 6 At binigay ni Yahweh ang mensaheng ito sa akin,
\q
\v 7 "Akong si Yahweh na Diyos ng Israel ang nagsa sabi nito, nagpadala ang hari ng Juda ng mga mensahero sa iyo upang tanungin ako kung ano ang mangyayari. Sabihin ninyo sa hari na kahit darating ang hukbo ng hari ng Egipto upang tulungan siya, ngunit pabalik na sila sa Egipto.
\q
\v 8 At babalik dito ang hukbo ng Babilonia, bibihagin ang lungsod na ito at susunugin ang lahat ng narito.
\s5
\q
\v 9 Kaya, ito ang nais sabihin ni Jeremias sa inyong mga Israelita, 'Hindi ninyo dapat linlangin ang inyong mga sarili, sa pag-iisip na umalis na ang mga hukbo mula sa Babilonia at hindi na babalik. Hindi iyan totoo.
\p
\v 10 At kahit na mawasak ng inyong mga kawal ang halos lahat ng mga kawal mula sa Babilonia na lulusob sa inyo at hahayaan na ang mga sugatan na lamang ang mananatiling buhay sa kanilang mga tolda, ang mga kalalakihang iyon ay lalabas mula sa kanilang tolda at lubusang susunugin ang lungsod na ito."
\s5
\q
\v 11 Nang iniwan ng hukbo mula sa Babilonia ang Jerusalem dahil paparating na ang hukbo mula Egipto.
\p
\v 12 Sinimulang iwan ni Jeremias ang lungsod. Sinadya niyang pumunta sa lugar kung saan naninirahan ang mga kaapu-apuhan ni Benjamin, upang kunin ang ari-arian na bahagi na pag-aari mula sa kaniyang pamilya.
\q
\v 13 Ngunit habang naglalakad siya papalapit sa tarangkahan ng Benjamin, sinunggaban ng kapitan ng bantay si Jeremias at sinabi, "Iniwanan mo kami upang kumampi sa mga kawal mula sa Babilonia!" Ang lalaking sumunggab sa kaniya ay si Irijas na anak na lalaki ni Selemias at apo ni Hananias.
\s5
\q
\v 14 Ngunit tumutol si Jeremias at sinabi, "Hindi iyan totoo! Hindi ko sinasadyang gawin iyon!" Ngunit hindi binigyang pansin ni Irijas ang sinabi ni Jeremias. Dinala niya si Jeremias sa mga opisyal ng hari.
\q
\v 15 Labis silang nagalit sa kaniya. Inutusan nila ang mga bantay na bugbugin si Jeremias at pagkatapos ilagay siya sa tahanan kung saan nanatili si Jonathan na kalihim ng hari. Binago nila ang tahanan ni Jonatan upang ito ay maging isang bilangguan.
\s5
\q
\v 16 Inilagay nila si Jeremias sa isang bilangguang nasa ilalim ng lupa at nanatili siya roon ng maraming araw.
\p
\v 17 At palihim na nagpadala ng isang lingkod si Haring Zedekias sa kaniya, na nagdala kay Jeremias sa palasyo. Doon ay tinanong siya ng hari, "Mayroon ka bang anumang mga mensahe galing kay Yahweh?" sumagot si Jeremias, "Oo, ang mensahe ay maipapasakamay ka ng hari ng Babilonia."
\s5
\p
\v 18 At tinanong ni Jeremias ang hari, anong kasalanan ang aking nagawa laban sa iyo o laban sa iyong mga opisyal o laban sa mga Israelita na humantong upang iutos mo na mailagay ako sa isang bilangguan?
\q
\v 19 Hinulaan ng iyong mga propeta na hindi lulusob sa inyo ang hukbo ng Babilonia o sa lupaing ito. Bakit hindi natupad ang kanilang mga mensahe?
\q
\v 20 Aking kamahalan, nagsusumamo ako sa iyo na makinig ka sa akin. Huwag mo akong ibalik sa bilangguang nasa ilalim ng lupa sa tahanan ni Jonatan na iyong kalihim, dahil kung gagawin mo iyon, mamamatay ako roon."
\s5
\q
\v 21 Kaya iniutos ni Haring Zedekias na hindi na ibabalik si Jeremias sa selda ng bilangguan. Sa halip, pinahintulutan siyang bantayan ng mga bantay sa patyo ng palasyo. Iniutos din ng hari na dapat siyang dalhan ng sariwang tinapay sa araw-araw, hanggang wala nang matirang tinapay sa lungsod. Kaya dinala nila si Jeremias sa patyo at nanatili siya roon.
\s5
\c 38
\p
\v 1 Narinig ng apat na opisyal na sina Sefatias na anak ni Matan, ni Gedalias na anak si Pashur, ni Jucal na anak ni Selemias, at ni Pashur na anak ni Malquias ang sinasabi ni Jeremias sa lahat ng mga tao.
\q
\v 2 Sinabi niya sa kanila ang sinasabi ni Yahweh, "Mamamatay ang bawat isang mananatili sa Jerusalem. Papapatayin sila ng kanilang mga kaaway' sa pamamagitan ng mga espada o mula sa taggutom o mula sa mga sakit. Ngunit ang mga susuko sa hukbo ng Babilonia ay mananatiling buhay. Makakatakas sila; hindi sila mapapatay.
\q
\v 3 Sinasabi rin ni Yahweh na tiyak na sasakupin ang lungsod na ito ng hukbo ng hari ng Babilonia."
\s5
\q
\v 4 Kaya pumunta ang mga opisyal sa hari at sinabi, "Kinakailangang patayin ang taong ito na si Jeremias! Dahil sa kaniyang sinasabi, pinahihina niya ang loob ng ating mga kawal na nananatili sa lungsod. Pinahihina rin niya ang loob ng mga tao. Wala siyang sinasabing mga bagay na makakatulong sa atin; sinasabi niya ang mga bagay na tatalo sa atin."
\q
\v 5 Sinabi ni haring Zedekias, "Kung gayon, gawin ninyo sa kaniya kung ano ang nais ninyo; wala akong kapangyarihan upang pigilan kayo."
\s5
\q
\v 6 Kaya kinuha ng mga opisyal si Jeremias mula sa kaniyang selda at ibinaba siya sa pamamagitan ng lubid sa balon na nasa patyo. Na pag-aari ni Malquias na anak ng hari ang balon. Walang tubig sa balon, ngunit maraming putik, kaya lumubog siya sa ilalim ng putik.
\s5
\q
\v 7 Ngunit si Ebed-melec, isang opisyal ng palasyo na taga Etiopia, narinig ang isang taong nagsasabing nasa balon si Jeremias. Sa panahong iyon, nagpapasya ang hari sa mga kaso ng mga tao sa Tarangkahan ng Benjamin.
\p
\v 8 Pumunta si Ebed-melec mula sa palasyo at sinabi sa hari,
\q
\v 9 "Kamahalan, gumawa ng napakasamang bagay ang mga kalalakihang iyon. Inilagay nila si propeta Jeremias sa balon. Halos ubos na ang lahat ng pagkain sa lungsod, kaya walang sinuman ang may kakayahang makakapagdala sa kaniya ng anumang pagkain, ang kahihinatnan mamamatay siya roon sa gutom!"
\s5
\q
\v 10 Kaya sinabi ng hari kay Ebed-melec, "Kumuha ka ng makakasamang tatlumpung mga kalalakihan ko, at hilahin ninyo palabas sa balon si Jeremias, upang hindi siya mamatay!"
\q
\v 11 Kaya pinangungunahan ni Ebed- melec ang tatlumpung mga kalalakihang iyon; pumunta sila sa isang silid sa ibaba ng palasyo kung saan iniimbak ng mga tao ang mga bagay. Doon ay nakahanap sila ng ilang lumang mga basahan at lumang mga kasuotan. Kinuha nila ang mga bagay na iyon at pumunta sa balon. Ikinabit nila ang mga ito sa isang lubid at ibinaba ang lubid sa akin.
\s5
\p
\v 12 At tinawag ako ni Ebed-melec, "Ilagay mo ang mga lumang damit sa ilalim ng iyong kili-kili, upang hindi ka masugatan ng mga lubid!" Kaya ginawa iyon ni Jeremias.
\q
\v 13 At hinila nila siya palabas sa balon. Kaya nanatili siya sa patyo kung saan naroon ang tagapagbantay ng palasyo.
\s5
\q
\v 14 Isang araw, ipinatawag ni Haring Zedekias si Jeremias, at dinala siya sa hari na naghihintay sa kaniya sa pasukan ng templo. Sinabi niya kay Jeremias, "Nais kong magtanong sa iyo ng isang bagay. At nais kong sagutin mo ako ng may katotohanan at huwag maglihim ng anumang bagay."
\q
\v 15 At sumagot si Jeremias, "Kung sasabihin ko sa iyo ang katotohanan, ipag-uutos mo na patayin ako. At kung magbibigay ako sa iyo ng mabuting payo, hindi mo bibigyang pansin kung ano ang aking sasabihin."
\q
\v 16 Ngunit palihim na nangako si Zedekias sa kaniya, "Sabihin mo sa akin ang katotohanan! At yamang tunay na buhay si Yahweh, hindi kita ipapapatay, at hindi kita ibibigay sa mga kamay ng mga nagnanais na patayin ka."
\s5
\q
\v 17 Kaya sinabi ni Jeremias kay Zedekias, "Ito ang sinabi ni Yahweh, ang Pinuno ng hukbo ng mga anghel, ang Diyos na sinasamba ng Israel, ay nagsasabing: "Kung susuko ka sa mga opisyal ng hari ng Babilonia, ikaw at ang iyong pamilya ay hindi mapapahamak, at hindi masusunog ang lungsod na ito.
\q
\v 18 Ngunit kung tatanggi kang sumuko sa kanila, hindi kayo makakatakas. At mabibihag ng hukbo ng Babilonia ang lungsod na ito at ganap na susunugin.' "
\s5
\q
\v 19 Sumagot ang hari, "Ngunit takot akong sumuko sa mga kawal na mula sa Babilonia, dahil maaaring ibigay ako ng kanilang mga opisyal sa mga kamay ng mga tao ng Juda na sumama na sa mga kawal mula sa Babilonia, at aabusuhin ako ng mga taong mula sa Juda."
\s5
\q
\v 20 Sumagot si Jeremias, "Kung susunod ka kay Yahweh sa pamamagitan ng paggawa sa sinasabi ko sa iyo na gagawin mo, hindi ka nila ilalagay sa mga kamay ng ating mga tao. Magiging maayos ang lahat ng bagay sa iyo, at mananatili kang buhay.
\p
\v 21 Ngunit kung tatanggi kang sumuko, ito ang ipinahayag sa akin ni Yahweh:
\s5
\q
\v 22 Lahat ng mga babaing maiiwan sa iyong palasyo ay dadalhin palabas at ibibigay sa mga opisyal ng hari ng Babilonia. At sasabihin ng mga babaeng iyon sa iyo: 'May mga kaibigan kang iniisip mong mapagkatiwalaan mo, ngunit nilinlang ka nila upang makagawa ka ng maling pagpapasiya. Ngunit ngayon ay para kang nakadikit sa putik, at iniwanan ka ng iyong mga kaibigan.'
\q
\v 23 Lahat ng iyong mga asawa at mga anak sa lungsod ay pangungunahan palabas ng mga kawal mula sa Babilonia, at ikaw rin ay hindi makakatakas. Susunggaban ka ng mga kawal ng hari ng Babilonia, at susunugin nila ang lungsod na ito."
\s5
\p
\v 24 At sinabi ni Zedekias kay Jeremias, "Huwag mong sabihin kaninuman kung ano ang sinabi mo sa akin; kung sasabihin mo kaninuman, maaaring patayin ka ng mga opisyal ng hari.
\q
\v 25 Kung malalaman ng aking mga opisyal na nakipag-usap ako sa iyo, maaaring pumunta sila sa iyo at sabihing, "Sabihin mo sa amin kung ano ang pinag-usapan ninyo ng hari. Kung hindi mo sasabihin sa amin, papatayin ka namin.
\q
\v 26 Kung mangyayari iyon, sabihin mo nalang sa kanila na nakiusap ka sakin na huwag kitang ipadala pabalik sa kulungan sa bahay ni Jonatan, dahil natatakot kang mamatay kung ibabalik kang muli roon."
\s5
\q
\v 27 At iyon ang nangyari. Pumunta kay Jeremias ang mga opisyal ng hari at nagtanong kung bakit siya ipinatawag ng hari. Ngunit sinabi niya kung ano ang sinabi ng hari na sasabihin niya sa kanila. Kaya hindi na sila nagtanong nang iba pang mga katanungan kay Jeremias, dahil walang sinumang nakarinig sa sinabi nila sa isa't isa.
\q
\v 28 Kaya nanatili si Jeremias na binabantayan sa patyo ng palasyo, hanggang sa araw na nasakop ng hukbo ng Babilonia ang Jerusalem.
\s5
\c 39
\p
\v 1 Pagkatapos maghari ni Zedekias sa Juda ng halos siyam na taon, dumating si Haring Nebucadnezar sa ika-sampung buwan ng taon kasama ang kaniyang hukbo, at pinalibutan nila ang Jerusalem.
\p
\v 2 Makalipas ang isa't kalahating taon, pagkatapos mamuno ni Zedekias ng halos labing isang taon, sa ika-labing isang taon at pang-apat na buwan, sinira ng mga kawal mula sa Babilonia ang pader ng lungsod. At madali silang nakapasok at sinakop ang lungsod.
\q
\v 3 Pagkatapos pumunta ang lahat ng mga opisyal ng hari ng Babilonia at umupo sa Gitna ng Tarangkahan upang magpasya kung ano ang gagawin nila sa lungsod. Isinama nila sina Nergal-sarezer, Samgar-nebo, Sarsequim na isa sa pinunong opisyal na tagapamahala, Nergal-sarezer, ang tagapayo ng hari, at marami pang ibang mga opisyal.
\s5
\q
\v 4 Nang malaman ni Haring Zedekias at ng lahat ng kaniyang mga kawal na nakapasok na ang hukbo ng Babilonia sa lungsod, tumakas sila. Naghintay sila hanggang sa magdilim. At lumabas sila sa lungsod sa pamamagitan ng hardin ng hari, sa tarangkahan sa pagitan ng dalawang pader. At nagsimula silang tumakbo patungo sa kapatagan sa tabi ng Jordan.
\q
\v 5 Ngunit hinabol ng mga kawal mula sa Babilonia ang hari, at nahuli nila siya sa mga kapatagan malapit sa Jerico. Dinala nila siya sa hari ng Babilonia, na nasa Ribla sa Hamat. Doon sinabi ni Nebucadnezar sa kaniyang mga kawal ang kanilang dapat gawin upang parusahan si Zedekias.
\s5
\p
\v 6 Pinilit nila si Zedekias na panoorin habang pinapatay nila ang kaniyang mga anak na lalaki at ang lahat ng mga opisyal na galing sa Juda.
\q
\v 7 At dinukot nila ang mga mata ni Zedekias. At tinalian siya ng mga tansong kadena at dinala siya sa Babilonia.
\s5
\p
\v 8 Samantala, sinunog ng hukbo ng Babilonia ang palasyo at ang lahat ng mga gusali sa Jerusalem. At giniba nila ang mga pader ng lungsod.
\q
\v 9 At si Nebuzaradan, ang kapitan ng mga tagapagbantay ng hari ay pinilit na pumunta sa Babilonia ang karamihan sa ibang mga tao na nananatili sa lungsod at ang mga Judio na sumama sa mga kawal ng Babilonia.
\q
\v 10 Ngunit pinayagan niya ang ilan sa mga pinakamahihirap na mga taong mananatili sa Juda, at binigyan niya sila ng mga ubasan at mga bukiring kanilang pangalagaan.
\s5
\q
\v 11 Noon pa man ay sinabi ni Haring Nebucadnezar sa kapitan ng tagapagbantay, na si Nebuzaradan na hanapin si Jeremias. Sinabi niya,
\q
\v 12 "Tiyakin mo na walang sinuman ang mananakit sa kaniya. alagaan mo siya, at gawin mo sa kaniya ang anumang hihilingin niyang gawin mo."
\q
\v 13 Kaya siya at si Nebuzazban, na isa sa pinuno ng kanilang mga opisyal, at si Nergal-sarezer na tagapayo ng hari, at iba pang mga opisyal ng hari ng Babilonia
\q
\v 14 nagpadala ng ibang mga kalalakihan upang dalhin si Jeremias palabas sa patyo sa labas ng palasyo. Dinala nila siya kay Gedalias na anak ni Ahikam na apo ni Sapan. At dinala ni Gedalias si Jeremias sa kaniyang tahanan, at nanatili siya sa Juda kasam ang kaniyang sariling mga tao na pinayagang manatili roon.
\s5
\q
\v 15 Ngunit habang binabantayan parin si Jeremias sa patyo ng palasyo, ibinigay ni Yahweh sa kaniya ang mensaheng ito:
\q
\v 16 "Sabihin mo ito kay Ebed-melec, ang opisyal mula sa Etiopia: 'Ito ang sinabi ni Yahweh, ang Pinuno ng hukbo ng mga anghel, ang Diyos na sinasamba ng Israel ay nagsasabing: Gagawin ko sa lungsod na ito ang lahat ng bagay na aking sinabing gagawin. Hindi ko bibigyan ng kakayanan ang mga tao upang sumagana; Ipaparanas ko sa kanila ang mga sakuna. Makikita mo habang winawasak ang Jerusalem,
\s5
\q
\v 17 ngunit ililigtas kita mula sa mga taong kinatatakutan mo. Ako si Yahweh, ito ang ipinangako ko sa iyo!
\q
\v 18 Nagtiwala ka sa akin, kaya ililigtas kita. Hindi ka mapapatay ng mga espada ng ating mga kaaway; mananatili kang buhay. Tiyak na mangyayari iyon dahil ako si Yahweh, ang nagsabi nito."'
\s5
\c 40
\p
\v 1 Binihag ng mga kawal ng Babilonia si Jeremias at marami pang mga tao mula sa Jerusalem at sa ibang mga lugar sa Juda. Binalak nilang dalhin sila sa Babilonia. Kaya kinabitan nila ng mga kadena paikot sa kanilang mga kamay at dinala sila sa Rama, isang bayan sa hilaga ng Jerusalem. Habang naroon sila, pinalaya si Jeremias. Ito ang nangyari:
\q
\v 2 Nang makita ni Nebuzaradan, na kapitan ng mga tagapagbantay ng hari na naroon si Jeremias. Pinatawag niya si Jeremias at sinabi sa kaniya, "Sinabi ni Yahweh na iyong Diyos na makakaranas ang lupaing ito ng isang sakuna.
\s5
\p
\v 3 At ngayon nangyari na ito. Ginawa niya kung ano ang sinabi niya na gagawin niya, dahil nagkasala kayong mga tao laban kay Yahweh at tumangging sumunod sa kaniya.
\q
\v 4 Ngunit tatanggalin ko ngayon ang mga kadena mula sa iyong mga kamay at palalayain ka. Kung nais mong sumama sa akin tungo sa Babilonia, iyan ay mabuti. Pangangalagaan kita. Ngunit kung hindi ka sasama sa akin, huwag kang sumama. Manatili ka rito. Tingnan mo, nakahanda ang buong bayan; maaari kang mamili kung saan mo nais na pumunta. Maaari kang pumunta saanmang iniisip mong pinakamainam." At tinanggal niya ang mga kadena mula sa mga kamay ni Jeremias.
\s5
\q
\v 5 Sinabi niya, "Kung magpapasya kang manatili rito, pumunta ka kay Gedalias. Itinalaga siya ng hari ng Babilonia upang maging gobernador ng Juda. Pahihintulutan kang manatili rito kasama ang mga tao na pinamamahalaan niya. Ngunit magagawa mo ang anumang nais mong gawin." At binigyan ako ni Nebuzaradan ng kaunting pagkain at ilang pera, at pinahintulutan akong umalis.
\p
\v 6 Bumalik ako kay Gedalias sa Mizpa, at nanatili ako sa Juda kasama ang mga taong nananatili parin sa lupain.
\s5
\q
\v 7 Ang mga hindi sumukong mga kawal ng Israel sa hukbo ng Babilonia ay gumagala sa paligid ng kabukiran. At narinig ng kanilang mga pinunong may isang nagsabing itinalaga ng hari ng Babilonia si Gedalias na naging gobernador ng mga pinakamahihirap na mga taong nananatili pa rin sa Juda, na hindi pa dinala sa Babilonia.
\q
\v 8 Kaya pumunta sila upang kausapin si Gedalias sa Mizpa. Kasama sa mga pumunta si Ismael na anak ni Netanias, si Johanan at Jonatan na mga anak ni Karea, Seraias na anak na lalaki ni Tanhumet, mga anak na lalaki ni Efai mula sa Metofat, at si Jezanias na mula sa Maaca, at ang mga kawal na kasama nila.
\s5
\p
\v 9 Mataimtin na ipinangako ni Gedalias na hindi sila sasaktan ng mga kawal ng Babilonia. Sinabi niya, "Huwag kayong matakot na gumawa ng mga bagay para sa kanila. Manatili kayo sa lupaing ito at gumawa ng mga bagay para sa hari ng Babilonia. Kung gagawin ninyo iyon, magiging mabuti ang mga bagay sa inyo.
\q
\v 10 Para sa akin, mananatili ako rito sa Mizpa upang maging iyong kinatawan sa mga opisyal mula sa Babilonia na darating upang makipag-usap sa atin. Ngunit kinakailangang bumalik kayo sa inyong mga bayan, at kainin ang mga bagay na ibinunga ng inyong lupain. Anihin ang mga ubas at ang bungang nahinog sa tag-araw at ang mga olibo, gumawa ng alak at langis ng olibo, at iimbak ito."
\s5
\q
\v 11 At ang mga Judio na tumakas sa Moab, sa Ammon, sa Edom, at narinig ng mga tao sa ibang kalapit na mga bayan na nagsasabing pinahihintulutan ng hari ng Babilonia na manatili ang ilang tao sa Juda, at itinalaga niya si Gedalias na maging gobernador nila.
\q
\v 12 Kaya nagsimula silang bumalik sa Juda. Tumigil sila sa Mizpa upang makipag-usap kay Gedalias. At pumunta sila sa iba' t ibang mga lugar sa Juda, at umani sila ng maraming mga ubas at bunga sa tag-araw.
\s5
\q
\v 13 Ilang panahon ang lumipas, si Johanan at lahat ng mga pinuno ng mga Israelitang kawal na hindi sumuko sa hukbo ng Babilonia ay pumunta kay Gedalias sa Mizpa.
\q
\v 14 Sinabi nila sa kaniya, "Alam mo ba na ipinadala ni Baalis na hari ng mga tao sa Amon si Ismael na anak ni Netanias upang patayin ka?" Ngunit hindi naniwala si Gedalias sa sinabi nila.
\s5
\q
\v 15 Mayamaya lihim na kinausap ni Johanan si Gedalias. Sinabi niya, "Pahintulutan mo akong pumunta at palihim na patayin si Ismael. Hindi mabuti na pahihintulutan siyang pumunta rito upang patayin ka! Kung mapatay ka, ano ang mangyayari sa mga Judio na bumalik sa lugar na ito? Magkawatak-watak sila, at ang ibang mga tao na nananatili sa Juda ay mamamatay lahat!"
\p
\v 16 Ngunit sinabi ni Gedalias kay Johanan, "Hindi, hindi kita papayagang gawin iyon. Sa aking palagay ay nagsisinungaling ka tungkol kay Ismael."
\s5
\c 41
\p
\v 1 Si Ismael na anak na lalaki ni Netanias ay isang miyembro sa pamilya ng hari. Isa siya sa mga mahahalagang opisyal ni Haring Zedekias. Sa ikapitong buwan ng taong iyon, pumunta siya sa Mizpa kasama ang iba pang sampung kalalakihan upang makipag-usap kay Gedalias. Habang sama-sama silang kumakain,
\q
\v 2 lumundag si Ismael at ang iba pang sampung kalalakihan, at pinatay nila sa pamamagitan ng kanilang mga espada si Gedalias—ang taong itinalaga ng hari ng Babilonia na maging kanilang gobernador!
\q
\v 3 Pinatay rin ni Ismael at ng iba pang kalalakihan ang lahat ng mga Judio at ang mga taga-Babilonia na natagpuan ng kaniyang mga kawal na kasama ni Gedalias sa Mizpa.
\s5
\q
\v 4 Kinabukasan, bago pa matagpuan ng sinuman na pinatay si Gedalias,
\q
\v 5 dumating ang walumpung kalalakihang mula sa Shekem, Shilo at Samaria upang sumamba sa templo ni Yahweh sa Mizpa. Inahit nila ang kanilang mga balbas, pinunit ang kanilang mga kasuotan at sinugatan ang kanilang mga sarili upang ipakitang nagdadalamhati sila. At nagdala sila ng mga butil na ihahandog at insenso na susunugin sa altar.
\s5
\q
\v 6 Lumabas ng lungsod si Ismael na anak ni Netanias upang makipagkita sa kanila, na umiiyak habang papunta siya. Nang makarating siya sa kanila, sinabi niya, "Halikayo at tingnan ninyo ang nangyari kay Gedalias!"
\q
\v 7 Ngunit hustong matapos nilang mapasok lahat ang bayan, pinatay ni Ismael at ng kaniyang mga tauhan ang karamihan sa kanila at itinapon ang kanilang mga bangkay sa isang balon.
\s5
\q
\v 8 May sampu lamang sa kanila ang itinira nila. Hindi sila pinatay dahil nangako sila kay Isamel na kung pahihintulutan niya silang manatiling buhay, magbibigay sila ng maraming trigo, sebada, langis ng olibo at pulot-pukyutan na kanilang naitago.
\p
\v 9 Ang balon kung saan itinapon ng mga tauhan ni Ismael ang mga bangkay ng mga kalalakihan na kanilang pinatay ay ang malalim na balong hinukay ng mga tauhan ni Haring Asa upang magkaroon sila ng tubig kapag palilibutan ng mga kawal ni Haring Baasa ng Israel ang lungsod. Pinuno ng mga kalalakihan ni Ismael ang balong iyon ng mga bangkay.
\s5
\q
\v 10 Pagkatapos, binihag ni Ismael at ng kaniyang mga tauhan ang mga babaing anak ng hari at ilan sa ibang mga taong iniwan sa Mizpa ni Nebuzaradan na punong bantay sa Babilonia upang pangalagaan sila ni Gedalias. Kinuha ni Ismael at ng kaniyang mga tauhan ang mga taong iyon at nagsimulang bumalik patungo sa lugar ng mga Ammon.
\s5
\q
\v 11 Ngunit nabalitaan ni Johanan na anak ni Karea at lahat ng ibang mga pinuno ng mga Israelitang kawal na hindi sumuko sa hukbo ng Babilonia, kung ano ang ginawa ni Ismael na anak ni Netanias at ng kaniyang mga tauhan.
\q
\v 12 Kaya agad-agad silang umalis kasama ang lahat ng kanilang mga tauhan upang pigilan sila. Naabutan nila sila sa malaking bukal malapit sa lungsod ng Gibeon.
\s5
\q
\v 13 Nang makita ng lahat ng mga taong binihag ni Ismael at ng kaniyang mga tauhan si Johanan at ang mga kawal na kasama niya, sumigaw sila nang may kagalakan.
\p
\v 14 Kaya nakatakas ang lahat ng mga nabihag sa Mizpa at sinimulan nilang tulungan si Johanan.
\s5
\q
\v 15 Ngunit nakawala at tumakas si Ismael na anak ni Netanias at ang walo sa kaniyang tauhan papunta sa lugar ng Ammon.
\q
\v 16 Pagkatapos, tinipon ni Johanan na anak ni Karea at ng mga kalalakihang kasama niya ang lahat ng mga taong kanilang iniligtas sa Gibeon. Isinama nila ang mga kawal, mga babae, mga bata at ilan sa opisyal ng hari sa palasyo. Sila ang lahat ng mga taong binihag ni Ismael at ng kaniyang mga tauhan pagkatapos nilang patayin si Gedalias.
\s5
\q
\v 17 Dinala nila silang lahat sa nayon ng Gerut-quimam na malapit sa Bethlehem. At naghanda silang lahat upang pumunta sa Egipto.
\q
\v 18 Nag-alala sila tungkol sa maaaring gawin sa kanila ng mga kawal ng Babilonia kapag malaman nilang pinatay ni Ismael si Gedalias, na itinalaga ng hari ng Babilonia upang maging gobernador nila.
\s5
\c 42
\p
\v 1 At lumapit sa akin si Johanan na anak ni Karea at si Azarias na anak ni Hosaias, at lahat ng ibang mga pinuno ng mga kawal ng mga Israelita na hindi pa sumuko sa hukbo ng Babilonia at marami pang ibang mga tao, kasama ang mga mahahalaga at mga hindi mahahalaga.
\q
\v 2 Sinabi nila, "Pakiusap, makinig ka sa aming kahilingan at manalangin ka kay Yahweh na ating Diyos para sa aming lahat. Kahit na dati napakaraming bilang naming mga tao, nakikita mo ngayong kakaunti na lamang kaming mga taong nakaligtas.
\q
\v 3 Ipanalangin mong ipakita sa amin ni Yahweh na ating Diyos ang dapat naming gawin at kung saan kami dapat pumunta."
\s5
\q
\v 4 Sumagot ako, "Sige, ipapanalangin ko kay Yahweh na ating Diyos gaya ng inyong hiniling, at sasabihin ko sa inyo kung ano ang kaniyang sinasabi. Sasabihin ko sa inyo ang lahat."
\q
\v 5 Sumagot sila sa akin, "Alam namin na magiging tapat na saksi laban sa amin si Yahweh na ating Diyos kung tatanggihan naming gawin ang lahat ng sinasabi niyang gawin namin.
\q
\v 6 Hinihiling namin sa iyo na tanungin mo si Yahweh na ating Diyos kung ano ang dapat naming gawin. Kapag sasagot siya, susundin namin siya, kahit nais namin o hindi ang kaniyang sasabihin. Gagawin namin ang mga bagay na iyon dahil alam naming makakabuti para sa amin kung susundin namin siya."
\s5
\p
\v 7 Kaya nanalangin ako kay Yahweh, at pagkalipas ng sampung araw, ibinigay niya sa akin ang kaniyang sagot.
\q
\v 8 Kaya ipinatawag ko si Johanan na anak ni Karea at ang lahat ng ibang mga pinuno at lahat ng mga tao, kasama ang mga mahahalaga at hindi mahahalaga.
\q
\v 9 Sinabi ko sa kanila, "Sinabi ninyo na sabihin ko kay Yahweh na Diyos ng Israel ang inyong mga hinihiling. Ito ang kaniyang isinagot:
\p
\v 10 "Kailangan ninyong manatili dito sa lupaing ito. Kung gagawin ninyo iyan, patatatagin ko ang inyong bansa at hindi magiging mahina. Pagpapalain ko kayo at hindi na muling ipapatapon. Ititigil ko ang mga sakunang ipinaranas ko sa inyo.
\s5
\q
\v 11 Ngunit huwag nang matakot pa sa hari ng Babilonia, dahil makakasama ninyo ako. Ililigtas ko kayo mula sa kaniyang kapangyarihan.
\q1
\v 12 Kahahabagan ko kayo sa pamamagitan ng pagpapakilos ko sa kaniya na maging mabuti sa inyo. Kaya ang kalalabsan, papahintulutan niya kayong manatili rito sa inyong lupain.'
\s5
\q1
\v 13 Ngunit kung tatanggihan ninyong sundin si Yahweh na ating Diyos, o kung sasabihin ninyong 'Hindi kami mananatili rito;
\q1
\v 14 sa halip, pupunta kami sa Egipto. Hindi kami makararanas ng anumang mga digmaan doon, hindi kami makaririnig ng mga trumpetang naghuhudyat sa aming mga kawal upang humanda para sa mga labanan at hindi kami magugutom,'
\s5
\q1
\v 15 kung gayon makinig kayo, kayong mga taong natira sa Juda, sa sinasabi sa inyo ni Yahweh, ang Pinuno ng hukbo ng mga anghel, ang Diyos na sinasamba ng Israel: Kung nagpasya kayong pumunta sa Egipto at kung pupunta at maninirahan kayo roon,
\q1
\v 16 makakaranas kayo ng mga digmaan, mga taggutom na inyong kinakatakutan at mamamatay kayong lahat doon.
\q1
\v 17 Iyan ang mangyayari sa inyong lahat na nagpasyang pumunta sa Egipto at manirahan doon. Ilan sa inyo ang papatayin sa pamamagitan ng mga espada ng inyong mga kaaway, at ang iba sa inyo ay mamamtay sa mga taggutom at sa mga sakit. Wala sa inyo ang makakatakas sa mga sakuna na aking dadalhin sa inyo.'
\s5
\p
\v 18 At sinasabi rin ni Yahweh, ang Pinuno ng hukbo ng mga anghel, ang Diyos na sinasamba ng Israel: 'Dahil labis akong nagagalit, mahigpit kong parurusahan ang lahat ng mga tao sa Jerusalem. Ganoon din ang gagawin ko sa inyo kapag pupunta kayo sa Egipto. Ang kalalabsan nito ay isusumpa kayo ng mga tao. Katatakutan nila ang mga nangyari sa inyo. Pagtatawanan nila kayo at hindi na ninyo muling makikita ang lupaing ito kailanman.'
\q1
\v 19 Kayong maliit na pangkat ng mga tao sa Juda na nabubuhay pa, makinig kayo sa akin: Sinabi ni Yahweh sa inyo, 'Huwag kayong pupunta sa Egipto.' Kaya huwag ninyong kalimutan kung ano ang babala ko sa inyo sa araw na ito.
\s5
\q1
\v 20 Alam kong nagsisinungaling kayo nang hiniling ninyo sa akin na manalangin kay Yahweh na ating Diyos at ipinahayag ninyo na nais ninyong sumunod sa lahat ng kaniyang sinabi.
\q1
\v 21 Kaya ngayon, sinabi ko sa inyo nang ganap ang kaniyang sinabi, ngunit alam kong hindi ninyo susundin si Yahweh na ating Diyos ngayon, gaya ng hindi ninyo pagsunod sa kaniya sa nakaraan.
\q1
\v 22 Nais ninyong pumunta sa Egipto at manirahan doon. Kaya ngayon, makakatiyak kayo rito: Mamamatay kayong lahat doon. Papatayin ang ilan sa inyo sa pamamagitan ng mga espada ng inyong mga kaaaway at mamamatay ang iba sa mga taggutom o sa mga sakit."
\s5
\c 43
\p
\v 1 Kaya natapos ko nang sabihin sa mga tao ang mensaheng iyan mula kay Yahweh na ating Diyos.
\q
\v 2 Ngunit pagkatapos, sinabi sa akin ni Johanan na anak ni Karea at si Azarias na anak ni Hosaias at ang ilan sa ibang walang galang na kalalakihan, "Nagsisinungaling ka! Hindi sinabi sa amin ni Yahweh na ating Diyos na hindi kami dapat pumunta sa Egipto!
\q
\v 3 Iniisip naming hinimok ka ni Baruc na anak ni Nerias upang sabihin ito, upang kung mananatili kami rito, susunggaban kami ng mga kawal mula sa Babilonia at papatayin o dadalhin kami sa Babilonia."
\s5
\q
\v 4 Kaya tumangging sumunod sa utos ni Yahweh si Johanan at ang ibang mga pinuno sa mga kawal na taga-Juda at ang marami sa ibang mga tao na naroon, na manatili sa Juda.
\q
\v 5 Tinipon ni Johanan at ng lahat ng ibang mga pinuno ang lahat ng mga taong bumalik mula sa ibang mga bansa kung saan sila ikinalat.
\q1
\v 6 Isinama nila ang mga kalalakihan, kababaihan, mga bata, ang mga anak na babae ng hari at lahat ng iniwan ni Nebuzaradan kay Gedalias, at dinala rin nila si Baruc at ako.
\q1
\v 7 Tumanggi silang sumunod kay Yahweh at dinala kaming lahat sa Egipto, hanggang sa lungsod ng Tafnes.
\s5
\q1
\v 8 Habang nasa Tafnes kami, binigyan ako ni Yahweh ng isa pang mensahe. Sinabi niya,
\q1
\v 9 "Habang binabantayan ka ng mga tao ng Juda, kumuha ka ng ilang malalaking bato at ibaon ang mga ito sa ilalim ng latag na simento sa pasukan ng palasyo ng hari roon sa Tafnes.
\q1
\v 10 At sabihin mo sa mga tao ng Juda, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh, ang Pinuno ng hukbo ng mga anghel, ang Diyos na sinasamba ng Israel: "Ipapatawag ko si Nebucadnezar na hari ng Babilonia, na gumagawa ng aking trabaho, upang pumunta kasama ng kaniyang hukbo sa Egipto. Itatayo ko ang kaniyang trono sa ibabaw ng mga batong ito na sinabi kong ibaon ni Jeremias. At magtatayo si Nebucadnezar ng kaniyang tolda roon upang ipakitang siya ang naging hari ng Egipto.
\s5
\q1
\v 11 Kapag dumating ang kaniyang mga hukbo, sasalakayin nila ang Egipto. At mamamatay ang mga ipinasya kong dapat mamatay, ang mga ipinasya kong dapat mabihag ay mabibihag, at ang mga ipinasya kong dapat patayin sa pamamagitan ng mga espada ay papatayin sa pamamagitan ng mga espada.
\q1
\v 12 Susunugin ng mga kawal ni Nebucadnezar ang mga templo ng mga diyos ng Egipto at aalisin ang kanilang mga diyus-diyosan bilang mga tagapagpaalaala. Lilinisin ng kaniyang mga kawal ang Egipto tulad ng paglilinis ng isang pastol sa mga kuto na nasa kaniyang balabal at umaalis nang hindi siya nasaktan.
\q1
\v 13 Ngunit bago sila umalis, kailangan nilang pababagsakin ang mga sagradong haligi na nasa templo ng kanilang diyos na araw at susunugin ang lahat ng mga templo ng mga hindi tunay na diyos ng Egipto.""'
\s5
\c 44
\p
\v 1 Ito ang mensahe na ibinigay ni Yahweh sa akin tungkol sa mga taga-Juda na naninirahan sa hilagang Egipto—sa Migdol, sa Tafnes, at sa Memfis—at sa rehiyon ng Patros sa dakong timog ng Egipto:
\q
\v 2 Ito ang sinabi ko, si Yahweh, na Pinuno ng mga hukbo ng anghel, ang Diyos na sinasamba ng Israel: Nakita ninyo ang kapahamakan na idinulot ko sa mga tao ng Jerusalem at naranasan ng ibang mga bayan sa Juda. Nawasak at napabayaan na ngayon ang mga bayang iyon.
\q
\v 3 Nangyari iyon dahil labis akong nagalit sa kanila sa pananagutan nila sa pagiging napakasama. Nagsunog sila ng insenso at sumamba sa ibang mga diyos. Sila ay mga diyos na hindi ninyo dating kilala, at maging ng inyong mga ninuno.
\s5
\q
\v 4 Ipinapadala ko ng maraming beses ang aking mga propeta na naglilingkod sa akin, upang sabihin sa kanila, 'Huwag ninyong gawin ang mga kasuklam-suklam na mga bagay na kinamumuhian ko!'
\q
\v 5 Ngunit hindi nagbigay ng anumang pansin ang aking mga tao sa mga sinabi ko sa kanila. Ayaw nilang tumalikod mula sa kanilang masasamang pag-uugali, o tumigil sa pagsusunog ng insenso upang sumamba sa ibang mga diyos.
\q
\v 6 Kaya ibinuhos ko ang mga kapinsalaan ng aking matinding galit sa kanila. Ang aking pagpaparusa ay bumagsak sa mga lansangan ng Jerusalem at sa ibang mga bayan sa Juda tulad ng isang apoy. Nagdulot ito sa mga bayan ng pagkawasak at pagkapoot, at ganoon pa rin sila.
\s5
\q
\v 7 Kaya ngayon Ako, si Yahweh na Pinuno ng mga hukbo ng anghel, ang Diyos na sinasamba ng Israel, ay nagtanong sa inyo: Bakit ninyo binibigyan ng kadahilanan ang inyong mga sarili na maranasan ang mga sakunang ito? Hindi ba ninyo nalalaman na dahil sa inyong mga ginagawa, hindi magtatagal, wala nang matitira sa mga kalalakihan at kababaihan, mga bata o mga sanggol na pupunta dito sa Egipto mula sa Juda?
\q
\v 8 Bakit ninyo ako ginagalit at binibigyan ng dahilan upang labis akong magalit sa pamamagitan ng pagsusunog ng insenso sa mga diyus-diyusan na inyong ginawa dito sa Egipto? Kung patuloy ninyong gagawin ito, sisirain ninyo ang inyong mga sarili, kayo mismo ang magiging dahilan upang isumpa at hamakin kayo ng lahat ng bansa sa lupa.
\s5
\q
\v 9 Nakalimutan na ba ninyo kung paano ko pinarusahan ang inyong mga ninuno sa mga masasamang mga bagay na kanilang ginawa, at kung paano ko pinarusahan ang mga hari at mga reyna sa Juda sa kanilang ginawa, at kayo at ang inyong mga asawang babae sa mga kasalanan na inyong nagawa sa mga lansangan ng Jerusalem at sa ibang mga bayan sa Juda?
\q
\v 10 Hanggang sa araw na ito ay hindi pa rin kayo nagpapakumbaba sa inyong mga sarili o gumalang sa akin. Hindi kayo sumunod sa mga kautusan at atas na ibinigay ko sa inyo at sa inyong mga ninuno.
\s5
\q
\v 11 Kaya, ito ang sinasabi ko, si Yahweh, ang Pinuno ng mga hukbo ng anghel, ang Diyos na sinasamba ng Israel: Nagpasiya ako upang iparanas sa inyo ang mga kapahamakan at upang alisin ang bawat isa sa Juda.
\q
\v 12 Kayong mga tao mula sa Juda na nakaligtas ay nagpasiyang pumunta at manirahan dito sa Egipto. Kaya paaalisin ko kayong lahat na narito sa Egipto. Mamamatay ang bawat isa sa inyo, kabilang ang mga mahahalaga at sila na hindi mahalaga. Papatayin ang ilan sa inyo sa pamamagitan ng mga espada ng inyong mga kaaway, mamamatay ang ilan mula sa pagkagutom. Magiging mga tao kayo na susumpain ng iba, katatakutan, at pagtatawanan.
\s5
\q
\v 13 Parurusahan ko kayo rito sa Egipto tulad ng pagpaparusa ko sa iba na nasa Jerusalem, ilan sa kanila ay napatay sa pamamagitan ng mga espada ng kanilang mga kaaway at namatay ang ilan sa kanila sa taggutom at mga sakit.
\p
\v 14 Kayong mga taong hindi namatay sa Juda at tumakas patungo rito sa Egipto upang manirahan dito hanggang sa araw na babalik kayo sa Juda. Ngunit iilan lamang sa inyo ang makakaligtas at makakatakas. Inaasam ninyong manatiling buhay at bumalik sa Juda, ngunit iilan lamang sa inyo ang makakatakas at maaaring makagagawa nang ganoon.
\s5
\q
\v 15 At sinabi sa akin ito ng isang malaking pangkat ng mga tao na nagsimulang manirahan sa hilagang Egipto at sa dakong timog ng Egipto, kabilang ang lahat ng mga kalalakihang nakakaalam na nagsusunog ng insenso sa ibang mga diyos ang kanilang mga asawa, at sinabi sa akin ito ng mga kababaihang nakatayo roon:
\q
\v 16 "Sinasabi mo na binigyan ka ni Yahweh ng mga mensahe, ngunit hindi kami makikinig sa iyong mga mensahe!
\q
\v 17 Tiyak na gagawin namin ang lahat ng bagay na sinabi naming gagawin. Magsusunog kami ng insenso upang sambahin ang aming diyosang si Asera, ang Reyna ng Langit, at magbubuhos kami ng mga inuming handog para sa kaniya, tulad ng palagi naming ginagawa sa aming mga ninuno at ng ating mga hari at ang kanilang mga opisyal sa mga lansangan ng Jerusalem at sa ibang mga bayan sa Juda. Sa panahong iyon, marami kaming sapat na pagkain, at masagana kami at walang anumang mga kaguluhan.
\s5
\p
\v 18 Ngunit mula nang itinigil namin ang pagsusunog ng insenso sa Reyna ng Langit at pagbibigay ng inuming handog sa kaniya, nagkaroon kami ng maraming mga kaguluhan, at napatay ng espada ng aming mga kaaway ang ilan sa aming mga at namatay sa gutom."
\q
\v 19 At sinabi ng mga kababaihan, "Bukod dito, nagsunog kami ng insenso at nagbuhos ng mga inuming handog sa Reyna ng Langit, gumawa rin kami ng mga maliliit na tinapay na kahawig ng kaniyang diyus-diyosan, upang ihandog sa kaniya. Ngunit tiyak na alam ng aming mga asawa ang tungkol dito at pinahintulutan kung ano ang aming ginagawa!"
\s5
\q
\v 20 At sinabi ko sa lahat ng kalalakihan at kababaihan na sumagot sa akin,
\q
\v 21 "Huwag ninyong iisipin na hindi alam ni Yahweh na kayo at ang inyong mga ninuno, inyong mga hari at inyong mga opisyal at lahat ng ibang mga tao sa Juda na nagsusunog ng insenso upang sumamba sa mga diyus-diyosan sa mga lansangan ng Jerusalem at sa ibang mga bayan sa Juda! Alam niya ang tungkol dito!
\s5
\q
\v 22 Ito ay dahil hindi na matiis ni Yahweh ang inyong mga masasamang mga gawa at karumaldumal na mga bagay na inyong ginawa na siyang sanhi upang ang inyong lupain ay maging isang lugar na ang pangalan ay sinasabi ng mga tao kapag nagsusumpa sila ng isang tao. Isang lupain na nawasak at walang sinuman ang naninirahan dito. At ganoon pa din ang inyong lupain.
\q
\v 23 Ito ay dahil nagsunog kayo ng insenso upang sumamba sa mga diyus-diyosan at nakagawa kayo ng ibang mga kasalanan laban kay Yahweh upang inyong maranasan ang lahat ng mga sakunang iyon. Dahil hindi ninyo siya sinunod o sinunod ang kaniyang mga batas at mga atas at mga kautusan."
\s5
\q
\v 24 At sinabi ni Jeremias sa kanilang lahat, kasama ang mga kababaihan, "Kayong lahat na mga tao ng Juda na narito sa Egipto, makinig sa mensaheng ito mula kay Yahweh.
\q
\v 25 Ito ang sinasabi ni Yahweh na pinuno ng mga hukbo ng mga anghel, ang Diyos na sinasamba ng mga Israelita sa inyong mga kalalakihan: 'Kayo at ang inyong mga asawa ang nagsabi na ipagpapatuloy ninyong gawin kung ano ang inyong ipinangako, upang magsusunog ng insenso at magbubuhos ng inuming handog sa mga diyosa na inyong tinatawag na Reyna ng Langit. At pinatunayan ninyo na gagawin ito sa pamamagitan ng inyong mga kilos na binalak ninyong ipagpatuloy. Kaya ipagpatuloy ang paggawa kung ano ang ipinangako ninyong gagawin para sa kaniya.'
\s5
\q
\v 26 Ngunit ngayon, kayong lahat na mga tao mula sa Juda na naninirahan ngayon dito sa Egipto, makinig sa mensaheng ito mula kay Yahweh. Sinasabi niya, 'Mataimtim kong ipinahayag, gamit ang aking dakilang pangalan, na sa lalong madaling panahon ay walang sinuman sa inyong mga tao mula sa Juda na narito sa Egipto ang muling gagamit ng aking pangalan. Walang sinuman ang muling makapagsasabi sa inyo na kapag nangako kayo ng taimtim na gawin ang isang bagay, "Gagawin ko ito ng may katiyakan na buhay si Yahweh."
\q1
\v 27 Sapagkat pagmamasdan ko kayo, hindi upang magdulot sa inyo ng mabubuting bagay kundi upang magdulot ng mga bagay na makapipinsala sa inyo. Halos ang bawat isa na mula sa Juda na nasa Egipto ngayon ay papatayin sa pamamagitan ng mga espada ng kanilang mga kaaway o mamatay mula sa pagkagutom hanggang halos lahat sa inyo ay dumating sa hangganan.
\q1
\v 28 Kakaunti lamang sa inyo ang hindi mamamatay sa pamamagitan ng espada at makababalik sa Juda. Kapag nangyari iyon, malalaman ng lahat ng mga dumating sa Egipto at malalaman kung kaninong mga salita ang totoo, sa kanila o sa akin.'
\s5
\v 29 At sinasabi rin ni Yahweh, 'Gagawin ko ang isang bagay na makapagpapatunay sa inyo na ang lahat ng bagay na aking sinabi ay mangyayari, at parurusahan ko kayo sa lugar na ito.
\v 30 Ipapabihag ko si Hopra, ang hari ng Egipto, sa kaniyang mga kaaway na nagnanais na patayin siys, tulad ng pagpapabihag ko kay Haring Zedekias ng Juda sa pamamagitan ng mga kawal ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia.'" At ito ang nangyari ilang taon na ang nakalipas.
\s5
\c 45
\p
\v 1 Pagkatapos mamuno ni Jehoiakim na anak ni Haring Josias sa Juda ng halos apat na taon, isinulat ni Baruc na anak ni Nerias ang lahat ng mga mensahe na isinalaysay ni propeta Jeremias. Nagbigay si Jeremias ng mensahe at kaniyang sinabi,
\q
\v 2 "Baruc, mayroong mensahe sa iyo si Yahweh, ang Diyos ng Israel.
\q
\v 3 Sinabi mong, 'Kakila-kilabot na mga bagay ang nangyayari sa akin! Nakapagtiis na ako ng labis na paghihirap. At ngayon labis akong pinipighati ni Yahweh, sa karagdagan ng aking paghihirap. Pagod na ako sa aking pagdaing, at hindi na ako makapagpahinga!'
\s5
\q
\v 4 Ngunit Baruc, ito ang sinasabi ni Yahweh: 'Wawasakin ko ang bansang ito na aking itinatag. Tulad ng isang puno na aking itinanim ang bansang ito na aking bubunutin ngayon sa kaniyang mga ugat.
\q
\v 5 Kaya, hinahangad mo ba na gumawa ang mga tao ng mga bagay upang parangalan ka sa isang natatanging paraan? Huwag mong hangarin iyon. Totoo na hahayaan ko ang mga taong ito upang maranasan ang isang napakalaking sakuna, ngunit saan ka man magpunta, pangangalagaan kita, at hindi ka mapapatay.'"
\s5
\c 46
\p
\v 1 Ito ang mga mensaheng ibinigay ni Yahweh kay propetang Jeremias tungkol sa ibang mga bansa.
\q
\v 2 Pagkatapos ng paghahari ni Jehoiakim na anak ni Haring Josias sa Juda ng halos apat na taon, ibinigay sa akin ni Yahweh ang mensaheng ito tungkol sa Egipto. Ito ay nang natalo ng hukbo ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia ang hukbo ni Haring Neco ng Egipto sa Carquemis sa tabi ng Ilog Eufrates. Ito ang sinabi ni Yahweh: "Sinasabi ng mga opisyal ng hukbo ng Egipto sa kanilang mga kawal,
\q
\v 3 'Ihanda ninyo ang inyong mga maliliit at malalaking kalasag at lumakad upang makipaglaban!
\q
\v 4 Lagyan ninyo ng mga sapin ang inyong mga kabayo at sumakay kayo sa mga likod ng mga ito. Pumunta kayo sa inyong mga lugar para sa labanan, isuot ninyo ang inyong mga helmet. Patalasin ang inyong mga sibat at isuot ang inyong mga gamit pandigma!'
\s5
\q
\v 5 Ngunit ano ang nakikita ko? Nakikita kong lubhang matatakot at tatakas ang mga kawal ng Egipto. Tatakbo palayo nang hindi man lamang lumilingon maging ang pinakamatapang sa kanilang mga kawal! Ako, si Yahweh, ang nagsasabing lubhang matatakot ang kanilang mga kawal sa lahat ng dako!
\q
\v 6 Susubukang tumakbo palayo maging ng pinakamabilis na mananakbo, ngunit hindi makakatakas maging ang pinakamalakas sa kanilang mga mandirigma. Sa hilaga, sa tabi ng Ilog Eufrates, matitisod at babagsak sila.
\s5
\q
\v 7 Anong pangkat itong lulukob sa lupain tulad ng paglukob ng tubig ng Ilog Nilo sa lupain kapag bumabaha at dumadaluyong ang mga alon nito?
\p
\v 8 Ito ang hukbo ng Egipto na lulukob sa lupain tulad ng isang dumadaluyong na baha, at magmamayabang silang lulukuban nila ang lupa at wawasakin ang mga lungsod at ang mga taong naninirahan sa mga ito.
\p
\v 9 Kayong mga mangangabayo, sumugod kayo sa labanan! Kayong mga nagpapatakbo ng mga karwahe, magpatakbo kayong nagngangalit tulad ng isang baliw na tao! Lahat kayong mga mandirigma mula sa Etiopia at Libya na nagdadala ng inyong mga kalasag, kayong mga mandirigma mula sa Lydia na namamana, halikayo!
\s5
\p
\v 10 Ngunit, kailangan ninyong malaman na ito ang araw na ako, si Yahweh, ang Pinuno ng mga hukbo ng mga anghel, ang maghihiganti sa aking mga kaaway. Sa pamamagitan ng aking espada, papatayin ko ang aking mga kaaway hanggang sa masiyahan ako, ang aking espada ay magiging tulad ng isang halimaw na umiinom ng dugo ng mga pinapatay nitong hayop hanggang sa hindi na siya nauuhaw. Ang mga kawal ng kaaway na papatayin sa hilaga sa tabi ng Ilog Eufrates ay magiging parang isang alay sa akin, na Panginoong Yahweh, ang Pinuno ng mga hukbo ng mga angel.
\s5
\p
\v 11 Kayong mga tao ng Egipto na walang malay, umakyat kayo sa rehiyon ng Gilead upang kumuha ng gamot, ngunit magiging walang saysay na inumin ninyo ang lahat ng mga gamot na iyon, hindi kayo gagaling.
\p
\v 12 Nababalitaan ng ibang mga bansa kung paano kayo napahiya. Naririnig ng mga tao sa buong lupa ang inyong pagtangis. Natitisod sa bawat isa ang inyong malalakas na mga mandirigma at bumabagsak silang lahat nang sama-sama."
\s5
\p
\v 13 Pagkatapos, ibinigay ni Yahweh kay propetang Jeremias ang mensaheng ito tungkol kay Haring Nebucadnezar nang binalak niyang salakayin ang Egipto kasama ng kaniyang hukbo:
\p
\v 14 "Isigaw ninyo ang mensaheng ito sa buong Egipto! Ipahayag ito sa mga lungsod ng Migdol, Memfis at Tafnes! 'Pumunta kayo sa inyong mga lugar para sa labanan. Humanda kayong ipagtanggol ang inyong mga sarili, dahil papatayin ang lahat ng nasa paligid ninyo.'
\s5
\q
\v 15 Bakit bumabagsak ang mga pinagkakatiwalaan ninyong lakas? Hindi sila makatayo, dahil ibabagsak sila ni Yahweh.
\p
\v 16 Matitisod at babagsak sa isa't isa ang mga kawal sa ibang mga bansa, at pagkatapos, sasabihin nila sa isa't isa, "Bumangon tayo at bumalik sa ating mga kababayan, sa ating sariling lupain. Lumayo tayo sa mga espada ng ating mga kaaway!"
\p
\v 17 Doon sa Egipto, sasabihin nila, "Nagsasalita nang malakas ang hari ng Egipto, ngunit nang may pagkakataong matalo ng aming hukbo ang aming mga kaaway, nabigo sila."
\s5
\q
\v 18 Ako, ang Hari, na tinatawag na Yahweh, Pinuno ng mga hukbo ng mga anghel, ang nagsasabi nito: 'Habang ako ay nabubuhay, darating ang isang hukbo upang makipaglaban sa hukbo ng Egipto. Sila ay magiging napakamakapangyarihan, na parang kasing tangkad sila ng Burol ng Tabor, o kasing taas ng Bundok ng Carmelo, malapit sa Dagat Mediteraneo.
\p
\v 19 Kayong lahat na mga taong naninirahan sa Egipto, balutin ninyo ang inyong mga ari-arian at humandang mapalipat sa ibang lugar. Wawasakin ang Memfis, ito ay magiging isang kawasakan at walang mga taong maninirahan doon.
\s5
\q
\v 20 Ang Egipto ay parang isang magandang batang baka, ngunit tiyak na darating ang isang malakas na hari mula sa hilagang-silangan upang salakayin ito tulad ng pagkagat ng niknik sa isang baka.
\p
\v 21 Ang mga kawal na inupahan ng Egipto ay parang mga matatabang guya dahil sa pera ng mga taga-Egipto, ngunit tatalikod din sila at tatakbo palayo, hindi sila tatayo at makikipaglaban doon, dahil ito ay magiging araw na magkakaroon ng labis na kapahamakan para sa Egipto, ang araw na labis na mapaparusahan ang kanilang mga tao.
\q
\v 22 Tatakbo palayo ang mga kawal ng Egipto, gaya nang tahimik na paggapang palayo ng isang ahas. Susugod ang hukbo ng kaaway, susugod silang dala-dala ang kanilang mga palakol tulad ng mga kaalalakihang namumutol ng mga puno.
\s5
\p
\v 23 Ako, si Yahweh, ang nagsasabing papatayin nila ang mga kawal ng Egipto na parang pinuputol nila ang mga puno sa gubat, dahil magiging sindami ng kawan ng mga balang ang mga kawal ng kaaway.
\p
\v 24 Mapapahiya ang mga tao ng Egipto, sasakupin sila ng mga taong mula sa hilagang-silangan.'
\s5
\p
\v 25 Ako, si Yahweh, ang Pinuno ng mga hukbo ng mga angel, ang Diyos na sinasamba ng Israel, ang nagsasabi, 'Paparusahan ko si Ammon, ang diyos na sinasamba ng mga tao sa lungsod ng Tebes, at lahat ng ibang mga diyos sa Egipto. Paparusahan ko ang hari ng Egipto at ang lahat ng mga nagtitiwala sa kaniya.
\p
\v 26 Ipapabihag ko sila sa mga nagnanais na patayin sila—si Nebucadnezar na hari ng Babilonia at ang kaniyang mga opisyal ng hukbo. Ngunit pagkalipas ng maraming taon, muling maninirahan ang mga tao sa Egipto. Tiyak na mangyayari iyon dahil ako, si Yahweh, ang nagsabi nito.'
\s5
\p
\v 27 Ngunit kayong mga taga-Israel na naglilingkod sa akin, huwag kayong masiraan ng loob ngayon, dahil ibabalik ko kayo mula sa malalayong lugar balang araw, dadalhin ko ang inyong mga kaapu-apuhan mula sa lupaing kanilang pinagkadlhan bilang bihag. At kayong mga Israelita ay muling mamumuhay nang payapa at ligtas, at hindi na magkakaroon ng anumang bansang tatakot sa inyo nang labis.
\p
\v 28 Ako, si Yahweh, ang nagsasabi sa inyong mga taga-Israel na naglilingkod sa akin, 'Huwag kayong matakot, dahil makakasama ninyo ako. Lubusan kong wawasakin ang mga bansa kung saan ko kayo ikinalat, ngunit hindi ko kayo lubusang lilipulin. Paparusahan ko kayo, ngunit paparusahan ko lamang kayo nang matindi ayon sa nararapat sa inyo: magiging mali ito kung hindi ko kayo paparusahan.'"
\s5
\c 47
\p
\v 1 Ibinigay ni Yahweh kay propetang Jeremias ang mensahe tungkol sa mga tao ng Filistia. Ibinigay ang mensahe sa kaniya bago sinakop ng hukbo ng Egipto ang lungsod ng Gaza sa Filistia.
\q
\v 2 Ito ang sinabi ni Yahweh: "Darating ang isang hukbo mula sa hilagang-silangan na lulukob sa lupain tulad ng baha. Wawasakin nila ang lupain at ang lahat nang narito, lilipulin nila ang mga tao at mga lungsod. Hihingi ng tulong ang mga tao, at tatangis ang lahat ng nasa lupain.
\s5
\q
\v 3 Maririnig nila ang tunog ng pagpadyak ng mga paa ng mga kabayo ng kaaway, at maririnig nila ang dagundong ng mga gulong ng mga karwahe ng mga kaaway. Tatakbo palayo ang mga kalalakihan, hindi sila titigil upang tulungan ang kanilang sariling mga anak ngunit sila ay magiging lubusang mahina at walang magagawa.
\q
\v 4 Ito ang magiging panahon upang malipol ang lahat ng mga tao sa Filistia, at ang panahon upang patitigilin ang mga natitirang kawal sa pagtulong sa mga taong naninirahan sa mga lungsod ng Tiro at Sidon. Ako, si Yahweh, ang lilipol sa mga tao ng Filistia, na ang kanilang mga ninuno noong unang panahon ay nagmula sa Isla ng Crete.
\s5
\q
\v 5 Mapapahiya ang mga tao ng Gaza, aahitin nila ang lahat ng buhok sa kanilang mga ulo upang ipakitang sila ay napahiya. Tatahimik ang lahat ng mga tao sa lungsod ng Ashkelon dahil tatangis sila. Kayong lahat na mga taong naninirahan sa tabi ng pampang ng Dagat Mediteraneo na nabubuhay pa, gaano katagal ninyong lalaslasin ang inyong mga sarili dahil nagluluksa kayo?
\q
\v 6 Sinasabi ng mga tao sa Filistia, "Yahweh, kailan mo sasabihin sa aming mga kaaway na tumigil sa pagpatay sa amin sa pamamagitan ng kanilang mga espada? Sabihin mo sa kanilang ibalik ang mga ito sa kanilang mga kaluban at hayaan silang manatili roon!"
\q
\v 7 Ngunit hindi ito magiging tamang manatili ang kanilang mga espada roon, dahil inutusan ni Yahweh ang kanilang mga kaaway na gumawa pa ng mas marami, sinasadyang sabihin ni Yahweh sa kanilang salakayin ang lahat ng mga taong naninirahan sa Ashkelon at sa ibang mga lungsod sa tabi ng pampang.
\s5
\c 48
\p
\v 1 Ito ay isang mensahe tungkol sa Moab. Sinasabi ni Yahweh na pinuno ng hukbo ng mga anghel, ang Diyos na sinasamba ng Israel, "Mga kakila-kilabot na bagay ang mangyayari sa lungsod ng Nebo; malapit na itong mawasak. Ang lungsod ng Kiryataim ay malalagay sa kahihiyan." Sinakop na ito. Mawawasak ang mga ipinagtanggol na kuta at ang mga tao nito ay mapapahiya.
\q
\v 2 Walang sinuman ang magmamalaki pang muli tungkol sa Moab, magbabalak ang mga kaaway ng Moab na wasakin ang Hesbon na kabiserang lungsod. Sasabihin nila, 'Halikayo, gawin nating hindi na maging bansa pa ang Moab.' Kayo rin Madmena! Patatahimikin din kayo, hahabulin kayo ng mga hukbong kaaway upang kayo ay patayin.
\s5
\q
\v 3 Makinig sa mga sumisigaw na taga Horonaim, tatangis sila dahil nawasak nang ganap ang kanilang bayan.
\q
\v 4 Mawawasak ang buong Moab, iiyak nang malakas kahit na ang mga maliliit na bata.
\q
\v 5 Iiyak sila nang mapait habang umaakyat sila sa burol ng Luhit. Tatangis ang iba sa daanan pababa ng Horonaim. Labis-labis ang kanilang kalungkutan dahil nawasak nang ganap ang kanilang lungsod.
\s5
\q
\v 6 Mayroong magsasabi sa kanila, 'Tumakas na kayo! Magtago kayo sa ilang!'
\q
\v 7 Ngunit nagtiwala kayo dahil mayaman kayo at makapangyarihan, magiging ligtas kayo, kaya mabibihag kayo. Ang diyos ninyong si Quemos at ang lahat ng kaniyang mga pari at mga opisyal ay kukunin palayo sa ibang malayong lupain.
\s5
\p
\v 8 Mawawasak ang lahat ng bayan sa Moab, walang makakatakas sa kanila. Mawawasak lahat ang mga nayon sa mga lambak at sa mga talampas sapagkat sinabi ni Yahweh na ito ay mangyayari.
\q
\v 9 Mayroon dapat tumulong sa lahat ng mga taga-Moab upang tumakas, upang maging bakante ang kanilang lupain, upang wala nang maninirahan dito kailanman."
\q
\v 10 Parusahan nawa ni Yahweh ang sinumang hindi masigasig sa paggawa ng kaniyang mga nais, isumpa niya nawa ang ayaw gumamit ng kaniyang espada upang patayin ang mga tao sa Moab.
\s5
\q
\v 11 Palaging nararamdaman ng mga taga-Moab na sila ay ligtas, hindi pa sila ipinatapon kailanman. Katulad sila ng alak na nakaimbak nang maraming araw sa lalagyan upang magkaroon ng masarap na lasa, kaya ngayon mabango ito at masarap ang lasa.
\q
\v 12 Ngunit sinabi ni Yahweh na magkakaroon ng panahong magpapadala siya ng mga kaaway upang salakayin sila, paaalisin nila ang mga tao sa Moab, katulad ng pagtapon ng alak sa lupa at pagkatapos, babasagin ang banga na lalagyan nito.
\s5
\q
\v 13 Pagkatapos, mapapahiya ang mga tao sa Moab dahil sa diyos nilang si Quemos na kanilang pinagkatiwalaan, dahil hindi ito nakatulong sa kanila, katulad ng mga taong Israelita na napahiya dahil dinurog ang kanilang gintong estatwa ng guya sa Bethel.
\q
\v 14 Sinabi noon ng mga kawal ng Moab, "Mga mandirigma kami, matapang kaming nakipaglaban sa mga digmaan!"
\s5
\q1
\v 15 Ngunit sinabi ngayon ng ating Hari na tinatawag na Yahweh, Pinuno ng mga hukbong anghel na mawawasak ang bansang Moab at ang lahat ng kaniyang mga bayan. Papatayin ang lahat ng kaniyang mga pinakamahuhusay na kabataang lalaki.
\q
\v 16 Nalalapit na ang pagkawasak ng Moab. Malapit na nilang maranasan ang sakuna.
\p
\v 17 Kayong mga taong naninirahan sa mga bansang malapit sa Moab na nakakaalam sa katanyagan nito, dapat kayong tumangis para sa Moab at sabihin, "Ganap nang nagwakas ang kaniyang dakilang kalakasan."
\s5
\q1
\v 18 Kayong mga tao sa lungsod ng Dibon, tigilan na ninyo ang pagmamalaki dahil sa kayo ay pinaparangalan at maupo kayo sa alabok kung saan mauuhaw kayo sa tubig, dahil ang mga wawasak sa mga ibang lugar sa Moab ay sasalakay sa inyong lungsod at wawasakin ang inyong mga tanggulan.
\q1
\v 19 Kayong mga tao sa lungsod ng Aroer, tumayo kayo malapit sa mga lansangan at magbantay. Sumigaw kayo sa mga lalaki at babae na tumatakas mula sa Moab, "Ano ang nangyari doon?"
\q1
\v 20 Sasagot sila, "Nawasak na ang Moab at pinahiya kami!" Kaya tumangis at humagulgol kayo. Ipahayag sa Amon na nawasak na ang Moab.
\s5
\q1
\v 21 Pinaparusahan ni Yahweh ang mga bayan sa Moab na nasa talampas, ang Holon, Jahaz at Mefaat,
\q1
\v 22 Dibon at Nebo, at Beth Diblataim,
\q
\v 23 Kiriataim at Beth Gamul at Beth Meon,
\q
\v 24 Keriot at Bozrah. Pinarurusahan niya ang mga lungsod na magkakalapit sa bawat isa at ang mga bayan na magkakalayo mula sa bawat isa.
\q
\v 25 Sinasabi ni Yahweh, "Matatapos na ang kapangyarihan ng Moab, parang nabalian ito ng kamay.
\s5
\p
\v 26 Kayong mga taga-Moab, inisip ninyo na kayo ay may sapat na kapangyarihan upang labanan ako, ako na si Yahweh, kaya gagawin ko kayong tulad ng isang lasing na susuray-suray. Kayong mga taga-Moab lulublob kayo sa sarili ninyong suka at pagtatawanan kayo.
\v 27 Pinagtawanan ninyong mga taga-Moab ang mga Israelita. Kahit mga magnanakaw sila, hindi sila kailanman nahuli. Umiling kayo sa kanila nang may pangungutya at minaliit sila.
\s5
\q
\v 28 Kayong mga taong naninirahan sa Moab, dapat na ninyong iwan ang inyong mga bayan at pumunta kayong manirahan sa mga yungib. Maging tulad ng mga kalapati na gumagawa ng kanilang mga pugad sa bukana ng mga yungib."
\q
\v 29 Narinig nating lahat na ang mga tao sa Moab ay labis na mapagmataas; sila ay labis na mapagmalaki at mayayabang..
\s5
\v 30 Ngunit sinabi ni Yahweh, "Alam ko ang tungkol diyan, ngunit walang saysay ang kanilang pagmamayabang sapagkat ito ay walang magandang ibubunga.
\q
\v 31 Kaya tatangisan kongayon ang Moab, tatangis ako para sa mga tao upang makatanggap sila ng tulong at makaligtas. Mananaghoy ako para sa mga kalalakihan ng lungsod ng Kir Hareset, ang lumang kabisera ng Moab.
\q
\v 32 Kayong mga tao sa lungsod ng Sibmah, marami kayong mga taniman ng ubas at malulungkot ako kapag nawasak ang mga ito. Parang lumagpas na ang mga sanga ng inyong mga ubas sa kabila ng Patay na Dagat hanggang sa lungsod ng Jazer, ngunit kukunin ng mga kaaway ng Moab ang inyong mga ubas at alak mula sa inyo!
\s5
\q
\v 33 Ngunit wala nang magagalak o magsasaya sa Moab ngayon, malapit nang mawasak ang inyong mga prutas at mga ubas na mahihinog sa panahon ng tag-init. Wala nang lalabas na katas ng ubas mula sa mga pisaan ng alak, kaya wala nang magiging alak. Hindi na sisigaw nang may kagalakan ang mga tao habang pinipiga nila ang mga ubas, sisigaw ang mga tao, ngunit hindi na sila magsisigawan nang may kagalakan.
\s5
\p
\v 34 Sa halip, papataas ang tunog ng kanilang pagtangis mula sa lungsod ng Hesbon hanggang sa bayan ng Elealeh at sa nayon ng Jahaz, mula sa lungsod ng Zoar hanggang sa bayan ng Horonaim Eglat Shelishiyah. Matutuyo maging ang tubig na dumadaloy sa Nimrim.
\v 35 Akong si Yahweh ang nagsasabi, palalayasin ko ang mga taong nag-aalay ng mga handog sa mga ibabaw ng burol, ang mga nagsusunog ng insenso sa kanilang mga diyos.
\s5
\v 36 Tumatangis ako para sa mga tao ng Moab at Kir Hareset na tulad ng tumutugtog sa plauta ng awit na panlibing, dahil mawawala ang lahat ng kanilang kayamanan.
\v 37 Aahitan ng mga kalalakihan ang kanilang mga ulo at mga balbas upang ipakitang nagdadalamhati sila. Lalaslasin nila ang kanilang mga kamay at magsusuot ng magaspang na tela sa palibot ng kanilang mga baywang
\s5
\v 38 Mayroong mga taong tumatangis sa bawat tahanan at sa mga plasa ng bayan sa Moab dahil wawasakin ko ang Moab na tulad ng pagbasag ng isang tao sa isang lumang banga na walang sinumang may gusto.
\q
\v 39 Mayayanig ng malaking takot ang Moab! At maririnig ninyo ang mga tao na tumatangis nang malakas! Sila ay magiging kahihiyan! Magiging katatawanan ng mga tao ang bansa ng Moab. Mangingilabot ang mga tao sa kalapit na bansa sa nangyari doon.
\s5
\p
\v 40 Ito ang sinasabi ko, akong si Yahweh, 'Tingnan ninyo! Mabilis na sasalakay sa Moab ang kanilang mga kaaway na tulad ng agilang lumulusong pababa upang dumagit ng hayop.
\q
\v 41 Mabibihag ang kaniyang mga lungsod, masasakop ang kaniyang mga tanggulan. Matatakot maging ang kanilang mga mandirigma, tulad ng isang babaeng malapit nang manganak.
\s5
\q
\v 42 Nagmalaki ang Moab laban sa Akin, si Yahweh, kaya mawawasak ito.
\q
\v 43 Akong si Yahweh ang nagsasabi sa inyong mga taga-Moab na masisindak at mahuhulog kayo sa mga hukay at patibong.
\q
\v 44 Mahuhulog sa malalim na hukay ang mga natatakot at susubok na tumakas palayo. Mahuhuli sa patibong ang sinumang umahon palabas ng hukay, dahil parurusahan ko sila sa oras na aking itinakda.'
\s5
\q
\v 45 Tatakas ang mga tao palayo hanggang sa lungsod ng Hesbon, ngunit hindi na sila makalalayo pa, dahil magkakaroon ng sunog sa Hesbon kung saan nanirahan si Haring Sihon, matagal nang panahon ang nakalipas, at susunugin nito ang lahat ng tao sa Moab na maingay na nagmamayabang nang labis.
\s5
\q
\v 46 Kayong mga taga-Moab, kakila-kilabot na mga bagay ang mangyayari sa inyo! Kayong mga tao na sumasamba sa diyos ninyong si Quemos, mawawasak kayo. Bibihagin at dadalhin sa mga ibang bansa ang inyong mga anak na lalaki at babae.
\q
\v 47 Ngunit balang-araw, pahihintulutan ko ang mga tao ng Moab na makabalik muli sa kanilang lupain. Tiyak na mangyayari ito dahil Akong si Yahweh, sinabi ko ito." Ito ang katapusan ng ipinahayag ni Jeremias tungkol sa Moab.
\s5
\c 49
\p
\v 1 Ang mensaheng ito ay tungkol sa mga taong nagmula sa lahi ni Ammon. Ito ang sinabi ni Yahweh: "Marami pang Israelita ang natira upang manirahan sa lupain ng tribo ng Gad. Kaya bakit naninirahan sa mga bayang iyon ang mga taong sumasamba sa diyos na si Milcom?
\q
\v 2 Darating ang panahon na ipaparinig ko ang sigaw ng digmaan upang salakayin ng kanilang mga kaaway ang lungsod ng Rabba. At ito ay magiging isang tambak ng pagkawasak at masusunog ang lahat ng kalapit na bayan. At muling aariin ng Israel ang lupaing kinuha ng mga Ammonita mula sa kanila.
\s5
\q
\v 3 Kayong mga tao ng lungsod ng Hesbon, humagulhol kayo, dahil mawawasak ang lungsod ng Ai. Kayong mga babae sa lungsod ng Rabba, tumangis kayo, magsuot kayo ng magaspang na damit upang ipakita na kayo ay nagdadalamhati, tumakbo kayo pabalik-balik sa loob ng pader ng lungsod dahil sa kaguluhan, dahil bibihagin ang inyong diyos na si Milcom kasama ang mga pari at mga opisyal nito.
\q
\v 4 Labis ninyong ipinagmamalaki ang inyong mga matatabang lambak ngunit malapit ng mawasak ang mga ito. Kayong mga mapanghimagsik na tao, nagtiwala kayo sa inyong kayamanan at inyong sinabi, 'Tiyak na walang hukbong makalulusob sa atin!'
\s5
\q
\v 5 Ngunit pakinggan ninyo ito: Ako, si Yahweh, Pinuno ng mga hukbo ng mga angel, ay magdudulot sa inyo ng matinding takot. Mapipilitan kayong lahat na pumunta sa ibang mga bansa mula sa mga kaaway na nakapalibot sa inyo, at walang makakapagtipon muli sa inyo.
\q
\v 6 Ngunit balang araw pababalikin ko ang mga Ammonita sa kanilang lupain. Tiyak na mangyayari iyon dahil ako, si Yahweh, ang nagsabi nito.
\s5
\q
\v 7 Ang mensaheng ito ay tungkol sa mga tao ng Edom. Ito ang sinabi ni Yahweh, na Pinuno ng mga hukbo ng anghel: "Tila ba wala ng marunong na tao sa lugar ng Teman sa Edom! Wala ng natitirang tao na makapagbibigay ng mabuting payo sa iba. Nawala na ang mga taong marurunong.
\q
\v 8 Kayong mga tao sa lungsod ng Dedan sa Timog ng Edom, bumalik at tumakas at magtago kayo sa mga malalalim na kweba dahil magdudulot ako ng kapahamakan sa lahat ng tao ng Edom, parurusahan ko kayo!
\s5
\q
\v 9 Laging may iniiwan ang mga nag-aani ng ubas sa puno ng ubas. Kapag dumating ang mga magnanakaw sa gabi tiyak na nanakawin lamang nila ang kanilang nais.
\q
\v 10 Ngunit ipapawasak ko ang lahat ng nasa Edom at walang matitira, at wala ng lugar na pagtataguan ang mga tao. Marami sa mga anak, sa kanilang mga kamag-anak at sa kanilang mga kapit-bahay ang mamamatay at mawawala na ang Edom.
\q
\v 11 Iwan ninyo ang mga ulila dahil aalagaan ko sila, at makakaasa ang mga balo na tutulungan ko sila."
\s5
\q
\v 12 At ito rin ang sinabi ni Yahweh: "Kung dapat magdusa ang mga taong hindi nararapat na magdusa, kayong mga tao ng Edom ay dapat magdusa nang higit pa! Hindi ninyo matatakasan ang kaparusahan.
\q
\v 13 Ako, si Yahweh, ay taimtim na nangako, gamit ang aking sariling pangalan, na magiging lugar na pangingilabutan ng mga tao ang inyong pangunahing lungsod na Bozra. Magiging tambak ito ng pagkawasak. Gagawing katatawanan at gagamitin ng mga tao ang pangalan nito sa pagsumpa ng mga tao. Mawawasak magpakailanman ang lahat ng kalapit na bayan at nayon."
\s5
\q
\v 14 Narinig ko ang mensaheng ito mula kay Yahweh: "Nagpadala ako ng kinatawan sa maraming bansa upang sabihin sa kanila na magsama-sama sila upang salakayin ang Edom. Dapat silang maghanda para sa pakikidigma!"
\q
\v 15 At sinabi ni Yahweh sa mga tao ng Edom, "Gagawin kong hindi mahalaga ang inyong bansa sa ibang mga bansa. Hahamakin nilang lahat ang inyong bansa.
\s5
\q
\v 16 Nagdulot kayo ng matinding takot sa mga tao sa ibang bansa at labis kayong naging mapagmalaki ngunit nilinlang ninyo ang inyong mga sarili. Nanirahan kayo sa mga kweba sa mga bato, inisip ninyo na ligtas kayo roon dahil nakatira kayo sa itaas. Ngunit kahit gawin ninyong kasing-taas ng pugad ng agila ang inyong mga tahanan, pababagsakin ko kayo.
\s5
\q
\v 17 Magiging lugar na pangigilabutan ng mga tao ang Edom, mangingilabot at sisinghap ang mga taong dadaan kapag makikita nila ang pagkawasak.
\q
\v 18 Ganap na mawawasak ang Edom tulad ng Sodoma at Gomora at ng mga kalapit na bayan na nawasak matagal na panahon na ang nakalipas. Dahil dito, wala ni isang tao ang maninirahan doon.
\s5
\q
\v 19 Darating ako sa Edom nang biglaan gaya ng leon na lumalabas sa kagubatan at sinusungaban ang tupang nanginginain sa magandang pastulan. Agad kong palalayasin ang mga tao ng Edom mula sa kanilang lupain. At pagkatapos, magtatalaga ako ng pinuno para sa kanila na aking pipiliin, magagawa ko iyon dahil wala akong katulad na maaaring tumutol sa kung ano ang aking ginagawa. Walang pinuno ang makakalaban sa akin.
\s5
\q
\v 20 Kaya pakinggan ninyo ang aking balak na gawin sa mga tao ng Teman at sa Edom: Kakaladkarin palayo kahit ang maliliit na bata, at ganap kong tatanggalin ang mga taong nakatira roon.
\s5
\q
\v 21 Kapag nawasak ang Edom, magiging napakalakas ng ingay, na siyang magiging dahilan na mayayanig ang lupa at maririnig ang hagulhol ng mga tao hanggang sa dagat ng mga tambo.
\q
\v 22 Tingnan ninyo! Mabilis na sasalakay sa Bozra ang mga kaaway gaya ng pagbuka ng agila sa kaniyang mga pakpak kapag mabilis itong lumilipad pababa upang dumagit ng isang hayop. Sa araw na iyon, matatakot kahit na ang mga pinakamalakas na mandirigma ng Edom katulad ng babaing malapit nang manganak."
\s5
\q
\v 23 Ang mensaheng ito ay tungkol sa Damascus. Ito ang sinasabi ni Yahweh: "Mapapahiya ang mga tao sa mga kalapit ng lungsod ng Hamat at Arpad dahil nakarinig sila ng masamang balita tungkol sa Damascus. Labis silang nababalisa at hindi mapakali tulad ng dagat sa isang malaking bagyo.
\q
\v 24 Naging napakahina ng mga tao ng Damascus, nagkagulo silang lahat at tumakbo sila palayo dahil sa matinding takot. Nagdadalamhati at nasasaktan ang mga tao tulad ng nararanasan ng isang babaing malapit nang manganak.
\q
\v 25 Pababayaan ang tanyag na lungsod na iyan, na dati kong kinalugdan.
\s5
\q
\v 26 Babagsak sa mga lansangan ang mga binata nito. Papatayin ang mga kawal nito sa loob ng isang araw.
\q
\v 27 At ako, si Yahweh, Pinuno ng mga hukbo ng anghel, ay magsisindi ng apoy upang sunugin ang mga pader na nakapalibot sa Damascus at matutupok ang mga palasyo ni Haring Ben-Hadad."
\s5
\p
\v 28 Ito ay mensahe tungkol sa mga tao ng Kedar at sa kaharian ng Hazor na sinasalakay ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia. Ito ang sinabi ni Yahweh: "Papupuntahin ko ang isang hukbo upang salakayin ang Kedar at ipapawasak ko ang mga taong naninirahan sa silangan ng Juda.
\q
\v 29 Kukunin ang kanilang mga tolda at mga kawan ng tupa. Kukunin ang mga kurtina sa kanilang mga tolda, ang kanilang mga kamelyo at ang iba pa nilang ari-arian. Sisigaw ang mga lalaki sa lahat ng dako, 'Labis kaming natatakot dahil mga katakot-takot na bagay ang nangyayari sa palibot namin!'
\s5
\q
\v 30 Kaya ako, na si Yahweh, ay nagsasabi, 'Magmadaling tumakbo palayo! Kayong mga naninirahan sa Hazor, umalis kayo at magtago sa mga malalalim na kuweba dahil nais ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia na lusubin kayo ng kaniyang hukbo, binabalak niyang wasakin kayo!'
\q
\v 31 Ngunit sinabi ko kay Nebucadnezar, 'Pumunta ka at lusubin ang bansang iyon na may mga taong nag-iisip na ligtas sila; wala silang mga kaanib na tutulong sa kanila at wala silang mga pader na may mga tarangkahan.
\s5
\q
\v 32 Sasamsamin ng iyong mga hukbo ang kanilang mga kamelyo at mga baka. Ikakalat ko sa bawat dako ang mga taong iyon na labis na magdadalamhati. Magdudulot ako ng mga kapahamakan mula sa lahat ng dako.
\q
\v 33 Magiging lugar na titirahan ng mga asong gubat ang Hazor at pababayaan ito magpakailanman. Walang sinuman ang muling maninirahan doon, walang taong maninirahan doon."'
\s5
\p
\v 34 Tinanggap ni propeta Jeremias ang mensaheng ito mula kay Yahweh nang magsimulang mamuno si Haring Zedekias sa Juda.
\p
\v 35 Ito ang sinabi ni Yahweh, Pinuno ng mga hukbo ng anghel: "Tanyag na mamamana ang mga kalalakihan ng Elam, kaya naging labis na makapangyarihan ang kanilang bansa. Ngunit paaalisin ko sila.
\q
\v 36 Dadalhin ko ang kanilang mga kaaway mula sa bawat dako at ikakalat nila ang mga tao ng Elam sa lahat ng dakong iyon. Dadalhing bihag ang mga tao ng Elam sa bawat bansa sa daigdig.
\s5
\q
\v 37 Dahil galit na galit ako sa mga tao ng Elam, bibigyan ko ng kakayahan ang kanilang mga kaaway upang wasakin ang Elam. Ipaparanas ko sa mga tao ng Elam ang mga matitinding kapahamakan. Bibigyan ko ng kakayahan ang kanilang mga kaaway, na nagnanais silang patayin, upang habulin at patayin sila gamit ang mga espada hanggang sa ganap ko silang malipol.
\q
\v 38 Ako, na si Yahweh, hahatulan ko sila roon at pagkatapos, lilipulin ko ang kanilang hari at ang kaniyang mga opisyal.
\q
\v 39 Ngunit balang araw, pababalikin ko ang mga tao ng Elam sa kanilang lupain. Tiyak na mangyayari ito dahil ako, si Yahweh, ang nagsabi nito."
\s5
\c 50
\p
\v 1 Nagbigay si Yahweh ng isang mensahe kay propetang Jeremias tungkol sa Babilonia at sa bansang Babilonia.
\q
\v 2 Ito ang sinasabi ni Yahweh, "Ihayag mo ang mensahe sa lahat ng mga bansa, huwag mong ipagkait ang mga ito, magtaas ka ng bandilang panghudyat upang ipahayag na mabibihag ang Babilonia. Malalagay sa kahihiyan ang pangunahing diyos nito na si Marduk na may pangalan ding Bel at mababasag ang lahat ng iba pang mga rebulto at mga diyus-diyosan.
\s5
\q
\v 3 Darating ang hukbo ng isang bansa mula sa hilaga upang salakayin ang Babilonia at wasakin ang lungsod nang lubusan na magiging dahilan na walang sinuman ang maninirahan pang muli dito. Tatakas ang mga tao at mga hayop."
\p
\v 4 "Ngunit ako, si Yahweh, nagsasabi na sa hinaharap, kapag mangyayari ito, magsasama-sama ang mga tao ng Israel at ang mga tao ng Juda. Iiyak sila at nais akong sambahin na kanilang Diyos.
\q
\v 5 Magtatanong sila tungkol sa daan patungong Jerusalem at magsisimula silang maglakbay patungo dito. Sasabihin nila sa isa't isa, 'Kailangan nating manumbalik kay Yahweh!' Gagawa sila ng walang hanggang kasunduan sa akin na hindi nila malilimutan kailanman.
\s5
\q
\v 6 Gaya ng mga nawawalang tupa ang aking mga tao. Ang kanilang mga pinuno ang naging dahilan upang talikuran ako tulad ng mga pastol na hinayaang mailihis sa mga burol at mga bundok ang kanilang tupa. Gaya ng isang tupa ang aking mga tao na hindi alam ang landas pabalik sa kulungan ng tupa.
\q
\v 7 Sinalakay silang lahat ng kanilang mga kaaway na nakatagpo sa kanila. Sinabi nila, 'Hindi kami nagkasala sa pagsalakay sa kanila dahil nagkasala sila laban kay Yahweh, siya ang nagbibigay ng kanilang mga pangangailangan, sa kaniya sila dapat nanatiling tapat, siya ang inaasahan ng kanilang mga ninuno na tutulong sa kanila.'
\s5
\q
\v 8 Ngunit ngayon, sinasabi ko sa mga pinuno ng aking mga tao, 'Umalis kayo sa Babilonia! Iwan ninyo ang lupain ng Babilonia! Kumilos kayo na tila mga lalaking kambing sa harapan ng ibang kawan at pangunahan ninyo ang aking mga tao pabalik sa kanilang sariling lupain.
\q
\v 9 Gawin ninyo ito dahil magtitipon ako ng hukbo sa mga dakilang bansa mula sa hilaga ng Babilonia. Magsasama-sama sila upang salakayin ang Babilonia at bihagin ito. Magiging tulad ng mga dalubhasang mandirigma ang kanilang mga pana na madalas tinatamaan ang kanilang nais tamaan.
\q
\v 10 Masasakop ang Babilonia at kukunin ang lahat ng mga bagay na nais kunin ng sinumang sasakop dito. Tiyak na mangyayari ito dahil Ako, si Yahweh ang nagsabi nito.'"
\s5
\q
\v 11 "Kayong mga tao ng Babilonia na nagnakaw sa aking mga piniling tao, ngayon, napakasaya ninyo. Tumatakbo kayo na nagagalak tulad ng isang guya sa kaparangan at masasaya na tulad ng mga masasayang lalaking kabayo tuwing humahalinghing.
\q
\v 12 Ngunit hindi magtatagal, lubos na mapapahiya ang iyong mga tao dahil sa pagkakasakop. Magiging walang halaga ang iyong bansa sa lahat ng mga bansa, magiging ilang ito, tuyong lupa at malawak na disyerto.
\q
\v 13 Dahil, Ako, si Yahweh, galit ako sa inyo na mga tao ng Babilonia, magdudulot ako sa inyong lungsod upang tuluyang maging disyerto. Manginginig sa takot ang lahat ng dadaan at kakapusin ng hininga dahil sa pagkawasak nito.
\s5
\q
\v 14 Kayong lahat na mga bansang nakapalibot sa Babilonia, humanda upang salakayin ito! Sabihin sa inyong mga mamamana na tamaan ang kanilang mga kalaban; panain ninyo sila ng lahat ng inyong mga palaso at huwag magtitira, dahil nagkasala laban sa akin ang mga tao ng Babilonia, si Yahweh.
\p
\v 15 Sumigaw kayo ng matagumpay na digmaan laban sa Babilonia mula sa lahat ng gilid ng lungsod. Susuko ang mga kawal ng Babilonia, masisira ang mga tore at mga pader. Sapagkat ako, si Yahweh ang maghihiganti sa mga tao ng Babilonia at gagamitin ko kayo upang maghiganti. Gawin ninyo sa Babilonia kung ano ang ginawa nila sa iba!
\s5
\q
\v 16 Alisin ninyo ang mga nagtatanim ng mga pananim at ang ang mga umaani ng mga ani mula sa Babilonia! Dahil sa mga dala-dalang espada ng mga sasalakay sa Babilonia, dapat magsitakas ang lahat ng mga tao sa Babilonia na nagmula sa ibang mga bansa at dapat silang bumalik sa kanilang mga sariling bansa."
\s5
\q
\v 17 Parang mga tupang ikinalat ng mga leon ang mga Israelita. Una, tinalo sila ng hukbo ng hari ng Asiria. Pagkatapos, pinabagsak sila ng hukbo ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia.
\q
\v 18 Kaya ako si Yahweh, ang Pinuno ng mga hukbo ng anghel, ang Diyos na sinasamba ng Israel, ang nagsasabi, 'Ngayon, parurusahan ko ang hari ng Babilonia at ang mga tao sa kaniyang lupain tulad ng aking pagparusa sa hari ng Asiria.
\s5
\q
\v 19 At ibabalik ko ang mga tao ng Israel sa kanilang sariling lupain kung saan sila kakain ng mga pagkaing tumutubo sa mga bukirin ng mga rehiyon ng Carmel at Basan at kakainin ng mga tao sa maburol na bahagi ng Efraim at Gilead ang lahat ng nais nila.
\q
\v 20 Sa oras na iyon, wala nang mga tao sa Israel at Juda ang mananatiling nagkasala dahil patatawarin ko ang mga maliliit na grupo ng mga tao na hinayaan kong mabuhay."'
\s5
\q
\v 21 "Kaya, Ako, si Yahweh, nagsasabi sa mga kaaway ng Babilonia, 'Salakayin ang mga taong naninirahan sa rehiyon ng Merataim at ang mga tao sa rehiyon ng Pekod sa Babilonia. Ituloy ang pagpatay sa kanila at tuluyang wasakin ang bawat isa sa kanila na aking inutos na gawin ninyo.
\p
\v 22 Isigaw ninyo ang mga pag-iyak ng labanan sa buong lupain at sumigaw kapag nagdudulot kayo ng matinding pagkawasak.
\s5
\q
\v 23 Parang isang pinakamakapangyarihang pamukpok sa mundo ang hukbo ng Babilonia ngunit tuluyan itong mawawasak. Magiging disyerto ang Babilonia sa lahat ng iba pang mga bansa.
\q
\v 24 Kayong mga tao ng Babilonia, makinig, dahil naghanda ako ng isang bitag para sa inyo nang hindi ninyo nalalaman, mabibihag kayo sa bitag dahil lumaban kayo sa akin.
\s5
\q
\v 25 Parang binuksan ko ang lugar kung saan ko itinatago ang aking mga sandata at inilabas ko ang lahat ng mga sandata upang gamitin laban sa inyong mga taong kagalit ko. Ako, si Yahweh, Pinuno ng mga hukbo ng anghel na maraming gawain upang parusahan ang mga tao ng Babilonia.
\q
\v 26 Kaya kayo na mga kaaway ng Babilonia na mula sa mga malalayong lupain, pumarito kayo at salakayin ito. Wasakin ang mga lugar kung saan nila inimbak ang butil at isalansan ang mga durog na bato gaya ng mga tambak na butil. Tuluyan ninyong wasakin ang lahat ng mga bagay at huwag kayong magtitira ng anuman na hindi nawasak.
\s5
\q
\v 27 Lipulin ninyo ang lahat ng mga batang mandirigma na sinlakas ng mga toro at dalhin sila kung saan ninyo sila papatayin. Magiging kakila-kilabot ito para sa kanila dahil ito ang panahon upang parusahan sila.
\q
\v 28 Makinig kayo sa mga taong lumayo at tumakas mula sa Babilonia habang sinasabi nila sa Jerusalem kung paano Ako, si Yahweh, naghiganti sa mga nangwasak ng aking templo sa Jerusalem.
\s5
\q
\v 29 Ipatawag ninyo ang mga mamamana upang salakayin ang Babilonia at palibutan ang lungsod upang walang sinuman ang makatakas. Gawin ninyo sa Babilonia kung ano ang kanilang ginawa sa iba, dahil lumaban sila sa akin, ang Banal ng mga Israelita.
\q
\v 30 Babagsak sa lansangan ang mga batang kalalakihan ng Babilonia at papatayin ang lahat ng kanilang mga kawal sa loob ng isang araw. Mangyayari ito dahil Ako, si Yahweh ang nagpahayag nito!
\s5
\q
\v 31 Ako, si Yahweh ang Pinuno ng mga hukbo ng anghel, sinasabi ito, 'Kayong mga mayayabang na tao, ito na ang panahon, ito ang araw na parurusahan ko kayo.
\q
\v 32 Puno ng mga mapagmataas na tao ang inyong lupain, ngunit madadapa at babagsak kayo at walang sinuman ang muling magpapabangon sa inyo. Magsisindi ako ng apoy sa mga lungsod ng Babilonia na susunog sa lahat ng mga bagay na malapit dito.
\s5
\q
\v 33 Ako, si Yahweh ang Pinuno ng mga hukbo ng anghel, sinasabi rin ito, 'Pinahirapan ang mga tao ng Israel at Juda, binabantayan silang mabuti ng mga bumihag sa kanila at hindi sila pinayagang umalis sa Babilonia.
\q
\v 34 Ngunit malakas si Yahweh at papalayain niya sila. Si Yahweh ang Pinuno ng mga hukbo ng anghel, ipaglalaban niya ang kaniyang mga tao at bibigyan ng kakayahang makabalik sa kanilang lupain kung saan mayroon silang kapayapaan, ngunit hindi magkakaroon ng kapayapaan ang mga tao ng Babilonia.
\s5
\q
\v 35 Magpapadala siya ng mga kawal ng kaaway na may mga dalang espada upang pahirapan nila ang mga tao ng Babilonia, pahihirapan nila ang mga opisyal at matatalinong kalalakihan at ang lahat ng iba pang mga naninirahan sa Babilonia.
\q
\v 36 Pahihirapan nila ang kanilang mga bulaang propeta gamit ang mga espada at upang maging mga hangal sila. Pahihirapan nila ang mga pinakamalalakas na mandirigma ng Babilonia at matatakot silang lahat ng lubusan.
\q
\v 37 Pahihirapan nila ang kanilang mga kabayo at mga karwahe at ang mga dayuhang sakim na nasa hukbo ng Babilonia at magiging mahina silang lahat gaya ng mga kababaihan. Nanakawin nila ang lahat ng mga mahahalagang bagay sa Babilonia at kukunin palayo.
\s5
\q
\v 38 Patutuyuin ni Yahweh ang mga batis. Gagawin niya ang lahat ng mga bagay na ito dahil puno ng mga diyus-diyosan ang buong lupain ng Babilonia at ang mga kakila-kilabot na mga diyus-diyosan na iyon ang nagdulot sa mga tao upang maging baliw sa pagsamba sa kanila.
\q
\v 39 Hindi magtatagal, ang mga asong-gubat lamang at iba pang mababangis na nilalang ang maninirahan dito at magiging lugar ito kung saan maninirahan ang mga avestruz. Hindi na muling maninirahan ang mga tao dito, hindi na ito matitirahan kailanman.
\q
\v 40 Wawasakin ni Yahweh na Diyos ang Babilonia katulad ng pagwasak niya sa Sodoma at Gomorra at sa mga karatig bayan, wala nang sinuman ang maninirahan doon.
\s5
\q
\v 41 Tingnan ninyo! Isang malaking hukbo ang paparating mula sa hilaga. Isang dakilang bansa mula sa malayo na may maraming hari ang naghahanda upang salakayin kayo mga tao ng Babilonia.
\q
\v 42 May mga pana, mga palaso at mga sibat ang kanilang hukbo, napakalupit nila at walang awa sa sinuman. Sa pagsakay nila sa kanilang mga kabayo, gaya ng dagundong ng mga alon ng karagatan ang tunog ng mga paa ng mga kabayo, nakasakay sila na parang nakahanay sa labanan upang salakayin kayo, kayo na mga tao ng Babilonia.
\q
\v 43 Narinig ng hari ng Babilonia ang kanilang balita, "Paparating na ang kaaway." Kaya natakot siya at nanghina. Nabalot siya ng takot at pagdadalamhati gaya ng isang babaeng nanganganak."
\s5
\q
\v 44 Ako, si Yahweh ay agad na pupunta sa Babilonia tulad ng isang leon na lumalabas sa gubat at nilalapa ang tupa na kumakain sa magandang pastulan. Agad kong palalayasin ang mga tao ng Babilonia mula sa kanilang lupain. At magtatalaga ako sa kanila ng isang pinuno na aking pipiliin, gagawin ko iyon dahil walang sinuman ang tulad ko na magsasabing hindi tama ang aking ginawa. Walang pinuno ang makakalaban sa akin.
\s5
\q
\v 45 Makinig kayo sa aking binalak na gawin sa mga tao ng lungsod ng Babilonia at sa iba pang taga-Babilonia, kakaladkarin kahit pa ang mga maliliit na bata at tuluyan kong wawasakin ang mga taong naninirahan doon.
\q
\v 46 Kapag nawasak ang Babilonia, magiging napakalakas ang ingay na magdudulot ng pagyanig ng mundo at maririnig ng mga tao sa ibang mga bansa ang panaghoy ng mga tao."'
\s5
\c 51
\p
\v 1 Ito ang sinasabi ni Yahweh, "Hihimok ako ng hukbong wawasak sa Babilonia na gaya ng hanging makapangyarihan at wawasak din sa mga tao ng Babilonia sa Leb Kamai.
\q
\v 2 Magpapadala ako ng banyagang hukbo upang palayasin ang Babilonia gaya ng isang malakas na hangin na iihip sa dayami palayo. Lulusob sila mula sa iba't ibang dako sa araw ng sakunang iyon"
\s5
\q
\v 3 Sasabihin ko sa kanila, 'Huwag ninyong hayaan ang mga mamamana ng Babilonia na magkaroon ng pagkakataong ilagay ang kanilang mga baluti o bunutin ang kanilang mga pana. Huwag kayong magtira ng mga kabataang lalaki ng Babilonia. Wasakin ninyong ganap ang kaniyang mga hukbo.'
\q
\v 4 Matutumbang patay sa Babilonia ang kaniyang mga kawal, mamamatay sila pagkatapos na matuhog ng mga sibat sa mga lansangan.
\s5
\q
\v 5 Akong si Yahweh, Pinuno ng Hukbong Anghel, na sinasamba ng Israel, hindi ko pinabayaan ang Israel at Judah. Kahit na napuno ang kanilang lupain ng mga taong nagkasala laban sa akin, ang Banal na Diyos ng Israel, ako pa rin ang kanilang Diyos.
\q
\v 6 Kayong mga tao sa Israel at Judah, lumayo kayo sa Babilonia! Tumakbo kayo upang tumakas! Huwag kayong manatili roon at mamatay kapag pinarusahan ang mga tao ng Babilonia! Iyon ang magiging oras ng paghihiganti ni Yahweh, gagawin niya sa kanila ang nararapat sa kanila.
\s5
\q
\v 7 Naging parang gintong kopa ang Babilonia sa kamay ni Yahweh, isang kopa na puno ng alak na naging dahilan ng pagkalasing ng mga tao sa buong mundo na uminom ng kaunti mula rito. Parang uminom ang lahat ng pinuno ng mga bansa ng alak mula sa Babilonia, at ito ang dahilan upang sila ay mabaliw.
\q
\v 8 Ngunit biglang malulupig ang Babilonia. Tumangis para sa mga tao nito! Bigyan sila ng gamot para sa kanilang mga sugat, marahil sila ay gumaling.
\s5
\q
\v 9 Sinubukan naming mga banyaga na pagalingin sila, ngunit hindi na sila gagaling ngayon. Kaya hindi na namin sila susubukang tulungan, pababayaan namin sila at babalik kami sa sarili naming mga lupain, dahil parang umabot na sa mga ulap sa langit ang parusang kanilang tinatanggap, napakatindi nito, na ang kinahinatnan ay walang makakasukat nito.
\q
\v 10 Pinawalang-sala tayo ni Yahweh, kaya ating ipahayag sa Jerusalem ang lahat ng ginawa ni Yahweh na ating Diyos para sa atin.
\s5
\q
\v 11 Kayong mga sundalong kaaway, hasain ninyo ang inyong mga palaso! Punuin ninyo ang inyong mga lalagyan ng palaso sa labanan, sapagkat inudyukan ni Yahweh ang inyong mga hari sa Media at Persia upang magmartsa kasama ng kanilang hukbo patungo sa Babilonia upang wasakin ito. Ganyan ang paghihiganti ni Yahweh sa mga banyagang pumasok sa kaniyang templo sa Jerusalem at niyurakan ito.
\q
\v 12 Itaas ang pandigmang bandila malapit sa mga pader ng Babilonia! Palakasin ang mga bantay at sabihin sa mga tagabantay na tumayo sa kanilang mga pwesto! Humanda para sa pagtambang, sapagkat tatapusin ni Yahweh ang lahat ng kaniyang planong gawin sa mga tao ng Babilonia.
\s5
\q
\v 13 Malapit sa dakilang Ilog Euphrates ang lungsod ng Babilonia, isang lungsod kung saan maraming mga taong mayayaman, ngunit ito na ang oras upang tapusin ang Babilonia, natapos na ang oras ng pananatili ng lungsod.
\q
\v 14 Taos-pusong ipinangako ni Yahweh, ang pinuno ng hukbo ng mga anghel, gamit ang sarili niyang pangalan, "Mapupuno ng iyong kaaway ang iyong lungsod, ako ang magiging dahilan ng kanilang pagiging tulad ng mga namumutiktik na balang, at matagumpay silang sisigaw kapag nasakop nila ang iyong lungsod.
\s5
\q
\v 15 Nilikha ni Yahweh ang mundo sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan, itinatag niya ito sa kaniyang karunungan, at pinalawak niya ang himpapawid sa kaniyang pang-unawa.
\q
\v 16 Kapag nagsalita siya nang malakas, mayroong pagkulog sa himpapawid, binubuo niya ang mga ulap sa bawat bahagi ng mundo. Nagpapadala siya ng kidlat kasama ng ulan at pinapakawalan niya ang hangin mula sa kaniyang mga imbakan.
\s5
\q
\v 17 Walang pag-iisip ang mga tao na tulad ng isang mabangis na hayop, at napakaliit lamang ng kanilang kaalaman, palaging bigo ang mga gumagawa ng diyus-diyosan dahil walang nagagawa ang kanilang mga diyus-diyosan para sa kanila. Hindi tunay na Diyos ang kanilang mga ginagawang imahe, wala silang buhay.
\q
\v 18 Walang halaga ang mga diyus-diyosan, karapat-dapat silang pagtawanan, mayroong oras na mawawasak silang lahat.
\q
\v 19 Ngunit hindi katulad ng mga diyus-diyosang iyon ang Diyos ng Israel, siya ang gumawa ng lahat ng bagay na mayroon, pag-aari niya tayo, tayo na tribo ng Israel, Yahweh ang kaniyang pangalan, Pinuno ng hukbo ng mga anghel.
\s5
\q1
\v 20 Ito ang sinasabi ni Yahweh sa mga kawal ng Babilonia, "Katulad kayo ng aking mga sandata sa digmaan at pamukpok sa labanan, sa pamamagitan ng iyong kapangyarihan, dudurugin ko ang mga bansa at wawasakin ang maraming mga kaharian.
\q1
\v 21 Sa pamamagitan ng iyong kapangyarihan, babasagin ko ang mga hukbo ng mga bansa, wawasakin ko ang kanilang mga kabayo at mga nakasakay sa mga ito, ang kanilang mga karwahe at ang mga nagmamaneho sa mga ito."
\s5
\q1
\v 22 Sa pamamagitan ng iyong kapangyarihan, dudurugin ko ang mga lalaki at babae, mga matatanda at mga bata, mga kabataang lalaki at babae.
\q1
\v 23 Sa pamamagitan ng iyong kapangyarihan, dudurugin ko ang mga nagpapastol at ang kanilang mga kawan ng tupa, mga magsasaka at kanilang mga baka, mga gobernador at kanilang mga opisyal.
\s5
\q
\v 24 Ngunit sinasabi rin ni Yahweh, "Sandali na lamang, pagbabayarin ko kayong mga tao sa Babilonia at lahat ng natitira sa Babilonia para sa mga masasamang bagay na ginawa ninyo sa Jerusalem."
\s5
\q
\v 25 Katulad ng isang malaking bundok ang Babilonia kung saan bumababa ang mga tulisan upang manloob sa mga tao sa buong mundo. Ngunit akong si Yahweh, ang kaaway ninyong mga tao sa Babilonia. Itataas ko ang aking kamao upang suntukin ka. Pababagsakin kita sa mga bangin at gagawin na lamang kitang isang malaking tumpok ng mga durog na bato.
\q
\v 26 Pababayaan ang iyong lungsod magpakailanman, maging ang mga bato sa iyong lungsod ay hindi na gagamitin kailanman sa paggawa ng mga gusali. Ganap na mawawasak ang iyong lungsod."
\s5
\q
\v 27 Sabihin ninyo sa mga bansa na itaas ang bandilang pandigma! Sabihin sa kanila na hipan ang kanilang mga trumpeta sa digmaan! Tipunin ang mga kawal upang labanan ang Babilonia! Ihanda ang mga bansa upang salakayin ang Babilonia. Ipatawag ang mga hukbo ng mga kaharian sa hilaga ng Babilonia—mula sa Ararat, Minni at Askenaz. Magtalaga kayo ng Pinuno ng Kawal para sa kanila, at magdala ng malaking bilang ng mga kabayo, magiging katulad ng namumutiktik na balang ang laki ng bilang na iyon.
\q
\v 28 Ihanda ang mga kawal ng mga ibang bansa, ang mga hukbo na pamumunuan ng mga hari ng Media at Persia, ang kanilang mga gobernador at mga opisyal.
\s5
\q
\v 29 Kapag sinalakay nila ang Babilonia, parang mayayanig at mamimilipit sa sakit ang mundo at mamimilipit sa sakit, dahil isasakatuparan ng mga hukbong iyon ang lahat ng planong gawin ni Yahweh sa Babilonia— ang tuluyan itong wasakin, na ang resulta ay wala nang maninirahan pang muli doon.
\s5
\q
\v 30 Kapag sumalakay ang kanilang mga kaaway, hindi lalaban ang mga pinakamalalakas na mandirigma ng Babilonia. Mananatili sila sa kanilang mga kuwartel na walang anumang lakas. Magiging mahina ang kanilang loob na tulad ng mga babae. Susunugin ng mga sundalong kaaway ang mga gusali sa lungsod at dudurugin nang pira-piraso ang mga rehas ng tarangkahan ng lungsod.
\q
\v 31 Mabilis na pupunta ang mga mensahero, isa pagkatapos ng isa, upang sabihin sa hari na nabihag na ang kaniyang lungsod.
\q
\v 32 Haharangan ang mga lugar kung saan maaaring dumaan ang mga tao patungo sa kabilang dako upang tumakas. Susunugin ang mga tuyong tambo at masisindak ang mga sundalo ng Babilonia.
\s5
\q
\v 33 Ito ang sinasabi ni Yahweh, Pinuno ng mga hukbong anghel, na sinasamba ng Israel, "Katulad ang Babilonia ng butil sa lupa kung saan magigiik sila sa pamamagitan ng mga tumatapak na hayop dito. Hindi magtatagal at tatapakan na ng kanilang mga kaaway ang lungsod ng Babilonia."
\s5
\q
\v 34 Tayong mga Israelita ay nilusob at dinurog ng mga hukbo ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia, at walang natirang lakas sa atin. Para bang nilamon tayo ng isang malaking halimaw at nabusog ang tiyan nito sa lahat ng masasarap nating bahagi at isinuka ang mga hindi nito nagustuhan.
\q
\v 35 Kaya sinasabi ng mga tao ng Jerusalem kay Yahweh, "Parusahan mo ang mga tao ng Babilonia katulad ng ginawa nilang pagpaparusa sa amin! Parusahan mo ang mga tao ng Babilonia sa pagpatay sa mga tao namin!"
\s5
\q
\v 36 At ito ang tugon ni Yahweh sa mga tao ng Jerusalem, "Magiging katulad ako ng abogado upang ipagtanggol kayo, at ipaghihiganti ko kayo. Tutuyuin ko ang ilog ng Babilonia at lahat ng mga bukal ng tubig.
\q
\v 37 Magiging bunton ng pagkawasak ang Babilonia, isang lugar kung saan naninirahan ang mga asong-gubat. Magiging lugar ito na kasisindakan ng mga tao at pagtatawanan, magiging lugar ito na walang nakatira.
\s5
\q
\v 38 Aatungal ang mga tao sa Babilonia na katulad ng mga batang leon, uungol sila na tulad ng mga batang leon.
\q
\v 39 Ngunit habang gutom na gutom sila, maghahanda ako ng kakaibang piging para sa kanila. Paiinumin ko sila ng alak hanggang sa labis silang malasing, na ang kahihinatnan ay makakatulog sila. Ngunit hindi na sila kailanman magigising mula sa pagkakatulog!
\q
\v 40 Dadalhin ko sila sa isang lugar kung saan papatayin sila, katulad ng pagdala ng isang tao sa mga kordero o tupa o kambing kung saan kakatayin ang mga ito bilang handog.
\s5
\q
\v 41 Pinaparangalan ngayon ng buong mundo ang Babilonia, sinasabi nila na ito ay dakilang lungsod. Ngunit magiging lugar ito kung saan masisindak ang mga tao sa lahat ng mga bansa.
\q
\v 42 Sasakluban ito ng mga kaaway ng Babilonia na katulad ng malalaking alon sa dagat.
\s5
\q
\v 43 Magiging katatakutan ang mga bayan sa Babilonia, isang tuyo at ilang na kapatagan, at magiging lupain ito na walang nakatira at walang sinuman ang dadaan dito.
\q
\v 44 At parurusahan ko si Bel, ang diyos na sinasamba ng mga tao sa Babilonia, at ipababalik ko sa mga tao ang kanilang mga ninakaw. Hindi na muli pang pupunta ang mga tao upang sambahin si Bel. At guguho ang mga pader ng Babilonia."
\s5
\q
\v 45 Sinasabi pa ni Yahweh, "Mga tao ko, umalis kayo sa Babilonia! Tumakas na kayo! Tumakbo na kayo, sapagkat Ako, si Yahweh sukdulan na ang aking galit sa mga tao ng Babilonia, at palalayasin ko sila!
\q
\v 46 Huwag kayong panghinaan ng loob o matakot kapag nakarinig kayo ng mga balita tungkol sa mga nangyayari sa Babilonia. Ibabalita ng mga tao ang mga usap-usapan na tulad nito taun-taon, usap-usapan tungkol sa mga karahasang ginagawa sa lupain at mga usap-usapan tungkol sa mga pinuno na naglalaban-laban sa isa't isa.
\s5
\q
\v 47 Ngunit nalalapit na ang oras upang palayasin ko ang mga inukit na diyus-diyosan ng Babilonia. Mapapahiya ang mga tao sa buong lupain dahil sa pagkatalo, at hahandusay sa mga lansangan ang mga bangkay ng kanilang mga kawal.
\q
\v 48 Pagkatapos, magagalak ang mga anghel sa langit at ang mga tao sa mundo, dahil darating mula sa hilaga ang mga hukbo na wawasak sa Babilonia.
\q
\v 49 Katulad ng pagpatay ng mga sundalo ng Babilonia sa mga tao ng Israel at pagpatay rin sa iba pa sa buong mundo, dapat lang na mapatay din ang mga tao sa Babilonia.
\s5
\q
\v 50 Kayong mga Israelita na hindi napatay, lumabas na kayo sa Babilonia! Huwag na kayong maghintay! Kahit na kayo ay nasa lugar na malayo sa Israel, isipin ninyo si Yahweh at isipin ninyo ang Jerusalem!"
\q
\v 51 Sinasabi ng mga Israelita, "Napahiya kami. Lubusan kaming napahiya, dahil pumasok sa templo ni Yahweh ang mga banyaga at dinungisan ito."
\s5
\q
\v 52 Tumugon si Yahweh, "Totoo iyan, ngunit malapit nang dumating ang oras na wawasakin ko ang mga inukit na diyus-diyosan sa Babilonia, at mayroong mga taong masusugatan at maghihinagpis.
\q
\v 53 Kahit na pataasin pa hanggang sa kaulapan ang mga pader sa palibot ng Babilonia, at kung ang mga pader nito ay napakatibay, magpapadala ako ng mga hukbong wawasak sa lungsod. Tiyak na mangyayari iyan dahil akong si Yahweh ang nagsabi nito."
\s5
\q
\v 54 Pakinggan ninyo ang mga tao ng Babilonia na sumisigaw ng tulong! At pakinggan ang tunog ng mga bagay na winawasak sa buong Babilonia!
\q
\v 55 Wawasakin ni Yahweh ang Babilonia. Patatahimikin niya ang mga malalakas na ingay sa lungsod.
\q
\v 56 Dadaluyong ang mga hukbong kaaway laban sa lungsod na katulad ng isang malaking alon. Bibihagin nila ang mga malalakas na mandirigma ng lungsod at sisirain ang kanilang mga sandata. Mangyayari ito sapagkat Diyos si Yahweh na nagpaparusa nang makatuwiran sa kaniyang mga kaaway, parurusahan niya sila ng karapat-dapat sa kanila.
\s5
\q
\v 57 Sinasabi ni Yahweh, Pinuno ng hukbo ng mga anghel, "Lalasingin ko ang mga opisyal ng lungsod at mga matatalinong tao, mga kapitan ng hukbo at mga kawal. Makakatulog sila ngunit hindi na sila magigising pang muli!"
\q
\v 58 Sinasabi pa ni Yahweh na Pinuno ng mga hukbo ng anghel, "Mayuyupi sa lupa ang mga makakapal na pader sa palibot ng Babilonia. Masusunog ang mga tarangkahan ng lungsod. Magtatrabaho nang maigi ang mga tao mula sa ibang mga bansa, ngunit wala itong kabuluhan, sapagkat masusunog sa apoy ang lahat ng kanilang mga itinayo."
\s5
\q
\v 59 Si Seraias na anak ni Nerias at apo ni Maasias ay mahalagang lingkod ni Haring Zedekias. Nang namumuno si Zedekias sa Judah sa loob ng halos apat na taon, binigyan siya ni propetang Jeremias ng isang mensahe. Ito ay noong papunta si Seraias sa Babilonia na kasama ang hari.
\v 60 Isinulat ngayon ni Jeremias sa isang kasulatang binalumbon ang listahan ng lahat ng tungkol sa mga sakuna na malapit nang mangyari sa Babilonia.
\s5
\v 61 Sinabi ni Jeremias kay Seraias, "Pagdating mo sa Babilonia, basahin mo nang malakas ang lahat ng mga isinulat ko sa kasulatang binalumbon na ito.
\v 62 Pagkatapos, manalangin ka,' Yahweh, sinabi mong lubusan mong wawasakin ang Babilonia, na ang kahihinatnan ay hindi na kailanman maninirahan doon ang mga tao at hayop. Sinabi mong mapapabayaan ito magpakailanman.'
\s5
\v 63 At kapag natapos mo nang basahin kung ano ang nakasulat sa sulatang binalumbon, itali mo ito sa mabigat na bato at ihagis ito sa Ilog Euprates.
\v 64 Pagkatapos ay sabihin mo, 'Sa parehong paraan, mawawala at hindi na muling mabubuhay ang Babilonia at mga tao nito dahil sa mga sakunang dadalhin ni Yahweh dito.'" Ito ang katapusan ng mga mensahe ni Jeremias.
\s5
\c 52
\p
\v 1 Dalawampu't isang taon si Zedekias nang maging hari siya ng Juda. Naghari siya ng labing-isang taon sa Jerusalem. Hamutal ang pangalan ng kaniyang ina, na anak ni Jeremias na mula sa Libna.
\q
\v 2 Gumawa si Zedekias ng maraming mga masasamang bagay sabi ni Yahweh, katulad ng ginawa ng kaniyang amang si Jehoiakin.
\q
\v 3 Naganap ang mga pangyayaring inilalarawan dito dahil nagalit si Yahweh sa mga tao sa Jerusalem at sa mga iba pang lugar sa Juda hanggang sa ipatapon sila at sinabi niyang wala na siyang ninanais gawin sa kanila kailanman. Pagkatapos naghimagsik si Zedekias laban sa hari ng Babilonia.
\s5
\q
\v 4 Kaya sa ika sampung araw ng ikasampung buwan, nang namumuno si Zedekias ng halos siyam na taon, pinangunahan ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia ang kaniyang buong mga kawal upang lusubin ang Jerusalem. Napapaligigiran nila ang lungsod at nagtayo ng mga rampa pataas sa lungsod at sa mga pader upang malusob nila ang lungsod.
\q
\v 5 Patuloy nilang pinalibutan ang Jerusalem hanggang sa labing isang taon ng pamumuno ni Zedikias.
\s5
\q
\v 6 Nang si Zedekias ng halos sa ika labing isang taon ng kaniyang pamumuno, sa ika siyam na araw sa ika apat na buwan ng taon ding iyon, naging malubha ang taggutom sa lungsod at wala ng pagkain ang makakain ng mga tao.
\q
\v 7 Pagkatapos winasak ng mga kawal ng Babilonia ang ilang bahagi ng pader ng lungsod, at tumakas ang lahat ng mga Israelitang kawal. Ngunit dahil ang lungsod ay napapalibutan ng mga kawal mula sa Babilonia, Naghintay si Zedekias at ang mga kawal na Israelita hanggang sa dumilim. Pagkatapos, tumakas sila mula sa lungsod sa pamamagitan ng pagdaan sa tarangkahan sa pagitan ng mga pader sa likod ng hardin ng hari. Pagkatapos tumakbo sila sa kapatagan ng Jordan.
\q
\v 8 Ngunit patuloy na hinabol ng mga kawal ng Babilonia si haring Zedekias at nahuli siya sa kapatagan ng Jericho. Mag-isa siya dahil iniwan siya ng lahat ng kaniyang mga tauhan at nagkawatakwatak sila.
\s5
\q
\v 9 Hinuli siya ng mga kawal ng Babilonia at dinala sa hari ng Babilonia, na nasa Ribla sa Rehiyon ng Samat. Doon sinabi ng hari ng Babilonia sa kaniyang mga kawal ang dapat nilang gawin na parusahan kay Zedekias.
\q1
\v 10 Pinilit nila si Zedekias na makitang pinapatay sa kaniyang harapan ang kaniyang mga anak at ang iba pang mga opisyal na nagmula sa Juda.
\q1
\v 11 Pagkatapos dinukot nila ang mga mata ni Zedekias. Ginapos nila siya ng tanikalang tanso at dinala siya sa Babilonia. Inilagay siya sa kulungan, nanatili siya doon hanggang sa araw na mamatay siya.
\s5
\q1
\v 12 Sa ika sampung araw sa ika limang buwan ng taong iyon, nang namuno na si haring Nebucadnezar ng halos labing siyam na taon, si Nebuzaradan ang kapitan ng mga bantay ng hari at isa sa mga opisyal ng hari ay dumating sa Jerusalem.
\q1
\v 13 Ipinag-utos niya sa kaniyang mga kawal na sunugin ang templo ni Yahweh, ang palasyo ng hari, at ang lahat ng mga sambahayan sa Jerusalem. Winasak din nila ang lahat ng mga mahahalagang gusali sa lungsod.
\q1
\v 14 At pinangunahan niya ang mga kawal mula sa Babilonia habang pinapabagsak nila ang lahat ng mga pader sa gilid ng Jerusalem.
\s5
\q1
\v 15 At pinilit ni Nebuzaradan ang ilan sa mga pinakamahihirap na mga tao na magtungo sa Babilonia, ang mga Israelita na nagsabing tutulong sa hari ng Babilonia, at mga ilang manggagawa at ang iba pang mga taong naiwan sa Jerusalem.
\v 16 Ngunit pinahintulutan ni Nebuzaradan ang ilan sa mga pinakamahirap na mga tao na manatili sa Juda upang mag-alaga sa ubasan at mga bukirin.
\s5
\p
\v 17 Winasak at pinagpira-piraso ng mga kawal mula sa Babilonia ang mga malalaking haliging tanso na nasa harapan ng templo, at ang malaking tangke ng tubig na tanso, at ang sampung kariton ng tubig, at dinala nila ang lahat ng mga tanso sa Babilonia.
\v 18 Kinuha rin nila ang mga palanggana na pinaglalagyan ng mga abo mula sa mga sinunog na handog, ang mga pala na panlinis sa mga abo, ang mga kagamitan upang higupin ang mga mitsa ng mga ilawan, ang palanggana na pinaglalagyan ng dugo ng mga iniaalay na mga hayop, ang mga pinggan para sa ensenso, at lahat ng iba pang mga tanso na ginagamit kapag nagsasagawa sila ng paghahandog sa templo.
\v 19 Sinabi rin ni Nebuzaradan sa kaniyang mga kawal na alisin ang maliliit na mangkok, ang mga pinggan para sa pagsusunog ng ensenso, ang mga palanggana, mga paso, mga kalendero, ang mga mangkok na ginagamit sa pagbuhos ng handog na alak. Kinuha nila ang lahat ng mga bagay na gawa sa purong ginto o pilak.
\s5
\v 20 Ang tanso mula sa dalawang poste, ang malaking tangke ng tubig at ang labindalawang statwa ng baka na nasa ilalim nito, at ang mga kariton ng tubig, na higit sa kaya nila ang timbang. Ginawa ang mga bagay na ito sa panahong si Solomon ang hari.
\v 21 Ang bawat haligi ay nasa 27 na talampakan ang taas at 18 talampakan paikot ang bawat isa. Ngunit walang laman sa loob at may kapal na 3 pulgada palibot.
\s5
\v 22 Ang ibabaw ng tanso sa itaas ng bawat poste na may pito at kalahating talampakan ang taas at may mga palamuting nakapalibot na tanso na anyo at hugis na naglalarawan sa granada na prutas.
\v 23 Mayroong kabuuang 100 na anyo ng granada sa ibabaw, na nasa 96 ang makikita mula sa lupa.
\s5
\p
\v 24 Nang bumalik si Nebuzaradan sa Babilonia, kinuha niyang bihag si Seraias ang pinaka punong pari, si Zepanaias na kinatawan ni Seraias, at ang tatlong kalalakihan na nagbabantay sa pasukan ng templo.
\v 25 Nahuli din niya ang ilang mga tao na nagtatago sa lungsod. Kaya mula sa kanila, kumuha siya ng pinunong tagapag-utos sa mga hukbo ng Juda, ang pito sa mga tagapayo ng hari, ang tagapagtala ng pinuno ng hukbo na mamamahala sa pagkuha ng mga kawal para sa hukbo, at animnapung mga kawal.
\s5
\v 26 Kinuha silang lahat ni Nebuzaradan at dinala sa hari ng Babilonia, na nanatili sa Ribla.
\v 27 Iniutos ng hari ng Babilonia na doon sila sa Ribla sa rehiyon ng Hamat pupugutan. Marami sa mga tao ng Juda ang napilitang iwanan ang kanilang sariling lupain.
\s5
\p
\v 28 Nasa 3,023 ang bilang ng mga taong nabihag at dinala sa Babilonia sa panahong iyon nang namumuno na si Nebucadnezar ang namuno ng halos pitong taon.
\p
\v 29 Pagkatapos, nang halos labing walong taon na ng kaniyang pamumuno, kinuha ng kaniyang mga kawal ang 832 na higit mula sa Jerusalem at dinala sa Babilonia.
\p
\v 30 Nang namuno siya ng halos dalawampu't tatlong taon, inutusan niyang muli si Nebuzaradan sa Jerusalem at nagsama siya ng 745 na mga Israelita patungong Babilonia. Nasa kabuuang 4,600 na mga Israelita ang dinala sa Babilonia.
\s5
\p
\v 31 Ng halos tatlumput pitong taon na nasa kulungan ng Babilonia si Haring Jehoiakin na hari ng Juda, si Evil-merodac ang naging hari ng Babilonia. Mabait siya kay Jehoiakin at ipinag- utos na palayain siya mula sa bilangguan. Nangyari iyon sa ikadalawampu at limang araw ng ika labindalawang buwan ng taon na si Evil-merodac ang naging hari.
\s5
\v 32 Patuloy siyang nakikipag usap ng may kabaitan kay Jehoiakin at inilagay siya sa katungkulang iginalang siya ng mas higit sa lahat ng ibang mga hari na naipatapon sa Babilonia.
\v 33 Binigyan niya ng mga bagong damit si Jehoiakin upang palitan ang kaniyang kasuotan sa bilangguan. Pinahintulutan rin niya si Jehoiakin na kumaing kasama niya araw-araw sa mga natitirang araw ng kaniyang buhay.
\v 34 Araw-araw, ang hari ng Babilonia ay binibigyan siya ng pera upang mabili ang mga bagay na kaniyang pangangailangan. Nagpatuloy ito hanggang sa araw ng kamatayan ni Jehoiakin.