tl_udb/20-PRO.usfm

2749 lines
146 KiB
Plaintext

\id PRO
\ide UTF-8
\h Mga Kawikaan
\toc1 Mga Kawikaan
\toc2 Mga Kawikaan
\toc3 pro
\mt Mga Kawikaan
\s5
\c 1
\p
\v 1 Ito ang mga kasabihan na naghahambing ng isang halimbawa sa iba, upang magturo ng mga mabubuting aral at upang gawing marunong ang mga tao, mula kay Solomon na hari ng Israel, na siyang anak ni David.
\p
\v 2 Ang layunin ng mga kasabihang ito ay upang magturo ng kahulugan ng karunungan at magbigay ng halimbawa sa mabuting tagubilin, upang maaari kang gabayan ng matalinong katuruan.
\p
\v 3 Ang mga kasabihang ito ay naghahandog ng pagwawasto upang ikaw ay mamuhay sa karunungan, sa pamamagitan ng panukat ng kung ano ang tama, kung ano ang makatarungan at kung ano ang patas.
\s5
\p
\v 4 Sila ay nagbibigay ng matalinong katuruan sa mga walang karanasan at upang turuan silang mga hindi alam kung paano mamuhay ng mabuting buhay, at upang magbigay ng kaalaman sa kabataan na kanilang kailangan at upang turuan sila ng pang-unawa na wala sa kanila ---
\p
\v 5 upang maaaring makinig ang marunong sa mga kasabihang ito at madagdagan ang kanilang pagkatuto, at silang mayroon nang kaunawaan ay magkakamit ng mas maraming paraan upang magturo sa mga tao kung paano sila dapat mamuhay ---
\p
\v 6 naunawaan nila ang mga aral ng kawikaan at kahulugan ng mga talinghaga, narinig nila ang mga salitang sinabi ng matalino, at ang mahirap na mga palaisipan ay tuturuan sila ng isang aral.
\s5
\q1
\v 7 Dapat mong simulan ang paghahanap sa kaalaman sa pamamagitan ng pagbibigay parangal at paggalang kay Yahweh, ang isang hangal na hindi pinapangaralan ang kaniyang sarili ay kinasusuklaman ang karunungan at nakikipaglaban sa nagtutuwid sa kaniya.
\p
\v 8 Aking anak, ikaw ay makinig kapag ang iyong ama ay nagtuturo sa iyo at huwag sumuway sa mga patakaran na itinala ng iyong ina.
\p
\v 9 Ang kanilang katuruan ay isang korona sa iyong ulo, at magandang mga kuwintas sa iyong leeg, iyon ang walang kasinghalagang mga regalo mula sa iyong mga magulang.
\s5
\p
\v 10 Aking anak, kapag ang mga makasalanan ay sinubukan kang akitin sa kanilang kasalanan gamit ang kanilang malambing na pananalita at pang-uuto, huwag kang makinig sa sasabihin nila at huwag sumunod sa kanila.
\p
\v 11 Maaari nilang sabihin, "Sumama ka sa amin! Sumali ka sa amin! Tayo ay magtatago sa paghihintay at kukunin natin ang buhay ng mga dumadaan. Itatago natin ang ating sarili at tayo ay babangon at sasalakay sa taong walang ginawang mali sa atin --- iyon ang ating paglilibangan.
\s5
\q1
\v 12 Katulad ng libingan na may kapangyarihan na kunin kahit ang isang malusog na tao at kaladkarin sila sa lugar ng mga patay, kukunin natin ang kanilang buhay mula sa kanila. Gagawin natin silang katulad sa mga nalaglag sa lugar kung saan doon ay walang pag-asang makatakas.
\q1
\v 13 Makakakita tayo ng maraming mahahalaga at mamahaling mga bagay, at pupunuin ang ating mga bahay ng mga bagay na ninakaw natin sa kanila!
\p
\v 14 Kaya, halika, maging kabilang ka ng aming koponan! Tayo ay maghahati ng pantay na pagbabahagi, at ibibigay sa bawat miyembro ng ating koponan mula sa lahat ng mga bagay na ating ninakaw."
\s5
\p
\v 15 Aking anak, huwag kang lumakad sa daan kasama nila! Huwag mong ilagay ang iyong paa sa kaparehong landas na kanilang nilakaran!
\p
\v 16 Sila ay pumunta sa mga lugar kung saan sila ay gumagawa ng mga nakakakilabot na mga bagay, sila ay nagmamadali para sila ay makagawa ng pagpatay.
\p
\v 17 Walang silbi ang paglalagay ng lambat upang hulihin ang ibon habang ang ibon ay pinapanood ka.
\s5
\p
\v 18 Ang mga lalaking ito ay gumagawa ng mga plano na bumabaliktad para sila ang mapatay. Sila ay gumawa ng bitag at ang bitag ang huhuli sa kanila.
\p
\v 19 Ito ang mga paraan ng lahat ng nakinabang sa kanilang mga kayamanan sa pamamagitan ng pagnanakaw at panlilinlang; ang mga bagay na kanilang ninakaw ang sisira sa mga magnanakaw na kakapit sa kanila.
\s5
\p
\v 20 Ang Karunungan ay katulad ng isang babae na humihiyaw sa lansangan. Ang Karunungan ay tumatawag sa mga tao sa liwasan.
\p
\v 21 Sa abalang sangang-daan siya ay humihiyaw sa pasukan ng mga lungsod.
\p
\v 22 Siya ay humiyaw, "Kayong hindi pa natuturuan, gaano katagal ninyo yayakapin ang udyok na gawin ang makakasakit sa inyo? Gaano katagal ninyo iisipin na mas maalam kayo kaysa sa matalino, na mas nagagalak kayo sa kakaunti ninyong nalalaman? Gaano katagal kayong mga hangal ay tatanggi na matuto?
\s5
\q
\v 23 Kung bibigyan ninyo ako ng pansin kapag kayo ay itatama, sasabihin ko sa inyo ang lahat ng aking iniisip. Tutulungan ko kayo na maintindihan ang sasabihin ko sa inyo.
\p
\v 24 Ngunit nang ako ay tumawag sa inyo, kayo ay tumangging makinig. Kinawayan ko kayo at inabot ang aking mga kamay sa inyo, pero walang nagbigay ng kahit anong pansin.
\q
\v 25 Kayo ay tumangging makinig sa aking payo at kayo ay hindi nakinig kapag tinutuwid ko kayo.
\s5
\p
\v 26 Tatawanan ko kayo kapag nakakaranas kayo ng kaguluhan, kapag kayo ay lubha ng natatakot, Ako ay may paghamak sa inyo at walang kahabagan.
\p
\v 27 Kapag ang kahirapan ay humampas sa inyo katulad ng isang malakas na bagyo, at ang sakuna ay tumama sa inyo katulad ng isang mapaminsalang hangin, kapag kayo ay nakaranas ng kalungkutan at kayo ay tumahak sa mga paghihirap, Ako ay may paghamak sa inyo.
\s5
\p
\v 28 Kapag ako ay tinawag ng mga tao para tulungan sila, hindi ako sasagot sa kanila. Magiging desperado sila para sa aking tulong, at sila ay maghahanap sa lahat ng dako para sa akin, pero hindi nila ako makikita.
\p
\v 29 Tinanggihan nila ang aking sinasabi at kinasusuklaman nila ang aking nalalaman at piliin nilang huwag magpakita ng paggalang kay Yahweh.
\p
\v 30 Hindi nila susundin ang aking sinabi sa kanila, at sila ay hindi nagbibigay ng pansin kapag sinusubukan kong ituwid sila.
\s5
\p
\v 31 Kaya mararanasan nila ang kahihinatnan ng kanilang mga kilos kapag isinigawa nila ang kanilang masamang mga plano.
\p
\v 32 Ang mga hindi naturuan ng karunungan ay mangmang. Ang mga hangal ay piniling huwag gumawa ng pasya sa anumang bagay, ngunit ang sigurado dito: ang kanilang maling pagpapasya ang sisira sa kanilang mga buhay.
\p
\v 33 Pero ang mga nagbigay pansin sa akin ay mamumuhay sa kapayapaan at kaligtasan, at sila ay magpapahinga at hindi matatakot sa kahit anong sakuna na maaaring dumating."
\s5
\c 2
\p
\v 1 Aking anak, pakinggan ang aking sasabihin, at isaalang-alang ang aking mga utos na kasing-halaga ng isang kayamanan.
\p
\v 2 Bigyang pansin ang karunungan at sikaping maunawaan kung ano ang katalinuhan.
\s5
\q
\v 3 Tumawag kay Yahweh para magkaroon ka ng pang-unawa, magsumamo ka sa kanya para matulungan kang mas higit na maintindihan ang mga gusto niyang malaman mo.
\p
\v 4 Pagsikapang mabuti ang karunungan, tulad ng pilak— kagaya ng pagnanais mong makahanap ng kayamanan na itinago.
\p
\v 5 Kung gagawin mo iyon, mauunawaan mo kung paano magbigay ng nararapat na paggalang kay Yahweh, at magtatagumpay ka sa pagkakakilala sa Diyos.
\s5
\p
\v 6 Si Yahweh ang siyang nagbibigay sa atin ng karunungan. Siya ang nagsasabi ng mga bagay na dapat nating malaman at maunawaan.
\q
\v 7 Nag-iipon siya ng mga mabubuting payo para maibigay niya ito sa kanila na nagbibigay sa kanya ng karangalan sa pamamagitan ng kanilang pamumuhay. Pinangangalagaan niya ang mga taong ipinapamuhay kung ano ang kanilang mga sinasabi.
\p
\v 8 Binabantayan niya ang katarungan at kumikilos para makita na ito ay naipatupad, at sinusubaybayan niya ang mga taong tapat sa kanya.
\s5
\q
\v 9 Mauunawaan mo kung ano ang nakikita ni Yahweh na tama at kung ano ang tinutukoy ni Yahweh na makatarungang gawin, at ipapakita niya sa iyo ang pinakamahusay na paraan para mabuhay.
\p
\v 10 Pupunuin ng karunungan ang iyong buhay; Magagalak ka kung malalaman mo ang nais ni Yahweh na gawin mo.
\s5
\p
\v 11 Matututunan mong tukuyin ang pagkaka-iba ng tama at mali at iyon ay pananatilihin kang ligtas.
\p
\v 12 Hindi mo gagawin ang ipinagbabawal ni Yahweh, at lalayo ka sa mga taong nag-iisip ng mga kakila-kilabot na mga bagay at pag-usapan sila.
\p
\v 13 Sila ay pumupunta sa maling landas, at sila ay lumalakad kung saan walang liwanag.
\s5
\p
\v 14 Sila ay masaya sa paggawa ng mali, ginagawa nilang mabuti ang masama at sila ay natutuwa sa mga bagay na alam nilang mali.
\p
\v 15 Binabaluktot nila ang katotohanan at nabubuhay sila sa panlilinlang at ang kanilang mga kasinungalingan ang nagtatago kung ano ang kanilang mga nagawa..
\s5
\p
\v 16 Ang karunungan ang mag-iingat sa iyo mula sa mapangalunyang babae, at hindi mo bibigyang pansin ang pag-aanyaya na ikaw ay kanyang makapiling.
\p
\v 17 Iniwan ng mga babaeng ito ang kanilang mga asawang pinakasalan noong sila ay mga bata pa, nakalimutan nila ang pangako nila sa Diyos na mamahalin lamang ang kanilang pinakasalan.
\s5
\p
\v 18 Ang kanyang tahanan ay templo ng kamatayan at lugar kung saan sinamba ang kamatayan, dahil sa kanyang ginagawa, inaakay ang mga tao sa kamatayan.
\p
\v 19 Ang sumiping sa kanya ay wala nang paraan para makalabas sa kanyang bahay, sila ay maliligaw at hindi na matatagpuan kailanman ang landas pabalik sa buhay.
\s5
\q
\v 20 Dapat kang mamuhay na kagaya ng pamumuhay ng mga mabubuting tao. Dapat mong gawin ang mga bagay tulad ng mga gumagawa ng kung ano ang tama.
\p
\v 21 Ang mabuting tao ay tatanggap ng lupain bilang handog mula kay Yahweh, at ang mga tapat sa pangako nila ang mananatili sa lupain ng mahabang panahon.
\p
\v 22 Ang mga gumagawa ng masasama ay walang karapatan sa lupaing ito, at ang mga taong mapagsamantala sa iba at walang isang salita, hindi kailanman sila magkakaroon ng bahagi ng lupain.
\s5
\c 3
\p
\v 1 Aking anak, huwag kalimutan ang mga aral na itinuro ko sa iyo. Isapuso mo ang aking mga utos, bilang mahalagang gabay sa kung paano ka mamumuhay,
\p
\v 2 dahil tutulungan ka ng mga ito na mabuhay nang matagal, na masusukat sa mga araw o mga taon, at ang mga ito ay magdadala sa iyo ng kapayapaan karagdagan sa lahat ng mga aral na itinuro nila sa iyo.
\s5
\p
\v 3 Pakitunguhan ang iba nang magiliw at laging magsalita ng katotohanan sa kanila. Hayaan ang kagiliwan at katotohanan na gabayan ka sa bawat relasyon, na parang pareho silang nasa kwintas na suot mo, isang kwintas na gumagabay sa iyo sa lahat ng sasabihin mo.
\p
\v 4 At mararanasan mo ang galak ng Diyos sa iyo, at kagigiliwan ka rin ng mga tao.
\s5
\p
\v 5 Ilagay ang lahat ng iyong tiwala kay Yahweh, at huwag gagawa ng anuman dahil napagpasyahan mo na kung ano ang iyong dapat gawin;
\p
\v 6 pero sa bawat pagpili at desisyon, tumingin kay Yahweh, at ipapakita niya sayo kung paano ka dapat mamuhay.
\s5
\p
\v 7 Huwag mong isipin na ikaw ay sapat ng marunong para pamahalaan ang iyong buhay, ibigay kay Yahweh ang paggalang na karapat-dapat sa kaniya, at kapag ikaw ay inanyayahan ng masama, lumayo ka mula rito.
\p
\v 8 Ang pagbibigay ng paggalang kay Yahweh ay gagawing malusog ang iyong katawan at bibigyan ng pagkain na kailangan nito ang iyong mga buto.
\s5
\p
\v 9 Kapag nagtamo ka ng pera, parangalan si Yahweh sa pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng ikapu; ibigay sa kaniya ang unang bahagi ng kung ano ang iyong natanggap, bilang pag-alaala na ang lahat ng ito ay galing sa kaniya.
\p
\v 10 Kung pararangalan mo si Yahweh, ang iyong mga kamalig ay labis na mapupuno at ang mga ito ay mag-uumapaw, at ang iyong mga bariles ay bubulwak ng lahat nang mga alak na iyong ginawa.
\s5
\p
\v 11 Anak ko, huwag mong kapootan ang pagtutuwid ni Yahweh, at kapag sinasaway ka niya, huwag kang maghinanakit dito,
\p
\v 12 dahil tinutuwid lamang ni Yahweh ang kaniyang mga minamahal, katulad lamang ng kung papaanong itinutuwid ng mga magulang ang mga anak na kanilang minamahal.
\s5
\p
\v 13 Ang mga nakakakuha ng karunungan ay mapalad, kasama niya, sila ay makakakuha rin ng pang-unawa.
\p
\v 14 Ang karunungan ay nagbibigay sa iyo ng mas mabuting pakinabang kaysa sa pag-aari ng pilak, at siya ay magbibigay sa iyo ng isang bagay na mas mahalaga kaysa sa ginto.
\s5
\q
\v 15 Ang pagiging marunong ay higit na mahalaga kaysa sa mga hiyas at wala sa iyong ninanais ang kasinghalaga ng karunungan.
\p
\v 16 Kaya kang gawin ng karunungan na makapamuhay ng mahabang buhay, kung gagawin mo ang mga itinuturo niya; handa rin siya na gawin kang mayaman at hikayatin ang mga tao na ikaw ay parangalan.
\s5
\p
\v 17 Ang karunungan ay kilala sa pamamagitan nang kung gaano siya kabait at aakayin ka niya palagi sa lugar kung saan makakahanap ka ng kapayapaan.
\q
\v 18 Ang karunungan ay katulad ng isang puno na ang bunga ay nagbibigay buhay sa mga kumakapit dito, at ang kumakapit dito ay binibigyan ni Yahweh ng kagalakan.
\s5
\q
\v 19 Sa pamamagitan ng kaniyang karunungan nilatag ni Yahweh ang mundo mula pa sa simula, at sa pamamagitan ng kaniyang pang-unawa nilagay niya ang lahat sa kalangitan ayon kung saan sila nararapat.
\p
\v 20 Ang pinakamalalim na bahagi ng karagatan ay bumuka ayon sa disenyo ni Yahweh, at sa parehong paraan, ginawa niya ang hamog para ito ay mahulog mula sa mga ulap sa himpapawid.
\s5
\p
\v 21 Aking anak, kumapit sa mabuting pag-iisip sa mga pasya na ginagawa mo at huwag mong aalisin ang iyong mata sa kanila.
\p
\v 22 Ang mga ito ay magbibigay buhay sa iyo, at isang tanda ng mga biyaya ni Yahweh sa iyong buhay na makikita ng mga tao sa pamamagitan ng iyong mabuting paghatol.
\s5
\p
\v 23 Ang iyong mabubuting pasya ay magdadala sa iyo kung saan ka pupunta nang ligtas at ilalayo ka nito mula sa paggawa ng maling hakbang sa daan.
\p
\v 24 Kapag hihiga ka sa pagtulog, hindi ka magkakaroon ng kahit na anong takot, at ang iyong tulog ay makapagpapanibagong sigla.
\s5
\q
\v 25 Huwag mong hayaan na balutin ka ng pagkakilabot ng isang sakuna at huwag hayaan ang masama na punuin ka ng takot kapag sila ay dumating para sa iyo.
\p
\v 26 Kakampi si Yahweh sa iyo para ikaw ay ipagtanggol, hindi niya hahayaang mahuli ka sa anumang patibong at pigilin ka.
\s5
\p
\v 27 Magbigay ng mabuting mga regalo sa mga karapat-dapat nito, kapag kaya mo, tulungan mo sila.
\p
\v 28 Huwag mong sabihin sa iyong kapwa, "Bumalik ka mamaya; siguro tutulungan kita bukas," kapag mayroon kang pera at kaya mo silang tulungan ngayon.
\s5
\q
\v 29 Huwag gumawa ng mga plano para masaktan ang sinuman na kilala mo, lalo na ang mga nakatira malapit sa iyo at nagtitiwala sa iyo.
\q
\v 30 Kung walang ginawa sa iyo ang isang tao, huwag makipagtalo sa kaniya o sabihin na may ginawa siyang isang bagay sa iyo, kung wala naman.
\s5
\p
\v 31 Huwag kainggitan ang isang taong gumagawa ng karahasan sa iba at huwag gayahin ang kahit na anong ginagawa niya.
\q
\v 32 Ang isang sinungaling na tao ay kinasusuklaman ni Yahweh dahil sa kaniyang ginawa, ngunit si Yahweh ay isang malapit na kaibigan sa kahit na sinong namumuhay ng tama.
\s5
\p
\v 33 Nangako si Yahweh ng kaparusahan sa mga pamilya ng mga gumagawa ng masasamang bagay. Pero ginagawa niyang masaya ang mga pamilya ng mabuti.
\q
\v 34 Ginagawang mangmang ni Yahweh ang mga tumatrato sa iba nang walang galang, ngunit ibinibigay niya ang kaniyang kabaitan sa mga taong mapagpakumbaba.
\s5
\q
\v 35 Ang mga marunong ay pararangalan, ngunit makikilala ang mga mangmang dahil sa kanilang kahihiyan.
\s5
\c 4
\p
\v 1 Makinig kayo, mga anak, makinig sa aking itinuturo sa inyo. Kung bibigyang pansin ninyo, matututunan ninyo ang kahulugan ng pag-unawa.
\p
\v 2 Ang mga aral na ibinigay ko sa inyo ay mabuting katuruan, ibinigay ko nang maayos. Kaya huwag kayong tumanggi na matuto ng mga aral na itinuturo ko sa inyo.
\s5
\p
\v 3 Nung maliit pa ako bilang anak na lalaki ng aking ama, at tanging anak ng aking ina,
\p
\v 4 sinabi sa akin ng aking ama, "Isaloob mo ang aking mga salita, sumunod sa mga bilin ko at magkakaroon ka ng buhay.
\s5
\p
\v 5 Panghawakan mo kung ano ang karunungan at anuman ang makakatulong na makakaunawa sa iyo, at tandaan mo ang mga aral na itinuro ko sa iyo at huwag mong itapon ang mga mabuting pananaw na sinabi ko sa iyo.
\p
\v 6 Huwag kang lumayo sa mga aral na itinuro sa iyo ng marunong, sapagkat kung ikaw ay magiging marunong, pananatilihin kang ligtas ng karunungan. Ibigin mo ang karunungan at iingatan nito ang iyong buhay.
\s5
\p
\v 7 Ang pinakamahalagang bagay na maaari mong gawin ay pag-aralan ang mga prinsipyo ng karunungan at iukol ang lahat ng mayroon ka, sa gayon ikaw ay lalo pang umunlad sa iyong pang-unawa.
\p
\v 8 Ang karunungan ay dapat iniibig kaysa sa anumang bagay na mahalaga, at ikaw ay kaniyang iaangat sa isang mataas na posisyon- at pararangalan ka ng karunungan kung ipapakita mo kung gaano mo ito kamahal.
\p
\v 9 Kapag iyong natamo ang karunungan, ito ay magiging tulad ng isang magandang korona ng karangalan sa iyong ulo; bibigyan ka niya ng isang magandang korona."
\s5
\p
\v 10 Makinig ka, aking anak, makinig ka at unawain mo kung ano ang sinasabi ko sa iyo- gawin ito at ikaw ay mabubuhay nang matagal.
\p
\v 11 Pinatnubayan kita sa paraan na dapat mong lakaran at gamitin ang karunungan na itinuro sa iyo; inakay kita patungo sa mga daan, mga tuwid na daan na siyang tamang landas para iyong daanan.
\p
\v 12 Kapag ikaw ay namumuhay, wala kang sinumang sisisihin; kung ikaw ay namumuhay sa karunungan, kung gagamitin mo ang lahat ng iyong lakas, ikaw ay magtatagumpay.
\s5
\p
\v 13 Alalahanin mo ang lahat nang itinuro sa iyo ng disiplina at huwag mo silang bibitiwan. Bantayan mo sila; dahil ang buhay mo ay ipinamumuhay mo sa pamamagitan nila.
\p
\v 14 Huwag mong gagawin kung ano ang ginagawa ng mga masasamang tao o sasama sa kanila; huwag kang sumama sa mga taong gumagawa ng masama.
\p
\v 15 Lumayo ka mula sa mga pamamaraang iyon; bumaling ka sa ibang pamamaraan at pumunta sa ibang daan.
\s5
\p
\v 16 Ang masasamang tao ay hindi matatahimik hangga't hindi sila nakagagawa ng isang bagay na sinabi ni Yahweh na hindi nila dapat gawin. Hindi sila magpapahinga hanggang sapilitan nilang maibagsak ang isang tao, isang taong gumagawa ng mabuti hanggang sila ay dumating.
\p
\v 17 Kinukuha nila ang kanilang lakas, at sila ay pinakakain sa pamamagitan ng paggawa ng mali; at sila ay nalalango sa pamamagitan ng pananakit sa iba; sila ay nalalasing dito.
\s5
\p
\v 18 Ang landas na dinadaanan ng mga gumagawa ng matuwid ay lalo pang lumiliwanag, tulad ng pagsikat ng araw sa madaling araw, at ito ay lalo pang nagniningning tulad ng liwanag ng buong araw.
\p
\v 19 Ang mga kilos ng masama ay tulad ng kadiliman- sila ay natitisod sapagkat hindi nila nakikikita kung ano ang nagpapabagsak sa kanila.
\s5
\p
\v 20 Aking anak, bigyan mo ng pansin ang mga sinasabi ko sa iyo. Bigyang pansin ang mga aral na ito na itinuturo ko sa iyo.
\p
\v 21 Patuloy mo silang basahin nang paulit-ulit at itago sila sa iyong kalooban.
\s5
\p
\v 22 Dahil nagdadala ang aking mga salita ng isang mensahe ng buhay sa mga nagbibigay pansin sa kanila, at ang kanilang mensahe ay nagdadala ng kalusugan sa buong katawan.
\p
\v 23 Ingatan mo ang iyong puso nang iyong buong lakas at bantayan mo kung ano ang iyong iniibig; bantayan ito, dahil ito ay nagiging isang bukal na umaapaw ng buhay.
\s5
\q
\v 24 Maging layunin mo na manatiling malayo sa anumang kasinungalingan, o anumang mapandayang mga salita; at alisin mo mula sa iyo ang anumang bagay na maaaring makasira sa kanilang mga mabubuting asal o masaktan sila ng mga walang saysay na mga pananalita.
\p
\v 25 Tumingin ka sa hinaharap dahil ikaw ay nakatuon sa tama at matuwid, at huwag kang liliko maging sa kanan o sa kaliwa.
\s5
\p
\v 26 Mag-ingat ka kung saan ka tutungo, at mag-ingat para sigurado na ligtas ang daan; sa gayon malalaman mo kung ano ang maaari mong asahan sa iyong daraanan.
\p
\v 27 Huwag mong lisanin ang tuwid na daan sa pamamagitan ng pagliko sa kaliwa o sa kanan, at huwag kang sumunod sa daan na hahantong sa kasamaan.
\s5
\c 5
\p
\v 1 Aking anak, matuto sa mga aral na tinuturo ko sa iyo tungkol sa karunungan. Labis kong naiintindihan ang tungkol dito, kaya makinig mabuti sa kung ano ang sasabihin ko sayo.
\p
\v 2 Kung ginagawa mo iyon, matututunan mo ang pagkakaiba sa pagitan ng kung ano ang mahalaga at ano ang hindi, at hindi mo mapaghahalo ang tunay na kaalaman sa mga pagkakamali kapag ikaw ay nagsalita.
\s5
\q
\v 3 Ang babaeng nagnanais gumawa ng pangangalunya ay nagsasabi ng mga salitang matatamis, at ang kaniyang mga halik ay madulas pa sa langis,
\q
\v 4 pero sa huli, siya ay napakapait, at hinihiwa ka niya tulad ng isang matalim na espada.
\s5
\p
\v 5 Siya ay humahakbang sa lugar ng kamatayan; kung susundan mo siya, aakayin ka niya patungo sa libingan.
\p
\v 6 Hindi niya nais tahakin ang landas na magdudulot sa kaniya na mabuhay nang mahabang panahon. Pumupunta siya dito at doon, pero kung saan siya patungo ay hindi niya alam.
\s5
\p
\v 7 Kaya ngayon, aking mga anak, bigyang pansin ang sinasabi ko, at huwag kalimutan o suwayin ang aking tagubilin.
\p
\v 8 Lumayo kayo sa imoral na babae; huwag kayong lumapit sa pinto ng kaniyang tirahan.
\s5
\p
\v 9 Kung pupunta kayo sa kaniya, mawawala ang paggalang ng iba, at ibinibigay ninyo ang inyong buhay sa isang taong hindi magkakaroon ng awa sa inyo.
\p
\v 10 Maaaring ang iba ay kukunin ang lahat ng yaman na inyong nakamtan, at mapupunta ito sa mga bahay ng mga taong hindi ninyo kilala.
\s5
\p
\v 11 At kapag kayo ay malapit nang mamatay, maghihinagpis kayo dahil ang inyong laman at katawan ay nabubulok.
\p
\v 12 Tapos ay sasabihin ninyong, "Kinamuhian ko noong ako ay pinarusahan sa paggawa ng mali; kinasuklaman ko ang mga tao noong sinabi nila sa akin kung paano mabuhay.
\s5
\p
\v 13 Hindi ako sumunod sa aking mga guro at hindi ko pinansin ang mga nagturo sa akin.
\p
\v 14 Muntik na akong masira ng mga masasamang bagay na nangyari sa akin; at nalalaman ito ng lahat ng mga sama-samang pumunta para sambahin si Yahweh."
\s5
\p
\v 15 Katulad ng iyong pag-inom ng tubig mula sa iyong sariling sisidlan, maging tapat sa iyong sariling asawa.
\p
\v 16 Hindi mo sasayangin ang iyong sariling tubig sa pagbubuhos nito sa lansangan, o hayaan ang iyong tubig na umagos sa mga pampublikong lugar.
\p
\v 17 Ang iyong tubig at asawa ay sa iyo lamang para para magpakaligaya, at hindi para ibahagi sa iba.
\s5
\p
\v 18 Nawa'y pagpalain ang iyong bukal; nawa'y maging masaya ka kasama ng babaeng pinakasalan ninyo noong kabataan ninyo.
\p
\v 19 Siya ay katulad ng isang mapagmahal at kaaya-ayang babaeng usa. Hayaang laging matugunan ng kaniyang dibdib ang iyong mga pananabik, para ikaw ay sumaya magpakailanman sa kaniyang pagmamahal.
\s5
\p
\v 20 Aking anak, bakit dapat kang mahuli sa mga bisig ng babaeng nangangalunya? Bakit mo kailangang yakapin ang dibdib ng asawa ng isa pang lalaki?
\p
\v 21 Nakikita ni Yahweh ang lahat ng ating ginagawa; walang maitatago mula sa kaniya. Nakikita niya ang bawat landas na ating tinatahak; alam niya kung saan man tayo pumupunta.
\s5
\p
\v 22 Ang mga makasalanang pagnanais ng masamang tao ay isang bitag; tulad ng isang patibong na humuhuli sa kaniya.
\p
\v 23 Ang isang masamang tao ay mamamatay dahil hindi niya kayang sabihing, "Hindi" sa kaniyang mga pagnanais; siya ay maliligaw dahil ang kaniyang kamangmangan ay walang hangganan.
\s5
\c 6
\p
\v 1 Aking anak, kung maglalaan ka ng katiyakan para sa iyong kapitbahay na siyang umutang, o kung ikaw ay nagbigay ng pangako na ikaw ay magbabayad para sa isang utang ng taong hindi mo kilala,
\p
\v 2 inilalatag mo ang patibong para sa iyong sarili sa pamamagitan ng paggawa ng pangako, at ikaw ay nahuli sa pamamagitan ng pagsang-ayon sa isang kasunduan para sa isang tao na hindi mo kilala.
\s5
\p
\v 3 Gawin mo ito, aking anak, at iligtas ang iyong sarili mula dito sa kahirapan: buong kapakumbabaan kang pumunta sa iyong kapitbahay at magsumamo ka at kanselahin ang kasunduan na iyong ginawa.
\s5
\p
\v 4 Huwag kang matulog, at huwag kang magpahinga hanggang ikaw ay pumunta at kausapin siya.
\p
\v 5 Iligtas mo ang iyong sarili, na parang usa na nakatakas mula sa mangangaso; o tulad ng isang ibon na nakalipad palayo mula sa kamay ng isang naghahanap ng mga ibon.
\s5
\p
\v 6 Ikaw na tamad na tao, matuto ka ng isang bagay mula sa panunuod sa mga langgam. Maging matalino at panoorin kung ano ang kanilang ginagawa.
\p
\v 7 Ang langgam ay walang taga-utos, opisyal, o pinuno na nagsasabi sa kanila kung anong gagawin,
\p
\v 8 pero tuwing tag-init sila ay nagtatrabaho ng maigi, sa pag-iipon at pag-iimbak ng pagkain para kainin tuwing taglamig.
\s5
\p
\v 9 Pero ikaw na tamad na tao, gaano katagal mo itutuloy ang pagtulog? Kailan ka babangon at pupunta sa trabaho?
\p
\v 10 Ikaw ay natulog para sa kaunting oras, at pagkatapos sabi mo, "Isa pang kaunting tulog, isa pang kaunting pahinga sa higaan, isa pang tiklop ng mga kamay para umidlip."
\p
\v 11 Biglaang kahirapan ang papalit sa iyong buhay tulad ng isang magnanakaw na siyang magnanakaw sa lahat ng bagay mula sa iyo.
\s5
\p
\v 12 Ang walang kuwentang tao— isang taong gumagawa ng masama sa iba—nabubuhay siya sa pamamagitan ng kasinungalingang kaniyang sinasabi sa iba.
\p
\v 13 Nagsasabi sila ng mga kuwento sa pamamagitan ng pagkindat ng kanilang mga mata at nagbibigay sila ng senyas sa pamamagitan ng paggalaw ng kanilang paa, at sila ay gumagawa ng mga plano sa pamamagitan ng pagturo ng kanilang mga daliri.
\s5
\p
\v 14 Ang gumagawa ng mga masamang bagay ay naglalatag ng plano sa kaniyang sarili; siya ay patuloy na magbunsod ng hindi pagkakasundo saan man siya pumunta.
\p
\v 15 Maaabutan siya ng kaniyang sakuna sa isang segundo; siya ay madudurog sa puntong hindi na siya mapapagaling.
\s5
\p
\v 16 Mayroong anim, kahit na pitong mga bagay na kinamumuhian ni Yahweh. Ito ay ang mga:
\s5
\p
\v 17 Ang mga mata ng nagmamalaki, ang dilang nagsasabi ng mga kasinungalingan, ang mga kamay na nagdanak ng dugo sa mga walang
\p
\v 18 kasalanan, ang pusong may masamang balak at gumagawa ng mga plano para gawin ang mga masamang bagay sa iba,
\p
\v 19 ang saksi na siyang humihinga ng mga kasinungalingan kung kailan siya nagbibigay ng patotoo, at ang siyang dahilan ng pagtatalo sa pagitan ng mga miyembro ng parehong pamilya.
\s5
\p
\v 20 Aking anak, sumunod sa utos ng iyong ama, at huwag maglakad palayo mula sa itinuro sa iyo ng iyong ina.
\p
\v 21 Panatilihin ang mga aral at itali sila malapit sa loob bilang isang bahagi ng iyong sarili; itali sila sa paligid ng iyong leeg, para paalalahanan ka kung gaano sila kahalaga para sa iyo.
\s5
\p
\v 22 Sa tuwing ikaw ay maglalakad, ang mga katuruan na iyon ay magiging gabay mo. Sa tuwing ikaw ay matutulog, sila ay magbabantay sa iyo at pangangalagaan ka. Sa tuwing ikaw ay magigising sa umaga, tuturuan ka nila.
\p
\v 23 Ang mga utos na ito ay tulad ng isang ilawan para sa iyo, at ang itinuturo namin sa iyo ay tulad ng isang ilaw na gagabay sa iyo. Sa tuwing itatama ka ng mga tao, ito ay para patuloy na ituro sa iyo ang tamang daan para mabuhay.
\s5
\p
\v 24 Ang mga katuruang ito ay pananatilihin ka mula sa imoral na babae, sinasabi nila sa iyo ang tungkol sa kaniyang nakakaakit na mga salita at binabalaan ka upang maging handa.
\p
\v 25 Huwag mong itatapon ang pagnanais mo sa gayong babae, ni dapat mong naisin ang kaniyang kagandahan; huwag mo siyang hayaang hulihin ka sa pamamagitan ng kaniyang mga tingin sa iyo.
\s5
\p
\v 26 Ang pakikisiping sa isang bayarang babae ay maaaring magkahalaga ng isang tinapay, ngunit kung ikaw makikisiping sa asawa ng ibang lalaki, maaring buhay mo ang kabayaran.
\p
\v 27 Kaya mo bang dalhin ang nagbabagang uling sa iyong mga bulsa at hindi masunog?
\s5
\p
\v 28 Kaya mo bang maglakad sa nagbabagang uling at hindi mapapaso ang iyong paa?
\p
\v 29 Kaya sa sinumang matutulog kasama ng asawa ng ibang lalaki: siya ay magdurusa sa paggawa niyang iyon. Ito ay tiyak na siya ay parurusahan nang matindi.
\s5
\p
\v 30 Hindi natin kinamumuhian ang isang magnanakaw kung siya ay magnanakaw ng ilang pagkain dahil siya ay gutom na gutom.
\p
\v 31 Ngunit kung siya ay magnanakaw ng isang bagay at pagkatapos ay nahuli ng iba, siya ay magbabayad ng pitong beses nang higit pa sa kaniyang ninakaw, kahit dapat niyang ipagbili ang lahat ng nasa kaniyang bahay para makakuha ng sapat na pera upang bayaran ang kaniyang ninakaw.
\s5
\p
\v 32 Pero ang isang tao na siyang gumawa ng pangangalunya ay walang mabuting paghatol dahil sinisira niya ang kaniyang sarili.
\p
\v 33 Mga sugat at kahihiyan ay darating sa kanyia; hindi niya makakalimutan kung paano siya dinusta ng iba sa kaniyang gawa.
\s5
\p
\v 34 Dahil magseselos ang asawa ng babaeng iyan, labis siyang magagalig, at kapag siya ay nakapaghiganti, siya ay maaawa sa taong iyon.
\p
\v 35 At hindi siya tatanggap ng kahit anumang suhol para mapatigil siya.
\s5
\c 7
\p
\v 1 Aking anak, panghawakan ang aking mga salitang sinasabi sa iyo, at iyong itabi ang lahat ng aking mga utos.
\p
\v 2 Sundin ang aking mga kautusan, at ikaw ay mabubuhay. Ituring ang aking mga kautusan na pinaka-mahalagang bagay na iyong taglay.
\p
\v 3 Itali ang aking mga utos sa iyong mga daliri upang paalalahanan ka; isulat ito sa isang talaan, katulad ng pagsulat ni Moises ng batas sa iyong kalooban.
\s5
\p
\v 4 Kausapin ang karunungan at sabihin sa kaniya, "ikaw ang aking kapatid na babae," at kausapin ang kaunawaan at sabihin, "Ikaw ay kasapi ng aking pamilya,"
\p
\v 5 at ikaw ay ilalayo nila mula sa isang babae na nagnanasa na mangalunya sa iyo, ang babae na ilalapit sa kaniya gamit ang kaniyang kaakit-akit na mga salita. Huwag kang makikinig sa kaniya.
\s5
\p
\v 6 Habang nakatayo sa aking bahay, tumingin ako sa labas ng isang bintana sa tabing na kahoy,
\p
\v 7 at aking nakita ang ilang mga binata na hindi naturuan tungkol sa tama at mali, at mayroong isang binata roon na walang kakayahang magbigay ng mabuting paghusga.
\s5
\p
\v 8 Lumakad siya pababa ng kalye malapit sa bahay sa sulok ng daan, at siya ay lumakad patungo sa bahay ng babaeng mapangalunya.
\p
\v 9 Pagabi na ng mga oras na iyon.
\s5
\p
\v 10 Ganyan nakatagpo ang babaeng naghahanap ng isang kalaguyo ng isang binata, at binati niya. Ang kaniyang pananamit ay gaya ng damit ng bayarang babae, na may nakatutukso at nakakaakit na mga damit, at alam niya kung bakit siya naroon.
\p
\v 11 Siya ay maingay at magulo, tumatawag ng pansin. Siya ay hindi nananatili sa kaniyang sariling bahay—
\p
\v 12 isang araw naghahanap siya ng isang lalaki habang siya ay naglalakad sa tabi ng kalsada, at isa pang araw siya ay nakatayong naghahanap ng lalaki sa pamilihan; at sa bawat sulok ng kalye siya ay nag-aabang upang mangbihag ng lalaki.
\s5
\p
\v 13 Kapag nakita niya ang isang binata, mahigpit niya siyang hinawakan, at pagkatapos siya ay pinaghahalikan niya. At walang kahit na anong kahihiyan at may matinding katapangan, sinabi niya,
\p
\v 14 "Ngayong araw, mayroong karne sa aking bahay, dahil gumawa ako ng handog sa templo upang mangako ng pagkakaibigan kay Yahweh. Sa ganitong paraan aking pinapanatili ang aking mga panata kay Yahweh,
\p
\v 15 at ngayon lumabas ako upang makita ka. Hinahanap kita at ikaw ay aking natagpuan!
\s5
\p
\v 16 Nilagyan ko ng sapin ang aking kama ng pinong makulay na mga telang lino mula sa Egipto.
\p
\v 17 Winisikan ko ng mga pabango ang aking kama—mira, mga aloe, at kanela.
\p
\v 18 Halina! Tayo ay magtalik sa buong magdamag, hanggang ang umaga ay dumating. Hayaan nating masiyahan tayo sa maraming kaparaanan ng pagtatalik.
\s5
\p
\v 19 "Wala sa bahay ang aking asawa; umalis siya para sa isang mahabang paglalakbay.
\p
\v 20 Pinuno niya ng pera ang isang supot at dinala niya ito; hindi siya babalik hanggang sa kalagitnaan ng buwan."
\q
\v 21 Kaya hinihikayat niya ang binata sa kaniyang mapang-akit na mga salita; dahil sa kaniyang banayad at kapani-paniwalang salita, bumigay siya at ginawa kung ano ang gusto niyang gawin.
\s5
\p
\v 22 Sinundan niya ang babae sa loob— tulad ng isang bakang lalaki na patungo sa lugar kung saan siya kakatayin ng nagmamay-ari sa kaniya o tulad ng isang usa na
\p
\v 23 nahuli sa isang patibong, ang lugar kung saan siya papatayin ng mga manganagso sa pamamagitan ng pagpana ng isang palaso sa mga laman-loob nito. Tulad siya ng isang ibon na dumadapo sa isang bitag na walang kamalayang hahantong siya sa isang kamatayan.
\s5
\p
\v 24 Aking mga anak, makinig sa akin at pansining mabuti ang sasabihin ko sa inyo.
\p
\v 25 Dapat ninyo siyang tanggihan mula sa kailaliman ng inyong kalooban. Huwag magpasya na gawin kung ano ang gusto ninyo at sundan siya. Dapat kayong magpasiya na hindi ninyo siya kailanman susundan kung saan siya pupunta.
\s5
\p
\v 26 Nagdulot siya sa maraming lalaki para mawasak; totoo, walang sinuman ang makabibilang ng mga lalaking kaniyang nawasak— napakarami nila para bilangin.
\p
\v 27 Ang daan patungo sa kaniyang bahay ay ang daan patungo sa libingan; ito ay pababa sa lugar kung saan hinihimlay ang mga patay.
\s5
\c 8
\p
\v 1 Makinig, nananawagan ang Karunungan; ang kaniyang tinig ay katunog ng babaeng sumisigaw sa plasa ng bayan. Itinataas ng pang-unawa ang kaniyang tinig; katunog siya ng babaeng nananawagan para mapakinggan.
\p
\v 2 Sa tuktok ng mga burol at kung saan ang mga daan ay nagsasama-sama, ang karunungan doon ay nakatayo.
\p
\v 3 Nakatayo rin ang Karunungan sa mga tarangkahan sa pasukan ng lungsod, at nananawagan siya nang may malakas na tinig. Sinasabi ng Karunungan:
\s5
\p
\v 4 Nananawagan ako sa lahat; sumisigaw ako sa lahat ng mga anak ng sangkatauhan!
\p
\v 5 Kayong mga tao na walang pagsasanay, dapat kayong maturuan kung paano mamuhay, dapat kayong matuto para mas malalim ninyong mauunawaan ang nasa inyong kalooban.
\s5
\p
\v 6 Makinig kayo sa akin dahil ipapaliwanag ko sa inyo ang ilan sa mga mahuhusay na bagay. Kaya ko kayong turuan tungkol sa kung ano ang tama--
\p
\v 7 dahil ang sinasabi ko ay matuwid; sobrang kinamumuhian ko ang mga masasamang bagay, Kinamumuhian ko ang kahit man lang pag-usapan ang tungkol sa kanila.
\s5
\p
\v 8 Lahat ng sinasabi ko ay matuwid; hindi ako nagsasalita ng kahit na anong makapagbabago ng kahulugan ng kung ano ang mabuti o magpapalayo sa mga tao mula rito.
\p
\v 9 Nagbibigay ang aking mga salita ng mabuting payo sa mga nakakaunawa ng kahulugan ng mga sinasabi ko; ang aking mga salita ay tama sa mga natutong magsabi ng kung ano ang mas mabuti sa masama.
\s5
\p
\v 10 Piliin kung ano ang itinuturo ko sa iyo sa halip na piliting makakuha ng maraming pilak; at piliin ang kaalaman na ipapakita ko sa iyo, dahil higit itong mahalaga kaysa ginto.
\p
\v 11 Dahil ako, ang Karunungan, higit pang mas mahalaga kaysa sa mga mamahaling hiyas; wala sa iyong naisin ang mas mahalaga kaysa sa akin.
\s5
\p
\v 12 Ako, ang Karunungan, nabubuhay kasama ang katalinuhan; kami ay nakatira sa iisang bahay. Marami akong nalalaman na mga bagay, at maingat akong kumikilos.
\p
\v 13 Ang lahat ng nagpaparangal kay Yahweh ay nasusuklam sa mga masama. Ako ang Karunungan, nasusuklam ako kapag ang tao ay mapagmataas, kapag iniisip nila na higit silang mahalaga kaysa sa iba. nasusuklam ako kapag ang mga tao ay gumagawa ng mga masasamang gawain, at kapag sila ay nagsisinungaling.
\s5
\p
\v 14 Nagbibigay ako ng mabuting payo at nasa akin ang pinakamahusay na karunungan; mayroon akong totoong kaunawaan tungkol sa katangian ng mga bagay, at taglay ko ang matinding kalakasan.
\p
\v 15 Kapag marunong ang mga hari, mahusay silang mamumuno; at kapag marunong ang mga pinuno, gumagawa sila ng mga batas na makatarungan.
\p
\v 16 Sa pamamagitan ko, ang Karunungan, pinamamahalaan ng mga pinuno ang mga tao; sa pamamagitan ko, ginagabayan ng mga may kapangyarihan ang kanilang mga mamamayan nang may katarungan.
\s5
\p
\v 17 Ako ang Karunungan at iniibig ko ang lahat ng umiibig sa akin; matatagpuan ako ng mga nagsusumikap na hanapin ako.
\p
\v 18 Ang mga taong ito ay magkakaroon ng panghabang-buhay na kayamanan at mamumuhay sila nang matuwid dahil taglay ko ang kayamanan at karangalan.
\s5
\p
\v 19 Higit na mahalaga ang maibibigay ko sa mga tao kaysa sa purong ginto at pinakamainam na pilak.
\p
\v 20 Lagi kong ginagawa ang matuwid.
\p
\v 21 Nagbibigay ako ng kayamanan sa mga umiibig sa akin, at pinupuno ko ang kanilang imabakan ng mga yaman.
\s5
\q
\v 22 Nilikha ako ni Yahweh, ako na Karunungan; ginawa niya ako nang simulan niyang likhain ang mundo; ako ang unang bagay na ginawa niya noong simula.
\p
\v 23 Itinalaga niya ako noong una pang panahon-- mula pa sa umpisa, mula sa simula ng mundo.
\s5
\p
\v 24 Ipinanganak ako bago likhain ang mga karagatan, noong wala pa ang mga bukal kung saan dumadaloy ang tubig.
\p
\v 25 Ipinanganak ako bago mailagay sa lugar ang mga burol at mga kabundukan;
\s5
\p
\v 26 Ako ang Karunungan, at ipinanganak ako bago gawin ni Yaweh ang lupa, bago niya gawin ang maliliit na mga butil ng alikabok sa lupa, naroon ako.
\p
\v 27 Naroon ako nang ilagay ni Yahweh ang kalangitan kung nasaan sila, sa araw na itinatag niya ang lugar sa hangganan kung saan ang langit at mga karagatan ay nagtagpo.
\s5
\q
\v 28 Naroon ako nang ilagay ni Yahweh ang mga ulap sa ibabaw ng lupa, at nang pinigilan niya ang tubig na nasa loob ng lupa.
\p
\v 29 Naroon ako ng itinatag niya ang hangganan para sa mga dagat, para hindi lumagpas ang tubig sa mga dagat sa mga hangganang iyon, at nang itinatag niya kung saan dapat ilagay ang pundasyon ng lupa.
\s5
\p
\v 30 Naroon ako sa tabi ni Yahweh bilang kaniyang mahusay na manggagawa; ginawa ko siyang masaya araw-araw, at lagi akong nagagalak kapag kasama ko siya.
\p
\v 31 Nasisiyahan ako sa buong daigdig na kaniyang nilikha; masaya rin ako sa mga taong binigyan niya ng buhay.
\s5
\q
\v 32 Kaya kayo na aking mga anak, makinig kayo sa akin. Napakapalad nilang mga namumuhay gaya ng pamumuhay ko.
\p
\v 33 Makinig sa itinuturo ko sa inyo at magiging marunong kayo. Huwag ninyong tanggihan kung ano ang itinuro ko.
\p
\v 34 Napakapalad nilang mga nakikinig sa akin, silang mga naghihintay sa akin sa labas ng aking bahay araw-araw.
\s5
\p
\v 35 Makakatagpo ng buhay ang mga naghahanap sa akin, at malulugod si Yahweh sa kanila.
\p
\v 36 Ngunit silang mga hindi nakatatagpo sa akin ay sinasaktan ang kanilang mga sarili. Lahat silang mga napopoot sa akin ay iniibig ang kamatayan."
\s5
\c 9
\p
\v 1 Ang Karunungan ay nagtatayo ng kaniyang tahanan, tulad ng isang babae na nagtayo ng kaniyang tahanan, at gumawa siya ng pitong mga poste na ginamit niya para maalalayan ang bubongan ng tahanan niya.
\q
\v 2 Naghanda siya ng pagkain at inayos ang hapag-kainan niya; naghanda siya ng mga karne ng hayop at niluto ang mga ito para ihain sa hapunan, at hinanda niya ang alak para sa kaniyang mga panauhin.
\s5
\p
\v 3 Tulad ng isang babae na pinapadala ang kaniyang mga lingkod para ipamigay ang mga paanyaya sa kaniyang mga panauhin, tumatawag ang Karunungan mula sa pinakamataas na bahagi ng lungsod para marinig ng lahat, at sinasabing:
\p
\v 4 "Kung hindi pa kayo natututo, pumunta kayo dito!" at binibigay niya ang paanyaya na pumunta ang mga taong walang mabuting pagpapasya.
\s5
\p
\v 5 Sinasabi niya, "Pumunta kayo dito at kainin ang pagkain na hinanda ko, at inumin ang masarap na alak na hinalo ko.
\q
\v 6 Talikuran ninyo ang inyong mga hindi aral na pamamaraan, at mabuhay, at ipapakita ko sa inyo kung paano lumakad sa daan na magbibigay sa inyo ng pang-unawa.
\s5
\p
\v 7 Kung sasawayin mo ang taong nanlalait ng ibang mga tao, lalaitin ka rin niya. Kung itatama mo ang masamang tao, sasaktan ka niya.
\p
\v 8 Kamumuhian ka ng taong mapanlait kung sinabihan mo siya na tumigil. Pero kung sinaway mo ang matalinong tao, magiging kaibigan mo siya.
\p
\v 9 Kung nagbigay ka ng gabay sa matalinong tao, magiging mas matalino siya. At kung tinuruan mo ang taong gumagawa ng mabuti, matututo siya ng mas higit pa.
\s5
\p
\v 10 Ang unang hakbang sa pagkakaroon ng karunungan ay ibigay kay Yahweh ang paggalang na karapat-dapat sa kaniya, at ang pagkilala kay Yahweh, ang Isang Banal, ang pinanggagalingan ng pang-unawa.
\p
\v 11 Kung ikaw ay magiging matalino, mapupuno ang araw mo, at dadagdagan mo ang taon ng buhay mo.
\p
\v 12 Kung may karunungan ka, makakakuha ka ng maraming kapakinabangan mula dito; pero kapag mangungutya ka ng ibang tao, mag-isa kang magdurusa."
\s5
\p
\v 13 Ang mangmang na babae ay malakas magsalita; siya'y walang karanasan sa mga bagay ng karunungan at kakaunti lang ang alam niya.
\p
\v 14 Nauupo siya sa pinto ng bahay niya o sa pinakamataas na bahagi ng bayan,
\p
\v 15 at tumatawag siya sa mga lalaking dumadaan, sa mga naglalakad sa lansangan, na ang tanging intindihin lang ay kung saan sila papunta.
\s5
\p
\v 16 "Ang sinuman sa inyo na walang karanasan, lumapit dito," sinasabi niya sa mga walang mabuting pagpapasiya.
\p
\v 17 "Ang tubig na ninakaw mo ay matamis, at ang pagkain na kinakain mo para sa sarili mo ay masarap.
\p
\v 18 Hindi alam ng lalaki na nasa bahay ng babae ang mga patay; at ang mga pumasok sa kaniya ay nasa libingan na ngayon."
\s5
\c 10
\p
\v 1 Ito ang mga kawikaan ni Solomon: Nagpapasaya ang anak na namumuhay ayon sa karunungan ng kaniyang ama; ngunit kung gumagawa ng mga kahangalan ang isang anak, siya ay nagdudulot ng kalungkutan sa kaniyang ina.
\p
\v 2 Ang mga yaman na iyong nakuha sa hindi pagiging tapat ay walang halaga; pero kapag ginawa mo ang tama, ikaw ay protektado mula sa kamatayan.
\p
\v 3 Hindi hahayaan ni Yahweh na magutom ang mga taong gumagawa ng tama, ngunit titiyakin niyang hindi makakamit ng mga masasamang tao ang kanilang nais.
\s5
\p
\v 4 Ang taong tamad na hindi nagtatrabaho ay magiging mahirap; silang nagtatrabaho ng maigi ay yayaman.
\p
\v 5 Siya ay marunong kapag nag-aani ng pananim na handa ng tipunin; ngunit nakahihiya sa kaniya na matulog habang nag-aani ang iba ng pananim.
\s5
\p
\v 6 Makatatanggap sa Diyos ng maraming mabuting biyaya ang mga gumagawa ng tama; ngunit itinatago ng mga gumagawa ng masasama ang kanilang karahasan kaya hindi ito makita.
\p
\v 7 Kapag naalala namin ang mga gumagawa ng tama, kami ay nakakatanggap kay Yahweh ng pagpapala; pero hindi namin naaalala ang mga pangalan ng masama.
\s5
\p
\v 8 Sumusunod ang marurunong sa mabuting katuruan, ngunit mabibigo ang mangmang na maraming sinasabi.
\p
\v 9 Namumuhay nang matiwasay at walang itinatago ang taong matapat; ngunit ang hindi matapat—ang kaniyang mga kasinungalingan ay matutuklasan.
\s5
\p
\v 10 Ang pagkindat ng kaniyang mata ay hudyat sa iba na tulungan siyang gawin ang isang bagay na mali, mapapahamak ang isang mangmang dahil maraming siyang sinasabi.
\p
\v 11 Ang taong gumagawa ng tama ay tulad ng isang bukal na nagbibigay buhay; ngunit itinatago ng masamang tao ang kaniyang kalupitan sa kaniyang mga salita.
\s5
\p
\v 12 Ang poot ay may kapangyarihan para simulan ang maraming pagtatalo; pero ang pag-ibig ang nagtatakip sa anumang makakasakit sa atin.
\p
\v 13 Silang may mabuting pang-unawa ay nagsasabi nang mainam, pero ang mga taong hindi gumagawa ng mabuting pagpapasya ay dapat parusahan.
\s5
\p
\v 14 Ang mga matatalinong tao ay nagpapatuloy para matutunan ang lahat ng kanilang kaya, pero kapag nagsalita ang mga mangmang, mararanasan nila nang madali ang pagkawasak.
\p
\v 15 Ang kayamanan ng mga mayayaman ay ipinagtatanggol sila tulad ng isang lungsod na protektado ng isang matibay na pader sa palibot nito, ngunit dahil mahihirap ang mga tao, walang tutulong sa kanila.
\s5
\p
\v 16 Kung gagawin mo ang tama, buhay ang iyong magiging gantimpala, ngunit ang makukuha ng lahat ng mga makasalanan ay ang kakayahang gumawa ng mas maraming kasalanan.
\p
\v 17 Ang buhay ay matatagpuan ng nagsanay sa pamamagitan ng disiplina, ngunit maliligaw ang hindi makikinig sa pagtutuwid.
\s5
\p
\v 18 Dapat magsinungaling ang mga nagtatago ng kanilang poot sa iba para pagtakpan ito. At silang laging naninira ng puri ay mga hangal.
\p
\v 19 Kapag marami ang sinasabi ng mga tao, pagkakasala ang malapit sa kaniya; kung ikaw ay marunong, lagi kang maingat sa iyong mga sasabihin.
\s5
\p
\v 20 Ang gumagawa ng tama ay tulad ng dalisay na pilak, ito ay maliit na halaga sa puso ng gumagawa ng masama.
\p
\v 21 Nagbibigay ng pakinabang sa karamihan ang sinasabi ng gumagawa ng tama, ngunit namamatay ang mga mangmang dahil sila ay kulang sa mabuting pang-unawa.
\s5
\p
\v 22 Nagbibigay si Yahweh ng mga mainam na kaloob na nagpapayaman sa ilang tao, at hindi niya sila pinagdurusa.
\p
\v 23 Naglalaro ang mga mangmang kapag sila ay gumagawa ng mali, ngunit nasisiyahan sa karunungan ang mga taong may pang-unawa.
\s5
\p
\v 24 Kung ano ang kinakatakutan ng masama ay mangyayari sa kanila; makukuha ng mga gumagawa ng tama ang kanilang inaasam-asam.
\p
\v 25 Ang mga masasamang tao ay tulad ng bagyo na darating at saka mawawala, pero silang gumagawa ng tama ay tulad ng isang pundasyon na magtatagal sa habang panahon.
\s5
\p
\v 26 Ang taong tamad sa paningin ng umupa sa kaniya ay tulad ng suka sa ating bibig at usok sa ating mata.
\p
\v 27 Kung ibibigay mo kay Yahweh ang paggalang na nararapat sa kaniya, ikaw ay mamumuhay sa mahabang panahon; pero mamamatay ang mga masamang tao bago pa sila tumanda.
\s5
\p
\v 28 Sila na gumagawa ng tama ay magkakaroon ng pag-asa sa kanilang kasiyahan, pero maikling buhay ang maaasahan ng mga gumagawa ng masama.
\p
\v 29 Ang pagsunod kay Yahweh ay nagdadala ng proteksyon sa kanila na tumutupad sa kanilang mga pangako; pero matutuklasan ng mga sumusunod sa kaniya na winawasak niya ang mga gumagawa ng masama.
\p
\v 30 Hindi matatalo ang mga gumagawa ng tama, ngungit hindi magkakaroon ng tahanan ang mga masasama.
\s5
\p
\v 31 Ang karunungan ay tulad ng isang prutas na dala-dala ng mga gumagawa ng tama, ngunit puputulin ni Yahweh ang madadayang dila.
\p
\v 32 Alam ng mga taong gumagawa ng tama ang mga salitang pinapahintulutan ni Yahweh, ngunit sinasabi ng masamang tao ang ipinagbabawal ni Yahweh.
\s5
\c 11
\p
\v 1 Kapag gumagamit ang mga tao ng mga timbangang hindi tama; nagagalit si Yahweh sa kanila dahil nagnanakaw sila mula sa kanilang mga mamimili; nalulugod siya sa mga gumagamit ng mga tamang timbangan.
\p
\v 2 Ang taong mapagmataas ay namumuhay sa paraang laging hahantong sa kahihiyan; ang mga taong mapagpakumbaba ang tanging matututo ng tungkol sa karunungan.
\s5
\p
\v 3 Ang mga tao na tumutupad sa kanilang mga pangako ay gumagawa rin ng mga pagpili na magdadala sa kanila sa matuwid na landas; mawawasak ang mga hindi mapagkakatiwalaan sa kanilang kawalang katapatan.
\p
\v 4 Hindi makakatulong sa inyo ang pera ninyo sa araw na huhusgahan ni Yahweh ang mundo; ngunit kung gagawin ninyo ang tama, maililigtas kayo mula sa mga panganib, kahit sa kamatayan.
\s5
\p
\v 5 Kapag tapat at mabuti ang mga tao, alam nila kung saan sila pupunta at kung ano ang dapat nilang gawin; ngunit malalaman ng mga gumagawa ng masama na wawasakin sila ng kanilang kasamaan.
\p
\v 6 Ililigtas ng Diyos ang gumagawa ng matuwid, ngunit magiging mga alipin ng kanilang pagnanasa ang mga gumagawa ng masama.
\s5
\p
\v 7 Kapag namatay ang isang masamang tao, ang lahat ng kaniyang inaasahan sa hinaharap ay nawawala; hindi kailanman mangyayari ang nais niyang tuparin gamit ang kaniyang lakas.
\p
\v 8 Ang taong gumagawa ng tama, pinapalaya ni Yahweh mula sa kaguluhan; at ibinibigay ni Yahweh ang kaguluhang iyon sa masama.
\s5
\p
\v 9 Ginagamit ng isang taong walang makadiyos na pananampalataya ang kaniyang mga salita para sirain ang kaniyang kapwa; ngunit maililigtas ang mga taong gumagawa ng tama sa kaalaman na kanilang naipon.
\p
\v 10 Kapag maayos ang takbo ng buhay ng mga gumagawa ng tama, masaya ang mga nasa lungsod, at maririnig ang mga sigaw ng kagalakan kapag namatay ang mga masasamang tao.
\q
\v 11 Kapag may mga tao sa lungsod na kinalulugdan ang Diyos at nagbibigay ng mabuting mga bagay sa iba, ang lungsod ay magiging makapangyarihan; ngunit ang mga salita na binibigkas ng mga masasama ay nagwawasak ng lungsod.
\s5
\p
\v 12 Siya na pinakikitunguhan nang may paghamak ang kaniyang kaibigan ay walang mabuting kahatulan; ang isang taong natutuhan kung ano ang mahalaga ay nanahimik.
\p
\v 13 Sila na nagkakalat ng tsismis ay nagsasabi ng mga lihim sa iba, ngunit ang isang taong mapagkakatiwalaan mo ay hindi pag-uusapan ang tungkol dito.
\s5
\p
\v 14 Mawawasak ang isang bansa kung walang mga pinunong gumagabay dito nang may katalinuhan; ngunit magkakaroon ng katagumpayan ang bansa kung nakikinig ito sa maraming mga tagapayo.
\s5
\p
\v 15 Kung ikaw ay nangangakong bayaran ang utang na hiniram ng taong hindi mo kakilala, mawawala sa iyo ang iyong pera. Ikaw ay maliligtas kung ikaw ay tatanggi na gumawa ng anumang uri ng kasunduan para bayaran ang utang ng ibang tao.
\p
\v 16 Nag-aani ng paggalang ang isang babaeng mabait; ngunit pinanghahawakan ng mga taong marahas ang mga kayamanan.
\s5
\p
\v 17 Sa pamamagitan ng kabaitan nila sa iba, ang mga mababait na tao ay nagkakaloob ng mabuting regalo para sa kanilang sarili, ngunit sinasaktan ng taong malupit ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng kaniyang kalupitan.
\p
\v 18 Nagsasabi ng kasinungalingan ang mga masasamang tao para magkaroon ng maraming pera, ngunit mababayaran ng higit pa ang mga gumagawa ng tama dahil kinita nila ito.
\s5
\p
\v 19 Mabubuhay ang mga gumagawa ng tama, silngunit mamamatay ang mga gumagawa ng kamalian.
\p
\v 20 Kinapopootan ni Yahweh ang mga kumukuha ng mabubuting mga bagay, binabaluktot at ginagawan ng masasamang bagay ang mga ito ngunit nalulugod siya sa mga laging gumagawa ng tama.
\s5
\p
\v 21 Tiyak na ang masasamang mga tao ay hindi makakaligtas sa kanilang kaparusahan at ang mga bata na gumagawa ng matuwid ay mananatiling ligtas.
\p
\v 22 Kung makikita mo ang isang baboy na may hikaw na ginto sa kaniyang ilong, iyan ay katulad ng isang babaeng maganda na walang mabuting pang-unawa.
\s5
\p
\v 23 Ang mga gumagawa ng tama ay nagnanasa ng mabuting mga bagay na nagbubunga ng mabuti, ngunit ang gantimpala ng masama ay mararanasan nila ng poot ni Yahweh.
\p
\v 24 Kung nagtatanim ang isang tao ng binhi, maaari siyang umasa ng ani; ang kaniyang kaunting mga binhi ay magbibigay sa kaniya nang mas marami; nagiging mahirap ang isang taong hindi nagtatanim ng binhi.
\s5
\p
\v 25 Sasagana ang mga nagbibigay ng marami sa iba; kung ibabahagi mo ang iyong tubig sa ibang tao, magkakaroon ka rin ng sapat para sa iyong sarili.
\p
\v 26 Susumpain ng mga tao ang mangangalakal na hindi magbebenta sa kanila ng butil, ngunit pinupuri nila ang nagbebenta nito.
\s5
\p
\v 27 Kung ikaw masikap na nagtatrabaho at lumabas para maghanap kung ano ang mabuti, makakahanap ka rin ng mabuting kalooban. Ngunit kung naghahanap ka ng masama, matatagpuan mo ito.
\p
\v 28 Sila na nagtitiwala sa kanilang pananalapi ay babagsak, ngunit ang mga gumagawa ng tama ay lalago katulad ng isang masaganang puno.
\s5
\p
\v 29 Walang mamanahin ang mga nagdadala ng mga gulo sa kanilang mga pamilya, at magiging lingkod ng mga matatalino ang mga gumagawa ng kahangalang mga bagay.
\s5
\p
\v 30 Sila na gumagawa ng tama ay magiging katulad ng isang puno na nagbibigay buhay, pero ang gumagawa ng karahasan ay nag-aalis ng buhay.
\p
\v 31 Nakatitiyak na makukuha ng mga gumagawa ng tama ang karapat-dapat sa kanila; higit pa roon, tiyak na matatanggap ng mga taong gumagawa ng masasamang mga bagay at ang taong nagkakasala laban kay Yahweh.
\s5
\c 12
\p
\v 1 Sinumang gustong matuto ay tatanggap ng pagtutuwid. Ngunit sinumang tumatanggi sa pagtutuwid ay mananatiling mangmang.
\p
\v 2 Sinasang-ayunan ni Yahweh ang sinumang mabuti ngunit hinahamak niya ang lahat ng tao na may masamang plano.
\s5
\q
\v 3 Ang kasamaan ay masamang pundasyon para sa buhay ng tao, ngunit ang mga matuwid ay singtatag ng punong may malalim na ugat.
\p
\v 4 Ang mabuting asawa ay nagdadala ng parangal sa kaniyang asawa ngunit ang asawa na nagdadala nang kahihiyan ay parang sakit na sumisira sa buto ng asawa niya.
\s5
\p
\v 5 Ang mga plano ng matuwid ay walang kinikilingan at makatarungan, ngunit ang payo ng masama ay puno nang kasinungalingan.
\p
\v 6 Ang sinasabi ng masama ay tulad ng patibong na inihanda para pumatay ngunit ang mga salita nang matuwid sa harap ni Yahweh ay naglalayo sa kanila sa panganib.
\s5
\q
\v 7 Inaalis sa kapangyarihan ang masama at sila ay naglalaho, ngunit ang matuwid ay magkakaroon ng salinlahi sa habang panahon.
\q
\v 8 Ang tao ay pinararangalan ayon sa kaniyang karunungan; ngunit kamumuhian ang mga nagbabaluktoot sa mga mabubuting bagay.
\s5
\p
\v 9 Mas mabuting maging mapagkumbaba tulad ng isang alipin kaysa ang maging mapagmalaki pero wala namang makain.
\p
\v 10 Pinapakain at inaaruga ang kanilang mga alaga ng mga taong gumagawa ng tama, ngunit kahit subukan ng mga masama na gumawa ng isang bagay para sa kanilang mga hayop, ito ay magiging isang karahasan.
\s5
\p
\v 11 Ang magsasaka na maingat at matiyagang nagtatrabaho sa bukirin ay magkakaroon ng sapat na pagkain, ngunit walang aanihin ang padalos-dalos sa pagpili ng trabaho.
\p
\v 12 Nais ng mga masasamang tao ang mga bagay na mayroon sa mga masamang tao— mga bagay na ninakaw nila sa iba. Ngunit ang mga taong gumagawa ng mabuti ay nasa kanila ang karapat-dapat sa kanila; ito ang kanilang gantimpala.
\s5
\p
\v 13 Nabibitag ang masamang tao sa pamamagitan ng mga salitang kaniyang sinasabi, ngunit lumalayo sa kapahamakan ang gumagawa ng tama.
\p
\v 14 Pinupuno ng isang tao ang kaniyang buhay ng mga mabubuting bagay sa pamamagitan ng mga mabubuting mga salita, tulad ng kaniyang pagsusumikap ito ay nagdadala ng kaniyang gantimpala.
\s5
\p
\v 15 Inaakala ng mangmang na laging tama ang ginagawa niya; ngunit handang makinig ang matalino sa paalala.
\p
\v 16 Ipinapakita agad ng mangmang kung gaano katindi ang kaniyang galit, ngunit kapag nilalait ang mga marurunong, hindi nila ito pinapansin.
\s5
\p
\v 17 Ang pagsasabi ng totoo ay tulad ng pagsasabi ng tama ngunit ang sinungaling na tao ay nagsasabi ng hindi totoo.
\p
\v 18 Kapag nagsasalita ang isang tao ng padalus-dalos, ito ay parang sinasaksak ka ng espada, ngunit ang sinasabi ng mga marunong na tao ay nakakatulong upang pagalingin ang mga nasasaktan.
\s5
\p
\v 19 Ang pagsasabi ng katotohanan ay hindi malalaos kailanman, pero ang kasinungalingan, tiyak saglit lang.
\p
\v 20 Kasinungalingan ang kasama ng masasamang balakin ngunit ang mga tagapayong nagdudulot ng kapayapaan, pagdiriwang ang makakamit.
\s5
\p
\v 21 Walang masamang nangyayari sa mga gumagawa ng tama, pero ang buhay ng masasama ay puno ng problema.
\p
\v 22 Namumuhi si Yahweh sa mga sinungaling pero natutuwa siya sa mga namumuhay nang may katapatan.
\s5
\p
\v 23 Ang matalino ay tahimik sa kaniyang nalalaman, ngunit ipinagsisigawan ng mangmang ang kaniyang kamangmangan.
\p
\v 24 Mamumuno ang mga masisipag sa mga tao pero ang mga tamad ay mapipilitang magtrabaho kahit hindi nila gusto.
\s5
\p
\v 25 Ang pangamba ng isang tao ay tulad ng pagbubuhat ng mabigat na pasanin pero ang mabuting salita ay nakagagaan ng kaniyang damdamin.
\p
\v 26 Ang gumagawa ng tama ay mabuting gabay sa kaibigan pero ang masasama ay laging naliligaw.
\s5
\p
\v 27 Hindi niluluto man lang ng mga tamad na tao ang kanilang nahuling hayop,.
\q
\v 28 Ang mga lumalakad sa matuwid na daan, buhay ang matatagpuan at sa landas na iyon ay walang kamatayan.
\s5
\c 13
\p
\v 1 Ang matalinong anak ay nagbibigay ng pansin sa mga katuruan na binibigay sa kaniya ng kaniyang ama; pero ang anak na matigas ang ulo ay tumatangging makinig sa pagtatama.
\p
\v 2 Ang mabubuting bagay ay nagiging bunga ng anumang sinasabi ng isang tao, pero ang pagnanais ng mandaraya ay lalo pang magdudulot ng karahasan.
\s5
\p
\v 3 Ang taong napakaingat tungkol sa sinasabi niya ay pinapangalagaan ang kaniyang buhay; ngunit siya na madaldal ay sinisira ang lahat.
\p
\v 4 Ang mga taong tamad ay nagugutom sa lahat ng bagay, ngunit hindi nila makukuha ang lahat. Makukuha ng mga taong nagsusumikap ang kanilang inaasam nang higit pa.
\s5
\p
\v 5 Ang sinumang gumagawa ng tama ay napopoot kapag nagsasabi ang ibang tao ng mga kasinungalingan, ngunit nagdadala ng kahihiyan sa kaniyang sarili ang isang masamang tao.
\p
\v 6 Ang sinumang gumagawa ng matuwid ay laging kumikilos sa paraang kagalang-galang, ngunit ang sinumang gumagawa ng ipinagbabawal ni Yahweh ay sinisira ang kaniyang buhay.
\s5
\p
\v 7 Maraming ari-arian ang ilan sa mga tao, ngunit walang halaga ang mga ito; pero ipinamimigay ng ibang mga tao ang lahat ng mayroon sila, kahit pa mayroon silang pinakamainam na kayamanan.
\p
\v 8 Maaaring gamitin ng taong mayaman ang kaniyang kayamanan para tubusin ang kaniyang buhay mula sa isang tulisan na hawak siya bilang bihag, ngunit walang taong mahirap ang makakaisip tungkol sa ganoong uri ng panganib.
\s5
\p
\v 9 Ang sinumang gumagawa ng matuwid ay nagliliwanag tulad ng ilaw na nagbibigay ng kagalakan, pero ang mga masasamang tao ay tulad ng ilawan na papatayin.
\p
\v 10 Ang pagmamataas ay kumikilos sa kalooban ng tao at ito ay nagbubunga ng alitan at hindi pagkakaunawaan, pero ang mga nakikinig sa mabuting payo ay nakakatagpo ng karunungan na kanilang kailangan.
\s5
\p
\v 11 Ang mga taong nag-iisip ng labis sa kanilang mga sarili ay lulustayin ang lahat ng kanilang salapi; ang taong ginagamit ng maayos ang kaniyang salapi sa pamamagitan ng pagtatrabaho gamit ang kaniyang mga kamay ay makatatagpo ng paraan para palaguin ang kaniyang salapi.
\p
\v 12 Kapag ang pag-asa para sa kinabukasan ay ipinagpaliban, ikaw ay magkakasakit—mararamdaman mo na hindi mo na matatanggap kailanman ang iyong pinanabikan, pero kung matanggap mo ang iyong nais, ito ay magiging tulad ng isang puno na nagbibigay ng buhay.
\s5
\p
\v 13 Ang mga humahamak sa mabuting payo ay nagdadala ng kaparusahan sa kanilang mga sarili dahil sa hindi pagsunod; ang taong nagbibigay ng pansin sa tagubilin ay makatatanggap ng karangalan.
\p
\v 14 Ang aral na naituro sa pamamagitan ng matalino ay tulad ng bukal na nagbibigay buhay sa lahat ng umiinom mula rito, at ipagbibigay-alam nito sa iyo ang tungkol sa lahat ng mga nakamamatay na panganib sa paligid mo.
\s5
\p
\v 15 Ang pagkakaroon ng isipan na nakauunawa ng tama at mali ay nagdadala sa iyo ng paggalang, pero ang nagbabaluktot ng mga mabubuting kaloob para sa masamang layunin ay kailanman hindi niya mararating ang kaniyang paroroonan.
\p
\v 16 Silang mayroong mabuting kaisipan ay laging kumikilos sa kung ano ang para sa kanila ay tama; ang taong mangmang ay pinapatunayan na ang kaniyang mga pasiya ay kamangmangan, at nakikita ito lahat ng tao.
\s5
\p
\v 17 Ang masamang tagapagbalita ay hindi dadalhin ang mensahe, pero napagsasama-sama ang mga magkakagalit kapag nadala ang mga mensahe ng isang maaasahang tagapagbalita.
\p
\v 18 Ang sinumang hindi natututo mula sa mga aral ng disiplina ay maghihirap at malalaman niya ang kahihiyan, pero ang tumatanggap ng aral ng disiplina at natututo mula sa kanila, siya ay matatagpuan ng karangalan.
\s5
\p
\v 19 Kapag nagkatotoo ang pananabik, ito ay matamis na kaluguran sa taong may pagnanais; at silang mga mangmang ay nagpapatuloy na bumabalik ng paulit-ulit sa kasamaan.
\p
\v 20 Kung maglalaan ka ng oras sa mga matatalinong tao, sa pamamagitan ng kanilang buhay ay ipapakita nila sa iyo kung paano ka rin maging matalino.
\s5
\p
\v 21 Ang mga makasalanan ay tumatakas pero sila ay hahabulin ng sakuna, pero ang mga gumagawa ng matuwid ay makatatagpo ng mabuti bilang gantimpala.
\p
\v 22 Ang isang mabuting tao ay nagtatabi ng salapi para ibigay sa kaniyang mga apo kapag siya ay namatay, pero ang isang makasalanang tao ay itinatago ang kaniyang kayamanan ng hindi nalalaman na ito ay ibibigay sa gumagawa ng matuwid.
\s5
\p
\v 23 Ang bukirin na pag-aari ng isang taong mahirap ay kayang makapag-ani ng maraming pagkain, ngunit biktima ang mga mahihirap ng kawalan ng katarungan kaysa sa mga mayayaman, at hindi naitanim ang mga pananim.
\p
\v 24 Ang magulang na hindi sinasanay ang kaniyang anak kung paano siya dapat mamuhay ay hindi nagpapakita ng pagmamahal sa kaniya, pero ang sinumang maingat na sinasanay ang kaniyang anak sa kung paano siya dapat mamuhay ay nagpapakita ng kadakilaan ng kaniyang pag-ibig.
\s5
\p
\v 25 Ang mga gumagawa ng tama ay kumakain ng sapat na pagkain para mapunan ang kanilang pagkagutom, ngunit nagrereklamo ang masama na sila ay laging nagugutom.
\s5
\c 14
\p
\v 1 Ang isang marunong na babae ay pinagbubuklod ang kaniyang pamilya, pero ang isang mangmang na babae ay sinisira ito sa pamamagitan ng mga kahangalan na kaniyang ginagawa.
\q
\v 2 Siya na nagpaparangal kay Yahweh sa kaniyang pamumuhay, ibinibigay kay Yahweh ang paggalang na karapat-dapat sa kaniya; ipinapakita ng sinungaling na tao ang kaniyang kawalan ng paggalang, at hinahamak niya si Yahweh.
\s5
\p
\v 3 Pagmamataas ang lumalabas sa bibig ng hangal, katulad ng isang sanga mula sa isang puno; ngunit ang sinasabi ng marurunong ay pinangangalagaan ang kanilang mga buhay.
\p
\v 4 Kung saan walang baka na kumakain sa kamalig, ang sabsaban ay malinis; ngunit kung mayroon ang isang magsasaka ng kahit isang baka, makapagpapalago pa rin siya ng maraming pananim.
\s5
\p
\v 5 Masasabi mo kung ang isang saksi ay maaasahan, kung siya ay nagsasabi ng katotohanan, ngunit kapag nagsasabi ang isang saksi ng mga kasinungalingan, siya ay isang hindi totoong saksi at hindi dapat pagkatiwalaan.
\p
\v 6 Ang nag-iisip na siya ay mas mahusay kaysa iba, maaari siyang maghanap ng karunungan, ngunit hindi niya ito matatagpuan, ngunit madaling matuto ang lumago sa kaalaman nang mas higit pa.
\s5
\q
\v 7 Huwag kang masyadong lumapit sa isang hangal: Umiwas ka mula sa kaniya. Wala kang matututunan mula sa kaniya.
\p
\v 8 Ang natuto nang higit na kaalaman ay ginagamit ito sa kaniyang buhay; iyon ay karunungan. Ang batayan ng lahat ng kamangmangan ay kasinungalingan.
\s5
\p
\v 9 Tinitingnan ng mga hangal ang handog sa pagkakasala na inalay sa templo, at pinagkakatuwaan nila ito, pero sila na nagbibigay lugod kay Yahweh ay natutuwang makibahagi sa kaniyang kagandahang-loob.
\p
\v 10 Ang isang taong nakatago ang lahat ng kaniyang kapaitan at kabiguan; walang sinuman ang makaaalam ng kagalakang nito kailanman.
\s5
\p
\v 11 Ang pamilya ng masama ay mawawasak, ngunit ang isang maliit na tolda kung saan ang matuwid ay nakatira ay lalago, katulad ng isang puno na lumalago nang malaki at maganda.
\p
\v 12 Nakikita ng tao ang isang landas, at tila ito ay ang tamang daan para sa kaniyang patutunguhan, pero hindi niya alam na ito ay mag-aakay lang sa kamatayan.
\s5
\p
\v 13 Ang isang tao ay maaaring nasa matinding kalungkutan at may kakayahan pa siyang tumawa; ang panahon ng matinding kagalakan ay maaaring magtapos sa kapighatian.
\q
\v 14 Makatatanggap kay Yahweh ang isang taong walang pananampalataya na nararapat sa kaniya; ngunit ibibigay ni Yahweh sa isang mabuting tao ang sa kaniya.
\s5
\p
\v 15 Pinaniniwalaan ng mangmang ang lahat ng bagay na sinasabi sa kanila, pero ang tao na may kaunting kaalaman ay nag-iisip kung ano ang kaniyang gagawin.
\p
\v 16 Nakikita ng marunong ang kasamaan at natatakot dito, at siya ay lumalayo mula rito; ang mangmang ay matapang na isinasantabi ang bawat babala.
\s5
\p
\v 17 Gumagawa ng kahangalan ang mga madaling magalit; kinapopootan ang mga gumagawa ng masasamang balak.
\p
\v 18 Ang mga hindi naturuan ay may dalang kamangmangan sa kanila; ang mga natuto ng kaunting kaalaman ay napapaligiran nito.
\s5
\p
\v 19 Yuyuko ang mga masasamang tao sa harap nang mabubuti, at yuyuko ang masasamang mga tao sa tarangkahan ng mga matuwid.
\q
\v 20 Kinamumuhian ng kanilang sariling mga kasamahan ang mahihirap, ngunit maraming kaibigan ang mayaman.
\s5
\p
\v 21 Ang humamak sa kapwa ay kasalanan; ngunit napakapalad ng mga gumagawa ng kabutihan para sa mahihirap.
\p
\v 22 Ang mga nagbabalak ng masamang mga plano, hindi kaya sila naliligaw? Ngunit ang mga nagbabalak para sa kabutihan ay tatanggap ng pagmamahal at katapatan.
\s5
\p
\v 23 Kung ikaw ay magsusumikap, ikaw ay kikita ng ilang pera, pero kung puro salita lamang, ito ay hahantong sa kahirapan.
\p
\v 24 Ang gantimpala ng marunong ay ang kayamanan na mayroon sila, pero ang kalokohan ng mga mangmang ay magdadala lamang ng higit pang kamangmangan sa kanila.
\s5
\p
\v 25 Ang saksi na nagsasabi ng katotohanan, ay nililigtas ang buhay ng mga inosente; ang sinungaling na saksi ay puno nang panlilinlang.
\s5
\p
\v 26 Sila na nagbibigay ng parangal kay Yahweh na karapat-dapat sa kaniya ay may labis na pagtitiwala sa kaniya; ang pagbibigay ng karangalan kay Yahweh ay mapapangalagaan din ang iyong mga anak.
\q
\v 27 Ang pagbibigay ng nararapat na karangalan kay Yahweh ay tulad ng isang bukal na nagbibigay ng buhay; kaya ikaw ay makakalayo mula sa bitag ng kamatayan.
\s5
\p
\v 28 Sinusukat ng isang hari ang kaniyang karangalan sa pamamagitan ng bilang ng mga tao sa kaniyang kaharian, pero kung walang mga tao ang prinsipe, siya ay dinadala sa kapahamakan.
\p
\v 29 Mayroong labis na pang-unawa ang mga hindi madaling magalit; pinupuri ng magagalitin ang kamangmanganang.
\s5
\q
\v 30 Ang pagiging payapa ay mabuti para sa buong katawan, pero ang pagkakaroon ng kasamaan sa kalooban, binubulok ang mga buto.
\p
\v 31 Ang nang-aapi sa mahirap ay sinusumpa si Yahweh na lumikha sa kaniya, ngunit ang nagpapakita ng kagandahang-loob para sa mahirap ay pinaparangalan si Yahweh.
\s5
\q
\v 32 Ang masama ay binabagsak sa pamamagitan ng kaniyang masamang mga kilos, ngunit may ligtas na tahanan ang mga gumagawa ng tama, kahit sa kamatayan.
\p
\v 33 Ang karunungan ay maninirahan sa isang taong may pagkakilala sa kabutihan, ngunit hinahayaan ng karunungan makilala ito kahit sa mga mangmang.
\s5
\q
\v 34 Kapag gumawa ng tama ang mga tao, ang bansa ay magiging mabuti, ngunit nagdudulot ng kahihiyan ang kasalanan sa sinumang mga tao.
\q
\v 35 Ang hari ay nalulugod sa lingkod na ginagawa ang kaniyang gawain nang may karunungan, ngunit nagagalit ang hari sa sinuman na lingkod na nagdadala ng kahihiyan sa kaniya.
\s5
\c 15
\p
\v 1 Ang malumanay na sagot ay nag-aalis ng galit, ngunit ang malupit na sagot ay lalong nagpapagalit.
\p
\v 2 Kapag nagsalita ang mga matatalino, sila ay nagbibigay ng puri sa kahalagahan ng kaalaman; ang mga mangmang ay patuloy na nagsasabi ng mga kahangalan.
\s5
\q
\v 3 Nakikita ni Yahweh ang lahat ng nangyayari; pinagmamasdan niya ang masama at ang mabuti.
\q
\v 4 Ang taong nakapagbibigay ng kagalingan sa pamamagitan ng kanilang pagsasalita ay katulad ng isang punong nagdadala ng buhay; kapag may isang taong nagsisinungaling sa iyo, ito ay parang dinurog ka nila.
\s5
\q
\v 5 Hinahamak ng hangal ang pagdidisiplina ng kaniyang ama, pero ang natututo mula sa pagtatama ay may pang-unawa.
\q
\v 6 May malaking kayamanan ang mga pamilyang gumagawa nang tama, ngunit ang kayamanan ng masasama ay matinding gulo ang dala.
\s5
\q
\v 7 Ang matalino ay naghahasik ng kaalaman tulad ng magsasaka na naghahasik ng punla, ngunit ang mga puso ng mga hangal ay hindi mapagbigay.
\q
\v 8 Nasusuklam si Yahweh kapag naghahandog ang masasama ng mga alay, ngunit kapag nananalangin ang mga nagpapalugod sa kaniya, siya'y natutuwa.
\s5
\q
\v 9 Kinamumuhian ni Yahweh ang pamumuhay ng mga masasama, ngunit iniibig niya ang humahabol sa kung ano ang tama.
\q
\v 10 Didisiplinahin ni Yahweh ang mga nalilligaw ng landas, at ang mga nasusuklam sa pagtatama ay mamamatay.
\s5
\q
\v 11 Ang mga lugar ng kamatayan at pagkawasak ay hayag kay Yahweh; gaano pa kaya kaalam ni Yahweh ang lahat nang nasa mga isipan ng mga tao na kaniyang nilikha?
\p
\v 12 Ang nag-iisip na siya ay mas mabuti kaysa sa sinuman, galit siya sa pagtatama ng sinuman; iniisip niya na matalino siya, hindi siya makikipag-usap kailanman sa matalino.
\s5
\q
\v 13 Kapag masaya ang mga tao, may mga ngiti sa kanilang mga mukha, ngunit ang lungkot ay matindi na dinudurog ang tao.
\q
\v 14 Ang inaasam ng matalino ay makatamo nang mas maraming kaalaman, ngunit nagsasabi ng kamangmangan ang mga mangmang na tao.
\s5
\q
\v 15 Ang bawat araw para sa api ay paghihirap sa kaniyang sarili, ngunit ang may masayang puso, sa kanila ay walang hanggang salu-salo.
\q
\v 16 Mas mabuting may kakaunti at magbigay ng parangal na nararapat kay Yahweh, kaysa mayroong kahanga-hangang kayaman ngunit ang kasama ay maraming kaguluhan.
\s5
\q
\v 17 Mas mabuting magkaroon ng simpleng pagkain na may gulay kapag nandoon ang pag-ibig sa tahanan, kaysa magsaya sa masarap na pagkain na hinain ng nasusuklam sa iyo.
\q
\v 18 Kapag galit ang isang tao, maraming pagtatalo pa ang kaniyang idudulot, ngunit siya na hindi madaling magalit, kaya niyang patigilin ang pagtatalo at magpapayapa.
\s5
\p
\v 19 Ang buhay ng tamad ay tulad ng isang tao na sinusubukang lumakad sa mga tinik na bakod, ngunit ang gumagawa ng ikinasisiya ni Yahweh ay katulad ng isang tao na lumalakad sa isang patag na daanan.
\p
\v 20 Ang matalinong bata ay nagdadala ng kasiyahan sa kaniyang ama, ngunit mangmang ang tao na ayaw sa kaniyang ina.
\s5
\p
\v 21 Nasisiyahan ang mga mangmang sa mga kahangalan; magkakaroon ang marunong ng magandang pamumuhay.
\p
\v 22 Kapag walang nagbibigay ng payo, pumapalya ang mga plano, ngunit nagtatagumpay ang maraming tagapayo.
\s5
\p
\v 23 Nagsasaya ang mga tao kapag sila ay nagbibigay ng magandang sagot at magandang salita ang binibitawan sa tamang panahon.
\p
\v 24 Ang landas patungo sa buhay ay pataas, malayo sa kamatayan; sumusunod siya sa daang iyon at tumatalikod sa lugar ng kamatayan.
\s5
\p
\v 25 Winawasak ni Yahweh ang mga saling-lahi ng mga mapagmataas, pero kaniyang ipinagtatanggol ang maliit na pag-aari ng balo.
\q
\v 26 Kinasusuklaman ni Yahweh ang mga iniisip ng mga masasama, pero ang mga taong nagsasabi ng kabaitan, sila ay busilak.
\s5
\p
\v 27 Ang magnanakaw ay nagdadala ng maraming kaguluhan sa kaniyang pamilya, pero ang tumatanggi sa suhol ay mabubuhay.
\q
\v 28 Ang mga tao na ginagawa ang tama ay nag-iisip ng maigi bago sila magsalita; ang mga masasama ay nilalabas lahat ng kasamaan sa kanilang mga bibig kapag sila ay nagsasalita.
\s5
\p
\v 29 Malayo si Yahweh sa mga masasamang tao, pero nakikinig siya sa mga panalangin ng mga gumagawa ng tama.
\p
\v 30 Kapag ngumiti ang mga tao, sila ay sumasaya, at ang mabuting balita ay nagdadala ng kagalingan sa katawan.
\s5
\p
\v 31 Kung ikaw ay magbibigay pansin sa taong nagtatama sa iyo, ikaw ay mananatili sa mga matatalino.
\p
\v 32 Ang tumatanggi na sumunod sa disiplina, kinamumuhian ang sarili; ang nakatatanggap ng pagtatama ay tatamo rin ng pang-unawa.
\s5
\p
\v 33 Ang karangalan na nararapat kay Yahweh ay aral na magtuturo sa iyo ng karunungan, at pagkatapos ang pagpapakumbaba ang nauuna bago ang karangalan.
\s5
\c 16
\p
\v 1 Ang mga tao ay gumagawa ng mga plano mula sa taimtim na inaasam ng kanilang kalooban, ngunit si Yahweh ang nagsasabi sa kaniya kung ano ang mangyayari.
\q
\v 2 Walang nakikitang mali ang isang tao sa kaniyang ginagawa, ngunit sinusukat ni Yahweh ang bawa't bahagi ng ginagawa ng isang tao ayon sa kaniyang mga layunin.
\s5
\q
\v 3 Kapag ikaw nagtatrabaho, ipagkatiwala mo ang lahat ng iyong mga ideya at ang iyong trabaho, at maging matagumpay ang lahat ng iyong plano.
\p
\v 4 Noong ginawa ni Yahweh ang lahat ng bagay, ginawa niya ang mga iyon para maisakatuparan nila ang gawain para sa kaniya. Ginawa niya maging ang mga masasama para sa araw ng malaking kaguluhan.
\s5
\p
\v 5 Kinamumuhian ni Yahweh ang mga tao na ang pagmamataas ay nanggagaling sa kanilang kalooban, at kahit marami silang magkakasama, paparusahan pa rin sila dahil sa kanilang pagmamataas.
\p
\v 6 Ang pag-ibig at katapatan ay magtatakip sa kasalanan at magpapatawad sa kasalanan. Kapag binibigay ng mga tao kay Yahweh ang paggalang na karapat-dapat sa kanya, makatatalikod sila mula sa paggawa ng masama.
\s5
\p
\v 7 Kapag pinapaluguran ng isang tao si Yahweh sa paraan ng kaniyang pamumuhay, nagiging dahilan din ito para makasundo niya ang kalaban ng taong iyon.
\p
\v 8 Mas mabuting magkaroon ng kakaunting pera at sumunod sa kung ano ang tama, kaysa magkaroon ng malaking halaga ng pera at mamuhay sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng kawalan ng katarungan.
\s5
\p
\v 9 Mula sa kalooban ng isang tao nanggagaling ang mga plano na ginagawa niya, ngunit pinangungunahan ni Yahweh ang tao sa bawat hakbang na kaniyang tatahakin.
\p
\v 10 Ang isang hari ay makakapagsalita ng may hatol na maka-diyos; at kapag gumawa siya ng isang panuntunan, ito ay mabuti at totoo.
\s5
\p
\v 11 Ang tamang timbangan ay nagmumula kay Yahweh; siya ang nagpasya kung ano ang dapat maging timbang ng bawat batayang sukat.
\q
\v 12 Dapat tayong mamuhi kung gumagawa ng napakamasamang mga bagay ang mga hari, sapagkat ang trono ay nakatatag sa isang matibay na pundasyon kapag ginagawa ng hari kung ano ang tama.
\s5
\p
\v 13 Ang isang hari ay masaya kapag naririnig niya ang isang taong nagsasabi kung ano ang tama; at minamahal niya ang isang taong tuwiran kapag nagsasalita.
\p
\v 14 Kapag nagalit ang isang hari, ang kaniyang poot ay isang panganib na maaaring makapatay; kaya sisikaping payapain ng mga marurunong na mga tao para hindi siya lubhang magalit.
\s5
\p
\v 15 Sa ngiti ng isang hari ay may buhay; kapag siya ay masaya, siya ay tulad ng ulap na nagdadala ng ulan sa tagsibol.
\q
\v 16 Ang pagiging marunong ay mas mabuti kaysa pagkakaroon ng ginto; ang pagtatamo ng mabuting kaunawaan ay mas mabuti kaysa pagkakaroon ng pilak.
\s5
\p
\v 17 Ang isang namumuhay sa paraan na tama ay tatalikod sa paggawa ng masama; sinumang maingat sa kaniyang pamumuhay ay mapapangalagaan ang kanyang sariling buhay.
\p
\v 18 Ang pagmamataas ay nagaganap muna sa isang tao at pagkatapos ay mamamatay siya. Kapag iniisip ng isang tao na mas mahusay siya kaysa iba, magkakaroon siya ng isang nakakatakot na pagbagsak.
\s5
\q
\v 19 Mas mabuting maging mapagpakumbaba at mamuhay kasama ng dukha kaysa tumanggap ng isang bahagi ng kung ano ang kinuha ng mga mapagmataas na tao sa pamamagitan ng dahas.
\p
\v 20 Ang mga taong iniisip ang itinuro sa kanila ay makakatagpo ng maraming mabubuting mga bagay sa aralin; napakapalad ng mga nagtitiwala kay Yahweh.
\s5
\p
\v 21 Siya na may karunungan sa kaniyang kalooban ay binibigyan ng titulo na "mapagkilatis," at ang mga nagsasalita sa paraan na mauunawaan at mauudyukan ang kanilang mga tagapakinig ay nagtuturo nang magaling.
\q
\v 22 Kapag nauunawaan mo, parang nakatagpo ka ng isang bukal ng buhay sa kalooban mo; pero matatagpuan ng mga hangal ang kanilang kaparusahan kapag bumalik sa kanila ang kanilang kahangalan.
\s5
\p
\v 23 Mula sa kalooban niya, ang taong marunong ay nagsasalita mula sa kaalaman na kaniyang natutunan; kung kaya, kapag siya'y nagsasalita may kapangyarihan siyang manghikayat ng iba.
\q
\v 24 Ang mabuting mga salita ay tulad ng isang bahay-pukyutan; ang mga iyon ay matamis para kainin natin, at nagbibigay sila ng kagalingan sa ating mga katawan.
\s5
\p
\v 25 Ang isang tao ay namumuhay at iniisip niya na tama ang kaniyang ginagawa, pero kapag dumating na siya sa katapusan ng kaniyang buhay, ang natatagpuan lamang niya ay kamatayan.
\q
\v 26 Ang ganang kumain ng isang manggagawa ay nagtutulak sa kaniya para magsumikap, pinipilit siya ng kaniyang gutom na patuloy siyang sa kaniyang gawain.
\s5
\q
\v 27 Ang isang walang halagang tao ay hukay nang hukay hanggang matagpuan niya ang isang bagay na magagamit niya para ipahiya ang isang tao at magdulot ng gulo sa kanila; at kung ano ang sinasabi niya tungkol sa kanila ay tulad ng isang apoy na sumusunog ng bukirin.
\p
\v 28 Ang taong walang mabuting asal ay pumupukaw ng alitan sa pagitan ng mga tao; at ang mga nagkakalat ng mga sabi-sabi ay pinaghihiwalay ang mga magkakaibigan.
\s5
\p
\v 29 Ang marahas na tao ay nagsasabi ng mga kasinungalingan sa kaniyang kaibigan, at inaakay siya pababa sa isang daan na hindi kailanman makakakita ng kung ano ang mabuti.
\q
\v 30 Ang isang tao na kumikindat ay naghuhudyat sa iba na panahon na para simulan ang kanilang nakakatakot na balak; ang mga nagtitikom ng kanilang mga labi, gagawa sila ng masasamang mga bagay.
\s5
\p
\v 31 Ang mga puting buhok ay tulad ng isang marangal na korona; ibinibigay ito sa mga namumuhay sa pamamagitan ng paggawa ng kung ano ang tama.
\q
\v 32 Ang isang tao na hindi madaling magalit ay higit na malakas kaysa sa isang mandirigma; ang isang tao na may pagpipigil sa sarili ay higit na malakas kaysa sa isang sumasakop ng isang lungsod sa pamamagitan ng dahas.
\s5
\q
\v 33 Ang mga batong bumubuo ng "palabunutan" ay hinahagis sa kandungan ng isang tao, pero si Yahweh ang nagpapasya kung aling bahagi ng mga bato ang hihinto sa paggulong.
\s5
\c 17
\p
\v 1 Mabuti pang kumain ng isang tuyong piraso ng tinapay at hindi magkaroon ng hidwaan kaysa tumira sa isang bahay kung saan ang pag-aaway ay karaniwang gaya ng kapistahan.
\p
\v 2 Ang alipin na kumikilos na may karunungan ay mamamahala sa anak ng kaniyang amo kung siya ay gumagawa ng kahiya-hiyang mga bagay. Ang alipin na iyon ay magmamana at siya ay pakikitunguhan na gaya ng isa sa mga anak ng kaniyang amo.
\s5
\q
\v 3 Ang pilak ay ipinapasok sa tunawan ng metal para maging dalisay, ang ginto ay ipinapasok sa hurno para maging puro, ngunit si Yahweh ang gumagawa para maging dalisay ang mga tao.
\q
\v 4 Ang mga gumagawa ng masama ay nakikinig sa mga taong nagsasalita sa masamang pamamaraan, at nakikinig ang mga taong nagsasabi ng mga kasinungalingan sa mga taong nagsasalita para gumawa ng kaguluhan.
\s5
\p
\v 5 Siya na ginagawang katatawanan ang mga mahihirap ay hinahamak si Yahweh na lumikha sa kaniya; parurusahan ni Yahweh ang mga taong nagsasaya kahit may ibang taong naguguluhan.
\q
\v 6 Nagbibigay ang mga apo ng karangalan at paggalang sa matatanda, at nagibigay ng karangalan ang mga magulang sa kanilang mga anak.
\s5
\p
\v 7 Walang kakayahan ang isang hangal na magbigay ng mahusay na pananalita; kaya mali na magsinungaling ang isang taong may titulong maharlika.
\p
\v 8 Ang suhol ay kumikilos na tila mahika para sa nagbibigay ng suhol; nagtatagumpay ang lahat ng bagay na kaniyang ginagawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga suhol.
\s5
\p
\v 9 Dapat mong matutunan na hindi masaktan ng taong mahal mo, ngunit kung magmumungkahi ka sa iyong kaibigan na nakasakit sa iyo, at paulit-ulit mo itong ginagawa, iyon ang magpapahiwalay sa matalik na pagkakaibigan.
\p
\v 10 Ang pagsaway sa tao na may pang-unawa ay nagdudulot ng pagkatuto kaysa subukang turuan ang isang hangal sa pagpalo sa kaniya ng isang daang beses sa pamamagitan ng patpat.
\s5
\q
\v 11 Ang nais lamang ng isang masamang tao ay ang sumuway sa mga patakaran; karapat-dapat sa kaniya ang isang mensahero na magmamalupit sa kaniya.
\p
\v 12 Mas mabuti pang makasalubong ka ng inahing oso na nanakawan ng mga anak kaysa makatagpo ka ng isang mangmang.
\s5
\q
\v 13 Kung masama ang iginanti sa kabutihan na ipinakita sa kaniya, kasamaan ang mananatili sa kaniyang sambahayan.
\p
\v 14 Ang pag-uumpisa ng away ay kagaya ng pagpapakawala ng tubig at hayaan itong kumalat sa lahat ng dako; mas makakabuti ang umalis bago ito mag-umpisa.
\s5
\p
\v 15 Kapag nagpalaya ng masamaang hukuman at hinahatulan ang mga gumagawa ng tama, parehong kinasusuklaman ni Yahweh ang mga ganitong gawain.
\p
\v 16 Walang pakinabang para sa isang mangmang kapag magbayad ng salapi para matuto ng karunungan; gaano man niya ito subukan, hindi niya kayang matutunan ang tungkol sa karunungan.
\s5
\p
\v 17 Ang isang kaibigan ay nagmamahal sa iyo sa lahat ng oras, at kapag ikaw ay nasa kaguluhan, walang sinumang mas mabuti kaysa sa isang kapatid na tutulong sa iyo.
\p
\v 18 Ang sinuman na walang mabuting pagpapasiya ay gagawa ng isang kasunduan na hindi niya kayang bayaran, at gagawa pa siya ng pangako na bayaran ang pagkakautang ng kaniyang kapwa.
\s5
\p
\v 19 Ang isang taong ibig magkaroon ng mga pagtatalo, ang taong iyon ay umiibig din sa kasalanan na nasa likod ng kaguluhan; ang isang bagay ay humahantong sa isa pang bagay; siya na gumagawa ng mataas na pintuan, tiyak na maging daan ito para mabalian ng buto ang isang tao.
\q
\v 20 Ang isang taong hindi mapagkakatiwalaan dahil sa isang bagay na nasa kaniyang kalooban, hindi niya kailanman mahahanap ang mabuti, at siya na nagsasabi ng kasinungalingan, mahuhulog siya sa kaguluhan.
\s5
\p
\v 21 Ang isang ama na may anak na mangmang ay nagdudulot ng kalungkutan sa kaniyang buhay; ang ama ng isang mangmang ay hindi makakapamuhay nang masaya.
\p
\v 22 Ang pagiging masayahin ay katulad ng gamot nanagpapabuti ng iyong pakiramdam, ngunit kapag dinurog ka ng kalungkutan, ito ay waring ang bawat buto ay maaring mabali sa isang hipo lamang.
\s5
\q
\v 23 Ang masamang tao ay tumatanggap ng suhol sa paraan na parang walang sinumang nakakakita sa kaniya, kaya ang suhol ay maaring magpapabago ng pasya para sa kaniyang panig.
\p
\v 24 Ang isang tao na nagsimulang maka-unawa, alam niya na dapat din siyang lumakad sa karunungan. Gayunman, ang taong hangal ay mayroong mga mapangahas na mga plano at mga imposibleng mga hangarin, at hinahanap niya ang mga ito gaano man sila kalayo.
\s5
\q
\v 25 Ang isang hangal na anak ay nagdudulot nang matinding kalungkutan sa kaniyang ama, at dalamhati sa inang nagsilang sa kaniya.
\q
\v 26 Hindi mabuti na parusahan ang isang taong gumagawa ng tama at kapag naparusahan ng batas ang isang mabuting tao na may marangal na pag-uugali, ito ay hindi kailanman magiging mabuti.
\s5
\p
\v 27 Ang isang taong may natutunang kaalaman, ay natututong magsalita ng maayos gamit ang ilang mga salita, at mahinahon ang isang taong may pang-unawa.
\p
\v 28 Kapag mananatiling tahimik ang mangmang, mag-aakala ang ilan na siya ay napakarunong; kapag panatilihin niyang tikom ang kanyang bibig, magmumukhang matalino ang isang mangmang.
\s5
\c 18
\p
\v 1 Sinumang lumalayo sa mga tao ay mamumuhay sa sarili niyang mga pagnanasa, at kailanman hindi siya kumikilos nang may mabuting kahatulan.
\q
\v 2 Hindi nagagalak ang isang mangmang na tao sa pag-intindi ng anumang bagay; nais lang niyang sabihin kung ano ang kaniyang iniisip.
\s5
\p
\v 3 Kasunod ng pagdating ng masama ay ang panghahamak at kahihiyan.
\p
\v 4 Ang mga salita ng tao ay tulad ng malalim na tubig-dagat o bukal na pinagdadaluyan ng karunungan.
\s5
\p
\v 5 Hindi mabuti na ituring ang masama nang may karangalan gaya nang hindi rin mabuti na itanggi ang katarungan sa mga matuwid.
\p
\v 6 Ang sinasabi ng mangmang ay pinagmumulan ng alitan; nagsasabi siya ng mga bagay na mag-uudyok sa mga tao na siya ay saktan nang may pamalo.
\s5
\p
\v 7 Ang mangmang ay sinisira ng kaniyang sariling mga salita; ito ay mga patibong para sa kaniya.
\p
\v 8 Ang mga tsismis ng isang tao ay matatamis na salita na tulad ng kendi sa kanilang mga bibig na masarap sa kanilang mga tainga.
\s5
\p
\v 9 Ang taong hindi nagtatrabaho ng maayos ay katumbas ng isang taong sumisira ng lahat ng bagay.
\p
\v 10 Ang pangalan ni Yahweh ay tulad ng isang kastilyo na kailanman ay hindi matitibag; ang mga gumagawa ng tama ay tumatakbo dito at sa tanggulan ng kaniyang pangalan, sila ay ligtas.
\s5
\p
\v 11 Ang mayaman ay nagtitiwala sa kaniyang sariling ari-arian gaya ng isang lungsod na nagtitiwala sa sarili nitong mga tanggulan; iniisip niyang mapag-iingatan siya nito gaya ng isang mataas na pader.
\p
\v 12 Sa pagkasira ng isang tao, ang kaniyang pusong mapagmataas ang may dala nito, ngunit para makamit ng isang tao ang mataas na karangalan, dapat siyang matuto na maging mapagkumbaba.
\s5
\p
\v 13 Ang taong agad sumasagot bago makinig ay mangmang at kahiya-hiya.
\p
\v 14 Maaaring mapagtagumpayan ng isang tao ang nakakatakot na karamdaman sa kaniyang katawan, ngunit kung nararamdaman niyang parang nadudurog ang kaniyang kalooban, paano niya ito mapaglalabanan?
\s5
\p
\v 15 Ang matalino ay mayroong matinding pagnanasa na mas lalo pang matuto, at maghahanap ang mga taong marunong na magtuturo sa kanila ng kaalaman.
\p
\v 16 Kung magbibigay ka ng regalo sa isang mahalagang tao, magbubukas ka ng daan para makipag-usap sa kaniya.
\s5
\p
\v 17 Ang unang maghaharap ng kaso sa hukuman ay ituturing na tama hanggang dumating ang kabilang panig at tanungin siya.
\q
\v 18 Kung may alitan ang dalawang mahusay na tao, palabunutan ang maaaring makatulong para ayusin ito.
\s5
\p
\v 19 Kung masasaktan mo ang kapatid mo, ang paghahanap ng paraan para makipag-ayos sa kaniya ay maaaring maging mas mahirap kaysa ang makipagdigma at manalo. Ang mga pagtatalo ay mas mahirap ayusin kaysa ang sirain ang mga harang ng kastilyo.
\p
\v 20 Ang mga salita na sinasabi ng tao ay makapagdadala ng pagkakuntento sa kaniyang sarili, tulad ng pagkain na pumupuno sa kaniyang tiyan.
\s5
\p
\v 21 Ang mga tao ay may kakayahan na pumatay ng tao o panatilihin silang buhay sa pamamagitan ng kanilang mga salita. Kaya't mapanganib ang umibig sa husay nila sa pagsasalita.
\p
\v 22 Ang nakatatagpo ng asawa ay nakasusumpong ng mabuting bagay na magpapala sa kaniyang buhay, at si Yahweh ang magbibigay sa kaniya ng kaloob na ito.
\s5
\p
\v 23 Ang taong naghihirap ay masidhing nanlilimos ng awa, pero ang mayaman pabalang na sasagot sa kaniya.
\p
\v 24 May isang tao na nagsasabing marami siyang kaibigan pero sinisira nila ang kaniyang buhay; pero mayroong isang kaibigan na tumatayo kasama natin sa anumang bagay, at lagi siyang malapit sa atin, higit pa sa isang kapatid.
\s5
\c 19
\p
\v 1 Ihalintulad ang taong mahirap na tumutupad sa kaniyang mga pangako, sa mangmang na puno ng kasinungalingan.
\q
\v 2 At isaalang-alang ito, ang pagkakaroon ng pagnanasa na walang kaalaman ay tulad ng pagtakbo ng mabilis na ikaw na lumilihis sa landas na nais mong makuha.
\s5
\q
\v 3 Sumisira ng kaniyang buhay ang kahangalan ng mangmang, pero siya pa ang nagagalit kay Yahweh sa kaniyang mga kaguluhan.
\p
\v 4 Madaling makahanap ng maraming kaibigan ang mga mayaman, pero makikita ng taong mahirap na ang kaniyang kahirapan ang maghihiwalay sa kaniya mula sa kaniyang kaibigan.
\s5
\p
\v 5 Mapaparusahan ang taong nagsisinungaling para maging kaibigan dahil sa panlalamang, katulad ng tao na nagsisinungaling sa bawat salitang kaniyang sinasabi, hindi siya makakatakas.
\p
\v 6 Kapag bukas palad ang tao at mapagbigay ng mga kaloob, maraming tao ang lalapit at hihingi ng mga pabor, na para bang ang lahat ay kaibigan ng taong nagbibigay ng maraming mga kaloob.
\s5
\p
\v 7 Napopoot sa taong mahirap ang lahat ng kaniyang kapatid; at lalo pang napopoot ang kaniyang mga kaibigan sa kaniya, at lumalayo sila sa kaniya; tinatawagan niya sila ngunit umaalis sila.
\p
\v 8 Siya na nagsisikap matutunan ang tungkol sa karunungan, mahal niya ang kaniyang sarili; ang pagkakaroon ng pang-unawa ay makakatulong na malaman kung ano ang mabuti at sa hindi.
\s5
\p
\v 9 Parurusahan ang mga nagsisinungaling kapag sila ay sumasaksi, pero mamatay ang bawat salita ng sinungaling.
\p
\v 10 Kapag namumuhay ang mangmang sa karangyaan -- hindi tama, kapag namumuhay ang hangal sa karangyaan at mas masahol pa ito sa alipin na pinamumunuan ang mga prinsipe.
\s5
\p
\v 11 Ang taong may mabuting pang-unawa ay hindi agad nagagalit, at ito ay kaniyang karangalan na hindi agad bigyang pansin ang isang taong nakakagawa ng kamalian sa kaniya.
\p
\v 12 Ano ang katulad ng galit ng hari? Tulad Ito ng umaatungal na batang leon, pero tulad ng hamog sa mga damo ang kaniyang kabaitan
\s5
\p
\v 13 Sinira ng mangmang na anak ang kaniyang ama. Ang asawang babae na laging nang-aaway ay nakababalisa gaya ng tubig na walang tigil ang patak.
\p
\v 14 Ang bahay at pera ay maaaring mamana mula sa ating mga magulang, ngunit ang matinong asawang babae ay mula kay Yahweh.
\s5
\p
\v 15 Madaling makatulog ang taong tamad, ngunit magugutom ang sinuman na ayaw maghanapbuhay.
\p
\v 16 Siya na tumutupad sa kautusang itinuro sa kaniya nag-iingat ng kaniyang buhay, ngunit siya na hindi pinag-iisipan kung paano mabuhay ay mamamatay.
\s5
\p
\v 17 Siya na mabait sa mahirap, parang nagpapahiram kay Yahweh; at babayaran siya ni Yahweh sa kaniyang ginawa.
\p
\v 18 Turuan mo ang iyong anak at ituwid habang may pag-asa pang masagip siya; ngunit huwag magbigay ng sama ng loob sa kaniya na para mo ring winawasak ang kaniyang buhay
\s5
\p
\v 19 Pagbabayaran ng isang taong mainitin ang ulo ang kaniyang galit; kung ililigtas mo siya pagkatapos niyang magwala, kailangan mong gawin itong paulit-ulit.
\p
\v 20 Bigyan mo ng pansin ang mabuting pagpapatnubay at hayaan ang pagtuturo ng iba para ikaw ay maging marunong hanggang sa katapusan ng iyong buhay.
\s5
\p
\v 21 Maraming sariling plano ang tao na nagmumula sa kaniyang kalooban, ngunit may sariling plano si Yahweh at ito ay kaniyang isasakatuparan.
\p
\v 22 Nais ng tao ang katapatan, at mas mainam ang taong mahirap kaysa sa sinungaling.
\s5
\p
\v 23 Hahaba ang buhay ng sinumang taong may paggalang kay Yahweh; masisiyahan ang taong tulad nito; at siya ay hindi mapapahamak.
\p
\v 24 Inilalagay ng isang tamad na tao ang kaniyang kamay sa pagkain; hindi niya kayang itaas ang kaniyang kamay sa kaniyang bibig para kumain.
\s5
\q
\v 25 Kung parurusahan mo ang taong nangungutya ng iba, ang isang taong hindi naturuan ay matututo kung paano maging maingat. Kung itatama mo ang isang may pang-unawa, mas madadagdagan ang kaniyang kaalaman.
\s5
\p
\v 26 Siyang nagnanakaw sa kaniyang ama at tinataboy ang kaniyang ina ay nagdadala ng kahihiyan at dungis sa kaniyang sarili.
\p
\v 27 Aking anak, kung hindi ka makikinig sa katuruan, ikaw ay lalayo sa mga salita ng kaalaman.
\s5
\p
\v 28 Nililibak ng sinungaling na saksi ang katarungan, at madaling magkasala ang masasama habang sila ay kumakain.
\p
\v 29 Handang parusahan ni Yahweh ang sinumang ginagawa ang kaniyang sarili na mas mabuti kaysa sa ibang tao, handa niyang hampasin ang likod ng mga hangal.
\s5
\c 20
\p
\v 1 Ginagawa kang maingay ng alak, at ginagawa kang hangal ng matapang na inumin; hindi marunong ang sinumang magpapahintulot sa alak na iligaw sila.
\p
\v 2 Ang poot ng hari ay kinatatakutan ng mga tao na parang sila ay humaharap sa isang umaatungal na batang leon; ang taong nagpapagalit sa hari ay nagpapakamatay.
\s5
\p
\v 3 Isang karangalan ang lumayo sa isang pagtatalo, ngunit handang makisama dito ang bawat mangmang.
\p
\v 4 Hindi handang araruhin muli ng isang taong tamad ang kaniyang taniman sa taglagas, at kapag panahon na ng ani, siya ay nagmamasid, pero walang lumalago sa kaniyang bukid.
\s5
\p
\v 5 Ang mga layunin ng isang buhay ng tao ay katulad ng malalim na tubig sa karagatan, ngunit ang isang taong may pang-unawa ay may kakayahang ilabas at isakatuparan ito.
\p
\v 6 Maraming tao ang nagpapahayag na sila ay mapagkakatiwalaan na gawin ang kanilang ipinangako, ngunit napakahirap na makakita ng totoong mapagkakatiwalaan.
\s5
\p
\v 7 Ang tao na laging gumagawa ng tama--napakapalad ng kaniyang mga anak na sumusunod sa kaniya.
\p
\v 8 Ang hari na nakaupo sa kaniyang trono bilang isang hukom ay may kakayahang makita ang kaibahan sa pagitan ng lahat ng uri ng kasamaan sa harap niya, sa pagtingin lamang sa kanila.
\s5
\p
\v 9 Walang sinuman ang maaaring makapagsabi nang may katotohanan, "Pinapanatili kong malinis ang aking puso, at ako ay malaya mula sa aking mga kasalanan."
\p
\v 10 Ang mga hindi pantay na mga timbang, hindi tamang tanda, at hindi pantay na mga sukat na pumapanig sa isang nagtitinda, parehas itong kinapopootan ni Yahweh.
\s5
\p
\v 11 Gayundin, ang isang kabataan ay nakikilala sa pamamagitan ng kaniyang ginagawa, ito ay malinaw kung ang kaniyang ginagawa ay malinis at kagalang-galang o hindi.
\p
\v 12 Ang mga tainga na nakakarinig at ang mga mata na nakakakita— parehong ginawa ito ni Yahweh.
\s5
\p
\v 13 Kung nais mong matulog sa lahat ng oras, ikaw ay magiging mahirap; manatili kang gising kung saan ikaw ay dapat nagtatrabaho at magkakaroon ka ng maraming kakainin.
\p
\v 14 "Ito ay hindi mabuti," ang sabi ng namimili kapag siya ay nakikipagkasundo sa iyo tungkol sa halaga. Ngunit matapos niyang bilhin ito, siya ay pupunta at magyayabang sa kaniyang mga kaibigan kung gaano kamahal niya ito nabili.
\s5
\p
\v 15 Isipin mo ang halaga ng ginto at maraming mamahaling mga hiyas, ngunit ang mga salita ng isang may kaalaman ay tulad ng mahahalagang mga hiyas.
\p
\v 16 Sinuman ang mananagot sa utang ng iba, kunin mo ang kaniyang pinakamahal na balabal para ibenta ito kapag hindi siya nagbayad, at kapag nakipagkasundo para sa isang nakuhanan mo ng balabal na pagmamay-ari niya bilang sangla.
\s5
\p
\v 17 Ang kinuhang tinapay sa pamamagitan ng pagsisinungaling ay maglalasang matamis, ngunit sa kalaunan ang kaniyang bibig ay magiging katulad ng napunong graba dahil sa kaniyang mga kasinungalingan.
\p
\v 18 Ang mabuting mga balak ay nabubuo sa pagkonsulta sa mga mabuting tagapayo, at sa payo lamang ng mga marunong na tagapayo dapat sumangguni ang isang taong pupunta sa labanan.
\s5
\p
\v 19 Ang tsismis ay nagsasabi ng mga lihim, kaya manatiling malayo mula sa mga tao na nagsasalita ng labis.
\p
\v 20 Kung isinusumpa ng isang tao ang kaniyang ama o kaniyang ina, ang kaniyang buhay ay parang isang ilaw na nawalan ng liwanag.
\s5
\p
\v 21 Ang mana na madaling nakukuha ay maaaring magdulot ng mabuti sa simula, pero sa kalaunan ito ay gagawa ng kaunting kabutihan para sa tao na nakatanggap nito.
\p
\v 22 Huwag mong sabihin na, "Gagantihan kita sa pagkakamaling ginawa mo sa akin." Hintayin si Yahweh at siya na ang bahala sa bagay na iyon.
\s5
\p
\v 23 Kinamumuhian ni Yahweh ang mga gumagamit ng hindi tapat na mga panukat at mga timbangang hindi wasto.
\p
\v 24 Si Yahweh ang pumapatnubay sa daan na pupuntahan ng isang tao. Kaya, paano mauunawaan ng tao kung saan siya pupunta?
\s5
\q
\v 25 Mapanganib ipahayag na ang isang bagay ay banal kay Yahweh, at lalong masamang isipin ang kahulugan ng kabanalan matapos mong gumawa ng isang panata.
\p
\v 26 Ihinihiwalay ng marunong na hari ang masama mula sa kaniyang mga tao; at pagkatapos pinasasagasaan sa isang pang-giik na kariton ang kanilang katawan para patayin sila.
\s5
\p
\v 27 Ang espiritu na nagbibigay buhay sa isang tao ay ang liwanag na nagniningning mula kay Yahweh, ito ay nagniningning sa kaloob-looban at nagpapakita kung ano ang nasa loob natin.
\q
\v 28 Pinapangalagaan ng pag-ibig at katapatan ang buhay ng hari; ang kaniyang trono ay pinagtitibay ng tapat na pag-ibig.
\s5
\p
\v 29 Ang karangalan ng kabataan ay nakikita sa lakas nila, pero ang karangyaan ng matatanda ay nasa kanilang uban.
\p
\v 30 Kung tayo ay hinahampas, ang latay nito ay makapaglilinis ng kasamaan, at ang mga palo ay naglilinis ng ating kalooban.
\s5
\c 21
\p
\v 1 Ang mga motibo ng hari ay gumagabay gaya ng sapa sa pamamagitan ni Yahweh; kaniyang inilihis ang hari katulad ng kaniyang pamamahala sa agos ng tubig, sa kahit anong paraan na kaniyang nais.
\p
\v 2 Kapag ang tao ay nakatingin sa kaniyang sarili, lahat ng kaniyang ginagawa ay tama para sa kaniya, ngunit ang mahalaga ay ang iniisip ni Yahweh sa kaniyang ginagawa.
\s5
\q
\v 3 Ang paggawa ng tama at katarungan ay mas katanggap-tanggap kay Yahweh kaysa sa pag-aalay sa kaniya.
\p
\v 4 Kung iyong ipapakita sa iba na iniisip mong ikaw ay mas higit kaysa sa kanila, at idagdag pa ang pagmamataas na mayroon sa iyong kalooban - ito ay lumiliwanag katulad ng ilaw at sinasabi nito sa iba na ikaw ay masamang tao - ito ay mga halimbawa ng kasalanan.
\s5
\p
\v 5 Ang mga masikap na nagtatrabaho at nagsasagawa ng kanilang mga plano ay magtatagumpay, ngunit ang lahat na mabilis na gumagawa na hindi gaanong nagplano, ay gagawing mahirap ang kanilang sarili.
\p
\v 6 Kapag may isang naging mayaman dahil nagsasabi siya ng kasinungalingan, ang kayamanang iyon ay maglalaho na parang hamog; ang kayamanang iyon ang papatay sa kaniya.
\s5
\p
\v 7 Kapag kumilos ang masamang tao nang may karahasan, sila ay wawasakin nito dahil sila ay tumanggi na gawin kung ano ang tama.
\p
\v 8 Ang makasalanan ay sumusunod sa landas na puno ng kasinungalingan, ngunit ang taong walang sala ay pinipili na gawin kung ano ang tama.
\s5
\p
\v 9 Mabuti pang mamuhay ng nag-iisa sa sulok ng bubungan kaysa sa loob ng isang bahay na kasama ang asawang babae na ang nais ay laging makipagtalo.
\p
\v 10 Ang masama ay nananabik na gumawa ng masama higit sa anumang bagay, kapag tinitingnan siya ng kaniyang kapit-bahay, walang nakikitang kabaitan sa kaniyang mga mata.
\s5
\p
\v 11 Kapag naparusahan ang isang taong kumikilos na siya ay mas magaling kaysa sa ibang mga tao, matututo sila ng napakahalagang aral, at kung tuturuan mo ang isang marunong, matututo sila ng higit pa.
\p
\v 12 Binabantayan ng isang gumagawa ng tama ang bahay ng mga masasamang tao, at kaniyang hinaharap ang kanilang kasamaan at dinadala sila sa katarungan.
\s5
\p
\v 13 Kapag humihingi ng tulong ang mahirap, may isang taong hindi makikinig sa kanilang mga hinaing, ngunit kapag siya ang hihingi ng tulong, walang makikinig sa kaniyang mga hinaing dahil tinakpan niya ang kaniyang tainga sa kanilang hinaing.
\q
\v 14 Magbigay ng regalo sa taong galit sa iyo, at maaaring maalis nito ang kaniyang galit; ang lihim na regalo ay maaaring makatulong sa taong may galit sa iyo na huminahon.
\s5
\p
\v 15 Kung may katarungan, ang mga nagmamahal sa tama ay masaya, at kapag may katarungan, ito ay nagdudulot ng malaking takot sa mga gumagawa ng masama.
\p
\v 16 Ang taong hindi nakakaintindi ng tama at mali ay malilito kapag sinubukan niyang gumawa ng pasya, magpapahinga lamang siya kapag siya ay patay na.
\s5
\p
\v 17 Mahalin ang kasiyahan at gagawin ka nitong mahirap; mahalin mo ang pag-inom ng alak at pagkain ng mamahaling pagkain at hindi ka yayaman.
\p
\v 18 Ang taong gumagawa ng tama ay mas pinaparangalan kaysa sa masamang tao, at ang mabuting tao ay pahahalagahan nang higit kaysa sa isa na hindi tumutupad sa kaniyang pangako.
\s5
\p
\v 19 Mas mabuti pang mamuhay mag-isa sa isang disyerto kaysa makasama ang isang asawang babae na palaging nagiging sanhi ng hindi pagkakasundo at hindi tumitigil sa pagrereklamo.
\p
\v 20 Ang mga matatalino ay mayroong pinakamamahal na mga kayamanan at sila ay namumuhay nang sagana, ngunit inaaksaya ng mga hangal na tao ang lahat ng mayroon sila.
\s5
\p
\v 21 Ang taong mabait at gumagawa ng tama ay namumuhay ng magandang buhay, gumagawa ng mga matalinong pagpapasya, at tumatanggap ng karangalan mula sa iba.
\p
\v 22 Kapag ang isang marunong na pinuno ay lumaban sa lungsod ng mga makapangyarihang mandirigma, alam niya kung paano pababagsakin ang mga tanggulan ng mga lungsod at sinasakop niya ito.
\s5
\p
\v 23 Mag-ingat, kung mababantayan mo ang mga salitang lumalabas mula sa iyong bibig at dila, ikaw ay malalayo sa maraming gulo.
\q
\v 24 Iniisip ng mangungutya na siya ay mas mabuti kaysa sa ibang tao, at ang kaniyang mga kilos ay nagmumula sa kaniyang pagmamataas at kayabangan.
\s5
\p
\v 25 Ang mga bagay na pinipiling gawin ng mga tamad ay papatay sa kanila; sapagkat siya ay tumatangging magtrabaho.
\p
\v 26 Buong araw siya ay nagnanais ng mga bagay pero ang sinumang gumagawa ng tama ay nagbibigay ng regalo sa iba, at siya ay hindi nagpipigil sa anumang bagay na mabuti.
\s5
\p
\v 27 Kapag nagpasya ang masama na magbigay ng alay kay Yahweh, kasusuklaman ito ni Yahweh, at higit na kasusuklaman ito ni Yahweh kapag sumamba ang masamang tao kay Yahweh para makakuha ng bagay para sa kaniyang sarili.
\p
\v 28 Ang mga nagsisinungaling tungkol sa ibang tao ay mamamatay, ngunit ang naglalaan ng oras para makinig—kapag siya ay may sinabing bagay, matatandaan ito ng mga tao.
\s5
\q
\v 29 Ang masamang tao ay kumikilos na para bang siya ay malakas, ngunit ang taong nagsasabi ng matapat ay nagsasabi ng katotohanan at nag-iisip bago siya kumilos.
\s5
\q
\v 30 Maaari bang may kahit anong karunungan, pag-unawa, o payo, na mas matalino pa kaysa kay Yahweh?
\p
\v 31 Ang abay na lalaki ang naghahanda sa kabayo para sa araw na labanan, ngunit ang kalalabasan ng laban, ang nagtatagumpay o ang talunan, ang nagpapasya ay si Yahweh.
\s5
\c 22
\p
\v 1 Bilang isang tao na siyang pinag-iingatan ang kanyang salita ay mas mahalaga kaysa pagkakaroon ng malaking kayamanan, at bilang isang tao na iginagalang ng lahat para sa paggawa ng tama ay mas mabuti kaysa pagkakaroon ng pilak at ginto.
\p
\v 2 Ang mga taong mayaman at mga taong mahirap ay mayroong kahit isa man lamang na pagkakapareho— pareho silang ginawa ni Yahweh.
\s5
\p
\v 3 Ang isang taong may mabuting pag-iisip ay nakakaiwas kapag nakaramdam ng kaguluhang dumarating, ngunit napapahamak ang mga taong walang karanasan o kaalaman.
\p
\v 4 Kapag mapagpakumbaba ang isang tao at ibinibigay ang karapat-dapat na respeto kay Yahweh, ito ang kaniyang mga gantimpala: mg] kayamanan, karangalan, at buhay.
\s5
\p
\v 5 Kung saan naglalakad ang matigas na ulo, ang kanilang landas ay tulad ng daang natatakpan ng mga tinik at mayroong patibong sa bawat hakbang. Kapag binabantayan mo ang iyong sariling buhay mula sa kasamaan, mailalayo ka mula sa lahat ng mga kapahamakang ito.
\p
\v 6 Dapat ituro sa bata ang daan ng buhay at sa landas na dapat niyang tahakin, at kapag narating na niya ang katandaan, siya ay mananatili sa ganoon ding landas.
\s5
\p
\v 7 Sa katunayan, ang mayaman ay kadalasang mayroong kapangyarihan sa mahirap, at siyang humihiram ng pera ay halos tulad ng isang alipin sa nagpapahiram sa kaniya ng pera.
\p
\v 8 Kung ikaw ay nagtanim ng mga buto ng kasamaan, asahan mong may pananim ng gulo, at kapag gumamit ka ng pamalo para idisiplina ang iyong anak, ngunit ginamit mo ito nang ikaw ay galit na galit, wala itong magagawang mabuti.
\s5
\p
\v 9 Siyang naghahanap ng mga tao para tumulong, bibigyan ni Yahweh ng maraming mga kaloob, dahil itinuturing niyang mahalaga ang magbahagi ng kanyang pagkain sa mga mahihirap.
\p
\v 10 Kung itataboy mo ang mayabang na tao, lahat ng mga bagay ng hindi pagkakasundo ay makakasama niya. Wala ng magtatalo o mang-iinsulto sa kahit sinuman kapag siya ay nawala na.
\s5
\p
\v 11 Kapag gusto ng isang tao na gumawa ng isang bagay dahil lamang gusto niyang gumawa ng kung ano ang mabuti at tama— siya ay tapat, at ang kaniyang pananalita ay puno ng kabutihan - magiging kaibigan niya ang hari.
\p
\v 12 Iniingatan ni Yahweh ang kaalaman, para mapanatili itong ligtas, kasing tiyak na binibigo niya ang sinungaling na mga pangako ng taksil.
\s5
\p
\v 13 Ang tamad na tao ay tumatawag ng, "Mayroong leon sa lansangan! Kung ako ay lalabas, papatayin ako!"
\p
\v 14 Ang mga salitang sinabi ng mga mangangalunya ay makakaakit sa iyo, at ito ay magiging para bang ikaw ay nahulog sa malalim at mapanganib na hukay! Lahat ng nahuhulog sa hukay na iyon ay magugulo, ngunit ang malala, mararanasan nila ang galit ni Yahweh para sa kanilang mga ginawa.
\s5
\p
\v 15 Napapaloob sa isang bata ang mga hangal at walang saysay na mga bagay at lumalabas ang mga ito nang may kahangalan. Ngunit ang pagtatama sa isang bata nang may disiplina ay ang magaalis ng kabaliwan.
\p
\v 16 Ang siyang gumagawa ng pera sa pamamagitan ng pagsasamantala sa mahirap o sa pamamagitan ng pagbibigay ng maraming pera sa mga mayaman, dadalhin siya ni Yahweh sa kahirapan.
\s5
\p
\v 17 Makinig ka ngayon sa kung anong mga sinabi ng mga matatalino. Ibigay mo ang lahat ng iyong atensyon at matuto ka sa kaalaman na iyong kakailanganin kung ikaw ay magiging matalino.
\p
\v 18 Makabuti para sa iyo na gawin silang prinsipyong gabay mo sa buhay at magkaroon ng kakayahang ulitin ang lahat ng iyon sa mga iba.
\p
\v 19 Ang pinakamahalagang bagay para sa iyo ay ang magtiwala kay Yahweh at kaya ko itinuturo sila sa iyo, oo, kahit na sa iyo.
\s5
\p
\v 20 Isinulat ko ang tatlumpo sa mga kasabihan na ito para sa iyo upang matutunan mo. Mga kasabihan para bigyan ka ng payo at para maituro sa iyo kung ano ang hindi mo nalalaman.
\p
\v 21 Ang mga araling ito ay nagpapakita sa iyo kung ano ang totoo at sila ay magtuturo sa iyo ng tapat na mga aralin, sa gayon ikaw ay maaaring magbigay ng maaasahan at totoong mga kasagutan sa mga nagpadala sa iyo.
\s5
\p
\v 22 Maaaring pagnakawan ng kahit na sino ang isang mahirap na tao. Huwag mo itong gawin. At huwag mo silang sasaktan, ang mga nagmamakaawa sa may tarangkahan ng lungsod,
\p
\v 23 dahil naninindigan si Yahweh para ipagtanggol sila at kukunin Niya ang buhay ng sinumang nagnakaw mula sa mahirap.
\s5
\p
\v 24 Huwag makipagkaibigan sa siyang ang buhay ay kontrolado ng kanyang galit, at huwag makisama sa isang taong kinahihibangan ang kanyang nakakikilabot na matinding galit,
\p
\v 25 o matutunan mong maging tulad niya, at ang galit mo ay magiging patibong, isang patibong na mamamahala sa iyong buhay.
\s5
\p
\v 26 Mag-ingat na hindi mo malagdaan ang mga kontrata para bayaran ang mga utang ng mga iba at huwag gagawa o maglagda ng pangako para ang isa pang tao ay makakautang.
\q
\v 27 Dahil kung ikaw ay hindi makakabayad, sila ay tiyak na darating at kukunin ang lahat mula sa iyo, kahit na ang iyong higaan kung saan ikaw ay natutulog.
\s5
\p
\v 28 Ang sinaunang hangganang mga bato ay pinapakita kung saan ang mga guhit ng pag-aari ay naroon. Huwag itong aalisin o gagalawin. Ang iyong mga ninuno ang naglagay roon. Iwan itong magisa.
\q
\v 29 Ang siyang matututo ng kalakalan at mahusay dito; siya ay tatayo sa harap ng mga hari. Dahil sa kanyang mga nagawa kikilalanin niya ang kanyang sarili bilang tao na nirerespeto ng mga hari.
\s5
\c 23
\p
\v 1 Kapag ikaw ay umupo para kumain kasama ang pinuno ng isang bansa, mag-isip ng mabuti kung ano ang nasa harapan mo.
\p
\v 2 Ito ang sinabi, "maglagay ng isang kutsilyo sa iyong lalamunan" kung iniisip mong kumain ng maraming pagkain, dahil kahangalan ang kumain nang labis sa ganoong mahalagang pangyayari.
\p
\v 3 Huwag nasain ang natatangi at mamahalin na pagkain na kinasisiyahan ng pinuno; malilinlang ka ng pagkain.
\s5
\p
\v 4 Huwag pagurin ng labis ang sarili sa pagtatrabaho, para yumaman; maging marunong at alamin kung kailan ka dapat titigil at magpahinga.
\q
\v 5 Sa sandaling tumingin ka sa pera, ito ay mawawala; ito ay parang biglang magkakaroon ng mga pakpak at lilipad tulad ng isang agila, paitaas sa himpapawid.
\s5
\p
\v 6 Huwag kang kumain na kasama ang isang masamang tao - matagal niyang pagmamasdan ang iyong pagkain- huwag pagnasaan ang masarap niyang pagkain,
\p
\v 7 dahil iisipin niya kung gaano ang nagastos niya sa iyong pagkain, at kaniyang sasabihin sa iyo, "kumain at uminom," pero hindi iyon ang talagang kaniyang iisipin.
\q
\v 8 Kung mapagtanto mo kung ano ang talagang iniisip niya, nanaisin mong isuka kung ano ang iyong nakain; at nasayang mo ang lahat ng mga papuri na ibinigay mo tungkol sa masarap na pagkain na inihanda niya.
\s5
\p
\v 9 Huwag mag-aksaya ng oras sa pakikipag-usap sa isang hangal; kamumuhian lamang niya ang marurunong na mga bagay na sinasabi mo.
\p
\v 10 Muli, huwag aalisin ang lumang hangganang bato. Ito ay isang tanda para sa mga linya ng pag-aari; at huwag angkinin ang lupa na ibinukod para sa mga ulila para bungkalin,
\p
\v 11 dahil ang Nagligtas sa kanila ay malakas, at siya ay magsusumamo para sa kanilang kapakanan laban sa iyo.
\s5
\p
\v 12 Bigyang pansin kung ano ang iyong natututunan, at makinig sa mga salita ng kaalaman.
\s5
\p
\v 13 Huwag tanggihang disiplinahin ang iyong mga anak; kung sila ay iyong parurusahan, hindi sila mamamatay,
\p
\v 14 at kung paluin mo sila na may kasamang pamalo ng disiplina, maaari mong mailigtas ang kanilang mga buhay mula sa kamatayan.
\s5
\p
\v 15 Aking anak, kung tinanggap mo ang karunungan sa iyong kalooban, Ako ay magiging napakasaya,
\p
\v 16 at ako ay taos-pusong magagalak kung sasabihin mo ang matuwid.
\s5
\p
\v 17 Huwag kainggitan ang makasalanang mga tao; ngunit ibigay ang nararapat na paggalang kay Yahweh, buong araw.
\p
\v 18 Kung igagalang mo siya, ikaw ay magkakaroon ng buhay sa hinaharap at hindi puputulin ni Yahweh ang kaniyang mga pangako para sa hinaharap.
\s5
\q
\v 19 Aking anak, makinig sa akin para ikaw ay maging marunong, at isipin ang pamamaraan ng iyong pamumuhay.
\p
\v 20 Huwag makisama sa mga nalalasing sa alak o sa mga kumakain ng labis na pagkain,
\q
\v 21 dahil ang mga lasenggero at mga matatakaw ay magiging mahirap at labis silang matutulog kaya wala silang anumang maisusuot maliban sa mga basahan.
\s5
\p
\v 22 Bigyang pansin ang iyong ama na nagdala sa iyo dito sa mundo, at huwag kamuhian ang iyong ina kung siya ay matanda na.
\p
\v 23 Kung iyong pag-aaralan ang karunungan, isipin mo ito na parang bumibili ng katotohanan, pero hindi kailanman ibinebenta ito at tulad din sa karunungan at kasama ang disiplina, at kasama rin ang pang-unawa. Hayaan ito na parang binibili mo sila sa gayon maaari mo silang panatilihin para sa natitirang bahagi ng iyong buhay.
\s5
\q
\v 24 Ang ama ng isang bata na gumagawa ng matuwid ay magiging napakasaya. Sinumang tao na mayroong isang anak na marunong ay magiging napakasaya dahil sa kaniya.
\p
\v 25 Gawin mong maipagmalaki ka ng Iyong ama at ina at hayaang maging masaya ang iyong ina.
\s5
\p
\v 26 Aking anak, tanggapin kung ano ang sinasabi ko at ilagay ito sa iyong kalooban, at bigyang pansin ang paraan ng aking pamumuhay.
\p
\v 27 Ang isang bayarang babae ay tulad ng isang napakalalim na hukay, at madaling mahulog dito, pero mahirap lumabas; ang ibang asawa ng lalaki ay makitid na hukay; kasing mapanganib ng malalim na hukay, pero sila ay magkaibang uri.
\p
\v 28 Ang mahalay na babae ay naghihintay sa iyo, naghihintay tulad ng isang magnanakaw na nag-aabang para sa kaniyang biktima at sila ang naging dahilan ng maraming lalaki na maging mga sinungaling at mga traydor sa mga nagmamahal sa kanila.
\s5
\p
\v 29 Sino itong may kaguluhan? Sino ang may mga kalungkutan? Sino ang may mga hindi pagkakasundo at labanan? Sino ang may awayan? Sino ang nasugatan ng walang dahilan? Kaninong mga mata ang laging namumula dahil sila ay labis na nakainom o labis na nakakain?
\p
\v 30 Sila itong nakainom ng labis na alak at sila na umiinom ng pinaghalo-halong alak.
\s5
\p
\v 31 Huwag tumingin ng may kasiyahan sa pulang alak kapag ito ay kumikinang sa tasa at ito ay tuloy-tuloy na dumadaloy sa lalamunan.
\p
\v 32 Pero, sa kahuli-hulihan, ito ay kumakagat sa iyo tulad ng isang makamandag na ahas.
\p
\v 33 Ginagawa nitong makakita ka ng kakaibang mga bagay at sa iyong kalooban, nagsasalita ka ng masasamang mga bagay kapag ikaw ay nalasing.
\s5
\p
\v 34 Iisipin mo na ikaw ay nasa isang barko na pumapagaspas sa dagat; ikaw ay magiging tulad ng isang tao na sinisikap matulog sa duyan ng barko.
\p
\v 35 Iyong sasabihing, "Sa palagay ko may isang taong humampas sa akin, pero hindi niya ako nasaktan; Binugbog nila ako, pero hindi ko ito naramdaman. Kailan ako magigising para ako ay makainom pa ng kaunting alak?"
\s5
\c 24
\p
\v 1 Huwag naisin kung ano ang mayroon ang mga masasamang tao; huwag naisin na maging kaibigan sila,
\q
\v 2 dahil nagbabalak sila na gumawa ng karahasan; nag-uusap-usap sila tungkol sa paggawa ng gulo.
\s5
\q
\v 3 Kailangan ng karunungan para makagawa ng tahanan at sa pamamagitan ng kaunawaan ang nagtatayo ay sinasanay ang kaniyang galing, at ang isang bahay ay pinapatibay sa pundasyon nito.
\q
\v 4 Kailangan ng kaalaman para punuin ang mga silid ng bahay ng lahat ng mga magaganda at mamahaling mga palamuti.
\s5
\p
\v 5 Ang taong mayroong karunungan ay mayroong kalakasan at ang taong may kaalaman ay mas makapangyarihan kaysa sa malakas,
\q
\v 6 dahil sa matalinong gabay kaya mong itaguyod ang iyong digmaan nang matagumpay at sa payo ng maraming mga tagapayo magkakaroon ng tagumpay.
\s5
\q
\v 7 Ang karunungan ay isang bagay na hindi maiintindihan ng mangmang; sa tarangkahan kung saan ang mga matatanda ay nagtitipon-tipon, ang mangmang ay walang masabi.
\s5
\q
\v 8 Mayroong isang tao na nagsasagawa ng masama at gumagawa ng mga balakin—tinatawag siya na Bihasa sa mga Balakin.
\p
\v 9 Ang isang balakin na kamangmangan ay hindi lamang kalokohan, ito ay kasalanan; kapag sinabi ng mga tao ang katotohanan, kinamumuhian nila ang mga mayayabang at kinukutya ang lahat.
\s5
\p
\v 10 Kapag dumating ang kaguluhan, at ikaw ay nasisindak katulad ng duwag, kung ganoon ang iyong kalakasan ay kaunti.
\s5
\p
\v 11 Sagipin ang mga dinadala sa pagpatay; sila ay sumusuray at nahuhulog—pigilan sila mula sa papatay sa kanila.
\p
\v 12 Kung sasabihin mong, "Hindi ko alam na ang mga taong iyon ay nangailangan ng kahit anong tulong," kung gayon ay isipin mo ito: alam ng Diyos kung bakit natin ginagawa ang lahat, kaya alam niya rin kung bakit mo sinabi na ang mga taong iyon ay hindi kinailangan ng tulong. Nakikita ng Diyos ang lahat ng ginagawa mo sa buhay na ito, kaya tiyak na naiintindihan niya kung bakit mo sinabi iyon tungkol sa mga taong iyon. Tiyak na ibabalik niya sa iyo—at sa lahat din—para sa kapahamakan na ginawa nila.
\s5
\p
\v 13 Aking anak, kumain ka ng pulot, dahil masarap ito; ang pulot-pukyutan ay matamis.
\p
\v 14 Ang karunungan ay tulad ng pulot-pukyutan, pinapakain nito ang iyong buhay, kung mahahanap mo ito. Kung mahahanap mo ito, magkakaroon ka ng kinabukasan, at darating ka sa kinabukasan nang may pag-asa na hindi mapapatid.
\s5
\p
\v 15 Huwag maging katulad ng mga masasamang tao na nagtatago at naghihintay para lumusob sa tahanan ng mga gumagawa ng tama. Huwag gumawa ng marahas na paglusob sa lugar kung saan nagpapahinga ang mabuting tao!
\q
\v 16 Kahit na ang mga mabubuting tao ay bumagsak ng pitong beses, lagi silang tumatayo, pero kapag ang sakuna ay dumating sa masama, sila ay masisira nito.
\s5
\q
\v 17 Kapag ang iyong kaaway ay nahulog, huwag magalak at huwag maging masaya kapag siya ay nadapa,
\q
\v 18 dahil makikita ni Yahweh kung paano mo pakitunguhan ang iyong kaaway at kung hindi siya malugod sa kung paano mo siya pakitunguhan, itutuon ni Yahweh ang galit niya mula sa iyong kaaway at ilalagay ito sa iyo.
\s5
\q
\v 19 Huwag mag-alala sa mga gumagawa ng kung ano ang masama at huwag mainggit sa kanila,
\p
\v 20 dahil walang kinabukasan para sa masama; sila ay katulad ng isang ilawan na ang liwanag ay mamamatay.
\s5
\p
\v 21 Aking anak, ibigay kay Yahweh at ibigay sa hari ang paggalang na nararapat sa bawat isa sa kanila at huwag makisama sa kahit sinong nagrerebelde laban kay Yahweh o sa hari;
\q
\v 22 dahil biglaang darating ang mga sakuna sa mga nagrerebelde at walang nakakaalam kung gaano kalagim-lagim ang mga sakuna na parehong magmumula kina Yahweh at sa hari.
\s5
\p
\v 23 Nandito ang marami pang mga bagay na sinabi ng mga matatalinong tao: Mali para sa mga hukom na magpasya nang hindi patas sa mga bagay.
\s5
\q
\v 24 Kung sasabihin nila sa mga taong may sala, "Ikaw ay walang sala," sila ay susumpain ng mga dayuhang tao at kapopootan ng mga bansa.
\p
\v 25 Pero kung ang mga hukom ay sasabihing ang mga nagkasala ay dapat parusahan, ang mga bagay ay bubuti para sa mga hukom na iyon at matatanggap nila ang mga kaloob ng kabutihan.
\s5
\p
\v 26 Ang pagsagot ng matapat—iyon ang pinakamainam na maaaring gawin ng isang tao.
\p
\v 27 Una, gawin ang tungkulin na kinakailangang gawin sa labas, at ihanda ang iyong mga bukirin at pagkatapos noon, itayo ang iyong bahay.
\s5
\p
\v 28 Huwag magbigay ng patotoo laban sa iyong kapwa kung walang dahilan para dito at huwag mandaya ng mga tao kapag sinasabi mo kung ano ang alam mo.
\p
\v 29 Huwag sabihing, "Gagawin ko sa kaniya kung ano ang ginawa niya sa akin; gagantihan ko siya dahil sa kung ano ang ginawa niya sa akin."
\s5
\p
\v 30 Naglakad ako malapit sa bukirin ng isang tamad na tao, lagpas sa ubasan ng isang lalaki na walang mabuting pagpapasya.
\q
\v 31 Ang mga tinik ay lumaki doon at ang batong pader ay natumba.
\s5
\p
\v 32 Nang nakita ko iyon, inisip ko ito, at natutunan ko ito:
\q
\v 33 Kaunting tulog, kaunting idlip, kaunting pagtupi ng mga kamay para magpahinga—at habang ikaw ay nagpapahinga,
\q
\v 34 ang kahirapan ay darating sa iyo tulad ng manloloob na nagnanakaw mula sa iyo at ang kahirapan ay darating tulad ng isang armadong sundalo na umaatake sa iyo.
\s5
\c 25
\p
\v 1 Nandito ang marami pang mga kawikaan ng karunungan ni Solomon na sinulat ng mga tauhan ni Hezekias, ang hari ng Juda.
\p
\v 2 Pinaparangalan ng Diyos ang sarili niya kapag nagtatago siya ng isang bagay sa gayon hindi ito malaman ng mga tao. Pero karangalan ng mga hari na saliksikin ang mga bagay na tinago ng Diyos.
\p
\v 3 Kung ano ang iniisip ng mga hari ay higit sa paraan ng pag-iisip ng pangkaraniwang tao; katulad nila ang kalangitan, higit sila kaysa sa ating lahat; at lahat ng mga hari ay may pare-parehong malalim na pasanin na hindi maunawaan ng iba.
\s5
\p
\v 4 Ang pilak ay hindi maaaring gamitin ng panday, maliban na ang pilak ay painitan at ang kalawang nito ay matanggal;
\p
\v 5 tulad ng pagtanggal ng kalawang, gayundin, kung tatanggalin ang masasamang mga tao mula sa patyo ng hari, ang trono niya ay magiging mas matatag, at magagawa niya kung ano ang tama.
\s5
\p
\v 6 Kapag tumayo ka sa harapan ng hari, huwag kang magpapansin at huwag kang tumayo sa lugar na nakalaan para sa mga pinararangalan ng hari.
\s5
\q
\v 7 Mas mabuti kung may magsasabi sa iyo na umupo ka ng mas malapit sa hari, kaysa sa sabihin nila, habang nakikinig ang mga maharlika ng hari, na dapat kang umalis sa kinauupuan para makaupo ang mas mahalagang tao sa kinauupuan mo. Kapag nasaksihan mo ang isang bagay na nagbigay sa iyo ng pag-aalala,
\p
\v 8 huwag kang magmadaling dalhin ito sa paglilitis, maliban na lang kung sigurado ka tungkol dito. Dahil maaaring may mabuting paliwanag ang kapwa mo sa kung ano ang nakita mo.
\s5
\p
\v 9 Kung may hindi kayo pagkakasunduan ng kapwa mo, pagkasunduan ninyo ito ng kayong dalawa lang at huwag mong sabihin sa iba ang anumang lihim na nalaman mo;
\p
\v 10 dahil kapag nalaman ng iba ang ginawa mo, mapapahiya ka at mula sa panahong iyon, magiging masama ang iyong reputasiyon.
\s5
\p
\v 11 Gamitin ang tamang mga salita at katagang binuo para masabi ang nais mong sabihin; kaaya-aya ito katulad ng mga disenyo ng ginto sa pilak na mangkok.
\p
\v 12 Kapag sinaway ng matalinong tao ang handang makinig sa kaniya, katulad ito ng hindi matutumbasang gintong singsing o alahas na gawa sa pinaka pinong ginto.
\s5
\p
\v 13 Ang mensahero na mapagkakatiwalaan at napapanahon, ay nagbibigay ng kasiyahan sa mga nagpadala sa kaniya, para sa kanila, siya ay katulad sa laming ng niyebe sa oras ng pag-aani, na nagbibigay buhay sa lupa.
\p
\v 14 Kapag may nagmamayabang sa kaloob na ibibigay niya, pero kailanman ay hindi binigay, siya ay tulad ng mga ulap at hangin na walang dalang ulan.
\s5
\q
\v 15 Sa pamamagitan ng matiyagang paghihikayat kahit ang isip ng isang pinuno ay maaaring mabago, katulad ng sinasabi ng kawikaan, 'ang malumanay na dila ay kayang makabali ng buto.'
\s5
\p
\v 16 Kapag may natagpuan kang pulot, kumain ka lang ng kaunti, dahil kapag kumain ka ng labis, maaaring isuka mo ito.
\p
\v 17 Huwag kang palaging pumunta sa bahay ng kapwa mo; maaari siyang magsawa sa iyo, at kapag hindi ka tumigil, maaari na siyang magalit sa iyo.
\s5
\p
\v 18 Ang hindi totoong pag-aakusa ng ibang tao sa hukuman ay tulad ng pagsalakay sa kanila na may dalang pamalo na ginagamit sa digmaan, o ng may espada, o ng may matalim na palaso.
\p
\v 19 Ang umasa sa hindi mapagkakatiwalaang tao sa panahon ng kaguluhan ay katulad ng pagkakaroon ng sirang ngipin o isang paa na nadudulas at nagdudulot sa iyo na madapa.
\s5
\p
\v 20 Ang pag-awit sa taong nalulumbay ay hindi nakakatulong tulad ng pagtanggal ng balabal sa malamig na panahon, o sa pagbuhos ng suka sa sugat.
\s5
\q
\v 21 Kung gutom ang mga kaaway mo, bigyan mo sila ng makakain; kung nauuhaw sila, bigyan mo sila ng maiinom;
\p
\v 22 katumbas iyon ng pagbuhos ng umaapoy na uling sa ulo nila, nang walang ginagawang pinsala sa kanila, at gagantimpalaan ka ni Yahweh sa paggawa nito.
\s5
\p
\v 23 Kapag umihip ang hangin mula sa hilaga, tiyak na uulan, ito ay tulad ng isang tao na nagbubunyag ng lihim tungkol sa iba na tiyak na magdudulot ng galit sa mga ito.
\p
\v 24 Mas mabuti pa na mamuhay ng mag-isa sa sulok ng bubungan kaysa sa manirahan sa loob ng bahay na kasama ang asawang babae na laging nais makipagtalo sa iyo.
\s5
\p
\v 25 Kapag nakatanggap ka ng balita mula sa malayong bansa, ito ay parang nagbibigay ng malamig na tubig sa taong uhaw.
\q
\v 26 Ang mabuting tao na nahulog sa mga masasama, ay kasing sama ng batis na nagiging maputik o isang bukal na nagiging marumi.
\s5
\p
\v 27 Hindi mabuti na kumain ng napakaraming pulot; iyon ay parang naghahanap ng higit pang parangal kahit mayroon ka na nito.
\q
\v 28 Ang taong hindi mapigilan ang kaniyang sarili ay katulad ng lungsod na walang paraan para mapanatiling nasa labas ng lungsod ang mga kaaway nito; natumba na ang mga pader nito.
\s5
\c 26
\p
\v 1 Kapag umuulan ng niyebe sa tag-araw o kapag umuulan sa panahon ng tag-ani, katulad niyan ang kung ano ang isang hangal na nagtatamo ng karangalan - ang karangalan para sa kanya ay dumarating sa maling oras, at sa maling lugar.
\p
\v 2 Ang isang maya ay palipad-lipad dito at doon na mabilis na nagpapalipat-lipat sa paligid at ang isang layanglayang ay humahagibis nang pabalik-balik kapag ito ay lumilipad, tulad niyan ang isang tao na nagsasabi ng isang sumpa laban sa iyo - pero hindi ito maaaring dumapo sa iyo.
\s5
\p
\v 3 Ang isang kabayo ay kailangan ng latigo para pakilusin ito, at ang isang asno ay kailangang magkaroon ng kabisada sa bibig nito, o hindi nito papasanin ang kargada nito. Ganoon din, ang isang hangal ay kailangan na paluin sa kanyang likod ng isang tao para mapagawa siya ng anumang bagay.
\p
\v 4 Huwag sumagot sa isang hangal kapag sinusubukan niyang hatakin ka sa kanyang kahangalan, o magiging kasing hangal ka niya.
\s5
\p
\v 5 Bigyan mo ng sagot ang isang hangal na kasing hangal ng kanyang tanong at maaaring buksan niyan ang kanyang mga mata para makita niya na hindi siya kasing dunong ng tulad ng kanyang iniisip.
\p
\v 6 Kapag ipinagkatiwala mo ang isang mahalagang mensahe para ihatid ng isang hangal, iyan ay magiging kasing hangal ng pagpuputol ng sarili mong mga paa, at saka pag-inom ng lason.
\s5
\p
\v 7 Ang isang pilay na tao ay hindi makagamit ng kanyang mga binti; nakabitin ang mga ito at walang silbi, kasing walang silbi nang kung ang mga hangal ay nagbibigkas ng mga kawikaan sa isa't isa na hindi nila nauunawaan.
\q
\v 8 Kapag itinali mo ang isang bato sa isang tirador para hindi ito maihagis, katulad niyan ang isang nagbibigay karangalan sa isang hangal, sapagkat kahit na gaano mo siyang purihin hindi siya kailanman magagawan nito ng kahit anong kabutihan.
\s5
\p
\v 9 Kapag ang isang lasing na tao ay pumulot ng isang halamang puno ng mga tinik at magsimulang iwasiwas ito sa mga tao, iyan ay kasing kapaki-pakinabang gaya ng isang hangal na nagbibigkas ng mga kawikaan, umuurong ang mga tao at sinisikap lumayo sa kanya.
\p
\v 10 Ang mamamana na pumupuntirya at pumapana sa mga taong nakatayo sa paligid niya, ay kasing mapanganib ng isang umuupa ng isang hangal o hindi siya halos nag-iingat kaya't umuupa siya ng susunod na taong darating.
\s5
\q
\v 11 Kapag nakakita ka ng isang asong bumalik sa kanyang suka, ganyang-ganyan ang isang hangal na gumagawa ng parehong hangal na bagay nang paulit-ulit.
\p
\v 12 May kilala ka bang isang tao na may ganitong ideya tungkol sa kanyang sarili, iniisip niya na siya ay isang napakarunong na tao? Mas madali pang turuan ang isang hangal kaysa sa kanya.
\s5
\p
\v 13 Ang isang tamad na tao ay maraming dahilan para hindi magtrabaho - maaari mo siyang marinig na nagsasabing, "Pero may isang leon sa kalsada!" o "Naku, may isang leon sa palengke!"
\p
\v 14 Kapag nakita mo ang isang pinto na pabaling-baling sa mga bisagra nito, ganyang-ganyan ang isang taong tamad, na pabaling-baling kapag nakahiga siya sa kanyang kama.
\s5
\p
\v 15 Ang isang tao na tamad ay maaaring umabot ng kanyang kamay sa baba para kumuha ng ilang pagkain, pero wala siyang lakas na isubo ang pagkain sa kanyang bibig.
\p
\v 16 Ang isang taong tamad ay itinuturing ang kanyang sarili na napakarunong, mas marunong kaysa pitong taong kilala sa kanilang kakayahang umunawa.
\s5
\p
\v 17 Ang isang taong dumadaan na malapit sa isang asong nakahiga sa lupa, at pagkatapos inabot at hinila ang mga tainga nito; siya ay tulad ng isang tao na nakarinig ng isang pagtatalo habang siya ay dumadaan, at siya ay nasangkot, at nagalit at pagkatapos siya ay may kinampihan at sumali na - kahit na wala siyang kinalaman dito.
\s5
\p
\v 18-19 Sino ang tulad ng isang baliw na tao na nagpapana ng lumiliyab na mga palaso sa bawat dako? Ang isang taong nagsisinungaling sa kaniyang kapwa! Nangangatwiran siya sa kanyang kapwa at sinasabi sa kanya, "Nagbibiro lang ako"; pero tulad ng mga palaso ng baliw, ang sinabi niya ay nagsindi ng apoy sa lahat ng bagay.
\s5
\p
\v 20 Ang apoy ay namamatay kapag wala nang kahoy na igagatong; gayundin ang mga pagtatalo ay tumitigil kapag walang taong nagtsi-tsismis.
\p
\v 21 Tulad ng isang uling na maaaring sumindi at maging nagbabagang uling at ng isang troso ng kahoy sa apoy, sa gayon ang isang tao na nakikipagtalo ay nagpapaliyab ng galit.
\s5
\p
\v 22 Ang tsismoso ay nagsasalaysay ng mga kwento na tulad ng matatamis na handog para kainin; kinakain ng mga tao ang mga ito na parang kendi hanggang sila ay mabusog.
\p
\v 23 Ang isang makinang na pampakintab na ginamitan ng matinding init, ay nagtatakip ng isang banga, at iyan ay tulad ng nagliliyab na mga salita na nagtatakip ng isang masamang puso.
\s5
\p
\v 24 Ang isang taong puno ng pagkamuhi, sa pamamagitan ng mga salitang kanyang sinasabi, itinatago niya ang tunay niyang mga nararamdaman; at iniipon niya sa kanyang sarili ang parami nang paraming mga kasinungalingan.
\p
\v 25 Maaari siyang magsalita ng mabubuting mga salita, pero hindi mo dapat paniwalaan ang mga ito, dahil sa nasa kaniyang kalooban ang lahat ng kinasusuklaman ni Yahweh.
\p
\v 26 Kahit na takpan niya ang kanyang pagkamuhi ng kaniyang mga kasinungalingan, malalaman ng bawat isa kung gaano siya kasama.
\s5
\p
\v 27 Ang isang taong gumagawa ng isang malalim na hukay ay mahuhulog dito; at ang isang bato ay gumugulong pabalik sa isang sumubok na itulak ito pataas ng isang burol.
\p
\v 28 Ang isang nagsisinungaling ay namumuhi sa mga taong sinisiraan niya; gaya ng ang isang tao na gumagamit ng pambobola ay nagiging dahilan ng matinding pagkawasak.
\s5
\c 27
\p
\v 1 Huwag mong ipagyabang tungkol sa kung ano ang mangyayari bukas, dahil hindi mo alam kung ano ang mangyayari sa iyo sa araw na iyon.
\p
\v 2 Huwag mong purihin ang iyong sarili; hayaan mo ang iba ang magpuri sa iyo. Mas mabuti na ang ibang tao na hindi mo kakilala ang siyang magpuri sa iyo, kaysa na purihin mo ang iyong sarili.
\s5
\q
\v 3 Kung iniisip mo kung gaano kabigat ang bato, o kung gaano kabigat ang buhangin, mauunawaan mo na ang kaguluhan ng isang hangal ay mas mabigat na pasanin kaysa sa parehong bagay na iyon.
\p
\v 4 Kung iniisip mo kung gaano kalupit ang mga tao na nagagalit sa iba, at kung paano ang mga galit ng tao ay maaaring salakayin tulad ng isang baha ng tubig, pagkatapos isipin mo kung paano ang mga taong nagseselos ay mas masahol pa; walang tao na makalalaban sa pananakit ng isang taong nagseselos.
\s5
\p
\v 5 Mas mabuti magbigay ng pagsaway ng hayagan, kaysa magkaroon ng pag-ibig na nakatago.
\p
\v 6 Ang sugat mula sa kaibigan ay mabuti kaysa sa mga halik na mula sa isang kaaway.
\s5
\p
\v 7 Kapag ang tao ay naglalakad at siya ay busog, maaari niyang maapakan ang isang bahay-pukyutan dahil siya ay hindi gutom; pero kung siya ay gutom na gutom, kahit na mga mapapait na bagay ay magiging matamis sa kaniya.
\p
\v 8 Kapag ang isang tao ay gumagala mula sa kaniyang tahanan, siya ay kumikilos tulad ng isang ibon na nananatiling malayo sa kaniyang pugad.
\s5
\p
\v 9 Ang samyo ng pabango at ang amoy ng insenso ay makakatulong para maging masaya ang isang tao; pero ang lambing ng isang kaibigan ay mas mahalaga kaysa sa kaniyang payo.
\p
\v 10 Huwag mong kakalimutan ang iyong kaibigan o isang kaibigan ng iyong ama; at kung ikaw ay mayroong problema at kailangan mo ng tulong, huwag kang pupunta sa bahay ng iyong kapatid. Kapag mayroong gulo, ang isang malapit na kapit-bahay ay mas mabuti kaysa isang kapatid na nakatira sa malayo.
\s5
\p
\v 11 Aking anak, kung ikaw ay magiging matalino, ako ay pasasayahin mo; kaya masasagot ko ang sinuman na makikipagtalo laban sa akin.
\p
\v 12 Siya na mayroong mabuting kaisipan ay nagtatago kapag nakikita niyang dumarating ang kaguluhan, pero sila na walang karanasan o kaalaman ay nagmamadali patungo sa kapahamakan.
\s5
\p
\v 13 Kunin mo ang isang kasuotan ng isang tao bilang katiyakan sa isang utang. Kung ang isang tao ay nais akuin ang utang ng isang babaeng nangangalunya, huwag mo siyang hayaang gawin ito; pigilan mo siya.
\p
\v 14 Sinuman na sumisigaw ng isang malakas na pagpapala ng maaga pa lang, ang pagpapalang iyon ay maririnig ng tulad ng isang sumpa.
\s5
\p
\v 15 Ang asawang babae na nagpapatuloy na makipagtalo sa kaniyang asawang lalaki ay nakakainis gaya ng patuloy na pagpatak ng tubig sa maulan na araw;
\p
\v 16 at ang pagpapahinto sa kaniya mula sa pagtatalo ay magiging mahirap parang pagpipigil sa hangin, o sinusubukang saluhin ang langis sa isang kamay.
\s5
\p
\v 17 Ang bakal ay ginagamit sa pagpapatalas sa talim ng bakal, gaya ng isang tao na magagawang mas mabuti ang kaniyang kaibigan.
\p
\v 18 Ang magsasaka na nag-aalaga ng puno ng igos ay mananagana sa bunga nito kapag ito ay hinog na. Ito ay gaya ng nagtatanggol sa kaniyang panginoon, makatatanggap siya ng karangalan mula sa kaniyang panginoon.
\s5
\p
\v 19 Kapag ang isang tao ay tumitingin sa tubig, makikita niya ang kaniyang sariling mukha; gayundin kapag tumitingin tayo sa kung ano ang iniibig ng isang tao, nalalaman natin kung ano ang nasa kailaliman ng kaniyang kalooban.
\p
\v 20 Alam mo na ang Lugar ng Kamatayan at Ang Mangwawasak ay hindi kailanman nasisiyahan; at ang mga tao din ay hindi kailanman nasisiyahan at laging gusto ng higit pa.
\s5
\p
\v 21 Ang pilak ay pinapadalisay sa isang tunawan, at ang ginto ay inilalagay sa isang hurno para gawing puro; at kung paano ang tao ay tumutugon sa papuri na ibinibigay sa kaniya ay nagsasabi kung anong uri ng tao siya.
\p
\v 22 Kahit na gilingin mo ang isang hangal na kagaya ng paggiling mo sa butil, hindi mo kayang alisin ang kaniyang kahangalan palabas sa kaniya.
\s5
\p
\v 23 Ang isang mabuting pastol ay sinusuri ang kalagayan ng lahat ng kaniyang mga tupa at tinitingnan niya ito bawat araw.
\p
\v 24 Ang kayamanan ay hindi magtatagal habang panahon. Magtatagal ba ang korona ng hari sa lahat ng henerasyon?
\p
\v 25 Ang damo ay namamatay at pagkatapos ang bagong sibol ay nagsisimulang tumubo; at sa mga bundok ay may pagkain para sa mga baka na iniimbak sa mga kamalig.
\s5
\p
\v 26 Ang mga tupa ay magbibigay sa iyo ng mainit na kasuotan at ang mga kambing ay magbibigay sa iyo ng sapat na bayad para sa halaga ng bukid.
\q
\v 27 Magkakaroon ng gatas mula sa mga kambing na iyong maiinom ay magiging pagkain para sa bawat isa na nakatira sa iyong bahay at gayundin ito ay pagkain para ipakain sa iyong mga aliping babae.
\s5
\c 28
\p
\v 1 Tumatakbo palayo ang isang masamang tao kahit wala ni isa ang humahabol sa kaniya, pero ang gumagawa ng tama ay kasing tapang ng mga leon.
\q
\v 2 Ang bayang mas maraming kasalanan, ay magkakaroon ng maraming pinuno; pero kung ang bansa ay may isang pinuno na may pang-unawa at kaalaman, ito ay tatagal ng mahabang panahon.
\s5
\p
\v 3 Kapag inapi ng dukha ang iba pang mga dukha, ito ay tulad ng isang malakas na ulan na sumisira ng pananim at walang iniwang pagkain para kainin ninuman.
\q
\v 4 Silang mga tumatanggi sa kautusan ay sila ring mga tao na pumupuri sa mga masasama; pero nilalabanan ng sumusunod sa batas ang masasama.
\s5
\p
\v 5 Mahirap sa isang masamang tao ang unawain ang katarungan, ngunit ito ay nauunawaang mabuti ng mga naghahanap kay Yahweh.
\p
\v 6 Mas mainam maging tapat at mahirap, kaysa maging di tapat sa lahat ng iyong gagawin, at maging mayaman.
\s5
\p
\v 7 Ang anak na may pang-unawa sa paraan ng karunungan ay sumusunod sa kautusan; ngunit nilalagay ng anak sa kahihiyan ang kaniyang ama kung ang tanging hilig niya ay sumama sa kaibigan para kumain lamang.
\p
\v 8 Hindi alam ng taong nagpayaman sa labis ng patubo, na ang yamang naipon ay ipamimigay sa mga dukha ng isang taong may malasakit sa kanila.
\s5
\p
\v 9 Kung hindi mo pakikinggan ang sinasabi ng kautusan kung paano mamuhay; sa iyong panalangin si Yahweh ay nasasaktan.
\p
\v 10 Ang nangdaya sa taong tapat ay mahuhulog sa sariling bitag, ngunit makatatanggap ng mabubuting bagay silang nagsisikap na gawin ang tama.
\s5
\p
\v 11 Maaaring ituring ng isang mayaman ang kaniyang sarili bilang matalino, pero ang isang taong mahirap ngunit mayroong pang-unawa ang siyang magsasabi kung tunay ngang matalino ang taong mayaman.
\q
\v 12 Kapag ang mga gumagawa ng katuwiran ay nagtagumpay, ang mga tao ay nagdiriwang, pero kung ang masasama ay ang nagtagumpay, ang mga tao ay umiiwas at nagtatago.
\s5
\q
\v 13 Ang sumubok para pagtakpan ang kaniyang kasalanan ay matutuklasan, pero patatawarin ni Yahweh ang mga umaamin ng kanilang mga kasalanan, at tumalikod sa paggawa nito.
\q
\v 14 Napakapalad ng mga palaging pinaparangalan si Yahweh; pero silang tumatangging makinig sa kaniya, at ayaw matuto mula sa kaniya, ay babagsak sa kaguluhan.
\s5
\p
\v 15 Alam mo kung ano ang tulad ng umaatungal na leon o ang lumulusob na oso; sila ay tulad ng masamang pinuno na pumipilas sa mga mahihirap.
\p
\v 16 Iniisip ng isang hari na siya ay matalino kung siya ay malupit at kaniyang inaagaw ang lahat ng bagay mula sa kaniyang mga tao. Ngunit ang isang tao na namumuhi sa pagkuha ng anumang bagay sa pamamagitan ng paglabag sa batas, ay mamumuhay ng mahabang buhay.
\s5
\q
\v 17 Kung ang tao ay nagkasala sa pagpatay sa iba, siya ay mamumuhay tulad ng isang pugante hanggang siya ay mamatay; at wala ni isa ang tutulong sa kaniya.
\p
\v 18 Kapag ang isang tao ay namumuhay na walang sala, pananatilihin siyang ligtas ni Yahweh; pero ang namumuhay sa kaniyang mga kasinungalingan ay biglaang mawawasak.
\s5
\q
\v 19 Ang isang magsasaka na nagtatrabaho sa kaniyang bukid ay magkakaroon ng saganang pagkain para kainin; pero sinumang magbigay ng kaniyang oras sa walang saysay na mga pangarap ay mas lalong magiging mahirap.
\p
\v 20 Si Yahweh ay magbibigay ng mabuting mga bagay sa isang taong tapat; pero tiyak niyang parurusahan ang mga yumaman ng mabilis.
\s5
\q
\v 21 Hindi mainam piliin ang taong tutulungan at ang iba ay hindi; may ilang mga tao na gagawa ng mali makuha lamang ang isang piraso ng tinapay.
\p
\v 22 Alam ng taong ayaw gumastos na siya ay magkakaroon pero hindi niya alam na siya ay lalong maghihirap.
\s5
\q
\v 23 Ang isa na sumusuway sa isang tao ay hahangaan sa bandang huli higit kaysa sa isa na nagsasabi ng mga magagandang bagay para lang ito ay papurihan.
\q
\v 24 Ang sinumang magnakaw sa kaniyang ama o ina at nagsasabing "Hindi ito kasalanan," siya ay kaibigan ng isang naninira.
\s5
\p
\v 25 Ang taong gahaman ay nagdadala ng pagtatalo sa pagitan ng mga tao; pero ang isang nagtitiwala kay Yahweh ay gagawa ng mabuti.
\p
\v 26 Ang umaasa sa kaniyang sarili ay isang hangal, sila na gumagawa ng matalinong pagpapasiya ay makakaligtas sa panganib.
\s5
\q
\v 27 Ang nagbibigay ng tulong sa mahirap, ay hindi magkukulang sa anumang bagay, pero maraming sumpa ang dadating sa sinumang tumatalikod at nagsasawalang-bahala sa kanila.
\q
\v 28 Kapag ang masasamang tao ang magkakamit ng kapangyarihan, ang mga lalaki at babae ay nagtatago; pero kapag ang masama ay pumanaw, magkakaroon ng mas maraming gumagawa ng tama.
\s5
\c 29
\p
\v 1 Kapag sinasaway mo ang isang taong hindi tinanggap ang iyong mga salita at tumangging makinig sa iyo, masisira siya hanggang sa siya ay hindi na mabubuo.
\p
\v 2 Kapag ang mga tao ay namuhay sa tamang paraan, sila ay lalago, pero kapag masamang pinuno ang nagsimulang mamahala, ang mga tao ay tatangis.
\s5
\q
\v 3 Ang anak na nagnanais na matuto ng karunungan ay nagpapasaya ng kaniyang ama; pero ang anak na sumasama sa mga nagbebenta ng aliw ay mauubusan ng pera.
\q
\v 4 Kapag ang isang hari ay namumuno ng may matapat na mga patakaran at mabuting mga batas, nagdudulot siya sa kaniyang bansa na maging matatag, pero ang sinuman na humihingi ng mga suhol ay sinisira ang kaniyang bansa.
\s5
\q
\v 5 Ang taong pumupuri sa kaniyang kapwa para makakuha lang ng isang bagay mula sa kaniya, ay katulad ng isang nakikinig sa mga yapak ng kaniyang kapwa para hulihin siya sa isang lambat.
\p
\v 6 Ang masamang tao ay naglalagay ng patibong sa kasalanan niya; pagkatapos siya ay mahuhulog rito; pero ang gumagawa ng tama ay puno ng mga awit at kagalakan.
\s5
\p
\v 7 Ang siyang gumagawa ng tama ay naninindigan para sa mahirap at ipinagtatanggol sila; ngunit hindi nakikita ng taong masama ang kahalagahan ng panininindigan para sa mahirap.
\q
\v 8 Ang mga taong nangungutya at nanunuya sa iba ay katulad ng mga sumunog sa isang lungsod; pero silang mga tumulong sa tao na alisin ang kanilang galit ay marunong.
\s5
\q
\v 9 Kung ang taong matalino ay may hindi pagkakasundo sa isang taong hangal, ang hangal ay sisigawan siya at pagkatapos ay tatawanan siya, at ito ay walang katapusan.
\p
\v 10 Ang mamamatay tao ay napopoot sa kaniya na gumagawa ng mga matuwid na bagay; at kanilang hinahanap para patayin ang siyang may mabuting dangal.
\s5
\q
\v 11 Pinapakita ng taong mangmang ang lahat ng kaniyang galit ngunit pinipigilan ng taong marunong ang kaniyang galit, at kaya niyang payapain ang kaniyang sarili.
\p
\v 12 Kung ang pinuno ay naniniwala sa mga kasinungalingan ng mga tagapayo, kaniyang tinuturuang maging masama ang lahat ng kaniyang mga opisyal.
\s5
\p
\v 13 Ano ang magkatulad sa isang taong mahirap at isang taong nanlalamang ng ibang tao? pareho silang binibigyan ni Yahweh ng buhay.
\p
\v 14 Kung hahatulan ng hari ang isang taong mahirap sa pamamagitan ng pakikinig sa katotohanan, magtatatag siya ng kaharian na magpapatuloy ng walang hanggan.
\s5
\p
\v 15 Kung pinarusahan ang isang bata ang kaloob ng karunungan ay ibinigay sa kaniya; pero kapag ang isang bata ay walang pagpipigil, nagdudulot ito ng kahihiyan sa kaniyang ina.
\p
\v 16 Kapag ang taong masama ay may kapangyarihan, ang paglabag sa batas ay karaniwan; pero ang mga gumagawa kung ano ang tama ay makikita ang araw ng pagkawala ng kanilang kapangyarihan.
\s5
\p
\v 17 Disiplinahin ang iyong anak at ikaw ay tutulungan at pagsisilbihan niya; ikaw ay tunay na magagalak sa kaniya.
\q
\v 18 Kapag ang propeta ay hindi nakatanggap ng pangitain mula kay Yahweh ang mga tao ay magiging magulo, pero ang mga sumusunod sa batas ay mapalad.
\s5
\p
\v 19 Makipag-usap sa isang alipin hanggganggusto mo, kahit na naiintindihan ka niya natutunan na niyang hindi sumagot,
\p
\v 20 Nakakita ka na ba ng isang taong padalus-dalos sa pagsasalita at mabilis na magbigay ng opinyon? Mas madaling mabigyan ni Yahweh ng tulong ang isang mangmang kaysa sa kaniya na padalus-dalos sa pagsasalita.
\s5
\p
\v 21 Kung ang alipin ay hindi pinagtatrabaho at mas pinakikitunguhan pa ng maayos kaysa sa ibang mga alipin ng kaniyang amo mula sa kaniyang pagkabata; kapag siya ay tumanda, ang alipin na ito ay magbibigay ng problema sa kaniyang amo.
\p
\v 22 Ang taong hindi kayang pigilan ang kaniyang galit ay lumilikha ng maraming away at ginagamit niya ang kaniyang matinding galit upang mamuno sa iba, kung kaya't nakakagawa siya ng maraming mga kasalanan.
\s5
\p
\v 23 Sinuman ang mapagmalaki ay hahamakin; pero ang siyang mapagpakumbaba ay bibigyan ng karangalan.
\q
\v 24 Ang taong tumutulong sa isang magnanakaw ay napopoot sa sarili; kaniyang naririnig ang mga sumpa pero walang kahit na anong bagay ang sinasabi tungkol dito.
\s5
\p
\v 25 Kapag ang isang tao ay takot sa kung anong kayang gawin sa kaniya ng iba, ito ay tulad ng paglalagay ng patibong sa kaniyang sarili. Pero ang siyang nagtitiwala kay Yahweh ay ligtas.
\p
\v 26 Maraming tao ang gustong lumapit sa mga namumuno para humingi ng tulong, pero si Yahweh ang tanging nagbibigay ng tunay na katarungan.
\s5
\q
\v 27 Silang mga gumagawa ng katuwiran ay napopoot sa isang taong hindi makatarungan sa kaniyang kapwa; katulad ng masama na napopoot sa mga namumuhay ng tama.
\s5
\c 30
\p
\v 1 Ito ang mga kasabihan na naglalaman ng karunungan, ang mga kasabihan ni Agur ang anak na lalaki ni Jakeh. Isinulat ni Agur ito para kat Itiel, oo, para kay Itiel at para kay Ucal.
\q
\v 2 Ako ay higit na katulad ng isang hayop kaysa sa kahit na sinong tao! Kulang ako sa pang-unawa na mayroon ang isang tao!
\q
\v 3 Hindi ko natutunan ang tungkol sa karunungan; hindi ko kilala si Yahweh, ang Tanging Banal.
\s5
\q
\v 4 Sino na ang nakaakyat sa langit at bumabang muli? Sino ang makakahuli ng hangin sa kaniyang kamay? Sino ang makapag-iipon ng mga tubig sa damit? Sino ang nagtakda ng hangganan sa sukat ng mundo? Ano ang kaniyang pangalan? At ano ang pangalan ng kaniyang anak na lalaki? Alam ba ninyo?
\s5
\q
\v 5 Ang bawat salita ng Diyos ay napatunayang sa pamamagitan ng pagsubok na ito ay totoo; siya ay katulad ng isang kalasag na nagtatanggol sa mga lumalapit sa kaniya.
\q
\v 6 Maging maingat na hindi magdagdag sa mga salita ng Diyos higit sa kaniyang mga sinabi; kung gagawin mo ito, itatama ka niya at papatunayan niyang ikaw ay nagsinungaling tungkol sa kaniyang sinabi.
\s5
\p
\v 7 Humihiling ako kay Yahweh ng dalawang bagay, at ibigay niya ang mga ito sa akin bago ako mamatay.
\q
\v 8 Ilayo ang walang saysay na pagmamataas at kasinungalingan malayo mula sa akin; at huwag akong hayaan na magkaroon ng kahirapan o kayamanan, bigyan lamang ako ng pagkain na kailangan ko araw-araw.
\p
\v 9 Dahil kapag ako ay mayroong sobrang pera, itatanggi ko ang aking Diyos, at sasabihin, "Sino si Yahweh?" O ako ay magiging mahirap na magnanakaw ako sa iba, at magbibigay ng kahihiyan sa pangalan ng aking Diyos.
\s5
\p
\v 10 Huwag magsalita ng masama tungkol sa mga alipin kapag siya ay nakatayo sa harap ng kaniyang amo; kung gagawin mo, isusumpa ka niya, at ikaw ay magkakaroon ng pananagutan; dinala mo ito sa iyong sarili.
\s5
\p
\v 11 Maraming mga tao ang sinusumpa ang kanilang mga ama at hindi nila pinupuri ang kanilang mga ina o pinapasalamatan sila;
\q
\v 12 iniisip ng mga taong ito na ang lahat ng kanilang ginawa ay hindi dapat punahin, pero hindi pa talaga sila nalilinis mula sa kanilang karumihan.
\s5
\p
\v 13 Pinapakita ng mga taong ito kung gaano sila mapagmataas sa kanilang mga paningin; ginagawa nilang tumingin sa kanila ang mga tao at sa kanilang mga mukha ipinapakita nila ang kanilang pagmamataas!
\p
\v 14 Ang mga taong ito ay ginagamit ang kanilang mga bibig para magsalita ng mga pinakamasakit na salita, na parang pinuputol at pinupunit ang mga tao; ito ay parang kinakain nila ang mga mahihirap na tao mula sa lupa, at nilulunok ang mga nangangailangan mula sa sangkatauhan.
\s5
\p
\v 15 May mga linta na sumisipsip ng dugo, ipalagay mong meron silang dalawang anak na babae; sinasabi nila, "Ibigay sa amin! Ibigay sa amin!" Mayroong apat na bagay na hindi kailanman nasisiyahan— palagi nilang gusto ng mas marami:
\p
\v 16 Ang libingan, ang lugar ng mga patay; ang sinapupunan ng isang babae na hindi kailanman nagbuntis ng isang anak; lupa na lubhang kailangan na diligan; at ang isang apoy na nagliliyab at hindi nito kailanman sinasabing, "Sapat na ang init ng apoy!"
\p
\v 17 Ang isa na nilalagay sa kahihiyan ang kaniyang ama, at ang hindi nirerespeto at sinusunod ang kaniyang ina, ang ganoong tao ay mapapatay at ang kaniyang mga mata ay tutukain ng mga uwak, at lalamunin ng mga buwitre.
\s5
\q
\v 18 Mayroong tatlong kahanga-hangang bagay na maaari kong banggitin; hindi, mayroong apat na labis na kamangha-mangha at hindi ko sila maintindihan.
\q
\v 19 Paano lumilipad ang agila sa langit; paano gumagalaw ang mga ahas sa malaking bato, paano naglalayag ang mga barko sa karagatan, at kung paanong ang isang lalaki ay kayang mapaibig ang isang babae.
\s5
\q
\v 20 Ganito ang isang babae na hindi tapat sa kaniyang asawa: kumakain siya at pinupunasan ang kaniyang bibig, at sinasabi niyang, "Walang mali sa aking ginawa."
\s5
\p
\v 21 Mayroong apat na bagay na nakakapagpayanig sa lupa:
\p
\v 22 ang lupa ay nayayanig sa isang alipin na naging isang hari; ang lupa ay nayayanig kapag kinain ng hangal ang kaniyang pagkain at nabusog;
\p
\v 23 ang lupa ay nayayanig kapag ang isang babae na kinamumuhian ng lahat, ay nagpakasal, at ang lupa ay nayayanig, kapag ang isang katulong ay naging asawa ng kaniyang amo.
\s5
\q
\v 24 Mayroong apat na nilalang sa lupa na maliit, pero sila ay labis na marunong.
\p
\v 25 Ang mga langgam ay hindi malakas, pero nag-iimbak sila ng pagkain habang tag-init para magkaroon sila nito habang tag-lamig.
\p
\v 26 Ang mga kuneho ay hindi rin malakas, pero ginagawa nila ang kanilang mga bahay sa mga batuhan.
\s5
\q
\v 27 Ang mga balang ay walang hari, pero sila ay lumalakad ng maayos katulad ng mga sundalo sa hukbo.
\q
\v 28 Ang mga butiki ay napakaliit at kaya mo silang hawakan sa iyong kamay, pero nakakapasok sila sa mga palasyo ng mga hari.
\s5
\q
\v 29 Mayroong apat na hayop na lumalakad ng may labis na pagmamataas at sila ay kahanga-hanga sa kanilang paglakad.
\q
\v 30 Ang mga leon, na pinakamalakas sa mga mababangis na hayop at hindi natatakot sa sinuman sa kanila.
\q
\v 31 Ang mga tandang na mayabang na naglalakad, at mga lalaking kambing, at mga hari na nakatayo kasama ang kanilang mga sundalo katabi nila.
\s5
\q
\v 32 Kung ikaw ay kumilos ng may kamangmangan, dinadakila ang iyong sarili, o kung binabalak mong gumawa ng isang bagay na masama, ilagay ang iyong kamay sa iyong bibig! Itigil ito!
\q
\v 33 Katulad ng kapag hinalo mo ang gatas, at nakakagawa ng mantikilya, gayundin, kung sinuntok mo nang malakas ang ilong ng isang tao, ang resulta ay ang kaniyang ilong ay magdurugo; at, sa parehong paraan, kapag ang mga tao ay galit, sila ay magtatalo at mag-aaway.
\s5
\c 31
\p
\v 1 Ito ang mga kasabihan ni Haring Lemuel—ang pananalitang itinuro sa kaniya ng kaniyang ina.
\p
\v 2 Sinasabi niya: Ikaw ay aking anak; dinala kita sa aking sinapupunan; ikaw ang anak ko, ako ay gumawa ng mga pangako kay Yahweh para sayo.
\q
\v 3 Huwag mong ibigay sa mga kababaihan ang kalakasan mo; at sa mga kababaihang sumisira sa mga hari, huwag mong sabihin kung ano ang iyong mga plano.
\s5
\q
\v 4 Lemuel, dapat mag-ingat ang mga hari sa pag-inom ng alak; at hindi kailanman dapat magtanong ang hari, "Nasaan ang inuming matapang?"
\q
\v 5 Maaari silang uminom pero pagkatapos, baka makalimutan nila na utos ng hari ang kanilang ginawa, at sirain ang mga karapatan ng mga biktima ng pananamantala.
\s5
\q
\v 6 Bigyan mo ng matapang na inumin ang mga taong malapit na sa kamatayan, pati ang mga nagdadalamhati sa kanilang kawalan.
\p
\v 7 Makakalimutan ng taong umiinom na siya ay mahirap, at hindi niya maaalala ang kaniyang gulong pinagdadaanan.
\s5
\q
\v 8 Magsalita ka para sa mga hindi kayang magsalita para sa mga sarili nila, magsalita ka para sa mga mamamatay na.
\p
\v 9 Magpahayag ka at maggawad ng hatol batay sa kung ano ang matuwid; makipaglaban ka para sa katarungan sa mga kaso ng mahihirap at mga nangangailangan.
\s5
\q
\v 10 Sino ang makakahanap ng asawang mahusay sa maraming bagay? Ang kaniyang halaga ay higit sa mga alahas na maaari niyang suotin.
\p
\v 11 Ang kaniyang asawang lalaki ay lubos na nagtitiwala sa kaniya, at hindi siya kailanman maghihirap dahil sa kaniya.
\p
\v 12 Gumagawa siya ng mabubuting bagay para sa kaniya at hindi masama, sa lahat ng mga araw ng buhay niya.
\s5
\p
\v 13 Sa palengke ay naghahanap siya ng lino at lana, at masaya siyang naghahabi para makagawa ng sinulid at tela.
\p
\v 14 Tulad siya ng mga barko ng mangangalakal, dinadala niya ang kaniyang pagkain sa bahay niya mula sa malayong lugar.
\q
\v 15 Bago sumikat ang araw, bumabangon siya para paghandaan ang kaniyang pamilya ng pagkain, at para sa buong araw, binibigyan niya ang bawat aliping babae ng kaniyang mga tungkulin.
\s5
\q
\v 16 Lumalabas siya at pinag-iisipan kung anong bukirin ang kaniyang bibilhin, at ito ay binibili niya. Sa perang kinita niya sa iba pang pinagkakitaan, nagtatanim siya ng isang ubasan.
\p
\v 17 Kalakasan ng kaniyang sarili ay kaniyang hinahanda, at sa lakas ng kaniyang mga braso, mahirap na trabaho ay kaniyang kinakaya.
\s5
\p
\v 18 Alam niya kung kailan siya nakakakuha sa kaniyang negosyo ng tubong maganda. Pinanatili niyang nakasindi sa magdamag ang lampara.
\q
\v 19 Ang ikiran ay hinahawakan niya, at pagkatapos ay hinahabi ang sinulid na siyang gagamitin niya.
\s5
\p
\v 20 Nagbibigay siya ng bukas ang palad para tulungan ang mga mahihirap.
\p
\v 21 Hindi siya nag-aalala tungkol sa niyebe sa panahon ng taglamig, dahil ang lahat ng mga tao na nasa bahay niya ay may pinakamainam na balabal na pangtaglamig.
\s5
\p
\v 22 Gumagawa siya ng mga telang pantakip para sa mga higaan. Nakasuot siya ng pinong linong kasuotan na kulay lila—ang kulay ng karangyaan.
\q
\v 23 Sa mga tarangkahan ng lungsod kilalang-kilala ang kaniyang asawa, at doon sa mga tarangkahan ang ibang mga pinuno ng bayan ay nakaupo kasama siya.
\s5
\p
\v 24 Gumagawa siya ng linong damit at ito ay kaniyang ipinagbibili. Sa mga may-ari ng tindahan, sintas ay kaniya ring ipinagbibili.
\p
\v 25 Matapang at kagalang-galang ang kaniyang katangian, at tinatawanan niya kung ano ang mangyayari sa kinabukasan.
\s5
\q
\v 26 Kapag nagsasalita siya, nagsasabi siya nang may karunungan, at namumuhay siya sa batas ng kabaitan.
\q
\v 27 Binabantayan niya ang lahat ng mga nagagawa sa kaniyang sambahayan, at wala sa kaniyang mga kilos ang makikitaan ng katamaran.
\s5
\q
\v 28 Mga anak niya, sa kaniya ay may mataas na pagtingin, pati kaniyang asawa, siya ay pupurihin.
\q
\v 29 Sinasabi niya sa kaniya, "Maraming mga kakaibahan ang gumagawa ng mga kahanga-hangang bagay, pero silang lahat ay nahigitan mong tunay!"
\s5
\p
\v 30 Ang pagiging mahinhin ay nakakadaya at napag-iisip ka na ang isang tao ay higit na mataas kaysa nararapat; at ang kagandahan ay walang halagang pangmatagalan. Pero ang babaeng nagpaparangal kay Yahweh ay pupurihin dahil sa pagkatao niya.
\q
\v 31 Ibigay mo sa kaniya kung ano ang kaniyang kinita, at sa mga pinuno ng bayan, pupurihin ang kaniyang mga gawa.