tl_udb/18-JOB.usfm

3035 lines
151 KiB
Plaintext

\id JOB
\ide UTF-8
\h Job
\toc1 Job
\toc2 Job
\toc3 job
\mt Job
\s5
\c 1
\p
\v 1 Sa lupain ng Uz, may isang lalaki na ang pangalan ay Job. Palagi niyang sinusunod ang Diyos at kailanman hindi gumagawa ng masasamang bagay.
\p
\v 2 Mayroon siyang pitong anak na lalaki at tatlong anak na babae.
\p
\v 3 Mayroon din siyang pitong libong mga tupa, tatlong libong mga kamelyo, isang libong mga baka, at limang daang mga asno. Marami rin siyang mga alipin. Siya ang pinakamayaman sa buong lugar sa silangan ng Ilog Jordan.
\s5
\p
\v 4 Madalas naghahanda ang mga anak na lalaki ni Job tuwing kaarawan nila sa sarili nilang bahay. Sa tuwing kaarawan ng isa sa kanila, iniimbitahan niya ang kanyang mga kapatid na lalaki at babae para magsalo-salo.
\p
\v 5 Pagkatapos ng pagdiriwang, ipinapatawag sila ni Job at ipinapanalangin kay Yahweh na linisin sila kung sakali man na nakagawa sila ng kasalanan. Maaga siyang bumabangon para pumatay ng mga hayop. Sinusunog niya sa altar ang hayop bilang alay, isa para sa bawat anak niya. Kasi ang laging nasa isip ni Job, "Baka nagkasala ang kaniyang mga anak at nakapag-isip ng masama tungkol sa Diyos."
\s5
\p
\v 6 Isang araw, nagsama-sama ang mga anghel sa harapan ni Yahweh at dumating din si Satanas kasama nila.
\q1
\v 7 Tinanong ni Yahweh si Satanas, "Saan ka na naman nanggaling?" Sumagot ang Taga-usig, "Galing ako sa lupa, gumala ako para tingnan kung anong mga nangyayari roon."
\p
\v 8 Sinabi ni Yahweh kay Satanas, "Napansin mo ba si Job na sumasamba sa akin? Wala nang iba sa mundong ito ang nagpaparangal sa akin at namumuhay nang tama na gaya niya. Lagi siyang umiiwas sa masama.
\s5
\p
\v 9 Sumagot si Satanas kay Yahweh, "Totoo nga ang sinasabi mo, pero kaya lang naman sumusunod sa iyo si Job kasi may ginagawa ka para sa kanya.
\p
\v 10 Lagi mo siyang inaalagaan, ang kaniyang pamilya at ang kaniyang mga ari-arian. Palagi mo siyang pinagtatagumpay sa lahat ng bagay na kaniyang ginagawa, at pinapayaman mo siya.
\p
\v 11 Pero kapag sinira mo ang lahat ng kaniyang mga ari-arian, tingnan mo kung hindi ka niya isumpa sa harap ng maraming tao."
\q1
\v 12 Sumagot si Yahweh, "Ito pala ang gusto mong gawin ko. Sige, pinapayagan kita na kuhanin sa kaniya ang lahat ng pag-aari niya. Pero huwag mo lang sasaktan ang kaniyang katawan." Pumayag si Satanas, at umalis para pag-isipan kung paano niya sasalakayin si Job.
\s5
\q1
\v 13 Pagkalipas ng isang araw, habang nagkakasayahan ang mga anak ni Job sa bahay ng panganay nilang kapatid.
\p
\v 14 Sa bahay naman ni Job ay biglang dumating ang isang mensahero at ibinalita sa kaniya, "Habang nag-aararo ang iyong mga baka sa bukirin at ang mga asno ay kumakain ng damo sa tabi,
\p
\v 15 biglang nilusob kami ng mga taga-Sheba. Pinatay nila ang iyong mga alipin na nagtatrabaho sa bukirin at tinangay ang iyong mga alagang baka at mga asno! Ako lang ang nag-iisang nakatakas at nakapunta sa iyo para sabihin kung ano ang mga nangyari."
\s5
\p
\v 16 Habang kinakausap pa niya si Job, may isa na namang mensahero ang dumating. Sinabi niya kay Job, "Kumidlat at tinamaan ang iyong mga alagang tupa kasama na ang mga pastol nito! Ako lang ang nag-iisang nakatakas at nakapunta sa iyo para sabihin kung ano ang mga nangyari."
\p
\v 17 Habang kausap pa niya si Job, dumating ang pangatlong mensahero. Ibinalita niya kay Job, "Tatlong grupo ng mga magnanakaw mula sa Caldea ang sumalakay sa amin. Ninakaw nilang lahat ang mga kamelyo at pinatay ang mga taong nagbabantay dito. Ako lang ang nag-iisang nakatakas at nakapunta sa iyo para sabihin kung ano ang mga nangyari."
\s5
\p
\v 18 Habang kinakausap pa niya si Job, dumating naman ang pang-apat na mensahero. Ibinalita niya kay Job: "Nagsasaya ang iyong mga anak sa bahay ng kanilang panganay na kapatid.
\p
\v 19 Biglang dumating ang isang malakas na hangin mula sa disyerto at dinaanan ang bahay. Nagiba ang bahay at nadaganan ang iyong mga anak at namatay silang lahat! Ako lang ang nag-iisang nakatakas at nakapunta sa iyo para sabihin kung ano ang nangyari."
\s5
\p
\v 20 Biglang napatayo si Job, pinunit ang damit, inahit ang kaniyang buhok dahil sa sobra niyang kalungkutan. Saka siya dumapa sa lupa para sambahin ang Diyos.
\p
\v 21 Sinabi niya, "Ipinanganak akong walang damit. Kapag ako ay namatay, wala rin akong madadalang damit. Si Yahweh ang nagbigay ng lahat sa akin, at siya rin ang kukuha ng lahat. Pero dapat purihin pa rin natin lagi si Yahweh."
\p
\v 22 Kaya sa kabila ng mga naranasan ni Job, hindi siya nagkasala dahil hindi niya sinabing mali ang ginawa ng Diyos.
\s5
\c 2
\p
\v 1 Dumating ang isang araw na ang mga anghel ay nagsama-samang humarap kay Yahweh; naroon din si Satanas.
\p
\v 2 Tinanong ni Yahweh si Satanas, "Saan ka naman nanggaling ngayon?" Sumagot ang si Satanas, "Galing ako sa lupa, nagpabalik-balik ako sa paglalakbay para makita kung ano ang mga nangyayari roon."
\s5
\q
\v 3 Tinanong ni Yahweh si Satanas, "Napansin mo ba ang lingkod kong si Job na sumasamba sa akin?" Patuloy niya akong pinararangalan, kakaiba talaga siya, dahil namumuhay siya ng mas matuwid kaysa kanino pa man sa lupa. Ginagawa niya ito kahit na pinilit mo akong pahirapan siya nang walang dahilan."
\s5
\p
\v 4 Sumagot si Satanas kay Yahweh, "Sinasamba ka lang naman niyan kasi tinutulungan mo siya. Ang mga tao kayang ipagpalit ang lahat para lang mailigtas ang kanilang sarili.
\p
\v 5 Subukan mong saktan ang kaniyang katawan, siguradong isusumpa ka niya sa harap ng lahat!"
\p
\v 6 Sumagot si Yahweh kay Satanas, "Sige, pinapayagan kitang gawin ang lahat ng gusto mo sa kaniya, pero huwag mo lang siyang papatayin."
\s5
\q
\v 7 Saka umalis si Satanas, pinahirapan niya si Job sa pamamagitan ng masasakit na pigsa na inilagay niya mula ulo hanggang paa.
\p
\v 8 Pumulot si Job ng isang pirasong basag na palayok para ipangkayod sa mga pigsa sa kanyang balat, saka siya umupo sa mga abo na nagluluksa at humahagulgol.
\s5
\q
\v 9 Sinabi sa kaniya ng kaniyang asawa, "Pinipilit mo pa rin bang maging tapat sa Diyos mo? Isumpa mo na ang Diyos mo at mamatay ka na."
\p
\v 10 Pero sumagot si Job, "Kung makapagsalita ka parang hindi mo kilala ang Diyos. Hindi lang puro kabutihan ang tatanggapin natin mula sa Diyos. Tanggapin din natin ang mga masasamang bagay." Kaya sa kabila ng lahat ng nangyari kay Job, hindi niya isinumpa ang Diyos at hindi siya nagsalita ng anumang laban sa kaniya."
\s5
\p
\v 11 Ilan sa mga kaibigan ni Job sila Elifaz mula sa bayan ng Teman, Bildad mula sa lupain ng Suha, at Zofar mula sa lupain ng Naama. Nang mabalitaan nila ang lahat ng mga trahedyang nangyari kay Job, umalis sila sa kani-kanilang bayan at magkakasabay na pinuntahan si Job para makidalamhati at makiramay.
\s5
\p
\v 12 Pero nang matanaw nila si Job sa di kalayuan, muntik na nilang hindi makilala ito. Nag-iyakan sila nang malakas, pinunit ang kanilang damit, at naghagis ng mga abo na nahuhulog sa kanilang mga ulo. Ginawa nila ito para ipakita ang kanilang matinding kalungkutan sa naranasan ni Job.
\p
\v 13 Saka sila umupo sa tabi ni Job sa loob ng pitong araw. Wala ni isa sa kanila ang kumausap sa kaniya, dahil nakita nila ang malaking paghihirap ni Job, naisip nila na anuman ang sabihin nila, hindi nito mababawasan ang hirap na nararanasan ni Job.
\s5
\c 3
\p
\v 1 Sa wakas, nagsalita na rin si Job, at isinumpa niya ang araw ng kaniyang kapanganakan.
\p
\v 2 Sinabi niya,
\p
\v 3 "Sana nawala na lang ang araw nang ako ay ipinanganak, ang gabi ng aking kapanganakan."
\s5
\p
\v 4 Sana naging madilim na lang ang araw na ipinanganak ako. Sana kinalimutan na lang ng Diyos at hindi na pinasikat ang araw.
\p
\v 5 Sana makapal na kadiliman na lang ang bumalot noon, at puro maitim na ulap ang tumakip at humarang sa lahat ng liwanag, para ang mga tao ay matakot.
\s5
\p
\v 6 Sana ang araw ng aking kapanganakan ay mabura na sa kalendaryo, para hindi na ito makita bilang isang araw sa isang buwan at laktawan ang araw na iyon sa anumang kalendaryo.
\p
\v 7 Hinihiling ko na sana wala nang ipanganak sa parehong araw na iyon, at wala na muling maging masaya.
\s5
\p
\v 8 Ang mga taong kayang gumising sa natutulog na dambuhalang halimaw sa dagat—gusto ko na isumpa nila ang araw ng aking kapanganakan.
\p
\v 9 Hinihiling ko na sana ang mga bituin na lumilitaw sa umaga ng araw na iyon ay hindi na muling magliwanag. Kung sana lang talaga na hindi na lumitaw ang mga bituin, at hindi sila magliwanag noong araw na iyon.
\p
\v 10 Hindi talaga mabuti ang araw na iyon dahil sa hindi isinara ang sinapupunan ng nanay ko; sa halip, ipinanaganak pa ako at naranasan ko ang mga paghihirap na ito.
\s5
\p
\v 11 Sana namatay na lang ako nang ipinanganak, o kaya ay patay na nang lumabas sa sinapupunan ng aking nanay.
\p
\v 12 Sana hindi na lang ako kinarga ng nanay ko. Sana hindi na lang niya ako pinasuso sa kanyang mga dibdib.
\s5
\p
\v 13 Kung namatay na ako noong araw ng kapanganakan, sana natutulog na ako at mapayapang nagpapahinga.
\p
\v 14 Kasama ko na sana ang mga hari na nagtayo ng mga puntod na ngayon ay sira, at nagpapahinga kasama rin ng namatay nilang opisyales.
\s5
\q
\v 15 Magpapahinga ako na kasama ang mga mayayamang prinsipe na ang kanilang palasyo ay puno ng ginto at pilak.
\p
\v 16 Tulad na lang sana ako ng isang inilibing na sanggol na namatay sa sinapupunan ng kanyang nanay at hindi na nabuhay para makita ang liwanag.
\s5
\p
\v 17 Kapag namatay na ang mga masasama, hindi na sila makapanggugulo pa, at ang mga pagod ay makapagpapahinga na rin.
\q
\v 18 Silang mga nasa bilangguan ay magpapahinga rin matapos nilang mamatay; wala na ang malulupit nilang taga-pamahala na nagmumura sa kanila.
\q
\v 19 Magkapantay na ang mga mayayaman at mahihirap kapag sila ay namatay na, at ang mga alipin ay hindi na kailangang sumunod sa kanilang mga amo.
\s5
\p
\v 20 Bakit pa hinayaan ng Diyos na mabuhay ang mga taong hirap na hirap na tulad ko? Bakit pa niya hinahayaang mabuhay ang mga taong naghihirap?
\p
\v 21 Gustong-gusto na nilang mamatay pero hindi sila mamatay-matay. Mas gusto pa nilang mamatay kaysa makahanap ng mga kayamanan.
\p
\v 22 Kapag sila ay namatay na at ilibing, saka sila magiging masaya.
\s5
\p
\v 23 Hindi ko maintindihan kung bakit hinahayaan pang mabuhay ng Diyos ang mga tao tapos pahihirapan niya rin naman at hindi paliligayahin.
\p
\v 24 Iyak na lang ako ng iyak kaya hindi na ako makakain; tulad na ng tubig na dumadaloy sa ilog ang aking kalungkutan.
\s5
\q
\v 25 Baka ang mga bagay na inaalala ko ang mangyari pa sa akin—at ang mga ito nga ang aking naranasan. Ang mga bagay na kitatakutan ko ang siya pang dumating sa buhay ko.
\p
\v 26 Kaya naman walang kapayapaan sa buhay ko, walang katahimikan at walang kapahingahan, ang mayroon lang ako ay kaguluhan.
\s5
\c 4
\p
\v 1 Saka sumagot si Elifaz kay Job,
\p
\v 2 "Maaari ba akong magsalita sa iyo? Hindi na ako makatiis na sabihin sa iyo ito.
\p
\v 3 Dati tinuruan mo ang maraming tao at hinikayat ang mga nahihirapan na magtiwala sa Diyos."
\s5
\p
\v 4 Kinakausap mo ang mga naghihirap dati, natutulungan mo sila; nagawa pa nilang maging masaya sa Diyos.
\p
\v 5 Pero ngayon na ikaw naman ang naghihirap, ikaw naman napanghihinaan ng loob. Tinamaan ka ng mga sakuna, at ikaw ay walang magawa.
\p
\v 6 Sabi mo pinararangalan mo ang Diyos; kaya magtiwala ka sa kanya, para hindi ka niya hayaang maghirap. Kung hindi ka nagkasala, malakas dapat ang loob mo na hindi hahayaan ng Diyos na dumating ang mga sakunang ito sa buhay mo!
\s5
\p
\v 7 Isipin mo nga ito: walang mga inosenteng tao ang namamatay habang bata pa sila! Hindi kailanman babawian ng buhay ng Diyos ang mga inosente!
\p
\v 8 Napanood ko na kung paano ito nangyari: kapag ang magsasaka ay nagtanim ng mga pangit na binhi hindi maganda ang kanilang mga ani; sinuman ang nakagawa ng hindi maganda sa iba ay makakaranas din sa sarili ng hindi maganda.
\p
\v 9 Ang mga taong ito ay mamamatay lamang kapag ipinagutos na ng Diyos, dahil sa sobrang galit sa kanila ng Diyos.
\s5
\p
\v 10 Kahit na ang masasama ay maging kasing lakas pa ng mga batang leon, wawasakin pa rin sila ng Diyos.
\p
\v 11 Mamamatay rin sila tulad ng mga matatandang leon dahil wala na silang makaing mga hayop. Magwawatak-watak sila tulad ng mga batang leon para maghanap ng makakain.
\s5
\p
\v 12 May bumulong sa akin ng isang mensahe.
\p
\v 13 Kinausap niya ako sa gabi nang ako ay binabagabag ng masamang panaginip.
\s5
\p
\v 14 Nanginig ako sa takot; at nangatog ang aking mga buto.
\p
\v 15 Dumaan sa aking harapan ang isang multo, at ang mga balahibo ko sa aking batok ay napatayo.
\s5
\p
\v 16 Huminto siya sa harapan ko, pero hindi ko maaninag kung ano talaga ang kaniyang anyo. Pero talagang alam ko na may nilalang sa harapan ko, at siya ay nagsalita nang pabulong.
\p
\v 17 'Walang tao na mas magiging matuwid pa sa Diyos. Wala nang makahihigit pa sa Diyos, na lumikha sa kaniya'.
\s5
\p
\v 18 Hindi masisiguro ng Diyos na gagawin lagi ng mga anghel kung ano ang tama, inilantad niya na ilan sa kanila ang nakagawa ng masama.
\p
\v 19 Lalo pa kaya ang sangkatauhan na ginawa niya mula sa mga alabok at putik, mga tao, na tulad ng mga kulisap na madaling durugin.
\s5
\p
\v 20 May mga taong napakalakas sa umaga pero pag dating ng gabi ay patay na. Wala na sila at walang makakapansin sa kanila.
\p
\v 21 Tulad sila ng isang tolda na kapag binunot ang mga haligi madaling magiba, hindi nila alam ang dahilan ng kanilang biglaang pagkamatay.
\s5
\c 5
\p
\v 1 Job, walang pipigil sa iyo na tumawag ng tulong, pero sigurado akong walang anghel ang tutulong sa iyo!
\p
\v 2 Ang mga hangal ay mamamatay dahil sila ay nagtatanim ng galit; ang mga taong madaling madaya ng iba—sila ay mamamatay dahil sa kanilang inggit.
\q
\v 3 Nakakita ako ng mga hangal na tao na mukhang nagtatagumpay, pero bigla silang nakaranas ng sakuna dahil sinumpa ko ang kanilang tahanan.
\s5
\q
\v 4 Hindi kailanman naging ligtas ang kanilang mga anak na lalaki; lagi silang natatalo sa kanilang kalaban sa korte, dahil walang nagtatanggol sa kanila.
\p
\v 5 Ninanakaw ng mga nagugutom ang mga inani ng mga hangal; kahit na ang mga bunga na nasa matinik na lugar, at ang mga sakim ay kukunin ang kayamanan ng mga hangal.
\s5
\p
\v 6 Pero hindi ang mga bukirin ang nagdadala ng sakuna, ang problema ay hindi tumutubo tulad ng mga halaman mula sa lupa.
\p
\v 7 Gumagawa ng problema ang mga tao sa kanilang buhay mula nang ipinanganak sila; totoo ito tulad ng mga siklab na sa apoy nagmula.
\s5
\p
\v 8 Kung kami ay naghihirap nang tulad mo, hihingi ako ng tulong sa Diyos at sasabihin ko sa kaniya ang inirereklamo ko.
\p
\v 9 Gumagawa siya ng mga dakilang bagay, mga bagay na hindi natin lubos na maunawaan; hindi nga natin kayang bilangin ang mga ginagawa niyang kamangha-manghang bagay.
\p
\v 10 Nagpapadala siya ng ulan sa lupa; pinapaulanan niya ang ating bukirin.
\s5
\p
\v 11 Ipinagtatanggol niya ang mga mapagkumbaba, at inilalagay sa ligtas na mga lugar ang mga nagluluksa.
\p
\v 12 Sinisira niya ang mga plano ng masasama, kaya walang nangyayari sa kanilang ginagawa.
\p
\v 13 Ang mga taong ang tingin sa sarili ay marunong- kaya hindi sila nagtatagumpay, hinahayaan niya na mahulog sila sa sarili nilang patibong.
\s5
\p
\v 14 Kahit ang umaga ay madilim pa rin sa kanila dahil nangangapa sila sa paghanap ng daan na parang gabi sa katanghalian.
\p
\v 15 Pero inililigtas ng Diyos ang mga mahihina sa mga makasalanan na nagsasabi ng masasamang bagay sa kanila, inililigtas niya ang mga mahihirap mula sa mayayaman na nagpapahirap sa kanila.
\p
\v 16 Kaya ang mga mahihirap ay makakatiyak na mabubuting bagay ang mangyayari sa kanila, pero pipigilan ng Diyos ang mga makasalanan na magsalita ng masama.
\s5
\p
\v 17 Pero mapalad ang mga itinutuwid ng Diyos, kaya huwag mong kainisan kapag dinidisiplina ka ng Makapangyarihang Diyos.
\p
\v 18 Sinusugatan niya ang mga tao, pero siya rin ang naglalagay ng benda sa mga ito, sinasaktan niya ang mga tao pero siya rin ang nagpapagaling.
\p
\v 19 Ililigtas ka niya nang makailang ulit mula sa problema mo, para walang masama ang mangyari sa iyo.
\s5
\p
\v 20 Kung kakaunti na lang ang makakain, hindi ka niya hahayaang mamatay, at kapag may digmaan, hindi niya hahayaan ang kalaban mo na ikaw ay mapatay.
\p
\v 21 Ipagtatanggol ka ng Diyos kapag ang mga tao ay nagsasabi ng hindi totoo, mga masasamang bagay sa iyo; hindi ka matatakot kapag maraming mga bagay ang nasisisra sa paligid mo.
\p
\v 22 Makakatawa ka pa kahit wala ka nang makain, at hindi ka matatakot sa mga hayop na mababangis.
\s5
\p
\v 23 Sa tuwing may malalaking bato sa bukid mo na nagpapahirap sa pag-aararo hindi ka mag-aalala, at hindi ka mag-aalala sa mababangis na hayop na salakayin ka.
\q
\v 24 Makikita mo na magiging maayos ang iyong tahanan; kapag ang iyong mga alaga ay iyong tiningnan, wala ni isa sa kanila ang nagkulang.
\p
\v 25 Makakatiyak ka na magkakaroon ka ng maraming apo, na magiging kasing dami ng mga damo.
\s5
\q
\v 26 Tatanda ka muna bago ka mamamatay, na tulad ng mga inaani at gigiiking palay.
\q
\v 27 Pinag-isipan namin ito ng mga kaibigan ko nang mabuti, alam naming ito ay totoo kaya pakinggan mo ang aking sinabi."
\s5
\c 6
\p
\v 1 Nagsalita muli si Job kay Elifaz.
\p
\v 2 "Kung titimbangin lang ang lahat ng mga problema ko at kaguluhan,
\p
\v 3 mas mabigat pa ito sa lahat ng mga buhangin sa mga dalampasigan. Kaya ako nakapagsalita ng hindi maganda sa araw ng aking kapanganakan.
\s5
\p
\v 4 Parang tinamaan ako ng mga palaso ng Makapangyarihang Diyos. At ang mga palaso pa naman na iyon ay may lason, at kumalat na ang lason sa aking kaluluwa. Ang mga bagay na ginawa ng Diyos sa akin ay parang mga sundalong nakapila para salakayin ako.
\p
\v 5 Tulad ng isang mabangis na asno na hindi umuungal kung marami namang damong makakain, at ang isang baka na hindi umuungal dahil sa marami namang makakain, hindi ako aangal kung talagang tinutulungan ninyo ako.
\p
\v 6 Umaangal ang mga tao kapag pinapakain sila ng mga pagkaing walang asin, madulas at walang lasa; ganyan na ganyan ang mga sinasabi mo, Elifaz.
\s5
\p
\v 7 Ayaw kong kumain ng mga pagkain na ganoon, dahil nasusuya ako, at ayaw ko rin ang sinabi mo sa akin.
\p
\v 8 Sana gawin na ng Diyos ang hiniling ko sa kaniya:
\p
\v 9 hinihiling ko na durugin niya na ako at hayaang mamatay. Hinihiling ko na iunat na niya ang kaniyang kamay at bawiin ang aking buhay.
\s5
\p
\v 10 Kung gagawin niya iyon, ang paghihirap ko ay mapapawi dahil sa alam ko na sa kabila ng mga paghihirap na nararanasan ko, sinusunod ko palagi ang utos ng Diyos, ang Tanging Banal.
\p
\v 11 Pero ngayon wala na akong lakas para harapin ang mga bagay na ito. At dahil sa wala na rin akong inaasahan sa aking kinabukasan, malabo na sa akin ang magtiis.
\s5
\p
\v 12 Hindi ako kasing tibay ng bato at ang aking katawan ay hindi gawa sa tanso.
\p
\v 13 Kaya hindi ko na matutulungan ang sarili ko; kulang na ang aking karunungan para doon.
\s5
\p
\v 14 Kapag ang isang tao ay maraming problema, dapat maging mabait sa kaniya ang kaniyang mga kaibigan, kahit pa tumigil na siya sa pagpaparangal sa Diyos na Makapangyarihan.
\p
\v 15 Pero, kayong mga kaibigan ko, hindi kayo maaasahan. Tulad kayo ng sapa sa disyerto: na umaapaw sa tagsibol,
\p
\v 16 kapag ang mga yelo at niyebe ay natunaw,
\p
\v 17 pero sa panahon ng tag-init, wala nang tubig na dumadaloy sa mga sapa, at natutuyo ang mga kanal.
\s5
\p
\v 18 Lumilihis sa tamang ruta ang mga karawan para maghanap ng tubig, pero walang tubig sa mga sapa, kaya namamatay ang mga mangangalakal sa disyerto.
\p
\v 19 Umaalis ang mga kalalakihan sa mga karawan sa pag-aakalang makakahanap sila ng tubig.
\p
\v 20 Pero wala silang natagpuan kahit na gapatak, kaya sila ay bigong-bigo.
\s5
\p
\v 21 Gayon din, mga kaibigan ko pa naman kayo pero hindi ninyo ako matulungan! Nakita ninyo ang mahirap kong kalagayan, pero natatakot kayo na baka gawin din sa inyo ng Diyos ang mga naranasan ko.
\p
\v 22 Pagkatapos mawala sa akin ang mga kayamanan ko, hindi ako humingi ng pera sa inyo. Hindi ako nagmakaawa sa inyo na gumastos kayo para tulungan ako.
\p
\v 23 Hindi nga ako humingi ng tulong sa inyo para iligtas ako sa aking mga kalaban, at hindi ako humingi ng tulong sa inyo na saklolohan ako sa mga nagpapahirap sa akin.
\s5
\p
\v 24 Sagutin nga ninyo ako, at tatahimik na ako; sabihin ninyo sa akin kung saan ako nagkamali!
\p
\v 25 Kapag ang isang tao ay nagsasabi ng totoo, hindi masasaktan ang makakarinig nito, pero ang puna ninyo sa akin ay walang katotohanan, kaya wala kayong napatunayan sa mga sinabi ninyo.
\s5
\p
\v 26 Wala na akong pag-asa, pero ako parin ang itinatama ninyo, at iniisip pa ninyong walang kwenta ang sinasabi ko!
\p
\v 27 Hindi naman talaga kayo nakikiramay sa mga pinagdadaanan ko. Gagawin niyo lang ang lahat para makinabang kayo! Maglalaro pa nga kayo para lang mapanalunan bilang premyo ang isang ulila!
\s5
\p
\v 28 Tumingin kayo sa akin! Hindi ako nagsisinungaling habang kausap kayo!
\p
\v 29 Itigil na ninyo ang pagsasabing nagkasala ako, at itigil na ninyo ang hindi patas na pamumuna sa akin! Dapat alam ninyo na hindi ako nakagawa ng anumang pagkakamali.
\p
\v 30 Akala ba ninyo nagsisinungaling ako? Hindi, hindi ako nagsisinungaling, dahil alam ko kung tama o mali ang sinasabi ko."
\s5
\c 7
\p
\v 1 Ang mga tao sa daigdig na ito ay kailangang masikap magtrabaho gaya nang ginagawa ng mga sundalo; sa lahat ng panahon na tayo ay nabubuhay, kailangan nating magtrabaho na gaya ng pagsisikap ng isang upahang trabahador.
\p
\v 2 Kagaya tayo ng mga alipin na nagnanais maramdaman ang lamig ng gabi, at katulad tayo ng mga trabahador na naghihintay na mabayaran.
\p
\v 3 Binigyan ako ng Diyos ng maraming buwan kung saan iniisip ko na wala nang saysay para manatiling buhay; Itinalaga niya ang maraming gabi sa akin na ang pakiramdam ko ay miserable.
\s5
\p
\v 4 Kapag ako ay humihiga sa gabi ay sinasabi kong, 'Gaano pa katagal bago ako bumangon?' Pero ang gabi ay napakahaba, at pabaling-baling ako sa aking kama hanggang sa madaling araw.
\p
\v 5 Ang aking katawan ay punong-puno ng uod at mga galis; tumatagas ang nana sa aking nakabukang mga sugat.
\s5
\p
\v 6 Mabilis na lumilipas ang aking mga araw kagaya ng panghabi; kapag lumipas ang isang araw, hindi ako kailanman umaasa na ang mga bagay ay magiging mas mabuti kaysa bukas.
\p
\v 7 O Diyos, huwag mong kalimutan na ang aking buhay ay kasing-ikli ng isang hiniga; Sa palagay ko hindi ko na mararanasan maging masaya pa kailanman.
\s5
\p
\v 8 O Diyos, nakikita mo ako ngayon, pero bukas-makalawa ay hindi mo na muli makikita. Hahanapin mo ako pero ako ay mawawala dahil ako ay mamamatay na.
\p
\v 9 Kagaya ng isang ulap na dumadaan at naglalaho, namamatay ang mga tao at bumababa sa libingan at hindi na sila makakabalik;
\p
\v 10 hindi na sila makakabalik kailanman sa kanilang mga tahanan, at ang mga taong nabubuhay pa ay hindi na sila maalala muli.
\s5
\p
\v 11 Kaya hindi ako magsasa-walang kibo; habang ako ay nagdurusa, magsasalita ako; dadaing ako sa Diyos tungkol sa mga nangyayari sa akin dahil ako ay galit na galit.
\p
\v 12 O Diyos, bakit mo binabantayang mabuti ang aking ginagawa? Iniisip mo ba na ako ay isang mapanganib na halimaw sa dagat?
\s5
\p
\v 13 Kapag ako ay nakahiga sa gabi, sinasabi ko sa aking sarili, 'matutulog ako at hihinto ang aking pagdurusa; ang sakit ay mababawasan habang ako ay natutulog.'
\p
\v 14 Pero binibigyan mo ako ng mga panaginip kaya ako ay natatakot; binibigyan mo ako ng mga pangitain na sumisindak sa akin;
\p
\v 15 ang mga bagay na ito ang nagtutulak sa akin para nasain ko na sana ay mayroong sumakal sa akin para mamatay, kaysa patuloy akong mabubuhay na puro buto na lamang.
\s5
\p
\v 16 Kinamumuhian kong patuloy na mabuhay; hindi ko gustong mabuhay nang maraming taon. Hayaan mo akong mag-isa, dahil mabubuhay na lamang ako sa maikling panahon.
\p
\v 17 Kaming mga tao ay hindi naman napakahalaga; kaya bakit mo kami labis na binibigyang pansin?
\p
\v 18 Tuwing umaga ay pinagmamasdan mo kami para makita kung ano ang aming ginagawa, at sinusuri ang bawat sandali para makita mo kung ginagawa namin ang tama.
\s5
\p
\v 19 Kailan ka titigil sa pagmamasid sa akin at iiwan akong mag-isa kahit ilang sandali lamang, hanggang sa malunok ko ang aking sariling laway?
\p
\v 20 Bakit patuloy mo akong binabantayan? Kung ako ay nagkasala, tiyak na hindi naman makakapinsala sa iyo! Bakit ginawa mo akong parang asintahan para ako ay panain? Itinuturing mo ba akong mabigat na pasanin na pinipilit mong buhatin?
\s5
\q
\v 21 Kung ako ay nagkasala, hindi mo ba ako kayang patawarin sa mga maling bagay na aking nagawa? Sa madaling panahon ay hihiga na ako sa aking libingan; Hahanapin mo ako, pero hindi mo ako matatagpuan dahil ako ay mamamatay na at maglalaho.
\s5
\c 8
\p
\v 1 Pagkatapos si Bildad, na mula sa lugar ng mga Suhita, ay nagsalita kay Job, at sinabi niya, "
\p
\v 2 Job, hanggang kailan ka magsasalita ng ganito? Ang iyong mga sinasabi ay walang silbi gaya ng malakas na hangin.
\p
\v 3 Ang Makapangyarihang Diyos ay tiyak na hindi kailanman gagawa ng kahit anong hindi makatarungan. Lagi siyang gumagawa ng matuwid.
\s5
\p
\v 4 Ang iyong mga anak ay nagkasala laban sa kaniya; ito ay malinaw dahil pinarusahan sila sa masasamang bagay na ginawa nila.
\p
\v 5 Pero ngayon, kung taos-puso mo lang na hilingin sa Diyos na tulungan ka niya.
\s5
\p
\v 6 Kung dalisay ka lang at matapat, tiyak na gagawa siya ng isang mabuting bagay para sa iyo at gagantimpalaan ka sa pamamagitan ng pagbabalik ng iyong pamilya at pasasaganahin ka.
\p
\v 7 Kahit na hindi ka masiyadong masagana noon, sa huling yugto ng iyong buhay ay higit kang magiging mayaman.
\s5
\p
\v 8 Hinihiling ko sa iyo na pag-isipan mo kung ano ang nangyari at isaalang-alang ang mga natuklasan ng ating mga ninuno noon.
\p
\v 9 Parang kahapon lang tayo ipinanganak at kaunti lang ang ating nalalaman; ang panahon natin dito sa daigdig ay mabilis na lumilipas, gaya ng isang anino na naririto at pagkatapos ay nawawala.
\p
\v 10 Kaya bakit hindi mo hayaan ang ating mga ninuno na turuan ka ng kahit anong bagay? Hayaan mong ituro nila sa iyo ang kanilang natutunan!
\s5
\p
\v 11 Tiyak na hindi tumutubo ang mga papirus na malayo sa latian; tiyak na hindi tumutubo ang mga tambo kung saan walang tubig.
\p
\v 12 Kapag natutuyo ang tubig habang sila ay namumulaklak, mas mabilis silang nalalanta kaysa sa ibang halaman.
\s5
\p
\v 13 Ang mga hindi nagbibigay pansin sa mga sinasabi ng Diyos ay kagaya ng mga tambong iyon; ang mga taong walang Diyos ay buong pagtitiwalang tumitigil sa pag-asa na may mangyayari pang magandang bagay sa kanila.
\p
\v 14 Ang mga bagay na buong pagtitiwala nilang inaasahan ay hindi nangyayari; Ang mga bagay na pinagkakatiwalaan nila ay mahina gaya ng sapot ng gagamba.
\p
\v 15 Kung sasandal sila sa isang bahay, babagsak ito sa kanila; kung sila ay kakapit sa mga bagay para sa kaligtasan, ang mga bagay na iyon ay hindi mananatiling matatag.
\s5
\p
\v 16 Ang mga taong walang Diyos ay kagaya ng mga halamang diniligan bago sumikat ang araw; ang kanilang mga usbong ay gumagapang sa buong hardin.
\p
\v 17 Ang mga ugat ng mga halamang iyon ay pumupulupot sa mga bato at mahigpit na kumakapit sa malalaking bato.
\p
\v 18 Pero kung binubunot ang mga ito ng hardinero, parang sinasabi ng lugar kung saan sila itinanim, 'hindi sila naparito kailanman!' Iyon ang nangyayari sa mga masasamang tao na hindi nagbibigay pansin sa mga sinasabi ng Diyos.
\s5
\p
\v 19 Totoo, ito ang lahat ng kagalakan na taglay ng mga masasamang tao; dumarating ang ibang tao para humalili sa kanilang kinalalagyan.
\p
\v 20 Kaya, sinasabi ko sa iyo, Job, hindi ka tatanggihan ng Diyos kung pararangalan mo siya, pero hindi niya tinutulungan ang masasamang tao.
\s5
\p
\v 21 Bibigyan ka niya palagi ng kakayahan para tumawa at sumigaw nang may kagalakan.
\q
\v 22 Pero ang mga napopoot sa iyo ay labis na kahiya-hiya, at ang mga tahanan ng mga masasamang tao ay maglalaho."
\s5
\c 9
\p
\v 1 Pagkatapos sumagot si Job,
\q
\v 2 "Oo, alam ko. Pero paano masasabi ng sinuman sa Diyos, 'ako ay walang kasalanan'?
\p
\v 3 Kung nais ng sinuman ang makipagtalo sa Diyos tungkol diyan, maari siyang tanungin ng Diyos ng isang libong tanong, at ang taong iyon ay walang kakayahang makasagot kahit isa man sa mga ito!
\s5
\p
\v 4 Ang Diyos ay napakarunong at makapangyarihan; walang sinumang sumubok na makipagtalo sa kaniya ang nanalo sa kaniya.
\p
\v 5 Tinatanggal niya ang mga bundok sa pamamagitan ng mga lindol na hindi nagbibigay ng paunang babala sa sinuman. Kapag siya ay nagagalit, binabaligtad niya ang mga bundok.
\q
\v 6 Nagpapadala siya ng mga lindol para yanigin ang lupa; pinapayanig niya ang mga haligi na sumusuporta sa lupa.
\s5
\p
\v 7 May mga panahong sinasabi niya sa araw na huwag sumikat, at hindi ito sumikat, at ilang mga gabi na pinipigilan niyang magningning ang mga bituin.
\p
\v 8 Siya ang mag-isang nag-unat {nag-uunat} sa kalangitan at naglagay ng kaniyang mga paa sa mga alon at pumipigil sa kanilang karahasan.
\p
\v 9 Inilagay niya sa kaniya-kaniyang lugar ang grupo ng mga bituin-- ang Oso, Orion, ang Pleyades, at ang mga grupo ng mga bituin sa timog ng kalawakan.
\s5
\p
\v 10 Gumagawa siya ng dakilang mga bagay na hindi natin nauunawaan; Gumagawa siya ng mga kahanga-hangang bagay na hindi natin kayang bilangin.
\p
\v 11 Dumadaan siya kung saan ako naroon, pero hindi ko siya nakikita; Lumalayo siya, pero hindi ko siya nakikitang umalis.
\p
\v 12 Kung gugustuhin niyang agawin palayo ang sinuman, walang makapipigil sa kaniya; walang maglalakas-loob na magtanong sa kaniya, 'Bakit mo iyan ginagawa?'
\s5
\p
\v 13 Hindi madaling pigilin ang galit ng Diyos. Pinabagsak niya ang mga alipin ni Rahab, ang dambuhalang halimaw sa dagat.
\p
\v 14 Kung dinala ako ng Diyos sa hukuman, ano ang sasabihin ko para sagutin siya?
\p
\v 15 Kahit na ako ay walang kasalanan, wala akong magagawa para sagutin siya. Ang tangi kong magagawa ay maki-usap sa Diyos, ang aking hukom, para maawa sa akin.
\s5
\p
\v 16 Kung ipinatawag ko siya para pumunta sa hukuman at sinabi niyang pupunta siya, hindi ako naniniwala na bibigyang niya ng pansin ang aking sasabihin.
\p
\v 17 Nagpapadala siya ng mga bagyo para humampas sa akin, at palagi niya akong binubugbog nang walang dahilan.
\p
\v 18 Parang bang hindi niya ako hinahayaang huminga dahil lagi niya akong pinahihirapan.
\s5
\q
\v 19 Kung sinubukan kong makipagbuno sa kaniya, walang paraan para talunin siya, dahil mas malakas siya kaysa sa akin. Kung tinawag ko siya para lumabas sa hukuman, walang sinumang makakapilit sa kanya para pumunta doon.
\p
\v 20 Kahit na wala akong kasalanan, kahit anong sabihin ko ay nagiging dahilan para niya ako parusahan; kahit wala akong nagawang mali, patutunayan pa rin niya na ako ay nagkasala.
\s5
\p
\v 21 Wala akong nagawang anumang bagay na mali, pero hindi na iyon mahalaga ngayon, dahil wala na akong pakialam kung ano ang mangyayari sa akin. Kinamumuhian kong mabuhay.
\p
\v 22 Wala nang mahalaga sa akin dahil pupuksain tayong lahat ng Diyos, kapwa ang mga walang kasalanan at mga masasama.
\p
\v 23 Kapag ang mga tao ay nakakaranas ng sakuna na nagdudulot sa kanila nang biglaang kamatayan, tinatawanan ito ng Diyos, kahit na sila ay walang kasalanan.
\p
\v 24 Pinapayagan ng Diyos ang mga masasamang tao na panghawakan ang mga nangyayari sa mundo. Parang ginawa niyang bulag ang mga hukom, upang hindi na sila makahatol nang makatarungan. Kung hindi ang Diyos, sino sa kanila, kung gayon, ang gumawa nito?
\s5
\p
\v 25 Lumilipas ang mga araw nang napakabilis, gaya ng isang mabilis na mananakbo na dumadaan; para itong mga araw na lumilipas, at walang kahit anong mabuting bagay ang nangyayari sa akin.
\p
\v 26 Lumilipas ang aking buhay nang napakabilis, gaya ng isang naglalayag na bangka na gawa mula sa tambo o gaya ng agila na mabilis na dumadagit para sunggaban ang isang hayop.
\s5
\q
\v 27 Kung ako ay ngumingiti at sinasabi sa Diyos, 'kalilimutan ko ang aking mga inirereklamo; Ititigil ko ang pagiging malungkot at sisikapin kong maging masaya,'
\p
\v 28 pagkatapos magiging matatakutin ako sa lahat ng aking pagdurusa dahil alam ko na hindi ituturing ng Diyos na wala akong kasalanan.
\p
\v 29 Anuman ang mangyari, hahatulan pa rin niya ako, kaya bakit ko ipagpapatuloy na ipagtanggol ang aking sarili kung wala naman itong kahihinatnan?
\s5
\p
\v 30 Kung huhugasan ko ang aking sarili sa niyebe at linisin ang aking mga kamay ng lihiya para tanggalin ang aking kasalanan,
\q
\v 31 itutulak pa rin niya ako sa isang maruming hukay; bunga nito ay kahit ang aking mga damit ay mamumuhi sa akin.
\s5
\p
\v 32 Ang Diyos ay hindi tao, kagaya ko, kaya walang paraan na maaari ko siyang sagutin para patunayan na ako ay walang kasalanan kapag sabay kaming pumunta sa hukuman para magkaroon ng paglilitis.
\p
\v 33 Walang sinumang mamamagitan, walang sinuman ang may taglay ng kapangyarihan sa aming dalawa.
\s5
\p
\v 34 Sana may ibang tao na maaring pumigil sa Diyos na itigil ang pagpapahirap sa akin, at huwag nang magpatuloy na sindakin ako.
\p
\v 35 Kung ginawa niya iyon, ipahahayag ko na wala akong kasalanan nang hindi natatakot sa kaniya dahil batid ko sa aking sarili na talagang hindi ako nakagawa ng mali kagaya ng iniisip ng Diyos na ginawa ko.
\s5
\c 10
\p
\v 1 Namumuhi akong mabuhay pa nang matagal. Hindi ako titigil sa pagsasabi kung bakit ako nagrereklamo. Yamang ako ay napakalungkot, magsasalita ako.
\p
\v 2 Sasabihin ko sa Diyos, 'Huwag mo lamang sabihin na dapat akong parusahan; Bilang karagdagan, sabihin mo sa akin kung ano ang nakita mong mali na nagawa ko.
\p
\v 3 Nasisiyahan ka ba sa pagmamalupit sa akin, sa pagpapabaya sa akin, na iyong nilikha, at, kasabay nito, sa pagtulong sa mga masasamang tao na gumawa ng mga bagay na balak nilang isagawa?
\s5
\p
\v 4 Nauunawaan mo ba ang mga bagay sa kaparaanang ginagawa naming mga tao?
\p
\v 5 Nabubuhay ka lamang ba ng ilang taon, kagaya [gaya] namin?
\p
\v 6 Kaya bakit patuloy mong hinahanap ang aking mga kamalian at hinahabol mo ako sa aking mga kasalanan?
\p
\v 7 Alam mo na hindi ako nagkasala, at walang sinuman na makapagliligtas sa akin mula sa iyong kapangyarihan.
\s5
\p
\v 8 Nilikha mo ako sa pamamagitan ng iyong mga kamay at hinubog mo ang aking katawan, pero ngayon ay pinagpapasyahan mong hindi mo dapat ginawa iyon, sa halip ay winawasak mo ako.
\p
\v 9 Huwag mong kalilimutan na nilikha mo ako mula sa piraso ng putik; ibabalik mo ba ako sa pagiging lupa muli?
\s5
\p
\v 10 Tiyak na hinubog mo ako noong ako ay pinagbubuntis, at binuo sa sinapupunan ng aking ina.
\p
\v 11 Pinagdugtong-dugtong mo ang aking mga buto at mga litid, at pagkatapos ay tinakpan mo sila ng laman sa loob ng aking balat.
\s5
\p
\v 12 Ikaw ang nagdulot para ako ay mabuhay; buong katapatan mo akong minahal, buong ingat mo akong pinangalagaan.
\p
\v 13 Pero pinanatili mong lihim kung ano ang binabalak mong gawin sa akin; Tiyak kong binalak mong gawin ang mga bagay na ito sa akin.
\p
\v 14 Binabantayan mo ako para makita kung ako ay nagkakasala, sa gayon, kung nagkasala ako, tatanggi ka para patawarin ako.
\s5
\p
\v 15 Kung ako ay isang masamang tao, inaasahan ko na mangyayari sa akin ang mga kakila-kilabot na bagay. Pero kahit ako ay matuwid, iyuyuko ko pa rin ang aking ulo at makararamdam ng kahihiyan dahil labis akong ipinahiya at kahabag-habag.
\p
\v 16 At kung ako ay mapagmalaki, hinahabol mo ako gaya ng paghahabol ng isang leon sa ilang mga hayop para patayin, at makapangyarihan kang kumikilos para saktan ako.
\s5
\p
\v 17 Patuloy kang naghahanap ng mga saksi para patunayan na ako ay nakagawa ng masama, at patuloy pang tumindi ang galit mo sa akin. Ito ay parang lagi kang nagdadala ng mga bagong hukbo para salakayin ako.
\s5
\p
\v 18 O Diyos, bakit mo ako pinahintulutang isilang? Sana ay namatay na lang ako noong ako ay isinilang, at para wala nang nakakita sa akin kailanman.
\p
\v 19 Iniisip ko na mas mabuti pang tuluyan na nila akong binuhat mula sa sinapupunan ng aking ina patungo sa libingan kaysa hinayaan mo akong mabuhay.
\s5
\p
\v 20 Palagay ko mayroon na lang akong ilang araw para manatiling buhay; kaya payagan mo akong mapag-isa, para naman magkaroon ako ng kaunting kapayapaan
\p
\v 21 bago pumunta sa lugar na hindi na kailanman ako makakabalik, [isang lugar] kung saan ito ay laging makulimlim at napakadilim,
\p
\v 22 isang lugar ng kadiliman at mga maiitim na anino kung saan lahat ng bagay ay nakakalito [at] na kahit ang kaunting liwanag doon ay katulad ng kadiliman."
\s5
\c 11
\p
\v 1 Pagkatapos sumagot naman si Zofar, ang kaniyang kaibigan na mula sa rehiyon ng Naama, at sinabi ito kay Job:
\p
\v 2 "Dapat ba na walang sumagot sa lahat ng sinabi mo? Dahil lamang sa dami na iyong pananalita, ang katotohanang iyan ay hindi dapat makahimok sa amin para ipahayag na wala kang kasalanan.
\p
\v 3 Job, dapat ba na ang iyong pagrereklamo ay maging sanhi para kami ay manahimik? Kapag pinagtatawanan mo ang aming iniisip, tiyak na magkakaroon ng isang tao para sawayin ka at maging dahilan ng iyong pagkapahiya.
\s5
\p
\v 4 Sinasabi mo, 'Totoo ang sinasabi ko; Alam ng Diyos na wala akong kasalanan.'
\p
\v 5 Pero nais ko na magsalita sana ang Diyos para sagutin ka!
\p
\v 6 Nalalaman ng Diyos ang lahat tungkol sa lahat ng bagay, kaya sana sabihin sa iyo ang mga lihim na alam niya dahil siya ay matalino. Mas mabuti na malaman mo na pinarurusahan ka ng Diyos nang mas magaan kaysa nararapat sa iyo.
\s5
\p
\v 7 Sabihin mo sa akin, matutuklasan mo ba kailanman ang mga bagay tungkol sa Diyos na talagang napakahirap maunawaan? Matutuklasan mo ba ang lahat ng bagay na dapat malaman tungkol sa Diyos na Makapangyarihan?
\p
\v 8 Kung ano ang dapat malaman tungkol sa Diyos ay mas malawak kaysa pagitan ng lupa sa langit; kaya walang anumang paraan na maunawaan mo lahat nang ito. Mas malawak ito kaysa pagitan ng lugar na ito kaysa lugar ng mga patay; kaya imposible na malaman mo lahat ito.
\p
\v 9 Kung ano ang dapat malaman tungkol sa Diyos ay mas malawak kaysa daigdig at mas malawak kaysa karagatan.
\s5
\p
\v 10 Kung lumapit sa iyo ang Diyos at ipinasok ka sa kulungan at dinala ka sa isang paglilitis, sino ang makakapigil sa kaniya?
\q
\v 11 Alam niya kung sinong tao ang walang halaga; at kapag nakakakita siya ng mga taong gumagawa ng masama, tiyak na hindi niya ito ipagsasawalang bahala.
\p
\v 12 Ang mga taong hangal na kagaya mo ay mag-uumpisang maging marunong kapag ang mga ligaw na asno ay mag-umpisang magsilang ng mga tao.
\s5
\p
\v 13 Job, magsisi ka at magkaroon ka ng mapagpakumbabang puso; i-unat mo ang iyong mga kamay patungo sa Diyos at magsumamo ka sa kaniya.
\p
\v 14 Kung nakakagawa ka ng masasamang bagay, tigilan mo nang gawin ang mga ito; at huwag mong pahintulutan ang sinumang tao sa loob ng iyong bahay na gumawa ng masasamang gawain.
\s5
\p
\v 15 Kung gagawin mo ito, tiyak na makakalakad ka nang taas-noo dahil hindi ka mahihiya; magiging malakas ka at huwag matatakot sa anumang bagay.
\p
\v 16 Makakalimutan mo lahat ang iyong mga kaguluhan; magiging katulad sila ng tubig na umagos at natuyo.
\p
\v 17 Ang iyong mga kaguluhan ay magtatapos, kagaya ng pagtatapos ng dilim sa madaling araw; magiging kagaya ito ng araw na maliwanag na sumisikat sa iyo, kagaya nang pagsikat nito sa tanghali.
\s5
\p
\v 18 Makakaramdam ka ng kaligtasan, dahil nagtitiwala kang mangyayari sa iyo ang mabubuting bagay; pangangalagaan ka ng Diyos at pahihintulutan kang magpahinga nang ligtas bawat gabi.
\p
\v 19 Ikaw ay hihiga para matulog, at walang sinumang tatakot sa iyo. At maraming tao ang darating at makikiusap sa iyo na maging mabait ka sa kanila.
\s5
\p
\v 20 Pero ang mga masasamang tao ay hindi mauunawaan kung bakit nangyayari ang masasamang bagay sa kanila; Hindi sila magkakaroon ng anumang paraan para tumakas mula sa kanilang mga kaguluhan. Ang tanging ninanais nila ay mamatay."
\s5
\c 12
\p
\v 1 Pagkatapos sinabi ni Job sa kaniyang tatlong kaibigan,
\p
\v 2 "Walang pag-aalinlangan na kayo ang mga taong dapat pakinggan nang lahat, at kapag kayo ay namatay, wala nang marurunong na tao na mabubuhay.
\q
\v 3 Pero mayroon din naman akong kaalaman kagaya ninyo; hindi kayo mas matalino kaysa akin. Tiyak na alam ng bawat isa ang lahat ng sinabi ninyo.
\s5
\p
\v 4 Pinagtatawanan ako ng lahat ng aking mga kaibigan ngayon. Noon ay palagi kong hinihiling sa Diyos na tulungan ako, at lagi niya akong sinasagot. Ako ay matuwid, at pinararangalan ko ang Diyos, pero ngayon ay pinagtatawanan ako ng lahat.
\p
\v 5 Madali lang sa mga taong kagaya ninyo, na walang mga paghihirap, na pagtawanan ang mga taong kagaya ko; kaming mga nagdurusa ay binibigyan pa ninyo ng mas maraming paghihirap.
\p
\v 6 Samantala ang mga bandido ay namumuhay nang payapa, at walang sinuman ang nananakot na nagiging sanhi para magalit ang Diyos: ang sinasamba nilang diyos ang kanilang sariling lakas.
\s5
\q
\v 7 Pero tanungin mo ang mga mababangis na hayop kung ano ang alam nila tungkol sa Diyos; Kung maaari silang magsalita ay tuturuan ka. Kung maari kang magtanong sa mga ibon, sila ang magsasabi sa iyo.
\q
\v 8 Kung maaari mong itanong sa mga nilalang na gumagapang sa lupa, o mga isda sa dagat, sasabihin nila sa iyo ang tungkol sa Diyos.
\s5
\p
\v 9 Tiyak na lahat sa kanila ay alam na si Yahweh ang gumawa sa kanila sa pamamagitan ng kaniyang mga kamay.
\p
\v 10 Siya ang namamahala sa buhay ng lahat ng mga nilalang; Siya ang nagbibigay ng hininga sa lahat ng tao para mabuhay.
\s5
\p
\v 11 Kapag naririnig natin kung ano ang gusto ng mga tao na sabihin mo, iniisip naming mabuti tungkol sa sinasabi nila para malaman kung ano ang mabuti at masama, gaya ng pagtikim natin sa pagkain para malaman kung ano ang masarap at hindi masarap.
\p
\v 12 Ang mga matatanda ay karaniwang mas marunong; dahil nabuhay sila nang mas mahabang panahon, higit silang nakauunawa.
\s5
\p
\v 13 At ang Diyos ay marunong at lubos na makapangyarihan; mayroon siyang mabuting kaisipan at nauunawaan ang lahat ng bagay.
\p
\v 14 Kung nagpapabagsak siya ng isang bagay, walang sinumang makapagtatayo muli nito. Kung ipinapasok niya ang sinuman sa kulungan, walang sinumang tao ang makakapagpatakas sa taong iyon.
\p
\v 15 Kapag pinipigil niya ang pagbagsak ng ulan, magkakaroon ng tagtuyot. Kapag siya ay nagpapaulan, magkakaroon ng mga pagbaha.
\s5
\p
\v 16 Siya ang tunay na malakas at marunong; Pinamumunuan niya ang mga nanloloko sa iba at ang kanilang mga niloloko.
\p
\v 17 Kung minsan ay dinudulot niyang mawala ang karunungan ng mga tagapayo ng hari at magdalamhati dahil dito at dinudulot niyang maging hangal ang mga hukom.
\p
\v 18 Tinatanggal niya mula sa mga hari ang mga alahas na kanilang isinusuot at naglalagay siya ng mga tapis sa kanilang mga baywang, dahilan para sila maging alipin.
\s5
\p
\v 19 Pinagdadalamhati niya ang mga pari, at tinatanggal niya ang kapangyarihan ng mga namumuno sa iba.
\p
\v 20 Kung minsan ay idinudulot niya na ang mga pinagkakatiwalaan ng iba ay hindi makapagsalita, at idinudulot niya na ang mga matatanda ay hindi na magkakaroon ng mabuting pag-iisip.
\p
\v 21 Idinudulot niyang hamakin ng mga tao ang mga namumuno, at idinudulot niyang maging mahina ang mga makapangyarihan.
\s5
\p
\v 22 Ipinapakita niya sa atin ang mga bagay na lihim, kahit ang mga bagay na nasa mundo ng mga patay.
\p
\v 23 Idinudulot niya na ang ilang mga bansa ay maging napakalakas, at pagkatapos ay winawasak sila; at dinudulot niya na lumawak ang sakop ng ilang mga bansa, pagkatapos ay magdalala siya ng iba para talunin sila at kunin silang mga bihag.
\s5
\p
\v 24 Idinudulot niya ang ilang mga pinuno na maging hangal, at pagkatapos ay idinudulot niya na sila ay maligaw at mawala, gaya ng nasa ilang na wala nang paraan para lumabas.
\p
\v 25 Gaya ito nang nangangapa sa kadiliman, na walang anumang liwanag; gaya sila ng lasing, na hindi malaman kung ano ang gagawin.
\s5
\c 13
\p
\v 1 Nakita ko ang lahat ng bagay na nakita mo, at narinig ko at naunawaan ang lahat ng iyong sinabi.
\p
\v 2 Kung ano ang nalalaman mo, nalalaman ko rin; Hindi kulang ang nalalaman ko sa iyo.
\s5
\p
\v 3 Pero gusto kong magsalita sa Makapangyarihang Diyos, hindi sa iyo; gusto kong makipagtalo sa kaniya at ipakita sa kaniya na ako ay inosente.
\p
\v 4 Para sa iyo, ikaw ay nagsasabi ng mga kasinungalingan at hindi mo pinapahintulutan na malaman ng mga tao ang hindi kasiya-siyang katotohanan, tulad ng isang taong nagtatakip ng maruming panlabas ng isang pader ng puting pintura. Lahat kayo ay tulad ng mga manggagamot na nagbebenta sa mga tao ng walang pakinabang na gamot.
\p
\v 5 Hinahangad ko na dapat kang manahimik; ito ay magiging matalino kaysa sa anumang bagay na sinabi mo sa akin.
\s5
\p
\v 6 Makinig ka sa sasabihin ko sa iyo ngayon; makinig ka habang sinasabi ko kung ano ang totoo tungkol sa aking sarili.
\p
\v 7 Nagsasabi ka ng mga kasinungalingan para tulungan ang Diyos; sinasabi mo kung ano ang hindi totoo para tulungan siya!
\p
\v 8 Nais mo talagang maging mabuti sa kaniya sa pamamagitan ng pagtatanggol sa kaniyang nagawa, hindi ba? Ito ay parang sinusubukan mo na patunayan sa isang hukuman na siya ay inosente!
\s5
\p
\v 9 Pero kung siya ay uupo bilang hukom, nakatingin ng mabuti sa iyo, malalaman niya na ang ginagawa mo para sa kaniya ay masama! Nadaya mo ang ibang tao, pero huwag mong iisipin na maaari kang makapagsinungaling tungkol sa kaniya sa hukuman at sasabihin na ipinagtatanggol mo siya!
\p
\v 10 Kung sinasabi mo ang mga magagaling na bagay para himukin ang Diyos para kumampi sa iyo, siguradong sasawayin ka niya.
\s5
\p
\v 11 Tiyak na dadalhin niya ang buong lakas ng kaniyang kapangyarihan laban sa iyo; ikaw ay lubos na matatakot sa kaniya.
\p
\v 12 Anuman ang sinabi mo - ang mga bagay na iniisip mo na napakagaling -ay kasing walang kwenta ng mga abo; anuman ang sinasabi mo para ipagtanggol kung ano ang inisip mo ay masahol pa kaysa putik na mabilis madurog.
\s5
\p
\v 13 Kaya manahimik ka at payagan akong magsalita; pagkatapos niyan, wala itong kabuluhan anuman ang mangyayari sa akin.
\p
\v 14 Handa akong ilagay sa panganib ang aking buhay; maluwag din sa kalooban ko na malagay sa panganib na patayin ako ng Diyos dahil sa aking sinasabi.
\p
\v 15 Kung papatayin niya ako, sa gayon walang sinuman sa akin ang maaari kong maasahang tiyak na tutulong sa akin, pero ipagtatanggol ko ang aking pag-uugali sa kaniyang presensya anuman ang mangyari.
\s5
\p
\v 16 Walang masasamang tao ang mangangahas na tumayo sa presensya ng Diyos, pero dahil sinasabi ko na wala akong nagawang mga bagay na mali, marahil, kung maaari kong mapatunayan iyon sa Diyos, ipapahayag niya na ako ay inosente."
\p
\v 17 "O Diyos, makinig kang mabuti sa sasabihin ko; bigyan-pansin ako.
\s5
\p
\v 18 Handa akong ipaglaban na ako ay inosente, at alam kong ipapahayag mo rin na ako ay walang kasalanan.
\p
\v 19 Hindi ko iniisip na ikaw o ang sinuman ay magsasabi na ang sinasabi ko ay walang katotohanan; kung nagawa mo iyon, sa gayon hindi na ako magsasalita, at nais ko nang mamatay.
\s5
\p
\v 20 Hinihiling ko sa iyo na gawin ang dalawang bagay para sa akin; kung gagawin mo ang mga iyon, hindi ko na pipiliting magtago sa iyo.
\p
\v 21 Ang unang bagay na hinihiling ko ay itigil mo ang pagpaparusa sa akin, at ang pangalawang bagay na hinihiling ko ay itigil mo ang pananakot sa akin.
\p
\v 22 Magsalita ka muna, at pagkatapos sasagot ako; o payagan mong ako muna ang magsalita, at pagkatapos sumagot ka.
\s5
\p
\v 23 Ano ba ang nagawa kong mali? Anong mga kasalanan ang aking nagawa? Ipakita mo sa akin kung paano kita sinuway.
\p
\v 24 Bakit ka tumatanggi na maging mabait sa akin? Bakit ka kumikilos sa akin na parang ako ay iyong kaaway?
\p
\v 25 Ako ay walang halaga gaya ng isang dahon na tinatangay lang ng hangin. Bakit mo pinipilit na ako ay matakot? Bakit mo ako pinahihirapan? Kung tutuusin nga, wala akong kwenta gaya ng isang piraso na tuyong dayami!
\s5
\p
\v 26 Parang nililista mo ang mga bagay na ito para isumbat sa akin ang mga kasalanan ko, at sinulat mo kahit ang masasamang bagay na nagawa ko noong bata pa ako.
\q
\v 27 Parang ikinadena mo ang aking mga paa sa kulungan at pinanonood mo habang naglalakad ako; parang sinusundan mo ang aking mga bakas para makita mo kung saan ako nagpunta.
\p
\v 28 Dahil dito, ang aking katawan ay bumagbasak tulad ng nabubulok na kahoy, tulad ng isang pirasong damit na inuuod.
\s5
\c 14
\p
\v 1 Kaming mga tao ay mahihina. Ipinanganak kami, at kami ay nabubuhay lamang sa maikling panahon; nakaranas kami ng maraming kaguluhan.
\q
\v 2 Mabilis kaming mawawala, gaya ng mga bulaklak na lumalago ng mabilis sa lupa at pagkatapos nalalanta at namamatay kaagad. Tulad kami ng mga anino na nawawala kapag hindi na sumisikat ang araw.
\p
\v 3 Yahweh, bakit mo ako pinapanuod para makita mo ba ang mga bagay na ginawa kong mali? Gusto mo bang dalhin ako sa hukuman para ako ay hatulan?
\s5
\p
\v 4 Walang sinuman ang makapagdadala ng mga katanggap-tanggap sa Diyos mula sa mga bagay na ayaw niya.
\p
\v 5 Pinagpasyahan mo na kung gaano kami katagal maaaring mabuhay. Pinagpasyahan mo na kung ilang buwan kami mabubuhay, at hindi kami mabubuhay nang mas matagal kaysa sa panahon na pinagpasyahan mo na.
\p
\v 6 Kaya pakiusap itigil mo ang pagsusuri sa amin, at hayaan mong lasapin namin ang buhay na pinaghirapan namin sa pagtatrabaho, kahit ang isang upahang tao ay maaaring gawin ito.
\s5
\q
\v 7 Kung puputulin namin ang isang puno, minsan umaasa kami na sisibol itong muli at lalago ang bagong mga sanga.
\p
\v 8 Kahit na ang mga ugat nito sa lupa ay matatagal na, at nabubulok na ang mga tuod,
\p
\v 9 pero kapag nadiligan itong muli, maaaring sumibol at tumubo gaya ng isang bagong halaman.
\s5
\p
\v 10 Pero kapag kaming mga tao ang nawalan ng lakas at namatay, titigil na kami sa paghinga, at tuluyang mawawala magpakailanman.
\p
\v 11 Tulad ng tubig na naglalaho mula sa lawa, o gaya ng isang ilog na natutuyuan,
\p
\v 12 humihiga ang tao at namamatay at hindi na muling babangon. Hanggang mawala na ang langit; hindi na babangon ang patay, at walang sinuman ang maaaring makagising sa kanila.
\s5
\p
\v 13 Yahweh, hinihiling ko na tahimik mo akong ilagay sa lugar ng mga patay at kalimutan ako, para hindi na ako maghirap hanggang mawala na ang galit mo sa akin. Hinihiling ko na pagpasyahan mo kung gaano ako katagal mamamalagi doon, at pagkatapos alalahanin mo na naroon ako.
\q
\v 14 Kapag kaming mga tao ay namatay, tiyak na hindi na kami mabubuhay muli. Kung alam ko lang na mabubuhay kaming muli, sana matiyaga akong naghintay sa iyo para palayain ako sa aking mga paghihirap.
\s5
\p
\v 15 Tatawagin mo ako, at ako ay sasagot. Sabik ka na makita ako, isa sa mga nilikha mo.
\p
\v 16 Maingat mong binabantayan kung saan ako pupunta, at hindi ka interesado na makita kung nagkasala ako o hindi.
\p
\v 17 Ang listahan ng aking mga kasalanan ay maaaring selyado sa isang maliit na lalagyan, at babalutan ang mga ito.
\s5
\p
\v 18 Pero, tulad ng mga pagguho ng mga bundok at pagbagsak ng mga bato sa isang bangin,
\p
\v 19 at tulad ng dahan-dahang pagsira ng tubig sa mga bato, at tulad ng mga baha na tumatangay sa lupa, kami ay iyong wawasakin; hindi mo na kami pinayagan na umasa para mabuhay.
\s5
\q
\v 20 Lagi mo kaming tinatalo, at kami ay mamatay. Hinahayaan mong magmukha kaming pangit pagkatapos naming mamatay, at mawawala na kami.
\p
\v 21 Kapag namatay na kami, hindi na namin malalaman kung nagawa ba ng aming mga anak ang mga bagay na magiging dahilan para parangalan sila ng ibang tao. O kung sila naman ay naging kahihiyan, hindi rin namin malalaman iyon.
\p
\v 22 Mararamdaman namin ang aming sariling paghihirap; wala na kaming ibang mararamdaman pa; maaawa kami sa aming mga sarili, at hindi para sa iba."
\s5
\c 15
\p
\v 1 Pagkatapos sumagot si Elifaz kay Job:
\p
\v 2 Kung tunay kang matalino, hindi ka sasagot sa amin sa pamamagitan ng pag-angkin na marami kang nalalaman; anuman ang iyong sinasabi ay gaya ng mainit na hangin.
\q
\v 3 Hindi ka nagsasabi ng mga bagay na walang kapakinabangan kaninuman; hindi ka dapat nagsasabi ng mga bagay na hindi makakabuti sa iba.
\s5
\q
\v 4 Itinuturo mo sa iba ang hindi paggalang sa Diyos, at pinapanatili mong parangalan ka nila.
\q
\v 5 Ikaw ay masama, at sinasabi mo kung ano ang ginawa mo; nakikipag-usap ka tulad ng mapanlinlang na tao.
\q
\v 6 Lahat ng sinabi mo ay ipinakita mo sa Diyos na dapat kang parusahan; hindi ko na kailangang patunayan pa iyon.
\s5
\q
\v 7 Sabihin mo sa akin, bakit mo iniisip na may higit kang nalalaman? Hindi mo inisip na ikaw ang unang taong ipinanganak, alam mo ba? Hindi mo iniisip na ipinanganak ka sa harapan ng Diyos na lumikha ng mga bundok, alam mo ba?
\q
\v 8 Nakikinig ka ba noong ginawa ng Diyos ang lahat ng kaniyang mga plano? Iniisip mo ba na ikaw lamang ang taong matalino?
\q
\v 9 Anong nalalaman mo na hindi nalalaman ng iba? Hindi mo ba naiintindihan ang anumang mga bagay na hindi rin malinaw sa amin.
\s5
\q
\v 10 Ako at aking mga kaibigan ay matalino rin; natamo namin ang karunungan mula sa mga matatanda, mula sa mga taong ipinanganak bago ang iyong ama.
\q
\v 11 Nais ng Diyos na maging maginhawa ka at magsalita sa iyo ng mahinahon; sapat na ba iyon sa iyo, pero hindi pa iyon sapat, di ba?
\s5
\p
\v 12 Bakit hinayaan mong madala ka ng iyong sarili emosyon? Bakit ka tumitingin nang may galit?
\q
\v 13 Nagagalit ka sa Diyos, at kaya nagsasalita ka ng mga mararahas na bagay laban sa kaniya.
\q
\v 14 Paano nangyari sa ibang tao, kasama ka, na maging walang kasalanan? Paano magiging ganap na matuwid ang sinuman sa daigdig na ito?
\s5
\q
\v 15 Kahit ang Diyos ay hindi nagtitiwala sa kaniyang mga anghel; hindi niya itinuturing ang langit na maging ganap na dalisay.
\q
\v 16 Kaya hindi siya tiyak na nagtitiwala sa mga taong kasuklam-suklam, sa mga gumawa ng mga masasamang gawaingaya ng pag-inom nila ng tubig.
\s5
\q
\v 17 Job, makinig ka sa sasabihin ko. Ipapahayag ko sa iyo kung ano ang nalalaman ko,
\q
\v 18 mga bagay na sinabi sa akin ng matatalinong tao, mga katotohanan na hindi itinatago ng kanilang mga ninuno.
\s5
\p
\v 19 (Ibinigay ng Diyos ang lupaing ito sa mga ninuno na talagang matatalino; wala mula sa ibang bansa ang dumating at nagdulot sa kanila na mag-isip ng mali tungkol sa Diyos.)
\p
\v 20 Nagdurusa ng matinding sakit ang mga masasamang tao nang buong buhay nila; kaya mangyayari ito sa umaapi sa iba.
\p
\v 21 Patuloy nilang maririnig ang mga tinig na tumatakot sa kanila; habang yumayaman sila, nilulusob sila ng mga magnanakaw.
\s5
\p
\v 22 Hindi talaga iniisip ng mga masasamang tao na makakatakas sila sa kadiliman; natitiyak nila na may isang naghihintay para patayin sila gamit ang isang espada.
\p
\v 23 Gumagala sila, naghahanap ng pagkain, at sinasabing 'Saan ako makakahanap ng ilan?' Alam nila na malapit na silang makaranas ng mga sakuna.
\p
\v 24 Dahil sila ay natatakot sa mga bagay na nangyayari sa kanila, nag-aalala sila sa hukbo ng hari na naghihintay para lumusob sa mga kaaway nito at magdulot sa kanila ng paghihirap.
\s5
\p
\v 25 Mangyayari ang mga bagay na ito dahil nanginig ang kanilang mga kamao laban sa Makapangyarihang Diyos at nag-akala na sila ay may sapat na lakas para talunin siya.
\q
\v 26 Nagmamatigas sila para lusubin ang Diyos, iniisip na ang isang malakas na kalasag ay magliligtas sa kanila.
\s5
\p
\v 27 Pero napakataba nila na hindi na nila kayang lumaban.
\q
\v 28 Nanirahan sila sa mga lungsod na napabayaan, mga lungsod na ipinahayag ng Diyos na maging isang tambak ng mga pagkawasak.
\s5
\p
\v 29 Pero hindi sila mananatiling mayaman nang mahabang panahon; kukunin ng iba ang lahat ng bagay na pag-aari nila, at kahit na ang kanilang mga anino ay maglalaho sa daigdig.
\p
\v 30 Hindi sila makakatakas sa kadiliman ng kamatayan; magiging katulad sila ng mga puno na ang mga sanga ay masusunog, at tinatangay ng hangin ang mga bulaklak nito.
\s5
\p
\v 31 Kung sila ay napakahangal, na nagbubunga ng pagtitiwala nila sa mga bagay na talagang walang kabuluhan, at sa gayon ang mga bagay na walang kabuluhan ang siyang lahat nilang makukuha.
\p
\v 32 Habang bata pa sila, sila ay maglalaho; magiging tulad sila ng mga sanga na natutuyo at hindi kailanman magiging luntiang muli.
\p
\v 33 Sila ay magiging tulad ng mga punong ubas na nahuhulog bago pa mahinog, tulad ng punong olibo na ang mga bulaklak ay nalalagas bago pa ito magbunga.
\s5
\p
\v 34 Hindi magkakaroon ng kaapu-apuhan ang mga pangkat ng mga masasamang tao, at ganap na susunugin ng mga apoy ang tahanan ng mga tumanggap ng pera mula sa mga suhol.
\q
\v 35 Nagpaplano sila ng kaguluhan at gumawa ng masasamang bagay, at sa kanilang mga puso palagi silang naghahanda na dayain ang mga tao."
\s5
\c 16
\p
\v 1 Sumagot si Job kay Elifaz at sa iba,
\q
\v 2 "Nakarinig na ako tulad ng mga bagay nito noon; lahat kayo, sa halip na tulungan ako, nagdulot kayo na maramdaman kong maging mas malungkot.
\q
\v 3 Hindi ba matatapos ang mga salita mo na parang hangin lamang? Elifaz, ano bang ikinababahala mo na patuloy kang sumasagot sa akin tulad nito?
\s5
\p
\v 4 Kung kayong tatlo at hindi ako ang naghihirap, maaaring ako ang nasa lugar ninyo, na nagsasabi ng mga bagay na sinasabi ninyo. Maaari akong gumawa ng matinding pananalita para husgahan kayo, at maaaring tumanggi ako para kutyain kayo.
\p
\v 5 Pagkatapos makikita ninyo kung ang aking mga salita ay nakapagpasigla sa inyo o hindi; maaaring makikita ninyo kung nabawasan ang naramdaman ninyong sakit.
\s5
\p
\v 6 Pero ngayon, kung magsasalita ako, hindi nabawasan ang aking sakit, at kung ako ay mananahimik, talagang hindi pa rin napapawi ang aking sakit.
\p
\v 7 O Diyos, inalis mo ngayon ang lahat ng aking lakas; winasak mo ang buong pamilya ko.
\p
\v 8 Inubos mo ang lakas ko, at iniisip ng mga tao na nagpapakita ito na ako ay naging isang makasalanan. Nakita nilang buto't balat na ako, at iniisip nila na nagpapatunay iyon na nagkasala ako.
\s5
\p
\v 9 Dahil ang Diyos ay sobra nang nagagalit sa akin at ako ay kaniyang kinapopootan, para siyang isang mabangis na hayop na gugutayin ako ng kaniyang ngipin dahil siya ay aking kaaway.
\p
\v 10 Namangha ang mga tao sa akin na bukas ang kanilang mga bibig para asarin ako; sinampal nila ako sa mukha para kutyain ako, at pinapaligiran ako ng maraming tao para pagbantaan.
\s5
\p
\v 11 Parang ibinigay na ako ng Diyos sa mga taong tumatangging parangalan siya at inilagay ako sa kapangyarihan ng mga masasama.
\q
\v 12 Dati, namumuhay ako ng mapayapa, pero winasak niya ako; ito ay parang sinakal at dinurog niya ako; at parang inilagay niya ako tulad ng isang puntirya.
\s5
\p
\v 13 Para bang ako ay isang puntirya at pinalilibutan ako ng mga tao at pinatatamaan ako ng palaso. Ang mga palaso ng Diyos ang tumatagos sa aking lamang-loob at nagdulot sa aking bituka na kumalat sa lupa; hindi na ako kinaaawaan ng Diyos.
\p
\v 14 Para akong pader na paulit-ulit niyang winawasak; sumusugod siya tulad ng isang sundalo na lumulusob sa kaniyang kaaway.
\s5
\p
\v 15 Dahil ako ay nagdadalamhati, nagsusuot ako ng magaspang na pirasong kasuotan na sama-sama kong tinahi, at umupo ako sa lupa na napakalungkot.
\q
\v 16 Ang aking mukha ay namumula na dahil ako ay labis na umiyak, at nangingitim na ang mga palibot ng aking mga mata.
\p
\v 17 Lahat nang ito ay nangyari sa akin kahit hindi ako naging marahas sa kaninuman, at kahit lagi akong mataimtim na nananalangin sa Diyos.
\s5
\p
\v 18 Kapag namatay ako, nais kong kumilos ang lupa na parang pinatay ako; nais kong sumigaw laban sa mga pumatay sa akin, at ayokong sinuman ang pumigil sa akin habang humihingi ako na kumilos ang Diyos na gumawa nang may katarungan sa akin.
\q
\v 19 Pero kahit ngayon, alam ko na mayroong isang tao sa langit na magpapatunay para sa akin, at sasabihin niya ang ginawa ko ay matuwid.
\s5
\p
\v 20 Hinahamak ako ng tatlo kong mga kaibigan, pero punong-puno ng luha ang aking mga mata habang nananangis ako sa Diyos.
\p
\v 21 Ipinapanalangin ko na ang isang nakakaalam sa nagawa ko ay lumapit para magmakaawa sa Diyos para sa akin gaya ng isang tao na nagmamakaawa sa kaniyang kaibigan.
\q
\v 22 Sinasabi ko ito dahil sa loob ng kaunting panahon ay mamamatay na ako; lalakad ako sa mahabang daan sa isang lugar na hindi ko na babalikan kailanman."
\s5
\c 17
\p
\v 1 Ang panahon ko para mabuhay ay halos tapos na; wala na akong lakas na natitira; sila na humukay sa aking libingan ay naghihintay sa akin.
\p
\v 2 Pinagkakatuwaan ako ng mga nakapalibot sa akin; lagi ko dapat silang nakikita ang mga nangungutya sa akin."
\q
\v 3 "O Diyos, para akong nasa bilangguan; pakiusap bayaran mo ang pantubos para maaari akong makalaya, dahil talagang walang sinuman ang makatutulong sa akin.
\s5
\q
\v 4 Pinigilan mo ang aking mga kaibigan mula sa pagkakaunawa sa kung ano ang katotohanan ukol sa akin, pero hindi mo pahihitulutan na magtagumpay sila laban sa akin, sinasabi nila na ginawa ko ang mga maling bagay.
\p
\v 5 Sinabi ng aming ninuno, 'Kadalasang nangyayari ito kapag pinagtataksilan ng isang tao ang kaniyang mga kaibigan para kunin ang ilan nilang pag-aari, itong mga anak ng isang tao ang mapaparusahan para dito,' kaya ninais ko na magkatotoo sa aking mga kaibigan na nagsisinungaling tungkol sa akin.
\s5
\q
\v 6 Pero ngayon ginagamit ng mga tao ang mga kasabihan ng aming mga ninuno kapag nagsasalita sila tungkol sa akin; dinuduraan nila ako para insultuhin.
\p
\v 7 Ang aking mga paningin ay lumabo dahil ako ay napakalungkot, at ang aking mga braso at mga hita ay kasing payat tulad ng mga anino.
\p
\v 8 Mabibigla ang mga totoong taong matutuwid kapag nakita nila ang nangyari sa akin; magagalit sila sa mga tumangging parangalan ang Diyos.
\s5
\p
\v 9 Patuloy na gumagawa ng mabubuti ang tunay na matuwid at patuloy na magiging malakas ang mga nabubuhay ng matutuwid.
\p
\v 10 Pero kayong lahat na aking mga kaibigan, Wala akong nakikita isa man sa inyo na matalino.
\s5
\q
\v 11 Ang panahon ko para mabuhay ay halos tapos na; Hindi ko nagawang gawin ang mga bagay na binalak kong gagawin; hindi ko nagawang matapos ang anumang bagay na ninanais ko.
\p
\v 12 Hindi nalalaman ng aking mga kaibigan kung ito ay gabi at araw; kapag ito ay gabi, inaangkin nila ito ay liwanag ng araw; kapag ito ay dumidilim, inaakin nila ito ay lumiliwanag.
\s5
\q
\v 13 Nalalaman ko na ang aking tahanan ay magiging lugar kung nasaan ang mga patay, kung saan ako ay matutulog sa kadiliman.
\p
\v 14 Masasabi ko sa libingan, 'Kung saan ako ay inilibing, na ang lugar na iyon ay magiging tulad ng isang ama para sa akin.' masasabi ko sa mga uod, 'magiging tulad kayo ng isang ina o mga nakababatang kapatid na babae para sa akin dahil doon ako mamalagi.'
\p
\v 15 Tunay na wala nang natitirang pag-asa sa akin. Walang sinuman ang umaasa na ako ay magkakaroon pa ng maraming kaligayahan.
\p
\v 16 Pagkatapos kong bumaba sa lugar kung nasaan ang mga patay, wala na akong maasahan na anumang mabubuting bagay doon. Ako at ang mga bagay na inasahan ko ay sama-samang bababa sa lupa."
\s5
\c 18
\p
\v 1 Pagkatapos sumagot muli si Bildad:
\q
\v 2 "Pakiusap tumigil ka sa pagsasalita! Kung titigil ka sa pagsasalita at makikinig, may sasabihin kaming isang bagay sa iyo.
\s5
\p
\v 3 Bakit mo iniisip na katulad kami ng hangal na baka at tulad ng hindi matuwid?
\p
\v 4 Sa sobrang galit mo, sinasaktan mo lamang ang iyong sarili. Iniisip mo ba na ang bawat isa sa daigdig ay nararapat umalis para patunayan na ikaw ay tama, o iniisip mo ba na dapat ilipat ng Diyos ang mga bato sa mga bundok para malugod ka?
\s5
\p
\v 5 Ang mangyayari sa buhay ng mga masasamang tao na tulad mo ay kasing bilis tulad ng pagpatay natin sa isang ilaw o pagpawi sa pagniningas ng isang apoy.
\p
\v 6 Kapag ang mga ilawan sa ibabaw ng kanilang mga tolda ay napawi, mawawalan ng liwanag sa mga toldang iyon.
\s5
\p
\v 7 Habang sila ay buhay, panatag silang lumalakad, pero sa kalaunan nito parang sila ay natisod at bumagsak, dahil sila mismo sa kanilang sarili ay hindi nagbigay pansin sa payo na ibinibigay nila sa iba.
\p
\v 8 Ito ay parang naglakad sila sa kanilang sariling lambat o nahulog sa isang hukay na sila mismo ang naghukay.
\s5
\p
\v 9 Para itong isang bitag na sumunggab sa kanilang mga sakong at mabilis na humawak sa kanila,
\p
\v 10 parang ang dulo ng isang lubid na nakatago sa lupa na lumitaw at sinunggaban sila noong natapakan nila ito.
\p
\v 11 Saan man sila pumunta, may mga bagay na magdudulot sa kanila para matakot; parang ang mga bagay na iyon ang humahabol sa kanila at kumakagat sa kanilang mga sakong.
\s5
\p
\v 12 Magugutom sila, na ang magiging bunga ay hindi sila kailanman maging malakas. Patuloy silang makararanas ng mga sakuna.
\p
\v 13 Kakalat ang mga sakit sa buong balat nila at ang mga sakit ay magdudulot sa kanilang mga katawan para mabulok.
\s5
\p
\v 14 Kapag namatay sila, aagawin sila mula sa kanilang mga tolda at dadalhin sa isang namamahala sa lahat ng namatay.
\p
\v 15 Pagkatapos maninirahan ang ibang tao sa kanilang mga tolda, pero pagkatapos nilang makapaghasik lamang ng asupre sa mga tolda para maalis ang sakit!
\s5
\p
\v 16 Dahil sila ay mamamatay at walang naiwang kaapu-apuhan, sila ay magiging tulad ng mga puno na ang mga ugat ay natuyo at ang mga sanga ay nalanta.
\p
\v 17 Walang isa man ang makakaalala sa kanila sa mundong ito; walang isa man sa anumang lansangan ang makakaalala ng kanilang mga pangalan.
\s5
\q
\v 18 Kailangan na nilang iwanan ang lupa, na may liwanag, at mabilis na pumunta sa madilim na lugar.
\p
\v 19 Wala silang magiging mga anak o apo, walang mga kaapu-apuhan na dating nanirahan.
\p
\v 20 Mga taong mula silangan hanggang sa kanluran ang nakarinig tungkol sa mga nangyari sa kanila, bawat isa ay nabigla at nanginig sa takot.
\s5
\p
\v 21 Ito ang nangyayari sa mga taong hindi matutuwid tulad mo, mga taong hindi nakakakilala sa Diyos."
\s5
\c 19
\p
\v 1 Pagkatapos, tumugon si Job:
\q
\v 2 "Kayong tatlo, hanggang kailan ninyo ako pahihirapan at pahihinain ang loob sa pamamagitan ng pagtatawag sa akin ng masama?
\s5
\q
\v 3 Maraming beses ninyo na akong kinutya; hindi ba kayo nahihiya sa pagsasabi ng mga bagay na ito sa akin?
\p
\v 4 Kahit na totoo man na nakagawa ako ng mali, hindi ko kayo nasaktan!
\s5
\p
\v 5 Kung sa tingin ninyo na mas mabuti kayo kaysa sa akin, at kung pinapangatwiran ninyo na maaaring may sala ako dahil nagdudusa ako,
\p
\v 6 dapat ninyong maunawaan na ang Diyos ang dahilan kung bakit ako nagdurusa. Tila may lambat siya at hinuhuli niya ako dito.
\s5
\p
\v 7 Sumisigaw ako, 'Pinapatay ako ng mga tao!', pero walang tumutugon sa akin. Sumisigaw ako ng malakas, pero wala ni isa, kahit ang Diyos, ang tumulong sa akin.
\p
\v 8 Tila hinarangan ng Diyos ang daanan ko, at wala akong mapuntahan; tila pinilit niya akong maghanap ng daanan sa kadiliman.
\p
\v 9 Inalis niya ang aking mabuting pangalan; tila tinanggal niya ang korona na nasa ulo ko.
\s5
\p
\v 10 Hinahampas niya ako sa bawat dako, at malapit na akong mamatay. Hindi ko na inaasahan na gagawa siya ng kahit anong mabuti para sa akin.
\p
\v 11 Nilulusob niya ako dahil galit na galit siya sa akin; tinuturing niya akong kaaway niya.
\p
\v 12 Tila pinapadala niya ang kaniyang hukbo para lusubin ako; pinapaligiran nila ang aking tolda at naghahandang lusubin ako.
\s5
\p
\v 13 Dinulot ng Diyos na iwanan ako ng aking mga kapatid, at sa lahat ng mga kilala ako na ituring ako na parang dayuhan.
\p
\v 14 Iniwan ako ng lahat ng aking kamag-anak at mabubuting kaibigan.
\s5
\p
\v 15 Kinalimutan na ako ng mga tao na aking naging panauhin sa aking tahanan, at tinuturing akong dayuhan na hindi kilala ng aking mga alipin na babae.
\p
\v 16 Kapag pinapatawag ko ang aking mga alipin, hindi sila tumutugon; kapag nagmamakaawa ako sa kanila na tulungan ako, hindi sila dumarating.
\s5
\p
\v 17 Mabaho ang aking hininga para sa aking asawa kaya lumalayo siya sa akin, at kinamumuhian ako ng aking mga kapatid.
\p
\v 18 Kahit ang mga bata ay kinasusuklaman ako; kapag tumatayo ako para kausapin sila, pinagtatawanan nila ako.
\p
\v 19 Kinamumuhian ako ng pinakaminamahal kong mga kaibigan, at tinalukuran ako ng mga minamahal ko ng lubusan.
\s5
\p
\v 20 Buto't balat na lang ang katawan ko; halos mamatay na ako.
\p
\v 21 Nakikiusap ako sa inyo, mga kaibigan ko, maawa kayo sa akin dahil hinampas ako nang napakalakas ng Diyos.
\p
\v 22 Bakit pinapahirapan ninyo rin ako? Sa tingin ba ninyo kayo ang Diyos? Bakit hindi kayo napapagod na pagbintangan ako ng paggawa ng mali?
\s5
\p
\v 23 Sana may magsulat ng mga sinasabi kong ito sa isang aklat para mabasa ito ng mga tao.
\p
\v 24 Kung hindi man, sana ay may mag-ukit ng mga sinasabi ko sa bato gamit ang pangukit para mananatili ang mga ito magpakailanman.
\s5
\q
\v 25 Pero alam ko na buhay ang nagpapawalang sala sa akin sa hukuman, at balang araw ay tatayo siya dito sa lupa at gagawin ang huling pagpapasaya kung karapat-dapat ba akong parusahan.
\p
\v 26 At kahit pagkatapos wasakin ng mga karamdaman ang aking katawan, sa katawang kong ito ay makikita ko pa rin ang Diyos.
\p
\v 27 Makikita ko siya mismo; makikita siya ng aking mga mata! Kakaibang pakiramdam ang bumabalot sa akin habang iniisip ko ito!
\s5
\p
\v 28 Kung sinasabi ninyong tatlo, 'Ano pa ang maaari nating gawin para pahirapan siya?' at kung sinasabi ninyo, 'Siya ang nagdulot ng sarili niyang kaguluhan,'
\p
\v 29 dapat natatakot kayo na parusahan kayo ng Diyos; pinaparusahan niya ang mga kinagagalitan niyang mga tao na katulad ninyo; at kapag nangyari iyon, malalaman ninyo na may humahatol sa mga tao."
\s5
\c 20
\p
\v 1 Pagkatapos ay sumagot ulit si Zofar:
\p
\v 2 "Labis na nababagabag ako sa sinabi mo, kaya nais kong tumugon agad.
\p
\v 3 Nilait mo ako sa pagsasabi ng mga bagay na ito, pero mayroong nagpapakita kung paano kita sasagutin.
\s5
\p
\v 4 Hindi mo ba alam noong unang panahon, simula nang unang nilagay ng Diyos ang mga tao sa lupa,
\p
\v 5 na hindi patuloy na nagagalak ng mahabang panahon ang mga masasamang taong katulad mo, at ang mga taong tumatangging parangalan and Diyos ay masaya lang ng sandali?
\s5
\p
\v 6 Kahit na umaabot sa kalangitan ang kanilang karangalan, at kasing taas ng ulap ang kanilang katanyagan,
\p
\v 7 maglalaho sila magpakailanman, gaya ng kanilang dumi, at tatanungin ng mga nakakakilala sa kanila, 'Saan sila napunta?'
\s5
\p
\v 8 Maglalaho sila gaya ng isang panaginip, at hindi na sila mamamalagi. Maglalaho sila gaya ng mga panaginip ng mga tao sa gabi.
\p
\v 9 Hindi na muling makikita ng mga tao ang masasama; kahit na ang mga taong nabuhay kasama nila ay hindi na sila muling makikita.
\s5
\p
\v 10 Mapipilitang ibalik ng kanilang mga anak ang mahahalagang mga bagay na ninakaw nila mula sa mga mahihirap.
\p
\v 11 Minsan naging masigla at malakas ang mga katawan ng masasama, pero mamamatay sila at ililibing sa lupa.
\s5
\p
\v 12 Kahit na ang paggawa ng masama ay tulad ng pagkakaroon ng matamis na pagkain sa kanilang mga bibig na nais nilang patuloy na malasahan,
\p
\v 13 at kahit na hindi nila nais itigil ang paggawa ng mga bagay na iyon,
\p
\v 14 ang masamang mga bagay na iyon ay magiging lason balang araw na lulunukin nila, o tulad ng kamandag mula sa mga ahas.
\s5
\p
\v 15 Nag-iipon ng kayamanan ang mga masama para sa kanilang sarili, pero hindi nila ito maitatago magpakailanman, gaya ng mga tao na hindi nilulunok ang pagkain na sinuka nila. Kinukuha ng Diyos ang kayamanan mula sa kanila.
\p
\v 16 Ang paggawa ng masama ay tulad ng paglulunok ng kamandag ng ahas; papatayin ang masamang tao ng masamang mga bagay na ginagawa nila gaya ng tuklaw ng makamandag na ahas na pumapatay sa mga tao.
\s5
\p
\v 17 Hindi mananatiling buhay ang masama para makita ang masaganang mga pagpapala mula sa Diyos, na gaya ng umaagos na batis.
\p
\v 18 Mapipilitan silang ibalik ang mga bagay na ninakaw nila mula sa mga mahihirap; hindi sila patuloy na masisiyahan sa mga bagay na iyon. Hindi sila mananatiling masaya dahil sa mga nakuha nila mula sa kanilang hanap-buhay
\p
\v 19 dahil inapi nila ang mga mahihirap at tinanggihang tulungan sila, at kinuha nila ang bahay ng ibang mga tao sa pamamagitan ng pandaraya sa kanila.
\s5
\p
\v 20 Palagi silang sakim at hindi kailanman nasiyahan. Kaya kapag kumakain sila, nagpapakabusog sila na wala silang iniwang kahit ano na kinasiyahan nila.
\p
\v 21 Kapag tapos na silang kumain, kahit kailan ay walang naiwan dahil sakim nilang kinain lahat; pero magwawakas ngayon ang kanilang kasaganahan.
\p
\v 22 Habang lubos na mayaman pa sila, biglaan silang makararanas ng kaguluhan. Tatamaan at dudurugin sila ng kapighatian.
\s5
\p
\v 23 Kapag pinupuno ng masasama ang kanilang mga tiyan, ipapakita sa kanila ng Diyos na galit na galit siya sa kanila, at kaniyang parurusahan sila; kaniyang bubuhusan sila ng paghihirap gaya ng ulan na bumubuhos sa lupa.
\p
\v 24 Susubukan nilang tumakas mula sa mga tao na lulusob sa kanila nang may mga bakal na sandata, pero tatamaan sila ng mga palaso na tanso ang dulo.
\q
\v 25 Tuluyang tatagos ang mga palaso sa katawan nila at lalabas sa kanilang likod; dadanak ang dugo sa kumikinang na tulis ng palaso, at matatakot ang masasamang tao.
\s5
\p
\v 26 Mawawasak ang mga mahalaga nilang pagmamay-ari; susunugin sila ng isang apoy na pinasimulan ng Diyos, hindi ng mga tao, at wawasakin ang mga bagay na naiwan sa kanilang mga tolda.
\p
\v 27 Ihahayag ng mga anghel sa langit ang mga kasalanang ginawa ng mga masasama, at tatayo at magpapatoo ang mga tao sa lupa laban sa kanila.
\s5
\q
\v 28 Sa araw na parurusahan ng Diyos ang mga tao, tatangayin ang lahat ng pagmamay-ari na nasa tahanan ng masama, na parang may dumaan na baha.
\p
\v 29 Iyon ang mangyayari sa masamang mga taong katulad mo; iyon ang itinakda ng Diyos para sa kanila."
\s5
\c 21
\p
\v 1 Pagkatapos ay sumagot si Job sa ganitong paraan:
\p
\v 2 "Pakinggan ang sasabihin ko, kayong lahat, iyon lang ang magagawa ninyo na makapagaaliw sa akin.
\q
\v 3 Maging matiyaga sa akin, at hayaan akong magsalita. Pagkatapos kong magsalita, maaari kayong magpatuloy sa pagkukutya sa akin.
\s5
\p
\v 4 Siguradong hindi ako umaangal sa tao, pero sa Diyos! At siguradong tama lang para sa akin ang mainip!
\p
\v 5 Tingnan ninyo ako! Hindi ba kayo kinikilabutan sa nakikita ninyo at napapatakip ng mga bibig ninyo at wala nang masabi?
\p
\v 6 Kapag iniisip ko ang nangyari sa akin, natatakot at nanginginig ang buong katawan ko.
\s5
\p
\v 7 Pero hayaan ninyong itanong ko ito: 'Bakit patuloy na nabubuhay ang masama, at nagiging masagana, at hindi namatay hanggang sa matanda na sila?'
\p
\v 8 Nakikita nila ang kanilang mga anak sa paligid nila, at kanilang pinagmamasdan habang lumalaki sila at magsimulang manirahan sa sarili nilang mga tahanan.
\p
\v 9 Namumuhay ang mga masasama sa sarili nilang mga tahanan nang hindi natatakot, at hindi sila pinaparusahan ng Diyos.
\s5
\p
\v 10 Palaging matagumpay na nakikipagtalik ang kanilang mga toro sa baka, at palaging nanganganak ng mga guya at hindi kailanman nakukunan.
\p
\v 11 Pinapadala ng masasamang tao ang kanilang mga anak sa labas para maglaro, at masayang patalon-talon ang mga anak nila gaya ng tupa sa pastulan.
\p
\v 12 Umaawit ang mga bata sa tunog ng mga tamburin at alpa, at masaya silang naririnig ang tunog ng mga plauta.
\s5
\p
\v 13 Masaya ang mga masama sa pagkakaroon ng mabubuting bagay habang sila ay nabubuhay, at payapa silang bumababa sa lugar ng mga patay.
\q
\v 14 Habang buhay sila, sinasabi nila sa Diyos, 'Iwanan mo kami; wala kaming pakialam sa kung ano ang nais mong gawin namin sa aming buhay!
\p
\v 15 Bakit mo iniisip, Makapangyarihang Diyos, na dapat ka naming paglingkuran? Anong kapakinabangan ang makukuha namin kapag nanalangin kami sa iyo?'
\s5
\p
\v 16 Iniisip ng masasamang tao na naging masagana sila dahil sa mga ginawa nila, pero ayokong magkaroon ng kahit anong kinalaman sa kanilang pagiisip.
\p
\v 17 Gaano ba kadalas namamatay ang masamang tao, nang hindi nakararanas ng mga sakuna? Pinaparusahan ba sila ng Diyos dahil galit siya sa kanila?
\p
\v 18 Hindi niya sila hinihipan palayo gaya ng malakas na pag-ihip palayo ng hangin sa dayami; hindi sila kailanman tinatangay ng ipo-ipo.
\s5
\p
\v 19 Sinasabi ninyo, 'Kapag nagkasala ang mga tao, naghihintay at pinaparusahan ng Diyos ang kanilang mga anak dahil sa mga kasalanan na iyon. Sinasabi ko na dapat parusahan ng Diyos ang mga nagkakasala, hindi ang kanilang mga anak, para malaman ng mga makasalanan na dahil sa sarili nilang mga kasalanan kaya sila pinaparusahan.
\p
\v 20 Inaasahan ko na mabuhay ang masasama para maranasan nila ang pagwawasak sa kanila ng Diyos, na maranasan nilang pinaparusahan sila ng Diyos.
\p
\v 21 Pagkatapos mamatay ng masasama, wala na silang malasakit para sa kanilang mga pamilya na buhay pa.
\s5
\p
\v 22 Dahil hinahatulan ng Diyos ang lahat ng tao, kahit ang mga nasa langit, sino ang makapagtuturo sa kaniya?
\p
\v 23 Namamatay ang ibang mga tao habang malusog pa sila, habang payapa sila at walang kinakatakutan.
\q
\v 24 Matataba ang katawan nila; malalakas ang mga buto nila.
\s5
\p
\v 25 Ang iba naman ay namamatay nang nasa labis na kahirapan; kahit kailan ay hindi sila nakaranas ng mabubuting bagay.
\p
\v 26 Namamatay sila at nililibing, at binabalutan ng mga uod ang kanilang katawan. Namamtay ang lahat ng tao, kaya malinaw na ang kamatayan ay hindi palaging parusa para sa masasama.
\s5
\p
\v 27 Makinig kayo, alam ko kung ano ang iniisip ninyong tatlo, at alam ko ang mga masasamang mga bagay na nais ninyong gawin sa akin.
\p
\v 28 Sinasabi ninyo, 'Ano ang nangyari sa mga tolda na pinamamahayan ng masama? Nawasak ang mga tahanan ng mga masasamang pinuno!'
\s5
\q
\v 29 Hindi pa ba ninyo natatanong ang mga taong madalas maglakbay? Hindi ba ninyo pinapaniwalaan ang mga ulat nila tungkol sa mga nakita nila,
\q
\v 30 na kadalasan ay hindi naghihirap ang masasama sa mga pagkakataon na may sakuna; na kapag pinaparusahan ng Diyos ang mga tao, may mga sumasagip sa masasama? Na ang mga masasama ang mga naililigtas ng iba kapag pinaparusahan ng Diyos ang mga tao?
\s5
\p
\v 31 Walang nagbibintang sa masasama, at walang naghihiganti sa lahat ng masasamang bagay na ginawa nila.
\p
\v 32 Kapag dinadala sa libingan ang mga bangkay ng masasama, nilalagay ang mga tao doon para bantayan ang mga libingan na iyon.
\p
\v 33 Malaking bilang ng mga tao ang pumupunta sa libingan; ang iba ay pumupunta sa harapan ng prusisyon at ang iba ay sumasama sa likuran, at siguradong mabuti ang pakiramdam ng masasama kapag tinatabunan ng lupa ng mga tao ang kanilang mga libingan.
\s5
\p
\v 34 Kaya paano ninyo ako aaliwin sa pamamagitan ng pagsasabi ng mga walang kabuluhang bagay? Bawat tugon na binibigay ninyo sa akin ay puno ng kasinungalingan!"
\s5
\c 22
\p
\v 1 Pagkatapos ay tumugon si Elifaz, sinasabing:
\p
\v 2 "Walang sinuman ang maaaring maging kagamit-gamit sa Diyos! Maaaring maging kagamit-gamit ang mga matatalino sa sarili nila, pero hindi sa Diyos.
\p
\v 3 Kung matuwid ka, malulugod ba ang Makapangyarihang Diyos doon? Makakatulong ba sa kaniya kapag namuhay ka nang walang kapintasan?
\s5
\p
\v 4 Pinaparangalan mo ba ang Diyos, at iyon ba ang dahilan kaya ka niya pinaparusahan? Iyon ba ang dahilan kaya nilagay ka niya sa paglilitis?
\p
\v 5 Hindi, siguradong dahil ito sa labis mong kasamaan. Maaaring walang makabilang ng masasamang bagay na ginawa mo!
\s5
\p
\v 6 Maaaring nagpautang ka ng pera sa iba at pinilit silang magbigay ng mga bagay sa iyo para masiguradong babayaran ka nila muli; maaaring kinuha mo ang lahat ng kanilang mga damit at walang iniwan sa kanila para masuot.
\p
\v 7 Maaaring hindi mo binigyan ng tubig ang mga nauuhaw, at maaaring tinanggihan mong bigyan ng pagkain ang mga gutom.
\p
\v 8 Dahil lubos kang makapangyarihan, maaaring kinamkam mo ang lahat ng kalupaan ng mga tao, at nagsimula kang mamuhay sa lupang iyon, kahit lubos kang pinaparangalan ng iba.
\s5
\p
\v 9 Kapag lumalapit sa iyo ang mga balo para magpatulong, maaaring pinaalis mo sila nang walang binibigay na kahit ano, at maaaring inapi mo ang mga ulila.
\p
\v 10 Dahil ginawa mo ang lahat ng mga bagay na iyon, ngayon ay may mga patibong na huhuli sa iyo; ngayon ay natatakot ka at nanginginig sa mga bagay na lumilitaw.
\p
\v 11 Tila naging lubos na madilim, na wala ka nang makita, at tila tinabunan ka na ng baha.
\s5
\p
\v 12 Pero isaalang-alang mo ito, Job: Naninirahan ang Diyos sa kaitaasan ng kalangitan. Mula doon ay nakayuko siyang pinagmamasdan ang mga tala.
\p
\v 13 Kaya bakit mo sinasabi, 'Walang alam ang Diyos sa ginagawa natin'? At bakit mo sinasabi, 'Natatakpan siya ng madilim na ulap para hindi niya tayo makita, kaya hindi niya tayo mahahatulan'?
\p
\v 14 Sa tingin mo ba hindi niya nakikita ang mga ginagawa natin habang naglalakad siya sa tungtungan na bumabalot sa himpapawid, kung saan may nakapalibot na makapal na ulap sa kaniya?'
\s5
\p
\v 15 Magpapatuloy ka ba, Job, na tahakin ang dating pamamaraan na ginawa ng masasama sa mahabang panahon?
\p
\v 16 Bigla silang namatay habang bata pa sila; naglaho sila gaya ng lahat na naglalaho kapag may baha.
\p
\v 17 Palagi nilang sinasabi sa Diyos, "Pabayaan mo kami', 'Hayaan mo kaming mag-isa', at mapanlaban nilang sinabi, 'Walang magagawa ang Makapangyarihang Diyos para saktan kami!'
\s5
\p
\v 18 Pero ang Diyos ang pumuno sa kanilang mga tahanan ng mabubuting bagay; kaya hindi ko kayang sumang-ayon na sundin ang binabalak ng masasama.
\p
\v 19 Kapag nakikita ng mga taong matuwid na pinaparusahan ng Diyos ang masasama, nagagalak sila, at pinagtatawanan ang mga masasama.
\p
\v 20 Sinasabi nila, 'Ngayon ay natalo na ang mga kalaban namin, at tinupok ng apoy ang anumang naiwan sa kayamanan nila.'
\s5
\p
\v 21 Kaya, Job, makipagkasundo ka sa Diyos at makipag-ayos sa kaniya; kung gagawin mo iyon, mabubuting mga bagay ang mangyayari sa iyo.
\p
\v 22 Hayaan mo siyang turuan ka niya, at ilagay mo sa iyong isip ang kaniyang mga salita.
\s5
\p
\v 23 Kung magpapakumbaba ka at manunumbalik sa Diyos, panunumbalikin niya ang lahat sa iyo; kung ititigil mo ang paggawa ng masasamang mga bagay na ginagawa mo sa sarili mong bahay,
\p
\v 24 at kung itatapon mo ang iyong ginto ang pinong ginto mula sa tuyong lupa ng sapa sa kalupaan ng Ofir,
\p
\v 25 magiging kasing halaga ng iyong ginto at pilak ang Makapangyarihang Diyos para sa iyo.
\s5
\p
\v 26 Magiging masaya ka dahil sa Diyos, at malalapitan mo siya nang may kapanatagan.
\q
\v 27 Mananalangin ka sa kaniya, at gagawin niya ang hinihiling mong gawin niya; gagawin mo ang mga bagay na ipinangako mo sa kaniya.
\p
\v 28 Lahat ng mapagpapasiyahan mong gawin ay magiging matagumpay; na tila isang ilaw ang nagliliwanag sa dinadaanan mo.
\s5
\q
\v 29 Binababa ng Diyos ang mga mapagmataas, pero nililigtas niya ang mga nalulungkot.
\p
\v 30 Sinasagip ng Diyos ang mga walang sala, kaya sasagipin ka niya kapag sinimulan mong gawin ang tama."
\s5
\c 23
\p
\v 1 Pagkatapos ay sumagot si Job at sinabi:
\p
\v 2 "Ngayon ay may kapaitan akong nagrereklamo sa Diyos; patuloy akong dumadaing, pero lalo lang akong naghihirap.
\s5
\p
\v 3 Sana alam ko kung saan ko siya maaaring matagpuan para mapuntahan ko ang lugar na kinaroroonan niya.
\p
\v 4 Kung magagawa ko iyon, sasabihin ko sa kaniya kung bakit alam ko na wala akong sala; sasabihin ko sa kaniya ang maraming dahilan para doon.
\q
\v 5 Pagkatapos ay malalaman ko at mauunawaan kung ano ang isasagot niya sa akin.
\s5
\p
\v 6 Gagamitin ba niya ang kaniyang dakilang kapangyarihan para makipagtalo sa akin? Hindi, pakikinggan niya akong mabuti.
\p
\v 7 Tapat akong tao, kaya makakausap ko siya nang walang kinikilingan, at ipapahayag niya na wala akong sala, at hindi na niya ako muling gagambalain pa.
\s5
\q
\v 8 Pero, pumunta na ako sa silangan, at wala siya doon; pumunta na ako sa kanluran, pero hindi ko siya natagpuan doon.
\p
\v 9 Pumunta na ako sa hilaga at timog, pero hindi ko siya nakita saanman dahil tinatago niya ang kaniyang sarili sa akin.
\s5
\p
\v 10 Alam niya kung paano ako namuhay; kapag natapos na niya akong suriin, makikita niya na kasing dalisay ako ng ginto na natunaw na ang mga dumi.
\p
\v 11 Tapat akong lumakad sa daanan na ipinakita niya sa akin; hindi ko tinalikuran ang pagsunod sa kaniya.
\p
\v 12 Palagi kong sinunod ang inutos niya; tinago ko sa aking kalooban ang mga sinabi niya.
\s5
\p
\v 13 Hindi siya nagbabago kailanman. Walang sinuman ang makakapigil sa kaniya na gawin kung ano ang nais niya. Ginagawa niya kung ano ang gusto niya.
\p
\v 14 Tatapusin niyang gawin ang mga bagay na hinanda niya para sa akin, at sigurado ako na pinagisipan niyang gumawa ng maraming bagay para sa akin.
\s5
\p
\v 15 Kaya natatakot ako kapag nasa harapan niya ako; kapag iniisip ko kung ano ang kaya niyang gawin, takot na takot ako.
\p
\v 16 Lubusan akong tinakot ng Makapangyarihang Diyos.
\p
\v 17 Tila makapal na kadiliman lang ang nasa harapan ko, pero ang Diyos ang nagwawasak sa akin, hindi ang kadiliman."
\s5
\c 24
\p
\v 1 Bakit hindi tinatakda ng Makapangyarihang Diyos ang panahon na hahatulan niya ang masasama? Tila hindi kailanman nakikita ng mga taong sumusunod sa Diyos ang kaniyang paghatol sa masasama.
\s5
\q
\v 2 Ang masasama ay tinatanggal ang mga muhon ng lupa ng ibang tao, para kunin ang kanilang lupa; inaagaw nila ang tupa ng iba at nilalagay nila sa sarili nilang pastulan.
\q
\v 3 Ang iba naman ay tinatangay ang mga asno na pagmamay-ari ng mga ulila, at kinukuha nila ang toro ng balo para siguraduhing babayaran ng balo ang pera na pinautang nila sa kanila.
\q
\v 4 Ang iba ay tinutulak ang mahihirap paalis sa kalsada, at pinipilit nilang maghanap ang mahihirap ng lugar na pagtataguan.
\s5
\p
\v 5 Ang bunga nito ay naghahanap ang mahihirap ng pagkain sa disyerto tulad ng mababangis na asno.
\q
\v 6 Inaani ng mahihirap ang mga naiwang mga butil sa palayan ng iba, at tinitipon ang mga natirang ubas mula sa ubasan na pagmamay-ari ng masasama.
\q
\v 7 Wala silang panakip sa kanilang katawan habang gabi, walang nagpapainit sa kanila.
\s5
\q
\v 8 Kapag umuulan sa bundok, tuluyan silang nababasa, kaya nagtatago sila sa ilalim ng mga silungang bato para ingatan ang kanilang sarili mula sa ulan.
\p
\v 9 Ang ibang masasama ay inaagaw ang mahihirap at walang amang mga sanggol mula sa kanilang mga ina; sinasabi nila, 'Ibabalik ko ang mga sanggol ninyo kapag nabayaran na ninyo ang pera na pinautang ko sa inyo.'
\p
\v 10 Pero lumalakad ang mahihirap nang walang damit; nagugutom sila habang nagtatrabaho para dalhin ang mga palay ng ibang tao papunta sa giikan.
\s5
\p
\v 11 Inuupahan ang mahihirap ng masasama para gawan sila ng langis ng olibo; pinipiga nila ang ubas para gumawa ng katas para sa alak, pero hindi sila maaaring uminom ng kahit na ano dito kapag nauuhaw sila.
\p
\v 12 Sa mga lungsod, tumatawag ng tulong sa Diyos ang mga taong sugatan at namamatay, pero hindi pinapansin ng Diyos ang kanilang mga panalangin.
\s5
\p
\v 13 Ang ilan sa masasama ay iniiwasan ang liwanag dahil gumagawa sila ng kasamaan sa kadiliman; hindi sila lumalakad sa mga kalsadang may liwanag.
\p
\v 14 Nagnanakaw ng mga bagay ang mamamatay tao tuwing gabi, at bumabangon sila bago dumating ang madaling araw para makalabas sila muli at mapatay ang mahihirap at nangangailangang mga tao.
\s5
\p
\v 15 Hinihintay ng mga nais makiapid na dumating ang gabi; sinasabi nila, 'Ayaw kong mayroong makakita sa akin', kaya tinatakpan nila ang kanilang mga mukha.
\q
\v 16 Habang gabi ay pumapasok ang mga manloloob sa mga tahanan para magnakaw ng mga bagay, pero nagtatago sila habang may araw dahil iniiwasan nilang makita sa liwanag.
\q
\v 17 Lahat ng mga taong iyon ay nais gumawa ng kasamaan kapag gabi, hindi sa umaga kung saan may liwanag, dahil hindi sila natatakot sa mga nangyayari sa gabi na kinakatakutan ng iba.
\s5
\q
\v 18 Pero, maglalaho agad ang masasamang iyon, at susumpain ng Diyos ang lupain na pagmamay-ari nila; wala nang pupunta sa kanilang ubasan para magtrabaho.
\q
\v 19 Tulad ng niyebe na natutunaw kapag mainit at walang ulan, gayun din ang mga nagkasala ay maglalaho papunta sa lugar kung nasaan ang mga patay.
\s5
\p
\v 20 Hindi sila maaalala kahit ng kanilang mga ina; mawawasak ang masasama gaya ng mga puno na pinuputol, at kakainin ng uod ang kanilang mga bangkay.
\p
\v 21 Inaabuso ng mga masasama ang mga babae na hindi nakapagpanganak ng mga bata na sana ay lumaki para alagaan sila; hindi kailanman tinutulungan ng masasama ang mga balo.
\s5
\q
\v 22 Pero tinatanggal ng Diyos ang mga malalakas na tao sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan. Hinahayaan niyang mamatay ang mga masasama.
\p
\v 23 Hinahayan sila ng Diyos na isipin na ligtas sila at wala sa panganib, pero kaniyang pinagmamasdan sila sa lahat ng oras.
\s5
\q
\v 24 Sumasagana sila ng ilang sandali, at pagkatapos ay agad silang nawala; hahayaan silang mamatay ng Diyos gaya ng lahat ng ibang mga tao; magiging katulad sila ng mga tangkay ng palay na tinatapiyas ng mga magsasaka.
\p
\v 25 Kung hindi ito totoo, mayroon bang makapagpapakita na sinungaling ako at magpapatunay na mali ako?"
\s5
\c 25
\p
\v 1 Pagkatapos sumagot din si Bildad:
\p
\v 2 "Napakamakapangyarihan ng Diyos; dapat siyang parangalan nang mabuti ng bawat isa; dinudulot niya na maging mapayapa ang lahat ng bagay sa kalangitan, nang walang anumang kaguluhan.
\p
\v 3 Mayroon bang makabibilang ng mga anghel na nasa kanyang hukbo sa langit? Mayroon bang tao na hindi nasisikatan ng kaniyang liwanag?
\s5
\p
\v 4 Kaya paano maituturing ng Diyos na matuwid ang sinumang tao? Paano niya matatanggap ang sinumang tao?
\p
\v 5 Pagnilay-nilayin mo ito: Ni hindi iniisip ng Diyos na maliwanag ang kabilugan ng buwan, at ni hindi niya rin tinatanggap ang mga bituin sa langit na karapat-dapat sa kanya.
\p
\v 6 Kaya paano ang mga tao? Walang silang halaga tulad ng mga uod. Hindi mas mataas ang tingin ng Diyos sa tao kaysa mga uod."
\s5
\c 26
\p
\v 1 Sumagot si Job kay Bildad:
\p
\v 2 "Ako ay isang napakahina at walang kayang tao; iniisip mo ba na kahit paano ay natulungan mo ako?
\p
\v 3 Tiyak na hindi mo iniisip na binigyan mo ako ng mabuting payo, iniisip mo ba?- ako na hindi marunong sa anumang bagay.
\p
\v 4 Sino ang tumulong sa iyo na masabi ang mga dakilang mga bagay na iyon? Sino ang pumukaw sa iyo na magsalita tulad ng ginawa mo?
\s5
\p
\v 5 Sumagot si Bildad, "Dahil sa natatakot ang mga espiritu ng mga patay na tao, nanginginig sila sa mga tubig na malalim sa ilalim ng lupa.
\p
\v 6 Alam ng Diyos ang lahat tungkol sa mga nasa lugar ng mga patay; walang nasa baba doon na pumipigil sa Diyos na makita kung ano ang naroroon.
\s5
\p
\v 7 Kinakalat ng Diyos ang daigdig sa malawak na kawalan at dudulutin na walang umalalay sa daigdig.
\q
\v 8 Pinupuno niya ng tubig ang makakapal na mga ulap at pinipigilan ang tubig sa pagpapasabog ng mga ulap.
\s5
\p
\v 9 Dinudulot niya na kublihan ng mga ulap ang buwan.
\p
\v 10 Ihinihiwalay niya ang liwanag mula sa kadiliman at inilalagay ang guhit-tagpuan para markahan ang lugar kung saan nagtatapos ang gabi at nagsisimula naman ang araw.
\s5
\q
\v 11 Kapag siya ay nagagalit, parang kinagalitan niya ang mga haligi na humahawak sa kalangitan. Nasisindak sila, at nanginginig sila.
\p
\v 12 Sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan pinakalma niya ang dagat; sa pamamagitan ng kaniyang husay winasak niya si Rahab, ang dambuhalang halimaw ng dagat.
\s5
\p
\v 13 Sa pamamagitan ng kaniyang hininga, dinulot niya na maging maliwanag ang kalangitan; sa pamamagitan ng kaniyang kamay pinatay niya ang napakalaking dragon sa dagat habang ito ay tumatakas sa kanya.
\p
\v 14 Pero ang mga kaganapang iyon ay nagpapakita lamang ng maliit na bahagi ng kanyang kapangyarihan; ito ay parang nakakarinig lamang tayo ng mga bulong ng kaniyang makapangyarihang tinig. Kapag naririnig natin ang kulog, sinasabi natin, "Sino ang talagang nakakaunawa kung gaano kadakila ang kaniyang kapangyarihan?"
\s5
\c 27
\p
\v 1 Sumagot si Job sa tatlo niyang mga kaibigan sa pamamagitan ng pagsasabi nito:
\p
\v 2 Ang Makapangyarihang Diyos ay tumangging itrato ako nang makatarungan. Dinulot niya na makaramdam ako ng kapaitan. Pero kasing tiyak ng pagiging buhay niya
\q
\v 3 habang binibigyan ako ng Espiritu ng Diyos na huminga,
\s5
\p
\v 4 Hindi ako magsisinungaling; hindi ako magsasabi ng anuman para manlinlang ng sinuman.
\p
\v 5 Hindi ko kailanman aaminin na totoo ang sinabi ninyong tatlo; hanggang sa araw na ako ay mamatay, ipagpipilitan ko na walang akong ginawang mga bagay na mali.
\s5
\p
\v 6 Sasabihin ko na ako ay inosente, at wala akong kailanman sasabihin na naiiba; hindi ako kailanman susumbatan ng aking kalooban habang ako ay nabubuhay.
\p
\v 7 Nais kong parusahan ng Diyos ang aking mga kaaway tulad ng gagawin niyang pagpaparusa sa lahat ng masasamang tao; nais kong parusahan niya ang mga sumasalungat sa akin tulad ng pagpaparusa niya sa lahat ng mga hindi matuwid na tao.
\s5
\p
\v 8 Kapag panahon na para alisin ng Diyos ang mga taong walang diyos at dulutin na mamatay sila, lubos na walang mabuti silang tiyak na maasahang mangyayari sa kanila.
\p
\v 9 Kapag nararanasan nila ang mga kaguluhan, maririnig kaya ng Diyos ang panawagan nila sa kaniya para sa tulong?
\p
\v 10 Magiging masaya kaya sila tungkol sa kung ano ang ginagawa ng Makapangyarihang Diyos? Magsisimula kaya silang manalangin nang madalas sa kaniya? Tiyak na hindi!
\s5
\p
\v 11 Tuturuan ko kayong tatlo tungkol sa kapangyarihan ng Diyos; Ibubunyag ko sa inyo kung ano ang kaniyang iniisip.
\p
\v 12 Nakita na ninyong tatlo sa inyong mga sarili ang mga makapangyarihang bagay na ginawa ng Diyos; kaya hindi ko maunawaan kung bakit nagsasabi kayo ng ganyang mga walang katuturang bagay sa akin.
\s5
\p
\v 13 Sasabihin ko sa inyo kung ano ang ginagawa ng Makapangyarihang Diyos sa mga masasamang tao, kung ano ang ginagawa niya sa mga taong tumatrato sa iba nang masama.
\p
\v 14 Kahit na marami silang mga anak, ang mga anak na iyon ay mamamatay sa mga digmaan, o kaya'y mamamatay sila dahil wala silang sapat na makain.
\s5
\p
\v 15 Ang kanilang mga anak na nanatiling buhay pagkatapos nilang mamatay ay ay mamamatay sa mga sakit, at ang mga asawa na maiiwan nila ay ni hindi magluluksa para sa kanila.
\p
\v 16 Kung minsan nagkakamal ng nakaparaming halaga ng pilak ang masasamang tao at nagtatambak ng mga damit na parang magpapalayok na nagtatambak ng luwad,
\p
\v 17 pero ang mga masasamang taong iyon ay mamamatay, at pagkatapos ang matutuwid na tao ang magsusuot ng mga kasuotan na iyon, at mga tapat na tao ang kukuha ng kanilang pilak at paghahati-hatian nila ito.
\s5
\p
\v 18 Ang mga bahay na itinatayo nila ay kasing rupok ng mga bahay ng gagamba; marupok sila tulad ng mga kubo na tinitirhan ng mga tanod habang binabantayan nila ang mga bukid ng mga tao.
\p
\v 19 Ang mga masasamang tao ay mayaman kapag humihiga sila sa gabi, pero paggising nila sa umaga, makikita nila na naglaho na ang kanilang salapi.
\s5
\p
\v 20 Ang mga bagay kinakatakutan nila ay dumarating sa kanila tulad ng isang baha na hindi nila inaasahan; sa gabi isang ipo-ipo ang tumatangay sa kanila.
\p
\v 21 Ito ay parang ang hangin mula sa silangan ay kinuha sila at tinangay sila mula sa kanilang mga tahanan, at naglalaho sila magpakailanman.
\s5
\p
\v 22 Tinatamaan sila ng hanging iyon nang walang awa habang sila ay tumatakbo, sinisikap na takasan ang lakas nito.
\p
\v 23 Ang hanging iyon ay tulad ng isang taong pinapalakpak ang kaniyang mga kamay sa kanila para kutyain sila, humihiyaw sa kanila at pinipilit silang tumakbong palayo."
\s5
\c 28
\p
\v 1 Totoo nga na may mga lugar na kung saan naghuhukay ang mga tao para maghanap ng pilak, at may mga lugar kung saan dinadalisay ng mga tao ang ginto na kanilang nahukay.
\q
\v 2 Hinuhukay ng mga tao ang bakal ng mineral mula sa lupa, at nilulusaw din nila ang tanso.
\s5
\p
\v 3 Gumagamit ang mga tao ng mga lampara habang nagtatrabaho sila sa napakalalim sa loob ng lupa para hanapin ang mineral sa loob ng mga minahan kung saan napakadilim.
\q
\v 4 Gumagawa sila ng lagusan sa mga lugar na malayo sa kung saan naninirahan ang mga tao, kung saan hindi pumupunta ang mga manlalakbay. Nagtatrabaho sila malayo sa ibang mga tao, pabalik-balik silang umiindayog sa mga lubid habang bumababa sila sa mga lagusan ng minahan.
\s5
\p
\v 5 Tumutubo ang pagkain sa ibabaw ng lupa, pero sa ilalim ng lupa, kung saan walang pagkain, gumagawa ng mga apoy ang mga minero para basagin ang mga bato.
\p
\v 6 Ang mga bato na hinuhukay mula sa ilalim ng lupa ay naglalaman ng mga safiro, at ang putik ay naglalaman ng mga ginto.
\s5
\p
\v 7 Ang ibang mga ibon ay may mahusay na mga mata, pero hindi alam, kahit ng mga lawin, kung saan ang mga minahan at hindi pa nakikita ang mga lugar na iyon ng mga palkon.
\p
\v 8 Hindi pa nakakapunta sa mga lugar na iyon ang mga leon at iba pang mapagmalaking mababangis na hayop.
\s5
\p
\v 9 Napakatigas na bato ang hinuhukay ng mga minero; ito ay parang binaligtad nila ang mga bundok para kunin ang mineral.
\p
\v 10 Gumagawa sila ng mga lagusan sa mga bato, at nakakatagpo sila ng mga mamahaling bagay.
\p
\v 11 Pinipigilan nila ang mga maliliit na batis para hindi dumaloy, at dinadala nila sa liwanag ang mga bagay na nakatago sa lupa at sa mga batis.
\s5
\q
\v 12 Pero ang karunungan: Saan iyon matatagpuan ng mga tao? Saan natin matatagpuan kung paano tunay na mauunawaan ang mga bagay?
\q
\v 13 Hindi alam ng mga tao kung ano ang totoong halaga ng karunungan; walang makakahanap nito dito sa lupa kung saan sila nabubuhay.
\q
\v 14 Ito ay parang ang tubig na nasa ilalim ng lupa at tubig na nasa mga dagat ay nagsabing, "Wala ito sa akin"
\s5
\p
\v 15 Hindi makabibili ang mga tao ng karunungan sa pamamagitan ng pagbayad dito ng pilak o ginto.
\p
\v 16 Mas mahalaga ang karunungan kaysa mainam na ginto mula sa lupain ng Ofir, mas higit pa kaysa napakamamahalin na mga bato.
\q
\v 17 Mas mahalaga ito kaysa ginto o magandang kuwarts, mas mahalaga kaysa plorera gawa sa mainam na ginto.
\s5
\p
\v 18 Mas mahalaga ang karunungan kaysa koral o kuwarts na kristal; ang presyo ng karunungan ay mas mataas kaysa presyo ng mga rubi.
\q
\v 19 Ang mga presyo ng topaz mula sa Etiopia at ng dalisay na ginto ay mas mababa kaysa halaga ng karunungan.
\s5
\p
\v 20 Kaya saan nanggagaling ang karunungan? Saan natin malalaman kung gaano tunay na maunawaan ang mga bagay?
\q
\v 21 Walang buhay na tao ang makakakita nito; at hindi ito makita ng mga ibon habang nasa taas sila sa kalangitan.
\p
\v 22 Ito ay parang ang mga lugar kung saan pumupunta ang mga tao pagkamatay nila ay nagsabing, "Narinig lamang namin ang sabi-sabi tungkol sa kung saan matatagpuan ang karunungan.'
\s5
\q
\v 23 Ang Diyos ang siya lamang nakakaalam kung paano matatagpuan ang karunungan; alam niya kung nasaan ito
\q
\v 24 dahil nakikita niya ang mga bagay kahit sa pinakamalayong mga lugar sa daigdig; nakikita niya ang lahat ng bagay na nasa ilalim ng langit.
\p
\v 25 Ipinasya niya kung gaano kalakas dapat umihip ang mga hangin, at gaano kadaming ulan ang dapat nasa mga ulap,
\s5
\p
\v 26 Ipinasya niya kung saan dapat pumatak ang ulan, at kung anong landas ang dapat tahakin ng kidlat mula sa mga ulap pababa sa lupa.
\q
\v 27 Sa oras na iyon nakita niya ang karunungan at nagpasya na ito ay napakamahalaga. Sinuri niya ito at inaprubahan.
\q
\v 28 At pagkatapos sinabi niya sa mga tao, 'Makinig kayo! Kung mayroon kayong lubos na paggalang sa akin, magiging marunong kayo; para tunay na maunawaan ang lahat ng bagay, kailangan muna ninyong talikuran ang paggawa ng masama."
\s5
\c 29
\p
\v 1 Muling nagsalita si Job at sinabi ito:
\p
\v 2 Nais kong ako ay maging parang noong nakaraang mga taon nang inalagaan ako ng Diyos,
\q
\v 3 Noong mga taong iyon, parang ang lampara ng Diyos ay lumiwanag sa akin at binigyan ako ng ilaw habang lumakad ako sa kadiliman.
\s5
\q
\v 4 Sa panahong iyon ako ay bata pa at malakas, at dahil sa ang Diyos ay kaibigan ko, pinangalagaan niya ako kung saan ako nakatira.
\q
\v 5 Kasama ko ang Diyos noong mga taong iyon nang lahat ng mga anak ko ay nakapaligid sa akin.
\p
\v 6 Binigyan ako ng aking mga kawan ng maraming gatas, at mga batis ng langis ang dumaloy mula sa bato kung saan piniga ng aking mga lingkod ang mga olibo.
\s5
\p
\v 7 Sa tuwing pumupunta ako sa lugar na kung saan nagtitipon ang mga nakatatanda sa tarangkahan ng lungsod, umuupo ako kasama nila,
\q
\v 8 at kapag nakikita ako ng mga kabataang lalaki, tumatabi sila nang may paggalang, at ang mga nakakatandang lalaki ay tumatayo nang may paggalang din.
\s5
\q
\v 9 Dati ay humihinto ng pag-uusap ang mga pinuno ng bayan,
\p
\v 10 at kahit ang pinakamahahalagang mga lalaki ay tumatahimik at humihinto sa pag-uusap para makinig sa aking pagsalita sa kanila.
\s5
\q
\v 11 Nang narinig nilang lahat kung ano ang sinabi ko sa kanila, nagsabi sila ng magagandang bagay tungkol sa akin. Nang nakita nila ako, lagi nila akong pinupuri
\p
\v 12 dahil tinulungan ko ang mahihirap kapag umiiyak sila para sa tulong, at dahil tinulungan ko ang mga ulila na walang sinumang tutulong sa kanila.
\p
\v 13 Pinuri ako ng mga nagdurusa at malapit nang mamatay, at dinulot ko na kumanta nang may kagalakan ang mga biyuda, dahil tinulungan ko sila.
\s5
\p
\v 14 Lagi akong kumikilos nang may katarungan; ang mga kilos ko ay parang isang kasuotan na isinuot ko at parang isang turban na nakabalot sa aking ulo.
\p
\v 15 Ito ay parang ako mismo ang nakakita para sa mga bulag at lumakad para sa mga pilay.
\p
\v 16 Ako ay parang isang ama sa mga mahihirap, at sa mga hukuman ipinagtanggol ang mga hindi ko kilala.
\s5
\p
\v 17 Ipinatigil ko ang pang-aapi sa iba ng masasamang tao; ito ay parang isang tao na binabasag ang mga ngipin ng mga mababangis na hayop at pinipilit sila na ilaglag ang kanilang mga biktima mula sa kanilang mga ngipin.
\q
\v 18 Sa oras na iyon inisip ko, "Tiyak na mabubuhay ako sa kapayapaan hanggang maging napakatanda ko, at mamamatay ako sa tahanan kasama ang aking pamilya.
\p
\v 19 Tulad ako ng isang puno na ang mga ugat ay umaabot pababa sa tubig at ang mga sanga ay nababasa ng hamog bawat gabi.
\s5
\p
\v 20 Lagi akong pinararangalan ng mga tao, at lagi akong malakas tulad ng isang bagong pana.
\p
\v 21 Nang nagsalita ako, naghintay ang mga tao na marinig kung ano ang aking sasabihin; nanatili silang tahimik hanggang sa payuhan ko sila kung ano ang dapat nilang gawin.
\p
\v 22 Pagkatapos kong magsalita, wala na silang sinabi; ito ay parang pumatak ang aking mga salita sa kanilang mga tainga tulad ng mga patak ng ulan.
\s5
\p
\v 23 Naghintay sila sa aking magsalita gaya ng paghintay nila sa ulan; gusto nila kung ano ang sinabi ko gaya ng mga magsasaka na nalulugod sa panghuling ulan sa tagsibol bago ang tagtuyot.
\q
\v 24 Kapag malungkot sila, nginingitian ko sila para palakasin ang kanilang loob; lumalakas ang kanilang loob kapag nakikita nila ang aking masayang mukha.
\s5
\p
\v 25 Ako ang kanilang pinuno, at ako ang nagpasya kung anong mga bagay ang magiging mabuti na kanilang gawin; para sa kanila ako ay gaya ng isang hari na kasama ang kaniyang mga hukbo; tulad ako ng isang tao na inaaliw ang ibang nagdadalamhati."
\s5
\c 30
\p
\v 1 Pero ngayon, pinagtatawanan ako ng mga lalaking nakababata sa akin - mga lalaki na ang kanilang ama ay kinamumuhian ko - ang kanilang mga ama na hindi ko man lamang pahihintulutang tulungan ang aking mga aso na bantayan ang aking tupa.
\q
\v 2 Sila ay mga lalaki na matatanda at mahihina; ano ang mapapala ko kung magtatrabaho ang mga lalaking ito para sa akin, kahit na iniisip nilang malalakas sila?
\q
\v 3 Sila ay napakahirap at gutom na gutom, kaya ngumunguya sila sa mga ugat sa gabi sa mga tuyo at mapapanglaw na mga lugar.
\s5
\q
\v 4 Humila sila ng mga halaman sa ilang at kinain ang mga iyon; pinainit nila ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng pagsusunog ng mga ugat ng mga puno ng tambo.
\q
\v 5 Lahat ng tao ay sumigaw sa kanila, "Hinto, magnanakaw!" at pinalayas sila mula sa kanila lugar.
\q
\v 6 Napilitan silang manirahan sa mga ilog kama, sa mga lungga sa lupa, at sa mga gilid ng mga bangin.
\s5
\p
\v 7 Sa mga palumpong umungal sila na parang mga hayop dahil sila ay gutom, at nagsiksikan sila sa ilalim ng mga palumpong ng tinik.
\q
\v 8 Sila ay mga tao na walang mabuting pag-iisip, na ang mga pangalan ay walang nakaaalam; pinalayas sila mula sa lupain kung saan sila ipinanganak.
\s5
\p
\v 9 Ngayon ang mga anak nila ay kumakanta ng mga kanta para pagtawanan ako. Nagsasabi sila ng mga biro tungkol sa akin.
\p
\v 10 Namumuhi sila sa akin, at lumalayo sila sa akin, pero kapag nakikita nila ako, masaya silang dumudura sa aking mukha.
\p
\v 11 Parang pinutol ng Diyos ang lubid ng aking pana at dinulot na hindi ko maipatanggol ang aking sarili; ibinaba niya ako, at ginawa ng aking mga kaaway kung ano ang nais nila.
\s5
\q
\v 12 Sinalakay ako ng mga pangkat ng mga taong ito at pinilit akong tumakbo; naghahanda silang puksain ako.
\p
\v 13 Pinipigilan nila ako na makatakas at walang makapipigil sa kanila sa pagsalakay sa akin.
\s5
\p
\v 14 Parang ako ay isang pader ng lungsod at nakalusot sila dito, na parang dumating silang bumabagsak sa akin.
\p
\v 15 Labis akong natatakot; ang aking dangal ay hinipang palayo ng hangin, at naglaho ang aking kasaganaan na parang ulap na naglalaho.
\s5
\p
\v 16 Ngayon malapit na akong mamatay; araw-araw akong nagdurusa.
\p
\v 17 Sumasakit ang aking mga buto sa gabi, at hindi tumitigil ang sakit na nagpapahirap sa akin.
\s5
\q
\v 18 Parang sinaklot ng Diyos ang aking mga damit at sinakal ako sa kwelyo ng aking kapa.
\q
\v 19 Inihagis niya ako sa putik; ang halaga ko ay hindi hihigit pa sa alikabok at mga abo.
\s5
\q
\v 20 Umiiyak ako sa iyo, O Diyos, pero hindi mo ako sinasagot; Tumatayo ako at nanalangin, pero hindi mo pinansin.
\p
\v 21 Kumikilos ka nang napakalupit sa akin; gamit ang lahat ng iyong kapangyarihan dinudulot mong ako ay magdusa.
\s5
\p
\v 22 Pinahihintulutan mong itaas ako ng hangin at hipang palayo, at ginagawa mong puksain ako ng isang malupit na bagyo.
\p
\v 23 Alam ko na dudulutin mong mamatay ako, na kung ano ang nangyayari sa lahat ng nabubuhay.
\s5
\q
\v 24 Kapag nakakaranas ng mga sakuna ang mga tao, umuupo sila sa isang tambak ng malaking pinsala at sumisigaw para sa tulong; tiyak na sumisigaw sila para sa tulong.
\p
\v 25 Ako mismo ay umiiyak para sa mga tao na dumaranas ng kaguluhan, at naaawa ako sa mga mahihirap.
\p
\v 26 Gayunman, nang umasa ako na magagandang mga bagay ang mangyayari, masasamang mga bagay ang nangyayari; nang naghintay ako para sa ilaw, sa halip nakaranas ako ng kadiliman.
\s5
\q
\v 27 Lagi akong labis na nababagabag; nagdurusa ako araw-araw.
\q
\v 28 Lagi akong desmayado; tumatayo ako at nagsusumamo para tulungan ako ng mga tao.
\q
\v 29 Ang pananaghoy ko ay kasing lungkot ng mga asong gubat at mga ostrich sa ilang.
\s5
\q
\v 30 Nangitim ang aking balat at natutuklap, at ako ay may lagnat na nagdudulot na makaramdam ang aking katawan ng parang ito ay umaapoy sa lagnat.
\q
\v 31 Dati, tumutugtog ako ng masasayang musika sa aking alpa at sa aking plauta, pero ngayon tumutugtog lamang ako ng malungkot na musika ng mga namimighati."
\s5
\c 31
\p
\v 1 Gumawa ako ng taimtim na pangako sa aking sarili na hindi ako titingin sa isang dalaga at magnanasang sumiping sa kaniya.
\p
\v 2 Kung hindi ko gagawin ang kung ano ang aking ipinangako, ano ang ibibigay sa akin ng Diyos na nasa langit? Tiyak na hindi ako bibigyan ng Diyos ng anumang gantimpala!
\s5
\q
\v 3 Dati inakala ko na sigurado na ang mga hindi matuwid na tao ang makakaranas ng mga kalamidad, at ang mga gumagawa ng kung ano ang mali ang makakaranas ng mga sakuna.
\q
\v 4 Tiyak na nakikita ng Diyos ang lahat ng bagay na ginagawa ko, kung kaya't bakit niya dinudulot na magdusa ako? Para bang binibilang niya lahat ng mga ginagawa kong hakbang.
\s5
\q
\v 5 Taimtim kong ipinapahayag na hindi ako kailanman kikilos nang masama at hindi ko kailanman sinubukang luminlang ng mga tao.
\q
\v 6 Hinihiling ko lang na hatulan ako ng Diyos nang patas; kung gagawin niya iyon, malalaman niya na ako ay walang kasalanan.
\s5
\p
\v 7 Kung totoo na tumalikod ako sa pagtahak ng tamang mga landas, o na nakakita ako ng mga maling bagay na gagawin at pagkatapos ay ginawa ang mga iyon, o nagkabahid ang aking mga kamay dahil sa ako ay nagkasala,
\q
\v 8 kung gayon umaasa ako na kapag magtatanim ako ng mga binhi, may ibang aani ng mga tanim at kakainin ang mga iyon, at na bubunutin ng iba ang ani na itinanim ko.
\s5
\p
\v 9 Kung totoo nga na ako ay naakit ng asawa ng ibang lalaki, o na itinago ko ang aking sarili at naghintay sa labas ng pinto ng kaniyang bahay,
\q
\v 10 sana may ibang lalaki ang sumiping sa sarili kong asawa at na sumiping siya sa kaniya.
\s5
\p
\v 11 Para sa akin ang gawin iyon ay magiging isang napakasamang kasalanan, at ang mga hukom ay magpapasya na dapat akong parusahan.
\p
\v 12 Ang pangangalunya ko ay lilikha sa akin ng isang apoy tulad ng apoy na sumusunog sa mga tao sa impiyerno, at susunugin nito lahat ng pag-aari ko.
\s5
\p
\v 13 Kung totoo na tumanggi akong pakinggan ang isa sa aking mga lalaki o babaeng mga lingkod nang sila ay nagreklamo sa akin tungkol sa isang bagay,
\p
\v 14 sana tumayo ang Diyos at ipahayag na paparusahan niya ako; kapag ginawa niya iyon, ano ang magagawa ko? Kung tinanong niya ako tungkol sa kung ano ang ginawa ko, ano ang isasagot ko?
\q
\v 15 Ang Diyos na lumikha sa akin, tiyak na siya ring lumikha ng aking mga lingkod; tiyak na siya ang humubog sa kanila at sa akin sa mga sinapupunan ng aming mga ina, kaya't dapat tayong umasal sa isat isang sa parehong paraan.
\s5
\q
\v 16-18 Ginabayan ko ang mga ulila mula sa oras na sila ay ipinanganak; inalagaan ko sila buhat nang bata pa sila. Kaya kung totoo na kinain kong mag-isa lahat ng aking pagkain at hindi nagbahagi ng iba nito sa mga ulila, o kung tumanggi akong magbigay sa mga mahihirap ng mga bagay na nais nila, o kung dinulot ko na mamuhay nang walang pag-asa ang mga biyuda,
\s5
\q
\v 19 o na nakita kong namamatay ang mga tao dahil sa lamig dahil sa wala silang mga damit, o na nakita ko ang mga mahihirap na walang mga damit na magpapainit sa kanila,
\p
\v 20 at hindi sila nainitan mula sa mga damit na gawa sa balahibo ng aking tupa at pinasalamatan nila ako dahil dito,
\p
\v 21 o kung totoo man na nagbanta akong paluin ang sinumang ulila dahil alam ko na aaprubahan ako ng mga nakatatanda sa mga tarangkahan ng lungsod;
\s5
\p
\v 22 kung ang mga bagay na iyon tungkol sa akin ay totoo sana ay mapilas ang aking balikat talim at mapilas ang aking bisig mula sa aking balikat.
\q
\v 23 lagi akong natatakot na dudulutan ako ng Diyos na magdanas ng isang malaking sakuna kung gagawin ko ang anuman sa mga masasamang bagay na iyon, at hindi ko matitiis ang mga makapangyarihang bagay na gagawin niya para parusahan ako.
\s5
\p
\v 24 Kung totoo na pinagkatiwalaan ko ang aking ginto,
\p
\v 25 o na nagalak ako dahil natamo ko ang mararaming mga bagay at naging napakayaman,
\s5
\q
\v 26 o na tinignan ko ang araw nang ito'y maliwanag, o na tinignan ko ang magandang buwan,
\q
\v 27 at na natukso akong sambahin ang mga iyon sa pamamagitan ng paghahalik ng aking kamay para parangalan ko ang mga iyon,
\q
\v 28 ang mga iyon ay magiging kasalanan din para kung saan ang mga hukom ay magsasabi na dapat akong parusahan dahil aayawan ko ang Diyos sa paggawa ng mga bagay na iyon.
\s5
\q
\v 29-30 Hindi totoo na nagkasala ako sa paghihiling sa Diyos na sumpain ang mga tao na kinamuhian ako at na dulutin na sila ay mamatay; o na nagalak ako nang nawasak sila at nagalak nang dumanas sila ng sakuna.
\s5
\q
\v 31-32 o na hindi ko kailanman tinanggap ang mga manlalakbay na manatili sa aking bahay at hindi binuksan ang aking mga pinto sa kanila, pero pinilit silang matulog sa mga lansangan. Tiyak na alam ng lahat ng mga lalaki na nagtrabaho para sa akin na nagbigay ako ng pagkain sa sinumang nangangailangan nito!
\s5
\p
\v 33 Tinatago ng ibang tao ang kanilang mga kasalanan, pero hindi ko kailanman ginawa iyon;
\q
\v 34 at hindi ako kailanman tumahimik at tumangging lumabas dahil takot ako sa kung ano ang sasabihin ng mga tao tungkol sa akin, at na kamumuhian nila ako.
\s5
\q
\v 35 Sana ay may taong makikinig sa kung ano ang sinasabi ko! Taimtim kong ipinapahayag na lahat ng aking sinabi ay totoo. Sana ang mga sumalungat sa akin ay isulat sa isang kasulatang binalumbon ang mga masasamang bagay na sinasabi nila na ginawa ko.
\p
\v 36 Kung ginawa nila iyon, isusuot ko ang kasulatang binalumbon na iyon sa aking balikat o sa tuktok ng aking ulo, para makita ng lahat.
\q
\v 37 Sasabihin ko sa Diyos lahat ng bagay na aking ginawa, at lalapit ako sa kanya tulad ng gagawin ng isang tagapamahala, nang hindi natatakot.
\s5
\p
\v 38 Kung totoo nga na nagnakaw ako ng lupain, kung kaya't ang mga daan ng araro ay tulad ng isang tao na sumigaw para usigin ako;
\p
\v 39 o na kinain ko ang mga ani na tumubo sa bukid ng iba nang hindi nagbabayad para sa mga ani na iyon, nang sa gayon ang mga magsasaka na nagpalaki ng mga ani na iyon ay namatay dahil sa gutom;
\p
\v 40 kung gayon sana ang mga tinik ay tumubo sa aking mga bukid sa halip na trigo, at na masasamang damo ang tumubo sa halip na barley!' Iyan ang wakas ng kung ano ang sinabi ni Job sa tatlo niyang mga kaibigan.
\s5
\c 32
\p
\v 1 Pagkatapos ang tatlong lalaking iyon ay tumigil sa pagsagot kay Job dahil sa hindi nila mahikayat si Job na may nagawa siyang anumang kamalian.
\q
\v 2 Pagkatapos labis na nagalit si Elihu anak ni Baraquel, isang inapo ni Bus, mula sa angkan ni Ram. Nagalit siya dahil patuloy na inaangkin ni Job na siya ay walang kasalanan, at na mali ang Diyos na parusahan siya.
\s5
\p
\v 3 Galit din siya sa tatlong mga kaibigan ni Job dahil ipinahayag nila na tiyak na gumawa si Job ng maraming bagay na mali, pero hindi nila siya mahikayat.
\q
\v 4 Ngayon mas nakababata si Elihu kaysa sa iba, kung kaya't naghintay siya hanggang natapos silang magsalita bago siya sumagot kay Job.
\q
\v 5 Pero nang napagtanto ni Elihu na wala nang masabi kay Job ang tatlong lalaki, siya ay nagalit.
\s5
\p
\v 6 Ito ang kanyang sinabi: "Bata pa ako, at lahat kayo ay higit na matanda kaysa sa akin. Kaya ako ay nahihiya, at natatakot akong sabihin sa inyo kung ano ang aking iniisip.
\p
\v 7 Sinabi ko sa aking sarili, 'Hayaang ang mga higit na matatanda ang magsalita dahil dapat na mas makapagsasabi ang nakatatanda ng mga bagay na marurunong.'
\s5
\q
\v 8 Gayunman, ang Espiritu ng Makapangyarihang Diyos ay nasa loob ng mga tao, at siya ang nagbibigay kapangyarihan sa kanila na maging marunong.
\q
\v 9 Hindi lahat ng mga tao ay nagiging marunong kapag sila ay tumanda; hindi lahat ng matatanda ay nakakaunawa kung ano ang tama.
\q
\v 10 Iyan ang kung bakit sinasabi ko sa inyo ngayon, "Dinggin ninyo ako, at pahintulutan ako na ipahayag kung ano ang aking nalalaman.'
\s5
\q
\v 11 Hinintay ko na magsalita kayong lahat; nais kong marinig ang mga marurunong na bagay na inyong sasabihin. Naghintay ako habang maingat ninyong pinag-isipan tungkol sa ano ang dapat ninyong sasabihin.
\q
\v 12 Nakinig akong mabuti, pero nakakagulat, wala sa inyo ang nakapagpatunay na mali ang kung ano ang sinabi ni Job.
\s5
\p
\v 13 Kaya huwag ninyong sabihin sa inyong mga sarili, 'Natagpuan namin kung ano ang marunong!' Ang Diyos ang siyang dapat magpabulaan kay Job dahil hindi ninyong tatlo nagawa iyon.
\q
\v 14 Sa inyo sumasagot si Job, hindi sa akin, kaya't hindi ako sasagot sa kanya sa pamamagitan ng pagsasabi kung ano ang sinabi ninyong tatlo.
\s5
\p
\v 15 Sinasabi ko ito sa aking sarili: nalilito ang tatlong lalaking ito dahil wala na silang ibang masabi pa kay Job; wala na silang masasabi pa sa kanya.
\p
\v 16 Pero dahil hindi kayo nagsasalita, tiyak na hindi ako maghihintay pa nang mas matagal; tumatayo lamang kayo diyan at hindi na sumasagot.
\s5
\q
\v 17 Kaya ngayon sasagot din ako kay Job at sasabihin ko sa kanya kung ano ang nalalaman ko.
\q
\v 18 Marami akong sasabihin, at itinutulak ako ng aking espiritu na sabihin ito.
\p
\v 19 Ang kalooban ko ay tulad ng isang sisidlan ng alak na paunat nang paunat dahil sa pagbuburo, at malapit na itong sumabog.
\s5
\p
\v 20 Kailangan kong magsalita para mapahinga ako mula sa pagsisikap na pigilan ang aking mga salita; may dapat akong sabihin para tumugon sa inyong lahat.
\p
\v 21 Magsasalita ako nang patas, na walang kinikilingan sa sinumang sa inyo, at hindi ko susubukang purihin nang labis-labis ang sinuman.
\p
\v 22 Hindi ko talaga alam paano magpuri nang labis-labis sa mga tao; kung ginawa ko iyon, wawasakin ako ng Diyos sa lalong madaling panahon.
\s5
\c 33
\p
\v 1 Ngayon Job, makinig ka nang maigi sa lahat ng aking sasabihin.
\q
\v 2 Handa na akong sabihin ang mga iniisip ko.
\q
\v 3 Alam ko sa aking sarili na totoo at matapat akong nagsasalita.
\s5
\q
\v 4 Tulad mo, nilikha din ako ng Makapangyarihang Diyos, at sa kaniyang hininga binuhay niya ako.
\p
\v 5 Sagutin mo ang sasabihin ko kung kaya mo; pero isipin mo munang mabuti ang iyong sagot.
\s5
\q
\v 6 Parehas ang tingin sa atin ng Diyos; dahil parehas niya tayong ginawa mula sa putik.
\p
\v 7 Kaya hindi ka dapat matakot sa akin; Hindi ako magsasalita nang masakit laban sa iyo.
\s5
\p
\v 8 Narinig kitang magsalita, at ito ang iyong sinabi:
\q
\v 9 'Inosente ako, at hindi nagkasala: Malinis ang aking konsensiya, at hindi ako gumawa ng mga bagay na mali.
\s5
\q
\v 10 Pero humanap ng mga dahilan ang Diyos para akusahan at tinuring niya akong kaaway.
\q
\v 11 Para bang tinali niya ang aking mga paa sa mga kahoy na pangbilanggo, at tinitingnan niya ang lahat ng ginagawa ko'.
\p
\v 12 Pero sasabihin ko sayo kung saan ka nagkamali. Mas higit ang Diyos sa lahat ng tao.
\s5
\p
\v 13 Kaya bakit ka nakikipagtalo sa Diyos? Hindi niya kailangan sabihin sa atin ang dahilan ng mga ginagawa niya.
\q
\v 14 Tunay nga na nakikipag-usap sa atin ang Diyos sa maraming paraan, pero hindi natin binibigyang pansin ang mga sinasabi niya.
\q
\v 15 Minsan nakikipag-usap siya sa gabi sa ating panaginip at pangitain kapag mahimbing ang tulog natin sa higaan.
\s5
\q
\v 16 Naghahayag siya ng mga bagay sa mga panahong iyon; tinatakot niya tayo sa pamamagitan ng babala sa mga bagay.
\p
\v 17 Sinasabi niya ang mga ito sa atin para tumigil tayo sa paggawa ng mga masasama at iniiwas niya tayo na maging mayabang.
\p
\v 18 Ayaw niyang mawasak tayo; Gusto niya tayong iiwas sa kamatayan habang tayo'y bata pa.
\s5
\q
\v 19 Tinatama din tayo ng Diyos sa pamamagitan ng malubhang sakit at karamdaman.
\p
\v 20 Dahil dito, wala tayong ganang kumain, kahit ang paboritong ulam natin.
\s5
\q
\v 21 Nangangayayat na tayo, kamukha na natin ang kalansay at lumilitaw na ang ating mga buto na kaya na nilang bilangin.
\p
\v 22 Alam na natin na malapit na tayong mamatay at patungo na sa libingan.
\s5
\p
\v 23 Pero, minsan may lumalapit na anghel sa isa sa atin, isa sa libo-libong anghel ang dumating para mamagitan sa atin at sa Diyos, para sabihin sa atin kung ano ang tamang gawin.
\p
\v 24 Mabait ang anghel sa atin at sinabi sa Diyos, 'Pakiusap, pakawalan mo ang taong iyon, para hindi siya mamatay! Gawin mo iyon dahil nakahanap na ako ng paraan para mailayo mo siya sa kamatayan!
\s5
\q
\v 25 Pakiusap, palakasin mo muli ang kaniyang katawan; pakiusap hayaan mo siyang maging malakas gaya noong bata pa siya!'
\q
\v 26 Kung mangyayari iyon, siya ay mananalangin, at tatanggapin ng Diyos; nagagalak siyang pupunta sa piling ng Diyos, at pagkatapos sasabihin niya kung paano siya niligtas ng Diyos mula sa kamatayan.
\s5
\q
\v 27 Aawit siya at sasabihin sa lahat, 'Nagkasala ako, at gumawa ako ng mga bagay na hindi tama, pero hindi ako pinarusahan ng Diyos nang nararapat sa akin.
\q
\v 28 Niligtas niya ako mula sa kamatayan at pagpunta sa lugar ng mga patay, at patuloy akong magsasaya sa pagiging buhay.'
\s5
\q
\v 29 Maraming beses nang ginagawa sa atin ito ng Diyos;
\q
\v 30 nilayo niya tayo mula sa kamatayan at pagpunta sa lugar ng mga patay, para patuloy tayong magsasaya sa pagiging buhay.
\s5
\q
\v 31 Kaya Job, makinig ka sa akin; hayaan mo na lang ako magsalita.
\q
\v 32 Pagkatapos nito, kung mayroon kang sasabihin sa akin, sabihin mo na, dahil gusto kong humanap ng paraan para mapatunayan na walang kang kasalanan.
\q
\v 33 Pero, kung wala, makinig ka na lang sa akin, at tuturuan kita kung paano maging matalino."
\s5
\c 34
\p
\v 1 Pagkatapos, nagpatuloy si Elihu sa pagsasabi nito:
\q
\v 2 "Kayong mga nag-iisip na sobrang talino ninyo, makinig kayo sa aking sasabihin, kayong nagsasabi na marami kayong alam.
\p
\v 3 Kapag narinig naming nagsasalita ang mga tao, iniisip naming maigi ang tungkol sa sinasabi nila para malaman namin kung ano ang mabuti at masama, gaya ng pagtikim namin sa pagkain, para malaman namin kung ano ang masarap kainin.
\s5
\q
\v 4 Kailangan naming mapagpasyahan kung sino ang nagsasabi ng totoo, at kailangan naming malaman sa aming mga sarili kung ano tama.
\q
\v 5 Sinabi ni Job, 'Inosente ako, pero tumanggi ang Diyos na hatulan ako ng patas.
\p
\v 6 Kahit na lagi kong ginagawa ang tama, nagsisinungaling siya tungkol sa akin. Kahit na wala akong ginawang mali, sinanhi niya akong maghirap, at tiyak na ikamamatay ko ito.'
\s5
\p
\v 7 Mayroong bang tao na katulad ni Job, na nang-iinsulto ng iba na kasing dali nang pagtanggap ng tao sa maiinom na tubig?
\p
\v 8 Lagi niyang kasama ang mga gumagawa ng masama at naglalaan ng oras kasama sila.
\p
\v 9 Tiyak na ginagawa niya ang mga ito dahil sabi niya, 'walang saysay para sa tao na subukang pasayahin ang Diyos.'
\s5
\p
\v 10 Kaya, kayong nagsasabi na nauunawaan ninyo ang lahat, makinig kayo sa akin! Kailanman hindi susubukan ng Makapangyarihang Diyos na gumawa ng kasamaan o kamalian!
\q
\v 11 Ginagantimpalaan niya ang mga tao dahil sa kanilang ginawa; binibigay niya ang nararapat sa kanila para sa paraan kung paano sila namumuhay.
\q
\v 12 Tunay na hindi gumagawa ng kasamaan ang Makapangyarihang Diyos; kailanman hindi niya tinawag na tama ang mali.
\s5
\p
\v 13 Walang nagbigay sa kaniya ng karapatan na mamahala sa lahat nang nasa mundo; walang naglagay sa kaniya na pamahalaan ang buong daigdig.
\p
\v 14 Kung sarili niya lang ang iniisip niya at hindi na tayo, at kung tumigil na siyang buhayin tayo,
\q
\v 15 mabilisang mamamatay ang lahat, at magiging lupa muli ang ating mga bangkay.
\s5
\p
\v 16 Kaya Job, kung sasabihin mo na nauunawaan mo ang lahat ng bagay, makinig ka sa sinasabi ko.
\q
\v 17 Tiyak na hindi kailanman magagalit ang Diyos sa tama at mananatiling mamamahala sa daigdig. Kaya hindi mo talaga maaaring punahin ang Diyos na matuwid at makapangyarihan, at hindi mo maaaring sabihin na mali ang kaniyang ginagawa, hindi ba?
\s5
\p
\v 18 Sinasabi niya na walang kwenta ang ilang mga hari, at sinasabi na masasama ang ilang mga opisyal.
\q
\v 19 Hindi niya tinatangi ang mga namamahala kaysa sa iba; hindi niya tinatangi ang mayayaman kaysa sa mahihirap dahil sila'y nilikha niya.
\q1
\v 20 Madalas silang namamatay agad; inaatake niya sila sa hating-gabi at namatay; pinapatay niya ang mga makapangyarihan nang walang tumutulong.
\s5
\p
\v 21 Nakikita niya lahat ng ginagawa ng mga tao; kapag naglalakad tayo; tinitingnan niya ang bawat hakbang natin.
\q1
\v 22 Walang kapanglawan o kadiliman ang mapagtataguan ng masasamang tao mula sa Diyos.
\q1
\v 23 Hindi kailangan ng Diyos na maglagay ng oras para humarap tayo sa kaniya para hatulan tayo. Alam niya na ang lahat tungkol sa atin.
\s5
\q1
\v 24 Pinapatay niya ang mga makapangyarihang tao nang hindi kinakailangan ng pagsusuri sa kanilang ginawa, at nagtatalaga siya ng iba sa kanilang mga lugar.
\p
\v 25 Dahil alam niya na ang ginawa nila, tinatanggal niya sila sa gabi at pinapatay sila.
\s5
\q1
\v 26 Inaatake niya sila dahil sa masasamang bagay na ginawa nila; maraming tao ang nakakita na ginawa niya ito.
\q1
\v 27 Pinapatay niya sila dahil sa paglayo sa pinapagawa niya at hindi pagbibigay-pansin sa mga inutos niya.
\q1
\v 28 Inabuso nila ang mahihirap; tumawag ng tulong sa Diyos at narinig niya sila.
\s5
\p
\v 29 Kahit pa kung magpasya ang Diyos na hindi parusahan ang masasamang tao, walang maaring humusga sa kaniya. Pinamamahalaan ng Diyos ang lahat ng bansa at lahat ng tao.
\q
\v 30 Ginagawa niya ito para maparangalan siya ng mga namamahala sa atin, para hindi tayo apihin.
\s5
\q
\v 31 Job, nasubukan mo na ba, o ng sinuman na sabihin sa Diyos, 'Tiyak na nagkasala ako, pero hindi na ako magkakasala muli;
\q
\v 32 kaya ituro mo sa akin kung anong mga kasalanan ang nagawa ko; kung nakagawa ako ng kasamaan, hindi ko na ito uulitin'?
\q
\v 33 Sinalungat mo ang mga ginawa sa iyo ng Diyos, sa tingin mo gagawin niya ang pinapagawa mo? Ikaw dapat ang mamili ng sasabihin mo sa Diyos, hindi ako; sabihin mo sa akin kung ano ang iniisip mo tungkol dito.
\s5
\q
\v 34 Kayong may mga pang-unawa, kayong matatalino at sa mga nakikinig, sasabihin ninyo ba sa akin,
\q
\v 35 'mapagmataas na nagsasalita si Job; walang kabuluhan ang kaniyang mga sinasabi.'
\s5
\q
\v 36 Kayong mga kaibigan ni Job, Ito ang masasabi ko sa inyo: sa tingin ko, dapat litisin si Job sa hukuman dahil sumagot siya sa atin at kaniyang mga kaibigan na parang masasamang tao ang sumagot.
\q
\v 37 Bilang karagdagan sa mga nagawa niyang kasalanan, nagrerebelde siya laban sa Diyos; pinakita niya sa atin na hindi niya ginagalang ang Diyos; gumawa siya ng mahabang talumpati na sinasabi niya na hindi makatarungan ang Diyos sa kaniyang pagpaparusa.
\s5
\c 35
\p
\v 1 Pagkatapos, sinabi din ito ni Elihu:
\q
\v 2 "Job, sa tingin mo wala ka talagang nagawang pagkakamali? Sabi mo, 'Alam ng Diyos na inosente ako,'
\q
\v 3 at sabi mo pa, 'Anong kabutihan ang matatanggap ko sa hindi paggawa ng kasalanan? Anong pakinabang ang natanggap ko na wala ako, kahit na nagkasala ako?
\s5
\p
\v 4 Kung ganoon, sasagutin kita, sasagutin ko din ang tatlong kaibigan mo.
\q
\v 5 Job, tumingala ka sa kalangitan; tingnan mo ang mga ulap na higit na mas mataas sa iyo at unawain mo na higit na mas mataas ang Diyos sa lahat ng bagay, tiyak na hindi mo maabot.
\s5
\q
\v 6 Kung nagkasala ka, hindi magbabago ang Diyos. Kahit marami kang paulit-ulit na gawing kamalian, tiyak na hindi siya magbabago.
\p
\v 7 Ganoon din sa iba, kung matuwid ka, makatutulong ba ito sa Diyos? Hindi, wala sa ginawa mo ang makatutulong sa kaniya.
\q
\v 8 Naghihirap ang ibang tao dahil sa masasamang bagay na ginawa mo; ganun din sa iba, maari kang makatulong sa iba kung gagawin mo ang tama para sa kanila.
\s5
\p
\v 9 Umiiyak ang mga tao dahil sa mga maling ginawa ng iba na naging dahilan ng kanilang paghihirap; tumawag sila ng tulong dahil sa mga masasamang bagay na ginawa sa kanila ng mga taong nakatataas.
\p
\v 10 Pero, walang tumawag sa Diyos at sinabi, ' Bakit hindi ako tinutulungan ng Diyos na aking tagapaglikha? Dapat bigyan niya ako ng kakayahan na umawit ng masayang mga awitin, sa halip na malulungkot na mga awitin sa gabi.
\q
\v 11 Dapat niya kaming turuan na mas higit sa pagtuturo niya sa mga mababangis na hayop; dapat niya kaming gawing mas matalino kaysa sa lahat ng ibon!'
\s5
\q
\v 12 Umiiyak ang mga tao para sa tulong, pero hindi sumasagot ang Diyos dahil mayayabang at masasamang tao ang umiiyak.
\q
\v 13 Walang silbi na umiyak pa sila dahil ang Diyos na Makapangyarihan ay hindi nagbibigay pansin sa mga sinasabi nila.
\q
\v 14 Kaya kapag nagreklamo ka na hindi mo nakikita ang Diyos, at sinasabi mo sa kaniya na naghihintay ka ng pagpapasya niya kung wala kang nagawang kasalanan, hindi siya makikinig sa iyo, kahit anong sabihin mo!
\s5
\q
\v 15 At saka, sabi mo rin na dahil hindi siya nagbibigay-pansin kapag gumagawa ng mga kasalanan ang mga tao, hindi siya nagagalit at nagpaparusa sa kanila.
\p
\v 16 Mga kaibigan, narinig ninyo ang mga walang kwentang sinabi ni Job, marami siyang pinagsasabi na hindi niya pinag-isipan.
\s5
\c 36
\p
\v 1 Tinapos ni Elihu ang kaniyang mga salita sa pagsasabi nito:
\p
\v 2 "Job, magtiis ka pa ng saglit dahil may iba pa akong ituturo sa iyo. May iba pa akong sasabihin sa iyo para mapatunayan na hindi nagkakamali ang Diyos.
\q
\v 3 Sasabihin ko sa iyo ang mga nalaman ko mula sa mga natutunan ko, para ipakita sa iyo na makatuwiran ang aking Diyos na tagapaglikha.
\s5
\q
\v 4 Wala akong sasabihn sa iyo na kasinungalingan; Ako na nasa harapan mo ay isang tao na nakauunawa nang mabuti sa mga bagay.
\p
\v 5 Totoong makapangyarihan ang Diyos, at wala siyang kinasusuklaman; at nauunawaan niya ang lahat ng bagay.
\s5
\q
\v 6 Hindi niya pinahihintulutan na manatiling buhay ang mga masasamang tao - kabaliktaran ng iyong sinabi, at lagi siyang kumikilos nang matuwid sa mga nahihirapan.
\q
\v 7 Lagi siyang nagmamasid sa matutuwid; pinayayaman niya sila na parang hari, at pinaparangalan niya sila ng mga tao magpakailanman.
\s5
\p
\v 8 Gayon pa man, kung mahuhuli ang mga taong gumagawa ng mga krimen, o kung naghihirap sila sa bilangguan dahil may ginawa silang mali,
\p
\v 9 doon ipapakita ng Diyos ang kanilang ginawa; ipapakita niya sa kanila ang mga kasalanan na kanilang ginawa, at ipapakita niya sa kanila kung paano sila naging mayabang.
\s5
\p
\v 10 Ginagawa niya silang makinig sa kaniyang babala, at inuutusan niya silang lumayo sa paggawa ng masama.
\p
\v 11 Kung makikinig sila sa kaniya at maglilingkod, pagpapalain sila at magiging masaya habang sila ay nabubuhay.
\p
\v 12 Pero kung hindi sila makikinig sa kaniya, marahas silang mamamatay dahil wala silang naunawaan sa Diyos at sa nais niyang ipagawa sa kanila.
\s5
\p
\v 13 Sa mga taong nabigong parangalan ang Diyos, patuloy silang nagagalit, at hindi humihingi ng tulong kahit na pinarurusahan na sila Diyos.
\p
\v 14 Namatay sila habang bata pa sila, napahiya dahil sa kanilang imoral na pamumuhay.
\s5
\p
\v 15 Minsan nililigtas ng Diyos ang mga tao sa pamamagitan ng paghihirap; sa pamamagitan ng pagpapahirap sa kanila, sinasanhi niya silang makinig sa kaniyang sinasabi.
\q
\v 16 Sa tingin ko gusto kang iligtas ng Diyos sa iyong mga kaguluhan at hayaan kang mabuhay nang mapayapa Job; gusto niyang punuin ng pagkain ang iyong lamesa ng masasarap na mga pagkain.
\s5
\p
\v 17 Gayon pa man, pinarurusahan ka niya ngayon tulad ng pagpaparusa niya sa masasama; hinatulan ka ng Diyos nang tama.
\p
\v 18 Mag-ingat na hindi ka malinlang ng paghahangad ng pera o hindi masira ang iyong dignidad sa pagtanggap ng malaking suhol na magiging dahilan ng hindi mo pagturing ng patas sa mga tao.
\s5
\q
\v 19 Kung mangyayari iyon, tiyak na hindi makakatulong ang pag-iyak mo sa panahon ng pamimighati; walang makakatulong sa iyo.
\p
\v 20 Huwag mong hilingin na maggabi na, para mang-abuso ng mga tao na walang nakaaalam; gabi ang oras kung saan namamatay ang mga tao!
\q
\v 21 Mag-ingat ka na huwag gumawa ng masasamang bagay, dahil pinahihirapan ka ng Diyos para mailayo ka sa paggawa ng masama.
\s5
\p
\v 22 Pinupuri ng mga tao ang Diyos dahil makapangyarihan siya; tiyak na walang guro na katulad niyang magturo.
\p
\v 23 Walang ni isa ang nagsasabi ng dapat niyang gawin, at walang ni isa ang nagsabi sa kaniya, 'Mali ang ginawa mo!'
\p
\v 24 Laging umaawit ang mga tao para purihin siya, kaya dapat huwag mo rin siyang kalimutang purihin sa kaniyang mga ginawa.
\s5
\p
\v 25 Nakita ng lahat ng tao ang mga ginawa niya, pero hindi natin maintindihan lahat ito.
\p
\v 26 Dakila ang Diyos! Hindi namin masukat kung gaano siya kadakila, at hindi natin maintindihan kung ilang taon na siya.
\s5
\p
\v 27 Kumukuha siya ng tubig sa lupa at nilalagay sa mga ulap at sinasanhi na maging ulan;
\p
\v 28 bumuhos ang ulan mula sa kalangitan at sinasanhi niyang bumuhos nang sagana sa lahat ng tao.
\p
\v 29 Walang ni isa ang makauunawa kung paano gumagalaw ang mga ulap sa kalangitan o paano kumukulog sa kalangitan kung saan nakatira ang Diyos.
\s5
\q
\v 30 Sinasanhi niyang kumislap ang mga kidlat sa bawat dako, pero sinasanhi niyang manatiling madilim ang mga karagatan.
\p
\v 31 Sa pagbibigay ng sapat na ulan sa lahat ng tao, nagbibigay siya ng masaganang pagkain.
\s5
\p
\v 32 Para bang hawak-hawak niya ang kidlat sa kaniyang mga kamay, at pagkatapos inuutusan niya itong tumama kung saan niya gustuhin.
\p
\v 33 Kapag narinig natin ang kaniyang kulog, alam na natin na may paparating na bagyo, at alam din ito ng mga hayop.
\s5
\c 37
\p
\v 1 Kumakabog ang aking puso sa tuwing iniisip ko iyon.
\p
\v 2 Makinig kayong lahat sa kulog, gaya ito ng tinig ng Diyos.
\q
\v 3 Pinadadala niya ang kulog sa buong kalangitan, at pinadadala niya ang mga kidlat sa lahat ng dako ng mundo.
\s5
\q
\v 4 Pagkatapos kumislap ang mga kidlat, naririnig natin ang kulog na gaya ng malakas na tinig ng Diyos; kapag nagsalita siya, hindi niya binabalik ang mga kidlat.
\p
\v 5 Kapag nagsasalita siya, natatakot at namamangha sa kaniya, gaya ng kulog, gumagawa siya ng kamangha-manghang mga bagay na hindi natin maintindihan.
\q
\v 6 Inuutusan niya ang niyebe na mahulog sa lupa at minsan nagpaulan siya nang malakas.
\s5
\q
\v 7 Kapag ginawa iyon ng Diyos, napapahinto ang mga tao sa pagtratrabaho, para malaman ng lahat ng tao na siya ang gumagawa ng lahat ng ito.
\q
\v 8 Kapag umuulan, pumupunta ang mga hayop sa kanilang taguan, at nananatili sila doon hanggang tumila ang ulan.
\q
\v 9 Dumarating ang mga bagyo sa timog, at dumarating ang malamig na hangin mula sa hilaga.
\s5
\p
\v 10 Sa taglamig, nagyeyelo ang mga tubig kapag inutos niya.
\q
\v 11 Pinupuno ng Diyos ang mga ulap ng tubig, at kidlat na kumikislap sa lahat ng lugar na nagmumula sa mga ulap.
\s5
\p
\v 12 Pinapatnubayan niya ang mga ulap at sinasanhi sila na magpabalik-balik para matupad nila lahat ng mga inutos niya na gawin sa buong daigdig.
\q
\v 13 Minsan nagpapadala ang Diyos ng ulan para parusahan tayo, minsan para tubigan ang mga lupain na kaniyang nilikha, at minsan gusto niya lang maging mabait sa atin.
\s5
\q
\v 14 Job, makinig ka sa mga ito; isipin mo ang kamangha-manghang mga bagay na ginagawa ng Diyos.
\q
\v 15 Alam mo ba kung paano inuutusan ng Diyos ang mga kidlat na kumislap mula sa mga ulap?
\s5
\q
\v 16 Ang Diyos lang ang nakakaalam ng lahat ng bagay; alam mo ba kung paano niya sinasanhi ang mga ulap na gumalaw sa kalangitan?
\p
\v 17 Hindi, nagpapawis ka sa iyong damit; hindi tama kapag huminto sa pag-ihip ang mainit na hangin mula sa timog at hindi na gumalaw ang mga dahon ng mga puno.
\s5
\p
\v 18 Kaya mo bang palawakin ang kalangitan gaya ng ginagawa ng Diyos at gawin itong kasing tigas ng salaming bakal?
\q
\v 19 Dami mong alam, Job! Kaya sabihin mo sa amin kung ano ang sasabihin namin sa Diyos; Hindi namin alam kung paano namin ipagtatanggol ang aming mga sarili.
\q
\v 20 Dapat ba akong mag-utos sa isang tao na sabihin sa Diyos na gusto ko siyang makausap? Hindi, dahil kapag ginawa ko iyon, baka patayin niya ako.
\s5
\q
\v 21 Alam mo na hindi makatingin ang mga tao nang deretso sa araw kapag nagliliwanag ito sa kalangitan pagkatapos hipan ng hangin ang mga ulap palayo; gayon din naman, tiyak na hindi tayo makakatingin sa liwanag ng Diyos.
\q
\v 22 Darating ang Diyos mula sa hilaga na may liwanag na kumikinang gaya ng ginto; tinatakot tayo ng kaniyang kaluwalhatian.
\s5
\q
\v 23 Labis ang kapangyarihan ng Diyos, at hindi namin alam kung paano kami lalapit sa kaniya. Lagi siyang kumikilos nang makatuwiran, at kailanman hindi niya kami inabuso.
\q
\v 24 Iyon ang dahilan kaya mayroon kaming labis na paggalang sa kaniya; hindi niya pinapansin ang mga mayayabang at ang mga nagsasabi na sila ay matalino.
\s5
\c 38
\p
\v 1 Pagkatapos, nagsalita si Yahweh kay Job mula sa loob ng malakas na bagyo. Sinabi ng Diyos sa kaniya,
\q
\v 2 "sino ka para guluhin ang aking mga plano? Wala kang alam!
\q
\v 3 Tatanungin kita, kaya magpakalalaki ka at maghanda kang sumagot sa aking mga tanong.
\s5
\q
\v 4 Nasaan ka nang sinimulan kong likhain ang mundo? Dahil marami kang nalalaman, sabihin mo sa akin kung nasaan ka nang panahong iyon.
\q
\v 5 Kung hindi ako ang nagpasya kung gaano magiging kalaki ang mundo, sino ang nagpasya? Alam mo ba kung sino ang nag-unat ng linya sa paligid ng mundo para sukatin ito? Dahil iniisip mo na marami kang alam, siguradong alam mo ito!
\s5
\q
\v 6-7 Ano ang sumusuporta sa mga haligi ng kinalalagyan ng mundo? Kapag nagniningning ang mga bituin sa madaling araw, para silang mga tao na sama-samang kumakanta, at mayroong sangkal na bato na naging dahilan para manatili ang mundo sa lugar nito, at sumigaw sa galak ang mga anghel nang nakita nila ang nangyari, sino ang naglatag ng pundasyon?
\s5
\p
\v 8 Nang bumuhos ang mga tubig sa dagat mula sa ilalim ng mundo, sino ang nagpatigil ng tubig mula sa pagbaha sa buong lupain?
\q
\v 9 Ako iyon, hindi ikaw, sino ang nagsanhi sa mga ulap na pumunta sa mga dagat at sanhiin itong maging sobrang dilim sa ilalim ng mga ulap.
\s5
\q
\v 10 Naglagay ako ng mga hangganan sa mga dagat, at naglagay ako ng mga harang para hindi pumunta ang tubig sa lupain.
\q
\v 11 Tinuro ko ang dalampasigan at sinabi ko sa tubig, 'Pinahihintulutan kita na pumunta dito, pero hindi kita pinahihintulutan na mas lumapit pa. Hanggang dito na lamang ang malakas mong mga alon!'
\s5
\p
\v 12 Job, nautusan mo na bang magsimula ang umaga? Nasabi mo na ba sa araw na magsimula na itong sumikat at magsimula ng panibagong araw?
\q
\v 13 Nasabi mo na ba sa dapit-umaga na magliwag sa buong mundo na naging dahilan na tumakbo palayo ang masasamang tao mula sa liwanag?
\s5
\q
\v 14 Nang nagliwanag na ito pagkatapos ng bukang-liwayway, naging malinaw ang mga burol at mga lambak gaya ng selyo o mga tupi ng damit.
\q
\v 15 Kapag nagliwanag na ang araw, mawawala na ang kadilimang gustong-gusto ng mga masasamang tao; sa liwanag ng araw, hindi na nila kayang manakit ng sinuman.
\s5
\q
\v 16 Job, nakapaglakbay ka na ba sa mga bukal sa ilalim ng karagatan kung saan nanggagaling ang tubig ng mga dagat? Nakita mo na ba ang pinakailalim ng mga karagatan?
\q
\v 17 May nagpakita na ba sa iyo ng mga tarangkahan kung nasaan ang mga patay, mga tarangkahan kung saan sobrang dilim kasama ng mga patay?
\q
\v 18 Alam mo ba kung gaano kalaki ang mundo? Sabihin mo sa akin, kung alam mo ang lahat ng ito!
\s5
\q
\v 19 Saan ang daan kung saan nagmumula ang liwanag? Kaya mo bang sabihin sa akin kung saan nakatira ang kadiliman? Kaya mo bang ihatid ang liwanag at kadiliman sa mga lugar na kanilang pinagtratrabahuhan araw-araw?
\q
\v 20 Alam mo ba ang daan pabalik sa kanilang mga tahanan?
\p
\v 21 Sigurado ako na marami kang nalalaman dahil pinanganak ka bago malikha ang lahat ng bagay; siguro sobrang tanda mo na!
\s5
\q
\v 22 Nakapasok ka ba sa kung saan ko nilalagay ang niyebe at lugar kung saan ko tinatago ang mga yelo?
\q
\v 23 Inimbak ko ang niyebe at yelong ito para magamit ko sa panahon nang pagaaway-away ng mga tao sa mundo, sa panahon nang kanilang mga digmaan.
\p
\v 24 Saan ang daanan kung saan sinasanhi kong pumunta ang kislap ng mga kidlat? Saang lugar nagmumulang umihip sa buong mundo ang hangin sa silangan?
\s5
\q
\v 25 Sino ang gumawa ng mga daanan kung saan bumabagsak ang ulan mula sa kalangitan? Sino ang gumawa ng mga daanan ng kulog sa hangin?
\q
\v 26 Sino ang nagsasanhi na bumagsak ang ulan sa disyerto, kung saan walang naninirahan?
\q
\v 27 Sino ang nagdadala ng ulan na nagbabasa ng tuyot na mga lugar, para tumubo muli ang mga damo sa mga lugar na walang tumutubo?
\s5
\q
\v 28 Mayroon bang ama ang ulan? Mayroon din bang ama ang hamog?
\q
\v 29 Kaninong sinapupunan nagmumula ang yelo sa tag-lamig? Sino ang nagsisilang ng niyebe mula sa kalangitan?
\q
\v 30 Sa tag-lamig, tumitigas ang tubig at nagiging kasing tigas ng bato, at tumigas ang ibabaw ng mga lawa.
\s5
\q
\v 31 Kaya mo bang itali ang mga kadena na nagpapanatili sa mga bituin na magsama-sama sa kumpol ng Pleyades Job? Kaya mo bang tanggalin ang mga buhol ng mga bituin sa Orion?
\q
\v 32 Kaya mo bang sabihin sa mga bituin at mga planeta kung kailan sila magliliwanag?
\q
\v 33 Kaya mo bang gabayan ang mga grupo ng bituin na kasing hugis ng malaki at maliit na oso? Alam mo ba ang mga batas na dapat sundin ng mga bituin? Kaya mo bang sanhiin na gamitin ang ilang batas na iyon para pamahalaan ang lahat ng bagay dito sa mundo?
\s5
\q
\v 34 Kaya mo bang utusan ang mga ulap at magpa-ulan?
\q
\v 35 Kaya mo bang sanhiin na kumislap ang mga kidlat pababa at tumama kung saan mo gustuhin? Na sasabihin nila sa iyo, 'Saan mo kami gustong ipatama?
\s5
\q
\v 36 Sino ang nagbigay ng kakayahan sa mga ulap na malaman kung kailan nila sasanhiin na bumuhos ang ulan?
\q
\v 37 Sino ang mahusay na tao ang kayang bilangin ang mga ulap? Sino ang makakapagtumba ng mga lalagyanan ng tubig sa kalangitan
\q
\v 38 para sanhiing bumuhos ang ulan para ang tuyong lupa ay tumigas gaya ng tuyong tipak na nabasa at nagsama-sama?
\s5
\q
\v 39-40 Kapag ang babaeng leon at kaniyang mga anak ay yumukyok sa kanilang mga lungga at nagtatago sa masukal na lugar habang naghihintay ng ilang hayop na dadaan para patayin nila, kaya mo bang maghanap ng mga hayop para makakain ng karne ang babaing leon at kaniyang mga anak at hindi na sila magugutom muli?
\s5
\q
\v 41 Sino ang nagbibigay ng patay na mga hayop sa uwak, kapag humihingi ng pagkain ang kaniyang mga anak, kapag nanghihina na sila dahil sa kakulangan sa pagkain na sumusuray-suray na sa kanilang mga pugad?
\s5
\c 39
\p
\v 1 "Job, alam mo ba kung kailan nanganganak ang mga kambing? Nakakita ka na ba ng nanganganak na usa?
\p
\v 2 Alam mo ba kung gaano sila katagal magbuntis?
\s5
\q
\v 3 Lumuluhod sila sa panganganak hanggang matapos ang kirot na nararamdaman nila.
\q
\v 4 Lumalaki ang mga guya sa mga damuhan, at pagkatapos, iniiwan nila ang kanilang mga ina at hindi na bumabalik sa kanila muli.
\s5
\q
\v 5 Sino ang nagbigay kalayaan sa mga asno na pumunta saan man nila gustuhin palayo sa mga lungsod?
\p
\v 6 Ako ang nagpalaya sa kanila at naglagay sa kanila sa disyerto.
\s5
\q
\v 7 Hindi nila gusto ang ingay sa mga lungsod; sa disyerto, hindi nila kailangang makinig sa mga pumipilit sa kanila na magtrabaho.
\p
\v 8 Pumupunta sila sa mga burol para humanap ng pagkain.
\s5
\q
\v 9 Papayag bang magtrabaho para sa iyo ang mabangis na toro? Papayag ba itong ikulong mo sa gabi sa lugar kung saan mo nilalagay ang mga pagkain ng mga alaga mong hayop?
\q
\v 10 Kaya mo bang talian ito ng lubid para mag-araro ng mga tudling sa bukirin mo?
\s5
\q
\v 11 Dahil napakalakas nito, kaya mo bang pagkatiwalaan ito dahil doon? Kaya mo ba itong iwan pagkatapos mong sabihin sa kaniya at aasahang gagawin niya ito?
\q
\v 12 Kaya mo bang asahan ito na dalhin ang mga butil mula sa bukirin papunta sa iyong giikan?
\s5
\q
\v 13 Isipin mo rin ang tungkol sa mga ostrits. Masaya nilang pinapagaspas ang kanilang mga pakpak, pero wala silang pagmamahal sa kanilang sariling anak.
\q
\v 14 Nangingitlog ang mga ostrits sa lupa at umaalis, iniiwang malimliman ang mga itlog nito sa buhangin.
\q
\v 15 Hindi iniisip ng mga ostrits ang posibilidad na maaaring may hayop na makatapak at makadurog ng mga ito.
\s5
\q
\v 16 Malupit ang mga ostrits sa kanilang mga inakay. Wala silang pakialam kung mamatay ang mga inakay nila, na nangitlog sila para sa wala.
\q
\v 17 Iyon ay dahil hindi ko binigyan ng talino ang mga ostrits. Hindi ko sila ginawang matalino.
\q
\v 18 Pero, kapag tumayo sila at tumakbo, mas mabilis sila kaysa sa kabayo!
\s5
\p
\v 19 Isipin mo din ang mga kabayo. Ikaw ba ang nagpalakas sa mga kabayo, Job? Ikaw ba ang naglagay ng malambot na buhok sa mga leeg nila?
\q
\v 20 Ikaw ba ang nagpatalon sa kanila na katulad ng mga balang? Kapag sumisinghal sila, natatakot ang mga tao.
\s5
\q
\v 21 Pumapadyak sila sa lupa, nagagalak dahil malakas sila, habang naghahanda sila sa labanan.
\p
\v 22 Para bang tumatawa sila sa kaisipan ng pagiging takot. Hindi sila natatakot sa kahit ano! Hindi sila tumatakbo kapag ang mga sundalo ay naglalaban gamit ang espada!
\q
\v 23 Kumakalantog ang mga lalagyan ng palaso sa tagiliran ng kabayo, at ang mga sibat at dyabelin ay maliwanag niyang nakikita.
\s5
\q
\v 24 Napakabilis tumakbo ng mga kabayo, madali nilang nadadaanan ang lupa.
\q
\v 25 Masaya silang humahalinghing kapag naririnig nila na may umiihip ng trumpeta. Nakakaamoy sila ng labanan mula sa malayo, at naiintindihan nila kung ano ang ibig sabihin kapag sumisigaw ang mga kumander sa mga sundalo.
\s5
\q
\v 26 Isipin mo ang tungkol sa mga malalaking ibon. Ikaw ba ang nag-unat ng mga pakpak ng lawin at nagpalipad sa timog sa taglamig?
\s5
\p
\v 27 Lumilipad ba nang mataas ang mga agila sa mga bangin at gumagawa ng pugad doon dahil inutos mo?
\q
\v 28 Tumitira sila sa mga butas sa mga bangin. Ligtas sila sa matataas at matutulis na mga batong iyon dahil walang hayop ang makaaabot sa kanila doon.
\s5
\q
\v 29 Habang nagmamatyag sila nang mabuti doon, nakikita nila ang mga hayop na maaari nilang patayin.
\p
\v 30 Pagkatapos patayin ng agila ang hayop, iniinom ng mga batang agila ang dugo ng hayop na iyon; nagsasama-sama sila saan man may patay na tao na nakahimlay sa lupa."
\s5
\c 40
\p
\v 1 Pagkatapos ay sinabi ni Yahweh kay Job,
\q
\v 2 "Gusto mo pa bang makipagtalo sa akin, ang Makapangyarihan? Dahil binabatikos mo ako, sagutin mo ang mga tanong ko!"
\s5
\p
\v 3 Pagkatapos ay sumagot si Job kay Yahweh,
\q
\v 4 "Naiintindihan ko na ngayon na wala akong kuwenta. Kaya paano ko masasagot ang mga tanong na iyan? Ilalagay ko ang kamay ko sa aking bibig at hindi ako magsasabi ng kahit na ano.
\q
\v 5 Nagsalita na ako nang higit pa sa dapat kong sabihin, kaya ngayon, hindi na ako magsasalita."
\s5
\p
\v 6 Pagkatapos ay kinausap ulit ni Yahweh si Job mula sa loob ng isang malakas na bagyo. Sinabi niya,
\q
\v 7 "Tatanungin kita, kaya magpakalalaki ka at humanda kang sagutin ang mga tanong ko.
\s5
\q
\v 8 Aakusahan mo ba ako at sasabihing hindi ako makatarungan? Sasabihin mo bang mali ang ginawa ko para sabihing tama ang ginawa mo?
\p
\v 9 Mayroon ka rin bang kapangyarihan na katulad ng sa akin? Kaya mo bang lakasan ang boses mo na katulad ng kulog, tulad ng kaya ko?
\s5
\q
\v 10 Kung kaya mo iyon, magsuot ka ng damit na nagpapakita na ikaw ay maluwalhati at lubos na pinaparangalan!
\q
\v 11 Ipakita mo na galit na galit ka; ipakita mo na may karapatan kang ipahiya ang mga mayayabang!
\s5
\q
\v 12 Ipahiya mo ang mga taong iyon sa pagtitig lamang sa kanila nang may galit! Agad mong durugin ang mga masasamang tao!
\q
\v 13 Ilibing mo sila sa lupa! Ipadala mo sila sa lugar ng mga patay, kung saan hindi sila makakatakas!
\q
\v 14 Kung gagawin mo iyon, babatiin kita at sasabihing kaya mo nga na iligtas ang sarili mo gamit ang kakayahan mo.
\s5
\q
\v 15 Isipin mo rin ang tungkol sa mga hipopotamo. Ginawa kita, at ginawa ko rin sila. Kumakain sila ng damo, tulad ng mga toro.
\p
\v 16 Ang mga binti nila ay napakalakas, at ang kalamnan ng kanilang tiyan ay napakamakapangyarihan.
\s5
\p
\v 17 Matigas ang mga buntot nila tulad ng mga sanga ng puno ng sedar. Ang mga laman ng kanilang mga hita ay magkakalapit.
\q
\v 18 Ang mga buto ng kanilang hita ay parang mga tubo ng tanso, at ang mga buto ng kanilang mga binti ay parang mga rehas na gawa sa bakal.
\s5
\q
\v 19 Ang mga hipopotamo ay ilan lamang sa mga pinakamalalakas na hayop na ginawa ko, at ako, na lumikha sa kanila, ang nag-iisang makakapatay sa kanila.
\q
\v 20 Tumutubo ang pagkain nila sa mga burol habang naglalaro ang iba pang mababangis na hayop sa malapit.
\q
\v 21 Nahihiga sila sa tubig sa ilalim ng mga halamang tubig; nagtatago sila sa mga matataas na talahib sa putikan.
\s5
\q
\v 22 Nagpapalilim ang mga hipopotamo sa ilalim ng mga halamang tubig, at napapalibutan sila ng mga punong tumutubo sa batis.
\q
\v 23 Hindi sila nagagambala ng nananalanta at umaagos na ilog; hindi rin sila nagagambala kapag ang mga ilog na tulad ng Ilog Jordan ay umaagos sa kanila.
\q
\v 24 Walang makakahuli sa kanila gamit ang mga kawit o makakabutas ng mga ilong nila gamit ang mga ngipin ng patibong!
\s5
\c 41
\p
\v 1 "Isipin mo rin ang tungkol sa mga buwaya. Kaya mo ba silang hulihin gamit ang kawit sa pangingisda o itali ang mga panga nila gamit ang lubid?
\q
\v 2 Kaya mo bang maglagay ng mga lubid sa mga ilong nila para pasunurin sila o magpasok ng kawit sa mga panga nila?
\q
\v 3 Magmamakaawa ba sila sa iyo na kaawaan sila o magsasalita nang malumanay sa iyo para hindi mo sila saktan?
\s5
\q
\v 4 Gagawa ba sila ng kasunduan sa iyo na magtatrabaho sila sa iyo, na maging mga alipin mo habang buhay?
\q
\v 5 Kaya mo ba silang gawing alaga katulad ng mga ibon? Maglalagay ka ba ng tali sa mga leeg nila para makipaglaro ang mga alipin mong babae sa kanila?
\q
\v 6 Susubukan ba silang ibenta ng mga taong nagbebenta ng isda? Puputol-putulin ba nila ang buwaya sa maliliit na piraso at ibebenta ang laman?
\s5
\q
\v 7 Kaya mo bang butasin ang mga buwaya sa pagsibat sa mga tagiliran nila? Kaya mo bang butasin ang mga ulo nila gamit ang sibat?
\q
\v 8 Kung hahawakan mo ang isa sa kanila, bibigyan ka nila ng laban na hindi mo makakalimutan, at hindi mo na iyon uulitin kailanman!
\p
\v 9 Wala ring silbi na umasang matalo sila. Sinuman ang susubok na talunin ang isa sa kanila ay mahuhulog sa lupa dahil sa takot.
\s5
\q
\v 10 Walang naglalakas-loob na galitin ang buwaya. Kaya, dahil mas makapangyarihan ako sa kanila, sino ang maglalakas-loob na galitin ako?
\q
\v 11 Ganoon din, lahat ng nasa lupa ay sa akin. Kaya, walang kayang magbigay ng kahit ano sa akin at pilitin akong bayaran iyon!
\q
\v 12 Sasabihin ko sa iyo kung gaano kalakas ang mga binti ng mga buwaya at kung gaano kalakas ang kanilang mga katawan.
\s5
\q
\v 13 Mayroon bang makakatanggal ng mga balat nila? Mayroon bang makakabutas ng kanilang dobleng baluti?
\p
\v 14 Mayroon bang makakapilit na buksan ang mga panga nila, na may mga nakakatakot na ngipin?
\q
\v 15 Mayroon silang mga hanay ng kaliskis na kasintigas ng bato.
\s5
\q
\v 16 Dikit-dikit ang mga kaliskis nila; kahit ang hangin ay hindi makadaan sa gitna nila.
\q
\v 17 Ang kanilang mga kaliskis ay magkakarugtong sa isa't isa, at hindi sila mapaghihiwalay.
\q
\v 18 Kapag bumahing ang mga buwaya, ang mga maliliit na butil ng tubig na mula sa ilong nila ay kumikinang sa liwanag ng araw. Ang kanilang mga mata ay pula katulad ng sumisikat na araw.
\s5
\q
\v 19 Para bang may mga kislap ng apoy na lumalabas sa mga bibig nila.
\q
\v 20 Lumalabas ang usok mula sa mga butas ng kanilang ilong katulad ng singaw na lumalabas mula sa isang palayok na nilagay sa napakainit na apoy.
\q
\v 21 Ang kanilang hininga ay napapaapoy ang mga uling at naglalabas ng apoy sa kanilang mga bibig.
\s5
\q
\v 22 Napakalakas ng kanilang mga leeg; saanman sila pumunta, natatakot sa kanila ang mga tao.
\q
\v 23 Ang mga tupi ng mga laman nila ay magkakalapit at napakatigas.
\q
\v 24 Wala silang takot dahil ang kaloob-looban ng kanilang mga katawan ay kasintigas ng bato, kasintigas ng batong giikan na ginagamit ng mga tao para magdurog ng butil.
\s5
\p
\v 25 Kapag tumatayo sila, nasisindak din maging ang mga napakalakas na mga tao. Bunga nito, umaatras ang mga tao.
\q
\v 26 Hindi sila kayang saktan ng mga tao gamit ang mga espada; ang mga sibat, palaso, o iba pang matutulis na sandata ay hindi rin sila kayang saktan.
\q
\v 27 Tiyak na hindi sila natatakot sa mga sandatang gawa sa dayami o bulok na kahoy, pero lalong hindi sila takot maging sa mga sandatang gawa sa bakal o tanso!
\s5
\q
\v 28 Hindi sila mapapatakbo ng pagpana sa kanila. Ang pagtirador sa kanila ng mga bato ay parang pagtirador sa kanila ng ipa.
\q
\v 29 Hindi sila natatakot sa mga pamalo ng higit pa kaysa sa mga taong nagbabato sa kanila ng dayami, at tumatawa sila kapag may narinig silang sibat na papunta sa kanila.
\q
\v 30 Ang kanilang mga tiyan ay nababalot ng kalikis na kasingtulis ng mga basag na piraso ng palayok. Kapag binubuhat nila ang mga sarili nila papunta sa putik, hinahati nila ang lupa katulad ng pang-araro.
\s5
\q
\v 31 Ginugulo nila ang tubig at pinapabula ito habang umiikot sila dito.
\q
\v 32 Sa kanilang paglangoy sa tubig, kumikinang ang mga bakas nila. Ang mga taong makakakita dito ay iisiping naging puting buhok ang bula.
\s5
\q
\v 33 Walang akong nilikha na kasintapang ng mga buwaya.
\q
\v 34 Sila ang pinakamapagmalaki sa lahat ng mga nilikha; sila ay parang mga hari sa lahat ng iba pang mga mababangis na hayop."
\s5
\c 42
\p
\v 1 Pagkatapos ay sumagot si Job kay Yahweh. Sinabi niya,
\q
\v 2 "Alam kong kaya mong gawin ang lahat at walang makakapigil sa iyo na gawin ang gusto mong gawin.
\q
\v 3 Tinanong mo ako, 'Sino ka para guluhin ang pinaplano kong gawin? Nagsasalita ka nang walang alam!' Totoo na nagsabi ako ng mga bagay na hindi ko naiintindihan, mga bagay na kahanga-hanga, mga bagay na hindi ko nalalaman.
\s5
\q
\v 4 Sinabi mo sa akin, 'Makinig ka habang kinakausap kita. Gusto kitang tanungin, kaya ihanda mo ang sarili mo para sagutin ang mga ito.'
\q
\v 5 Narinig ko na ang tungkol sa iyo sa mga usap-usapan, pero ngayon ay parang nakita na kita sa aking mga mata.
\q
\v 6 Kaya nahihiya ako sa aking mga sinabi, at nakaupo ako sa alikabok at abo para ipakita ang aking pagsisisi sa aking mga sinabi."
\s5
\p
\v 7 Pagkatapos sabihin ni Yahweh ang mga ito kay Job, sinabi niya kay Elifaz, "Galit ako sa iyo at sa dalawa mong kaibigan, sila Bildad at Zofar, dahil hindi kayo nagsabi ng mga totoong bagay tungkol sa akin, tulad ng ginawa ng aking lingkod na si Job.
\v 8 Kaya ngayon, magdala kayo kay Job ng pitong toro at pitong tupa, at patayin at sunugin ang mga ito sa altar bilang mga alay para sa inyo. Pagkatapos ay ipapanalangin kayo ni Job at gagawin ko kung ano ang hilingin niya. Patatawarin ko kayo sa pagsasabi ng mali tungkol sa akin. Hindi ko kayo paparusahan, kahit na dapat kayong parusahan, dahil hindi tama ang sinabi ninyo tungkol sa akin."
\v 9 Kaya ginawa nila Elifaz, Bildad, at Zofar ang inutos sa kanila ni Yahweh, at ginawa ni Yahweh ang hiniling ni Job para sa kanilang tatlo.
\s5
\p
\v 10 Pagkatapos ipanalangin ni Job ang tatlo niyang kaibigan, pinagaling at pinayaman ulit siya Yahweh. Binigay ni Yahweh ang doble ng kaniyang pag-aari dati.
\v 11 Pagkatapos ay lahat ng kaniyang mga kapatid, at lahat ng taong kilala niya dati, ay pumunta sa bahay niya, at sama-samang nagdiwang. Inaliw nila siya dahil sa lahat ng gulo na hinayaan ni Yahweh na mangyari sa kaniya. Ang bawat isa sa kanila ay binigyan siya ng isang pirasong pilak at gintong singsing.
\s5
\v 12 Pagkatapos ay mas pinagpala ni Yahweh ang pangalawang bahagi ng buhay ni Job kaysa sa unang bahagi. Nagkaroon siya ng labing-apat na libong tupa, anim na libong kamelyo, isang libong toro, at isang libong babaeng asno.
\v 13 At nagkaroon pa siya ng pitong anak na lalaki at tatlong anak na babae.
\v 14 Pinangalanan niya ang panganay na babae ng Jemima, pinangalanan niya ang pangalawa ng Kezia, at pinangalanan niya ang pangatlo na Keren-hapuc.
\s5
\v 15 Sa buong lupain ng Uz, walang mga dalaga ang kasingganda ng mga anak ni Job, at sinabi ni Job na mamanahin nila ang ilan sa mga ari-arian niya, katulad ng kanilang mga kapatid na lalaki.
\v 16 Pagkatapos noon, namuhay pa si Job ng 140 taon. Bago siya mamatay, nakita niya pa ang kaniyang mga kaapu-apuhan.
\v 17 Matandang-matanda na siya nang siya ay namatay.