tl_udb/09-1SA.usfm

2182 lines
181 KiB
Plaintext

\id 1SA
\ide UTF-8
\h 1 Samuel
\toc1 1 Samuel
\toc2 1 Samuel
\toc3 1sa
\mt 1 Samuel
\s5
\c 1
\p
\v 1 Mayroong isang taong pinangalanang Elkana na nanirahan sa lungsod ng Rama sa maburol na lugar, kung saan nanirahan ang mga tao ng lipi ni Efraim. Ang kanyang ama ay si Jeroham, ang kanyang lolo ay si Elihu, at ang ama ng kanyang lolo ay si Tohu. Nabibilang siya sa angkan ni Zuf.
\v 2 Mayroon siyang dalawang asawa: Si Ana at Penina. Ngayon si Peninnah ay nagkaroon ng mga anak, ngunit walang anak si Ana.
\s5
\p
\v 3 Minsan sa bawat taon umaakyat si Elkana kasama ang kanyang pamilya mula sa Rama patungong lungsod ng Shilo. Pumupunta siya doon upang sambahin si Yahweh, Pinuno ng mga hukbong anghel, at maghandog ng mga alay sa kanya. Ang dalawang anak na lalaki ni Eli, sina Hofni at Pinehas, tinulungan ang kanilang ama na gawin ang gawain bilang mga pari ni Yahweh doon.
\v 4 Bawat pagkakataong naghandog ng mga alay doon si Elkana, nagbibigay siya ng ilang karne kay Penina at ilan sa bawat anak niyang lalaki at babae.
\s5
\v 5 Ngunit nagbigay siya ng mas maraming karne kay Ana dahil mas mahal niya si Ana, kahit na hindi siya pinahintulutan ni Yahweh na magkaanak.
\p
\v 6 Ngunit ang kanyang isa pang asawa, si Penina, kinukutya niya si Ana upang makaramdam siya ng kalungkutan, ipinapaalala sa kanya na hindi siya pinapayagan ni Yahweh na magsilang ng mga anak.
\s5
\q1
\v 7 Nangyayari ito bawat taon. Kapag umaakyat sila sa templo ni Yahweh sa Shilo, palaging kinukutya ni Penina si Ana nang labis kaya umiiyak si Ana at hindi na kumakain.
\p
\v 8 Pagkatapos sasabihin sa kanya ni Elkana, "Ana, bakit ka umiiyak? Bakit hindi ka kumakain? Ikaw ay malungkot! Tiyak na mas mabuti para sa iyo na ako ay iyong asawa kaysa magkaroon ng kahit sampung anak na lalaki!"
\s5
\p
\v 9 Isang taon, matapos silang kumain at uminom sa Shilo, tumayo si Ana upang manalangin. Si Eli na pari ay nasa malapit, nakaupo sa isang upuan sa tapat ng pintuan ng banal na tolda ni Yahweh.
\p
\v 10 Labis na nagdadalamhati si Ana, at umiyak siya nang napakalungkot habang nanalangin siya kay Yahweh.
\s5
\p
\v 11 Gumawa siya ng isang taimtim na pangako, sinasabing, "O Yahweh, Pinuno ng mga hukbong anghel, kung tumitingin ka sa akin kung gaano ako kalungkot, at kung iyong mamarapatin ang tungkol sa akin at hayaan akong magsilang ng isang batang lalaki, sa gayon ihahandog ko siya sa iyo sa kanyang buong buhay. At upang ipakita na inihandog siya sa iyo, walang ni isa ang pinapayagang putulin ang kanyang buhok."
\s5
\q1
\v 12 Habang nananalangin siya ng ganoon kay Yahweh, nakita ni Eli na pari na gumagalaw ang mga labi ni Ana habang nananalangin siya.
\q1
\v 13 Ngunit tahimik lamang na nananalangin si Ana; hindi siya gumagawa ng anumang tunog. Kaya inakala ni Eli na lasing siya.
\p
\v 14 Sinabi niya sa kanya, "Gaano katagal kang magpapatuloy sa paglalasing? Tigilan mo na ang pag-inom ng alak!"
\s5
\p
\v 15 Tumugon si Ana, "Ginoo, hindi ako lasing! Hindi ako umiinom ng alak o anumang ibang nakalalasing na inumin. Nakaramdaman ako ng labis na kalungkutan at sinasabi ko na kay Yahweh ang tungkol sa kung ano ang aking nararamdaman.
\p
\v 16 Huwag mong isipin na isa akong babaeng walang halaga. Nananalangin ako tulad nito dahil labis akong nahihiya at nababalisa."
\s5
\v 17 Tumugon si Eli, "Hangad kong bumuti ang mga bagay para sa iyo. Nais kong ang Diyos na siyang sinasamba nating mga Israelita, ay ibigay nawa sa iyo kung ano ang iyong hiniling sa kanya.
\v 18 Sumagot si Ana, "Nais kong bigyan mo ako ng halaga." Pagkatapos bumalik siya sa kanyang pamilya at pagkatapos kumain siya, hindi na siya malungkot.
\s5
\p
\v 19 Kinabukasan, bumangon sina Elkana at kanyang buong pamliya at sinamba muli si Yahweh, at pagkatapos bumalik sila sa kanilang tahanan sa Rama. Pagkatapos sinipingan ni Elkana si Ana, at sinagot ni Yahweh ang kanyang dalangin.
\p
\v 20 Nabuntis siya at nagsilang ng isang batang lalaki. Pinangalanan niya siyang Samuel, na kasintunog ng mga salita sa wikang Hebreo na nangahulugang "narinig ng Diyos," dahil sinabi niya, "Dininig ako ni Yahweh nang humiling ako ng isang anak na lalaki mula sa kanya."
\s5
\p
\v 21 Sumunod na taon, umakyat si Elkana sa Shilo kasama ang kanyang pamilya upang gumawa ng uri ng alay na kanyang ginagawa bawat taon, at upang magbigay rin ng natatanging handog sa Diyos na kanyang ipinangakong ibigay sa kanya noon.
\p
\v 22 Ngunit hindi sumama sa kanila si Ana. Sinabi niya sa kanyang asawa, "Matapos kong mahiwalay sa pagsuso ang sanggol, dadalhin ko siya sa Shilo at idudulog ko siya kay Yahweh, at mananatili siya doon sa buong buhay niya."
\v 23 Sinabi ni Elkana, "Gawin mo kung ano ang sa tingin mong pinakamabuti. Manatili ka rito hanggang sa mahiwalay mo siya sa pagsuso. Ang aking nais ay maidulot ni Yahweh na magawa mo kung ano ang iyong ipinangako." Kaya nanatili si Hannah sa tahanan at inalagaan ang kanyang anak hanggang sa mahiwalay niya siya sa pagsuso.
\s5
\p
\v 24 Matapos niyang mahiwalay siya sa pagsuso, kahit na napakabata pa ni Samuel, dinala niya siya sa dambana kasama ang isang tatlong taong gulang na toro, mga dalawampung litrong harina, at isang sisidlan ng alak.
\v 25 Matapos katayin nina Ana at Elkana ang toro at hinandog ito kay Yahweh sa altar, dinala nila ang bata kay Eli.
\s5
\p
\v 26 Pagkatapos sinabi ni Ana sa kanya, "Ginoo, naalala mo ba ako? Ako iyong babaeng nananalangin habang nakatayo rito sa iyong tabi maraming taon na ang nakakaraan.
\p
\v 27 Nanalangin ako na idulot ni Yahweh na magsilang ako ng isang anak, at ito ang anak na iyon!
\p
\v 28 Kaya ngayon idinudulog ko siya kay Yahweh. Mabibilang siya kay Yahweh habang nabubuhay siya." Pagkatapos sinamba ni Elkana at kanyang pamilya si Yahweh doon.
\s5
\c 2
\p
\v 1 Pagkatapos nanalangin si Ana, sinasabing, "Sa aking kalooban ako'y nagagalak sa kung ano ang iyong ginawa, Yahweh. Malakas ako dahil nabibilang ako sa iyo. Tinawanan ko ang aking mga kaaway dahil ikaw, Yahweh ay iniligtas ako mula sa pangungutya nila.
\s5
\p
\v 2 Wala nang ibang banal tulad mo, Yahweh. Wala nang ibang diyos tulad mo. Walang ibang tulad mo, aming Diyos, na makakapangalaga sa amin na parang inilalagay mo kami sa ibabaw ng isang malaking bato kung saan maliligtas kami mula sa kapahamakan.
\s5
\q
\v 3 Kayong mga taong kumakalaban sa Diyos, tumigil sa pagmamayabang! Si Yahweh ay Diyos ng nakakaalam sa lahat ng bagay, at susuriin niya ang mga kilos ng bawat isa. Kaya huwag magsalita nang kahambogan!
\p
\v 4 Yahweh, binabali mo ang mga pana ng mga makapangyarihang sundalo, ngunit nagbibigay ka ng lakas sa mga taong matisod dahil mahina sila.
\s5
\p
\v 5 Maraming tao na dati'y maraming pagkain na kakainin, ngayon kailangan magtrabaho para sa ibang tao upang kumita ng pera para ibili ng pagkain, ngunit maraming palaging gutom ay hindi na gutom. Ang babaeng hindi nagkaroon ng mga anak noon, ngayon nagsilang na ng maraming anak, at ang babaeng maraming anak noon, ngayon ay labis na nalulungkot dahil namatay silang lahat.
\s5
\p
\v 6 Yahweh, idinulot mong mamatay ang ilang tao, at pinanumbalik mo ang ilang tao na muntik nang mamatay. Para sa ilang tao, na mukhang malapit nang pumunta kung saan pumupunta ang mga taong namatay, ngunit idinulot mong maging malusog silang muli.
\q
\v 7 Yahweh, idinulot mo ang ilang tao na maging mahirap, at idinulot mo ang ilang tao na maging mayaman, pinagpakumbaba mo ang ilang tao, at pinarangalan mo ang ilang tao.
\s5
\p
\v 8 Minsan itinataas mo ang mga mahirap na tao upang hindi na sila nakaupo sa alabok, at itinataas mo ang mga taong nangangailangan upang hindi na sila nakaupo sa mga tambak ng abo; idinudulot mong umupo sila katabi ng mga prinsipe; dinudulot mong umupo sila sa mga upuan kung saan umuupo ang mga taong lubos na pinaparangalan. Yahweh, ikaw ang nag-iisang naglatag ng mga pundasyon ng mundo, at itinakda mo ang buong mundo sa mga pundasyong iyon.
\s5
\q
\v 9 Ipagtatanggol mo ang iyong mga tapat na tao, ngunit idudulot mong mamatay ang mga masasama at bumaba patungo sa madilim na lugar kung saan tutungo ang mga namatay. Hindi namin matatalo ang aming mga kaaway sa pamamagitan ng aming sariling lakas.
\s5
\p
\v 10 Yahweh, lulupigin mo ang mga taong sumasalungat sa iyo. Pakukulugin mo ang langit upang ipakita ang iyong pagsalungat sa kanila. Yahweh, hahatulan mo ang mga tao sa lahat ng dako, kahit na ang mga nanirahan sa mga pinakamalayong lugar sa mundo. Magbibigay ka ng lakas sa hari na iyong hihirangin, at bigyan siya ng dakilang kapangyarihan laban sa kanyang mga kaaway."
\s5
\p
\v 11 Pagkatapos bumalik si Elkana at ang kanyang pamilya sa Rama, ngunit si Samuel, ang batang lalaki, ay nanatili para tumulong kay Eli na pari na maglingkod kay Yahweh.
\s5
\p
\v 12 Ang dalawang anak na lalaki ni Eli, na mga pari rin, ay napakasama. Hindi sila tapat kay Yahweh.
\v 13 Ang kaugalian ay habang pinakukuluan ng mga tao ang karne mula sa kanilang mga alay sa loob ng malaking kaldero sa templo, ipapadala ng pari ang kanyang isang lingkod, na pupunta na may dalang malaking tatlong tulis na tinidor sa kanyang kamay.
\p
\v 14 Itutusok niya ang tinidor sa karne sa loob ng kaldero, at anumang karne ang sasama sa tinidor, dadalhin niya at ibibigay ito sa paring nagpadala sa kanya.
\s5
\p
\v 15 Gayunman, bago hiwain ang taba ng karne at sunugin bilang isang pag-alay kay Yahweh, pupuntahan ng lingkod ng mga anak na lalaki ni Eli ang taong gumagawa ng pag-aalay at sasabihin sa kanya, "Bigyan mo ako ng kaunting karne para dalhin sa pari para ihawin niya! Gusto niya ang hilaw na karne; hindi niya gusto ang pinakuluang karne."
\p
\v 16 Kung sabihin ng tao sa lingkod, "Hayaang hiwain at sunugin ng mga pari ang taba muna; sa gayon maaari mong kunin anuman ang iyong nais," tutugon ang lingkod, "Hindi, ibigay mo ito sa akin ngayon; kung hindi mo ito ibibigay sa akin, kukunin ko ito nang sapilitan!"
\p
\v 17 Itinuring ni Yahweh na ang mga anak na lalaki ni Eli ay nakagawa ng isang napakalaking kasalanan, dahil pinakikitunguhan nila ng walang galang ang mga handog na ibinibigay kay Yahweh.
\s5
\p
\v 18 Para kay Samuel, na napakabata pa, nagpatuloy siya sa paggawa ng gawain para kay Yahweh, nakasuot ng isang maliit na banal na tapis na gawa mula sa lino, tulad nang isinusuot ng punong pari.
\v 19 Ginagawan siya ng kanyang ina bawat taon ng isang bagong maliit na balabal para sa kanya, at dadalhin ito sa kanya kapag pupunta siya sa Shiloh kasama ang kanyang asawa upang maghandog ng isang alay.
\s5
\v 20 Pagkatapos hihilingin ni Eli sa Diyos na pagpalain si Elkana at kanyang asawa, at kanyang sasabihin kay Elkana, "Inaasahan kong idudulot ni Yahweh na magsilang ang iyong asawa ng ibang pang mga anak, para pumalit sa isa na kanyang inihandog kay Yahweh." Pagkatapos uuwi sina Elkana at kanyang pamilya sa kanilang tahanan.
\v 21 Tunay na napakabuti ni Yahweh kay Ana, sapagka't idinulot niyang magsilang siya ng tatlong iba pang anak na lalaki at dalawang anak na babae. Lumaki ang kanilang anak na si Samuel habang ginagawa niya ang gawain para kay Yahweh sa kanyang templo.
\s5
\p
\v 22 Ngayon naging napakatanda na ni Eli. Madalas niyang naririning ang tungkol sa lahat ng masasamang bagay na ginagawa ng kanyang mga anak na lalaki sa mga Israelita. Narinig niyang minsan sinisipingan nila ang mga babaeng nagtrabaho sa pasukan patungo sa tolda kung saan nangusap ang Diyos sa kanyang mga tao.
\p
\v 23 Sinabi niya sa kanila, "Kakila-kilabot na ginawa ninyo ang mga bagay na iyon! Maraming tao ang nagsasabi sa akin tungkol sa mga masasamang bagay na inyong ginagawa.
\p
\v 24 Mga anak ko, itigil ninyo ito! Kakila-kilakbot ang mga ulat tungkol sa inyo na ibinabalita sa iba ng mga taong nabibilang kay Yahweh!
\s5
\p
\v 25 Kung magkakasala ang isang tao laban sa isa pang tao, maaaring mamagitan ang Diyos sa kanilang dalawa. Ngunit kung magkakasala ang isang tao laban kay Yahweh, sino ang magsasalita para sa kanya?" Ngunit hindi nakinig ang mga anak na lalaki ni Eli sa sinabi ng kanilang ama. Ito ay dahil napagpasyahan ni Yahweh na kailangang patayin sila ng isang tao.
\p
\v 26 Nagpatuloy na lumaki ang batang si Samuel, at kinalugdan ni Yahweh at ng mga tao ang mga bagay na ginawa niya.
\s5
\p
\v 27 Isang araw, isang propeta ang dumating kay Eli at sinabi sa kanya, "Ito ang sinabi ni Yahweh sa akin: 'Nang naging mga alipin ng hari ng Ehipto ang iyong mga ninuno, nagpakita ako kay Aaron.
\v 28 Mula sa lahat ng mga lipi ng Israelita, pinili ko siya at ang kanyang mga lalaking kaapu-apuhan upang maging mga pari para sa akin. Hinirang ko sila upang umakyat sa aking altar, para magsunog ng insenso, para magsuot ng isang banal na tapis habang nagtatrabaho sila para sa akin. At ipinahayag kong makukuha at makakain nila ang ilan sa karne na sinunog ng mga Israelita sa altar.
\s5
\v 29 Bakit kayo nagpapakita ng kalapastanganan para sa mga alay at mga handog na ipinag-utos ko sa mga tao na dalhin sa akin? Pinararangalan mo ang iyong mga anak na lalaki higit pa sa pagpaparangal mo sa akin, sa pamamagitan ng pagpayag sa kanila na kumuha ng taba mula sa pagkain ng pinakamainam na mga bahagi ng lahat ng mga alay na dinala ng mga Israelita sa akin!'
\v 30 Kaya, ito ang ipinapahayag ni Yahweh, ang Diyos na sinasamba ng mga Israelita: 'Tunay na ipinangako ko na si Aaron at kanyang mga kaapu-apuhan ay patuloy na maglilingkod sa akin magpakailanman. Ngunit ngayon ipinapahayag ko ito: Hindi ito magpapatuloy tulad niyon! Pararangalan ko ang mga nagpaparangal sa akin, ngunit kasusuklaman ko ang mga nasusuklam sa akin.
\s5
\v 31 Makinig nang mabuti! Darating ang panahon na idudulot kong mamatay ang lahat ng malalakas na binata sa iyong pamilya. Ang kalalabasan ay walang kalalakihan sa iyong pamilya ang mabubuhay ng sapat na haba upang maging matanda.
\p
\v 32 Mamimighati ka at maiinggit habang nakikita ninyo ang mga biyaya na aking ibibigay sa ibang tao sa Israel. At inuulit ko na walang kalalakihan sa iyong pamilya ang mabubuhay ng sapat na haba upang maging matanda.
\v 33 Mayroong isa sa inyong mga kaapu-apuhan na aking ililigtas; hindi ko siya pipigilang maglingkod sa akin bilang isang pari. Ngunit mabubulag siya mula sa pag-iyak; magiging malungkot siya palagi at magdadalamhati. Ngunit lahat ng iyong ibang kaapu-apuhan ay mamamatay ng marahas.
\s5
\p
\v 34 At ang iyong dalawang anak na lalaki, sina Hofni at Pinehas, ay kapwa mamamatay sa parehong araw. At iyon ang magpapatunay sa iyo na magkakatotoo ang lahat na aking sinabi.
\v 35 Nakapili na ako ng isa pang tao upang maging aking pari. Siya ang maglilingkod sa akin ng tapat: Gagawin niya ang lahat ng bagay na nais ko. Titiyakin ko na ang kanyang mga kaapu-apuhan ay magiging mga pari at palaging maglilingkod sa akin sa pamamagitan ng pagtulong sa hari na aking pipiliin.
\s5
\v 36 Kailangang pumunta sa paring iyon ang lahat ng iyong kaapu-apuhan na buhay pa at hingin sa kanya na bigyan sila ng pera at pagkain, at dapat sabihin ng bawat isa sa kanila, "Pakiusap hayaan mo akong tulungan ang ibang mga pari, upang maaari akong kumita ng kaunting pera para bumili ng kaunting pagkain.
\s5
\c 3
\p
\v 1 Habang bata pa siya, nagtatrabaho si Samuel sa tolda ni Yahweh habang pinangasiwaan siya ni Eli. Sa panahong iyon mayroong napakakaunting mensahe na natanggap ang sinuman mula kay Yahweh, at napakakaunting tao ang nakakita ng pangitain na ibinigay ni Yahweh sa kanila.
\v 2 Sa panahong iyon napakahina na ng mga mata ni Eli; halos bulag na siya. Isang gabi natutulog siya sa kanyang silid,
\v 3 at natutulog si Samuel sa dambana, kung saan nakatago ang banal na kaban. Habang nakasindi pa ang banal na ilawan,
\v 4 tumawag si Yahweh, "Samuel, "Samuel!" tumugon si Samuel, "Narito ako!"
\s5
\p
\v 5 Bumangon siya at tumakbo kay Eli. Sinabi niya sa kanya, "Narito ako, dahil tinawag mo ako!" Ngunit tumugon si Eli, "Hindi, Hindi kita tinawag. Bumalik ka sa iyong higaan." Kaya nagbalik si Samuel at humiga muli.
\p
\v 6 Pagkatapos tumawag muli si Yahweh, "Samuel!" Kaya bumangon muli si Samuel at nagtungo kay Eli at sinabing, "Narito ako, dahil tinawag mo ako!" Ngunit sinabi ni Eli, "Hindi, anak ko, hindi kita tinawag. Bumalik ka at humiga ka."
\s5
\p
\v 7 Sa panahong iyon hindi pa alam ni Samuel kung ano ang pakiramdam na magsalita si Yahweh sa kanya, dahil wala pang naibunyag na anumang bagay si Yahweh noon sa kanya.
\v 8 Matapos mahiga muli ni Samuel, tinawag siyang muli ni Yahweh sa ikatlong pagkakataon. Kaya muling bumangon si Samuel at nagtungo kay Eli at sinabing, "Narito ako, dahil tinawag mo ako!" Pagkatapos napagtanto ni Eli na si Yahweh ang tumatawag sa bata.
\s5
\p
\v 9 Kaya sinabi niya kay Samuel, "Umalis ka at humigang muli. Kung may tatawag sa iyo muli, sabihin mo, 'Kausapin mo ako, Yahweh, dahil nakikinig ako!'" Kaya umalis si Samuel at muling humiga.
\s5
\p
\v 10 Pagkatapos dumating si Yahweh at tumayo at tumawag siya gaya ng kanyang ginawa sa ibang mga pagkakataon, "Samuel! Samuel!" Pagkatapos sinabi ni Samuel, "Kausapin mo ako, dahil makikinig ako!"
\p
\v 11 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Samuel, "Makinig kang mabuti. Gagawa ako ng isang bagay dito sa Israel na ikagugulat ng lahat na makakarinig nito.
\s5
\p
\v 12 Kapag nangyari iyan, parurusahan ko si Eli at ang kanyang pamilya. Gagawin ko sa kanila ang lahat ng bagay na sinabi kong aking gagawin.
\p
\v 13 Nagpakita ng malaking kalapastanganan ang kanyang mga anak na lalaki para sa akin dahil sa mga kahiya-hiyang bagay na kanilang ginawa, at hindi sila pingilan ni Eli mula sa paggawa nito. Kaya sinabihan ko siyang parurusahan ko ang kanyang pamilya magpakailanman.
\p
\v 14 Taimtim kong ipinangako sa pamilya ni Eli, 'Hindi ninyo kailanman maiiwasan ang kaparusahan para sa inyong kasalanan, kahit na magbigay kayo sa akin ng mga alay o mga handog.'"
\s5
\q
\v 15 Muling humiga si Samuel hanggang umaga. Pagkatapos bumangon siya at binuksan niya ang mga pintuan ng gusali tulad ng dati. Natakot siyang sabihin kay Eli ang tungkol sa pangitain na ibinigay sa kanya ni Yahweh.
\p
\v 16 Ngunit tinawag siya ni Eli at sinabing, "Samuel, anak ko!" sumagot si Samuel, "Narito ako!"
\s5
\p
\v 17 Tinanong siya ni Eli, "Ano ang sinabi ni Yahweh sa iyo? Huwag mo itong itago! Nais kong parusahan kang labis ng Diyos kung hindi mo sasabihin sa akin ang lahat ng sinabi niya sa iyo."
\q
\v 18 Kaya sinabi ni Samuel sa kanya ang lahat ng bagay. Pagkatapos sinabi ni Eli, "Siya si Yahweh. Handa ako para sa kanya na gawin kung anuman ang sa tingin niya ay pinakamabuti."
\s5
\q
\v 19 Habang lumalaki si Samuel, tinulungan siya ni Yahweh; dinulot niyang magkatotoo ang lahat ng bagay na hinula ni Samuel.
\p
\v 20 Kaya lahat ng mga tao ng Israel, mula sa hilagang dulo ng bansa hanggang sa dulong timog, kinilala na si Samuel ay tunay na isang propeta ni Yahweh.
\p
\v 21 Nagpatuloy na magpakita si Yahweh kay Samuel sa Shiloh at magbigay ng mga mensahe sa kanya.
\s5
\c 4
\p
\v 1 Sinabi ni Samuel sa lahat ng tao ng Israel ang mga mensaheng ibinigay ng Diyos sa kanya. Sa panahong iyon nakipaglaban ang hukbong Israelita laban sa hukbo ng mga taong Palestina. Itinayo ng hukbong Israelita ang kanilang mga tolda sa Ebenezer, at itinayo ng mga hukbo ng Filisteo ang kanilang tolda sa Afek.
\v 2 Sinalakay ng hukbong Filisteo ang hukbong Israelita, at habang patuloy ang labanan, tinalo ng mga Filisteo ang mga Israelita at pinatay ang apat na libo sa kanilang mga sundalo.
\s5
\p
\v 3 Nang bumalik ang mga natitirang sundalo sa kanilang kampo, sinabi ng mga nakakatanda ng Israelita, "Bakit pinahintulutan ni Yahweh na matalo tayo ngayon ng hukbong Filisteo? Dapat nating dalhin ang banal na kaban dito mula sa Silo, upang sumama sa atin si Yahweh kapag pumunta tayong muli sa labanan, para hindi tayo matalong muli ng ating mga kaaway!"
\p
\v 4 Kaya nagpadala ang mga sundalo ng ilang kalalakihan sa Silo, at ibinalik ng mga kalalakihang iyon ang banal na kaban, ang kaban ni Yahweh, na nakaupo sa isang trono sa pagitan ng dalawang rebulto ng mga nilikhang may pakpak na nasa itaas ng kaban. Sumama sa kanila ang dalawang anak ni Eli na sina Hofni at Finehas.
\s5
\p
\v 5 Nang nakita ng mga tao ang kalalakihan na dinadala ang banal na kaban sa kanilang kampo, napakasaya nila na sumigaw sila nang malakas. Sumigaw sila ng napakalakas na yumanig ang lupa!
\v 6 Nagtanong ang mga Filisteo, "Ano ang isinisigaw ng mga tao sa kampo ng Hebreo?" May isang taong nagsabi sa kanila na sumisigaw sila dahil dinala sa kanila ang banal na kaban ni Yahweh.
\s5
\p
\v 7 Pagkatapos labis silang natakot. Sinabi nila, "Dumating ang Diyos sa kanilang kampo upang tulungan sila! Nasa malaking gulo tayo ngayon! Wala pang ganitong nangyari sa atin noon!
\p
\v 8 Wala ni isang makapagliligtas sa atin ngayon! Ito ang Diyos na nagpahirap sa mga tao ng Ehipto ng maraming salot bago umalis ang mga Israelita sa Ehipto at naglakbay patungo ng disyerto.
\p
\v 9 Kayong mga kalalakihang Filisteo, maging matapang! Lumaban nang matindi! Kung hindi ninyo gagawin iyan, tatalunin nila tayo, at sa gayon magiging alipin nila tayo, gaya ng naging alipin natin sila dati!"
\s5
\p
\v 10 Kaya nakipaglaban nang matindi ang mga kalalakihang Filisteo, at natalo nila ang mga Israelita. Pinatay nila ang tatlumpung libong sundalong Israelita, at tumakbo ang ibang sundalong Israelita patungo sa kanilang mga tolda.
\p
\v 11 Nakuha ng mga Filisteo ang banal na kaban, at pinatay nila ang dalawang anak ni Eli, na sina Hofni at Finehas.
\s5
\p
\v 12 Sa parehong araw na iyon, tumakbo ang isang lalaking nagmula sa lipi ni Benjamin mula sa lugar kung saan naglalaban ang mga hukbo. Pinunit niya ang kanyang damit at tinapunan ng lupa ang kanyang ulo upang ipakitang napakalungkot niya. Nakarating siya sa Silo ng dapit hapon na.
\p
\v 13 Naghihintay si Eli sa gilid ng daan. Gusto niyang marinig ang balita tungkol sa labanan, at sabik rin siyang malaman kung may anumang masamang bagay na nangyari sa banal na kaban ng Diyos. Nang nakarating ang sugo at sinabi sa mga tao ang nangyari, nagsimulang umiyak nang malakas ang bawat isang nasa bayan.
\s5
\v 14 Tinanong ni Eli, "Bakit gumagawa sila ng lahat ng ingay na iyon?" Tumakbo ang mensahero kay Eli at sinabi sa kanya ang balita.
\p
\v 15 Sa panahong iyon, siyamnapu't walong taong gulang si Eli, at siya'y bulag na.
\s5
\p
\v 16 Sinabi ng sugo kay Eli, "Kagagaling ko lamang sa kung saan nakikipaglaban ang mga hukbo." Mas maaga akong umalis doon ngayon." Nagtanong si Eli, "Ano ang nangyari?"
\p
\v 17 Sumagot ang lalaki, "Tinalo ng mga Filisteo ang ating hukbo. Pinatay nila ang libu-libo nating sundalo, at tumakas ang iba. Pinatay ng mga Filisteo ang dalawa mong anak na lalaki, na sina Hofni at Finehas. Kinuha rin nila ang banal na kaban ng Diyos."
\s5
\p
\v 18 Napakatanda na ni Eli at napakataba niya; at nang narinig niya kung ano ang nangyari sa banal na kaban, natumba siya patalikod mula sa upuan niya sa gilid ng tarangkahan ng siyudad. Nabali ang kanyang leeg at namatay siya. Pinamunuan niya ang mga Israelita sa loob ng apatnapung taon.
\s5
\p
\v 19 Buntis ang asawa ng anak ni Eli na si Finehas, at halos panahon na niyang manganak ng kanyang sanggol. Nang narinig niya na nakuha ang banal na kaban ng Diyos at namatay ang kanyang asawa at biyenan, biglang nagsimula ang kanyang pananakit sa panganganak at labis ito para sa kanya. Agad siyang nanganak ng isang lalaki, ngunit siya'y naghingalo.
\p
\v 20 Nang mamamatay na siya, sinubukan siyang pasiglahin ng mga babaeng nagpaanak sa kanya sa pagsasabi sa kanya, "Nagkaanak ka ng isang lalaki!" Ngunit hindi niya pinansin kung ano ang kanilang sinabi.
\s5
\p
\v 21 Pinangalanan niya ang batang lalaki ng Icabod, na nangangahulugang "walang kaluwalhatian," dahil sinabi niya, "Umalis ang kaluwalhatian ng Diyos mula sa Israel." Sinabi niya iyon dahil nakuha ang banal na kaban ng Diyos at dahil namatay ang kanyang asawa at biyenan.
\p
\v 22 Sinabi niya, "Iniwan ng kaluwalhatian ng Diyos ang Israel, dahil nakuha ang banal na kaban!" At pagkatapos namatay siya.
\s5
\c 5
\p
\v 1 Pagkatapos makuha ng hukbo ng lahi ng Filisteo ang banal na kaban sa bayan ng Ebenezer, dinala nila ito sa Asdod, isa sa pinakamalaki nilang lungsod.
\p
\v 2 Dinala nila ito sa templo ng kanilang diyos na si Dagon at itinabi ito sa isang rebulto ni Dagon.
\q
\v 3 Ngunit maaga pa ng sumunod na umaga, nang pinuntahan ng mga tao ng Asdod upang tingnan ito, nakita nila ang rebulto na natumba sa harapan ng banal na kaban ni Yahweh! Kaya itinayo nilang muli ang rebulto sa lugar nito.
\s5
\q
\v 4 Ngunit nang sumunod na umaga, nakita nila na muling natumba ito sa harap ng banal na kaban. Ngunit sa pagkakataong ito, natanggal ang ulo at mga kamay ng rebulto, at naroon sa daanan. Katawan lamang ang naiwang buo.
\p
\v 5 Iyon ang naging dahilan na nagsimula sa panahong iyon, ang mga pari ni Dagon at lahat ng iba pang pumapasok sa templo ni Dagon sa Asdod ay hindi umaapak sa pasimano ng pintuan kung saan nahulog ang mga kamay at ulo ni Dagon.
\s5
\p
\v 6 Pagkatapos labis na pinahirapan ni Yahweh ang mga tao ng Asdod ng mga bukol. Marami ang nagkasakit at namatay, kapwa sa siyudad at sa nakapalibot na rehiyon.
\p
\v 7 Napagtanto ng mga tao ng Asdod kung bakit ito nangyayari, umiyak sila, "Pinaparusahan tayo at ang ating diyos na si Dagon ng diyos ng mga Israelita. Kaya hindi maaaring pahintulutan ang banal na kaban ng Diyos ng mga Israelita na manatili rito!"
\s5
\p
\v 8 Pinatawag nila ang limang hari ng lahi ng Filisteo at tinanong sila, "Ano ang dapat naming gawin sa banal na kaban ng Diyos ng mga Israelita?" Sumagot ang mga hari, "Dalhin ninyo ang banal na kaban sa lungsod ng Gat." Kaya inilipat nila ito sa Gat.
\p
\v 9 Ngunit pagkatapos nilang dalhin ito sa Gat, makapangyarihang hinampas din ni Yahweh ang mga tao ng lungsod na iyon, na nagresulta na maraming kalalakihan, kasama ang mga binata at matandang kalalakihan, na nagkaroon ng mga bukol sa kanilang mga balat. Pagkatapos labis na natakot ang mga tao.
\s5
\p
\v 10 Kaya dinala nila ang banal na kaban sa lungsod ng Ekron. Ngunit nang dinala ng mga kalalakihan ang banal na kaban sa Ekron, umiyak ang mga tao roon, "Bakit ninyo dinadala ang banal na kaban ng Diyos ng mga Israelita sa aming lungsod? Sa paggawa niyan idudulot ninyo kami at ang natitira naming mga tao na mamatay!"
\s5
\p
\v 11 Kaya pinatawag din ng mga tao ng Ekron ang mga hari ng Filisteo. Nang dumating sila, sinabi ng mga tao sa kanila, "Ibalik itong banal na kaban ng diyos ng mga Israelita sa sariling lugar nito! Kung hindi ninyo agad gagawin iyan, mamamatay tayong lahat!" Natakot ang mga tao dahil alam nila na nagsisimulang parusahan sila nang matindi ng Diyos.
\p
\v 12 Namatay na ang ilang tao sa Ekron, at ang natirang mga tao ay nagdurusa dahil sa bukol sa kanilang balat. Kaya umiyak silang lahat sa kanilang mga diyos upang tulungan sila.
\s5
\c 6
\p
\v 1 Itinago ng mga tao ng Filisteo ang kaban ng Diyos sa kanilang lugar sa loob ng pitong buwan.
\p
\v 2 Pagkatapos pinatawag nila ang mga pari at ang kanilang mga manghuhula. Tinanong nila sila, "Ano ang dapat naming gawin sa banal na kaban ni Yahweh? Sabihin sa amin kung paano ito dapat ibalik sa sariling lupain nito."
\s5
\v 3 Sumagot ang mga kalalakihan, "Ipadala mo ito kasama ang isang handog upang ipakita kay Yahweh na alam ninyo na kayo ay may kasalanan sa pagkuha ng kaban, nang sa ganoon hihinto ang salot. Kung gagawin ninyo iyan, at sa gayon gagaling kayo, malalaman ninyong siya ang nagdulot ng salot upang tamaan kayo. At malalaman ninyo kung bakit kayo nagdurusa hanggang ngayon."
\p
\v 4 Nagtanong ang mga tao ng Filisteo, "Anong uri ng handog ang ipapadala namin?" Sumagot ang mga kalalakihan, "Gumawa ng limang gintong hugis ng mga bukol ng inyong balat, at limang gintong hugis ng mga daga. Gumawa ng lima ng bawat isa dahil iyon ang kaparehong bilang gaya ng bilang ng inyong mga hari, at dahil ang salot na tumama kapwa sa inyong mga tao at inyong limang hari.
\s5
\p
\v 5 Gumawa ng mga hugis na kumakatawan sa mga daga at mga bukol na sumisira sa inyong lupain. Gawin ang mga ito upang parangalan ang diyos ng mga taong Israelita. Kung gagawin ninyo iyon, marahil hihinto si Yahweh sa pagpaparusa sa inyo, sa inyong mga diyos, at sa inyong lupain.
\p
\v 6 Huwag maging suwail gaya ni Paraon at ng mga taga-Ehipto. Tandaang sa wakas pinahirapan sila ni Yahweh nang higit sa makakayanan nila, at sa wakas pinahintulutan nila ang mga Israelita na umalis sa kanilang lupain.
\s5
\p
\v 7 Kaya dapat kayong gumawa ng isang bagong kariton. Pagkatapos kumuha ng dalawang bakang bagong silang lamang ng mga guya. Dapat ang mga bakang ito ay hindi pa naitatali sa isang kariton. Itali ang mga baka sa bagong kariton, at ilayo ang mga guya mula sa kanilang mga ina.
\p
\v 8 Ilagay ang kanilang banal na kaban ng diyos sa kariton. Maglagay din sa kariton ng limang gintong hugis ng mga bukol sa inyong mga balat at ng limang gintong hugis ng mga daga. Ilagay ang mga ito sa isang maliit na kahon katabi ng banal na kaban. Ang mga ito ay isang handog upang ipakita na alam ninyo na karapat-dapat kayong parusahan para sa pagkuha ng banal na kaban. Pagkatapos pababain ang mga baka sa daan, na hinihila ang kariton.
\p
\v 9 Masdan ang kariton habang hinihila ito ng mga baka. Kung hilahin nila ito sa bayan ng Beth-semes sa Israel, malalaman natin na ang kanilang diyos ang nagdala nitong salot sa atin. Ngunit kung hindi nila ito dadalhin doon, malalaman natin na hindi ang diyos ng mga Israelita ang nagparusa sa atin. Malalaman natin na nagkataong nangyari ito."
\s5
\p
\v 10 Kaya ginawa ng mga tao kung ano ang sinabi ng mga pari at mga manghuhula na gawin nila. Gumawa sila ng isang kariton, at tinali ang dalawang baka rito. Kinuha nila ang mga guya mula sa kanilang mga ina.
\p
\v 11 Inilagay sa kariton ang banal na kaban ni Yahweh at ang kahon na may hugis ng mga gintong daga at mga bukol.
\p
\v 12 Pagkatapos nagsimulang naglakad ang mga baka, at tuluy-tuloy silang lumakad patungo sa Beth-semes. Nanatili sila sa daan, at umuungal sa lahat ng oras. Hindi sila lumihis sa kaliwa o sa kanan. Sinundan ng limang hari ng rehiyon ng Filisteo ang mga baka hanggang umabot sa gilid ng Beth-semes.
\s5
\p
\v 13 Sa panahong iyon, umaani ang mga tao sa Beth-semes ng trigo sa lambak sa labas ng lungsod. Nang nakarating ang mga baka sa tabi ng daan, tumingala sila at nakita ang banal na kaban. Labis silang natuwa na makita ito.
\s5
\p
\v 14-15 Hinila ng mga baka ang kariton sa bukid ng isang lalaking nagngangalang Josue, at huminto sila sa tabi ng isang malaking bato. May ilang mga kalalakihang mula sa lipi ni Levi ang nagbuhat ng banal na kaban at kahon na naglalaman ng gintong mga hugis ng daga at ang mga bukol mula sa kariton, at inilagay ang lahat ng mga ito sa malaking bato. Pagkatapos dinurog ng mga tao ang kariton at sinunog ang kahoy kung saan gawa ang kariton. Kinatay nila ang mga baka at sinunog ang kanilang mga katawan upang maging isang handog para kay Yahweh na ganap na susunugin. Sa araw na iyon inihandog ng mga tao ng Beth-semes kay Yahweh ang maraming alay na ganap na sinunog, at iba pang mga alay.
\s5
\p
\v 16 Pinanood ng limang hari mula sa rehiyon ng Filisteo ang lahat ng ito, at pagkatapos bumalik sila sa Ekron, sa parehong araw na iyon.
\s5
\p
\v 17 Ang limang gintong hugis ng mga bukol na dinala nila para maging isang handog kay Yahweh upang ipakita na alam nila na karapat-dapat silang parusahan ay mga regalo mula sa limang haring iyon na namumuno sa mga lungsod ng Asdod, Gaza, Askelon, Gat, at Ekron.
\v 18 Ang hugis ng limang gintong daga ay mga regalo mula sa mga tao ng limang siyudad na iyon at ng nakapalibot na mga bayan. Ang malaking bato sa Beth-semes, kung saan inilagay ng mga kalalakihan ng lipi ni Levi ang banal na kaban, ay naroon pa rin sa bukid na nabibilang kay Josue. Kapag nakita ng mga tao ito, naaalala nila kung ano ang nangyari roon.
\s5
\p
\v 19 Ngunit tumingin ang pitumpung kalalakihan mula Beth-semes sa banal na kaban ni Yahweh, at nang dahil diyan, idinulot ni Yahweh na mamatay sila. Pagkatapos labis na nagdalamhati ang mga tao dahil pinarusahan ng ganoon ni Yahweh ang mga kalalakihang iyon.
\p
\v 20 Sinabi nila, "Sino ang makakatayo sa harapan ni Yahweh, ating Diyos na banal? Saan natin maaaring ilayo itong banal na kaban?"
\s5
\p
\v 21 Nagpadala sila ng mga sugo sa mga tao ng lungsod ng Kiriat Jearim upang sabihin sa kanila, "Ibinalik ng mga tao ng Filisteo ang banal na kaban ni Yahweh sa atin! Pumarito kayo at dalhin ito sa inyong lungsod!"
\s5
\c 7
\p
\v 1 Nang matanggap ng mga kalalakihan ng Kiriat Jearim ang pasabi, pumunta sila sa Beth-semes at kinuha ang banal na kaban ni Yahweh. Dinala nila ito sa bahay ni Abinadab na nasa gilid ng burol. Inilaan nila si Eleazar na anak na lalaki ni Abinadab upang mangalaga sa kaban.
\p
\v 2 Nanatili ang banal na kaban sa Kiriat Jearim nang mahabang panahon. Nanatili ito roon sa loob ng dalawampung taon. Sa loob ng panahong iyon nagluksa ang lahat ng tao ng Israel dahil mukhang pinabayaan sila ni Yahweh at nais nilang muling bumaling sa kanya para sa tulong.
\s5
\v 3 Pagkatapos sinabi ni Samuel sa lahat ng taong Israelita, "Kung tunay na gusto ninyong parangalan muli si Yahweh, dapat ninyong alisin ang mga rebulto ng diyosang si Astoret at mga diyus-diyosan ng mga taong Filisteo."
\p
\v 4 Kaya inalis ng mga Israelita ang lahat ng mga rebulto nila ng mga diyos na Baal at Astoret, at nagsimula silang sambahin lamang si Yahweh.
\s5
\v 5 Pagkatapos sinabi ni Samuel sa kanila, "Dapat magtipon kayong lahat na mga taong Israelita kasama ko sa Mizpa. Pagkatapos mananalangin ako kay Yahweh para sa inyo."
\p
\v 6 Kaya nagtipon sila sa Mizpa, kung saan gumanap si Samuel bilang pinuno para sa mga tao ng Israel. Nagkaroon sila ng isang malaking pagdiriwang doon. Sumalok sila ng tubig mula sa isang balon, at ibinuhos ang tubig sa lupa habang nanonood si Yahweh. Upang ipakitang nagsisisi sila sa pagsamba sa mga diosdiosan, hindi sila kumain ng anumang pagkain sa araw na iyon at umaming nagkasala sila laban kay Yahweh.
\s5
\v 7 Nang marinig ng mga hari ng rehiyon ng Filisteo na nagtipon ang mga taong Israelita sa Mizpa, pinangunahan nila ang kanilang mga hukbo roon upang salakayin ang mga Israelita. Nang malaman ng mga Israelita na palapit sa kanila ang hukbong Filisteo, labis silang natakot.
\p
\v 8 Sinabi nila kay Samuel, "Idalangin mo kay Yahweh na iligtas kami mula sa hukbong Filisteo, at huwag kang tumigil makiusap sa kanya!"
\s5
\p
\v 9 Kaya kumuha si Samuel ng isang napakabatang kordero at inihandog ito kay Yahweh bilang isang alay na ganap na sinunog sa altar. Pagkatapos nanalangin siya at nakiusap na tulungan ni Yahweh ang mga Israelita, at tinulungan nga niya sila.
\s5
\p
\v 10 Habang sinusunog ni Samuel ang handog, dumating ang hukbong Filisteo para salakayin ang mga Israelita. Subalit dinulot ni Yahweh na kumulog nang napakalakas. Nahintakutan ang mga kalalakihan ng hukbong Filisteo at nataranta sila. Kaya nagawa ng Israel na lubusan silang itaboy.
\p
\v 11 Nagsitakbo ang mga kalalakihan ng Israel palabas ng Mizpa at tinugis ang mga sundalong Filisteo halos hanggang sa bayan ng Betcar. Pinatay nila ang maraming sundalong Filisteo na nagtatangkang tumakas.
\s5
\p
\v 12 Matapos mangyari iyon, kumuha si Samuel ng isang malaking bato at itinayo ito sa pagitan ng mga bayan ng Mizpa at Shen. Pinangalanan niya ang batong "Ebenezer," na nangangahulugang "bato ng tulong," sapagkat sinabi niya, "Tinulungan kami ni Yahweh hanggang sa kasalukuyang panahon."
\s5
\p
\v 13 Kaya natalo ang mga Filisteo, at sa mahabang pahahon hindi sila pumasok sa lupain ng Israel para muling salakayin sila. Sa loob ng panahong buhay si Samuel, makapangyarihang pinangalagaan ni Yahweh ang mga Israelita mula sa pagsalakay ng hukbong Filisteo.
\p
\v 14 Nasakop muli ng hukbong Israel ang mga bayan sa pagitan ng Ekron at Gat na dating nasakop ng hukbong Filisteo. Nabawi rin ng mga Israelita ang ibang mga pook sa palibot ng mga lungsod na dating kinuha ng hukbong Filisteo mula sa mga Israelita. At nagkaroon ng kapayapaan sa pagitan ng Israel at ng lahi ng Amor.
\s5
\p
\v 15 Patuloy na naging pinuno si Samuel ng mga Israelita hanggang sa namatay siya.
\p
\v 16 Bawat taon naglalakbay siya sa mga lungsod ng Bethel at Gilgal at Mizpa. Sa mga lungsod na iyon nakikinig siya sa mga alitan sa pagitan ng mga tao at gumagawa ng kapasyahan tungkol sa mga iyon.
\p
\v 17 Matapos niyang gumawa ng kapasyahan sa bawat lungsod na iyon, babalik siya sa tahanan niya sa Rama, makikinig din doon sa mga alitan ng mga tao, at gagawa ng mga kapasyahan tungkol sa mga iyon. Gumawa siya ng isang altar sa Rama para maghandog ng mga alay kay Yahweh.
\s5
\c 8
\p
\v 1 Nang tumanda na si Samuel, itinalaga niya ang kanyang dalawang anak na lalaki, sina Joel at Abija, para mamuno sa mga tao ng Israel.
\v 2 Hinatulan nila ang mga alitan ng mga tao sa bayan ng Beer-seba.
\p
\v 3 Subalit hindi sila katulad ng kanilang ama. Gusto lang nilang makakuha ng maraming pera. Tumatanggap sila ng mga suhol, at hindi sila gumagawa ng mga tapat na pasya tungkol sa mga alitan ng mga tao.
\s5
\p
\v 4 Sa wakas, nagpulong ang mga pinuno ng Israel sa bayan ng Rama upang talakayin ang usapin kay Samuel.
\p
\v 5 Sinabi nila sa kanya, "Makinig ka! Matanda ka na ngayon at hindi katulad mo ang iyong mga anak. Magtalaga ka ng isang hari upang mamahala sa amin tulad ng mga haring mayroon ang ibang mga bansa!"
\s5
\p
\v 6 Labis na nalungkot si Samuel sa pakiusap nilang iyon, kaya nanalangin siya kay Yahwen tungkol dito.
\v 7 Sumagot si Yahweh, "Gawin mo kung ano ang pinakiusap nilang gawin mo. Subalit huwag isiping ikaw ang tinatanggihan nila. Ako ang naging hari nila at ako ang talagang tinatanggihan nila.
\s5
\p
\v 8 Mula nang dalhin ko sila palabas ng Ehipto, tinanggihan na nila ako, at sumamba sila sa ibang mga diyos. At ngayon tinatanggihan ka rin nila sa parehong paraan.
\v 9 Gawin kung ano ang hinihiling nilang gawin mo. Subalit balaan sila tungkol sa kung paano makikitungo sa kanila ng kanilang mga hari!"
\s5
\p
\v 10 Kaya sinabi ni Samuel sa mga taong iyon ang sinabi ni Yahweh.
\p
\v 11 Sinabi niya, "Kung pamamahalaan kayo ng isang hari, ito ang gagawin niya sa inyo: Pipilitin niya ang marami sa anak ninyong lalaking sumanib sa hukbo. Patatakbuhin niya ang ilan sa kanila sa harapan ng inyong mga karo upang alisin ang sagabal sa daan.
\v 12 Ang ilan sa kanila ay magiging pinuno ng kanyang mga sundalo, ngunit ang iba ay magtatrabaho para sa kanya na parang mga alipin. Pipilitin niya ang ilan sa kanila na bungkalin ang kanyang lupa at pagkatapos ay anihin ang kanyang mga pananim. Pipilitin niya ang ibang gumawa ng mga sandata niya at mga kagamitan para sa kanyang mga karo.
\s5
\p
\v 13 Kukunin ng hari ang ilan sa inyong mga anak na babae at pipilitin silang gumawa ng mga pabango at magluto ng pagkain at maghurno ng tinapay para sa kanya.
\p
\v 14 Kukunin niya ang pinakamainam ninyong bukirin at ubasan at taniman ng mga punong olibo, at ibibigay ang mga iyon sa kanyang mga sariling opisyal.
\v 15 Kukunin niya ang ikasampu ng iyong ani at ipapamahagi sa mga opisyal at mga lingkod na natatrabaho sa kanyang palasyo.
\s5
\p
\v 16 Kukunin niya ang inyong mga lalaki at babaeng lingkod, ang inyong pinakamainam na mga baka at asno at pipilitin silang magtrabaho para sa kanya.
\v 17 Kukunin niya ang isa sa sampu ng inyong mga tupa at kambing. At magiging mga alipin niya kayo!
\p
\v 18 Pagdating ng panahong iyon, magrereklamo kayo nang malakas sa hari, ang haring kayo mismo ang pumili pero hindi kayo bibigyang-pansin ni Yahweh."
\s5
\p
\v 19 Subalit tumangging makinig ang mga tao sa sinabi ni Samuel. Sinabi nila, "Wala kaming pakialam sa sinasabi mo. Gusto namin ng hari!
\p
\v 20 Gusto naming maging katulad ng ibang mga bansa. Gusto namin ng isang hari para mamahala sa amin at mamuno sa aming mga sundalo kapag nakikipaglaban sila."
\s5
\v 21 Nang sinabi ni Samuel kay Yahweh kung ano ang sinabi ng mga tao,
\q
\v 22 sumagot si Yahweh, "Gawin mo kung ano ang sinasabi nilang gawin mo. Bigyan mo sila ng hari!" Kaya pumayag si Samuel at pagkatapos pinauwi niya ang mga tao.
\s5
\c 9
\p
\v 1 Ngayon may isang mayaman at makapangyahrihang lalaki na Kish ang pangalan. Nabibilang siya sa liping nagmula sa Benjamin. Anak na lalaki si Kish ni Abiel at apo ni Zeror. Mula siya sa pamilya ni Becorat at mula sa angkan ni Afia.
\v 2 May anak na lalaki si Kish na nagngangalang Saul. Mas makisig at mas matangkad siya kaysa sinumang ibang lalaking Israelita.
\s5
\p
\v 3 Isang araw, nawala ang ilan sa mga babaeng asno ni Kish. Kaya sinabi ni Kish kay Saul, "Isama mo ang isa sa aking mga lingkod, at hanapin ang mga asno!"
\v 4 Kaya ginawa iyon ni Saul. Isinama niya ang isang lingkod, at lumakad patawid sa maburol na lugar kung saan nakatira ang mga kaapu-apuhan ni Efraim, at pagkatapos pumunta sila sa mga rehiyon ng Salisa at Saalim, at pagkatapos nagtungo sila sa buong rehiyong nabibilang sa lipi ni Benjamin, ngunit hindi nila matagpuan ang mga asno.
\s5
\p
\v 5 Sa wakas, dumating sila sa rehiyon ng Zuf. Pagkatapos sinabi ni Saul sa lingkod, "Umuwi na tayo. Kung hindi natin gagawin iyon, titigil sa pag-aalala ang aking ama sa mga asno at magsisimulang mag-alala sa atin."
\q
\v 6 Subalit sinabi ng lingkod, "Mayroon akong ibang naiisip. May isang propeta ng Diyos na naninirahan sa bayang ito. Labis siyang iginagalang ng mga tao dahil nagkakatotoo ang lahat ng bagay na hulaan niya. Kausapin natin siya. Marahil masasabi niya sa atin kung saan tayo maaaring pumunta para matagpuan ang mga asno."
\s5
\p
\v 7 Sumagot si Saul sa lingkod, "Kung kakausapin natin siya, dapat magbigay tayo ng regalo sa kanya, pero anong maibibigay natin sa kanya? Wala na tayong pagkain sa ating mga supot. Mayroon pa ba tayong anumang maibibigay sa kanya?"
\p
\v 8 Sumagot ang lingkod, "Tingnan ito! Mayroon akong maliit na piraso ng pilak. Maaari ko itong ibigay sa kanya at sa gayon, sasabihin niya sa atin kung saan pupunta para matagpuan ang mga asno."
\s5
\p
\v 9-11 Sinabi ni Saul, "Magaling, tayo na at kausapin siya." Kaya pumunta sila sa bayan kung saan nakatira ang propeta. Habang paakyat sila sa burol patungong bayan, may nasalubong silang mga dalagang papalabas para sumalok ng tubig sa isang balon. Tinanong ng isa sa kanila ang mga babae, "Nasa bayan ba ngayon ang manghuhula?" Sinabi nila iyon dahil dati kung gusto ng mga tao sa Israel ng isang pasabi mula sa Diyos, sasabihin nila, "Pumunta tayo sa manghuhula," at ang mga taong tinatawag ngayong propeta ay tinatawag sa panahong iyon na manghuhula, o "iyong mga nakakakita ng mga pangitain mula sa Diyos."
\s5
\p
\v 12 Sumagot ang mga babae, "Oo, nasa bayan siya. Sa katunayan, naglalakad siya sa daan sa unahan ninyo. Dumating siya sa bayan ngayon dahil maghahandog ng alay ang mga tao sa altar kung saan nagtitipon ang mga tao para sumamba sa Diyos.
\v 13 Kung magmamadali kayo, magkakaroon kayo ng oras para kausapin siya bago siya pumunta roon. Hindi magsisimulang kumain ang mga taong inanyayahan hanggang sa dumating siya at basbasan ang alay."
\s5
\v 14 Kaya pumasok si Saul at ang lingkod sa bayan. Habang papasok sila sa tarangkahan, nakita nila si Samuel habang papalapit siya sa kanila; patungo siya kung saan papunta ang mga tao para maghandog ng mga alay.
\s5
\p
\v 15 Nang nakaraang araw, sinabi ni Yahweh kay Samuel,
\p
\v 16 ganitong oras bukas magpapadala ako sa iyo ng isang lalaki mula sa lupain kung saan naninirahan ang mga kaapu-apuhan ni Benjamin. Buhusan mo ng olibong langis ang ulo niya upang ipahiwatig na siya ang magiging pinuno ng aking mga taong Israelita. Nakita kong nagdurusa ang aking bayan dahil inaapi sila ng mga taong Palestina, at narinig ko ang aking bayan habang humihingi ng tulong sa akin. Ililigtas ng lalaking papahiran mo ng langis ang aking bayan mula sa kapangyarihan ng bayan ng Filisteo."
\s5
\p
\v 17 Nang makita ni Samuel si Saul, sinabi ni Yahweh sa kanya, "Siya ang lalaking sinabi ko sa iyo kahapon! Siya ang mamamahala sa aking bayan!"
\p
\v 18 Nakita ni Saul si Samuel sa tarangkahan ng bayan pero hindi niya alam na ito si Samuel. Lumapit siya sa kanya at tinanong, "Maaari mo bang sabihin sa akin, kung saan ang bahay ng lalaking nakakakita ng mga pangitain mula sa Diyos?"
\v 19 Sumagot si Samuel, "Ako ang lalaking iyon. Mauna ka sa akin kasama ang lingkod mo sa lugar kung saan nag-aalay ang mga tao. Magsasalo tayo sa pagkain ngayon. Bukas ng umaga sasabihin ko sa iyo ang gusto mong malaman, at pagkatapos papauwiin kita.
\s5
\p
\v 20 Gayundin, huwag ka nang mag-alala sa mga asnong nawala tatlong araw na ang nakaraan. May nakakita na sa mga iyon."
\v 21 Sumagot si Saul, "Mula ako sa lipi ni Benjamin, ang pinakamaliit sa lahat ng lipi! At ang pamilya ko ang pinakamababang pamilya sa aming lipi! Kaya bakit ka nagsasalita sa akin ng ganito, tungkol sa pagnanais ng mga Israelita sa akin at sa aking pamilya?"
\s5
\p
\v 22 Pagkatapos dinala ni Samuel si Saul at ang lingkod sa malaking silid kainan, at sinabihang umupo sa upuang pandangal, nagpapahiwatig na pinaparangalan niya sila nang higit kaysa tatlumpung taong inanyayahan.
\s5
\v 23 Pagkatapos sinabi ni Samuel sa tagapagluto, "Dalhin sa akin ang natatanging piraso ng karne na sinabi ko sa iyong ibukod."
\v 24 Kaya dinala ng tagapagluto ang binti at ang karneng naroon; inilagay niya ito sa harap si Saul, kahit na iyong mga bahaging kinakain lamang ng pari. Sinabi ni Samuel kay Saul, "Kain na. Sinabi ko sa tagapagluto na itabi ito para sa iyo, para makain mo ito sa oras na ito, kapag narito ang lahat ng taong inanyayahan ko." Kaya magkasamang kumain sina Saul at Samuel.
\s5
\p
\v 25 Matapos nilang kumain, bumalik sila sa bayan. Pagkatapos dinala ni Samuel si Saul sa lapad na bubong ng kanyang bahay, at kinausap siya roon.
\p
\v 26 Habang sumisikat ang araw kinabukasan, tumawag si Samuel kay Saul, "Bumangon ka na! Oras na para pauwiin kita." Kaya bumangon si Saul, at maya-maya magkasamang umalis sa bahay sina Samuel at Saul.
\s5
\q
\v 27 Pagdating nila sa dulo ng bayan, sinabihan ni Samuel si Saul na paunahin ang kanyang lingkod. Pagkaalis ng lingkod, sinabi ni Samuel kay Saul, "Manatili rito nang ilang sandali, upang maibigay ko sa iyo ang isang pasabing natanggap ko mula sa Diyos."
\s5
\c 10
\p
\v 1 Pagkatapos kumuha si Samuel ng isang maliit na bote ng olibong langis at ibinuhos ang kaunti nito sa ulo ni Saul. Pagkatapos hinagkan niya si Saul, at sinabi sa kanya, "Ginagawa ko ito dahil pinili ka ni Yahweh na maging pinuno ng kanyang mga taong Israelita."
\p
\v 2 Kapag iniwan mo ako ngayon, at kapag dumating ka sa puntod ni Raquel sa Zelza, sa rehiyon ng lipi ni Benjamin, makakasalubong ka ng dalawang lalaki. Sasabihin nila sa iyo, 'Natagpuan na ang mga asno, ngunit ngayon nag-aalala na ang iyong ama sa iyo, at tinatanong niya ang mga tao kung nakita ka nila.'
\s5
\p
\v 3 Kapag dumating ka sa malaking punong ensina sa bayan ng Tabor, makakakita ka ng tatlong lalaking papalapit sa iyo. Papunta sila para sumamba sa Diyos sa Bethel. Ang isa sa kanila ay may akay na tatlong batang kambing, ang isa ay may dalang tatlong pirasong tinapay, at ang isa ay may dalang lalagyan ng alak.
\p
\v 4 Babatiin ka nila, at iaalok sa iyo ang dalawa sa mga sa mga piraso ng tinapay. Tanggapin mo ang mga iyon.
\s5
\v 5 Kapag dumating ka sa burol kung saan sumasamba sa Diyos ang mga tao malapit sa bayan ng Gibea, kung saan may isang kampo kung saan nakahimpil ang mga sundalong Filisteo, may masasalubong kang pangkat ng mga propetang pababa mula sa altar sa tuktok ng burol. May mga tao sa harapan nilang tumutugtog ng iba't ibang instrumentong pangmusika: alpa, panderetas, plauta, at lira. Sisigaw silang lahat ng mga pasabi mula sa Diyos.
\p
\v 6 Sa panahong iyon, darating sa iyo ang Espiritu ni Yahweh, at sisigaw ka rin sa parehong paraan. Mababago ka, kaya magiging parang ibang tao ka.
\s5
\p
\v 7 Matapos mangyari ang mga bagay na iyon, gawin kung anuman ang inaakala mong tamang gawin, dahil kasama mo ang Diyos.
\p
\v 8 Pagkatapos mauna ka sa akin, pababa sa siyudad ng Gilgal at hintayin ako sa loob ng pitong araw. Pagkatapos sasamahan kita roon para magsunog ng mga alay upang patuloy kang magkaroon ng pakikipagtipon kay Yahweh. Pagdating ko roon, sasabihin ko sa iyo ang iba pang bagay na dapat mong gawin."
\s5
\p
\v 9 Habang paalis doon si Saul, binago ng Diyos ang kalooban niya. At nangyari sa araw na iyon ang lahat ng bagay na inihula ni Samuel.
\p
\v 10 Nang dumating si Saul at ang kanyang lingkod sa Gibea, nakakita sila ng ilang propetang nagsasalita ng mga pasabing tuwirang nagmula sa Diyos. Habang papalapit ang mga propeta kay Saul at sa kanyang lingkod, makapangyarihang dumating kay Saul ang Espiritu ng Diyos, at nagsimula rin siyang isigaw ang mga mensaheng mula sa Diyos.
\s5
\p
\v 11 Nang marinig ng mga taong dating nakakakilala kay Saul na ginagawa niya kung ano ang ginagawa ng mga propeta, sinabi nila sa isa't isa, "Anong nangyari rito sa anak ni Kish? Talaga bang isa na siya ngayon sa mga propeta?"
\p
\v 12 Sumagot ang isang lalaking nakatira roon, "Hindi mahalaga kung sino ang mga magulang ng ibang mga propetang ito. Ang mahalaga ay, nakakamangha, na nagsasalita si Saul ng mga mensaheng mula sa Diyos." At iyan ang dahilan, kapag nag-aalinlangan ang mga tao tungkol sa isang ulat, iniisip nila ang tungkol sa nangyari kay Saul at sinasabing, "Talaga bang isa na si Saul sa mga propeta?"
\p
\v 13 Nang matapos magsalita ni Saul ng mga pasabing ibinigay sa kanya ng Diyos, pumunta siya sa lugar kung saan naghahandog ng mga alay ang mga tao.
\s5
\p
\v 14 Maya-maya nakita si Saul ng kanyang tiyo, at tinanong siya, "Saan ka nagpunta?" Sumagot si Saul, "Hinanap namin ang mga asno. Nang hindi namin matagpuan, pumarito kami para tanungin si Samuel kung masasabi niya sa amin kung nasaan ang mga iyon."
\p
\v 15 Sumagot ang tiyo ni Saul, "Anong sinabi ni Samuel sa inyo?"
\p
\v 16 Sumagot si Saul, "Tiniyak niya sa amin na may nakakita na sa mga asno." Ngunit hindi niya sinabi sa kanyang tiyo kung ano ang sinabi ni Samuel tungkol sa kanyang pagiging hari ng Israel.
\s5
\p
\v 17 Maya-maya pinatawag ni Samuel ang bayan ng Israel para magtipon sa Mizpa para makinig sa mensahe mula kay Yahweh.
\v 18 Matapos nilang dumating, sinabi niya sa kanila, "Ito ang sinasabi ni Yahweh, ang Diyos na sinasamba ng ating bayan: 'Dinala ko kayong mga Israelita palabas ng Ehipto. Iniligtas ko ang inyong mga ninuno mula sa kapangyarihan ang mga namamahala sa Ehipto at mula sa lahat ng ibang haring umapi sa kanila.
\v 19 Ako ang siyang nagliligtas sa inyo mula sa lahat ninyong kaguluhan at paghihirap. Subalit ipinakita ninyong ayaw ninyo akong sambahin. Sa halip, hiniling ninyong pumili ako ng isang lalaki para pamahalaan kayo bilang hari. Kaya ngayon, dapat magtipon ang inyong mga pinuno ng lipi at angkan sa aking presensya.'"
\s5
\v 20 Nang lumapit kay Samuel ang mga kinatawang iyon, pinahiwatig ng Diyos na pumili siya ng isang tao mula sa liping nagmula kay Benjamin.
\p
\v 21 Pagkatapos sinabi ni Samuel sa mga kinatawan ng lipi ni Benjamin na pumunta sa harapan, at pinahiwatig ng Diyos na mula sa liping iyon pumili siya ng isang tao mula sa pamilya ni Matri, at pagkatapos pinahiwatig ng Diyos na mula sa pamilya ni Matri pinili niya si Saul na anak ni Kish. Subalit nang hinanap nila si Saul, hindi nila siya matagpuan.
\s5
\p
\v 22 Kaya tinanong nila si Yahweh, "May iba pa bang pinili?" Sumagot si Yahweh, "Nagtatago ang lalaki sa mga kagamitan ng hukbo."
\p
\v 23 Kaya mabilis silang pumunta roon at natagpuan si Saul, at dinala siya sa harap ng lahat ng tao. Kitang-kita nilang tunay na mas matangkad siya sa lahat.
\s5
\p
\v 24 Pagkatapos sinabi ni Samuel sa lahat ng tao roon, "Ito ang haring pinili ni Yahweh para sa inyo. Tunay nga, walang ibang katulad niya sa buong Israel!" Sumigaw ang lahat ng tao, "Nawa'y mabuhay ang haring ito nang mahabang panahon!"
\s5
\p
\v 25 Pagkatapos sinabi ni Samuel sa mga tao kung ano ang mga bagay na sapilitang ipapagawa sa kanila ng hari, at lahat ng bagay na kailangang gawin ng hari. Sinulat niya ang lahat ng bagay na iyon sa isang balumbon, at pagkatapos inilagay ito sa dambana ni Yahweh. Pagkatapos pinauwi ni Samuel ang lahat ng tao.
\s5
\p
\v 26 Nang bumalik si Saul sa kanyang bayan sa Gibea, isang pangkat ng matatapang na lalaki ang nagpasyang patuloy na samahan siya. Ginawa nila iyon dahil inudyukan sila ni Yahweh na gawin iyon.
\v 27 Pero ilan sa walang kwentang lalaki ang nagsabi, "Paano tayo maililigtas ng lalaking ito mula sa ating mga kaaway?" Inalipusta nila siya at tumangging bigyan siya ng mga regalo para ipakitang magiging tapat sila sa kanya. Subalit walang anumang sinabi si Saul para pagalitan sila.
\s5
\c 11
\p
\v 1 Matapos ang halos isang buwan, pinangunahan ni Haring Nahas ng Ammon ang kanyang hukbo sa ibayo ng Ilog Jordan, at pinalibutan ang lungsod ng Jabes sa rehiyon ng Gilead. Subalit nagtalaga ang lahat ng kalalakihan ng Jabes ng isang tao na nagsabi kay Nahas, "Gumawa ka ng kasunduan sa amin na hindi kami papatayin, at sa gayon hahayaan ka naming pamahalaan kami."
\v 2 Sumagot si Nahas, "Gagawin ko iyan kung gagawin ninyo ang isang bagay. Payagan ninyong dukutin namin lahat ng kanang mata ng inyong mga tao. Sa paggawa niyon idudulot naming hamakin kayo ng ibang bansa para kamuhian ang lahat ng mga Israelita."
\s5
\v 3 Sumagot ang mga pinuno ng Jabes, "Huwag muna kaming salakayin sa susunod na pitong araw. Sa panahong iyon, magpapadala kami ng mga mensahero sa buong Israel para sabihin sa kanila kung ano ang hinihingi mo. Kung walang tutulong sa amin, susuko kami sa iyo."
\s5
\p
\v 4 Kaya nagpadala ang mga pinuno ng Jabes ng mga mensahero sa buong Israel. Nang dumating ang mga mensahero sa Gibea, na lungsod kung saan naninirahan si Saul, at sinabi nila sa mga tao roon ang pangyayari, nagsimulang umiyak ang lahat.
\v 5 Sa mga oras na iyon, nag-aararo sa bukid si Saul. Nang umuwi siya, tinanong niya, "Bakit umiiyak ang lahat ng tao?" Kaya sinabi nila sa kanya kung ano ang iniulat ng mga mensahero na nagmula sa Jabes.
\s5
\p
\v 6 Pagkatapos, makapangyarihang dumating ang Espiritu ng Diyos kay Saul, at nagalit siya nang matindi dahil sa gustong gawin ni Nahas.
\v 7 Kumuha siya ng dalawa sa kanyang lalaking baka at pinatay at pinagpira-piraso ang mga iyon. Pagkatapos nagpadala siya ng mga mensahero dala ang mga pirasong iyon sa buong nasasakupan ng Israel para sabihin sa mga tao ang pasabing ito: "Sinasabi ni Saul na pinagpira-piraso niya ang lalaking bakang ito, at gagawin niya ang parehong bagay sa mga lalaking baka ng sinumang tatangging sumama sa kanya at kay Samuel para labanan ang hukbo mula sa Ammon!" Pagkatapos dinulot ni Yahweh na matakot ang lahat ng tao ng Israel sa maaaring gawin sa kanila ni Saul kung hindi sila sasama at tutulungan si Saul.
\p
\v 8 Nang bilangin sila ni Saul sa Bezek, nakita niyang mayroong 300,000 lalaking Israelita roon at tatlumpung libong kalalakihan mula sa lipi ni Juda.
\s5
\p
\v 9 Kaya nagpadala si Saul ng mga mensahero pabalik sa mga tao ng Jabes para sabihin sa kanila, "Ililigtas namin kayo sa oras na mainit ang panahon bukas ng umaga." Humayo ang mga mensahero at sinabihan ang mga tao ng Jabes, na naging napakasaya nang marining nila ang balita.
\p
\v 10 Pagkatapos sinabi ng mga kalalakihan ng Jabes kay Nahas, "Bukas susuko kami sa iyo, at magagawa mo na sa amin anuman ang gusto mo."
\s5
\v 11 Subalit bago sumikat ang araw kinabukasan, dumating si Saul at ang kanyang hukbo. Hinati niya sila sa tatlong pangkat. Nagmadali sila sa kampo ng mga sundalo ng Ammon, at sinalakay sila. Pagdating ng tanghali napatay nila ang karamihan sa kanila, at naghiwa-hiwalay iyong mga hindi napatay. Ang bawat tumakbo sa kanila ay tumakbong ng nag-iisa.
\s5
\p
\v 12 Pagkatapos sinabi ng mga tao ng Jabes kay Samuel, "Nasaan ang mga lalaking nagsabing ayaw nilang maging hari natin si Saul. Dalhin sila rito at papatayin namin sila!"
\p
\v 13 Ngunit sumagot ni Saul, "Hindi, wala tayong papataying sinuman ngayon, dahil ito ang araw na iniligtas tayong mga Israelita ni Yahweh. Ito ay isang araw para magsaya, hindi para pumatay ng sinuman."
\s5
\p
\v 14 Pagkatapos sinabi ni Samuel, "Magtungo tayo sa Gilgal, at doon muling ipapahayag natin na si Saul ang ating hari."
\v 15 Kaya pumunta sila sa Gilgal. Doon, nalalaman nilang nanonood si Yahweh, ipinahayag nilang si Saul ang kanilang hari. Pagkatapos naghandog sila ng mga alay para makapagpatuloy silang magkaroon ng pakikipagtipon kay Yahweh. At napakasaya ni Saul at lahat ng ibang mga taong Israelita.
\s5
\c 12
\p
\v 1 Pagkatapos sinabi ito ni Samuel sa lahat ng mga Israelita: "Ginawa ko lahat ng bagay na sinabi ninyo sa akin na gawin, at nagbigay ako ng isang hari upang pamunuan kayo.
\p
\v 2 Malalaki na ang aking mga sariling anak na lalaki at kasama ninyo ngayon, subalit hinirang ko si Saul sa halip na isa sa kanila, at ngayon siya na ang inyong pinuno. Matanda na ako ngayon, at puti na ang aking buhok. Ako ang naging pinuno ninyo simula noong bata pa ako.
\s5
\q
\v 3 Ngayon sabihin sa akin, habang nakikinig si Yahweh at habang ang haring pinili niya ay nakikinig, kaninong lalaking baka o asno ang aking ninakaw sa panahon ng mga taong iyon? Sino ang aking dinaya? Sino ang aking labis na inapi? Mula kanino ako tumanggap ng isang suhol, upang baliwalain ang mga masamang bagay na nagawa niya? Kung nagawa ko alin man sa mga bagay na ito, sabihin sa akin, at babayaran ko kung anong aking inutang."
\s5
\p
\v 4 Sumagot sila, "Wala, hindi ka kailanman nandaya sa sinuman o inapi ang sinuman o tumanggap ng isang suhol mula sa kaninuman."
\v 5 Pagkatapos sinabi ni Samuel, "Ngayon maaaring magpatotoo si Yahweh at ang hari na inyong pinili ay maaaring magpatotoo na hindi ako kumuha ng isang suhol mula kaninuman." Sumagot sila, "Oo, Maaaring sabihin ni Yahweh na alam niyang totoo iyon."
\s5
\p
\v 6 Nagpatuloy si Samuel sa pamamagitan ng pagsasabing, "Si Yahweh ang siyang humirang kina Moises at Aaron upang pangunahan ang inyong mga ninuno. Siya ang siyang nagdala sa kanila palabas ng Ehipto. At siya ang magpapatotoo na totoo ang sinasabi ko.
\q
\v 7 Ngayon habang nakikinig si Yahweh, tahimik kayong tumayo dito habang inaakusahan ko kayo at sinasabihan kayo na mali ang paghingi ninyo ng isang hari sa halip na magtiwala kay Yahweh na pamunuan kayo. Gagawin ko iyon sa pamamagitan ng pagpapaalala sa inyo ng lahat ng mga dakilang himala na ginawa ni Yahweh para sa inyo at sa inyong mga ninuno.
\s5
\q
\v 8 Maraming taon matapos pumunta ang ating ninunong si Jacob sa Ehipto, nakiusap ang kanyang mga kaapu-apuan kay Yahweh upang tulungan sila. Kaya ipinadala ni Yahweh sina Moises at Aaron sa kanila, at pinangunahan nila ang ating mga ninuno palabas ng Ehipto, at sa huli nanirahan sila sa lupaing ito.
\p
\v 9 Subalit madaling nakalimutan ng ating mga ninuno ang tungkol kay Yahweh, kanilang Diyos. Kaya pinahintulutan niya si Sisera, ang pinuno ng hukbo mula Hazor, upang talunin sila. Pinahintulutan din niya ang mga Filisteo at ang hukbo ng hari ng Moab na labanan ang ating mga ninuno at talunin sila.
\s5
\p
\v 10 Pagkatapos muling nakiusap ang ating mga ninuno kay Yahweh upang tulungan sila. Inamin nila, 'Yahweh, nagkasala kami, at tinalikuran ka namin. Sumamba kami sa mga diyus-diyosan na kumakatawan sa diyos na Baal at sa diyosang Astoret. Subalit kung ililigtas mo kami mula sa aming mga kaaway, ikaw lamang ang aming sasambahin.'
\v 11 Kaya nagpadala si Yahweh ng kalalakihan tulad nina Gideon, Barak, Jefta, at ako upang iligtas kayo. At bilang isang resulta, hindi na kayo kailangan mag-aalala tungkol sa alin mang kaaway na lulusob sa inyo.
\s5
\v 12 Subalit ngayon, nang dumating si Haring Nahas ng Ammon kasama ng kanyang hukbo para atakihin kayo, natakot kayo. Kaya pumunta kayo sa akin, at sinabi, 'Gusto namin ng isang hari upang pamunuan kami,' kahit na si Yahweh ay hari na ninyo!
\p
\v 13 Kaya ngayon, masdan ninyo, narito ang hari na inyong pinili. Humingi kayo ng isang hari, at humirang ngayon si Yahweh ng isang hari para sa inyo.
\s5
\v 14 Kung gagalangin ninyo si Yahweh at kung paglilingkuran ninyo siya, at kung makikinig kayo sa kung anong sasabihin at susundin kung ano ang kanyang inuutos, at kung gagawin ninyo at ng haring namumuno sa inyo kung ano ang nais ni Yahweh na inyong Diyos na gagawin ninyo, magiging maayos ang mga bagay sa inyong lahat.
\p
\v 15 Subalit kung hindi kayo makikinig sa kung anong sasabihin ni Yahweh, kung susuwayin ninyo kung ano ang kanyang mga inuutos, kung gayon paparusahan niya kayo gaya ng parusa niya sa ating mga ninuno.
\s5
\p
\v 16 Ngayon tahimik kayong tumayo rito at masdan ang dakilang bagay na malapit nang gawin ni Yahweh.
\v 17 Alam ninyo na hindi umuulan sa panahong ito ng taon, sa panahong inaani ninyo ang trigo. Subalit hihingiin ko kay Yahweh na magpadala ng kulog at kidlat at ulan ngayon. Kapag ginawa niya iyon, mapagtatanto ninyo na tinuturing ni Yahweh na nakagawa kayo ng isang napakasamang bagay sa pamamagitan ng paghingi ng isang hari."
\v 18 Pagkatapos nanalangin si Samuel kay Yahweh, at idinulot ni Yahweh ito na kumulog at kumidlat at umulan. Kaya naging labis ang takot ng lahat ng mga tao kay Yahweh at kay Samuel.
\s5
\p
\v 19 Umiyak sila kay Samuel, "Ipagdasal mo kami! Dinagdagan namin ang aming mga nakaraang kasalanan sa pamamagitan ng paghingi ng isang hari! Manalangin ka kay Yahweh, na iyong Diyos, upang hindi kami mamatay sa paggawa niyon!"
\p
\v 20 Sumagot si Samuel, "Huwag kayong matakot! Nagawa ninyo itong masamang bagay, pero huwag kayong tumalikod mula sa paggawa ng mga bagay na nais ni Yahweh na inyong gawin. Sa halip, paglingkuran si Yahweh ng inyong buong pagkatao.
\p
\v 21 Huwag talikuran si Yahweh at huwag sumamba sa mga walang halagang mga diyus-diyosan. Hindi kayo matutulungan ng mga ito o maililigtas kayo mula sa inyong mga kaaway, dahil totoong walang halaga ang mga ito.
\s5
\v 22 Pinagpasiyahan ni Yahweh na gawin niya tayong kanyang bayan. Kaya hindi niya pababayaan ang kaniyang pinili, dahil dudungisan niya ang kanyang mabuting pangalan sa pagiging ganap na tapat kung gagawin niya iyon.
\v 23 Subalit para sa akin, taimtim kong ipinangako na hindi ako magkakasala laban kay Yahweh sa pamamagitan ng paghinto sa pagdarasal para sa inyo. At patuloy ko kayong tuturuan kung anong mga bagay ang mabuti at tamang gawin ninyo.
\s5
\v 24 Subalit dapat ninyong igalang si Yahweh at paglingkuran siya ng inyong buong pagkatao. Kailanman, huwag ninyong kalimutan ang lahat ng mga dakilang bagay na kanyang ginawa para sa inyo.
\v 25 Kung patuloy kayong gagawa ng mga masasamang bagay, pupuksain niya kayo at ang inyong hari!"
\s5
\c 13
\p
\v 1 Tatlumpung taong gulang si Saul nang nagsimula siyang mamuno. Namuno siya sa loob ng apatnapung taon.
\p
\v 2 Ilang taon pagkatapos niya maging hari, pumili siya ng tatlong libong kalalakihan mula sa hukbo ng mga Israelita para sumama sa kanya upang labanan ang mga Filisteo. Pagkatapos pinauwi niya ang ibang mga sundalo. Sa mga kalalakihang kanyang pinili, dalawang libo ang nanatili kasama ni Saul sa Micmas at sa maburol na lugar malapit ng Bethel, isang libo ang nanatili kasama ng anak na lalaki ni Saul na si Jonatan sa Gibea, sa lugar ng lipi ni Benjamin.
\s5
\p
\v 3 Sinalakay ni Jonatan at ng kalalakihan na kasama niya ang mga sundalong Filisteo na nagkampo sa Geba. Narinig ito ng ibang mga Filisteo, kaya napagtanto ni Saul na marahil ang hukbo ng Filisteo ay dumating upang labanan muli ang mga Israelita. Kaya nagpadala si Saul ng mga mensahero para hipan ang mga trumpeta sa buong Israel upang tipunin ang mga tao ng sama-sama at ipahayag sa kanila, "Kailangang marinig ninyong lahat na mga Hebreo na magsisimula na ngayon ang mga Palestina ng isang digmaan laban sa atin!"
\v 4 Sinabihan ng mga mensahero ang natirang hukbo na magtipon ng sama-sama kasama ni Saul sa Gilgal. Narinig ng bayan ng Israel ang balita. Sinasabi ng mga tao, "Sinalakay ng hukbo ni Saul ang kampo ng mga Filisteo, na may resultang ngayon ay kinamuhian nang matindi ng mga Filisteo tayong mga Israelita."
\s5
\p
\v 5 Nagtipon ang mga Filisteo at binigyan sila ng mga sandata para labanan ang mga Israelita. Ang mga Filisteo ay mayroong tatlong libong mga karo at anim na libong tagapagpatakbo ng karo. Ang kanilang mga sundalo ay parang kasing dami ng buhangin sa baybayin. Pumunta sila at itinayo ang kanilang mga tolda sa Micmas, sa silangan ng Bet-Aven, iyon ay Bethel.
\s5
\p
\v 6 Matinding sinalakay ng mga Filisteo ang mga Israelita, at napagtanto ng mga sundalo ng Israel na nasa isang napakasamang kalagayan sila. Kaya marami sa mga sundalo ng Israel ay nagtago sa mga kuweba at mga butas sa lupa, o sa mga bato, o sa mga hukay, o sa mga balon.
\p
\v 7 Tinawid ng ilan sa kanila ang Ilog Jordan at pumunta sa lugar kung nasaan ang rehiyon ng lipi ni Gad at ang rehiyon ng Galaad. Subalit nanatili si Saul sa Gilgal. Ang lahat ng mga sundalo na kasama niya ay nanginginig dahil sila ay labis na takot.
\s5
\p
\v 8 Naghintay si Saul ng pitong araw, bilang ng mga araw na sinabi ni Samuel sa kanya upang maghintay sa kanya. Subalit hindi pumunta si Samuel sa Gilgal sa panahong iyon, kaya marami sa kalalakihan ng hukbo ni Saul ay nagsimulang iwanan siya at tumakbo palayo.
\p
\v 9 Kaya sinabi ni Saul sa mga sundalo, "Magdala sa akin ang isang hayop na ganap na susunugin sa altar at isa para sa handog upang maaari tayong magpatuloy na magkaroon ng pakikisama sa Diyos." Kaya ginawa iyon ng kalalakihan.
\p
\v 10 At nang matapos na niyang masunog ang mga handog na ito, dumating si Samuel. Pumunta si Saul upang batiin siya.
\s5
\p
\v 11 Nakita ni Samuel kung ano ang nagawa ni Saul, at sinabi niya kay Saul, "Bakit mo ito nagawa?" Sumagot si Saul, "Nakita ko na iniwanan na ako ng aking mga tauhan at tumatakas, at hindi ka dumating sa panahon na sinabi mo na darating ka, at nagtipon ng sama-sama ang hukbo ng mga Filisteo sa Micmas.
\p
\v 12 Kaya inisip ko, 'Sasalakayin kami ng hukbong Filisteo dito sa Gilgal, at hindi ko pa hiniling si Yahweh na pagpapalain kami.' Kaya nadama ko na iyon ay nararapat na ihandog ang mga handog na susunugin upang hingin ng pagpapala ng Diyos."
\s5
\p
\v 13 Sumagot si Samuel, "Ang ginawa mo ay kahangalan! Hindi mo sinunod kung ano ang kautusan ni Yahweh, na iyong Diyos, tungkol sa mga alay. Kung sinunod mo siya, papahintulutan ka sana ng Diyos at iyong mga kaapu-apuhan na mamuno sa Israel sa loob ng mahabang panahon.
\p
\v 14 Subalit ngayon dahil sa nagawa mo, mamamatay ka, at pagkatapos mong mamatay, wala sa mga kaapu-apuhan mo ang magpapatuloy na mamuno sa iyo. Naghahanap si Yahweh ng isang tao na maging hari, siyang uri ng tao na nais niya na maging, upang mahirang niya siya na maging pinuno ng kanyang bayan. Gagawin ito ni Yahweh dahil hindi mo sinunod kung ano ang kanyang inutos."
\s5
\p
\v 15 Pagkatapos iniwan ni Samuel ang Gilgal at pumunta sa Gibea. Nanatili si Saul sa Gilgal kasama ang kanyang mga sundalo. Mayroon lamang anim na raan sa kanila ang natira na hindi umatras.
\p
\v 16 Pumunta si Saul at kanyang anak na lalaking si Jonatan at ang mga sundalong kasama nila sa lungsod ng Geba sa lugar ng lipi ni Benjamin at itinayo ang kanilang mga tolda roon. Itinayo ng hukbo ng Filisteo ang kanilang mga tolda sa Micmas.
\s5
\p
\v 17 Tatlong pangkat ng mga sundalo ng Filisteo ang maagang iniwan ang lugar kung saan ang kanilang hukbo ay namamalagi, at pumunta at gumawa ng mga pagsalakay sa mga bayan ng Israel.
\p
\v 18 Pumunta ang isang pangkat sa hilaga papunta sa siyudad ni Ofra sa rehiyon ng Sual. Pumunta ang isang pangkat sa lungsod ng Bethoron. Ang pangatlong pangkat ay pumunta patungo sa hangganan ng Israel, itaas ng Lambak Zeboim, malapit sa desyerto.
\s5
\p
\v 19 Sa panahong iyon, walang kalalakihan sa Israel na mga panday. Hindi pinahintulutan ng mga tao ng Filisteo ang mga Israelita na magkaroon ng kalalakihan na makakagawa niyon, dahil takot sila na gagawa sila ng mga bakal na espada at mga sibat para gamitin ng mga Hebreo.
\v 20 Kaya sa tuwing kailangan ng mga Israelita na hasain ang mga talim ng kanilang mga araro, o mga piko, o mga palakol, o mga karit, napipilitan sila na dalhin ang mga iyon sa isang taong Filisteo na kayang hasain ang mga bagay na iyon.
\p
\v 21 Kailangan nilang mag bayad ng halos walong gramo ng pilak para sa paghahasa ng talim ng kanilang araro at kanilang mga piko. Kailangan nilang magbayad ng halos apat na gramo ng pilak para sa paghahasa ng kanilang mga palakol o mga karit, o upang ituwid ang mga pantaboy na gamit para itaboy ang mga lalaking baka.
\s5
\v 22 Kaya dahil hindi makakagawa ang mga Israelita ng mga espada at mga sibat mula sa bakal, sa panahon nang nakipaglaban ang mga Israelita sa hukbo ng Filisteo. Si Saul at si Jonatan lamang ang kalalakihan ng Israel na may mga espada. Wala sa ibang tao ang mayroong espada. Mayroon lamang silang mga pana at palaso at ibang uri ng mga sandata.
\v 23 Bago nagsimula ang labanan, pumunta ang ilan sa kalalakihang Filisteo sa lagusan ng bundok sa labas ng Micmas upang bantayan ito.
\s5
\c 14
\p
\v 1 Isang araw, sinabi ni Jonatan sa binata na nagdala ng kanyang mga sandata, "Sumama ka sa akin; pupunta tayo sa ibayo kung saan itinayo ng mga Filisteo ang kanilang mga tolda." Kaya pumunta sila, subalit hindi sinabi ni Jonatan sa kanyang ama kung ano ang kanilang gagawin.
\s5
\v 2 Sa araw na iyon, nakaupo si Saul at ang anim na raang sundalo na kasama niya sa palibot ng isang punong granada sa isang lugar kung saan ginigiik ng mga tao ang butil, malapit sa Gibea.
\p
\v 3 Naroon din si Ahijah na pari, isa sa mga nagsuot ng banal na epron. Si Ahijah anak na lalaki ni Ahitub, na isang kapatid na lalaki ni Icabod. Sina Ichabod at Ahitub ay ang mga anak na lalaki ni Pinehas na anak na lalaki ni Eli, na pari ni Yahweh sa Shiloh. Ngayon ay walang sinuman ang nakaalam na umalis si Jonatan sa kampo ng Israel.
\s5
\p
\v 4 Binalak ni Jonatan na siya at ng binata na pumunta sa isang makitid na daan upang makarating sa kung saan naroon ang hukbo ng Filisteo. Ang talampas sa isang panig ng daan ay pinangalanang Bozez, ang isang talampas ay pinangalanang Sene.
\p
\v 5 Nakaharap ang isang talampas sa hilaga patungong Micmas, at ang talampas sa kabilang panig ay nakaharap sa timog patungong bayan ng Geba.
\s5
\p
\v 6 Sinabi ni Jonatan sa binata na nagdala ng kanyang mga sandata, "Sumama ka sa akin. Pupunta tayo kung saan itinayo ng mga paganong iyon ang kanilang mga tolda. Malamang tutulungan tayo ni Yahweh. Hindi bale kung dalawang lalaki lang tayo o maraming tao; walang makakapigil kay Yahweh na idulot nating talunin sila."
\v 7 Sinabi ng binatang nagdala ng mga sandata ni Jonatan, "Gawin kung ano ang inaakala mong pinakamabuti nating gawin. Tutulungan kita."
\s5
\p
\v 8 Pagkatapos sinabi ni Jonatan, "Mabuti, sumama ka sa akin. Tatawirin natin ang lambak kung saan naroon ang hukbo ng Filisteo, at payagan silang makita tayo.
\p
\v 9 Pagkatapos kung sasabihin nila sa atin, 'Manatili kayong dalawa diyan hanggang makababa kami sa inyo,' mananatili tayo roon at hindi aakyat papunta sa kanila.
\p
\v 10 Subalit kung sasabihin nila sa atin, 'Pumunta kayo rito,' iyon ang magpapakita sa atin na idudulot ni Yahweh na talunin natin sila. Pagkatapos aakyat tayo at lalabanan sila."
\s5
\p
\v 11 Nang tinawid nilang dalawa ang lambak, nakita silang paparating ng mga sundalo ng Filisteo. Sinabi nila, "Tingnan ninyo! Gumagapang ang mga Hebreo palabas sa mga butas na kanilang pinagtataguan!"
\v 12 Pagkatapos sinabi ng mga sundalong Filisteo na pinakamalapit kina Jonatan at sa binatang nagdadala sa kanyang mga sandata, "Umakyat kayo dito, at tuturuan namin kayo ng isang bagay tungkol kung paano makipaglaban!" Sinabi ni Jonatan sa binata na kasama niya, "Sumunod ka sa aking likuran at umakyat, dahil tutulungan tayo ni Yahweh na talunin sila!"
\s5
\p
\v 13 Kaya umakyat si Jonatan, gamit ang kanyang mga kamay at paa dahil iyon ay napakatarik. Umakyat ang binata na sumusunod sa kanya. Habang umaakyat si Jonatan, hinampas at pinatay niya ang maraming sundalong Filisteo, at pumatay ang binatang kasama niya ng marami pa habang sumusunod siya sa likuran ni Jonatan.
\v 14 Sa unang labanan na iyon nakapatay silang dalawa ng halos dalawampung sundalong Filisteo sa isang lugar na halos kalahati ng isang ektarya.
\s5
\p
\v 15 Pagkatapos nasindak ang lahat ng ibang mga sundalong Filisteo, ang mga nasa kampo at ang mga sumasalakay sa mga bayan ng Israel, ang mga nasa bukid na mas malapit. Pagkatapos idinulot ng Diyos na umuga ang lupa, at lahat sila ay nasindak sa takot.
\s5
\p
\v 16 Ang mga bantay ni Saul ay nasa bayan ng Gibea sa rehiyon ng lipi ni Benjamin. Nakita nila na ang mga sundalo ng hukbo ng Filisteo ay tumatakas sa lahat ng dako.
\p
\v 17 Napagtanto ni Saul na sinalakay ng ilan sa kanyang mga sundalo ang hukbo ng Filisteo. Kaya sinabi niya sa mga sundalo na kasama niya, "Tingnan natin para makita natin kung sinuman sa ating kalalakihan ang wala rito." Kaya tiningnan nila, at nalaman na wala sina Jonatan at ang taong nagdadala ng kanyang mga sandata.
\s5
\v 18 Kaya sinabi ni Saul kay Ahijah na Pari, "Dalhin mo ang banal na epron dito at alamin kung ano ang dapat nating gawin." Sa araw na iyon, suot ni Ahijah ang banal na epron, kasama ng mga Israelita.
\p
\v 19 Subalit habang nakikipag-usap si Saul sa pari, nakita niya na lalong nasisindak ang mga sundalo ng Filisteo. Kaya sinabi ni Saul kay Ahijah, "Ibaba ang iyong kamay mula sa banal na epron. Wala na tayong panahon para rito."
\s5
\q
\v 20 Pagkatapos tinipon ni Saul ang kanyang mga tauhan at pumunta sila sa labanan. Nakita nila na litong-lito ang mga sundalo ng Filisteo na hinahampas nila ang bawat isa gamit ang kanilang mga espada.
\p
\v 21 Bago niyon, ang ilan sa kalalakihang Hebreo ay pinabayaan ang kanilang hukbo ay umanib sa hukbo ng Filisteo. Subalit naghimagsik ngayon ang mga kalalakihang iyon at umanib kina Saul at Jonatan at sa ibang mga sundalo ng Israel.
\s5
\p
\v 22 Ang ilan sa mga Israelita ay tumakas dati at nagtago sa mga bundok kung saan naninirahan ang lipi ni Efraim. Subalit nang narinig nila na tumatakas ang mga sundalo ng Filisteo, bumaba sila at sumama sa ibang mga sundalo ng Israel at tinugis ang mga sundalo ng Filisteo.
\v 23 Kaya iniligtas ni Yahweh ang mga Israelita sa araw na iyon. Patuloy na tinugis ng mga sundalo ng Israel ang kanilang mga kaaway sa kabila ng bayan ng Beth-aven.
\s5
\p
\v 24 Bago pumunta ang mga sundalo ni Saul sa labanan, nagpahayag si Saul sa kanila ng taimtim, "Hindi ko gusto sa sinuman sa inyo na kumain ng alin mang pagkain bago ang gabing ito, bago natin matalo ang lahat ng ating mga kaaway. Kung sinuman ang kakain ng anumang bagay, susumpain ni Yahweh dahil sila ay gutom na gutom.
\v 25 Pumunta ang hukbo ng Israel sa kagubatan, at nakakita sila ng mga pulot-pukyutan sa lupa, subalit hindi sila kumain ng anumang pulot.
\p
\v 26 Takot silang kumain ng anuman, dahil taimtim nilang ipinangako na hindi sila kakain ng anumang pagkain.
\s5
\v 27 Subalit hindi narinig ni Jonatan na binigkis ng kanyang ama ang mga tao sa isang taimtim na pangako. Iniwan ni Jonatan ang kampo ng napakaaga at nang makakita siya ng isang pulot-pukyutan, inilubog niya ang dulo ng kanyang tungkod dito at kumain ng ilang pulot. Matapos niyang kainin ang pulot, naramdaman niyang mas malakas na siya.
\p
\v 28 Subalit nakita siya ng isa sa mga sundalo ng Israel at sinabi sa kanya, "Taimtim na ipinahayag ng iyong ama sa amin na susumpain ni Yahweh ang sinumang kumain ng anumang pagkain ngayon. Kaya ngayon kami ay pagod na pagod at mahina dahil sa gutom sapagkat sinunod namin siya."
\s5
\v 29 Sumigaw si Jonatan, "Nagdulot ng gulo ang aking ama sa ating lahat! Tingnan ninyo kung gaano ako kasigla pagkatapos kumain ng kaunting pulot!
\v 30 Kung pinahintulutan niya tayong lahat na kumain mula sa mga pagkaing ating nakuha mula sa ating mga kaaway habang tinutugis natin sila, makakapatay pa sana tayo ng mas marami sa kanilang mga sundalo!"
\s5
\p
\v 31 Tinugis ng mga Israelita at pinatay ang mga sundalo ng Filisteo sa buong araw na iyon, mula sa bayan ng Micmas kanluran patungong Aijalon. Subalit nagpatuloy silang maging mas mahina dahil sa gutom.
\v 32 Kumuha sila ng maraming tupa at baka na iniwan ng mga sundalo ng Filisteo. Ngayon, dahil sila ay gutom na gutom na, nagkatay sila ng ilan sa mga hayop na iyon at kinain ang karne na hindi pinatagas ang dugo mula sa mga hayop.
\s5
\p
\v 33 Sinabihan ng isa sa mga sundalo si Saul, "Masdan ninyo! nagkakasala ang mga tao laban kay Yahweh sa pamamagitan ng pagkain ng karne na may dugo pa sa mga ito!" Sumagot si Saul sa kalalakihan na malapit sa kanya, "Sinuway nila si Yahweh! Magpagulong ng isang malaking bato rito!"
\v 34 Pagkatapos nilang gawin iyon, sinabi niya sa mga kalalakihang iyon, "Umalis at sabihan ang lahat ng mga sundalo na bawat isa sa kanila ay dapat magdala ng isang lalaking baka o isang tupa sa akin, at patayin ito rito sa batong ito, at patagasin ang dugo bago niya kainin ang karne. Hindi sila dapat magkasala laban kay Yahweh sa pamamagitan ng pagkain ng karne mula sa ilang mga hayop na hindi pinapatagas ang dugo nito." Kaya nagdala nang gabing iyon ang mga sundalo ng mga hayop at kinatay ang mga ito roon. Pagkatapos nagtayo si Saul ng isang altar upang sambahin si Yahweh.
\s5
\v 35 Iyon ang unang pagkakataon na nagtayo siya ng isang altar para kay Yahweh.
\s5
\p
\v 36 Pagkatapos sinabi ni Saul sa mga sundalong Israelita, "Habulin natin ang mga sundalo ng Filisteo ngayong gabi. Maaari natin silang salakayin buong magdamag. Huwag natin pahintulutan ang sinuman sa kanila ang makatakas nang buhay." Sumagot ang mga sundalo ng Israel, "Gagawin natin kung ano ang iniisip mo na mabuting bagay na aming gagawin."
\v 37 Kaya tinanong ni Saul ang Diyos, "Dapat ba naming habulin ang mga sundalo ng Filisteo? Idudulot mo ba kaming talunin sila?" Subalit hindi sinagot ng Diyos si Saul nang araw na iyon.
\s5
\v 38 Pagkatapos ipinatawag ni Saul ang lahat ng mga pinuno ng kanyang hukbo. Sinabi niya sa kanila, "Natitiyak ko na hindi ako sinagot ng Diyos dahil nagkasala ang isang tao. Ating tuklasin kung anong kasalanan ang nagawa ng isang tao.
\p
\v 39 Iniligtas tayo ni Yahweh mula sa hukbo ng Filisteo. Tiyak na habang nabubuhay si Yahweh, kung sinuman ang nagkasala ay dapat patayin. Kahit na ito ay ang aking anak na lalaking si Jonatan ang nagkasala, dapat siyang patayin." Alam ng kanyang mga tauhan kung sino ang nagkasala, subalit wala sa kanila ang nagsabi ng anuman kay Saul.
\s5
\v 40 Pagkatapos sinabi ni Saul sa lahat ng mga sundalong Israelita, "Tumayo kayo sa isang panig. Ang anak kong si Jonatan at ako ay tatayo sa kabilang panig." Sumagot ang kanyang mga tauhan, "Gawin kung anumang sa tingin mo ay pinakamabuti."
\v 41 Pagkatapos nanalangin si Saul kay Yahweh, ang Diyos ng mga Israelita, "Sabihin sa akin kung sino ang nagkasala at kung sino ang hindi nagkasala." Pagkatapos nagpalabunutan ang pari, at tinuro ng mga ito na sinuman kina Jonatan o Saul ang isang nagkasala, at ang ibang kalalakihan ay hindi nagkasala.
\v 42 Pagkatapos sinabi ni Saul sa pari, "Muling na itapon ang mga bato upang ituro kung sino sa aming dalawa ang nagkasala." Kaya ginawa niya, at tinuro ng mga bato na si Jonatan ang siyang nagkasala.
\s5
\p
\v 43 Pagkatapos sinabi ni Saul kay Jonatan, "Sabihin sa akin kung ano ang iyong ginawang mali." Sumagot si Jonatan, "Kumain ako ng kaunti ng pulot. Iyon ay napakaunti lamang na nasa dulo ng aking tungkod. Nararapat ba akong patayin dahil sa paggawa niyon?"
\v 44 Sumagot si Saul, "Oo, dapat kang patayin! Inaasahan ko na hahampasin ako ng Diyos at patayin ako kung hindi ka papatayin sa paggawa niyon!"
\s5
\v 45 Subalit sinabi ng mga sundalong Israelita kay Saul, "Nagwagi si Jonatan ng isang dakilang tagumpay para sa ating lahat na mga Israelita. Dapat ba siyang patayin sa pagkain ng kaunting pulot? Tiyak na hindi! Tiyak na habang nabubuhay si Yahweh, hindi ka namin papayagan na saktan siya sa anumang paraan, dahil tinulungan ng Diyos si Jonatan upang pumatay ng maraming mga sundalo ng hukbo ng Filisteo!" Kaya sa pagsasabi niyon, iniligtas ng mga sundalo ng Israel si Jonatan, at hindi siya pinatay.
\v 46 Pagkatapos inutusan ni Saul ang kanyang mga sundalo na tumigil sa pagtugis sa hukbo ng Filisteo, kaya bumalik ang mga sundalo ng Filisteo sa kanilang mga tahanan.
\s5
\p
\v 47 Pagkatapos ni Saul maging pinuno, nakipaglaban siya sa mga kaaway sa bawat dako. Nakipaglaban siya sa mga lahi ng mga Ammonita, ng mga Edomita, sa mga hari ng Zoba, at sa mga Filisteo. Saan man makipaglaban ang hukbo ng Israel, tinatalo nila ang kanilang mga kaaway.
\p
\v 48 Matapang na nakipaglaban ang hukbo ni Saul at tinalo ang mga matatangkad na kaapu-apuhan ni Amalek. Iniligtas ng kanyang hukbo ang mga Israelita mula sa kanila na dumambong sa kanila.
\s5
\p
\v 49 Ang mga anak na lalaki ni Saul ay sina Jonatan, Isui, at Melquisa. Mayroon din siyang dalawang anak na babae, sina Merab at kanyang nakakabatang kapatid na si Mical.
\v 50 Ang asawa ni Saul ay si Ahinoam, ang anak na babae ni Ahimaaz. Ang tagapag-utos ng hukbo ni Saul ay si Abner anak na lalaki ng tiyohin ni Saul na si Ner.
\v 51 Ang ama ni Saul ay si Kish at ang ama ni Abner na si Ner ay parehong anak na lalaki ni Abiel.
\s5
\p
\v 52 Sa buong panahong nabuhay si Saul, nakipaglaban ang kanyang hukbo sa hukbo ng Filisteo. At sa tuwing nakakakita si Saul ng isang binatang matapang at malakas, pinipilit niya siyang sumapi sa kanyang hukbo.
\s5
\c 15
\p
\v 1 Isang araw sinabi ni Samuel kay Saul, "Ipinadala ako ni Yahweh upang italaga ka na maging hari ng mga taong Israelita. Kaya makinig ngayon sa mensaheng ito mula kay Yahweh:
\p
\v 2 ipinahayag ito ni Yahweh, tagapag-utos ng mga hukbo ng anghel: 'Paparusahan ko ang mga kaapu-apuhan ni Amalek dahil sa pagsalakay sa mga taong Israelita pagkatapos makaalis ng mga Israelita sa Ehipto.
\q
\v 3 Kaya ngayo'y humayo kasama ng iyong hukbo at salakayin ang ang lipi ng Amalek. Lipulin silang ganap—lipulin sila at lahat ng bagay na nabibilang sa kanila—ang kalalakihan at kababaihan, kanilang mga anak at mga sanggol, kanilang mga baka at mga tupa at mga kamelyo at mga asno. Huwag magtira ng anuman sa mga ito!'"
\s5
\q
\v 4 Kaya ipinatawag ni Saul ang hukbo at nagtipon sila sa bayan ng Telaim. Mayroong doong 200,000 sundalo. Sampung libo sa kanila ay mula sa Juda, ang iba ay mula sa ibang mga liping Israelita.
\q
\v 5 Pagkatapos pumunta si Saul kasama ang kanyang hukbo sa isang bayan kung saan naninirahan ang ilan sa lahing Amalek. Naghanda ang hukbo upang bigla silang salakayin sa pamamagitan ng pagtatago sa lambak.
\s5
\q
\v 6 Pagkatapos ipinadala ni Saul ang pasabing ito sa lipi ng Kenita na naninirahan sa lugar na iyon: "Kumilos kayo ng may kabaitan sa lahat ng aming mga ninunong Israelita nang iniwan nila ang Ehipto. Subalit aming papatayin ang lahat ng lipi ng Amalek, dahil kinalaban nila ang aming mga ninuno. Kaya umalis palayo kung saan naninirahan ang Amalek. Kung hindi kayo aalis, papatayin kayo kapag napatay na sila." Kaya nang marinig ito ng lipi ng Kenita, agad silang umalis sa lugar.
\q
\v 7 Pagkatapos pinatay ng hukbo ni Saul ang lipi ng Amalek, mula sa bayan ng Havilah sa silangan hanggang sa bayan ng Shur sa kanluran. Nasa hangganan ang Shur sa pagitan ng Israel at Ehipto.
\s5
\q
\v 8 Dinakip ng hukbo ni Saul si Agag, ang hari ng lipi ng Amalek, subalit pinatay niya ang lahat ng iba pa.
\q
\v 9 Hindi lang nila binuhay si Agag, subalit kinuha rin nila ang pinakamabuti sa mga tupa at mga kambing at mga baka. Kinuha nila ang lahat ng bagay na mabuti. Winasak lang nila ang mga hayop na tinuturing nilang walang halaga.
\s5
\q
\v 10 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Samuel,
\q
\v 11 "Nalulungkot akong hinirang ko si Saul na iyong maging hari, dahil tumalikod siya palayo sa akin at hindi sinunod kung ano ang aking inutos sa kanya na gawin." Labis nabagabag si Samuel nang marinig niya iyon, at umiyak siya kay Yahweh nang buong magdamag na iyon.
\s5
\p
\v 12 Kinabukasan ng maaga, bumangon si Samuel at pumunta upang kausapin si Saul. Subalit sinabihan si Samuel ng isang tao, "Pumunta si Saul sa lungsod ng Carmel, kung saan nagtayo siya ng isang bantayog upang parangalan ang kanyang sarili. Ngayon ay umalis siya roon at bumaba sa Gilgal."
\q
\v 13 Nang nakarating si Samuel sa Gilgal at dumating kay Saul, sinabi ni Saul, "Nais kong pagpalain ka nawa ni Yahweh! Sinunod ko kung ano ang sinabi ni Yahweh sa akin na gawin."
\s5
\q
\v 14 Subalit sumagot si Samuel, "Kung iyan ay totoo, bakit nakakarinig ako ng mga bakang umuunga at narinig ko ang mga tupang umunga?"
\q
\v 15 Sumagot si Saul, "Kinuha ang mga ito ng mga sundalo mula sa lipi ng Amalek. Kinuha nila ang pinakamabuting mga tupa at mga baka, upang ialay ang mga ito bilang mga alay kay Yahweh, na iyong Diyos. Subalit ganap naming nilipol ang lahat ng iba."
\q
\v 16 Sinabi ni Samuel kay Saul, "Tumahimik ka! Pahintulutan mo akong sabihin sa iyo kung ano ang sinabi ni Yahweh sa akin kagabi." Sumagot si Saul, "Sabihan mo sa akin kung ano ang sinabi niya."
\s5
\q
\v 17 Sinabi ni Samuel, "Dati hindi mo inisip na kayo ay mahalaga. Subalit ikaw ay naging pinuno ng lipi ng Israel. Hinirang ka ni Yahweh na maging kanilang hari.
\q
\v 18 At ipinadala ka ni Yahweh upang gumawa ng isang bagay para sa kanya. Sinabi niya sa'yo, 'Humayo at alisin ang lahat ang mga makasalanang taong iyon, ang lipi ng Amalek. Salakayin sila at patayin silang lahat.'
\p
\v 19 Kaya bakit hindi mo sinunod si Yahweh? Bakit dinala mo ang nadarambong para sa iyong sarili sa halip na sirain ito? Ginawa mo kung anong sinasabi ni Yahweh na masama at alam niya ito!"
\s5
\p
\v 20 Sumagot si Saul kay Samuel, "Ginawa ko ang pinapagawa ni Yahweh sa akin! Dinala ko pabalik si Haring Agag, subalit pinatay namin ang iba pa!
\p
\v 21 Dinala lamang ng aking mga tauhan ang pinakamabuting mga tupa at mga baka at ibang mga bagay, upang ialay ang mga ito kay Yahweh na iyong Diyos dito sa Gilgal."
\s5
\p
\v 22 Subalit sumagot si Samuel, "Alin ang inisip mong mas nakakasiya kay Yahweh, mga hayop na ganap na sinunog sa altar at ibang mga alay, o mga taong sumusunod sa kanya? Mas mabuting sumunod kay Yahweh kaysa maghandog ng mga alay sa kanya. Mas mabuting magbigay pansin sa kung ano ang kanyang sinasabi kaysa magsunog ng taba ng mga lalaking tupa, kung alin ay sinabi ng Diyos na dapat ialay sa kanya.
\v 23 Ang maghimagsik laban sa Diyos ay makasalanan tulad ng panghuhula, at ang maging sutl ay parehong makasalanan tulad ng pagsamba sa mga diosdiosan. Kaya, dahil sinuway mo kung ano ang sinabi ni Yahweh na iyong gawin, inihayag niya na ikaw ay hindi na magiging hari."
\s5
\p
\v 24 Pagkatapos sinabi ni Saul kay Samuel, "Oo, nagkasala ako. Sinuway ko kung ano ang sinabi mo sa aking gawin, kung alin ay iniutos ni Yahweh. Ginawa ko iyon dahil takot ako sa kung ano ang sasabihin ng aking mga tauhan kung hindi ko gagawin kung ano ang nais nila. Kaya ginawa ko kung ano ang hiningi nila.
\p
\v 25 Subalit ngayon, pakiusap patawarin ako sa pagkakasala. At bumalik kasama ko sa kung saan naroon ang mga tao upang maaari kong sambahin si Yahweh."
\s5
\v 26 Subalit sumagot si Samuel, "Hindi, hindi ako babalik kasama mo. Itinanggi mo kung ano ang iniutos ni Yahweh sa iyo na gagawin. Kaya itinanggi ka niya, at inihayag na ikaw ay hindi na magiging hari ng Israel. Kaya hindi na rin ako makikipag-usap sa iyo kailanman."
\p
\v 27 Habang tumatalikod si Samuel upang umalis, sinubukan ni Saul na pigilan siya sa pamamagitan ng pagsunggab sa dulo ng damit ni Samuel, at napunit ito.
\s5
\v 28 Sinabi ni Samuel sa kanya, "Ngayon ay kinuha ni Yahweh mula sa iyo ang kaharian ng Israel. Magtatalaga siya ng ibang tao para maging hari, isang taong mas mabuti kaysa sa iyo.
\v 29 At dahil hindi nagsisinungaling ang isa na siyang dakilang Diyos ng mga taong Israelita, hindi niya babaguhin ang kanyang isipan. Minsan binabago ng mga tao ang kanilang mga isipan, subalit hindi iyon ginagawa ng Diyos dahil hindi siya isang tao."
\s5
\v 30 Pagkatapos muling nakiusap si Saul. Sinabi niya, "Alam kong nagkasala ako. Pero pakiusap igalang mo ako sa harap ng mga pinuno ng mga taong Israelita at sa harap ng lahat ng ibang mga taong Israelita sa pamamagitan ng pagbalik sa kanila kasama ko upang maaari kong sambahin si Yahweh na iyong Diyos."
\p
\v 31 Kaya pumayag sa wakas si Samuel na gawin iyon, at pumunta sila ng magkakasama pabalik kung saan naroon ang mga tao, at sinamba ni Saul si Yahweh doon.
\s5
\p
\v 32 Pagkatapos sinabi ni Samuel, "Dalhin si Haring Agag sa akin." Kaya dinala nila si Agag sa kanya. Dinala si Agag sa harapan niya, at siya ay nakakadena. Inisip niya, "Tiyak na lumipas na ang pait ng kamatayan!"
\p
\v 33 Subalit sinabi ni Samuel sa kanya, "Pinatay mo ang mga anak na lalaki ng maraming babae gamit ang iyong espada, kaya ngayon hindi na magkakroon ng anak na lalaki ang iyong ina." At pinutol ni Samuel si Agag ng pira-piraso gamit ang kanyang espada, doon sa Gilgal, kung saan sinasamba ng mga Israelita si Yahweh.
\s5
\p
\v 34 Pagkatapos umalis si Samuel doon at bumalik sa kanyang tahanan sa Rama, at pumunta si Saul sa kanyang tahanan sa Gibea.
\v 35 Hindi na kailanman muling nakita ni Samuel si Saul, subalit siya ay napakalungkot tungkol sa kung anong nagawa ni Saul. At napakalungkot ni Yahweh na hinirang niya si Saul na maging hari ng Israel.
\s5
\c 16
\p
\v 1 Sa wakas, sinabi ni Yahweh kay Samuel, "Nagpasya akong hindi ko na papayagang magpatuloy sa pagiging hari si Saul. Kaya hindi ka na dapat manatiling malungkot dahil sa ginawa niya. Maglagay ka ng kaunting olibang langis sa isang maliit na lalagyan at pumunta ka sa Betlehem upang buhusan ng langis ang isang tao at hirangin siya para maging hari. Ipapadala kita roon sa isang taong nagngangalang Jesse, dahil pinili ko ang isa sa kanyang mga anak na maging hari ng Israel."
\s5
\v 2 Pero sinabi ni Samuel, "Takot akong pumunta. Kung marinig ni Saul na humirang ako ng ibang tao para maging hari, papatayin niya ako." Sumagot si Yahweh, "Magdala ka ng isang babaeng baka na hindi pa nanganak, at sabihin sa mga tao na dumating ka upang patayin ito at ihandog ito bilang isang alay sa akin.
\v 3 Anyayahan mo si Jesse na pumunta sa pag-aalay. Pagdating niya, ipapakita ko sa iyo ang dapat mong gawin. At ipapakita ko sa iyo kung alin sa kanyang mga anak ang pinili kong maging hari. Kaya dapat mo siyang buhusan ng olibang langis para maging hari."
\s5
\p
\v 4 Ginawa ni Samuel ang sinabi ni Yahweh na gawin niya. Pumunta siya sa Betlehem. Nang lumapit sa kanya ang mga pinuno ng bayan, nanginginig sila, dahil nag-aalala sila na dumating si Samuel para kagalitan sila tungkol sa isang bagay. Isa sa kanila ang nagtanong sa kanya, "Pumarito ka ba para mapayapang makipag-usap sa amin?"
\p
\v 5 Sumagot si Samuel, "Oo. Pumarito akong mapayapa, upang gumawa ng isang alay kay Yahweh. Ilaan ang inyong mga sarili para sa karangalan ni Yahweh, at sumama kayo sa akin kung saan nila ihahandog ang alay." Pagkatapos inilaan ni Samuel si Jesse na gawin ang makakalugod sa Diyos, kasama ang kanyang mga anak, at pagkatapos inanyayahan niya sila sa pag-aalay.
\s5
\p
\v 6 Nang dumating sila roon, tumingin si Samuel sa panganay na anak ni Jesse na si Eliab, at inisip niyang, "Tiyak na siya ang hinirang ni Yahweh na maging hari!"
\p
\v 7 Ngunit sinabi ni Yahweh kay Samuel, "Huwag mong isiping siya ang pinili ko dahil sa kanyang pagiging makisig at katangkaran, dahil hindi ko siya pinili. Hindi ako humuhusga sa mga tao katulad ng ginagawa ng mga tao. Kayong mga tao ay humuhusga sa mga tao sa kanilang panlabas na anyo, ngunit hinuhusgahan ko ang mga tao sa kanilang kalooban."
\s5
\v 8 Pagkatapos sinabihan ni Jesse ang kanyang sumunod na pinakamatandang anak na humakbang at lumakad sa harapan ni Samuel. Ngunit nang ginawa niya iyon, sinabi ni Samuel, "Hindi rin pinili ni Yahweh ang isang ito."
\p
\v 9 Pagkatapos sinabihan ni Jesse si Shamma ang sumunod niyang panganay na anak na humakbang. Humakbang siya, ngunit sinabi ni Samuel, "Hindi rin pinili ni Yahweh ang isang ito."
\p
\v 10 Gayundin, sinabihan ni Jesse ang apat na iba pang anak na lumakad sa harapan ni Samuel. Ngunit sinabi ni Samuel kay Jesse, "Hindi pinili ni Yahweh ang sinuman dito sa mga anak mong lalaki."
\s5
\p
\v 11 Pagkatapos tinanong ni Samuel si Jesse, "Mayroon ka pa bang ibang mga anak?" Sumagot si Jesse, "Wala rito ang aking bunsong anak; nasa labas siya nag-aalaga ng tupa sa bukid." Sinabi ni Samuel, "Magpadala ka ng isang tao upang dalhin siya rito! Hindi tayo uupo para kumain hanggang sa makarating siya rito."
\q
\v 12 Kaya nagpadala si Jesse ng isang tao upang dalhin si David doon. At nang dumating si David, nakita ni Samuel na siya ay malusog, may makinang na mga mata at makisig. Pagkatapos sinabi ni Yahweh, "Ito ang pinili ko; buhusan mo siya ng langis upang maging hari."
\s5
\p
\v 13 Kaya habang nakatayo si David sa harap ng kanyang mga nakatatandang kapatid, kinuha ni Samuel ang lalagyan ng langis na kanyang dinala at ibinuhos ang kaunti nito sa ulo ni David upang ilaan siya para maglingkod sa Diyos. Matapos nilang lahat na kumain, umalis si Samuel at bumalik sa Rama. Ngunit makapangyarihang dumating kay David ang Espiritu ni Yahweh, at nanatili kay David sa buong buhay niya.
\s5
\p
\v 14 Ngunit umalis kay Saul ang Espiritu ni Yahweh. Sa halip na manatili ang kanyang Espiritu kay Saul, nagpadala si Yahweh ng masamang espiritu kay Saul upang paulit-ulit siyang gambalain.
\p
\v 15 Sinabi sa kanya ng isa sa kanyang mga lingkod, "Maliwanag na ginagambala ka ng isang masamang espiritung ipinadala ng Diyos.
\v 16 Kaya iminumungkahi namin na payagan mo kaming iyong mga lingkod na humanap ng isang taong mahusay tumugtog ng alpa. Maaari siyang tumugtog ng alpa tuwing ginagambala ka ng masamang espiritu. Pagkatapos hihinahon ka at bubuti mula ang kalagayan mo."
\s5
\v 17 Sumagot si Saul, "Mabuti, hanapan ako ng isang taong mahusay tumugtog ng alpa, at dalhin siya sa akin."
\p
\v 18 Sinabi ng isa sa kanyang mga lingkod, "Mayroong isang anak na mahusay tumugtog ng alpa ang isang taong nagngangalang Jesse sa lungsod ng Betlehem. At saka, isa siyang matapang na lalaki, at isang may kakayahang sundalo. Makisig siya at matalinong magsalita. At palagi siyang pinangangalagaan ni Yahweh."
\v 19 Kaya nagpadala si Saul ng ilang mga mensahero kay Jesse. Sinabihan niya sila na sabihin kay Jesse, "Ipadala mo ang iyong anak na si David sa akin, ang siyang nag-aalaga ng mga tupa."
\s5
\p
\v 20 Kaya pagkatapos nilang pumunta at sinabi iyon kay Jesse, sumang-ayon siya at kumuha ng isang batang kambing, isang sisidlan ng alak, isang asno kung saan inilagay niya ang kaunting tinapay at ibinigay ang mga iyon kay David upang dalhin kay Saul bilang isang handog.
\p
\v 21 Pagkatapos pumunta si David kay Saul at nagsimulang magtrabaho para sa kanya. Labis na naibigan ni Saul si David, at siya'y naging tagapagdala ng sandata ni Saul kapag pumupunta siya sa mga labanan.
\s5
\v 22 Nagpadala ng mensahero si Saul upang puntahan si Jesse at sabihin sa kanya, "Nagalak ako kay David. Pakiusap hayaan siyang manatili rito at magtrabaho para sa akin."
\p
\v 23 Sumang-ayon si Jesse, at pagkatapos nito, sa tuwing ginulong mabuti si Saul ng masamang espiritu na ipinadala ng Diyos, tumutugtog si David ng alpa. Pagkatapos hihinahon si Saul, at aalis sa kanya ang masamang espiritu.
\s5
\c 17
\p
\v 1 Tinipon ng mga Filisteo ang kanilang hukbo upang makipaglaban sa mga hukbo ng Israelita. Sama-sama silang nagtipon malapit sa Soco, sa pook kung saan naninirahan ang mga kaapu-apuhan ni Juda. Itinayo nila ang kanilang mga tolda sa Efes-Dammim, na pagitan ng Soco at Azeka.
\s5
\p
\v 2 Tinipon ni Saul ang mga hukbo ng Israelita malapit sa Lambak ng Ela, at itinayo nila ang kanilang mga tolda. Pagkatapos kinuha nilang lahat ang kanilang mga pook, handang makipaglaban sa mga Filisteo.
\v 3 Kaya hinarap ng isa't-isa ang mga hukbong Filisteo at ang mga hukbong Israelita. Nasa dalawang burol sila, na may isang lambak sa kanilang pagitan.
\s5
\v 4 Pagkatapos lumabas mula sa kampo ng mga Filisteo si Goliat na mula sa lungsod ng Gat. Isa siyang dakilang mandirigma, na halos tatlong metro ang tangkad.
\v 5 Mayroon siyang suot na isang helmet gawa sa tanso upang pananggalang sa kanyang ulo, at may suot siyang isang kapa na yari sa metal upang pananggalang sa kanyang katawan. Ang kapang yari sa metal ay tumitimbang ng halos limampu't limang kilo.
\s5
\v 6 May suot siyang bakal na pananggalang sa kanyang mga binti. Mayroon siyang isang maliit na tansong sibat na nakakabit sa kanyang likod.
\p
\v 7 Mayroon din siyang isang malaking sibat. Mayroong isang tali ito upang maihagis ito nang mas mabuti. Tumitimbang ng halos pitong kilo ang bakal na ulo nito. Lumalakad sa harap niya ang isang sundalong tagadala ng malaking sandata ni Goliat.
\s5
\p
\v 8 Nakatayo si Goliat doon at sumisigaw sa mga hukbo ng Israelita, "Bakit nakahanay kayong lahat para sa labanan? Ako ang dakilang sundalo ng Filisteo, at sa palagay ko mga alipin lamang kayo ni Saul. Pumili kayo ng isang lalaki upang makipaglaban para sa inyong lahat, at pababain siya rito sa akin!
\p
\v 9 Kung lalaban siya sa akin at mapatay ako, sa gayon magiging alipin ninyo ang kapwa kong mga Filisteo. Ngunit kung matalo ko siya at mapatay siya, sa gayon kayong mga Israelita ay magiging mga alipin namin.
\s5
\p
\v 10 Wala sa inyong mga Israelita ang makakatalo sa akin! Magpadala kayo ng isang taong lalaban sa akin!"
\v 11 Nang marinig ni Saul at lahat ng mga sundalong Israelita, lubha silang natakot.
\s5
\p
\v 12 Ngayon mula sa angkan ng Ephrateo si David na anak ni Jesse. Nakatira siya sa Betlehem, sa rehiyon ng lipi ni Juda. May walong anak si Jesse. Nang naging hari si Saul, isang matandang lalaki na si Jesse.
\v 13 Sumunod kay Saul ang tatlong pinakamatandang anak ni Jesse na sina Eliab, Abinadab at Shammah upang labanan ang mga Filisteo.
\s5
\p
\v 14 Bunsong anak ni Jesse si David. Habang kasama ni Saul ang kanyang tatlong pinakamatandang kapatid,
\p
\v 15 pumaroo't parito si David. Kung minsan, pumupunta siya sa kampo ni Saul, at minsan nanatili siya sa Betlehem upang alagaan ang tupa ng kanyang ama.
\v 16 Sa loob ng apatnapung araw lumalabas si Goliat mula sa kampo ng mga Filisteo at nakatayo roon na humahamak sa hukbo ng Israelita. Palagi niyang sinasabihan ang mga Israelita na pumili ng isang lalaki para lumaban sa kanya. Ginagawa niya ito makalawa sa bawat araw, sa umaga at sa gabi.
\s5
\p
\v 17 Isang araw, sinabi ni Jesse kay David, "Narito ang isang sakong sinangag na butil at sampung tinapay. Dalhin kaagad ito sa iyong mga nakatatandang kapatid.
\p
\v 18 At narito ang sampung malaking tipak ng keso. Dalhin ang mga ito sa kanilang tagapag-utos. At tingnan kung ano ang kalagayan ng iyong mga nakatatandang kapatid. Pagkatapos kapag ligtas sila, magdala ka ng isang bagay na magpapakitang mabuti ang kanilang kalagayan.
\s5
\v 19 Kasama ni Saul ang iyong mga nakatatandang kapatid at ang lahat ng sundalong Israelita, na nagkampo sa libis ng Lambak Ela, naghahanda upang makipaglaban sa mga Filisteo."
\v 20 Kaya naghanap si David ng ibang pastol upang mag-aalaga sa mga tupa. Kinaumagahan kinuha niya ang pagkain at pumunta sa kampo ng mga Israelita, gaya ng sinabi ni Jesse. Dumating siya roon habang nag-aayos ang mga Israelitang sundalo at palabas sa larangan ng digmaan. Habang sumusulong sila, sumisigaw sila ng sigaw pandigma.
\v 21 Nakatayo sa gilid ng mga burol ang mga hukbo ng Filisteo at ang mga hukbo ng Israelita, magkaharap sa bawat isa, at handa sa labanan.
\s5
\p
\v 22 Ibinigay ni David ang pagkain sa taong taga-ingat ng kagamitang pandigma. Sinabihan niya siya na ingatan ang dala niyang pagkain, at pagkatapos pumunta siya at binati ang kanyang mga nakatatandang kapatid.
\v 23 Habang nakikipag-usap siya sa kanila, nakita niya si Goliat na lumabas mula sa sundalo ng mga Filisteo, sumisigaw sa mga Israelita, humahamon sa kanila na magpadala ng isang taong makakalaban niya. Narinig ni David ang sinasabi ni Goliat.
\v 24 Nang makita ng lahat ng mga sundalo ng Israelita si Goliat, nasindak sila at nagsimulang tumakbo.
\s5
\v 25 Sinasabi nila sa bawat isa, "Tingnan ninyo, patungo siya sa atin! At pakinggan ninyo siya habang hinahamon niya tayong mga Israelita! Sinasabi ng hari na bibigyan niya ng malaking pabuya ang sinumang makakapatay sa taong ito. Sinasabi rin niya na ibibigay niya ang kanyang anak sa taong iyon upang mapangasawa niya, at kailanma'y hindi na niya pagbabayarin ng buwis ang pamilya ng taong iyon."
\s5
\v 26 Kinausap ni David ang ilang kalalakihang nakatayo malapit sa kanya. Sinabi niya, "Ang Filisteong ito--itong lalaking hindi tuli--hindi dapat tinutukso ang makapangyarihang Diyos. Ano ang ibibigay sa taong makapatay sa Filisteong ito at makakapigil sa kanya mula sa pagpapahiya sa mga Israelita?"
\v 27 Sinabihan siya ng mga lalaki ng parehong bagay na sinabi ng ibang mga lalaki, tungkol sa gagawin ng hari sa sinumang makapatay kay Goliat.
\s5
\p
\v 28 Ngunit nang marinig ni Eliab na pinakamatandang kapatid ni David na nakikipag-usap siya sa mga lalaki, nagalit siya. Sinabi niya kay David, "Bakit ka bumaba rito? Mayroon bang nag-aalaga sa ilang tupa na iniwan mo sa desyerto? Alam kong mahilig ka sa gulo! Nais mo lang manood ng laban!"
\v 29 Sumagot si David, "Nakagawa ba ako ng mali? Nagtatanong lang naman ako!"
\v 30 Pagkatapos lumakad siya patungo sa ibang lalaki at itinanong niya ang parehong tanong, ngunit nagbigay ng parehong sagot ang lalaki. Bawat saglit na nagtatanong siya sa ibang tao, nakatanggap siya ng parehong sagot.
\s5
\p
\v 31 Sa wakas, isang tao ang nagsabi kay Haring Saul kung ano ang itinanong ni David, at nagpadala si Saul ng isang tao upang dalhin si David sa kanya.
\v 32 Sinabihan ni David si Haring Saul, "Walang dapat mabahala dahil sa Filisteo taong iyon. Aalis ako at lalaban ko siya!"
\v 33 Sinabi ni Saul kay David, "Isa ka lang binata, at siya ay naging isang makapangyarihang sundalo sa buong buhay niya. Kaya hindi ka maaaring umalis at makipaglaban sa kanya!"
\s5
\v 34 Sumagot si David, "Nag-aalaga ako ng mga tupa ng aking ama nang maraming taon. Sa tuwing may leon o oso ang dumarating at tinatangay ang isang tupa,
\v 35 hinahabol ko ito at sinasalakay ito at inililigtas ang tupa mula sa bibig ng hayop. Pagkatapos hinahawakan ko sa panga nito ang hayop at hinahataw at pinapatay ito.
\s5
\v 36 Nakapatay ako pareho ng mga leon at mga oso. At pareho rin ang gagawin ko sa paganong Filisteong ito, dahil hinamon niya ang hukbo ng makapangyarihang Diyos!
\s5
\v 37 Iniligtas ako ni Yahweh mula sa pangalmot ng mga leon at mga oso, at ililigtas niya ako mula sa Filisteong ito!" Pagkatapos sinabi ni Saul kay David, "Sige, humayo ka at labanan siya, at nawa'y tutulungan ka ni Yahweh!"
\v 38 Pagkatapos binigay ni Saul ang kanyang mga damit na palagi niyang isinusuot sa labanan, at ibinigay niya sa kanya ang isang tansong helmet at isang baluti sa katawan na gawa sa metal.
\s5
\v 39 Isinuot ni David ang mga bagay na ito. Ikinabit niya ang kanyang espada sa mga ito at sinubukang lumakad. Ngunit hindi siya makalakad, dahil hindi siya sanay na magsuot ng mga bagay na iyon. Kaya sinabi ni David kay Saul, "Hindi ako makakalaban na suot ang lahat ng mga bagay na ito, dahil hindi ako sanay sa pagsuot ng mga ito!" Kaya hinubad niya ang mga ito.
\v 40 Pagkatapos kinuha niya ang kanyang panlakad na tungkod; pumili ng limang makinis na bato sa batis. Inilagay niya ang mga ito sa supot pangpastol. Pagkatapos kinuha niya ang kanyang tirador at nagsimulang lumakad patungo kay Goliat.
\s5
\p
\v 41 Lumakad si Goliat patungo kay David, kasama ang sundalong tagadala ng kanyang sandata na nasa harapan niya. Nang palapit na siya kay David,
\v 42 tiningnan niyang mabuti si David. Nakita niyang si David ay may isang magandang mukha at may malusog na katawan, ngunit isa lamang siyang binata. Kaya nilait niya si David.
\v 43 Sinabi niya kay David, "Pumarito ka ba sa akin na may dalang patpat dahil iniisip mong isa akong aso?" Pagkatapos tumawag siya sa kanyang mga diyos upang saktan si David.
\s5
\v 44 Sinabi niya kay David, "Lumapit ka sa akin, at papatayin kita at ibibigay ko ang iyong patay na katawan sa mga ibon at sa mga mababangis na mga hayop para kainin!"
\v 45 Sumagot si David, "Pumarito ka sa akin na may dalang isang espada at isang maliit na sibat. Ngunit pumarito ako sa iyo sa pangalan ni Yahweh, ang Pinuno ng mga hukbo ng anghel. Siya ang Diyos na sinasamba ng mga hukbo ng Israel, at siya ang Diyos na iyong nilapastangan.
\s5
\v 46 Ngayon idudulot ni Yahweh na talunin kita. Pababagsakin kita at puputulin ang iyong ulo. At papatayin naming mga Israelita ang maraming sundalong Filisteo at ibibigay ang kanilang mga katawan sa mga ibon at mababangis na mga hayop para kainin. Maririnig ng bawat isa sa mundo ang tungkol dito at malalaman na kaming mga taong Israelita ay sumasamba sa isang lubos na makapangyarihang Diyos.
\v 47 At malalaman ng bawat isa na kayang iligtas ni Yahweh ang mga tao na walang gamit na isang espada o isang sibat. Palaging nananalo si Yahweh sa kanyang mga labanan, at idudulot niyang talunin namin kayong lahat na mga Filisteo."
\s5
\v 48 Habang palapit si Goliat upang salakayin si David, mabilis na tumakbo si David patungo sa kanya.
\v 49 Ipinasok niya ang kanyang kamay sa kanyang supot pastol at kumuha ng isang bato. Inilagay sa kanyang tirador at inihagis ito patungo kay Goliat. Tumama ang bato sa noo ni Goliat at binasag ang kanyang bungo, at sumubsob siya sa lupa.
\s5
\p
\v 50-51 Kaya tumakbo si David at tumayo sa ibabaw ni Goliat. Binunot niya ang espada ni Goliat mula sa lalagyanan ng espada at pinatay siya gamit ito, at pagkatapos pinugot niya ang ulo. Sa paraang iyon tinalo ni David ang Filisteo na walang sariling espada. Gumamit lamang siya ng isang tirador at isang bato! Nang makita ng ibang Filisteo na patay na ang kanilang dakilang mandirigma, sila'y nagsitakas.
\s5
\v 52 Sumigaw ang kalalakihang Israelita at hinabol sila. Tinugis nila hanggang sa lungsod ng Gat at sa mga tarangkahan ng lungsod ng Ekron. Pinabagsak nila sila habang tumatakbo, na may resultang nakahandusay ang mga patay na Filisteo sa lahat ng daan mula sa Shaaraim hanggang sa Gat at Ekron.
\v 53 Nang makabalik ang mga Israelita mula sa pagtugis sa mga Palestina, dinambong nila ang kampo ng Filisteo.
\v 54 Kinalaunan, dinala ni David ang ulo ni Goliat sa Jerusalem, ngunit itinago niya sa kanyang tolda ang mga sandata ni Goliat.
\s5
\p
\v 55 Habang pinanonood ni Saul si David na patungo kay Goliat, sinabi niya kay Abner, ang taga-utos ng kanyang hukbo, "Abner, kaninong anak ang binatang iyon?" Sumagot si Abner, "Habang nabubuhay ka, hindi ko alam."
\v 56 Pagkatapos sinabi ng hari, "Alamin kung kaninong anak siya!"
\s5
\v 57 Maya-maya, habang pabalik si David mula sa pagpatay kay Goliat, dinala siya ni Abner kay Saul. Dinala ni David ang ulo ni Goliat.
\v 58 Tinanong siya ni Saul, "Binata, kanino kang anak?" Sumagot si David, "Ginoo, anak ako ng iyong lingkod na si Jesse na naninirahan sa Betlehem."
\s5
\c 18
\p
\v 1 Matapos kausapin ni David si Saul, nakilala niya ang anak ni Saul, na si Jonatan. Nagustuhan agad ni Jonatan si David; sa katunayan, sinimulan niyang mahalin siya.
\v 2 Mula sa araw na iyon, pinanatili ni Saul si David upang maglingkod sa kanya; hindi niya siya pinayagang umuwi.
\s5
\v 3 Dahil labis niyang minahal si David, gumawa ng isang taimtim na kasunduan si Jonatan kay David. Ipinangako nila sa isa't-isa na palagi silang magiging magkaibigan.
\v 4 Hinubad ni Jonatan ang kanyang panlabas na balabal at ibinigay ito kay David. Ibinigay rin niya kay David ang kanyang kasuotang pansundalong tunika, kanyang espada, kanyang pana at palaso, at kanyang sinturon.
\s5
\v 5 Pumupunta si David saan man siya ipadala ni Saul. At anuman ang sabihin ni Saul na gawin niya, nagagawa itong matagumpay ni David. Bunga nito, hinirang ni Saul si David bilang isang taga-utos sa hukbo. Sinang-ayunan iyon ng lahat ng opisyal at ibang mga lalaki sa hukbo.
\s5
\p
\v 6 Ngunit nang pauwi ang mga kalalakihan ng hukbo matapos mapatay ni David si Goliat, lumabas ang mga kababaihan mula sa maraming siyudad at mga bayan. Binati nila si Haring Saul habang masaya silang kumakanta at sumasayaw, tumutugtog ng mga pandereta at mga kudyapi.
\p
\v 7 Habang sumasayaw sila, kinanta nila ang kantang ito: "Nakapatay si Saul ng isanlibong sundalong kaaway, ngunit nakapatay si David ng sampung libo sa kanila."
\s5
\p
\v 8 Nang marinig sila ni Saul na kinakanta iyon, hindi niya ito nagustuhan. Labis siyang nagalit. Sinabi niya sa kanyang sarili, "Sinasabi nilang nakapatay si David ng sampung libong kalalakihan, ngunit isang libo lamang ang napatay ko. Sa madaling panahon nanaisin nilang gawin siyang kanilang hari!"
\p
\v 9 Mula sa panahong iyon, mahigpit na binantayan ni Saul si David dahil naghinala siyang baka subukin ni David na maging hari.
\s5
\p
\v 10 Kinabukasan, isang masamang espiritu na pinadala ng Diyos ang biglang gumupo kay Saul. Nagsimula siyang kumilos na parang baliw, sa loob ng kanyang bahay. Tumutugtog ng kudyapi si David para sa kanya, gaya ng ginagawa niya araw-araw. May hawak na sibat si Saul sa kanyang kamay,
\p
\v 11 at inihagis niya ito kay David, nag-iisip na, "Itutusok ko si David sa dingding gamit ang sibat!" Ginawa niya iyon makalawang ulit, ngunit nakailag si David sa parehong pagkakataon.
\v 12 Dahil naging malinaw na pinabayaan na ni Yahweh si Saul, ngunit tinutulungan niya si David, natakot si Saul kay David.
\s5
\p
\v 13 Kaya hinirang niya si David bilang isang pinuno ng isanlibong sundalo at pinalayo niya si David mula sa kanya, umaasang mapapatay si David sa labanan. Ngunit kapag pinamumunuan ni David ang kanyang mga sundalo sa kanilang labanan,
\p
\v 14 palagi siyang nagkakamit ng dakilang tagumpay, dahil tinutulungan siya ni Yahweh.
\s5
\p
\v 15 Nang marinig ni Saul na napakamatagumpay ni David at nang kanyang mga sundalo, lalo siyang natakot kay David.
\p
\v 16 Ngunit minahal ng lahat ng mga tao ng Israel at Juda si David, dahil pinamunuan niyang napakamatagumpay ang mga sundalo sa mga labanan.
\s5
\p
\v 17 Isang araw sinabi ni Saul kay David, "Handa akong ibigay sa iyo ang aking pinakamatandang anak na babae, si Merab, para maging asawa mo. Gagawin ko iyon kung matapang kang maglilingkod sa akin sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa digmaan para kay Yahweh laban sa mga Filisteo." Sinabi niya iyon dahil iniisip niyang, "Hindi ko susubuking patayin ko mismo si David. Hahayaan kong gawin iyon ng mga Filisteo."
\v 18 Ngunit sinabi ni David kay Saul, "Hindi ako napakahalagang tao, at hindi napakahalaga ng aking pamilya. Hindi rin lubos na mahalaga ang aking angkan sa angkan ng Israel. Kaya hindi ako karapat-dapat na maging manugang mo."
\s5
\p
\v 19 Kaya, nang panahon na para ibigay si Merab kay David upang maging kanyang asawa, sa halip, ibinigay siya ni Saul sa isang lalaking nagngangalang Adriel, na mula sa Mehola.
\s5
\p
\v 20 Gayunman, ang isa pang anak ni Saul, na si Mical, ay umibig kay David. Nang sinabihan nila si Saul tungkol doon, nasiyahan siya.
\p
\v 21 Iniisip niyang, "Ibibigay ko si Mical sa kanya, upang siya ay mabitag niya, at mapatay siya ng mga Filisteo." Kaya sinabi niya kay David, "Maaari mong mapangasawa si Mical," at sa pagsasabi niyan, ipinahiwatig niya sa pangalawang pagkakataon na magiging manugang niya si David.
\s5
\p
\v 22 Sinabihan ni Saul ang kanyang mga lingkod, "Palihim na kausapin si David at sabihin sa kanya, 'Makinig, nasiyahan ang hari sa iyo, at mahal ka naming lahat na mga lingkod niya. Kaya ngayon inisip naming dapat mong mapangasawa si Mical at maging manugang ng hari.'"
\s5
\v 23 Kaya sinabi nila iyon kay David. Ngunit sinabi ni David, "Isang napakalaking karangalan na maging manugang ng hari. Ngunit hindi ko iniisip na dapat kong gawin iyon, dahil isa lamang akong dukha at walang kabuluhang tao."
\p
\v 24 Isinalaysay ng mga lingkod ni Saul sa kanya ang sinabi ni David.
\s5
\p
\v 25 Sumagot si Saul, "Humayo kayo, at sabihin kay David, 'Para payagan ka ng hari na mapangasawa si Mical, nais niyang pumatay ka ng isandaang Filisteo at putulin ang kanilang mga pinagtuliang balat at dalhin sa kanya ang pinagtuliang balat upang patunayang napatay mo sila. Sa paraang iyon makakapaghiganti siya sa kanyang mga kaaway." Ngunit ang tunay na nais ni Saul ay mapatay ng mga Filisteo si David habang sinusubukan niyang patayin sila.
\v 26 Nang sinabi ng mga lingkod iyon kay David, labis siyang nasiyahan na magiging manugang ng hari sa paggawa niyon. Sinabi ng hari kung ilang araw niyang papayagan si David na gawin iyon.
\s5
\p
\v 27 Ngunit bago matapos ang panahong iyon, humayo si David at ang kanyang mga tauhan at pumatay ng hindi iisandaan kundi dalawandaang Filisteo! Dinala niya ang kanilang mga pinagtuliang balat kay Saul, at binilang ang mga iyon habang nanonood si Saul, upang patunayang natupad niya kung ano ang kailangan ng hari para maging manugang siya ni Saul. Kaya sa gayon napilitang payagan ni Saul si David na mapangasawa ang kanyang anak na si Mical.
\v 28 Ngunit nang napagtanto ni Saul na tinutulungan ni Yahweh si David, at minahal ng kanyang anak si David,
\v 29 lalo siyang natakot kay David. Kaya habang nabubuhay si Saul, kaaway siya ni David.
\s5
\p
\v 30 Paulit-ulit na dumating ang mga Filisteo upang makipaglaban sa mga Israelita, ngunit sa tuwing maglalaban sila, mas matagumpay si David at ang kanyang mga sundalo kaysa sa anumang ibang mga taga-utos ng hukbo ni Saul. Bunga nito, naging napakasikat ni David.
\s5
\c 19
\p
\v 1 Pagkatapos pinilit ni Saul lahat ng kanyang mga lingkod at kanyang anak na lalaking si Jonatan na patayin si David. Ngunit gusto ni Jonatan si David ng lubusan.
\v 2 Kaya binalaan niya si David, "Humahanap ng paraan ang ama kong si Saul upang patayin ka. Kaya mag-ingat. Bukas ng umaga humayo at humanap ng isang lugar upang makapagtago sa bukirin.
\v 3 Sasabihin ko sa aking ama na lumabas doon kasama ko. Habang naroon kami, kakausapin ko siya tungkol sa iyo. Pagkatapos sasabihin ko sa iyo lahat ng sasabihin niya sa akin." Kaya ginawa ni David ang sinabi ni Jonatan na gawin niya.
\s5
\p
\v 4 Sa sumunod na umaga, nakipag-usap si Jonatan sa kanyang ama, nagsasabi ng maraming mabubuting mga bagay tungkol kay David. Sinabi niya, "Wala ka dapat gawing anumang bagay na makakapinsala sa iyong lingkod na si David! Hindi siya nakagawa ng anumang bagay na makakapinsala sa iyo! Nakatulong sa iyo ng labis ang lahat ng kanyang ginawa.
\p
\v 5 Nasa panganib siyang mapatay noong lumaban siya kay Goliat, ang dakilang sundalo ng hukbo ng Filisteo. Sa pamamagitan ng pagdulot kay David na mapatay siya, Nagkaroon ng dakilang tagumpay si Yahweh para sa buong Israel. Naging napakasaya mo noong nakita mo iyon. Bakit gugustuhin mo ngayong gumawa ng kahit anong bagay para saktan si David? Wala kang dahilan para patayin siya, dahil wala siyang nagawang mali!"
\s5
\v 6 Nakinig si Saul sa sinabi ni Jonatan. Pagkatapos sinabi ni Saul, "Taimtim kong ipinapangako na gaya ng katiyakang buhay si Yahweh, Hindi ko papatayin si David."
\p
\v 7 Matapos iyon, ipinatawag ni Jonatan si David at sinabi sa kanya ang sinabi niya at ni Saul. Pagkatapos dinala ni Jonatan si David kay Saul, at pinaglingkuran ni David si Saul gaya ng ginawa niya noong una.
\s5
\p
\v 8 Isang araw nagsimula muli ang digmaan, at pinangunahan ni David ang kanyang mga kawal upang makipaglaban sa hukbo ng Filisteo. Matindi silang sinalakay ng hukbo ni David, kaya tumakbo palayo ang hukbo ng Filisteo.
\p
\v 9 Ngunit isang araw nang nakaupo sa kanyang bahay si Saul, isang masamang espiritu na ipinadala mula kay Yahweh ang biglang dumating kay Saul. Nagpapatugtog si David ng kanyang harpa para kay Saul.
\s5
\p
\v 10 Inihagis ni Saul ang kanyang sibat kay David upang subukan siyang itusok sa pader. Umilag si David, at hindi tumama sa kanya ang sibat. Tumusok ang sibat sa pader, ngunit tumakbo si David sa dilim at tumakas.
\p
\v 11 Pagkatapos nagpadala si Saul ng mga mensahero sa bahay ni David. Sinabi niya sa kanya na bantayan ang bahay at patayin si David habang paalis siya sa bahay sa susunod na umaga. Ngunit nakita sila ng asawa ni David na si Mical at binalaan siya, na nagsasabing, "Upang mailigtas ang iyong buhay, kailangan mong tumakas ngayong gabi, dahil kung hindi mo gagawin iyan, mapapatay ka bukas!"
\s5
\p
\v 12 Kaya idinulot niyang umakyat si David palabas sa bintana, at tumakbo siya at tumakas.
\p
\v 13 Pagkatapos kumuha si Mical ng isang dios-diosan na nasa bahay at inilagay ito sa kama. Tinakpan niya ito ng ilang mga damit ni David, at naglagay ng ilang buhok ng kambing sa ulo ng diyus-diyosan.
\s5
\p
\v 14 Nang dumating ang mga mensahero sa bahay kinaumagahan, sinabi niya sa kanila na maysakit si David at hindi makabangon sa kama.
\p
\v 15 Nang maibalita nila iyon kay Saul, sinabi niya sa kanilang bumalik sa bahay ni David. Sinabi niya sa kanila, "Dalhin ninyo siya sa akin na nakahiga sa kanyang kama upang mapatay ko siya!"
\s5
\p
\v 16 Ngunit nang pumasok ang mga lalaking iyon sa bahay ni David, nakita nilang isang diyus-diyosan lang ang nasa kama, na may buhok ng kambing sa ulo nito.
\p
\v 17 Nang ibinalita nila iyon kay Saul, ipinatawag ni Saul si Mical at sinabi sa kanyang, "Bakit mo ako nilinlang ng ganoon? Pinayagan mong makatakas ang aking kaaway!" Sumagot si Mical kay Saul, "Sinabi ni David sa akin na kung hindi ko siya tutulungang makatakas, papatayin niya ako!"
\s5
\p
\v 18 Matapos makatakas si David kay Saul, pumunta siya kay Samuel, na nasa kanyang bahay sa Rama. Sinabi niya kay Samuel lahat ng ginawa sa kanya ni Saul upang subukang patayin siya. Pagkatapos pumunta sina David at Samuel sa Naiot na malapit at nanatili sila roon.
\p
\v 19 May isang nagsabi kay Saul na nasa Naiot si David,
\p
\v 20 kaya nagpadala si Saul ng ilang mga mensahero upang dakpin siya. Nang dumating ang mga sugong iyon sa Rama, nasalubong nila ang ilang mga kalalakihang sumisigaw ng mga pasabi mula kay Yahweh, at naroon si Samuel bilang kanilang pinuno. Nang makaharap sila ng mga mensahero ni Saul, dumating sa mga kalalakihan ni Saul ang Espiritu ng Diyos at sumigaw din sila sa ganoong paraan.
\s5
\p
\v 21 Nang marinig ni Saul ang tungkol doon, nagpadala siya ng mga karagdagang mensaheo, ngunit nagsimula din silang sumigaw ng mga pasabi mula kay Yahweh.
\p
\v 22 Sa wakas, pumunta rin si Saul sa Rama. Nang makarating siya sa balon sa isang lugar na nagngangalang Secu, tinanong niya ang mga tao roon, "Nasaan sina Samuel at David?" Sumagot ang mga tao, "Nasa Naiot sila malapit sa lungsod ng Rama."
\s5
\p
\v 23 Habang naglalakad si Saul papuntang Naiot, dumating din sa kanya ang Espiritu ng Diyos. Habang naglalakad pa siya, isinisigaw niya ang mga pasabi mula kay Yahweh hanggang sa makarating siya sa Naiot.
\p
\v 24 Doon hinubad niya ang kanyang mga panlabas na kasuotan at nagsalita siya ng mga pasabi mula sa Diyos sa harap ni Samuel. Ginagawa niya iyon buong araw at buong gabi nang nakahiga sa lapag. Iyon ang dahilan na kapag nakikita ng isang tao na gumagawa ng isang bagay ang isang tao nang hindi inaasahan, sinasabi nilang, "propeta din ba si Saul?
\s5
\c 20
\p
\v 1 Tumakbo si David palayo mula sa Naiot. Pumunta siya kay Jonatan at tinanong siya, "Ano ang nagawa ko para magalit ang iyong ama? Ano ang ginawa kong mali? Bakit niya ko pinagtatangkaang patayin?"
\p
\v 2 Sumagot si Jonatan, "Hindi ka talagang sinusubukang patayin ng aking ama! Sinasabi niya lagi sa akin bago niya gawin ang anumang bagay na kanyang binabalak. Sinasabi niya sa akin ang mga mahahalagang bagay at mga hindi mahalagang bagay na kanyang balak gawin. Bakit tatanggi siyang sabihin sa akin kung binabalak niyang patayin ka? Kaya hindi maaaring totoo ang sinasabi mo."
\s5
\p
\v 3 Pagkatapos taimtim na ipinahayag ito ni David kay Jonatan: "Alam na alam ng iyong ama na ikaw at ako ay matalik na magkaibigan, kaya sinabi niya sa kanyang sarili, 'Hindi ko sasabihin kay Jonatan kung ano ang gagawin ko. Kung sasabihin ko kay Jonatan, magagalit siya at magsusumbong siya kay David. ' Ngunit gaya ng katiyakang buhay si Yahweh at buhay ka, isang hakbang na lang ako mula sa pagkamatay."
\s5
\p
\v 4 Sinabi ni Jonatan kay David, "Gagawin ko anuman ang sabihin mong gawin ko."
\v 5 Sumagot si David, "Bukas magdiriwang tayo ng isang kapistahan ng bagong buwan. Palagi akong kumakain kasama ang hari sa kapistahan. Ngunit bukas magtatago ako sa bukirin at mananatili ako roon ng isang gabi. Mananatili ako roon hanggang gabi ng araw matapos ang bukas.
\s5
\p
\v 6 Kung itatanong ng iyong ama kung bakit wala ako roon sa kapistahan, sabihin mo sa kanyang, 'Hiniling ni David sa akin na payagan siyang pumunta sa kanyang tahanan sa Betlehem, kung saan ihahandog ng kanyang pamilya ang alay na kanilang hinahandog bawat taon.'
\p
\v 7 Kung sasabihin ng iyong ama na 'Napakabuti', kung ganoon alam ko na magiging ligtas ako. Ngunit kung labis siyang magalit, malalaman mong gustong-gusto talaga niya akong saktan.
\s5
\p
\v 8 Pakiusap, maging mabait sa akin. Narinig ka ni Yahweh nang gumawa ka ng isang taimtim na kasunduan sa akin na ikaw at ako ay palaging magiging mabuting magkaibigan. Ngunit kung karapat-dapat akong parusahan, dapat ikaw mismo ang pumatay sa akin, kaysa pahintulutan mo ang iyong ama na parusahan ako."
\p
\v 9 Sumagot si Jonatan, "Hindi ko kailanman gagawin iyon! Kung mapag-alaman ko man na disidio ang aking ama na saktan ka, tiyak na sasabihin ko sa iyo."
\s5
\p
\v 10 Tinanong siya ni David, "Paano ko malalaman kung marahas kang sinagot ng iyong ama?"
\p
\v 11 Sumagot si Jonatan, "Sumama ka sa akin. Pupunta tayo sa bukirin." Kaya pumunta sila nang magkasama sa bukirin.
\s5
\p
\v 12 Doon sinabi ni Jonatan kay David, "Ipinapangako ko ito habang si Yahweh, ang Diyos na sinasamba nating mga Israelita, ay nakikinig: Sa oras na ito sa araw matapos ang bukas, aalamin ko kung ano ang iniisip ng aking ama tungkol sa iyo. Kung nagsasabi siya ng mabubuting mga bagay tungkol sa iyo, tiyak na magpapadala ako ng isang pasabi sa iyo upang sabihin iyon sa iyo.
\p
\v 13 Ngunit kung nagbabalak siyang saktan ka, umaasa akong paparusahan ako nang matindi ni Yahweh kung hindi ko agad na sabihin sa iyo at tulungan kang tumakas, upang ligtas kang makaalis. Umaasa ako na makakasama mo si Yahweh at tutulungan ka tulad ng pagtulong niya sa aking ama.
\s5
\p
\v 14 Ngunit habang nabubuhay ako, pakiusap maging mabait sa akin dahil sa panatang kapwa natin isinumpa sa paningin ni Yahweh; huwag mo akong patayin kapag naging hari ka.
\p
\v 15 Ngunit kung mamatay ako, huwag tumigil na maging mabait sa aking pamilya alang-alang sa panata natin, kahit na matapos puksain ni Yahweh ang lahat ng iyong mga kaaway sa buong mundo."
\p
\v 16 Kaya gumawa ng isang taimtim na kasunduan si Jonatan kasama si David at kanyang mga kaapu-apuhan. At sinabi niya, "umaasa akong pupuksain ni Yahweh ang lahat ng iyong mga kaaway."
\s5
\p
\v 17 At humiling si Jonatan kay David na ulitin ang kanyang taimtim na pangako na maging kanyang malapit na kaibigan, dahil mahal ni Jonatan si David gaya ng pagmamahal niya sa kanyang sarili.
\p
\v 18 Pagkatapos sinabi ni Jonatan, "Bukas ipagdiriwang natin ang kapistahan ng bagong buwan. Kapag hindi ka nakaupo sa iyong lugar kapag kakain na tayo, hahanapin ka ng aking ama.
\p
\v 19 Sa araw matapos ang bukas, sa gabi pumunta ka sa lugar kung saan ka nagtago noong una. Maghintay ka sa tabi ng tambak ng mga bato.
\s5
\p
\v 20 Lalabas ako at papana ng tatlong palaso na para bang sinusubukan kong pumana sa isang target. Tatama ang mga palaso sa lupa malapit sa tambak ng mga bato.
\p
\v 21 Pagkatapos magpapapunta ako ng isang batang lalaki para dalahin ang mga palaso pabalik sa akin. Kung marinig mo akong sabihin sa kanya, 'Mas malapit ang mga ito sa akin,' sa gayon sa katiyakang nabubuhay si Yahweh, malalaman mong mabuti ang lahat at hindi ka mapapatay.
\s5
\p
\v 22 Pero kung sasabihin ko sa kaniya, 'Mas malayo ang mga palaso,' malalaman mong kailangan mong umalis agad, dahil gusto ni Yahweh na tumakas ka.
\p
\v 23 Umaasa akong babantayan tayo ni Yahweh at idudulot niyang hindi natin malilimutan kailanman ang ipinangako natin sa isa't-isa."
\s5
\p
\v 24 Kaya nagtungo si David at nagtago sa bukirin. Nang magsimula na ang kapistahan ng bagong buwan, umupo ang hari para kumain.
\v 25 Umupo siya kung saan siya kadalasang umuupo, malapit sa pader. Umupo si Jonatan sa tapat niya, at umupo si Abner na pinuno ng hukbo katabi ni Saul. Ngunit walang nakaupo sa lugar kung saan kadalasang umuupo si David.
\s5
\p
\v 26 Sa araw na iyon, hindi nagsalita ng kahit anong bagay si Saul tungkol kay David, dahil iniisip niyang, "May nangyari kay David na maging hindi katanggap-tanggap para sumamba sa Diyos."
\p
\v 27 Ngunit sa sumunod na araw, nang hindi nakaupo si David sa lugar kung saan siya madalas umupo, tinanong ni Saul si Jonatan, "Bakit wala rito ang anak ni Jesse upang kumain kasama natin kahapon at ngayon?"
\s5
\v 28 Sumagot si Jonatan, "taimtim na hiniling sa akin ni David na payagan ko siyang pumunta sa Betlehem.
\p
\v 29 Sinabi niya, 'Pakiusap payagan mo akong pumunta, dahil maghahandog ng alay ang aming pamilya. Pinagpilitan ng aking nakatatandang kapatid na lalaki na pumaroon ako. Kaya payagan mo akong pumunta upang makasama ko ang aking mga nakatatandang mga kapatid na lalaki.' Pinayagan kong pumunta si David, at iyon ang dahilan kung bakit hindi siya kumakain dito kasama mo."
\s5
\p
\v 30 Galit na galit si Saul! Sinabi niya kay Jonatan, "Alam kong matapat ka sa anak na iyon ni Jesse. Ngunit magdudulot ka ng kahihiyan sa iyong sarili at sa iyong ina.
\v 31 Habang nabubuhay ang anak ni Jesse, hindi ka magiging hari, at hindi ka maghahari sa buong kahariang ito! Kaya ngayon, ipatawag mo si David, at dalhin siya sa akin. Kailangan siyang bitayin!"
\s5
\v 32 Tinanong ni Jonatan ang kanyang ama, "Bakit dapat bitayin si David? Anong mali ang kanyang nagawa?"
\v 33 Pagkatapos tinapon ni Saul ang kanyang sibat kay Jonatan upang patayin siya, ngunit hindi siya tinamaan ng sibat. Kaya alam ni Jonatan na totoong gustong patayin ng kanyang ama si David.
\v 34 Labis ang galit ni Jonatan, at umalis siya ng silid. Sa ikalawang araw ng kapistahan tumanggi siyang kumain ng anumang bagay. Naiiinis siya tungkol sa ginawa ng kanyang ama, at nag-aalala siya kay David.
\s5
\p
\v 35 Kinabukasan, nagtungo si Jonatan sa bukirin upang magbigay ng mensahe kay David, gaya pinag-usapan nilang gagawin niya. Nagsama siya ng isang batang lalaki.
\p
\v 36 Sinabi ni Jonatan sa batang lalaki, "Tumakbo ka at hanapin ang mga palasong aking pinana." Nagsimulang tumakbo ang batang lalaki, at pumana ng isang palaso si Jonatan sa unahan ng bata.
\v 37 Tumakbo ang batang lalaki kung saan tumama sa lupa ang palaso, ngunit sumigaw si Jonatan, "Mas malayo pa ang palaso!"
\s5
\v 38 Pagkatapos sumigaw siya sa bata, "Magmadali ka; Huwag mo akong hintayin! Huwag kang tumigil!" Pinulot ng bata ang palaso at ibinalik ito kay Jonatan.
\v 39 Ngunit hindi naintindihan ng bata ang kahulugan ng sinabi ni Jonatan; tanging si Jonatan at David ang nakakaalam.
\v 40 Pagkatapos ibinigay ni Jonatan ang kanyang pana at mga palaso sa bata at sinabi sa kanyang, "Bumalik ka sa bayan."
\s5
\v 41 Nang makaalis ang bata, lumabas si David mula sa likod ng mga tambak ng mga bato, kung saan siya nagtatago. Pumunta siya kay Jonatan at yumuko sa harap ni Jonatan ng tatlong beses, na nakadikit sa lupa ang kanyang mukha. Pagkatapos naghalikan si David at Jonatan sa pisngi, at sabay silang umiyak. Ngunit mas umiyak si David kaysa Jonatan.
\v 42 Sinabi ni Jonatan kay David, "Maging maayos nawa ang mga bagay-bagay para sa iyo sa pag-alis mo. Narinig ni Yahweh ang taimtim na pangako natin na laging gawin para sa isa't-isa, at kung ano ang dapat gawin ng ating mga kaapu-apuhan sa isa't-isa." Pagkatapos umalis si David at bumalik si Jonatan sa bayan.
\s5
\c 21
\p
\v 1 Tumakas si David mula roon at nagtungo sa lungsod ng Nob upang makita si Ahimelec na pari. Nanginig si Ahimelec nang makita si David dahil takot siya na may nangyaring masama sa kaniya. Sinabi niya kay David, "Bakit ka nag-iisa? Bakit wala kang kasamang mga tauhan?"
\p
\v 2 Nilinlang ni David si Ahimelec sa pagsagot niya ng, "Ipinadala ako ng hari. Ngunit hindi niya gusto na malaman ng sinuman ang anumang bagay tungkol sa ipinapagawa niya sa pagpapadala sa akin. Sinabi ko sa mga tauhan ko kung saan dapat sila makipagkita sa akin.
\s5
\v 3 Ngayon gusto kong malaman, mayroon ba kayong kahit anong pagkain dito para kainin ko? Maaari mo ba akong bigyan ng limang hati ng tinapay, o anumang ibang pagkain na mahahanap mo?"
\p
\v 4 Sumagot ang pari kay David, "Walang karaniwang tinapay dito, ngunit mayroon akong kaunting banal na tinapay na inilagay sa harap ni Yahweh. Maaaring kumain ang iyong mga tauhan nito kung hindi sila sumiping sa mga babae kamakailan lamang."
\s5
\p
\v 5 Sumagot si David, "Hindi sila lumapit sa mga babae sa loob ng maraming araw. Hindi ko pinapayagan ang aking mga tauhan na dungisan ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng pagsiping sa mga babae habang naghahanda sila na lumaban sa mga digmaan. Dapat patuloy nilang panatilihin ang kanilang mga sarili na katanggap-tanggap sa Diyos kapag nasa karaniwang paglalakbay sila, at ngayon tiyak na pinanatili nila ang kanilang mga sarili na katanggap-tanggap sa Diyos dahil ngayon gumagawa kami ng isang bagay na natatangi."
\p
\v 6 Ngayon ang tinapay lamang na mayroon ang pari ay ang tinapay na nakalatag sa harap ng Diyos, ang tinapay na inilagay sa presensiya ni Yahweh sa banal na tolda. Kaya ibinigay ng pari kay David ang ilan sa tinapay na iyon. Sa araw na iyon kinuha ng pari ang mga tinapay na iyon mula sa mesa at pinalitan ang mga ito ng mga sariwang tinapay.
\s5
\p
\v 7 Nangyari na si Doeg, mula sa lahing Edom, ay naroon sa araw na iyon upang gawing katanggap-tanggap ang kanyang sarili kay Yahweh, at nakita niya ang ginawa ni Ahimelec. Isa siya sa mga opisyal ni Saul at ang pinuno ng mga pastol ni Saul.
\s5
\p
\v 8 Tinanong ni David si Ahimelec, "Mayroon ka bang isang sibat o isang espada na maaari kong gamitin? Itinalaga kami ng hari upang gawin ang tungkuling ito at sinabi sa aming umalis agad, kaya wala akong oras para magdala ng anumang sandata."
\p
\v 9 Sumagot si Ahimelec, "Mayroon lang akong espada na nabibilang kay Goliat ang higanteng mula sa mga lahing Filisteo na iyong pinatay sa Lambak ng Ela. Nakabalot ito ng tela at nasa likod ng banal na balabal sa banal na tolda. Kung gusto mo iyon, kunin mo, dahil wala na akong ibang sandata rito." Sumagot si David, "Totoo nga, walang ibang espada na kasing inam ng isang iyon! Ibigay mo iyon sa akin."
\s5
\p
\v 10 Kaya ibinigay ito ni Ahimelec sa kanya at umalis si David doon. Siya at kanyang mga tauhan at nagtungo sa lungsod ng Gat sa rehiyon ng Filisteo, upang manatili kasama ng Haring Aquis.
\v 11 Ngunit hindi pinayagan ng mga opisyal ni Haring Aquis ang pagdating ni David. Sinabi nila kay Haring Aquis, "Itong lalaking si David ay kasing makapangyarihan ng hari ng kanyang lupain. Ang ating mga kalaban, mga Israelita, ay pinarangalan siya sa pamamagitan ng pagsasayaw at pagkanta ng, 'Pinatay ni Saul ang libo-libo sa kanyang mga kalaban, ngunit pinatay ni David ang sampung libo sa kanila!'~"
\s5
\p
\v 12 Narinig ni David ang sinasabi ng mga kalalakihan, kaya takot siya sa maaaring gawin ni Haring Aquis sa kanya.
\p
\v 13 Kaya nagkunwari siyang baliw. Nagsimula siyang kumalmot sa mga tarangkahan ng lungsod at hinayaan ang kanyang laway na tumulo sa kanyang balbas.
\s5
\v 14 Pagkatapos sinabi ni Haring Aquis sa kanyang mga tauhan, "Tingnan niyo ang taong ito! Kumikilos siya na parang isang taong baliw! Bakit ninyo siya dinala sa akin?
\p
\v 15 Dinala niyo ba siya dahil wala pa akong sapat na mga taong baliw dito sa aking bahay?"
\s5
\c 22
\p
\v 1 Umalis si David at kanyang mga tauhan sa Gat at nagtungo sa silangan upang magtago sa isang kuweba sa isang burol malapit sa bayan ng Adulam. Di nagtagal dumating ang kanyang mga nakatatandang kapatid na lalaki at lahat ng kanyang ibang mga kamag-anak at nanatili kasama niya roon.
\p
\v 2 Pagkatapos ibang mga kalalakihan ang dumating doon. Ang ilan ay mga kalalakihang nagdulot ng gulo, ang ilan ay mga kalalakihang may utang na salapi, at ang ilan ay mga kalalakihang hindi masaya sa anumang kadahilanan. Nagpatuloy sila sa pagdating hanggang sa may apat na raang kalalakihan na roon, at si David ang kanilang pinuno.
\s5
\p
\v 3 Maya-maya umalis sila roon at nagtungo sa silangan sa lungsod ng Mizpa sa lupain ng Moab. Doon pinakiusapan ni David ang hari ng Moab, "Pakiusap payagan mo ang aking ama at ina na manirahan dito kasama ninyo hanggang sa malaman ko kung ano ang gagawin ng Diyos para sa akin."
\p
\v 4 Pinayagan siya ng hari, kaya nanatili ang mga magulang ni David kasama ang hari ng Moab sa buong panahong si David at ang mga kalalakihang kasama niya ay nagtatago sa pook na iyon.
\p
\v 5 Isang araw sinabihan ni propeta Gad si David na."Umalis kayo sa inyong pinagtataguan dito at bumalik sa Juda." Kaya nagtungo si David at kanyang mga tauhan sa Gubat Heret sa Juda.
\s5
\p
\v 6 Isang araw, may isang nagsabi kay Saul na dumating sa Juda sina David at kanyang mga tauhan. Sa araw na iyon, nakaupo si Saul sa ilalim ng puno ng tamarisko sa isang burol na malapit sa bayan ng Gibea. Hawak niya ang kanyang sibat at napapaligiran ng kanyang mga panghukbong opisyal.
\s5
\p
\v 7 Sumigaw siya sa kanila, "Kayong mga lipi ni Benjamin, makinig sa akin! Inaakala ba ninyong bibigyan kayong lahat ng anak na lalaki ni Jesse ng mga bukirin at mga ubasan kung maging hari ninyo siya? Itatalaga ba niya kayong lahat na maging mga heneral at mga kapitan sa kanyang hukbo?
\p
\v 8 Iyon ba ang dahilan kung bakit kayong lahat ay nagsabwatan laban sa akin, gaya ng ginagawa niya ngayon! Walang ni isa sa inyo ang nabigay-alam sa akin na ang aking sariling anak na lalaki ay nangako ng pakikipag-kaibigan sa kanya! Walang ni isa sa inyo ang may awa sa akin o sinabi sa akin na pinalakas ng aking anak ang loob ng anak ni Jesse upang mag-aklas laban sa akin, upang magtago mula sa akin!"
\s5
\p
\v 9 Si Doeg, isang lalaking mula sa lahing Edom, ay nakatayo doon kasama ang mga opisyal ni Saul. Sinabi niya kay Saul, "Noong nasa Nob ako, nakita ko na ang anak ni Jesse ay nakikipag-usap kay Ahimelec na pari.
\p
\v 10 Tinanong ni Ahimelec si Yahweh kung ano ang dapat gawin ni David. Pagkatapos ibinigay ni Ahimelec kay David ang ilang pagkain at ang espada ni Goliat, iyong higanteng Filisteo."
\s5
\p
\v 11 Pagkatapos ipinatawag ni Saul si Ahimelec at lahat ng kamag-anak ni Ahimelec na mga pari sa Nob. Kaya lahat sila ay nagtungo sa hari.
\p
\v 12 Sinabi ni Saul kay Ahimelec, "Ikaw na anak ni Ahitub, makinig ka sa akin!" Sumagot si Ahimelec, "Opo, ginoo!"
\p
\v 13 Sinabi ni Saul, "Bakit nagsabwatan kayo ng anak ni Jesse upang tanggalin ako? Binigyan mo siya ng ilang tinapay at isang espada. Humiling ka sa Diyos upang sabihin kay David kung ano ang dapat niyang gawin. Nag-aklas si David laban sa akin, at sa kasalukuyan nagtatago siya sa isang lugar, naghihintay na salakayin ako."
\s5
\p
\v 14 Sumagot si Ahimelec, "Hindi ko naiintindihan kung bakit mo sinasabi iyan, dahil si David, na iyong manugang, ang kapitan ng iyong mga bantay, ay napakamatapat sa iyo. Wala ng iba pang mas matapat pa sa iyo kaysa kay David! Lahat sa iyong sambahayan ay ginagalang siya ng lubos.
\p
\v 15 Bukod doon, hindi ito ang unang pagkakataon na humiling ako sa Diyos na sabihin kay David ang gusto niya ipagawa. At hindi nararapat sa iyo na pagbintangan ako o sinuman sa aking mga kamag-anak na sinusubukan tanggalin ka, dahil hindi ko alam ang anumang bagay tungkol sa sinumang gustong gumawa noon."
\s5
\p
\v 16 Pagkatapos sumigaw ang hari, "Ahimelec, ikaw at lahat ng iyong mga kamag-anak ay bibitayin ngayon!"
\p
\v 17 Pagkatapos inutusan niya ang kanyang mga bantay, "Patayin ang mga paring ito ni Yahweh, dahil mga kakampi sila ni David, at nakikipagsabwatan sila kay David laban sa akin! Alam nilang sinusubukan ni David na tumakas mula sa akin, ngunit hindi nila sinabi sa akin!" Ngunit tumanggi ang mga bantay ni Saul na patayin ang mga pari ni Yahweh.
\s5
\p
\v 18 Pagkatapos sinabi ng hari kay Doeg, "Patayin mo sila!" Kaya nagtungo si Doeg, ang lalaking mula sa lahing Edom at hinampas sila ng kanyang espada. Sa araw na iyon nakapatay siya ng walumpu't-limang lalaki na nakapagsuot ng mga banal na balabal dahil silang lahat ay mga pari ng Diyos.
\p
\v 19 Nagtungo din siya at pinatay ang maraming tao sa Nob, ang lungsod kung saan nakatira ang mga pari. Pumatay siya ng mga lalaki, mga babae, mga bata, mga sanggol, mga baka, mga asno, at mga tupa roon.
\s5
\p
\v 20 Ngunit si Abiatar, anak na lalaki ni Ahimelec, ay nakatakas. Tumakbo siya palayo at sumama kina David at mga kalalakihang kasama niya.
\p
\v 21 Sinabi niya kay David na inutusan ni Saul si Doeg na patayin ang mga pari ni Yahweh.
\s5
\p
\v 22 Pagkatapos sinabi ni David sa kanya, "Ang taong iyon mula sa lahing Edom, na si Doeg, ay naroon sa Nob sa araw na naroon ako. Alam kong tiyak na sasabihin niya kay Saul kung ano ang nangyari. Kaya kasalanan kong napatay ang iyong ama at buong pamilya niya.
\p
\v 23 Manatili ka kasama ko at huwag matakot. Ang lalaking gustong pumatay sa iyo ay gusto din akong patayin, ngunit magiging ligtas ka kung mananatili kang kasama ko."
\s5
\c 23
\p
\v 1 Isang araw, may nagsabi kay David, "Dapat mong malamang sinasalakay ng hukbong Filisteo ang bayan ng Keila at ninanakaw nila ang butil kung saan ginigiik ito ng mga kalalakihan."
\p
\v 2 Tinanong ni David si Yahweh, "Dapat ba pumunta ako at mga tauhan ko para lumaban sa mga grupong kalalakihang na mula sa Filisteo?" Sumagot si Yahweh, "Oo, sige. Salakayin mo sila, at iligtas mo ang byan ng Keila."
\s5
\p
\v 3 Ngunit sinabi ng mga tauhan ni David sa kanya, "Natatakot kami na salakayin kami ni Saul dito sa Juda. Lalo kaming matatakot kung pupunta kami sa Keila kung saan naroon ang hukbong Filisteo!"
\p
\v 4 Kaya muling tinanong ni David si Yahweh kung dapat ba silang pumunta sa Keila. Sumagot si Yahweh, "Oo, bumaba kayo sa Keila. Tutulungan ko kayong talunin ang mga Filisteo."
\s5
\v 5 Kaya nagpunta sina David at kanyang mga tauhan sa Keila. Nakipaglaban sila sa mga Filisteo at hinuli ang marami sa kanilang mga baka. Pinatay nina David at kanyang mga tauhan ang marami sa mga kalalakihan ng Filisteo at iniligtas ang mga tao ng Keila.
\p
\v 6 Tumakas si Abiatar na anak na lalaki ni Ahimelec papunta kay David sa Keila, at dinala niya ang banal na epron upang gamitin para malaman kung ano ang gusto ni Yahweh na gawin niya.
\s5
\p
\v 7 Hindi nagtagal nalaman ni Saul na nasa Keila si David. Kaya sinabi niya, "Mabuti iyan! Idinudulot ng Diyos na mahuli ko siya! Ikinulong niya ang kanyang sarili sa bayang iyon, dahil mayroon itong matataas na mga pader na may tarangkahang nakapalibot dito."
\q
\v 8 Kaya ipinatawag ni Saul ang kanyang hukbo, at naghanda sila para bumaba sa Keila para salakayin sina David at kanyang mga tauhan.
\p
\v 9 Ngunit natuklasan ni David na balak siyang salakayin ni Saul at kanyang hukbo. Kaya sinabi niya kay Abiatar na pari, "Dalhin mo rito ang banal na epron."
\s5
\p
\v 10 Kaya nang dinala ito ni Abiatar, nanalangin si David, "Yahweh, Diyos naming mga Israelita, narinig kong balak pumunta rito ni Saul kasama ng kanyang hukbo at lipulin ang Keila dahil narito ako.
\p
\v 11 Bababa ba rito si Saul sa Keila, gaya ng ibinalita ng mga tao sa akin? Papayagan ba ng mga pinuno ng Keila na hulihin ako ni Saul? Yahweh, Diyos naming mga Israelita, pakiusap sabihin mo sa akin!" Sumagot si Yahweh, "Oo, bababa si Saul."
\s5
\v 12 Pagkatapos nagtanong si David, "Papayagan ba ng mga pinuno ng Keila ang hukbo ni Saul na madakip ako at aking mga tauhan kung mananatili kami rito?" Sumagot si Yahweh, "Oo, gagawin nila."
\s5
\p
\v 13 Kaya umalis sina David at kanyang anim na raang tauhan sa Keila. Patuloy silang nagpalipat-lipat ng lugar, saan mang inaakala nilang hindi sila matatagpuan ni Saul. At nang nalaman ni Saul na nakatakas si David mula sa Keila, hindi siya nagpunta roon.
\p
\v 14 Nanatiling nakatago sina David at kanyang mga tauhan sa ilang at mga kaburulang ilang ng Zip. Araw-araw nagpapadala si Saul ng mga kalalakihan para hanapin si David, ngunit hindi pinayagan ni Yahweh na mahuli nila si David.
\s5
\p
\v 15 Habang si David at ang kanyang mga tauhan ay nasa isang lugar na pinangalanang Hores sa ilang ng Zip, nalaman niya na parating si Saul doon para patayin siya.
\v 16 Ngunit pumunta ang anak ni Saul na si Jonatan kay David sa Hores at pinalakas ang kanyang loob na patuloy na magtiwala sa Diyos.
\s5
\p
\v 17 Sinabihan siya ni Jonatan, "Huwag kang matakot, dahil hindi ka makakayang saktan ng aking ama. Magiging hari ka ng Israel balang araw, at ako ang pangalawang magiging pinakamahalagang tao sa Israel. Alam din iyan ng ama kong si Saul."
\p
\v 18 Pagkatapos inulit ng dalawa ang kanilang taimtim na pangako na narinig ni Yahweh na ginawa nila noong una, na magiging tapat sila sa isa't-isa. Pagkatapos umuwi si Jonatan sa kanyang tahanan, ngunit nanatili si David sa Hores.
\s5
\q
\v 19 Pumunta kay Saul ang ilan sa mga taong nagmula sa Zip nang nasa Gibea pa siya, at sinabihan nila siya, "Nagtatago sina David at kanyang mga tauhan sa aming lupain! Nagtatago sila sa mga lugar sa Hores sa burol ng Hakila, sa timog ng isang lugar na pinangalanang Jesimon.
\p
\v 20 Kaya, O hari, bumaba ka roon anumang panahon na gusto mo. Tungkulin naming dakpin siya at ilagay siya sa iyong mga kamay."
\s5
\q
\v 21 Sumagot si Saul, "Umaasa akong pagpapalain kayo ni Yahweh sa pagsasabi niyan sa akin.
\p
\v 22 Bumalik kayo at alamin ang karagdagang tungkol sa kanya. Alamin kung saan talaga siya nananatili, at alamin kung sino ang nakakita sa kanya roon. Sinabi ng mga tao sa akin na napakatuso niya, kaya kailangang maging tuso rin tayo para mahuli siya.
\p
\v 23 Alamin ninyo ang lahat ng mga lugar kung saan siya nagtatago at kanyang mga tauhan. Pagkatapos bumalik kayo at sabihin sa akin ang lahat ng bagay na napag-alaman ninyo. Pagkatapos dadalhin ko ang aking hukbo at pupunta roon kasama ninyo. Kung nasa alinmang angkan ng Juda si David, hahanapin natin siya at matatagpuan siya!"
\s5
\q
\v 24 Kaya, bumalik ang mga taong iyon sa Zip bago pumunta roon si Saul. Sa panahong iyon nasa disyerto ng Maon sa timog ng Jesimon sina David at kanyang mga tauhan.
\p
\v 25 Pumunta si Saul at kanyang mga sundalo upang hanapin si David, ngunit narinig ni David ang tungkol doon. Kaya umalis siya at kanyang mga tauhan nang mas malayo pa sa timog patungo sa isang mabatong burol sa ilang ng Maon. Nang narinig ni Saul ang tungkol doon, sinundan niya si David at kanyang mga tauhan sa ilang ng Maon.
\s5
\p
\v 26 Naglalakad sina Saul at kanyang mga tauhan sa isang panig ng burol, at nasa kabilang panig naman sina David at kanyang mga tauhan. Nagmadaling tumakas sina David at kanyang mga tauhan mula sa mga sundalo ni Saul, dahil papalapit na sina Saul at kanyang mga sundalo.
\v 27 Ngunit pumunta ang isang mensahero kay Saul at sinabi sa kanya, "Sumama ka sa akin! Sinasalakay ng hukbo ng Filisteo ang mga tao sa ating lupain!"
\s5
\v 28 Kaya tumigil si Saul sa pagtugis kay David, at pumunta siya at kanyang mga sundalo para labanan ang hukbo ng Filisteo. Iyon ang dahilan kung bakit tinawag ng mga tao ang lugar na iyon na Bato ng Pagtakas.
\v 29 Nilisan din nina David at kanyang mga tauhan ang lugar na iyon at pumunta sa ibang lugar upang magtago nang ligtas sa Engedi.
\s5
\c 24
\p
\v 1 Pagkatapos umuwi sina Saul at kanyang mga sundalo matapos makipaglaban sa mga hukbo ng Filisteo, may isang taong nagsumbong kay Saul na nagpunta sina David at kanyang mga tauhan sa ilang malapit sa Engedi.
\v 2 Nang narinig iyon ni Saul, pumili siya ng tatlong libong mga kalalakihang mula sa iba't-ibang pook ng Israel, at pumunta upang hanapin si David at kanyang mga tauhan sa mga Bato ng mga Mababangis na Kambing.
\s5
\v 3 Sa isang lugar kung saan ang daan ay nasa tabi ng ilang mga kulungan ng tupa, umalis sa daan si Saul at pumasok sa isang kuweba para magpahinga. Hindi niya alam na nagtatago sina David at kanyang mga tauhan sa kaloob-looban ng parehong kuweba!
\q
\v 4 Nakita ng mga tauhan ni David si Saul at ibinulong kay David, "Ngayon ang araw na sinabi ni Yahweh nang sinabi niyang, 'Tutulungan ko kayong talunin ang iyong mga kaaway.' Magagawa mo sa kanya ang anumang gusto mong gawin!" Kaya gumapang si David patungo sa pasukan ng kuweba at pinutol ang maliit na piraso ng damit ni Saul.
\s5
\p
\v 5 At pagkatapos bumalik siya sa kanyang mga tauhan. Ngunit nakaramdam ng kasalanan si David dahil pinutulan niya ng kapiraso ang damit ni Saul.
\q
\v 6 Sinabi niya sa kanyang mga tauhan, "Hindi ko dapat ito ginawa sa hari! Inaasahan kong hindi ako kailanman pahihintulutan ni Yahweh na salakayin ang isang taong hinirang ng Diyos, dahil si Yahweh mismo ang pumili sa kanya para maging hari."
\q
\v 7 Sa pagsabi nito, pinigilan ni David ang kanyang mga tauhan at hindi niya sila pinahitulutang patayin si Saul.
\s5
\q
\v 8 Pagkatapos nilisan ni Saul ang kuweba at nagsimula muling lumakad sa daan, lumabas si David sa kuweba at sumigaw kay Saul, "Haring Saul!" lumingon si Saul at tumingin, at yumukod si David na nagbigay-galang na nagpatirapa.
\p
\v 9 Pagkatapos sinabi niya kay Saul, "Bakit mo binigyang-pansin ang mga tao nang sinabi nilang 'Gusto kang saktan ni David'?
\s5
\p
\v 10 Ngayon nakikita mismo ng iyong mga mata na hindi totoo ang kanilang sinabi. Inilagay ka ni Yahweh sa isang lugar kung saan maaari kitang patayin at ng aking mga tauhan nang nasa kuweba ka. Sinabi ng ilan sa aking mga tauhan na dapat kong gawin iyon, ngunit hindi ko sila hinayaang gawin iyon. Sinabi ko sa kanila, 'Hindi ko sasaktan ang aking amo, dahil siya ang haring hinirang ni Yahweh.'
\v 11 Kamahalan, tingnan ang piraso ng iyong damit na nasa aking mga kamay! Pinutol ko ito mula sa iyong damit, ngunit hindi kita pinatay. Kaya ngayon dapat mong maintindihan na wala akong ginawang masama sa iyo. Wala akong ginawang mali sa iyo, ngunit hinahanap mo ako upang patayin.
\s5
\p
\v 12 Ninanais kong parusahan ka ni Yahweh sa mga masamang bagay na nagawa mo sa akin. Ngunit hindi ko kailanman tinangkang saktan ka.
\p
\v 13 May isang kasabihan na may nilalamang mga salita, 'Ang masasamang bagay ay ginagawa ng masasamang tao.' Ngunit hindi ako masama, kaya hindi ako gagawa ng masasamang bagay sa iyo.
\s5
\p
\v 14 Ikaw ang hari ng Israel. Kaya bakit mo ako tinutugis? Ano ang habol mo? Isa akong katulad sa isang patay na aso o isang pulgas.
\v 15 Umaasa akong si Yahweh ang magpapasya kung sino ang tama sa bagay na ito, ikaw ba o ako? At kapag magpasya siya sa aking panig, inaasahan kong ipagtatanggol niya ako at ililigtas mula sa iyong kapangyarihan."
\s5
\q
\v 16 Nang matapos sabihin ni David iyon kay Saul, tinawag siya ni Saul at tinanong, "Anak kong David, boses mo ba ang aking naririnig?" Pagkatapos umiyak siya nang malakas.
\s5
\q
\v 17 Sinabi niya, "Mas mabuti kang lalaki kaysa sa akin. Gumawa ka ng napakabuting bagay para sa akin nang sinubukan kong gumawa ng napakasamang bagay sa iyo.
\q
\v 18 Nang ilagay ako ni Yahweh sa isang lugar sa kuwebang iyon kung saan madali mo sana akong mapapatay, hindi mo iyon ginawa.
\s5
\q
\v 19 Walang sinumang pinahintulutang lumaya ang kanyang kaaway matapos siyang matagpuan. Ngunit ginawa mo ito. Inaasahan kong gagantimpalaan ka ni Yahweh dahil sa ipinakita mong kabaitan sa akin ngayon.
\v 20 Alam kong tunay kang magiging hari balang araw, at uunlad ang iyong kaharian habang pinamumunuan mo ang mga Israelita.
\s5
\v 21 Ngayon habang nakikinig si Yahweh, mataimtim mong ipangako sa akin na hindi mo papatayin ang aking pamilya at lilipulin ang lahat ng aking mga kaapu-apuhan."
\q
\v 22 Mataimtim na ipinangako ni David kay Saul na hindi niya sasaktan ang kanyang pamilya. Pagkatapos umuwi si Saul, at bumalik sina David at kanyang mga tauhan sa lugar kung saan sila nagtatago.
\s5
\c 25
\p
\v 1 Kinalaunan, pagkatapos ng yaon, namatay si Samuel, at nagtipon ang lahat ng mga Israelita at nagluksa para sa kanya. Inilibing nila ang kanyang katawan sa labas ng kanyang tahanan sa Rama. Pagkatapos lumipat si David at kanyang mga tauhan sa ilang ng Paran.
\s5
\p
\v 2 Sa bayan ng Maon mayroong isang lalaking nagmamay-ari ng lupain sa Carmel, isang malapit na nayon. Napakayaman niya; nagmamay-ari siya ng tatlong libong tupa at isang libong kambing.
\v 3 Nabal ang kanyang pangalan; isa siya sa kaapu-apuhan ni Caleb. Abigail ang kanyang asawa isang matalino at magandang babae, ngunit napakalupit at napakasungit ng pakikitungo ni Nabal sa mga tao.
\s5
\p
\v 4 Isang araw habang nasa desyerto si David at kanyang mga tauhan, sinabi ng isang tao sa kanya na ginugupit ni Nabal ang balahibo mula sa kanyang tupa.
\p
\v 5 Kaya sinabihan ni David ang sampu sa kanyang mga tauhan, "Pumunta kayo kay Nabal sa Carmel at batiin siya para sa akin.
\p
\v 6 Pagkatapos sabihin sa kanya ang mensaheng ito mula sa akin, "Nais kong maging maganda ang mga bagay para sa iyo at sa iyong pamilya at para sa lahat ng bagay na iyong pagmamay-ari.
\s5
\v 7 Narinig kong sinabi ng mga tao na naggugupit ka ng balahibo mula sa iyong tupa. Dati, nang nakasama namin ang iyong mga pastol, hindi namin sila sinaktan. Lahat ng pagkakataon na kasama namin ang iyong mga pastol sa Carmel, wala kaming ninakaw na anumang tupa mula sa kanila.
\p
\v 8 Tanungin mo ang iyong lingkod kung totoo ito, at sasabihin nila sa iyo na totoo ito. "Narito kami ngayon sa panahong nagdidiwang ka, kaya nakiusap ako sa iyo na maging mabait ka sa amin at bigyan ang mga taong ito ng dagdag na pagkaing mayroon ka, para sa akin, kay David, at aking tauhan upang makakain."
\s5
\p
\v 9 Nang dumating ang mga tauhan ni David sa kinaroroonan ni Nabal, ibinigay nila ang mensahe ni David sa kanya, at naghintay sila sa kanyang sagot, Ngunit nagsalita ng marahas si Nabal sa kanila.
\p
\v 10 Sinabi niya sa kanila, "Sino ba ang taong ito, itong anak na lalaki ni Jesse, sino siya sa tingin niya? Napakaraming mga alipin na lumayas sa kanyang mga panginoon at sa kasalukuyang panahon, at sa tingin ko isa siya sa kanila.
\p
\v 11 Magbibigay ako ng tinapay at tubig sa mga taong naggugupit ng balahibo ng aking tupa, at magbibigay ako ng karne mula sa mga hayop na aking kinatay. Bakit dapat akong magbigay ng ilang mga bagay na iyon at ibigay sa kanila sa isang pangkat ng mga tulisan?"
\s5
\p
\v 12 Pagkatapos bumalik ang tauhan ni David at sinabi sa kanya kung ano ang sinabi ni Nabal.
\p
\v 13 Nang narinig ito ni David, sinabi niya sa kanyang mga tauhan, "Papatayin natin si Nabal, itali ninyo ang inyong mga espada!" Kaya itinali niya ang kanyang espada, at aabot sa apat na daang kalalakihan ang nagtali ng kanilang mga espada at pumunta kasama niya. Mayroong dalawang daang kalalakihan ang nanatili para sa kanilang ng pangangailangan.
\s5
\p
\v 14 Napag-alaman ng isa sa mga lingkod ni Nabal ang mga binabalak na gawin ni David at kanyang mga tauhan, kaya pumunta siya sa asawa ni Nabal na si Abigail at sinabi sa kanya, "Nagpadala si David ng ilang mga mensahero mula sa desyerto upang batiin ang ating panginoong si Nabal, ngunit sinigawan sila ni Nabal.
\v 15 Sa mga panahong kasama natin sila, malapit tayo sa kanila, napakabait ng mga tauhan na iyon ni David sa atin. "Hindi nila tayo sinaktan. Hindi sila nagnakaw ng anumang bagay mula sa atin.
\s5
\p
\v 16 Pinangalagaan nila tayo sa araw at sa gabi. Gaya sila ng isang pader na nakapalibot sa atin upang pangalagaan tayo habang nag-aalaga tayo ng ating mga tupa.
\p
\v 17 Kaya ngayon isipin mo ang tungkol dito at magpasya ka kung ano ang iyong gagawin, kung wala kang gagawin may masamang mga bagay na mangyayari sa ating panginoon at sa kanyang buong pamilya. Si Nabal ay isang napakasamang lalaki, kaya hindi siya nakikinig kanino man na sumubok na sabihin sa kanya kung ano ang kanyang gagawin."
\s5
\p
\v 18 Nang narinig iyon ni Abigail, nagmadali siyang nagtipon ng dalawang daang pirasong tinapay, at gayundin kumuha ng dalawang yari sa balat na mga supot na puno ng alak, karne mula sa limang tupa, isang digal ng sinunog na trigo, isang daang pakete ng pasas, at dalawang pakete ng tuyong igos. Inilagay niya ang lahat ng ito sa mga asno.
\p
\v 19 Pagkatapos sinabi niya sa kanyang mga lingkod, "Mauna kayo sa akin, susunod ako sa inyo." Ngunit hindi niya sinabihan ang kanyang asawa kung ano ang kanyang gagawin.
\s5
\v 20 Sumakay si Abigail sa kanyang asno at bumaba sa lugar sa mga burol kung saan namamalagi si David at kanyang mga tauhan. Agad-agad nakipagkita si David at kanyang mga tauhan sa kanya.
\s5
\v 21 Sinasabi ni David sa kanyang mga tauhan, "Walang kabuluhan para sa atin ang pangangalaga sa lalaking iyon at lahat ng kanyang mga pag-aari na narito sa ilang. Wala tayong ninakaw na anumang pag-aari niya, Ngunit kumilos siya ng masama sa akin sa kabila ng mabuting pakikitungo sa kanya.
\v 22 Inaasahan ko na sasaktan ako at patayin ng Diyos kung siya o isa sa mga lalaking nabibilang sa kanya ay buhay pa rin bukas nang umaga!"
\s5
\p
\v 23 Nang nakita ni Abigail si David, nagmadali siyang bumaba mula sa kanyang asno at lumuhod sa kanyang harapan, na nakalapat ang kanyang mukha sa lupa.
\p
\v 24 Pagkatapos nagpatirapa sa harapan ni David at sinabi, "Ginoo, nararapat lamang na maparusahan ako para sa nagawa ng aking asawa. Pakiusap makinig ka sa aking sasabihin.
\s5
\v 25 Pakiusap huwag mong bigyang pansin itong walang kabuluhang taong si Nabal sa kanyang sinabi. Ang ibig sabihin ng kanyang pangalan ay 'hangal,' at tiyak na isa siyang hangal na tao. Ngunit ako, na handang maging iyong lingkod, hindi nakita ang mga mensaherong iyong ipinadala sa kanya.
\v 26 Pinigilan kayo ni Yahweh na maghiganti sa sinuman upang patayin ang sinuman. Inaasahan ko na habang nabubuhay si Yahweh at habang nabubuhay ka, isusumpa ang iyong mga kaaway katulad ni Nabal.
\s5
\p
\v 27 Nagdala ako ng isang regalo para sa iyo at sa iyong mga tauhan na kasama mo.
\v 28 Pakiusap patawarin mo ako kung may nagawa akong anumang bagay na mali sa iyo. Tiyak na gagamtipalaan ka ni Yahweh sa pamamagitan ng pagpapahintulot na marami sa iyong mga kaapu-apuhan na maging mga hari ng Israel, dahil nakipaglaban ka sa mga labanan na ginusto ni Yahweh na lumaban ka. At alam ko sa buong buhay mo wala kang nagawang anumang bagay na mali.
\s5
\p
\v 29 Kahit na sa mga sumusubok na patayin ka o tugisin ka, ligtas ka pa rin dahil iniingatan ka ni Yahweh. Pangangalagaan ka tulad ng isang bigkis na maayos na itinali. Ngunit mawawala ang iyong mga kaaway tulad ng mga bato na ibinala sa isang tirador.
\s5
\v 30 Nangako si Yahweh na gagawa siya ng mabuting mga bagay para sa iyo, at gagawin niya kung ano ang kanyang ipinangako. At idudulot niya na magiging pinuno ka ng mga Israelita.
\p
\v 31 Kapag nangyari iyon, huwag mong patayin ang alinman sa mga tao sa kanyang sambahayan. Pagkatapos hindi mo iisipin na nararapat kang maparusahan dahil sa pagpaparusa mo at pagpatay sa mga walang malay na mga tao. At kung gagawin ni Yahweh na maging hari ka, pakiusap huwag mong kalimutang maging mabait sa akin."
\s5
\p
\v 32 Sumagot si David kay Abigail, "Pinupuri ko si Yahweh, ang Diyos na sinasamba naming mga Israelita, dahil ipinadala ka niya upang kausapin ako.
\v 33 Inaasahan ko sa araw na ito nawa'y tulungan ka ni Yahweh dahil matalino kang inilayo ako mula sa pagpatay ng mga tao sa araw na ito, at pagbabayarin ng masama para sa masama.
\s5
\v 34 Lamang tiyak na buhay si Yahweh ang Diyos na sinasamba naming mga Israelita, pinigilan niya ako na saktan kayo. Kung hindi ka nagmadaling pumunta upang kausapin ako, ni si Nabal o kahit isa sa mga tauhan ni Nabal o mga kalalakihan ay wala ng mananatiling buhay hanggang bukas ng umaga."
\p
\v 35 Pagkatapos tinanggap ni David ang mga regalo na dinala ni Abigail sa kanya. Sinabi niya sa kanya, "Inaasahan ko na ang mga bagay ay makakabuti para sa iyo. Narinig ko ang iyong sinabi, at gagawin ko kung ano ang iyong kahilingan."
\s5
\p
\v 36 Nang bumalik si Abigail kay Nabal, siya ay nasa kanyang bahay, mayroong isang malaking pagdiriwang tulad ng pagdiriwang ng hari. Lasing na lasing siya at lubos ang saya. Kaya hindi sinabi ni Abigail ang anumang bagay sa kanya sa gabing iyon ang tungkol sa kanilang pakikipagtagpo niya kay David.
\s5
\v 37 Kinabuksan, nang hindi na siya lasing, sinabi niya ang lahat ng bagay na nangyari nang nakipag-usap siya kay David. Kaagad, inatake siya sa puso at hindi na siya makagalaw.
\v 38 Makalipas ang sampung araw pinarusahan ulit siya ni Yahweh, at namatay siya.
\s5
\p
\v 39 Pagkatapos na narinig ni David na patay na si Nabal, sinabi niya, "Pinupuri ko si Yahweh! Ininsulto ako ni Nabal, ngunit ipinakita ni Yahweh na tama ako. Pinigilan niya ako na gumawa ng anumang masamang bagay. At pinarusahan niya si Nabal para sa maling nagawa niya." Pagkatapos nagpadala si David ng mga mensahero kay Abigail, upang tanungin siya kung maaari siyang maging kanyang asawa.
\v 40 Pumunta ang kanyang mga lingkod sa Carmel at sinabi kay Abigail, "ipinadala kami ni David upang kunin kang maging kanyang asawa."
\s5
\v 41 Nagpatirapa si Abigail sa lupa. Pagkatapos sinabi niya sa mga mensahero na sabihin kay David, "Masaya ako na maging iyong asawa. Magiging lingkod mo ako. At handa akong hugasan ang mga paa ng iyong mga lingkod."
\v 42 Nagmadaling sumakay si Abigail sa kanyang asno at sumama sa mga mensahero ni David. Lima sa kanyang mga babaeng lingkod ang sumama sa kanya. Nang dumating siya kung nasaan si David, naging asawa niya siya.
\s5
\p
\v 43 Dating napangasawa ni David si Ahinoam, isang babae mula sa Jezreel malapit sa Carmel. Kaya kapwa kina Abigail at Ahinoam naging mga asawa ngayon ni David.
\v 44 Si Mical anak na babae ni haring Saul ay asawa rin ni David, ngunit ibinigay siya ni Saul kay Lais na anak na lalaki ni Paltiel, na nasa bayan ng Gallim.
\s5
\c 26
\p
\v 1 Isang araw ilan sa mga tao sa nayon ng Zip ay pumunta kay Saul habang nasa Gibea siya, at sinabi niya sa kanila. "Nagtatago si David sa isang kuweba sa burol ng Haquila, silangan ng nayon ng Jesimon."
\v 2 Kaya pumili ng tatlong daang magagaling na mga sundalong Israelita at pumunta kasama niya sa ilang ng Zip upang hanapin si David.
\s5
\p
\v 3 Nagtayo si Saul at kanyang mga tauhan ng kanilang mga tolda malapit sa daan ng burol ng Haquila, silangan ng bayan ng Jesimon, ngunit nanatili si David at kanyang mga tauhan sa ilang. Nang narinig ni David na hinahanap siya ni Saul,
\v 4 nagpadala siya ng ilang espiya upang alamin kung talagang dumating si Saul sa Haquila.
\s5
\p
\v 5 Pagkatapos nang gabing iyon pumunta si David sa lugar kung nasaan nagtayo si Saul ng kanyang tolda. Mula sa di-kalayuan nakita niya kung saan si Saul at kanyang pinunong hukbo, na si Abner, ay natutulog. Natutulog si Saul kasama ang lahat ng kanyang mga hukbo na natutulog na nakapalibot sa kanya.
\s5
\p
\v 6 Bumalik si David kung saan ang kanyang mga tauhan at kinausap si Ahimelec, mula sa mga lahi ni Het, at ang kapatid na lalaki ni Joab na si Abisai, na ang ina ay nakatatandang kapatid ni David na babae na si Zeruia. Tinanong niya sila, "Sino ang sasama sa akin pababa ng kampo kung nasaan si Saul? sumagot si Abisai, "Sasama ako sa iyo."
\p
\v 7 Kaya ng gabing iyon gumapang si David at Abisai patungo sa kampo ni Saul. Nakita nila na natutulog si Saul. Nakatusok ang kanyang sibat sa lupa malapit sa kanyang ulo. Natutulog si Saul sa gitna ng kampo. Natutulog si Abner at ibang mga sundalo sa palibot ni Saul.
\v 8 Bumulong si Abisai kay David, "Sa araw na ito ay idinulot ni Yahweh na patayin natin ang iyong kaaway! Hayaan mo akong patayin si Saul sa pamamagitan ng pagtusok ko ng aking sibat sa kanya. Kailangan tarakan ko lamang siya ng minsan. Hindi ko na siya kailangan pang tarakan ulit."
\s5
\v 9 Ngunit bumulong si David kay Abisai, "Hindi, huwag patayin si Saul. Hinirang siya ni Yahweh na maging hari, kaya tiyak na parurusahan ni Yahweh ang sinumang papatay sa kanya.
\v 10 Lamang na tiyak na nabubuhay si Yahweh, siya mismo ang magpaparusa kay Saul. Marahil si Yahweh ang magpaparusa sa kanya kapag panahon na ni Saul upang mamatay, o marahil mamatay si Saul sa isang labanan.
\s5
\v 11 Ngunit inaasahan ko na pipigilan ako ni Yahweh na saktan ang hari na kanyang hinirang. Kunin natin ang sibat ni Saul at ang banga ng tubig malapit sa kanyang ulo. Pagkatapos lumabas na tayo rito!"
\p
\v 12 Kaya kinuha ni David ang sibat at ang banga ng tubig, at umalis siya at si Abisai. Wala ni isang nakakita sa kanila o nakaalam kung ano ang kanilang ginagawa, at walang nagising, dahil idinulot ni Yahweh na mahimbing silang makatulog.
\s5
\p
\v 13 Tumawid sina David at Abisai sa lambak at umakyat sa tuktok ng burol, malayo mula sa kampo ni Saul.
\p
\v 14 Pagkatapos sumigaw si David kay Abner, "Abner, naririnig mo ba ako?" Sumagot si Abner "Sino ka, na ginigising ang hari sa pamamagitan ng pagtawag sa kanya?"
\s5
\p
\v 15 Sumagot si David, "Natitiyak ko na ikaw ang dakilang lalaki sa Israel! Kaya bakit hindi mo binantayan ang iyong panginoon, ang hari? May ibang dumating sa inyong kampo upang patayin ang inyong panginoon, ang hari.
\p
\v 16 Nakagawa ka ng isang hindi magandang trabaho sa pagbabantay kay Saul. Kaya tiyak na habang nabubuhay si Yahweh, ikaw at ang iyong mga tauhan ay dapat mamatay Hindi mo binantayan ang inyong panginoong hinirang ni Yahweh upang maging hari. Nasaan ang sibat ng hari at banga ng tubig na malapit sa kanyang ulo?'
\s5
\p
\v 17 Gumising si Saul at kinilala na iyon ay boses ni David. Tumawag siya, nagsasabing, "David, aking anak, boses mo ba iyan?" Sumagot si David, "Oo, iyong kamahalan boses ko ito."
\p
\v 18 Pagkatapos idinagdag ni David, "Ginoo, Bakit mo ako tinutugis? Wala naman akong nagawang mali!
\s5
\p
\v 19 Iyong kamahalan, makinig ka sa akin! Kung idinulot ni Yahweh na magalit ka sa akin, nais kong tumanggap siya ng isang alay mula sa akin. Ngunit kung mga tao ito ang nagdulot sa inyo na magalit sa akin, ninais ko na sumpain sila ni Yahweh. Pinilit nila akong umalis sa lupain na ibinigay ni Yahweh sa akin. Sinabi nila sa akin, 'Humayo ka kahit saan at sumamba sa ibang mga diyos"
\p
\v 20 Ngayon huwag akong pilitin upang mamatay mula sa lupain at sa harapan ni Yahweh. Ikaw, ang hari, ay humahanap sa akin, ngunit ako ay mabuti tulad ng isang pulgas o isang mailap na ibon na hinahanap ng isang tao sa mga burol."
\s5
\p
\v 21 Pagkatapos sinabi ni Saul, "David, aking anak, nagkasala ako ng pagtangkaan na patayin ka. Kaya umuwi kana. Ngayon itinuring mo ang aking buhay na napakahalaga at kaya hindi mo ako pinatay. Kaya hindi ko na susubukang saktan ka. Nakagawa ako ng isang malaking pagkakamali at kumilos ng may kahangalan."
\s5
\p
\v 22 Sumagot si David. "Iiwan ko ang iyong sibat dito. Magpadala ka ng isa sa iyong mga tauhan dito upang kunin ito.
\p
\v 23 Ginantimpalaan tayo ni Yahweh para sa mga bagay na ginawa nating tama at para sa pagiging tapat sa kanya. Kahit na inilagay ako ni Yahweh kung saan madali lamang kitang napatay, itinanggi kong gawin iyon, dahil ikaw ang tanging hinirang ni Yahweh na maging hari.
\s5
\p
\v 24 Tulad ng itinuturing ko ang iyong buhay na maging mahalaga at iligtas ang iyong buhay sa araw na ito. Inaasahan ko na ituturing ni Yahweh ang aking buhay na maging mahalaga at iligtas ang aking buhay at iligtas ako mula sa lahat ng aking kaguluhan."
\p
\v 25 Pagkatapos sinabi ni Saul kay David, "Anak kong David, dalangin ko na pagpalain ka ni Yahweh. Nawa'y makagawa ka ng dakilang mga bagay ng may katagumpayan." Pagkatapos bumalik si David sa kanyang mga tauhan, at umuwi si Saul.
\s5
\c 27
\p
\v 1 Ngunit inisip ni David, "Balang araw mahuhuli ako ni Saul kung mananatili ako rito. Kaya ang magandang gagawin ko ay tumakas at pumunta sa rehiyon ng Filisteo. Kung gagawin ko iyon, titigil na si Saul sa paghahanap sa akin dito sa Israel, at magiging ligtas ako."
\s5
\v 2 Kaya umalis si David at kanyang anim na raang kalalakihan sa Israel at pumunta upang makita si Aquis na anak na lalaki ni Maoc, na siyang hari ng lungsod ng Gat sa rehiyon ng Filisteo.
\v 3 Nagsimula si David at kanyang mga tauhan at kanilang mga pamilya na manirahan doon sa Gat, ang lungsod kung saan nakatira si haring Aquis. Kasama ni David ang kanyang dalawang asawa—Ahinoam mula sa Jezreel, at balo ni Nabal na si Abigail, mula sa Carmel.
\v 4 Nang narinig ni Saul iyon na umalis si David at naninirahan sa Gat, tumigil siya sa paghahanap kay David.
\s5
\p
\v 5 Isang araw sinabi ni David kay Aquis, "Kung nalulugod ka sa amin, bigyan mo kami ng isang lugar sa isa sa maliit na nayon kung saan kami maaaring manatili. Hindi na namin kailangang manatili sa lungsod kung saan ikaw ang hari."
\p
\v 6 Nagustuhan ni Aquis ang mungkahi ni David. Kaya sa araw na iyon ibinigay ni Aquis kay David ang bayan ng Ziklag. Dahil dito, ang Ziklag ay napabilang sa mga hari ng Juda hanggang sa panahong iyon.
\v 7 Nanirahan si David at kanyang mga tauhan sa rehiyon ng Filisteo sa loob ng labing-anim na buwan.
\s5
\p
\v 8 Sa panahong iyon, sinalakay ni David at kanyang mga tauhan ang mga tao na nakatira sa mga lugar, kung saan nakatira ang Gesur, Girzi, at ang lahi ng Amalek. Ang mga taong iyon ay naninirahan na mula pa noong sinauna. Ang lugar na iyon ay umabot sa timog ng Sur at sa hangganan ng Ehipto.
\p
\v 9 Sa tuwing sinasalakay sila ng mga tauhan ni David, pinapatay nila lahat ng lalaki at babae, at kinukuha nila ang lahat ng tupa ng mga tao at baka at mga asno at mga kamelyo, at kahit ang kanilang mga damit. Pagkatapos dadalhin nila ang mga bagay na iyon pabalik sa kanilang tahanan, at pupunta si David upang kausapin si Aquis.
\s5
\v 10 Bawat oras ay tinatanong ni Aquis si David, "Saan ka sumalakay ngayon?" Minsan sinasabi ni David na pumupunta sila sa timog na bahagi ng Juda, at minsan sasabihin niya na pumupunta sila kung nasaan nakatira ang mga Jerameelita sa timog, o nakikipaglaban siya sa mga Kenita na nanirahan sa timog.
\s5
\p
\v 11 Hindi kailanman nagdala pabalik ang mga tauhan ni David sa Gat alinman sa lalaki o babae na nanatiling buhay. Inisip ni David, "Kung hindi namin pinatay ang lahat, pupunta ang ilan sa kanila na buhay pa kay Aquis at sasabihin ang katotohanan tungkol sa kanilang mga ginawa." Ginawa ni David iyon sa lahat ng pagkakataon na siya at kanyang mga tauhan na nanirahan sa rehiyon ng Filisteo.
\p
\v 12 Kaya pinaniwalaan ni Aquis kung ano ang sinabi ni David, inisip niya, "Dahil sa nagawa ni David, ang mga Israelita na sarili niyang mga tao, ay dapat ngayon magkaroon ng matinding galit sa kanya. Kaya dapat siyang manatili rito at pagsilbihan ako magpakailanman."
\s5
\c 28
\p
\v 1 Makalipas ang ilang panahon, tinipon ng bayan ng Filsiteo ang kanilang hukbo upang muling salakayin ang mga Israelita. Sinabi ni Haring Aquis kay David, "Inaasahan kong sasama ka at ang iyong mga tauhan sa aking mga tauhan upang lusubin ang mga Israelita."
\v 2 Sumagot si David, "Sasama kami sa iyo, at sa gayon makikita mo mismo kung ano ang magagawa namin!" Sinabi ni Aquis, "Mabuti, Itatalaga kitang aking palagiang tagapagbantay."
\s5
\p
\v 3 Habang nabubuhay si Samuel, gumawa si Saul ng ilang bagay na kalugud-lugod kay Yahweh. Isa sa mga mabubuting bagay na ginawa ni Saul ay ang pagpapatalsik mula sa Israel ng lahat ng taong manghuhula o nakikipag-usap sa mga espiritu ng mga patay na tao. Ngunit namatay na si Samuel, at nagluksa ang lahat ng mga taong Israelita para sa kanya. Pagkatapos inilibing nila siya sa Rama na kanyang bayang kinalakihan.
\v 4 Nagtipon ang hukbo ng Filisteo at nagtayo ng kanilang mga tolda sa lungsod ng Shunem sa hilaga ng Israel. Tinipon ni Saul ang hukbo ng Israelita at nagtayo ng kanilang mga tolda sa Gilboa sa silangang bahagi ng parehong lambak.
\s5
\v 5 Nang makita ni Saul ang hukbo ng Filisteo, lubha siyang natakot at kumabog ang kanyang puso.
\p
\v 6 Nanalangin siya kay Yahweh, ngunit hindi siya sinagot ni Yahweh. Hindi sinabi ni Yahweh kay Saul kung ano ang kailangan niyang gawin sa pamamagitan ng panaginip, o sa pamamagitan ng paghagis ng pari ng mga tinandaang bato sa kanyang banal na sisidlan, o sa pamamagitan ng pasabi tungkol kay Saul sa sinumang propeta.
\p
\v 7 Kaya sinabi ni Saul sa kanyang mga lingkod, "Hanapan ninyo ako ng isang babaeng nakikipag-usap sa mga espiritu ng patay na tao, para matanong ko siya kung anong mangyayari." Sumagot ang kanyang mga lingkod, "May isang babae sa bayan ng Endor na gumagawa niyan."
\s5
\p
\v 8 Hinubad ni Saul ang kasuotang nagpapakitang siya ang hari, at nagsuot ng pangkaraniwang kasuotan upang ikubli ang kanyang sarili. Pagkatapos pumunta siya kasama ang kanyang dalawang lingkod sa gabi upang kausapin ang babae. Sinabi ni Saul sa kanya, "Gusto kong kausapin mo ang espiritu ng isang taong namatay na. Idudulot mong magpakita ang taong ibibigay ko sa iyo ang pangalan."
\p
\v 9 Ngunit sumagot ang babae, "Tunay na alam mo kung ano ang ginawa ni Saul. Pinaalis niya mula sa lupaing ito ang lahat ng taong nakikipag-usap sa mga espiritu ng mga taong namatay at lahat ng mga manghuhula. Sa palagay ko binibitag mo ako para mabitay ako sa paggawa ng isang bagay na hindi pinahihintulutan."
\p
\v 10 Sumagot si Saul, taimtim na hinihiling kay Yahweh na pakingggan kung ano ang kanyang sinasabi, "Habang tiyak na nababubuhay si Yahweh, hindi ka parurusahan sa paggawa nito."
\s5
\p
\v 11 Pagkatapos sinabi ng babae, "Sino ang nais mong idulot kong magpakita?" Sumagot si Saul, "Idulot mong magpakita si Samuel."
\v 12 Kaya ginawa iyon ng babae. Ngunit nang makita niya si Samuel, sumigaw siya. Sinabi niya, "Nilinlang mo ako! Ikaw si Saul! Bibitayin mo ako sa paggawa nito!"
\s5
\v 13 Sinabi ni Saul sa kanya, "Huwag kang matakot. Ano ang nakikita mo?" Sumagot ang babae, "Nakikita ko ang isang diyos na lumalabas mula sa lupa."
\v 14 Sinabi ni Saul, "Ano ang kamukha niya?" Sumagot ang babae, "Isang matandang lalaking nakasuot ng balabal ang nagpapakita." Pagkatapos alam ni Saul na si Samuel iyon. Kaya yumukod siyang nakalapat sa lupa ang kanyang mukha.
\s5
\p
\v 15 Sinabi ni Samuel kay Saul, "Bakit mo ako ginambala sa pagdudulot na magpakita ako?" Sinabi ni Saul, "Labis akong nag-aalala. Ang hukbo ng Filisteo ay malapit ng sumalakay sa aking hukbo, at tinalikuran na ako ng Diyos. Hindi na siya sumasagot sa aking mga tanong. Hindi na niya ako binibigyan ng mga panaginip upang sabihin sa akin kung ano ang aking gagawin o magbigay ng pasabi sa mga propeta para sabihin sa akin kung ano ang gagawin. Iyan ang dahilan kung bakit ako pumunta rito para makita ka. Kaya sabihin mo kung ano ang dapat kong gawin!"
\s5
\p
\v 16 Sinabi ni Samuel, "Tinalikuran ka na ni Yahweh at naging iyong kaaway. Kaya bakit mo ako tinatanong kung ano ang dapat mong gawin?
\v 17 Ginawa na niya kung ano ang sinabi niya sa akin noon na gagawin sa iyo. Kinuha na niya ang kaharian mula sa iyo, at ibinibigay ito sa isang tao na isa ring Israelita—si David.
\s5
\p
\v 18 Hindi mo sinunod si Yahweh. Galit na galit si Yahweh sa mga lahi ng Amalek. Hindi mo pinatay ang lahat ng kanilang mga hayop, na may resultang hindi mo ipinakitang galit na galit siya sa kanila. Iyan ang dahilan kaya tumatanggi siyang sagutin ka ngayon.
\v 19 Gagawin ni Yahweh na talunin kayo ng hukbo ng Filisteo at lahat ng iba pang sundalong Israelita. At bukas makakasama mo ako at ng iyong mga anak na lalaki sa lugar kung saan naroroon ang mga espiritu ng mga patay na tao. Idudulot ni Yahweh na talunin ang buong hukbo ng Israel ng hukbo ng Filisteo." Matapos sabihin iyon ni Samuel, naglaho na siya.
\s5
\p
\v 20 Biglang bumagsak sa lupa si Saul. Takot na takot siya dahil sa sinabi ni Samuel kaya nawala ang buong lakas niya. Labis siyang nanghina dahil hindi siya kumain ng kahit anuman sa buong araw at gabing iyon.
\v 21 Nakita ng babae na labis siyang nabahala. Sinabi niya sa kanya, "Makinig ka sa akin! Ginawa ko ang hiniling mong gawin ko. Maaari akong patayin sa paggawa niyan.
\s5
\v 22 Kaya ngayon pakiusap, makinig ka sa sasabihin ko. Payagan mo akong bigyan ka ng kaunting pagkain, upang makakain mo ito at upang magkaroon ka ng sapat na lakas para makabalik sa iyong hukbo."
\v 23 Ngunit tumangi si Saul. Sinabi niya, "Hindi, hindi ako kakain ng anuman." Kaya pinilit din si Saul ng kanyang mga lingkod na kumain ng kahit kaunti, at sa wakas nakinig din siya sa kanila. Bumangon siya mula sa lupa at umupo sa kama.
\s5
\v 24 Mayroong pinatabang guya ang babae na malapit sa kanyang bahay. Mabilis niyang kinatay ito at niluto. Kumuha siya ng kaunting harina at hinaluan ng langis ng oliba, at hinurno ito na hindi nilagyan ng anumang lebadura.
\p
\v 25 Inilagay niya ang pagkain sa harap ni Saul at kanyang mga lingkod, at kumain sila ng ilan nito. Pagkatapos bumangon sila at umalis ng gabing iyon.
\s5
\c 29
\p
\v 1 Nagtipon ang hukbong Filisteo sa Lambak ng Apek. Nagtayo ng kanilang mga tolda ang mga Isarelita sa siyudad ng Jezreel, na nasa parehong lambak.
\p
\v 2 Hinati-hati ng mga hari ng Filisteo ang kanilang mga tauhan sa mga pangkat; ang ilang pangkat ay may isandaang sundalo at ang ilang pangkat ay may isanlibong sundalo. Naglalakad si David at ang kanyang mga tauhan sa likuran, kasama ni Haring Aquis.
\s5
\v 3 Ngunit nagtanong ang mga tagapag-utos ng mga Filisteo, "Ano ang ginagawa ng mga Hebreong ito rito, naglalakad kasama natin sa labanan? Sumagot si Aquis, "Si David ang kanilang pinuno. Dati siyang nagtrabaho para kay Haring Saul ng Israel, ngunit ngayon naninirahan na siya malapit sa akin sa mahigit nang isang taon. Sa buong panahon mula nang umalis siya kay Saul, wala akong nakitang kapintasan sa kanya."
\s5
\v 4 Ngunit nagalit ang mga tagapag-utos ng hukbo ng mga Filisteo kay Aquis sa pagpayag sa hukbo ni David na sumama sa kanila. Sinabi nila sa kanya, "Ipadala mo si David at ang kanyang mga tauhan pabalik sa lungsod na ibinigay mo sa kanya! Ayaw namin siyang pumunta sa labanan kasama natin. Kung sasama siya sa atin, magkakaroon tayo ng kaaway sa ating piling! Bibigyan niya ng kasiyahan si Saul sa pamamagitan ng pagpatay sa sarili nating mga sundalo!
\s5
\v 5 Nakalimutan mo na ba na si David ang siyang sinayawan at inawitan ng mga Israelita, sinasabing, 'Nakapatay si Saul ng isang libo sa ating mga kalaban, ngunit si David ay nakapatay ng sampung libo sa kanila!'?"
\s5
\p
\v 6 Kaya pinatawag ni Aquis si David at sinabi sa kanya, "Gaya ng tunay na habang nabubuhay si Yahweh, naging matapat ka sa akin. Labis kong ninais para sa iyo na makipaglaban ka kasama ng aking mga hukbo. Mula sa araw na dumating ka sa akin, hindi ko nakita na mayroon kang anumang kapintasan. Ngunit walang tiwala sa iyo ang ibang mga hari.
\p
\v 7 Kaya umuwi na kayong lahat, at inaasahan kong makagawa ng anumang bagay na hindi magbibigay kasiyahan sa ibang hari ng Filisteo."
\s5
\v 8 Sumagot si David, "Anong nagawa kong mali? Mula sa araw na unang dumating ako sa iyo hanggang ngayon, may nagawa ba akong inakala mong masama? Kamahalan, bakit hindi mo ako papayagang umalis at makipaglaban sa iyong mga kaaway?"
\v 9 Sumagot si Aquis, "Alam kong mapagkakatiwalaan kita tulad ng mapagkakatitiwalaan ko ang isang anghel mula sa Diyos. Ngunit sinabi ng mga tagapag-utos ng mga hukbo, 'Hindi namin pinapayagan si David at ang kanyang mga tauhan na sumama sa atin sa labanan.'
\s5
\p
\v 10 "Kaya bukas ng umaga dapat kang umalis at ng mga tauhan mo. Bumangon kayo kapag maliwanag na at umalis."
\v 11 Kaya bumangon si David at ang kanyang mga tauhan nang maaga kibukasan at bumalik sa lugar kung saan naninirahan ang mga taong Filisteo. Ngunit umakyat sa lungsod ng Jezreel ang hukbo Filisteo.
\s5
\c 30
\p
\v 1 Makalipas ang tatlong araw, nang dumating si David at ang kanyang mga tauhan sa Ziklag, natuklasan nilang sinalakay ng mga kalalakihang mula sa lahi ni Amalek ang Ziklag at ang ilang bayan sa timugang ilang ng Judea. Winasak nila ang Ziklag at sinunog ang lahat ng mga gusali.
\v 2 Binihag nila ang lahat ng mga kababaihan at mga bata at iba pa, at dinala silang lahat. Ngunit wala silang pinatay na kahit isa.
\s5
\v 3 Nang dumating sa Ziklag sina David at kanyang mga tauhan, nakita nilang nasunog ang bayan, at binihag at dinala ang kanilang mga asawa at mga anak na lalaki at babae.
\v 4 Umiyak ng napakalakas si David at ang kanyang mga tauhan, hanggang sa sobrang mahina na sila kaya hindi na sila makaiyak pa.
\s5
\v 5 Tinangay rin ang dalawang asawa ni David na sina Ahinoam at Abigail.
\v 6 Binantaan si David ng kanyang mga tauhang patayin siya sa pamamagitan ng pambabato sa kanya, sapagkat labis silang nagalit dahil tinangay ang kanilang mga anak na lalaki at babae. Labis na namighati si David, ngunit binigyan siya ng lakas ni Yahweh na kanyang Diyos.
\s5
\p
\v 7 Hindi alam ni David kung ano ang kanyang gagawin, kaya sinabi niya kay Abiatar na pari, "dalhin sa akin ang banal na epron at ang banal na tsaleko." Kaya dinala ang mga ito ni Abiatar,
\v 8 at tinanong ni David si Yahweh, "Dapat ko bang tugisin at ng aking mga tauhan ang mga lalaking tumangay sa aming mga pamilya? Maaabutan ba namin sila?" Sumagot si Yahweh sa pamamagitan ng mga bato sa banal na tsaleko: "Oo, tugisin ninyo sila. Maaabutan ninyo sila, at makakaya ninyong sagipin ang inyong mga pamilya."
\s5
\p
\v 9 Kaya umalis si David at ang anim na daang kalalakihang kasama niya, at nakarating sila sa bangin ng Besor. Nanatili ang ilan sa kanyang mga tauhan doon pati ang ilan sa kanilang mga gamit.
\v 10 Nagpatuloy sa pagtugis si David at ang apat na raang kalalakihan sa mga lalaking bumihag sa kanilang mga pamilya. Nanatili sa bangin ang iba pang dalawang daang kalalakihan sapagkat labis na silang napagod kaya hindi na nila kayang tumawid sa bangin.
\s5
\p
\v 11 Habang patuloy si David at ang apat na daang kalalakihan, nakita nila sa bukid ang isang lalaking mula sa Ehipto; kaya dinala nila ito kay David. Binigyan nila ang lalaki ng kaunting tubig na maiinom at kaunting pagkain upang makakain.
\v 12 Binigyan din nila siya ng isang piraso ng mamon na igos at dalawang kumpol ng pasas. Walang anumang nakain o naimon ang lalaki sa nakaraang tatlong araw at gabi, ngunit matapos niyang kumain at uminom, sumigla siya.
\s5
\v 13 Tinanong siya ni David, "Sino ang iyong amo? Saan ka nanggaling?" Sumagot siya, "Nagmula ako sa Ehipto. Alipin ako ng isang taong mula sa lahi ni Amalek. Tatlong araw ang nakalipas iniwan ako ng aking amo dito, sapagkat nagkasakit ako at hindi ko na kayang sumama sa kanila.
\p
\v 14 Sinalakay namin ang timugang ilang ng Judea ng mga Chereteo, at ilang bayan sa Juda, at ang timugang ilang ng Judea ng mga lahi ni Caleb. Sinunog din namin ang Ziklag."
\s5
\p
\v 15 Tinanong siya ni David, "Maaari mo ba kaming pangunahan tungo sa mga pangkat na sumalakay?" Sumagot ang lalaki, "Oo, gagawin ko iyan kung hihilingin mo sa Diyos na makikinig habang nangangako kang hindi mo ako papatayin o ibabalik sa aking amo. Kung ipapangako mo iyan, dadalhin ko kayo sa kanila."
\s5
\p
\v 16 Pumayag si David na gawin iyon, kaya dinala ng lalaking mula sa Ehipto sina David at kanyang mga tauhan sa lugar na kinaroroonan ng mga lahi ni Amalek. Ang mga lalaking iyon ay nangahiga sa lupa, kumakain at nag-iinuman at nagdiriwang dahil nakabihag sila ng maraming bagay mula sa mga rehiyon ng Filisteo at Juda.
\p
\v 17 Nakipaglaban si David at kanyang mga tauhan sa kanila mula sa paglubog ng araw sa araw na iyon hanggang sa gabi ng sumunod na araw. Apat na daan sa kanila ang nakatakas at sumakay sa mga kamelyo, ngunit hindi nakaligtas ang iba sa kanila.
\s5
\v 18 Nasagip ni David ang kanyang dalawang asawa, at nabawi niya at ng kanyang mga tauhan ang lahat ng iba pang kinuha ng mga lahi ni Amalek.
\v 19 Walang anumang nawawala. Dinala nila ang lahat ng kanilang mga tao pabalik sa Ziklag—mga kabataan at mga matatanda, kanilang mga asawa, kanilang mga anak na lalaki at babae. Nabawi rin nila ang lahat ng iba pang bagay na kinuha ng mga lahi ni Amalek sa Ziklag.
\v 20 Dinala nila ang mga tupa at mga bakang nahuli, at idinulot ng kanyang mga tauhan ang mga hayop na ito na pumunta sa harap ng lahat ng iba pang mga baka; sinabi nila, "Ito ang mga hayop na nahuli namin sa digmaan; pag-aari ang mga ito ni David!"
\s5
\p
\v 21 Bumalik si David at ang kanyang mga tauhan sa lugar na kinaroroonan ng dalawang daang kalalakihang naghihintay, ang mga kalalakihang hindi sumama kay David sapagkat labis silang napagod. Nanatili sila sa bangin ng Besor. Nang makita nila si David at ang kanyang mga tauhan na paparating, lumabas sila upang batiin sila. At binati rin sila ni David.
\p
\v 22 Ngunit ang ilan sa mga tauhang sumama kay David, mga kalalakihang masasama at magugulo, nagsabing, "Hindi sumama sa atin ang dalawang daang lalaking ito. Kaya hindi natin sila dapat bigyan ng anuman sa mga bagay na ating nabawi. Kukunin lamang ng bawat isa sa kanila ang kanyang asawa at mga anak at bumalik sa kanilang mga tahanan."
\s5
\v 23 Sumagot si David, "Hindi, mga kapwa ko Israelita, hindi iyan tama. Ipinagtanggol tayo ni Yahweh at idinulot niyang matalo natin ang ating mga kaaway na sumalakay sa ating bayan.
\v 24 Sino ang makikinig sa inyo kapag sinabi ninyo ang mga ganyang bagay? Ang mga lalaking nanatili rito kasama ng ating mga gamit ay makakakuha ng kasindami ng makukuha ng mga kalalakihang pumunta sa labanan. Tatanggap silang lahat ng parehong halaga."
\p
\v 25 Ginawa iyan ni David para maging isang batas para sa mga Israelita, at batas pa rin iyan sa Israel.
\s5
\p
\v 26 Nang dumating si David at lahat ng iba pa sa Ziklag, nagpadala si David sa kanyang mga kaibigang pinuno sa Juda ng ilang mga bagay na kanilang nakuha mula sa lahi ni Amalek. Sinabi niya sa kanila, "Narito ang handog para sa inyo. Ito ang mga bagay na nakuha namin mula sa mga kalaban ni Yahweh."
\v 27 Narito ang listahan ng mga lungsod at mga bayang pinadalhan ni David ng mga regalo: Bethel, Ramot sa timugang bahagi ng Juda, Jattir,
\v 28 Aroer, Sifmot, Estemoa.
\s5
\v 29 Gayundin ang Racal, ang mga lungsod kung saan nakatira ang mga kaapu-apuhan ni Jehrameel at mga lungsod kung saan nanirahan ang mga lahi ng mga Cineo,
\v 30 Horma, Borasan, Atac,
\v 31 Hebron, at lahat ng iba pang lugar kung saan madalas pumupunta si David at ng kanyang mga tauhan.
\s5
\c 31
\p
\v 1 Hindi nagtagal, nakipaglaban ulit ang mga Filisteo laban sa mga Israelita. Nagsitakas ang mga Israelita palayo sa kanila, at marami sa mga Israelita ay napatay sa Bundok ng Gilboa.
\v 2 Naabutan ng mga Filisteo si Saul at ang kanyang tatlong anak na lalaki, at kanilang pinatay ang tatlong anak niya na lalaki, si Jonatan at Abinadab at Malquisua.
\v 3 Matindi ang labanan sa paligid ni Saul. Nang naabutan ng mga mamamana ng Filisteo si Saul, malubhang sugat ang natamo niya sa mga pana nila.
\s5
\v 4 Sinabi ni Saul sa taong nagdadala ng kanyang mga sandata, "Bunutin mo ang iyong espada at patayin mo ako sa pamamagitan nito, ng sa gayon na ang mga paganong Filisteo na ito ay hindi maaaring isaksak ang kanilang mga espada sa akin at gawing katatawanan ako habang ako ay naghihingalo." Ngunit ang lalaki na nagdadala ng mga sandata ni Saul ay natakot, at tumangging gawin iyon. Kaya kinuha ni Saul ang kanyang sariling espada at kanyang isinaksak ito sa kanyang sarili. Ang espada ay tumagos sa kanyang katawan, at siya'y namatay.
\v 5 Nang nakita ng lalaking nagdadala ng kanyang mga sandata na patay na si Saul, sinaksak rin niya ang kanyang sarili ng sarili niyang espada at namatay siya.
\v 6 Kaya si Saul, ang tatlo niyang anak na lalaki, at ang lalaki na nagdadala ng mga sandata ni Saul, lahat sila ay namatay nang araw ding iyon.
\s5
\p
\v 7 Nang nalaman ng mga Israelita sa hilagang bahagi ng Lambak ng Jezreel at sa silangang bahagi ng Ilog Jordan na ang hukbo ng mga Israelita ay nagsitakas at si Saul at ang kanyang mga anak na lalaki ay namatay, iniwan nila ang kanilang mga bayan at nagsitakas. Pagkatapos ang mga Filisteo ay nagsidatingan at sinakop ang kanilang mga lungsod.
\v 8 Sa sumunod na araw, nang ang mga Filisteo ay dumating upang kunin ang mga sandata sa mga namatay na mga sundalo ng Israelita, nakita nila ang mga katawan ni Saul at ang kanyang tatlong anak na lalaki sa Bundok Gilboa.
\s5
\p
\v 9 Pinutol nila ang ulo ni Saul at kinuha ang kanyang mga sandata. Pagkatapos nagpadala sila ng mga mensahero sa lahat ng dako ng kanilang lupain upang ipahayag ang balita sa mga templo, na kung saan nila iniingatan ang kanilang diyus-diyosan, at sa ibang mga tao, na ang kanilang hukbo ay tinalo ang mga Israelita.
\v 10 Inilagay nila ang mga sandata ni Saul sa loob ng templo ng kanilang diyosa na si Asera. Itinali rin nila ang mga katawan ni Saul at kanyang mga anak na lalaki sa pader na pinaliligiran ang siyudad ng Bethsan.
\s5
\v 11 Nang narinig ng mga taong nanirahan sa Jabes sa rehiyon ng Galaad kung ano ang ginawa ng mga Filisteo sa bangkay ni Saul,
\p
\v 12 ang lahat ng kanilang mga matatapang na sundalo ay naglakad ng buong magdamag patungo sa Bethsan. Kinuha nila ang mga bangkay ni Saul at ng kanyang mga anak na lalaki mula sa pader ng siyudad at ibinalik nila ang mga ito sa Jabes at sinunog ang mga bangkay doon.
\p
\v 13 Kinuha nila ang mga buto at inilibing ang mga ito sa ilalim ng isang malaking puno ng tamarisko. Pagkatapos nag-ayuno sila sa loob ng pitong araw.