\v 1 AngJerusalem ay minsang puno ng mga tao, ngunit ngayon ay ganap na itong napabayaan. Dati itong isang makapangyarihang bansa, ngunit ngayon ay nag-iisa, tulad ng isang balo. Minsan nang pinarangalan ito ng lahat sa mundo tulad ng isang anak na babae ng hari, ngunit ngayon ay tulad ito ng isang alipin.
\v 2 Buong magdamag kaming tumatangis ng may kapaitan sa lungsod, na may umaagos na mga luha sa aming mga pisngi. Hindi kami nagtiwala na tutulungan kami ni Yahweh, at nabigo kaming tulungan ng mga pangkat ng tao na aming pinagkatiwalaan. Wala sa kanila ang aaliw sa amin ngayon. Nagtaksil sa amin ang lahat ng mga pangkat ng tao na nakipagkaibigan sa amin. Silang lahat ngayon ay mga kaaway na namin.
\v 3 Kaming lahat na mga tao ng Juda ay naging mahirap at nagdusa nang matindi. Napunta sa ibang mga lupain bilang mga alipin ang karamihan sa aming mga tao. Nakatira na sila ngayon sa ibang mga lupain at walang kapayapaan. Binihag kaming lahat ng aming mga kaaway. Walang paraan para makatakas kami.
\v 4 Wala ng laman ang mga daan patungong Bundok Zion dahil wala nang pumupunta rito upang ipagdiwang ang mga banal na pagdiriwang. Wala ng mga nakatatanda o mga pinuno ang uupo sa ilalim ng mga tarangkahang lungsod upang mag-usap-usap at naghihinagpis sa kalungkutan ang mga pari ng Jerusalem. Umiiyak na naiwan ang mga dalaga sa Jerusalem dahil labis silang naghihirap.
\v 5 Ngayon, ang aming mga kaaway ay mga panginoon na ng aming lungsod, at sumagana sila. Pinarusahan kami ni Yahweh, kaming mga tao ng Jerusalem, dahil sa lahat ng mga kasalanan na aming ginawa. Kinuha ng aming mga kaaway ang lahat ng aming mga anak at pinapunta sila sa ibang mga bansa.
\v 6 Isang magandang lungsod ang Jerusalem, ngunit hindi na ito maganda ngayon. Katulad ng usang nagugutom ang aming mga pinuno dahil hindi sila makahanap ng damo upang kainin. Napakahina nila at hindi makatakbo mula sa aming mga kaaway.
\v 7 Kami, mga tao ng Jerusalem ay malungkot at walang mga tahanang matitirahan. Iniisip namin ang tungkol sa lahat ng mga maningning na mga bagay na minsang pumuno sa aming lungsod. Ngunit sinakop na ng aming mga kaaway ang lungsod ngayon at wala ni isang makakatulong sa amin. Winasak ng aming mga kaaway ang aming lungsod at tumatawa habang ginagawa nila ito.
\v 8 Kami, ang mga tao ng Jerusalem ay nagkasala ng napakatindi. Ang aming lungsod ay naging tulad ng duguang basahan sa pagitan ng mga binti ng isang babae. Hinahamak ito ngayon ng lahat ng dating nagpaparangal sa aming lungsod. Katulad sila ng mga taong hinubaran ang isang babae at kinutya pagkatapos. Naghihinagpis kami ngayon sa lungsod. Katulad kami ng isang babaeng walang mga damit na sinusubukang takpan ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng kaniyang kamay.
\v 9 Para bang ang aming lungsod ay naging marumi dahil nagkasala kami ng napakatindi. Hindi namin naisip ang tungkol sa kung paano kami parurusahan ng Diyos. Hindi namin mailarawan sa aming diwa kung paano kami magdurusa. Walang sinuman ang umaaliw sa amin. Tumatawag kaming lahat sa Diyos, "Yahweh, tingnan mo kung paano kami nagdudurusa dahil sa tinalo kami ng aming mga kaaway!
\v 10 Kinuha ng aming mga kaaway ang lahat ng aming mga kayamanan, lahat ng mga mahahalagang bagay na aming pag-aari. Nakita naming pumasok sa aming banal na templo ang mga kawal mula sa ibang mga bansa, mga kalalakihang hindi sumasamba sa iyo, Yahweh, na iyong sinabing walang mga dayuhan ang maaaring makapunta."
\v 11 Dumadaing kami habang naghahanap ng pagkain sa lungsod. Ibinigay namin ang lahat ng aming mahahalagang mga bagay upang makakuha ng pagkain na aming kakainin, upang makakuha ng kaunting lakas. Sinabi namin, "Yahweh, tingnan mo kami. Tingnan mo kung paano kami hinahamak ng aming mga kaaway!"
\v 12 Kayong mga taong dumadaan, para bang wala kayong pakialam tungkol sa lahat ng nangyari sa amin. Tumingin kayo sa paligid at makitang wala nang ibang mga taong naghihirap nang gaya sa amin. Pinahirapan kami ni Yahweh dahil labis siyang galit sa amin.
\v 13 Ito ay tila bang nagpadala siya ng isang apoy mula sa langit na sumunog sa aming mga buto. Ito ay para bang naglagay siya ng isang patibong upang magkabuhol-buhol ang aming mga paa at hinadlangan kami sa paglakad nang mas malayo. Pinabayaan niya kami. Mahina at nag-iisa kami araw-araw, sa bawat araw,
\v 14 Ginawa niyang isang mabigat na pasang aming papasanin ang mga kasalanang aming ginawa, para bang iginapos niya ito sa aming mga leeg. Malakas kami noon, ngunit pinahina niya kami. Pinahintulutan niya ang aming mga kaaway upang bihagin kami, at walang anumang bagay kaming magawa upang labanan sila.
\v 15 Tumingin ang Panginoon sa aming malalakas na mga kawal, pinagtawanan sila at itinapon sila sa malayo. Ipinatawag niya ang isang malaking hukbo upang dumating at durugin ang aming mga batang kawal. Para bang niyapakan kami ng Panginoon na mga tao ng Juda gaya ng pagyapak ng mga tao sa mga ubas sa isang hukay upang maging katas.
\v 16 Tumatangis kami dahil sa lahat ng mga bagay na iyon; puno ng mga luha ang aming mga mata. Walang sinuman ang umaaliw sa amin. Silang mga maaaring magpalakas ng aming loob ay malayo sa amin. Tinalo kami ng aming mga kaaway, kaya walang inaasahang mabuti ang aming mga anak.
\v 17 Iniaabot naming mga tao ng Jerusalem ang aming mga kamay upang makahingi ng tulong, ngunit walang sinuman ang umaaliw sa amin. Nagpasya si Yahweh tungkol sa aming mga kaapu-apuhan ni Jacob na ang mga taong malapit sa mga bansa ay maging aming mga kaaaway. Kaya ipanapalagay nilang ang Jerusalem ay naging kasuklam-suklam sa kanila.
\v 18 Ngunit makatarungan ang ginawa ni Yahweh sa amin, dahil tinanggihan naming sundin ang sinabi niya na gawin namin. Kayong mga tao sa lahat ng dako ay makinig sa amin. Tingnan ninyo at makikita ninyong naghihirap kami nang labis. Nagkaroon kami ng maraming mga anak na lalaki at babae, ngunit kinuha silang lahat ng aming mga kaaway at dinala sila sa mga malalayong lupain.
\v 19 Nakiusap kami sa aming mga kapanalig, na aming pinagkatiwalaan, upang tulungan kami, ngunit tumanggi silang lahat, katulad ng pagtanggi ng mga kalalakihan upang tulungan ang isang babaing nagbebenta ng aliw na kanilang sinipingan. Namatay ang aming mga pari at aming mga pinuno sa gutom sa lungsod habang naghahanap sila ng pagkain na makakain upang manatiling buhay.
\v 20 Yahweh, tingnan mo masyado kaming naghihirap. Para bang nasusunog ang aming mga lamang loob. Malungkot ang aming kalooban dahil naghimagsik kami laban sa iyo. Pinapatay ng aming mga kaaway ang mga tao sa mga lansangan sa pamamagitan ng kanilang mga espada at sa tahanan ay parang isang sheol, ang mundo ng mga patay.
\v 21 Naririnig kami ng mga tao habang kami ay dumadaing, ngunit wala kahit isang dumating upang aliwin kami. Alam ng lahat ng aming mga kaaway kung ano ang nangyayari sa amin. Masaya silang narinig lahat ang tungkol dito. Pakiusap, gawin ninyo agad ang inyong ipinangako, kung kailan ang aming mga kaaway ay maghihirap tulad ng aming pinaghirapan!
\v 22 Yahweh, sumang-ayon kang tingnan ang lahat ng masasamang kanilang ginawa. Parusahan mo sila gaya ng pagparusa mo sa amin sa lahat ng mga kasalanang aming ginawa. Sinabi namin ito sa iyo dahil sa labis naming pagdurusa at paghihinagpis, at nanghihina ang aming kalooban.
\s5
\c 2
\p
\v 1 Matindi ang galit ng Panginoon sa amin. Para bang tinakpan niya ang Jerusalem sa pamamagitan ng isang maitim na ulap. Noon ay isang magandang lungsod ito, ngunit kaniyang ipinahintulot na mawasak ito. Sa panahong pinarusahan niya ang Israel, pinabayaan niya kahit na ang kaniyang templo sa Jerusalem.
\v 2 Winasak ng Panginoon ang mga tahanan ng mga tao ng Juda. Hindi siya kumilos nang may habag. Dahil matindi ang kaniyang galit, pinabagsak niya ang mga kuta ng Juda. Ginawa niyang ganap na mahina ang aming kaharian, at siya ang sanhi upang mawala ang lahat ng karangalan ng aming mga pinuno.
\v 3 Dahil matindi ang galit niya, siya ang dahilan upang hindi na maging makapangyarihan ang Israel. Tumanggi siyang tulungan kami nang salakayin kami ng aming mga kaaway. Winasak niya ang Israel tulad ng isang pagwasak ng nagliliyab na apoy sa lahat ng bagay.
\v 4 Naging handa siyang patayin kami, na kaniyang mga tao, na para bang kami ay kaniyang mga kaaway. Nakahanda siyang patayin ang mga taong pinakamamahal namin, mga miyembro ng aming sariling pamilya. Matindi ang kaniyang galit sa aming mga tao ng Jerusalem, tulad ng apoy ang kaniyang galit.
\v 5 Naging tulad ng isang kaaway ang Panginoon sa aming mga Israelita, winasak niya kami. Winasak niya ang aming mga palasyo at sinira ang aming mga kuta. Nilipol niya ang maraming tao sa Jerusalem at hinayaan niyang humagulgol at tumangis kami para sa mga pinatay.
\v 6 Idinulot niyang pabagsakin ng aming mga kaaway ang kaniyang templo na para bang napakadali tulad ng isang kubo sa isang hardin. Pinalimot niya sa amin na kaniyang mga tao, ang lahat ng mga sagradong kapistahan at mga Araw ng Pamamahinga. Kinasuklaman niya ang aming mga hari at mga pari dahil sa kaniyang matinding galit sa kanila.
\v 7 Tinanggihan ni Yahweh ang mismong altar kung saan kami nag-aalay ng mga hayop sa kaniya. Pinabayaan niya ang kaniyang templo. Pinahintulutan niya ang aming mga kaaway na pabagsakin ang mga pader ng aming templo at ng aming mga palasyo. Sumigaw sila nang may katagumpayan sa templo ni Yahweh, tulad ng aming isinisigaw dati sa panahon ng aming sagradong kapistahan.
\v 8 Ipinasya ni Yahweh na pabagsakin ng aming mga kaaway ang pader ng aming lungsod. Para bang sinukat niya muna ang mga pader at pagkatapos ay ganap na winasak ang mga ito. Para bang pinanaghoy niya ang mga tore at mga pader dahil nasira na ang mga ito ngayon.
\v 9 Bumagsak na ang tarangkahan ng lungsod. Winasak ng kaaway ang mga rehas na nakakabit sa isinarang mga tarangkahan. Pinilit ang hari at mga opisyal na pumunta sa ibang mga bansa, kung saan walang nagtuturo ng mga kautusan na ibinigay ng Diyos kay Moises. Hindi nakakatanggap ng anumang pangitain ang mga propeta dahil hindi sila binigyan ni Yahweh.
\v 10 Nakaupo sa lupa ang mga matatandang kalalakihan ng Jerusalem, at wala silang sasabihin. Labis silang nalungkot na nakasuot sila ng magaspang na tela at nagtatapon ng alikabok sa kanilang mga ulo. Malungkot na nakayuko ang mga batang babae ng Jerusalem, at nakasagi sa lupa ang kanilang mukha.
\v 11 Pagod na ang aking mga mata dahil sa aking mga luha. Lubos akong nagdadalamhati sa aking kalooban. Dahil napakaraming namatay sa aking mga kababayan, nagdadalamhati ako sa aking kalooban at pagod na pagod. Nahihimatay maging mga bata at sanggol sa daan dahil wala silang makain.
\v 12 Sumisigaw sila sa kanilang mga ina, 'Kailangan namin ng makakain at maiinom!" Bumabagsak sila tulad ng sugatang kalalakihan sa mga lansangan ng lungsod. Naghihingalo sila sa mga kamay ng kanilang ina.
\v 13 Kayong mga tao ng Jerusalem, wala akong anumang masabi na makakatulong sa inyo. Walang mga tao ang nagdurusa tulad ng pagdurusa ninyo. Hindi ko alam ang aking gagawin upang maaliw kayo. Lumubog kayo na para bang lumubog kayo sa dagat. Walang sinuman ang makapagpapanumbabalik ng inyong lungsod sa kung ano ito dati.
\v 14 Sinasabi ng mga propeta sa inyo na nakakita sila ng pangitain mula kay Yahweh, ngunit hindi totoo at walang kabuluhan ang kanilang sinabi. Hindi sila nagtrabaho upang iligtas kayo mula sa inyong mga kaaway. Hindi nila sinabi sa inyong nagkasala kayo. Sa halip, inihayag nila sa inyo ang mga bagay na sinabi nilang sinabi sa kanila ni Yahweh, tinukso nila kayong maniwala sa kanila, at ginawa ninyo.
\v 15 Ang lahat ng mga dumaraan sa inyo ay ginagawa kayong katatawanan sa pamamagitan ng pagpalakpak ng kanilang mga kamay, pag-iling ng kanilang mga ulo at pagsutsot sa inyo. Sinasabi nilang, "Ito ba ang dakilang lungsod ng Jerusalem? Ito ba ang lungsod na sinasabi ng mga tao na ang pinaka-magandang lungsod sa mundo, ang lungsod na nagdudulot ng kagalakan sa lahat ng tao sa mundo?"
\v 16 Pinagtatawanan kayong lahat ngayon ng inyong mga kaaway; kinamumuhian nila kayo nang labis kaya sinusutsutan nila kayo at pinagngangalit ang kanilang mga ngipin sa inyo. Sinasabi nilang, "Winasak namin ang Israel! Ito ang matagal na naming hinihintay, at ngayon ay nangyari na!"
\v 17 Isinagawa ni Yahweh ang kaniyang balak. Matagal na ang nakalipas nang nagbanta siyang lilipulin kayo, at ngayon ginawa nga niya ito. Winasak niya ang inyong lungsod nang walang pagkahabag sa inyo. Binigyan niya ng kakayahang magsaya ang inyong mga kaaway sa pagkakatalo sa inyo. Binigyan niya ng kakayahan ang inyong kaaway upang patuloy pang lumakas.
\v 18 Nais kong makapagsalita ang mga lungsod tulad ng mga taong sumisigaw kay Yahweh! Sasabihin ko sa mga pader, "Sumigaw kayo ng tulong kay Yahweh! Hayaan ninyong umagos ang inyong mga luha sa araw at sa gabi! Hayaan silang umagos tulad ng mga ilog. Huwag kayong tumigil sa pagdadalamhati; huwag kayong tumigiln sa pag-iyak."
\v 19 Bumangon kayo sa bawat gabi at umiyak. Sabihin ninyo kay Yahweh ang inyong nararamdaman sa inyong kalooban. Itaas ninyo ang inyong mga kamay upang makiusap sa kaniyang mahabag upang hadlangan pagkamatay ng ating mga anak. Nahihimatay sila sa mga sulok lansangan dahil wala na silang makaing pagkain.
\v 20 Yahweh, tingnan mo ang iyong mga tao at mahabag ka sa amin. Pinahirapan mo ba ng ganito ang mga tao noon? Tiyak na hindi tama na kainin ng mga kababaihan ang laman ng kanilang sariling mga anak, ang mga anak na lagi nilang inaalagaan. Hindi tama na pinapatay ng aming mga kaaway ang mga pari at mga propeta sa iyong templo!
\v 21 Nakakalat ang mga bangkay ng mga tao ng lahat ng edad sa mga lansangan. May mga bangkay din ng mga binata at dalaga na pinatay ng aming mga kaaway sa pamamagitan ng kanilang mga espada. Dahil galit na galit ka, pinapatay mo sila. Walang awa mo silang pinatay.
\v 22 Tinawag mo ang aming mga kaaway upang salakayin kami sa bawat direksiyon, na para bang tinatawag mo sila upang pumunta sa isang pagdiriwang. Sa mga panahong iyon, ipinakita mong galit na galit ka, at walang nakatakas. Pinagpapatay ng aming mga kaaway ang aming maliliit na mga anak, ang mga inalagaan namin at pinalaki.
\s5
\c 3
\p
\v 1 Ako, ang nagsusulat nito, ay isang taong pinahirapan ni Yahweh, dahil galit siya.
\v 19 Kapag naaalala ko kung paano ako nagdusa at kung paano ako nagpagala-gala malayo sa aking tahanan, tulad iyon ng paginom ng napakapait na inumin.
\v 24 Kaya taimtim kong sinasabi sa aking sarili, "Ibinibigay sa akin ni Yahweh kung ano ang kailangan ko. Kaya tiyak akong maghihintay na gumawa siya ng mga mabubuting bagay para sa akin."
\v 30 Kung may sinumang humampas sa isang pisngi natin, kailangan nating ibaling ang ating kabilang pisngi sa taong iyon upang maaari niya rin itong hampasin, at tanggapin kapag tayo ay iniinsulto ng iba.
\v 59 Ngayon Yahweh, nakita mo na ang mga masasakim na mga bagay na ginawa sa akin ng aking mga kaaway, kaya husgahan mo ako at ipakita mo na wala akong ginawang mali.
\v 66 Dahil galit ka sa kanila, tugsisin mo sila at lipulin mo sila, hanggang wala nang matira sa kanila sa mundo.
\s5
\c 4
\p
\v 1 Tulad ng purong ginto ang aming mga kababayan noon, ngunit sila ngayon ay wala ng kabuluhan. Tulad ng pagkalat ng aming mga kaaway ng mga banal na bato sa iyong templo, kaya ikinalat din nila ang aming mga binata.
\v 2 Kasing halaga ng maraming bilang ng ginto ang mga binata ng Jerusalem, ngunit ngayon ibinibilang sila nang walang halaga tulad ng karaniwang mga putik na palayok.
\v 3 Pinapasuso maging ng mga babaing asong gubat ang kanilang mga tuta, ngunit malupit ang aking mga tao sa kanilang sariling mga anak; ang mga ina ay katulad ng mga ostrits sa ilang na pinapabayaan ang kanilang mga itlog.
\v 4 Nakadikit sa ngalangala ng kanilang mga bibig ang mga dila ng mga sanggol ng aking mga tao dahil sa labis nilang pagka-uhaw; humihingi ang mga bata ng kaunting pagkain, ngunit wala man lang nagbibigay sa kanila.
\v 5 Ang mga taong nakakakain dati ng masasarap na pagkain ay nagugutom ngayon sa mga lansangan; ang mga nakakapagsuot dati ng magagandang mga damit ay naka-paa na ngayon na nasa maruming tambakan upang makahanap ng pagkain.
\v 6 Biglaan ang pagkamatay ng mga tao sa Sodoma sa isang sakuna, at wala ni isang tumulong sa kanila; ngunit pinarusahan ng Diyos nang mas higit ang aking mga kababayan kaysa sa mga tao ng Sodoma.
\v 7 Dati, magandang tingnan ang aming mga pinuno, mas maputi at mas makinang kaysa sa niyebe o gatas; ang kanilang mga katawan ay mas mapula kaysa pulang koral; napakalakas at napakalusog nila.
\v 8 Ngunit ngayon ang kanilang mukha ay mas maitim kaysa uling at walang nakakakilala sa kanila sa mga lansangan. Ang kanilang mga balat ay natuyo sa kanilang mga buto at ito ay natuyo gaya ng isang patpat.
\v 9 Mas mainam na mamatay sa labanan kaysa sa mamatay sa gutom. Walang pagkaing maaani sa mga bukirin, kaya unti-unting naghihirap ang mga tao sa pagkagutom hanggang sa mamatay sila.
\v 10 Pinatay at niluto ng mga napakabait na kababaihan ang kanilang mga sariling anak, sila ay kinain nila nang wala ng ibang makain, nang mapalibutan ng mga kaaway na kawal ang Jerusalem.
\v 13 Ngunit iyan ang nangyari; nangyari ito dahil nagkasala ang mga propeta; nagkasala rin ang mga pari dahil sila ang naging dahilan ng pagkamatay ng mga inosenteng tao.
\v 14 Gumala-gala ang mga propeta at mga pari sa mga lansangan na para bang mga bulag. Walang sinuman ang sumasagi sa kanila dahil ang kanilang mga damit ay nadungisan ng dugo ng mga inosenteng tao.
\v 15 Sumigaw ang ang mga propeta at mga pari, "Lumayo kayo sa amin! Huwag ninyo kaming hawakan!" Kaya ang mga propeta at mga pari ay lumayo sa Israel, at sila ay nagpagala-gala sa mga bansa-bansa, ngunit ang mga tao sa bawat bansa ay patuloy na nagsasabi sa kanila, "Hindi kayo maaaring manatili rito!"
\v 16 Si Yahweh mismo ang nagkalat sa kanila; hindi na siya nag-aalala sa kanila. Hindi na tinatanggap ng mga tao ang aming mga pari, at hindi na nila pinapahalagahan ang mga nakatatanda.
\v 17 Patuloy kaming naghahanap ng isang taong tutulong sa amin bago pa mahuli ang lahat, ngunit ito ay walang kabuluhan. Patuloy kaming nagbabantay upang makita kung ililigtas kami ng isa sa aming mga kapanalig, ngunit wala sa mga bansa na aming hinihintay ang may gustong tumulong sa amin.
\v 18 Tinutugis kami ng aming mga kaaway, kaya hindi man lang kami makapaglakad sa aming mga lansangan, baka sunggaban nila kami. Malapit na kaming mahuli ng aming mga kaaway; panahon na upang patayin nila kami.
\v 19 Sila na humahabol sa amin ay mabilis pa kaysa sa mga agilang lumilipad sa alapaap. Kahit na tumakas pa kami sa mga bundok o magtago sa mga disyerto, nauna sila sa amin at hinintay upang salakayin kami.
\v 20 Ang aming hari, na hinirang ni Yahweh, ang siyang nagbigay kakayahan sa amin upang mabuhay, siya na pinagkatiwalaan namin upang ipagtanggol kami nang namuhay kami sa ibang bansa bilang alipin — hinuli siya ng mga kaaway, gaya ng paghuli sa isang hayop sa hukay.
\v 21 Kayong mga tao ng Edom at Uz, dapat maging masaya kayo hangga't kaya ninyo, ngunit parurusahan din kayo ni Yahweh. Malalasing kayo kaya huhubarin ninyo ang inyong mga damit.
\v 22 Kayong mga tao ng Jerusalem, matatapos na ang panahon ng pagpaparusa sa inyo ni Yahweh; hindi na siya papayag na kayo ay mamuhay pa sa pagkabihag. Ngunit kayong mga tao ng Edom, parurusahan kayo ni Yahweh; ihahayag niya ang mga masasamang bagay na inyong ginawa.
\s5
\c 5
\p
\v 1 Yahweh isipin mo kung ano ang nangyari sa amin. Tingnan mo kung paanong wala na ni isa mang gumagalang sa amin.
\v 8 Ngayon, ang mga taong namamahala sa amin ay mga bihag mismo ng kanilang mga panginoon sa Babilonia. Walang sinumang makapagliligtas sa amin mula sa kanilang kapangyarihan.
\v 9 Pumunta kami sa malayo upang humanap ng pagkain, ngunit nanganganib kaming mamatay kung gagawin namin, dahil sa mga magnanakaw na naninirahan sa ilang.
\v 13 Pinipilit nilang maggiling ang aming mga binata ng harina sa pamamagitan ng mga gilingang bato, at sumusuray-suray ang mga binata habang sapilitan silang pinagbubuhat ng mabigat na pasang panggatong.
\v 14 Hindi nakakaupo sa mga tarangkahan ng lungsod ang aming mga nakatatanda upang gumawa ng mahalagang mga pasiya; hindi na nakakapag-tugtog ng kanilang mga instrumento ang mga binata.
\v 16 Ang mga bulaklak na tiara ay bumabagsak sa aming mga ulo. Kakila-kilabot na mga bagay ang mga nangyari sa amin dahil sa mga kasalanang ginawa namin.
\v 22 Pakiusap, gawin mo iyon, o totoo bang tinanggihan mo na kami magpakailanman? Totoo bang hindi ka titigil kailanman sa pagiging galit na galit sa amin?