tl_nam_text_ulb/03/05.txt

1 line
534 B
Plaintext

\v 5 "Pagmasdan mo, ako ay laban sa iyo," ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo. "Aking itataas ang iyong palda hanggang sa iyong mukha at ipapakita ang iyong mga maseselang bahagi sa mga bansa, ang iyong kahihiyan sa mga kaharian." \v 6 Magtatapon ako ng nakakadiring dumi sa iyo at gagawin kang mabaho; Gagawin kitang isang bansa na titingnan ng lahat. \v 7 Mangyayari ito na ang lahat ng makakakita sa iyo ay lalayo at sasabihin, 'Nawasak ang Ninive, sino ang iiyak para sa kaniya?' Saan ako makakahanap ng sinumang aaliw sa iyo?"