tl_nam_text_ulb/02/03.txt

1 line
445 B
Plaintext

\v 3 Pula ang mga kalasag ng kaniyang mga magigiting na lalaki at nakadamit ng matingkad na pula ang mga matatapang na lalaki; kumikislap ang metal ng kanilang mga karwahe sa araw na iyon na sila ay nakahanda, at ang mga sibat na saypres ay iwinagayway sa hangin. \v 4 Rumaragasa ang mga karwahe sa mga lansangan; mabilis silang pumaroo't pumarito sa mga maluluwang na mga lansangan. Para silang mga sulo, at tumatakbo sila na parang mga kidlat.