tl_nam_text_ulb/02/01.txt

1 line
404 B
Plaintext

\v 1 Ang siyang dudurog sa iyo ng pira-piraso ay parating na laban sa iyo. Maglagay ng bantay sa mga pader ng siyudad, bantayan ang mga kalye, palakasin ang iyong mga sarili, tipunin ang iyong mga hukbo. \v 2 Sapagkat pinanunumbalik ni Yahweh ang pagkamaharlika ni Jacob, tulad ng kamaharlikaan ng Israel, kahit na sinira ang mga ito ng mga mandarambong at winasak ang mga sanga ng puno ng kanilang ubas.