tl_nam_text_ulb/01/09.txt

1 line
487 B
Plaintext

\v 9 Ano ang masamang binabalak ninyong mga tao laban kay Yahweh? Wawakasan niya ito nang lubusan at hindi na magkakaroon ng kaguluhan sa ikalawang pagkakataon. \v 10 Sapagkat magiging sala-salabat silang tulad ng matinik na mga halaman; malulunod sila sa kanilang sariling inumin; lubos silang lalamunin sa pamamagitan ng apoy tulad ng tuyong pinaggapasan. \v 11 May isang titindig mula sa iyo, Ninive, ang siyang nagbalak ng masama laban kay Yahweh, isang taong nagtaguyod ng kasamaan.