tl_mat_text_ulb/08/18.txt

1 line
465 B
Plaintext

\v 18 Ngayon, nang nakita ni Jesus ang maraming tao sa paligid niya, nagbigay siya ng mga tagubilin na aalis siya upang magpunta sa kabilang ibayo ng Dagat ng Galilea. \v 19 At may lumapit na eskriba sa kaniya at nagsabi, "Guro, susunod ako sa iyo saan ka man magpunta." \v 20 Sinabi ni Jesus sa kaniya, "May mga lungga ang mga asong-gubat, may mga pugad ang mga ibon sa himpapawid, ngunit ang Anak ng Tao ay wala man lamang lugar na mapagsandalan ng kaniyang ulo."