tl_mat_text_ulb/04/01.txt

1 line
464 B
Plaintext

\v 1 Pagkatapos, pinangunahan ng Espiritu si Jesus sa ilang upang tuksuhin ng diyablo. \v 2 Noong nag-ayuno siya sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi, siya ay nagutom. \v 3 Dumating ang manunukso at sinabi sa kaniya, "Kung ikaw ang Anak ng Diyos, utusan mo ang mga batong ito na maging tinapay." \v 4 Ngunit sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, "Nasusulat, 'Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao kundi sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng Diyos."'