tl_mat_text_ulb/28/05.txt

1 line
482 B
Plaintext

\v 5 Kinausap ng anghel ang mga babae at sinabi sa kanila, "Huwag kayong matakot, dahil alam kong hinanap ninyo si Jesus na ipinako sa krus. \v 6 Wala na siya dito, ngunit bumangon na katulad ng kaniyang sinabi. Halikayo tingnan ang lugar na hinimlayan ng Panginoon. \v 7 Pumunta kayo kaagad at sabihin sa kaniyang mga alagad, 'Siya ay bumangon na mula sa mga patay. Makinig kayo, siya ay mauuna sa inyo sa Galilea. At doon makikita ninyo siya.' Makinig kayo, nasabi ko na sa inyo."