tl_mat_text_ulb/27/32.txt

1 line
385 B
Plaintext

\v 32 Habang sila ay lumalabas, nakakita sila ng taong taga Cirene na nagngangalang Simon, na kanilang pinilit na sumama sa kanila upang pasanin niya ang kaniyang krus. \v 33 At sila ay nakarating sa lugar na tinatawag na Golgota, na ang ibig sabihin ay, "Lugar ng mga Bungo." \v 34 At siya ay binigyan ng alak na may halong apdo. Ngunit nang matikman niya ito, ayaw niya itong inumin.