tl_mat_text_ulb/27/17.txt

1 line
470 B
Plaintext

\v 17 At nang sila ay nagkatipun-tipon, sinabi sa kanila ni Pilato, "Sino ang gusto ninyong palayain ko para sa inyo? Si Barabas, o si Jesus na tinatawag na Cristo?" \v 18 Dahil alam niya na ipinasakamay siya ng mga ito dahil sa inggit. \v 19 Habang siya ay nakaupo sa upuan ng hukuman, ang kaniyang asawa ay nagpadala ng pasabi sa kaniya na nagsabi, "Huwag kang makialam sa matuwid na taong iyan. Sapagkat labis akong pinahirapan ngayon sa panaginip tungkol sa kaniya."