tl_mat_text_ulb/27/11.txt

1 line
469 B
Plaintext

\v 11 Ngayon, nakatayo si Jesus sa harap ng gobernador, at tinanong siya ng gobernador, "Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?" Sumagot si Jesus sa kaniya, "Ikaw na ang nagsabi." \v 12 Ngunit nang siya ay paratangan ng mga punong pari at mga nakatatanda, hindi siya sumagot ng kahit ano. \v 13 At sinabi ni Pilato sa kaniya, "Hindi mo ba naririnig ang mga paratang laban sa iyo?" \v 14 Ngunit hindi siya sumagot ng kahit isang salita, kaya ang gobernador ay labis na namangha.