tl_mat_text_ulb/24/48.txt

1 line
485 B
Plaintext

\v 48 Ngunit kung may masamang utusan na magsasabi sa puso niya, 'Naantala ang aking amo,' \v 49 at nagsimulang mamalo ng kapwa niyang utusan, at makipagkainan at makipag-inuman sa mga lasingero, \v 50 darating ang amo ng bahay na iyon sa araw na hindi inaasahan ng utusan, sa oras na hindi niya alam. \v 51 Hahatiin siya sa dalawa ng kaniyang amo at gagawin ang kaniyang kapalaran katulad ng sasapitin ng mga mapagkunwari, kung saan mayroong pagtatangis at pagngangalit ng mga ngipin.