tl_mat_text_ulb/22/05.txt

1 line
399 B
Plaintext

\v 5 Ngunit binalewala ng mga taong ito ang kaniyang paanyaya. Ang iba ay bumalik sa kanilang sariling mga bukirin, ang iba naman ay nagtungo sa mga lugar ng kanilang negosyo. \v 6 Ang iba naman ay sinunggaban ang mga alipin ng hari, pinahiya at pinatay sila. \v 7 Ngunit nagalit ang hari, Inutusan niya ang kaniyang mga sundalo na patayin ang mga mamamatay na iyon, at sunugin ang kanilang lungsod.