tl_mat_text_ulb/16/21.txt

1 line
603 B
Plaintext

\v 21 Magmula sa oras na iyon sinimulang sabihin ni Jesus sa kaniyang mga alagad na kailangan niyang pumunta sa Jerusalem, magdurusa ng maraming bagay sa kamay ng mga nakatatanda at sa mga punong pari at sa mga eskriba, papatayin at mabubuhay muli sa ikatlong araw. \v 22 Pagkatapos ay hinila siya ni Pedro sa tabi at pinagsabihan siya, na sinasabi, "Mailayo sana ito sa iyo, Panginoon, hindi sana ito mangyari sa iyo." \v 23 Ngunit bumaling si Jesus kay Pedro at sinabi, "Lumayo ka sa akin, Satanas! Hadlang ka sa akin, sapagkat wala kang pakialam sa mga bagay ng Diyos, kundi sa mga bagay ng mga tao."