tl_mat_text_ulb/16/13.txt

1 line
479 B
Plaintext

\v 13 Ngayon, nang dumating si Jesus sa mga bahagi ng Cesarea ng Filipos, tinanong niya ang kaniyang mga alagad, na sinasabi, "Ano ang sinasabi ng mga tao kung sino ang Anak ng Tao?" \v 14 Sinabi nila, "Sabi ng iba na si Juan na Tagapag-bawtismo; ang iba, si Elias; at ang iba, si Jeremias, o isa sa mga propeta." \v 15 Sinabi niya sa kanila, "Ngunit ano ang sinasabi ninyo sa kung sino ako?" \v 16 Sumagot si Simon Pedro at sinabi, "Ikaw ang Cristo, ang Anak ng buhay na Diyos."