tl_mat_text_ulb/13/54.txt

1 line
532 B
Plaintext

\v 54 Pagkatapos ay pumasok si Jesus sa kaniyang sariling rehiyon at nagturo sa mga tao sa kanilang mga sinagoga. Ang kinalabasan nito ay namangha sila at sinabi, "Saan kinuha ng taong ito ang kaniyang karunungan at saan nagmula ang mga himalang ito? \v 55 Hindi ba siya ang anak ng karpintero? Hindi ba't si Maria ang kaniyang ina? At ang mga kapatid niya ay sina Santiago, Jose, Simon, at Judas? \v 56 At hindi ba ang kaniyang mga kapatid na babae ay kasama din natin? Kaya saan nakuha ng taong ito ang lahat ng mga bagay na ito?"