tl_mat_text_ulb/12/38.txt

1 line
515 B
Plaintext

\v 38 At sumagot ang ilang mga eskriba at Pariseo kay Jesus at sinabi, "Guro, nais naming makakita ng palatandaan mula sa iyo," \v 39 Ngunit sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, "Isang masama at mapangalunyang salinlahi ang naghahanap ng palatandaan. Ngunit walang ibibigay na palatandaan sa kaniya maliban sa palatandaan ni Jonas na propeta. \v 40 Sapagkat gaya ni Jonas na tatlong araw at tatlong gabi sa tiyan ng malaking isda, gayundin na ang Anak ng Tao ay tatlong araw at tatlong gabi na nasa ilalim ng lupa.