tl_luk_text_ulb/03/21.txt

1 line
350 B
Plaintext

\v 21 At nangyari ngang habang ang lahat ng tao ay binabautismuhan, si Jesus ay nabautismuhan din. Habang siya ay nananalangin, ang kalangitan ay bumukas. \v 22 Ang Banal na Espiritu ay bumaba sa kaniya na may anyo na gaya ng kalapati, habang may isang tinig ang nanggaling sa langit, "Ikaw ang aking minamahal na Anak. Lubos akong nalulugod sa Iyo."