tl_luk_text_ulb/02/22.txt

1 line
505 B
Plaintext

\v 22 Nang lumipas ang nakatakdang bilang ng mga araw ng kanilang seremonya ng paglilinis, alinsunod sa kautusan ni Moises, dinala siya ni Jose at Maria sa templo sa Jerusalem para iharap siya sa Panginoon. \v 23 Sapagkat nasusulat sa kautusan ng Panginoon, "Ang bawat anak na lalaki na nagbubukas sa sinapupunan ay tatawaging nakatalaga sa Panginoon." \v 24 Sila rin ay dumating upang mag-alay ng handog na alinsunod sa sinabi sa kautusan ng Panginoon, "dalawang kalapati o dalawang inakay na batu-bato."