tl_luk_text_ulb/02/17.txt

1 line
444 B
Plaintext

\v 17 Pagkatapos nilang makita ito, ipinaalam nila sa mga tao kung ano ang sinabi sa kanila tungkol sa batang ito. \v 18 Lahat ng nakarinig nito ay namangha sa sinabi sa kanila ng mga pastol. \v 19 Ngunit laging iniisip ni Maria ang lahat ng bagay na kaniyang narinig, iniingatan ang mga ito sa kaniyang puso. \v 20 Bumalik ang mga pastol na niluluwalhati at pinupuri ang Diyos sa lahat ng kanilang narinig at nakita, tulad ng sinabi sa kanila.