tl_luk_text_ulb/24/45.txt

1 line
348 B
Plaintext

\v 45 At binuksan niya ang kanilang mga isipan upang maunawaan nila ang Kasulatan. \v 46 Sinabi niya sa kanila, "Nasusulat, na kailangang maghirap ang Cristo, at muling mabuhay mula sa patay sa ikatlong araw. \v 47 At ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan ay dapat maipangaral sa kaniyang pangalan sa lahat ng mga bansa, mula sa Jerusalem.