tl_luk_text_ulb/18/28.txt

1 line
431 B
Plaintext

\v 28 Sinabi ni Pedro, "Tingnan mo, iniwan namin ang lahat ng aming pag-aari at sumunod sa iyo." \v 29 Kaya sinabi ni Jesus sa kanila, "Totoo, sinasabi ko sa inyo na walang sinumang nag-iwan ng kaniyang bahay, o asawang babae, o mga kapatid na lalaki, o mga magulang, o mga anak, para sa kapakanan ng kaharian ng Diyos, \v 30 ang hindi makatatanggap ng mas marami sa mundong ito at sa mundong darating, ng buhay na walang hanggan."