tl_luk_text_ulb/18/15.txt

1 line
518 B
Plaintext

\v 15 Dinadala rin ng mga tao kay Jesus ang kanilang mga sanggol, upang sila ay kaniyang mahawakan, ngunit nang makita ito ng mga alagad, sinaway nila ang mga ito, \v 16 Ngunit pinalapit sila ni Jesus sa kaniya, sinasabi, "Payagan ninyo ang mga maliliit na bata na lumapit sa akin at huwag ninyo silang pagbawalan. Sapagkat ang kaharian ng Diyos ay nauukol sa mga gaya nila. \v 17 Totoo, sinasabi ko sa inyo, ang sinumang hindi tatanggap sa kaharian ng Diyos na tulad ng isang bata ay tiyak na hindi makapapasok doon."