tl_luk_text_ulb/16/08.txt

1 line
389 B
Plaintext

\v 8 At pinuri ng amo ang hindi makatarungang tagapamahala dahil kumilos siya nang may katusuhan. Sapagkat ang mga anak ng mundong ito ay mas tuso sa pakikitungo sa kanilang sariling tao kaysa mga anak ng liwanag. \v 9 Sinasabi ko sa inyo, makipagkaibigan kayo sa pamamagitan ng perang hindi makatarungan, para kapag ito ay naubos na, maaari ka nilang tanggapin sa walang hanggang tirahan.