tl_luk_text_ulb/11/29.txt

1 line
380 B
Plaintext

\v 29 Nang nagtitipon ang napakaraming tao, sinimulan niyang sabihin, "Ang salinlahi na ito ay masamang salinlahi. Naghahanap ito ng palatandaan ngunit walang palatandaan na maibibigay dito, kung hindi ay ang palatandaan ni Jonas. \v 30 Sapagkat katulad ni Jonas na naging palatandaan sa mga taga-Nineveh, ganoon din na ang Anak ng Tao ay magiging palatandaan sa salinlahi na ito.