tl_luk_text_ulb/10/25.txt

1 line
530 B
Plaintext

\v 25 Masdan ito, may isang guro ng kautusan ng Judio na tumindig at sinubukan siya, sinabi, "Guro, anong dapat kong gawin upang magmana ng walang hanggang buhay?" \v 26 Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Ano ang nakasulat sa kautusan? Paano mo ito binabasa?" \v 27 Sumagot na nagsabi siya, "Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong lakas, at nang buong kaisipan, at ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili." \v 28 Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Tama ang iyong sinabi. Gawin mo ito, at mabubuhay ka."