tl_luk_text_ulb/09/43.txt

1 line
493 B
Plaintext

\v 43 Silang lahat ay namangha sa kadakilaan ng Diyos. Ngunit habang sila ay namamangha parin sa mga bagay na kaniyang ginawa, sinabi niya sa kaniyang mga alagad, \v 44 "Palalimin ninyo ang mga salitang ito sa inyong mga tainga, sapagkat ang Anak ng Tao ay ibibigay sa mga kamay ng mga tao." \v 45 Ngunit hindi nila naintindihan ang ibig sabihin ng mga pahayag na ito, at ito ay lingid sa kanila, kaya hindi nila ito maintindihan. Natakot silang magtanong sa kaniya tungkol sa pahayag na iyon.