tl_luk_text_ulb/09/37.txt

1 line
610 B
Plaintext

\v 37 At nangyari nga sa sumunod na araw, nang nakababa sila sa bundok, sumalubong sa kaniya ang napakaraming tao. \v 38 Masdan ito, mayroong isang ama na sumisigaw mula sa maraming tao na nagsasabi, "Guro, nagmamakaawa ako na tingnan ninyo ang aking anak na lalaki, sapagkat siya ay nag-iisa kong anak. \v 39 Sinasaniban siya ng isang espiritu, at bigla siyang sumisigaw, kaya siya ay nangingisay na bumubula ang bibig. Pahirapan itong umalis sa kaniya, lubha siyang sinasaktan nito kapag ito ay umaalis. \v 40 Nagmakaawa ako sa iyong mga alagad na piliting palabasin ito sa kaniya, ngunit hindi nila magawa."