tl_luk_text_ulb/01/26.txt

1 line
516 B
Plaintext

\v 26 Ngayon sa kaniyang ikaanim na buwan, ang anghel na si Gabriel ay inutusan ng Diyos sa isang lungsod sa Galilea na ang pangalan ay Nazaret, \v 27 sa isang birhen na nakatakdang ikasal sa lalaking nagngangalang Jose. Siya ay kabilang sa angkan ni David at ang pangalan ng birhen ay Maria. \v 28 Siya ay lumapit sa kaniya at sinabi, "Binabati kita, ikaw ay lubos na pinagpala! Ang Panginoon ay nasa iyo." \v 29 Ngunit siya ay lubhang naguluhan sa kaniyang sinabi at siya ay namangha kung anong uri ng pagbati ito.