tl_luk_text_ulb/15/25.txt

1 line
383 B
Plaintext
Raw Permalink Normal View History

\v 25 Sa panahong iyon, ang kaniyang nakatatandang anak ay nasa bukid. Nang siya ay dumating at palapit na sa bahay, narinig niya ang tugtugan at sayawan. \v 26 Tinawag niya ang isa sa mga utusan at tinanong kung ano ang mga bagay na ito. \v 27 Sinabi ng utusan sa kaniya, 'Dumating ang iyong kapatid at nagpakatay ang iyong ama ng pinatabang guya, dahil nakabalik siya nang ligtas.'