tl_jon_text_ulb/03/04.txt

1 line
366 B
Plaintext

\v 4 Nagsimulang pumasok si Jonas sa lungsod at pagkatapos ng isang araw na paglalakbay sumigaw siya at sinabing, "Sa loob ng apatnapung araw ang Ninive ay ibabagsak." \v 5 Ang mga tao sa Ninive ay naniwala sa Diyos at nagpahayag sila ng isang pag-aayuno. Nagsuot silang lahat ng magaspang na tela, mula sa pinakamatasas sa kanila hanggang sa pinakamababa sa kanila.