tl_jon_text_ulb/01/11.txt

1 line
553 B
Plaintext

\v 11 Pagkatapos sinabi nila kay Jonas, "Ano ang dapat naming gawin sa iyo upang humupa ang dagat para sa atin?" Sapagkat ang dagat ay lalong naging marahas. \v 12 Sinabi ni Jonas sa kanila, "Buhatin ninyo ako at itapon ninyo ako sa dagat. Pagkatapos huhupa ang dagat para sa inyo, sapagkat alam kong dahil sa akin kaya nangyayari sa inyo ang malakas na bagyong ito." \v 13 Gayunpaman, ang mga lalaki ay nagsumikap sumagwan ng matindi upang makabalik sila sa lupa, ngunit hindi nila ito magawa dahil ang dagat ay lalong nagiging marahas laban sa kanila.