tl_jhn_text_ulb/08/04.txt

1 line
360 B
Plaintext

\v 4 At sinabi nila kay Jesus, "Guro, ang babaeng ito ay nahuli sa pangangalunya. \v 5 Ngayon, iniutos sa kautusan ni Moises na batuhin ang ganitong uri ng mga tao; ano ang iyong masasabi tungkol sa kaniya?" \v 6 Sinabi nila ito upang bitagin siya upang mayroon silang maiparatang sa kaniya, ngunit yumuko si Jesus at sumulat sa lupa gamit ang kaniyang daliri.