tl_jhn_text_ulb/19/25.txt

1 line
560 B
Plaintext

\v 25 Ginawa ng mga sundalo ang mga bagay na ito. Ang ina ni Jesus, ang kapatid ng ina ni Jesus, si Maria na asawa ni Cleopas, at Maria Magdalena-- ang mga babaeng ito ay nakatayo malapit sa krus ni Jesus. \v 26 Nang makita ni Jesus ang kaniyang ina at ang alagad na kaniyang minamahal na nakatayo sa malapit, sinabi ni Jesus sa kaniyang ina, "Babae, tingnan mo, narito ang iyong anak." \v 27 Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa alagad, "Tingnan mo, narito ang iyong ina!" Mula sa mga oras na iyon tinanggap na siya ng alagad na kabahagi ng sariling niyang tahanan.