tl_jhn_text_ulb/18/01.txt

1 line
535 B
Plaintext

\v 1 Pagkatapos sabihin ni Jesus ang mga salitang ito, lumabas siya kasama ang kaniyang mga alagad sa Lambak ng Cedron, kung saan mayroong isang hardin na kaniyang pinasok, siya at ang kaniyang mga alagad. \v 2 Ngayon si Judas na magkakanulo sa kaniya ay alam din ang lugar, dahil madalas magpunta roon si Jesus kasama ang kaniyang mga alagad. \v 3 Pagkatapos, si Judas, pagkatanggap sa grupo ng mga sundalo at ang mga opisiyal mula sa mga pinunong mga pari at ng mga Pariseo, dumating roon ng may mga lampara, mga sulo at mga sandata.