tl_jhn_text_ulb/17/09.txt

1 line
474 B
Plaintext

\v 9 Nananalangin ako para sa kanila. Hindi ako nananalangin para sa mundo ngunit para sa kanilang mga ibinigay mo sa akin, dahil sila ay sa iyo. \v 10 Ang lahat ng bagay na akin ay sa iyo, at ang mga bagay na sa iyo ay akin; naluwalhati ako sa kanila. \v 11 Ako ay hindi na sa mundo, ngunit ang mga taong ito ay nasa mundo, at ako ay pupunta na sa iyo. Banal na Ama, panatilihin sila sa iyong pangalan na ibinigay mo sa akin upang sila ay maging isa, katulad natin na iisa.