\v 5 Subalit, ngayon ako ay pupunta sa kaniya na nagsugo sa akin, ngunit wala ni isa man sa inyo ang nagtanong sa akin: " Saan ka pupunta?" \v 6 Dahil sa sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito, napuno ng kalungkutan ang inyong puso. \v 7 Gayunpaman, sinasabi ko sa inyo ang katotohanan: makabubuti sa inyo na ako ay lumisan; dahil kung hindi ako lilisan; hindi darating sa inyo ang Manga-aliw, subalit kung ako ay lilisan, susuguin ko siya sa inyo.