\c 2 \v 1 Mga kapatid ko, huwag kayong basta lamang manampalataya sa ating Panginoon Jesus-Cristo, na Panginoon ng kadakilaan, ngunit may pagtatangi naman sa ilang mga tao, \v 2 Kung may taong pumasok sa inyong pagpupulong na may suot na mga gintong singsing at may mga marangyang kasuotan, at mayroon ding pumasok na taong mahirap na may maruming kasuotan, \v 3 at nagbigay lamang kayo ng pansin sa taong may marangyang kasuotan, at sinabing, "Maupo po kayo rito sa magandang lugar," ngunit sinabi mo sa taong mahirap, "Tumayo ka sa banda roon," o kaya ay, "maupo ka sa aking paanan," \v 4 hindi ba kayo gumagawa ng paghatol sa inyong sarili, at nagiging hukom ng may mga masasamang kaisipan?