\v 14 Ano ang kabutihan nito, mga kapatid, kung may magsasabi na mayroon siyang pananampalataya, ngunit wala siyang mga gawa? Kaya ba ng pananampalatayang iyon na iligtas siya? \v 15 Kung ang kapatid na lalake o kapatid na babae ang nangangailangan ng kasuotan at pagkain araw-araw, \v 16 at ang isa sa inyo ay magsasabi sa kanila, "Humayo kayong mapayapa, mangagpainit kayo at magpakabusog kayo,"' subalit hindi ninyo sila binigyan ng mga kinakailangan para sa katawan, anong kabutihan iyon? \v 17 Sa ganon ding pamamaraan ang pananampalataya lang, kung hindi ito nagtataglay ng mga gawa, ay patay.