tl_hab_text_ulb/02/18.txt

1 line
597 B
Plaintext

\v 18 Ano ang pakinabang mo sa inukit na anyo? Sapagkat ang taong nag-ukit nito, o siyang gumawa ng anyo mula sa nilusaw na metal ay tagapagturo ng kasinungalingan; dahil nagtitiwala siya sa kaniyang sariling gawa nang ginawa niya ang mga piping diyos na ito. \v 19 'Kaawa-awa sa taong nagsasabi sa mga kahoy, Gumising ka! O sa mga tahimik na bato, Bumangon ka!' Nagtuturo ba ang mga bagay na ito? Tingnan ninyo, ito ay nababalot ng ginto at pilak, ngunit wala itong hininga man lang. \v 20 Ngunit si Yahweh ay nasa loob ng kaniyang banal na templo! Manahimik ka sa harapan niya, lahat ng lupain!"