tl_hab_text_ulb/02/02.txt

1 line
363 B
Plaintext

\v 2 Sumagot si Yahweh sa akin at sinabi, "Itala mo ang pangitaing ito at isulat mo nang malinaw sa mga tapyas ng bato upang ang bumabasa sa mga ito ay makatakbo! \v 3 Sapagkat ang pangitain ay sa panahong hinaharap pa at sa wakas ay magsasalita at hindi mabibigo. Kahit na ito ay maaantala, hintayin mo ito! Sapagkat ito ay tiyak na darating at hindi magtatagal!