tl_hab_text_ulb/01/05.txt

1 line
488 B
Plaintext

\v 5 "Tingnan mo ang mga bansa at suriin ang mga ito; magtaka at mamangha! Sapagkat tinitiyak ko na mayroon akong gagawin sa mga araw mo na hindi mo paniniwalaan kapag ito ay ibinalita sa iyo. \v 6 Sapagkat tingnan mo! Ibabangon ko ang mga Caldeo—ang malupit at marahas na bansa—sila ay lumalakad sa buong kaluwangan ng lupain upang sakupin ang mga tahanan na hindi sa kanila. \v 7 Sila ay nakakasindak at nakakatakot; ang kanilang paghuhukom at karangyaan ay mula sa kanilang sarili!