tl_hab_text_ulb/02/04.txt

1 line
492 B
Plaintext

\v 4 Tingnan ninyo! Ang tao na siyang naghahangad nang higit para sa kaniyang sarili nang hindi matuwid, ay isang hambog. Ngunit ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng kaniyang pananampalataya! \v 5 Sapagkat ang alak ay isang mapanlinlang sa mayabang na binata upang hindi siya manatili, ngunit pinapalawak ang kaniyang nais gaya ng libingan at gaya ng kamatayan, at hindi nasiyahan kailanman. Tinitipon niya sa kaniyang sarili ang bawat bansa at lahat ng mga tao para sa kaniyang sarili.