tl_1jn_text_ulb/02/27.txt

1 line
590 B
Plaintext

\v 27 Para sa inyo, ang basbas na natanggap ninyo mula sa kanya ay nanatili sa inyo, at hindi ninyo kailangan ang sinuman upang turuan kayo. Ngunit kung paanong ang kanyang pagbabasbas ay nagtuturo sa inyo ng lahat at totoo at hindi kasinungalingan, at kung paano ito nagturo sa inyo, manatili sa kanya. \v 28 Ngayon, mga anak, manatili sa kanya upang kapag siya ay magpakita, tayo ay magkakaroon ng lakas ng loob at hindi mahihiya sa kanyang harapan sa kanyang pagdating. \v 29 Kung alam ninyong siya ay makatuwiran, alam ninyong ang lahat ng gumagawa ng tama ay ipinanganak mula sa kanya.